Mga Nilagang Tinik ng Bangus

Page 1


Mga Nilagang Tinik ng Bangus

Koleksyon ng mga Maikling Kwento ni Michael Jonathan A. Villar


FOREWORD By Mich Cruz Michael Jonathan Villar is, at different stages of his life, a basketball player, a musician, a writer, a producer, a director, a kuya, a friend, a son, a leader and a man of God. In his thirty years, he has faced triumphs and defeats, numerous challenges, twists and turns that changed the course of his life. His writings are so vivid and so real, because they reflect the richness of his personal experiences that you and I can relate to, peppered with Mike’s brand of wit, humor and passion. It has always been Mike’s dream to publish his own book and earn acclaim for his work. But with the way that he has lived his life and touched the lives of others, he does not need a book to make his own mark. Nevertheless, this book is a collection of Mike’s writings in the past thirty years. Moreso, it is a celebration of the man who has been an inspiration to many people in various aspects. I invite you to read each story, and journey with Mike from Village East to University of the Philippines to PBA to GMA to Tooth Fairy Productions to Lingkod. Relive his joys, his pains, his struggles and the laughtrips along the way. His stories may make you laugh, make you cry, but I am sure it will leave you with a smile and and the hope that despite all, it’s great to be alive. Thank you, Mike, for making me a part of your life. It’s an honor, zer.


WHAT THEY SAY ABOUT MICHAEL VILLAR‌

Months before Mike was born, Daddy and I have already chosen to name him Michael Jonathan....Michael because it means archangel in Jewish, Christian and Islamic tradition and is viewed as the "field commander" of the Army of God. In the Books of Daniel, Jude and the Revelation, the name Michael is mentioned as the one who led God's armies against Satan's forces during his uprisings...and Jonathan?...i think because it was something related to being a model to loyalty to truth and friendship....combining it all, we wanted him to grow up in God's grace as a good leader but at the same time as a true friend to all. After 30 years...look at what he has become...a certified God's warrior and a true friend at that...not only to his four younger brothers and only sister, but also to Mich and to all his other friends and colleagues.....We are so proud of you, Michael Jonathan! And for his works, God continues to shower him with His blessings and protection to really excel in his craft. Congratulations and you really make as proud parents! -

Daddy and Mommy

Kuya Mike, keep on being passionate in everything you do. I have never known a man who always gives more than what is expected from him. -

Monica Verdadero

Ang sarap i-bida na kapatid ko si Michael Villar! Sige, aaminin ko na, Idol kita! :) -

Mervin Villar


Ako ang unang unang nagbabasa ng mga short stories nya nung college siya, kahit draft pa lang sa computer binabasa ko na agad. -

Tonton Villar

Kuya Mike is a person dedicated to his profession. Every time he comes home and works, I barely see him get lazy and procrastinate. He always concentrates on what he's doing and he knows how to manage his time well which is why he obviously has many achievements. Although we're not exactly on the same aisle of interest, still I can see that he'll be very successful in his chosen field. -

Marion Villar

A guy who takes pride in doing good deeds and does not want credit for them. A genuine kind hearted man who always puts his family first and would go out of his way to help a friend in need. Congratulations in everything and God bless your union :) -

Xavier Nunag

Mike is "The Man". God-fearing , hopeless romantic, family man, a good friend and an inspiration to all. To my best man, you'll always be our MVP, our Mighty Mickey, ang "Aswang" ng Village East...thank you for playing a big role in our lives. Happy Birthday bro! -

Jay Alba

Bilang kaibigan: Si Mike ang isa sa pinakamatagal ko ng kaibigan,elementary pa lang magkakilala na kme, (oo na,pabida) pero never namen ni label ang friendship namen bilang mag "BESTFRIEND", masyado kaseng over rated pag sinabi mo na bestfriend eh. Anyway,dame nameng napag daanan nyan from makukulit ng mga bagay, mapa horror, lahat masasaya. Basta si Mike maaasahan yan sa mga trouble o kahit anong problema (mapapera man o hindi) basta kaya nya paniguradong


di ka iiwan nyan. Sincere, Responsable, masayahin, maka Pamilya at Maka Diyos. Bilang manunulat: Si mike sa tingin ko ang isa sa pinaka kakaibang manunulat na nakilala ko, mga bata pa lang kme,shineshare na nya ung mga naiisip nyang kwento. May sarili syang style, ang mga kwento nya ay nabuo sa tulong ng mga taong nakilala nya sa pang araw araw na buhay, mula sa "MARTINIKO NG PAROLA", " ROCKSTAR JOE" at "GERMAN CUT", Pinoy na Pinoy ang dating, iisipin mo na mukhang tipikal na mga kwento pero pag nabasa mo kakaiba talaga ang mga pangyayari at twist ng ending. Pagdating naman sa love story, ipaparamdam nya sayo ung kilig/saya, ang mga pang asar moments sa panliligaw at mga nakakatawang bagay na totoo namang nagyayari sa personal nateng buhay, ibibigay din nya sayo ang lungkot sa kwento na kala mo katapusan na ng mundo na mapapawi din ng pag asa sa bandang huli. Mapapasabi ka sa isip mo na. "ang galing ah, pwede pala yun" at "sana ako na lang nakaisip nung kwento na yun" . Mapa comedy, action o drama iba ung mga konseptong naiisip nya. SOYA! May bagay lang akong napansin na isa pang PINAKA kay mike pag dating sa pagsusulat, ito ay ang pagiging pinaka UNDER RATED nyang manunulat. Hindi naman sa pagiging bias pero kung isa lang akong producer for sure ginawa ko ng pelikula ang mga nasulat ni Mike. He deserves his credit and appreciation. Bilang lover: (please refer to Mich Cruz) :) Ikaw ang Adam Sandler ng Pinas. Hatid kita sa inyo tas iready mo na ung malalamig na donut (pineapple flavor) naten jan. Happy Birthday Mike - Ronnie Riofrio The most memorable experience na ginawa namin ni mike is when we spent 200 pesos playing Street Fighter sa Sta. Lucia tapos kahit 200 pesos worth of token na ginastos


namin

hindi

pa

rin

namin

natapos.

Tapos nung sinama ko nung family ni Mike sa Bicol tapos nung pauwi na kami pinaupo ako sa pinakilkod ng van kasama lahat ng luggage tapos hindi ako makagalaw. Hindi pa ko kinakausap ni Mike kasi nilagnat tapos si Tito Nelson nagalit kasi si Mervin sumuka sa van. E dahil ang baho ng suka ni Mervin pinatay yung aircon. E tanghali kami bumyahe. Yung araw nakatapot sa muka ko mula Bicol hangang Manila kaya nagka sunburn ako. Maputi ako dati kaso after nung trip na yon umitim na ko tapos hindi na bumalik kulay ko. -

Pierre Carlo Conde

Nakasama ko si Chu sa UP, at nasaksihan kung paano siya unti-unting lumago bilang manunulat. Masipag at laging bukas sa mga puna, kaya naman napasali sa mga national workshop sa pagsusulat. At kahit milya-milya na ang narating, hindi pa rin nawawala ang kurot sa puso ng mg kuwento. kurot at kiliti, tulad ng mga paborito niyang Adam Sandler movies. -

Vlad Gonzales

Si Chu ang pinaka-chummy-chummy na lalaking nakakulong sa physique ni Dwayne The Rock Johnson. If you'll get to read any of his stories and scripts and you haven't met him yet, you will imagine that it is written by a reed-thin geek with glasses who's been a hopeless romantic for years. He writes stories which talk about a generation he knows well and which that generation can relate to. He's a character in his every story. You can find him there anywhere you look. And he tags you along as an accomplice in his every story. I am truly waiting that he can direct one of his scripts someday because I know he'll make a great director when given the chance to finally call the shots. Sana lang hindi ito mauwi sa isa sa mga "Kudabin" "Shudabin" "Wudabin" sa buhay niya. Can't wait na pakiligin ako ng unang pelikula ni Chu. Kung gaano siya kabilis maglaro sa basketball court na parang tren, ganoon din sana niya patibukin ang mga puso natin


sa unang pelikulang idederehe niya. Choo-choo! I will always be grateful to him for opening windows for me. Salamat, chu! Pihaps deyberts! -

Sigfreid Barros-Sanchez

Sure a lot of things to be shared for his lifelong dreams, alam naman namin yun. -

Russel Torres

Hi Mike! Happy birthday bro! Thank you for your generousity of time and talent especially in the work of the Lord. I have been a witness of how you used your talents to glorify God. Truly how blessed we are with your unwavering and steadfast support.Thank you, Mike. God bless you always. -

Mel Llesol

Si Mike is probably one of the best examples of what a brother, or more so, a man should be like. At the risk of sounding like a fanboy, I look up to Mike because of so many things – strength of character, mental toughness, humility. I feel especially lucky to have met a friend who stands as a very good role model. Happy birthday, bro – and I believe your vision and dreams wouldn’t be some could have beens but realities that would serve as inspiration to most of us, who had been lucky enough to be your friend! -

John Calica



KONTRABIDA Ang score: 78-77. Lamang ang Alaska laban sa Ginebra. Anim na segundo na lang ang natitira sa second overtime ng Game 7 ng AllFilipino Conference Finals. Bola ng barangay. Do-or-die na ‘to. Siyempre, bilang all-time Ginebra fan, tutok na tutok ako sa TV’t ‘di na ginalaw ang mala-sirenang pagkakadapa sa sahig. Hindi ko na rin nilipat ‘yung TV sa channel 2 dahil tuwing ginagawa ko ‘yun, nag-tuturnover si Caguioa. Nagdasal na rin ako sa Diyos at sa mga santo-santito tulad ng ginagawa ko nung hayskul tuwing may laro kami sa basketball laban sa Ateneo’t La Salle. God Almighty, Brother Jesus, Papa Joseph, Mama Mary, San Lorenzo Ruiz, St. Anthony Mary Claret, St Jude, Holy Spirit— pray for us. Keep Jesus in our hearts—forever! Eto na. Tulad ng kinanta ni Erik Santos, “Desez da mowment.” “The shotclock is dead. Ginebra has the last shot. Ano kaya ang gagawin nila Quinito? Will they go for a two or will they shoot a three for the win? Eto na po, mga kabarangay, hold on to your seats. Six seconds to go for the championship. Rodney Santos, inbounding the play. Passed to Caguioa. Caguioa making his move. Nalusutan si Cortez, drives, releases a floater—“ “Peram ng extension, ah!” “What the—“ Hindi ko alam kung bakit pa-english pa naging reaction ko, pero kung bakit ba sa dinami-rami ng oras na pwedeng bunutin ni daddy ang saksakan ng TV sa extension, bakit ngayon pa? Kung kailan crucial ang laro! Kung kailan laro ng Ginebra! Kung kailan last shot na! Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!! “Ay, ‘wag na lang pala.”


