Saliwan Unang Isyu — Enero 2019

Page 25

Napapikit ako at nagdasal ako kay Panginoon na sana’y walang masamang nangyari kay ama. Napaluha ako, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Luha na lamang ang nagsalita para sa akin. Alas dose na. Saktong pagbati ng pasko nang tumigil ang mundo sa pagkakatok sa aming pintuan. Napatayo ako sa tuwa. Nandiyan na si ama! Bilis kong binuksan ang pinto para sa kanya. “Pasensya ka na anak ha? Natagalan lang ako dahil gusto kong masaya ang pasko na ito,” ang inaasahan kong bati niya sa akin. Ngunit, iba ang sumagot ng pinto. “Maligayang Pasko po, ikaw po ba ang anak ni Juan Romero?” ang bati sakin ng isang pulis na may hawak na plastik ng mga pagkain. “Opo, kilala niyo po ang aking ama?” ang sagot ko sa kanila. Napangiti na lamang siya ng kaunti habang inaabot sa akin ang mga supot na tila may awa sa kanyang mukha. “Yung ama mo na si Juan,” pinangunahan niya ng sabi “nabaril sa isang drug den operation. Pasensya na at nakikiramay kami sa iyo.” Tumigil talaga ang mundo. Tinitigan ko na lamang ang pulis. Totoo ba ito? Hindi ko alam. Hindi ko namalayan na papaluha na lamang ako sa harap niya. Bakit ganito? Akala ko pa naman magiging masaya kami ngayon. Hinawakan niya ako sa braso na nandoon pa rin ang ngiti ng awa sa kanyang mukha. Ang huling mga salita niya ang nagpahagulgol sa akin ngayong gabi. “Maligayang Pasko na lang sayo, Pepe.”

PANITIKAN 23


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.