Nag-iisa Pa Rin

Page 65

Nag-iisa Pa Rin by tentenImae “Hindi pa nga eh,” ang sagot niya habang sinusubukan uli mag-dial sa kanyang cellphone. “Baka naman lowbat?” kunot-noo na saad naman ni Rick. “O `di kaya’y walang signal sa pinuntahan nila?” sunod naman na sabi ni Kurt. Naisuklay ni Hayden ang kanyang mg daliri sa kanyang buhok dahil sa labis-labis na pag-aalala. Ngayon lang kasi nawalay sa kanya ang kanyang mag-ina at wala pa iyon pasabi. Binubundol na din ng matinding kaba ang kanyang dibdib sa sobrang nerbyos at takot. Fifth year wedding anniversary pa man din nila ngayon. At hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may masamang nangyari sa kanyang mag-ina. Kasalanan naman kasi niya ang lahat. Dapat kasi ay hindi na niya pinatulan ang pagiging mainit ng ulo nito; at dapat rin ay naging pasensyoso siya sa tuwing napag-iinitan siya nito kahit sa napakaliit na bagay lamang. Dapat din kasi ay inintindi niya ang palagiang pagkakaroon nito ng topak at pagiging Are you a tagalog love story writer? Let us publish your stories online at SOEURSBELLE.COM.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.