“Ano?” “Wag na lang pala. Sige, saksak mo na lang ulet.” “E, kung isaksak ko kaya ‘tong plug sa baga mo?!?” Siyempre, hindi ko sinabi ‘yun. E ‘di na-three hit combo ako. Pero nakakainis naman kasi. Kung bakit ngayon pa inatake si daddy ng pagka-kill joy. Dahil sa ginawa niya, naging ka-level na niya tuloy si Bella Flores. “Engineer!” Ayan na. Tinatawag na siya ng mga sunog-baga sa labas. Inuman na naman ang tropa niyang umiikot lang ang usapan tungkol sa sabong, kay Erap, jackpot sa lotto, alien, at diabetes. Hindi naman lasenggo si daddy. “Occational” drinker lang (daw). Kaya lang siya siguro nakikitambay tuwing hapon kasi para sa kanila, siya si “engineer.” Pagdating sa kwentuhan, siya ang bumabangka. Sa madaling sabi, siya ang bida. Simula noong mawalan ng trabaho si daddy apat na buwan na ang nakalilipas, may mga nagbago sa ugali niya. Minsan (o kadalasan), mainitin ang ulo, iritable, at mahirap makaintindi. May isang gabi nga na habang naghahapunan kami, nakiusap ako sa kanya na iabot ang toyo. Tapos nagalit na lang bigla’t nagtatalak na kung ano raw ang pagkaing nasa mesa, ‘yun daw ang kainin. Napakababa pa raw ng standard ko. Mag-rerequest na lang daw ako ng ulam, tuyo pa. “Talo na Ginebra mo! Bumili ka nga ng chichirya.” Nawalan na rin ako ng ganang buksan ang TV para malaman kung sinong nagchampion. Tutal sinabi naman na ni daddy ang resulta, kaya para sa’n pa? Ewan ko ba, pero kahit kailan talaga, anti-Ginebra na ‘tong erpat ko. Basta kung sinong kalaban ng Ginebra, doon siya kumakampi. Kahit noon na may trabaho pa siya, mahilig na talaga siyang kumontra sa lahat ng gusto ko. Pero malaki na ang


pagkakaiba ng noon sa ngayon. Dati kasi, kapag nakikipagkontrahan si daddy, senyales ‘to ng quality time. Kaya game naman ako. Noong nauso ang text-text, gusto kong magpabili ng cellphone. Pumayag na si mommy, pero si daddy, ayaw. Mahal daw, tsaka ipampoporma ko lang daw. Umabot kami sa matinding debate tungkol sa kagandahan ng cellphone. Nagkataasan pa nga kami ng boses para sabihin ang bawat argumento (pero hindi naman umabot sa paluan). Sa bandang huli, nanalo rin ako’t pumayag siya na bilhan ako ng cellphone, pero sa isang kundisyon. Masahiin ko raw siya sa paa pag-uwi. Sumang-ayon naman ako agad. Kaya ayun, binilhan niya ako ng cellphone. 5110i. Habang papauwi, nagkukunwari pa siyang nanghihinayang at niloloko pa ako na babawasan niya ang baon ko dahil sa laki ng kanyang ginastos. Hinalikan ko siya noon at nangako pang bilang kapalit, tuturuan ko siya kung paano magtext. “O, humpy dumpy.” Mga isang linggo na rin akong hindi humahalik kay daddy simula noong naasar ako sa kanya dahil tinapon niya ‘yung mga palaboy na kuting na napulot ko sa kalsada. Ang sabi ko, kawawa naman sila. Aalagaan ko muna habang maliliit pa. Ang sabi naman ni daddy, huwag ko na raw hintayin pang lumaki dahil baka awayin lang ng mga ‘to ang mga manok niya’t masira pa ang mga kundisyon. Kahit na pinangako ko na tututukan ko talaga ang mga kuting at i-tetrain ng mabuti, ayaw pa rin niya dahil mabaho raw ang tae nito. “Ano ba ‘tong nabili mo? Amoy tae ng pusa!” “E, ‘yan na lang ang chichirya sa tindahan e.” Ito ang tinatawag na “silent revenge.” Kahit meron pa namang Chippy, Oishi, Dingdong, at kung anu-ano pang chichiryang mas masarap, mas pinili ko talaga ‘tong Humpy Dumpy, tae flavor, para ipaghiganti ang nawala kong momentum sa panonood ng laro ng Ginebra. Hindi ko naman pwedeng batukan si daddy, dahil tatay ko nga siya. O kaya murahin, o pagalitan, dahil siguradong suntok-tadyak-sinturon ang aabutin ko. Kaya pinakain ko na lang siya ng pagkaing alam kong ayaw niya ang amoy. “Dun ka bumili sa tindahan sa tapat ng court.” “Pera?”


“Sagot mo na muna.” Nice. Habang naglalakad papunta sa tindahan, naisip ko na isa-isahin na lang ang mga nakakatuwa’t nakakaburat na pagpapaka-Paquito Diaz mode ni daddy. Mabuti na rin ‘tong gagawin ko para malayo ang atensyon ko sa takot sa dilim. Baka kasi may makarinig na naman sa’kin na kumakanta ng “Shine Jesus Shine” at “God is Good” habang naglalakad sa kalyeng puno ng mga urban legend. ***** Isang Linggo, sa labas kami nagtanghalian. Usapan sa bahay pa lang na sa Jollibee kakain. Payag na ang lahat. Pa-comment-comment pa si daddy na napakasarap ng Chikenjoy, ‘di raw tulad ng manok sa Mcdo, parang lumagpas na ng 40 days kaya mga payatot. Kaya nung dumating na kami sa Sta. Lucia Mall, wala na kaming ibang destinasyon kundi ang Langhap-Sarap. Napadaan kami sa promo girls na nag-aabot ng flyers. Nakakahiya naman kung lagpasan lang namin. Kaya nabigyan kaming lahat ng flyers mula kay daddy hanggang kay bunso. “Family Treat! Buy Peking Duck And Get Free Pansit Canton with Chicharon Toppings!” Matapos basahin, tinupi namin ang flyers sa kanyakanyang paraan, maliban kay daddy na palipat-lipat ang tingin sa flyer at sa nilalakaran. Nang malapit na kami sa Jollibee, biglang nahipan si daddy ng masamang hangin. Huwag na lang daw sa Jollibee. Doon na lang daw kami sa restaurant na may peking duck. Siyempre, tutol kaming magkakapatid dahil mindset na naming Champ, Jolly Spaghetti, at Chickenjoy na ang mga pagkaing lalamunin namin. Pero hirit ni Daddy, gusto niyang matikman ‘yung free pansit canton with chicharon toppings. Matapos ang kolektibong pagngingitngit, hindi pa rin namin natibag ang biglaang desisyon ni daddy na kumain sa never-heard na restaurant sa may 3rd floor. Pagdating dun, inorder ni daddy ang peking duck with free pansit canton (siyempre, with “malupit” na chicharon toppings). Tahimik lang kaming lahat habang naghihintay. Nabasag lang ang katahimikan nang i-share ni daddy ‘yung unang beses siyang kumain ng peking duck sa Chinatown. Nang wala siyang narinig na “Ows?” o kaya “Talaga daddy? Ano pa?


Mag-share ka pa, please?” bigla na lang siyang humirit na “Tsaka nakakasawa na sa Jollibee.” Mag-iisang oras na pero soup pa lang ang nasa mesa namin. Alam kong alam ni daddy na wrong move siya sa pangyayaring ‘yun, pero hindi niya ‘to inamin. Kaya dinaan na lang niya sa pagpapatawa. Humirit siyang “Hinuhuli pa kasi ‘yung peking.” Pero walang natawa sa kanya, ni ngisi.

NAKAKATUWA vs NAKAKABURAT, 0-1 Bago pa lumabas sa sinehan ang Spiderman 2, bumili na ako ng pirated DVD sa Riverbanks. Kahit may dumadaandaan na anino sa harapan, pinagtiyagaan ko na rin basta makauna sa mga kwentuhan. Pero mukhang may live na reenactment na nangyari. Habang nanunuod, pati si daddy, padaan-daan sa harap ng TV ‘t nanghaharang pa, na para bang walang nanood sa likod niya. “Hayop talaga ‘yung mga aksyon scenes!” sabi ko nang wala namang direktang kinakausap. “Wala ‘yan. Wala pa ring tatalo kay FPJ sa Panday! ‘Yung sa disyerto? Tinalo niya ‘yung sangkaterbang kalaban! Ganda nun!” kontra ni daddy, na kunwari’y pa-espaespada pa’t nagpapanggap na siya si Panday. Oo na, oo na. Ilang superhero na ang napanuod ko mula kay Superman hanggang kay Spiderman, pero wala pa ring tatalo sa Panday ni daddy. Ibang klase talaga si daddy. Manunuod ka na lang, meron pa ring ihihirit na mas higit sa gusto mo. Kaya ayun. Hindi ko na na-enjoy masyado ‘yung pelikula dahil sa bawat eksena, laging may tinatapatang eksena si daddy mula sa Panday. Natatawa na lang ako tuwing ginagaya ni daddy ang mga kinikwento niyang mga eksena sa Panday. Nang humirit ako na mas bagay sa kanyang maging Lizardo, ginawa niya sa’kin ang trademark na mga machine gun punch ni FPJ.

NAKAKATUWA vs NAKAKABURAT, 1-1

“Pagbilan nga po ng Cracklings.” Habang hinihintay ang sukli, bumaling ang atensyon ko


sa mga naglalarong kabataan sa court. Sa court na ‘yan din ako nagsimulang matutong magbasketbol. Naalala ko tuloy ‘yung “glory days” ko sa basketbol. Sa court na ‘yan naranasan ko ang maging champion ng limang beses. Apat na beses din akong naging MVP dyan. Sa court na ‘yan ako nagsimulang mangarap maging sikat na professional basketball player. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si daddy. Siya kasi ang kasama ko sa pangarap na ‘yon. Tuwing nag-prapraktis ako, nandyan siya lagi para maging atchoy. Kapag kailangan ko ng bagong sapatos, binibilhan niya ako kaagad. At lagi siyang nanunood tuwing may laro ako sa varsity nung hayskul. Wala siyang minintis na laro. Parati pa ‘kong may baong Gatorade. Allout talaga. Dito lang ‘ata niya ako hindi kinontra. “Toy, wala ka na palang sukli. May utang pa tatay mo e.” “Ha? Ganun po ba? E, sige po.” “Toy, kulang pa ng trese.” Kaya pala dito ko pinabili. Bweno, binabawi ko na mga sinabi ko kanina. Hindi ko pala naisip si daddy nang mangarap akong maging sikat na basketbolista. Ngayon ko siya iisipin pagbalik ng bahay. Siya at ng kanyang mga kontra-bulate. Isang gabi, nagkatuwaan kaming magkakapatid na magvideoke. Kaya nanghiram ako ng Magic Sing sa isang kaibigan. Maaga kaming naghapunan at dali-dali naming sinet-up ‘yung videoke. Ako ang bueno mano. Unang kanta: Crazy For You ni Madonna. Nagkamali ‘ata ako ng pili dahil ilang beses akong pumiyok, pero sige lang. Habang kinakanta ko ang linyang, “Boy (ay, girl pala) you know it’s true, I’m crazy for you”, bigla na lang sumulpot si daddy sa labas ng bintana’t pinapaikot ang hintuturo sa paligid ng kanyang tenga. Nang matapos ang kanta, hinintay naming lumabas ang score. 96. Tuwang tuwa kong tinaas ang mga kamay, sabay sigaw ng “Thank you pans!” Pero hirit ni daddy, dinaan ko lang daw sa sigaw. Kung siya daw ang huhusga, mga 69 lang daw score ko. Inabot kami ng halos dalawang oras sa pagvi-videoke. At sa halos dalawang oras ding yun, walang ginawa si daddy kundi laitin ang mga boses namin. Mag-ambag daw kami sa pambayad ng Meralco dahil nag-aksaya lang kami ng kuryente. Iniwan muna namin ang videoke para maghilamos at magsepilyo. Habang nasa banyo,


naglabasan kami ng pagka-asar kay daddy dahil akala mo kung sinong magaling. Pagbalik namin, nahuli namin siya na nag-vivideoke’t kumakanta ng My Love Will See You Through, na papikit-pikit pa.

NAKAKATUWA vs NAKAKABURAT, 2-1

Noong election, manok namin si Bro. Eddie. Ako, kapatid kong babae, si mommy tsaka ‘yung drayber namin, isa lang ang sinisigaw: “Bangon Pilipinas, Bangon!” Pero si daddy, ang ever-loyal Pro-Erap, si Da King ang binoto. Minsan pang nangibabaw ang kanyang pagiging “partypooper” noong gabi ng proclamation rally ni Bro. Eddie. Paalis na kami nina mommy, kasama ang iba pang mga kapitbahay na maka-Bro. Eddie. Gagamitin sana namin ang van sa pagpunta sa proc rally nang bigla kaming pinigilan ni daddy. Huwag daw naming gamitin ang van at baka mabato pa raw ‘to ng mga pro-Gloria. Pinilit ni mommy na gamitin dahil nakakahiya naman sa ibang kasama namin. Pero mukhang desidido talaga ang alagad ni FPJ na huwag makadagdag pa sa bilang ng mga susuporta kay Bro. Eddie. Hindi na nakipagtalo pa si mommy kay daddy dahil baka ma-high blood pa siya. Kaya nagrenta na lang kami ng pampaseherong jeep. Natapos ang eleksyon. Matapos ang dalawang linggo, lumabas ang resulta. Nanalo si GMA. Nagprotesta naman si Da King. Nagkaroon ng malawakang kilos-protesta. Nanunuod kami nina mommy at ng mga kapatid ko ng balita sa TV nang biglang nagyaya si daddy na pumunta sa rally ng mga pro-FPJ. Sabay-sabay naming tinignan si daddy ng masama tapos ay isa-isang nag-alisan sa kinauupuan.

NAKAKATUWA vs NAKAKABURAT, 2-2

Naabutan ko sa garahe na masayang nag-uusap ang mga sunog-baga. Wala si daddy. Baka tumae. Nilagay ko sa mesa ‘yung Cracklings na pampulutan nila. Bigla akong


inabutan ni Mang Gorio, ang taga-tagay, ng isang baso ng beer-gin. Magalang ko naman siyang tinanggihan. Nung patalikod na ako para pumasok, Bigla akong tinawag ni Mang Gorio, na medyo namumula na sa kalasingan. “Umupo ka muna. Hintayin natin si Pareng Manoy. Para marinig mo ‘yung mga kwento niya tungkol sa’yo.” Bigla akong napaisip. Ano naman kaya ang pinagsasabi ni daddy? Baka naman pinagkalat ni daddy ‘yung tumae ako sa isang basurahan sa Loyola Memorial Park noong huling Araw Ng Mga Patay, tapos iniwan ko sa isang bakanteng nitso ‘yung brief kong natagusan. O kaya baka naman binuking niya ako na meron akong T-back (‘Di ko binili ‘yun, regalo lang!). Kaya ‘ata masaya inuman ng mga kolokoy, ako ang ginagawang pulutan! Maya-maya, dumating si daddy na may dalang pitsel ng yelo. “Pare koy. Tamang-tama. Ituloy mo ‘yung mga kwento mo sa anak mo, o.” Sabi ko na nga ba. Nagkatinginan kami ni daddy, na busy sa paglalagay ng yelo sa bawat baso ng mga sunog-baga kahit puno pa ang iba. Sa hitsura ni daddy, parang nakaramdam siya ng hiya, o baka guilty siya sa mga nauna niyang sinabi’t nahihiya na siyang ituloy dahil nasa harapan na niya ako. Nang “Ano yun?” lang ang masabi ni daddy, pinaalala ni Mang Gorio kung saan nagtapos ang nabitin niyang kwento. “Ano, ‘yung binigyan ka ni, ni, anak mo nung, ano ba ‘yun? Thank You card kasi dinala mo siya sa Araneta para makita si Magic Johnson ng personal. O, tapos? Tuloy mo pare koy.” “Hmm? Yi-Yun—‘yun na ‘yun.” Sabi ni daddy na may pagaalinlangan pa sa sagot. “Ha? E, e, ano na ‘yung kwento dun sa sinasabi mong MVP dapat ulit ‘tong, ‘tong anak mo kung hindi lang siya nakamintis ng laro? Tsaka pang-ilang MVP niya na dapat ‘yun?” “Apat—ata?” Simula nung abutan niya ako ng basong puno ng yelo, hindi na nagawa ni daddy na tumingin sa’kin. Binaling niya ang sarili sa paghahalo ng beer at gin. Pasimple niyang iniba ang usapan. “Kelan tayo sasabong?” ang lumabas sa bibig niya. Hindi naman na siya pinilit nina


Mang Gorio na ituloy ang naudlot niyang kwento kanina dahil mukhang may amats na rin. Tinignan ko si daddy. Tinitigan. Wala sa hitsura niyang mala-Jimmy Santos ang sabihin ang mga bagay na nakakapagpabilis ng tibok ng puso, tulad ng nararamdaman ko ngayon. Okay lang ‘yun. Alam ko naman kung ano ang totoo. Ini-straight ko ‘yung isang baso ng beer-gin na binigay sa’kin, sabay tayo para pumasok na sa loob. Ilang hakbang pa lang akong nakakalayo mula sa mesa, tinawag ako ni daddy. Lumapit ako sa kanya habang pinagmamasdan niya ang hinahalo-halong beer-gin. Nilipat niya ang tingin sa’kin. “Congrats.” Para saan? Sa pagbili ng hindi amoy-taeng pulutan? “Champion Ginebra. Buzzer beater si Caguioa.” Hindi ako kaagad nakapag-react. Medyo pinagdudahan ko pa kasi na baka niloloko lang ako ni daddy. Pero nang maalala ko ang huling galaw ni Caguioa nung malusutan niya si Cortez bago bunutin ni daddy ang extension, tsaka lang pumasok sa utak ko na “Swak nga!” Nginitian ko si daddy. Hindi ko alam kung susundan ko ba ‘yun ng pakikipag-apir sa numero unong kontra sa buhay ng barangay, pero hindi ‘to ang naging dikta ng kasiyahan ko. Matapos ang isang napakahabang linggo, muling dumampi ang labi ko sa pisngi ng kontrabida.

ANG MARTINIKO NG PAROLA Nangako ako sa kanya na ililibre ko siya ng Pop. Pero magha-hayskul pa lang ako noon nang bitawan ko ang sumpang ‘yun. Kung ‘di lang ako nag-deliver ng mga gamot sa Cainta, hindi ko siya maaalala. Pero hindi naman ‘yung mismong Cainta ang dahilan kung bakit siya sumagi sa isipan ko. Naalala ko siya dahil sa nakita kong vandal sa isang pader na nadaanan ko habang papunta ng Mercury Drug sa Junction. Gamit ang pulang spray paint na medyo kinupas na ng usok ng mga nagdadaanang sasakyan, naka-vandal ang isang malaking


drowing ng puso. Sa loob nito’y nakasulat ang pangalang nasa malalaking letra: BOY MATA. Tapos sa baba nito’y nag-iisang nakasulat ang letrang E. Nung makita ko nga ‘yun, nagkamali pa ‘ko ng pagkakabasa dahil ang lumabas sa bibig ko’y “Boy Matae.” Kilala ko si Boy Mata. Pero hindi ko siya maituturing na kaibigan, lalo na kung ang basehan nito’y ang dami ng pinagsamahan. Ni totoong pangalan niya, hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi mo na siya makikita kung makasalubong mo siya sa kalagitnaan ng gabi. Ang tanging makikita lang siguro ay ang mata niyang kasinlaki ng piso.

“Kilala niyo po ba si Boy Mata?” “Buy Mata? U naman! Suki aku nun, i!” sagot ng matandang napagtanungan ko, sabay kinarate ang hangin. “Sa’n po siya nakatira?” “A, diritsuhin mu lang ‘yan tapus sa ikalawang kantu, yung mi tindahan, kanan. Tapus lakarin mu lang ‘yun hanggang malampasan mu ‘yung baskitbolan, tapus kaliwa ka sa kantu. Tapus sa dulu ng kalye, sa kanan, ‘yung mi nakadikit na mga puster ng Ja-Ja-Ja-Jamby sa gate, ‘yung mi tapat na tindahan, e, yun na ‘yung bahay ni Buy Mata. Pakilala ka na lang.”

Elementary pa lang ako, umabot na ang pangalang Boy Mata sa’min sa Marikina. Ang alam ko, kinatatakutan siya ng mga kabataan noon dahil Chapter Head daw siya ng AKRHO, Parola Chapter. Wala raw rumble na inatrasan si Boy Mata. Lahat daw ng kasabayan niyang mga siga mula kina Big Boy Rene ng EXODUS, Buboy Tambulugoy ng RHODELTA, hanggang kay Donat Putay ng TRESKILLION, pinatumba niya. Kaya nga raw nabansagan siyang “Martiniko ng Parola.” Ang babala pa nun sa’kin ng tropa, ‘wag na ‘wag daw akong magagawi sa basement ng Sta Lucia Mall dahil tambay dun ang grupo ng Martiniko. Baka makikilan pa raw ako ng pambili ng token nila pang-Street Fighter.


Noong mga taong patubo pa lang ang mga buhok ko sa katawan, lagi akong nagbabakasyon sa tita ko sa Cainta. Ang sarap ng buhay ko dun. Umiikot lang sa lamon, TV, Super Nintendo’t basketbol ang araw ko. Basta sa bawat bakasyon kay tita, nakukuha ko ang lahat ng gusto. Maliban lang sa isang bagay. Ambel. Naging trend ulit nun ang pantalong uso noong dekada nina erpats. Nung sinabi ko kay tita na bilhan niya ako, mariing siyang tumanggi’t sinabing baston daw ang bagay sa katulad kong nagbibinata. Pang-squatting lang daw ‘yung gusto ko. Dahil dun, napilitan akong magsinungaling (White lie lang naman). Isang araw, sinabi ko na magbabasketbol lang ako. Pero ang totoo? Pumunta ako sa Parola para magpatahi ng Ambel. Ayon sa mamang nagrarasyon (na laging naka-ambel) ng litro-litrong Magnolia Chocolait sa bahay ni tita, okay raw magpatahi sa 1521 Tailoring Shop, tapat ng basketbolan. Kahit nakakabit na sa Parola ang pangalang Boy Mata, lumarga pa rin ako nun. Kahit walang alam sa lugar, hindi pa rin ako nagtanong dahil baka ‘pag nalaman ng mga tao na hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar, baka maisahan pa ‘ko. Kaya hinanap ko na lang kung saan ‘yung 1521. Basta ang palatandaan, tapat ng basketbolan. Makalipas ang isang oras na paglalakad sa ilalim ng nakakasunog na araw, tatlong basketbolan na ang nadaanan ko, pero puro mga talipapa naman ang katapat. Sa wakas, matapos ang ilang kantong nilikuan, nakita ko na rin ang patahiang gagawa ng Ambel ko. Stone Wash! Papasok na ako nun nang biglang may humablot ng suot kong cap. Kung tama ang narinig ko nun, parang ang bait pa nga ng tono niya’t sinabing, “’Tol, arbor na lang ‘tong shorpet mo, a?” Natameme ako nun. Hindi ako nakagalaw. Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang gusto kong maiyak sa takot. Gusto ko sanang makiusap sa lalaki’t sabihing, “Bosing, padala kasi ‘yan ng tatay kong sampung taon ko nang hindi nakikita.” Kaso sa laki ng kaha niya’t mala-gorilyang mukha, naunahan ako ng takot na baka maboga pa ‘ko. Hinayaan ko na lang nun na makuha ng Gori ‘yung cap ko’t pumasok na sa patahian. Wala pang limang minuto, tapos na akong


sukatan. Nanginginig pa ang tila napasma kong kamay nang iabot ang 250 pesos na down payment. Lumabas ako nun nang nakayuko. Hindi ko na naramdaman ang saya ng pagpapatahi. Papalayo na ako sa patahian nang may aninong humarang sa’kin. “Sa’yo ba’to ‘brad?” Nung tumango ako, inabot ng lalaking mala-uling sa kaitiman ang sombrerong akala ko’y ‘di ko na ulit masusuot. Nasindak pa nga ako sa kanya nung una dahil akala ko, dinidilatan ako. Magpapasalamat na sana ako nun nang biglang may sumigaw sa ‘di kalayuan ng— “Boy Mata!” Nagbalik ang Gori, at may kasama pang mga resbak, na mukha ring mga lumabas sa pelikulang Congo. Dinampot ni Boy Mata ang isang long neck ng Tanduay, sabay binasag sa poste para gawing armas. Napatago ako nun sa likod niya. Pinaalis niya ako sa eksena. Magkita na lang daw kami sa tindahan, tapat ng simbahan. Tinanong ko siya kung bakit pa. Ang sagot niya nun, “Medyo uuhawin ako dito sa mga ungasis na’to e. Kaya MagfaFafph ka mamya, a?” Nang kunot na noo ang tangi kong nasagot, tinuro niya ang suot kong cap. Wala akong nasabi nun kundi, “Sige po.” Nang tanungin niya ako ng, “Framish?” Napasagot na lang ako ng “Promise po.” Sa pagtakbo ko papalayo, dahan-dahang napalitan ng combo ng mga busina’t tambutso ang murahan at sigawan ng mga siga. Hindi na ako nagdalawang isip nun na sumabit sa unang dyip na nakita ko. Sa paghahabol ko ng hininga nun , nilampasan ng dyip ang simbahan. Lumingon ako sa tapat nito. Ang tindahan. Naglaban ang puti’t itim ng konsensya ko nun. Mas nangibabaw ang huli. “Tao po!” Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin kay Boy Mata. “Oy!”, “Musta?”, “What’s up?” Ewan. Bahala na. Tutal, itutuwid ko lang naman ‘yung nabaluktot kong pangako, tapos sibat na rin agad. “Ano ‘yun?” Tumambad sa harap ko ang isang lalaking maitim, mukhang trenta anyos na (o lagpas pa), shaggy na ang buhok, may mga linya na ang noo, payat pero mala-butete ang tiyan, at naka-itim na shades. Nang hanapin ko sa kanya si Boy Mata, ngumisi ang manong.


“Masahe?” “Ha? E—sige po.” Dire-diretsong naglakad ang manong papunta sa tapat na tindahan. Sinundan ko siya. Pinaupo niya ako sa bangko’t sinimulang pisil-pisilin ang ulo ko. Nang mapunta sa kamay, dun ko lang napansin na sa kanang braso niya’y nakatattoo ang simbolo ng Akrho (na hugis pretzel). Binanggit ko sa kanya na nakita ko ‘yung vandal sa pader malapit sa Mercury Drug sa Junction. Patuloy niya akong minasahe na para bang walang narinig. Nang matapos ang serbisyo, tinanong ko kung magkano. Ngumiti siya’t umiling, sabay winagayway ang dalawang kamay. “Fa-Fafph ka na lang.” Pinindot ko ang buzzer sa tindahan. Binaling ko muli ang tingin sa kanya. Naabutan kong pinupunasan niya ang lente ng shades. Hindi na pala sinlaki ng piso ang mata niya. Dumating ang tindera. Nagtanong kung anong bibilhin. “Tatlong Fafph.” Dali-dali niyang tinungga ang bote ng Pop. Ngayon lang ako naka-enkwentro ng taong kayang umubos ng 8 oz na softdrinks ng isang lunukan. Ininum ko na rin ang akin. Nang ilapag niya ang bote, tinignan niya ang isa pang bote, na para bang nakikita, sabay binaling ang tingin sa’kin na para bang nagsasabing “Fenge Fa.” “Kanina ‘yang isa?!” “Ha? E—sa inyo rin po.” “Hala ‘tol! Dyabetik ‘to! Sa’yo na ‘yan!” “Po? E—acidic po ako e.” Kung ipaalala ko kaya sa kanya na ‘yan ‘yung utang ko nung una naming pagkikita? Baka sakaling tanggapin na niya. Tumayo siya’t kinuha ang Pop na pinagpasapasahan namin. Lumingon siya sa bahay niya. Parang may dinudungaw. Humarap siya ulit sa’kin. “O sha, akin na lang ‘to.” Naglakad siya pabalik sa bahay nila. Sumunod naman ako. Nang makarating sa gate, binuksan niya ‘to sabay sumigaw. “Boy! Fafph!” Ilang beses niyang tinawag ang pangalang akala ko’y kaniya. Nang walang umalingawngaw na sagot, binigyan


niya ako ng paliwanag na sana’y kanina ko pa narinig. “Baka tulog. Tatlong araw nang me sore eyes ‘yun e— nagmumuta! Ayaw palabasin ng misis.” Tinatablan din pala ng sakit ang mga siga. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, pero nang tanungin ko ang manong kung sino ba siya, dun ko na hindi maiwasang mapangisi. “Paano nangyaring ikaw si Big Boy Rene?” “Mahabang kwento.” Sabay ngiti ng taong dating humablot ng, ika nga niya, “shorpet” ko. “O sha, salamat. Ibibigay ko na lang ‘tong Fafph ke bayaw.” “Teka!” Pumunta ako sa sasakyan at binuksan ang compartment. Binuksan ko ang kahong i-dedeliber sa Mecury Drug sa may Taytay. Nang makita ang hinahanap, binalikan ko si Manong Big Boy. Kinuha ko ang kanang kamay niya’t inabot ang bagay na hindi ko naipangako kay Boy Mata, pero siguradong magpapaluha sa kanya.

SHET (Para sa mga natatae nang wala sa oras at wala sa lugar.) Shet. Natatae ako. Nagdeposito naman ako kaninang umaga sa sagradong trono namin pero eto ako’t tila may nagrarambulang mga bulate sa loob ng tiyan ko’t mismong ang mga isaw ko na ang kinakain. Hindi naman ako nag-almusal ng ice cream at softdrinks combo pero eto ako’t pinagpapawisan sa loob ng de aircon na restaurant. Ang masama nito, nasa harapan ko pa ang dream girl ko. 1st date pa naman namin. Minsan lang akong makatsamba ng Caucasian beauty. Ang hassle naman siguro kung sa una pa lang naming date, magkakalat na agad ako ng malachampuradong dyebs sa harapan niya. Buti na lang at busy siya sa pag-tetext at mabilisan kong napupunasan ang pawis ko.


“What’s that sound?” Shet. Nautot ako. Dahan-dahan ko na ngang pinasabog ‘yung lagumpit sa loob ng sikmura ko pero narinig pa rin niya. Buti na lang at hindi umabot sa kanya ‘yung vibration. Nagpalusot na lang ako’t sinabi ko na baka ringing tone ng cellphone ng lalaking nasa likuran niya. Tumingin siya sa likod niya kaya sinamantala ko na ‘to at maingat na ni-release ang gas na bumagabag sa akin. Pinipilit ko na umutot ng walang tunog pero mahirap talagang gawin lalo na’t naiipit ng upuan ang puwet ko’t walang ispasyo para pagdaluyan ng matinding hangin—or utot for short. Baka naman kasi mahalata ako kung iaangat ko ang isang bahagi ng puwet ko. Shet. May sumama. U.S.T.—as in Utot Sabay Tae na yata ‘tong nangyari sa’kin. Hindi puwede mangyari ‘to. Hindi puwede. Ngayon pa! Kung kailan pa namang nakaputing slacks ako, tsaka pa ako magkakalat. Pero false alarm ata. Muhkang hindi pa naman ako tinatagusan. Pero kahit na. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ‘to matitiis. Concentrate na concentrate na nga ako rito para lang huwag sumilip ang dulo ng ebak ko sa butas ng puwet ko. Huwag lang sana akong gulatin at baka bigla ko na lang itong maibulwak. “Tikman mo ‘to. It’s so sarap. Aaaah—” Shet. She’s sweet. And I’m sour. Nangangasim na ‘yung sikmura ko sa sakit. Nadagdagan pa ‘tong laman ng tiyan ko dahil sa sinubo niyang chocolate cake. Hindi ko tuloy alam kung dapat kong i-appreciate ‘yung ginawa ng date ko dahil mukhang nakapagpalala lang ang ka-sweetan niya sa kalagayan ko.


“Excuse me, I’ll just go to the Comfort Room.”

Shet. Naunahan ako. Gusto ko na rin sanang sumabay sa kanya pero hindi puwede dahil iniwan niya ang sandamakmak na shopping bag niya sa mesa’t hindi ko naman din pwedeng iwan. Ang hassle naman siguro kung dadalhin ko sa loob ng men’s room. Kaya ang ginawa ko, pumikit na lang ako’t nagmeditate na sana magkaroon ako ng peace of mind— and stomach. Buti na lang at mabilis lang ang mga ritwal niya sa loob ng CR. Hindi na ako nagdalawang isip. Tumayo na ‘ko. “Maghihilamos lang.” Shet. Ang defensive ko. Palapit ako ng palapit sa CR, lalong nalalaglag ang atomic bomb. Nasa 2nd floor pa ang banyo’t sa bawat hakbang ko sa hagdanan ay may utot na ‘di ko mapigilang huwag mailabas. Umuubo na lang ako ng pasadya para hindi marinig ng mga taong nasasalubong ko. Sa wakas ay nakarating na rin ako sa dakong paroroonan. Sandali lang ‘to. Sigurado akong pagkaupong-pagkaupo ko sa inidoro, wala pang 10 seconds, tapos na ‘ko. Shet. Ang daming tao. Hindi pa naman ako sanay ng tumatae in public, este sa public toilet. Bukod sa masikip, nakakahiya rin kasi baka mamaya, maingay ang pagwiwithraw ko’t marinig ng lahat. Baka ikalat pa nila paglabas nila’t baka umabot pa sa date ko. Mahirap na. Mas mabuti na ‘yung sigurado’t ligtas sa anu mang kahihiyan. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko na mas nakakahiya ang matae sa brief kaysa sa marinig ang utot habang tumatae. Kaya nga nag-iisip ako ng paraan kung paano ko mapapalabas ‘tong mga


barako. Lumabas muna ako ng banyo’t dun nag-isip nang nakaupo’t nakadikit ang puwet sa may paanan ko para mapigilan ang anumang pagbugalwak ng— Shet. Alam ko na. Pumasok ako sa banyo’t nakisiksik sa mga taong nagsasalamin. Naghugas ako ng kamay sabay bunot ng suklay sa bulsa ko’t inayos ang buhok kong hindi naman magulo. Naka-gel pa nga. Siguro mga apat kaming nakatingin sa salamin at nagpapakikay. May dalawa namang umiihi. Buti na lang at libre ang kaisa-isang inidoro sa banyo. “Sexy pala talaga sa personal si Joyce Jimenez ‘no? Grabe, dati pinapanuod ko lang siya sa sinehan. Ngayon, nagsawa ako sa kakatingin sa kanya sa labas. Mag-isa nga lang na kumakain! Nagpa-autograph ako!” Wala pang isang segundo ang lumilipas at nasa labas na ang mga kasama ko sa banyo. Lumabas ang mga tunay na kulay. Minsan pala ay nakakatulong ang pagiging SM ng mga lalaki sa kanilang kapwa, lalo na sa kalagayan ko. Mag-isa na lang ako sa CR. Ako na ang hari ngayon. Kaya uupo na ang hari sa trono. Shet. Ang sarap. Smooth ang flow. Smooth ang sound. Smooth ang atmosphere. Smooth ang feeling. Smooth lahat. Sa wakas, nakaraos din. Ang sarap ng pakiramdam. Mas malupit pa sa pinakamasarap kong teenage-orgasmic experience. Ayos, punas time na. Shet. Walang tissue. Baka magtaka na ‘yung date ko. Baka isipin niya na umebak ako. Teka, totoo naman. Pero hassle. Ang hirap


gumalaw. Baka may tumulong tidbits kapag naglakad ako papuntang lababo. Wa epek din. Walang tabo. Shet.Sana may pumasok.

ROCKSTAR JOE: GREATEST HITS PRESS PRESS PRESS PRESS

Power On CD Random Play

Track 9: I’ll Be Missing You—Puff Daddy feat. Faith Evans Asar na asar tayo noon nang lumabas ang kantang ‘to. Pakiramdam natin, ginamit ni Puff Daddy ang essence ng classic song ng The Police na “Every Breath You Take.” Oo’t sumikat ‘to na lalo nating kinaasar. At dahil sumikat ang kanta, natalbugan na ng rap song na ’to ang rock song ni Sting. At bilang saradong rockers, hindi natin matanggap na ginamit tayo ng mga hip-hop sa kanilang pagsikat. Pero ‘di nagtagal, nagustuhan na rin natin ang ex ni J.Lo nang makipag-collaborate siya kay Robert Plant ng Led Zep para gawin ang carrier single ng soundtrack ng Godzilla. Nagdesisyon tayo noon sa “1998 AL-JOE Rock Convention” na tinatanggap na natin ang pagsasanib-pwersa ng rock sa iba pang mga genre sa isang kundisyon: Na kahit ano pang kantang mabuo sa pagsasama ng rock sa rap, o R&B, o pop, o reggae, o ska, rock pa rin ang itatawag natin dito. Naaalala mo pa ba noong una tayong nagdesisyon na maging ultra-radical-die-hard rockers? 1990 noon. Kasagsagan ng Pinoy Rap era. Patay na patay pa tayo kina Francis M, Andrew E, Michael V, Lady Diane, Denmark, MC Lara, at maging kay Jamie Baby. Kumpleto pa natin ang mga cassette tape nila. 60 pesos pa lang kasi ang isang cassette tape noon kaya kung magpabili tayo sa mga magulang natin, ‘sangkaterba. Nagpustahan pa nga tayo dati ng Chikadeez at Fanta kung sinong unang makakamemorize ng “Mga Kababayan Ko.” Naaalala mo ‘yun? Natalo nga ako nun sa’yo. Kung sa bagay, madidiskubre rin natin pagdating ng ilang araw na


magiging magaling kang bokalista. Ako naman, malilinya sa paggigitara. Naalala ko isang beses noong matapos tayong manood ng free concert ni Michael V sa bagong bukas na Sta. Lucia Mall, (Isang building pa lang siya noon) napadaan tayo sa Sound Music. Tinignan natin kung labas na ‘yung Christmas album ni Andrew E, pero nabaling ang atensyon natin sa dalawang naglalakihang poster na may parehong hitsura, pero may magkaibang kulay. Ang isa, may pagkapulang-orange. Ang isa naman, may pagka-asul na violet. Mga poster ng double album ng bandang Guns N Roses. ‘Yung Use Your Illusion I at Use Your Illusion II. Out na ‘yung Christmas album ni Andrew E pero mas pinili nating bilihin ‘yung dalawang album ng Guns. Sa’yo ang I, akin ang II. Nagustuhan natin agad ang banda. Paborito ko noon ‘yung kantang “Don’t Cry”, tapos, “November Rain” naman ‘yung sa’yo. Nung mga panahong ‘yun na ang panonood ng MTV ay katumbas ng pagkakakita ng mga artista sa mall, natsambahan natin sa UHF channel ang music video ng paborito mong GnR na kanta. Dali-dali mo pa ngang sinet up ‘yung betamax para i-rekord, pero narattle ka dahil sa sobrang pagka-excited. Kaya na-rekord lang natin ‘yung bandang huli. Tuwang-tuwa tayo nun. Doon lang kasi natin na-realize na pwede rin palang isayaw ang mga tugtuging metal. At doon tayo nagdesisyon na maging rockers. Track 1: Sweet Child of Mine—Guns N Roses Ilang araw lang ang lumipas, marami na tayong nadiskubre tungkol sa Guns at sa mga kasabayan nitong mga glam rock na banda. Skid Row, Poison, Mr. Big, Nelson (‘yung kambal na blondie?), Bon Jovi, you name it, di ba? Pero halos mabakla na tayo sa GnR. Sabay pa nga tayong mangarap. Kunwari, ikaw si Axl Rose at ako naman si Slash. Noong una nga, nakipag-agawan pa ako sa’yo kung sino ba talaga si Axl. Idol ko rin kasi siya. Pero dinaan natin sa contest. Usapang lalaki. Kung sino ang mas magaling mag-snake dance (‘yung sayaw ni Axl tuwing kumakanta siya!), siya si Axl. Natalo ako dahil bulate dance ‘ata ang nagawa ko. Kaya naging Slash ako. Pero hindi pa ako marunong maggitara. Kaya ang ginawa ko, bumili ako sa palengke ng Jingle Magazine at pinag-


aralan ang guitar chord lessons na nasa huling pahina nito. Nang madiskubre natin ang mga naunang album ng Guns, (Apetite for Destruction at Lies), binili agad natin ang mga ‘to. Patago pa nga nating pinapatugtog ‘yun dahil nagagalit sina mommy, kasi napakaingay raw, sabay hirit pa na musika raw ng demonyo. Minemorize mo agad ‘yung “Patience”, pero hindi ka marunong sumipol kaya’t ako ang pinapasipol mo tuwing intro ng kanta. Para sa’kin naman, ang kantang may pinakamalakas na dating ay ‘tong “Sweet Child of Mine”. Noong mga panahong ‘yun, tinuturing ng mga nasa “eksena” na ang intro ng “Sweet Child” ang pinakamahirap gitarahin. Kaya kapag natugtog mo ‘to, sobrang lupit mo! Kaya naman araw-araw, gabigabi, ‘yun lang ang pina-praktis ko. Matapos ang dalawang linggo’t nagpapaltusang mga daliri, na-master ko na rin. Ginitara ko ang “Sweet Child” ng buong-buo’t (bagamat may mga sabit) sinabayan mo naman ng pagkanta. Bale ‘yun nga ‘yung first jamming natin. At dahil sa tuwa, ni-rekord natin ‘to. Wala tayong mahanap na blank tape kaya pinatungan na lang natin ‘yung Eddie K na cassette tape ng daddy mo. Tuwang-tuwa tayo sa kauna-unahang rekord natin. Paulit-ulit natin pinakinggan. Hindi tayo nagsawa’t puring-puri natin ang isa’t-isa. Pagkatapos, naisip natin na magtayo ng banda. Pero kailangan muna nating makahanap ng Duff McKeagan at Izzy Stradlin. Track 7: Bed of Roses—Bon Jovi Noong 1992, marami na tayong alam tungkol sa Rock ‘n Roll. Kulang na lang ng pormal na diploma para masabing may digri tayo sa AB Rockology. Kumpleto na rin natin ang album ng Metallica. Nagkakatakutan pa nga tayo tuwing nire-recite natin ang dasal nina James Hetfield at ng batang babae sa coda ng kantang “Enter Sandman”. Alam ko na ring tugtugin ang “Stairway to Heaven” ng Led Zep. Tapos ikaw naman, kayang-kaya mong ipitin ang boses mo para makuha ang boses ni Steven Tyler ng Aerosmith. Pero bukod sa Guns, ang isa pang banda na talagang nagustuhan natin ay ang Bon Jovi. Simula nang mapanood natin ang Young Guns 1 and 2,


(na puro Bon Jovi ang soundtrack), idol na rin natin sila. Siyempre, ikaw na naman ang bida. Ikaw si Bon Jovi at ako naman si Ritchie Sambora. Tuwing maaabutan natin ang music video ng “Blaze of Glory”, magpapanggap pa tayong sina Bon Jovi’t Sambora, tapos kunwari’y may hawak ka pang mic at pakanta-kanta. Ako naman, kunwaring pagita-gitara. Pagkatapos ng kanta, pakawaykaway ka pa na talaga namang F na F (feel na feel) ang pagiging rockstar. Kung sasali nga tayo sa Look-A-Like contest, sureball na panalo na tayo. Pero nang mga panahong ‘yun, wala pa rin tayong banda. Hindi kasi tayo pinapayagan ng mga magulang natin. Baka raw malulong tayo sa droga, tapos baka raw magpa-tattoo pa tayo ng sawa sa likod o kaya ng pangalan ng mga crush natin sa braso. Naaalala mo rin ba na talagang na-adik tayo sa radyo noong taong ‘yun? Ang paborito pa nga nating istasyon ay 97.1 DWLS FM. Kasi ‘yun lang ang istasyon na nagpapatugtog ng rock. (Hindi pa natin nadidiskubre ang LA 105.9 at NU 107.5) Noong bakasyon nga, wala tayong ginawa kundi mag-request nang mag-request ng rock songs. Tapos babatiin natin on-air ang pamilya, kaibigan at mga crush natin. May mga code name pa nga tayo sa mga puppy love natin. Naaalala mo si Sugar? Code name mo sa kanya, Janis Joplin. Ako naman kay Marjorie, One Non-Blonde. Tapos lagi mo pa ngang niri-rerequest ‘yung “I Remember You” ng Skid Row at idi-dedicate mo sa pinapangarap mong groupie. Parating busy ang telepono pero lagi tayong nakakakontak. Kilala na nga tayo ni Triggerman, na minsan na nating namura on-air dahil hindi niya pinatugtog ang request nating “Every Rose Has Its Thorn” ng Poison nung mabasted ako ni One-No Blonde. Noong summer rin ng taong ‘yun unang pinatugtog sa ere ang soon-to-be-classic na Bon Jovi song na “Bed of Roses”. Sobrang paborito natin ‘to na halos nakalimutan na natin sina Axl at Slash. Kung patok na siguro ang videoke nung panahong ‘yun, malamang na nakipagsabayan na tayo sa mga shenglots sa mga videoke bar. Oras-oras, minu-minuto, binoboto natin ang “Bed of


Roses” (na may Spanish version pa!) kaya’t parating number one sa Top 20 at 12 ng LS. Kahit noong pasukan na, pagkauwing-pagkauwi galing ng eskwelahan, tawag agad sa LS tapos boto para lang ma-secure ang pagiging number one ng kanta ng Bon Jovi. At noong huling araw ng taong ‘yun, magkasama tayo sa bahay namin at inabangan sa LS kung ano ang number one song of the year. At tulad ng inaasahan, numero uno ang “Bed of Roses.” Para i-rekord ang makasaysayang Bagong Taon, nagpa-kodak tayo kay mommy sa tabi ng poster ng Bon Jovi na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Track 5: Smells Like Teen Spirit—Nirvana Na-grounded tayo nung makita ni mommy ang layout ng Nevermind album ng Nirvana. Sa loob kasi ng album, may litrato na nakangarat si Kurt Cobain (kahit blurred naman). Na-astigan pa nga tayo kasi doon lang tayo nakakita ng naka-fuck you sign sa isang album. Nasampal pa nga ako ni mommy nang humirit ako na hindi naman middle finger ni Kurt ang naka-straight kundi pointing finger. Sinumbong ka ni mommy kay tita’t sinunog ang mga Nirvana cassette tape natin. Mga dalawang linggo rin tayong hindi nagkita. Nung ma-lift ang martial law sa mga bahay natin, nagkita tayo sa sakayan ng tricycle at nag- Sta. Lu para bumili ulit ng mga Nirvana album. Track 3: Jeremy—Pearl Jam Naaalala mo pa ba ‘yung unang away natin? Mababaw lang naman siya, pero noong oras na ‘yun, mahalaga para sa’tin kung sino ang tama. Ako ang unang nakarinig ng kantang “Jeremy” ng Pearl Jam. Tapos sinabi ko sa’yo na may banda na ka-genre ng Nirvana. Nang mapakinggan mo ‘to, sinabi mo na sobrang hindi sila pwedeng ikumpara sa Nirvana dahil sobrang layo. Sinabi mo na japeks na grunge band ang Pearl Jam dahil naiintindihan naman ang lyrics ng mga kanta nila, ‘di gaya ng Nirvana, hindi mo talaga maintindihan. Nagdebate tayo ng halos isang oras hanggang sa napikon ka nang sabihin ko na kaya ayaw mo sa Pearl Jam kasi hindi mo kayang gayahin ang malalim na boses ni Eddie Vedder. Sa galit mo, sinapak mo ako sa kaliwang mata. Siyempre, hindi ako nagpatalo’t


sinapak kita sa bibig. Pumutok ang labi mo. Umuwi tayo nang parehong maluha-luha. Nagpataasan tayo ng ihi. Matapos ang isang linggo, pumunta ka sa bahay at binigyan ako ng poster ng Pearl Jam. Hindi ako handa sa araw na ‘yun kaya’t bilang senyales ng peace offering, binigay ko na lang sa’yo ang kauna-unahang CD sa buong buhay ko, na padala pa ng ninang ko sa Tate. Kahit Dangerous album ni Michael Jackson ‘yun, tinanggap mo pa rin. Katwiran mo, ayos lang kasi featuring naman si Slash sa kantang “Black or White”. Nagbati tayo. At noong araw ring ‘yun, seryoso tayong nagplano na magtayo ng banda. Sabi mo, tama na ang pagiging poser. Panahon na para maging ganap na rockers. Kahit 12 years old pa lang tayo noon. Umoo naman ako. Track 4: Creep—Radiohead Hindi mo man aminin, tandang-tanda ko pa na ang kantang ‘to ang naging theme song mo sa pinakaunang babaeng nagpatibok ng ‘yong puso (Hindi counted ang puppy love!). Napaibig mo naman siya dahil sa paawaeffect mo. Baduy na baduy nga ako sa’yo tuwing nasasaksihan kita kapag sa bahay ka makikitawag (Kasi na-grounded ka sa paggamit ng telepono niyo nang mahuli kang tumatawag sa Sex Hotline.) Ni-recite mo sa telepono ‘yung lyrics ng “Creep”. Sabi mo pa na may paawang boses, “Anne, I wish I was special. You’re so very special. But—I’m a creep.” Tumaas talaga balahibo ko nun dahil sa kabaduyan mo. Pero tulad ng ipinagmamalaki mo, naging kayo. Isang linggo nga lang. Nag-attempt ka kasing maka-2nd base. Nakipag-break tuloy. Tinanong ko kung bakit mo ginawa ‘yun. ‘Eto lang ang sinabi mo sa’kin, “Sex, Drugs, and Rock n Roll!” Sabay nag-devil’s sign ka’t palabas-labas pa ng dila, na mala-Gene Simmons ng Kiss. Track 6: Sheena is a Punk Rocker Isa sa mga dahilan kung bakit ‘di tayo makabuo ng banda ay dahil ang hihirap naman kasing tugtugin ng mga kanta noon. Limang taon na tayong rocker pero “Sweet Child of Mine” pa rin ang pinakamahirap kong natutugtog. Hindi na ako umasenso. Samantalang ikaw, sa paglaki mo, naiba na rin ang boses mo. Hindi mo na kaya ang mga


matataas na tono dahil naging low pitch ka na. Noong panahong nauso ang REM, Live, Stone Temple Pilots at Collective Soul, hindi tayo makasabay sa tugtugin nila dahil hindi tayo magkatugma ng alam. Kaya mong kantahin, hindi ko naman kayang gitarahin. Kaya kong gitarahin, hindi mo naman kayang kantahin. Ito ang naging Dark Ages ng rockstar days natin. Umuusbong na ang Pinoy Alternative at mukhang napag-iiwanan na tayo. Hanggang sa isang Sabado habang nakikinig sa NU, pinatugtog ang “Sheena is a Punk Rocker” ng Ramones. Masarap sa pandinig, catchy, at mukhang madaling tugtugin. Noong mismong hapon na ‘yun, bumili tayo agad ng Greatest Hits Album nila, ang RamonesMania Pagkauwing-pagkauwi, pinakinggan agad natin ang bagong diskubreng lumang banda. Unang-unang sumambat sa pandinig natin ang “I Wanna Be Sedated.” Napansin nating mukhang madali lang ‘tong tugtugin. Umiikot lang sa E-A-B ang chords. Nasabayan ko na nga agad sa gitara’t agad mo namang na-memorize ang lyrics. Sinabayan pa nga natin sa pagkanta si Joey Ramone ng “Bababababababababa, I wanna be sedated!” Binasa natin ang history ng banda na nakasulat sa loob ng album. Nakarelate agad tayo dahil katulad lang din pala natin ang Ramones noong nag-uumpisa pa lang sila. Nagkasundo tayo na susundin natin ang yapak ng mga Godfathers of Punk. Punks not dead! ‘Yan lang ang alam natin tungkol sa punk noon. Na kaaway ng hip-hop. Jologs. Squatting. Mababaho. Basagulero. Masama. Pero nagbago ang lahat ng mga ‘to nang mapakinggan na rin na’tin ang The Clash, Velvet Underground, Patti Smith at Elvis Costello. Wala pang isang buwan pero halos alam na nating kantahin at gitarahin ang mga kanta ng Ramones. Sabi ko, magbanda na tayo’t puro Ramones ang i-cover. Ang sagot mo sa’kin na may kasama pang pasuntuk-suntok sa ere, “Hey-Ho, Let’s Go!” Kinabukasan, pinuntahan natin sina Ronnie at Boyeth, na nagbe-bass at nagdru-drums sa choir sa simbahan. Niyaya natin silang magbuo ng banda. Pumayag sila’t nung hapon mismo ng araw na ‘yun, nagpraktis tayo sa kauna-unahang pagkakataon bilang


banda. Naaalala ko pa, ikaw ang unang nagbigay ng pangalan ng banda natin na naka-pattern sa Ramones. Tinawag tayo na Jamones, na base sa apelyido mong Jamon. Makalipas ang isang buwan, naganap ang kaunaunahang gig natin sa isang debut ng kapitbahay natin. Kahit hindi maka-relate ang karamihan sa mga kinanta natin gaya ng “Beat On The Brat”, “I Wanna Be Your Boyfriend” at “KKK Took My Baby Away”, para sa’tin, hindi natin makakalimutan ang gabing ‘yun, kahit pa pumiyok ka ng tatlong beses at nagkabuhul-buhol ang mga daliri ko sa paggigitara dahil sa kaba. Pagkatapos nun, naging sunod-sunod ang mga gig natin. Sa Club Dredd, Mayrics, Freedom Bar at kahit sa mga house party at school fair, kinakagat natin. Naaalala mo ba ‘yung gig na nakasabay natin ang Yano, Tame the Tikbalang at Ex-President’s Combo? Siyempre naman dahil nagkaroon ng open jam nung gabing ‘yun. Nakajamming pa natin si Dong Abay at kinanta natin ang punk version ng “Esem”. Ang dami mong first time nun. 1st time uminom ng Colt 45, 1st time magyosi (Blue seal ba ‘yun?), 1st time mag-juts, tsaka 1st time ma-blow job ng isa sa chicks ng Ex-Presidents Combo. Lahat ‘yon pinalampas ko dahil nangibabaw sa’kin ang mga tinuturo ng Religion teacher ko tungkol sa moralidad. Pero ikaw? Dehins repapis. Ang sabi mo nung gabing ‘yun, naramdaman mo ang tunay na buhay ng isang rocker. Sa oras na’yun, hindi ako sumang-ayon sa’yo. Track 2: Come Out and Play—Offspring Nung nagtapos tayo ng hayskul, naglay low ako sa pagbabanda. Nahirapan kasi akong mag-adjust sa buhay kolehiyo, lalo pa’t Engineering ang kurso ko. Ikaw naman, hindi mo na binalak na mag-aral. Ang dahilan mo, gusto mong magpokus sa pagpapaka-rocker. Nagalit sina tito’t tita sa’yo dahil isang sem ang pinalipas mo bago mo sinabing hindi ka na pala pumapasok sa klase. Nasinturon ka tuloy. Pero hindi ka nila napigilan sa pagbabanda. Desidido ka talaga. Para bang gusto mong itaga sa bato na ikaw ang magiging Mike Hanopol ng henerasyon natin. Mahirap man sa loob mo, kumuha ka ng bagong gitarista. Ang dahilan mo, career move. Hindi naman ako nagdamdam. Nakakalungkot lang dahil nung


oras na ‘yun, nabasag ang matagal na nating tandem. Binabad ko ang sarili sa pag-aaral. Nagkaroon ako ng scholarship sa abroad sa New York University, pero mas pinili ko pa rin dito sa ‘Pinas. Nabatukan mo pa nga ako’t nasabihang “Bobo!” dahil pinalampas ko pa ang pagkakataon na makapunta sa unang club na tinugtugan ng Ramones, ang CBGB. Nginitian na lang kita kahit pinainit mo ang dugo ko nun. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Nag-dorm kasi ako’t matagal na hindi nakauwi sa village. Pero sa hindi inaaasahang pangyayari, nagkita tayo sa campus isang gabi nang minsang manood ako ng tugtugan. Sabi mo tutugtog ang banda natin. Napangisi ako. Sabi ko, baka banda niyo, o mo. Sabi mo na panoorin kita’t papakitaan mo ako ng malupit na stage dive, ‘yung tipong magpapasimula ng crowd surf. Hinintay ko naman ang oras ng pagtugtog niyo. Naghubad ka ng damit. Doon ko lang napansin na tadtad na pala ng tattoo ang buo mong katawan. At ang tong-uts mo, may hikaw na rin. Gradweyt ka na sa mga old school punk. Puro new school na ang tinutugtog niyo. Nakakuha ka kasi ng magaling na gitarista. Pati bahista’t drummer mo, bago na rin. Tumugtog kayo ng Green Day, Rancid, Social Distortion at Offspring. Noong kinanta niyo ang “Come Out and Play,” doon nagwala ang mga tao. Nagawa mo nga ang balak mo. Ikaw ang nagpasimula ng crowd surfing. Nang matapos ang set niyo, nagsigawan ang mga tao ng “More! More!” Halatang na-overwhelm ka sa reaksyon ng iyong “New Found Fans”. Pero hinayaan niyo silang mabitin. Ang ginawa mo, dinampot mo ang bote ng mineral water, lumagok, sabay hagis ng natitirang tubig sa mga tao. Pakiramdam mo siguro noong oras na’yun, isa ka na talagang ganap na rockstar. Hindi na kita naabutan para batiin dahil sumakay ka na sa kotse kasama ang dalawang babaeng sabay mong pinapapak ng mga halik. Pagkatapos ng gabing ‘yun, hindi ka na nagparamdam.


Track 8: Faith—Limp Bizkit Nitong huling linggo ng Oktubre, habang busy ako sa pagsosolve ng assignment sa Calculus, bigla kang bumista nang hindi ko man lang inaasahan. Wala tuloy akong mapakain sa’yo kundi mani. Pero hindi naging problema ang pagkain dahil may dala ka namang isang kahon ng Pizza Hut. At ‘yung paborito ko pang Super Supreme ang binili mo. Tinanong ko kung anung pumasok sa utak mo’t napadalaw ka. ‘Yun pala, yayayain mo ako sa darating na concert ng Limp Bizkit sa Rizal Stadium. Akala ko pa naman galit ka sa mga “hupaw-huhupaw-hupawhuhupaw!” na banda kasi puro sigaw lang ang alam. Tapos ang sinagot mo sa’kin, “Sayang din”. May backstage pass ka kasi. Biniro pa kita na mukhang maimpluwensiya ka na sa industriya ng Pinoy Rock. “Hindi naman.” Sabi mo, sabay pakita ng daliring puno ng naglalakihang singsing. Ang habol mo lang naman sa concert ay “malupit na islaman, bumabahang beer, libreng juts at maka-score ng teenage chick.” Inabutan mo ako ng ringside tiket pero tinaggihan ko. Hindi rin naman kasi ako makakapanood dahil masyadong maraming kailangang tapusin sa acads. Mga ilang beses mo pa akong pinilit at nangkonsensya pang ‘yun na lang nga ang oras na magkakasama tayo ulit matapos ang matagal na panahon. Pero pass muna talaga ako. Nang sumuko ka na sa pagkukumbinsi, nagsindi ka ng yosi’t binuga ang unang hithit sa mukha ko, sabay pabulong na humirit ng, “Bahala ka.” Noong gabi ng concert, nakababad lang ako sa study table at sumasakit ang ulo sa kaka-solve ng assignment sa Chemistry. Nasa backstage ka na siguro nung mga oras na’yun at nakikipagplastikan sa mga “Hupaw”. Nasa kailaliman na’ko ng pagso-solve nang bigla kang nag-text. Pre, d2 me bakstge, ktabi ko c FRED DURST. Putang ina. May putok! Yan magstart na. Cge pre, gdlk sa ASS mo! : ) Hindi na kita ni-replyan dahil piso na lang load ko. Hinihintay ko pa kasi ‘yung free text para sa susunod na buwan. Maya-maya, nagtext ka ulit. Ang aksaya mo nga sa text dahil limang beses mong na-send ang message mo. Al, tnu2g2g na FAITH! Islaman na! Ako nangunguna, pre! Panoorn m pag na-TV to, sureball na makkta me. Magddyv me stge.Pakshet ASS mo :-) Dpat nand2 ka!!!


Cge… Ang kulit mo nun. Bawat galaw mo ‘ata sa concert, tinetext mo. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa ASS ko. Nang-iinggit ka lang ‘ata. Kaya minabuti kong patayin na lang cellphone ko para walang sagabal. Mag-a-alas singko na ng umaga nang matapos ako. Malamang tapos na rin ang concert. Sana pala nasabi ko sa’yo na kung nakita mo si Reg Rubio ng Greyhoundz, bigyan mo ng isang matinding slam. Pero malamang kahit ‘di ko pala sabihin, gagawin mo pa rin ‘yun. Humiga na ‘ko. Pero hindi pa ganun kalalim ang tulog ko nang biglang tumawag si mommy sa landline. Sinabi niya sa’kin na nasa ospital ka raw. Wala ng mumog-mumog o hila-hilamos, pinuntahan agad kita. Track 10: Unknown Hindi ko akalaing sa morgue na tayo muling magkikita. Tatlong saksak ang dumali sa’yo. Lahat sa bandang kidney. Masyadong maraming dugo ang nawala sa’yo’t ‘di na naagapan. Dead on Arrival. Nagkaroon pala ng riot sa concert nang biglang may mga nagkasakitan sa islaman. Hindi ko na tatanungin sa’yo kung ikaw ang nagpasimuno ng bayolenteng islaman o nadamay ka lang talaga. Tutal, hindi mo na rin naman ako masasagot. Patawarin mo na lang ako kung ang unang naramdaman ko’y panghihinayang dahil ‘di na magkakaroon ng reunion ang tandem natin. Tinulungan namin nina mommy’t daddy ang pamilya mo sa pag-aasikaso ng burol mo. Nagboluntaryo ako na siyang mag-ayos ng mga gamit mo sa kwarto. Gaya ng kwarto ko, makalat. Puno pa rin ng mga poster ang pader ng paborito mong mga banda. Binuksan ko ang kabinet mo’t nakita ang koleksyon ng mga tape at CD. Dati, kung anong meron ka, meron din ako. Pero nang makita ko ang koleksyon mo, sabi ko sa sarili, napag-iwanan mo na nga talaga ako. Sa nakapagulo mong kwarto, ‘tong tape at CD rack mo lang ang maayos. Iniisa-isa kong tignan ang mga tape at CD na wala ako. Inisa-isa ko ang mga bago mong impluwensiya. Saves the Day, Alkaline Trio, The Ataris, Dashboard Confessional, Thursday, All-American Rejects, Mest, Get Up Kids, Starting Line, Yellow Card. Hindi mo naman ako siguro mumultuhin kung iuuwi ko ang mga ‘to


para makapag-update sa “eksena”. Isasara ko na ang kabinet nang biglang may umagaw ng atensyon ko sa may tape rack. Sa gilid ng tape, binasa ko ang nakasulat, Rockstars. Natawa pa ako dahil totoo nga ang hinala ko na gusto mo nga ‘yung Pinoy band na Rockstar. Wala nang cover ang cassette tape nang ilabas ko mula sa lalagyanan. Tinanggal mo siguro para kapag dumating ang oras na ‘to, hindi ka mabubuko na pinapakinggan mo nga ang kanta ng Rockstar na “Parting Time.” Sinaksak ko ang tape sa component. Nang i-play ko, walang ibang marinig kundi tunog na parang huni ng electric fan. Papatayin ko na sana nang biglang may boses na sumigaw ng “1-2-3-Go!” sabay tumugtog ang isang napaka-amateur na intro ng “Sweet Child of Mine.” Matapos ang ilang sabit, lumitaw bigla ang boses ng isang trying hard na Axl Rose. Pinakinggan ko ang kauna-unahan (at kahuli-hulihang) kantang na-rekord natin hanggang sa katapusan. At kung sakaling nasa tabi kita ngayon at kasamang nakikinig, sigurado akong magpaparamdam ka’t paulit-ulit mong ipapa-rewind ang kanta natin. PRESS Power Off

HAPPY HOURS MINSAN lang mangyari 'to. Gigising ka nang nakangiti mula sa dalawang oras na tulog dahil napanaginipan mo ang mga eksenang hindi mangyari-yari sa totoong buhay tapos gagawin mo ang trabahong prone sa disgrasya, pero nagawa mong mailusot, at masabihan ng MIRANDA-type na boss ng "very good, Chu!" tapos i-tetext mo sa major crush mo ang good news na nangyari


sa'yo, tapos matutuwa siya para sa'yo, kahit alam mo na nag-react lang siya gaya ng pag-react niya sa normal na kaibigan kung sakaling mag-share din sa kanya tapos uuwi ka ng bahay, manonood ng Scrubs, maa-amaze ka na irelate ang sarili sa moral ng episode hanggang matulugan ito tapos gigisingin ka ng nanay mo para bulyawan ka na "ba't mo tinulugan yung pinapanood mo? ang mahal-mahal ng kuryente!" tapos wala ka nang abilidad na maasar dahil sobra-sobra pa ang sayang nararamdaman mo, kaya sasagutin mo na lang siya ng halik sa pisngi tapos matutulog ka ulit at madi-diskubre mong may power ka nang magtuloy ng mga eksena ng huli mong panaginip, na siyempre, ikaw ang bida tapos magigising ka ulit dahil naiihi ka.

MAN OF THE YEAR

Long before Robin Williams’ latest movie was made, the title “MAN OF THE YEAR� was already a household label with my SoHo friends in the village since the time of the kopong kopongs. It was one of the favorite topics discussed during our End-Of-The-Year reunions at the


backyard of Uncle Bhoy’s house, the resident Kuya Bodjie of the gang. There are specific categories to be able to qualify for the confidence-boosting, morale energizer “Man of the Year” title (which the rewards consist of a round of applause, a unification of mixed cheers and jokes, and offscreen voices of “Manlibre ka naman, Man of the Year!”). These are the following: 1. to have a successful career 2. to be able to do the things you love to do, and 3. to attain a happy and satisfying love life. I was MOY in 1999 and 2003. I could’ve been a shoo-in last year and this year, if not only for category no. 3. Anyway, Boyeth Kabayo, who had his first child in 2005 (after marrying her all-time college crush) deserved the award that year. This year, Ian Machong Uutal-utal is an early favorite, who got married last June and got to fulfill his childhood fantasy of having a Chocolate Fountain in their reception. Other worthy nominees the past two years were Rockstar Joe, who had successful gigs in the underground punk scene (and sell-out scenes too!), only to leave his band indefinitely in search for greener pastures in the US of A (not as the next Mig Ayesa, but as a laborer a.k.a. karpentero). There’s Ronnie Dagul, who, like Joe, is into the “band”wagon, wants to be the next Champ of Hale, or the Enrico Villanueva-look alike vocalist (actually, back-up vocalist) of Cusehe, or Shamrock of Shamrock (?). He gets to hang out with Parokya and Kamikazee, has a Pink Triangle love affair with an Avril Lavigne-type of girl, but has no permanent job. Of course, there’s Jay the Non-Pro whom, I think is the best financial strategist, and could be the first millionaire in the group, has a loyal fiancée, but an unloyal hairline. And Allan Gingineer, a certified Mechanical Engineer working in a call center, has hot wheels, a half-mestiza girlfriend, and a Mr. Swave get up.


As I look back on yesterdays, I realized that things can’t really be perfect all the time. To have a good and fruitful year, it actually shouldn’t be based on the three categories our group created, but based on the experience of daily life, the simple things we see around, and the lessons learned in time. Whether you’re in a relationship…or out; whether you’re the Axl Rose of your co-laborers while mixing the cement , or being the guy making Chito Miranda laugh, whether being Bembol Roco at the age of 25, or labeling yourself “Engineer” during answering calls abroad, life will always be good, even to some most of the time, unfair. I remember what an activist-friend told me before, that in life, there will always be social justice. That’s why you can’t have them all at the same time. But you can cherish what you have right now…while it’s there. In the next few hours, the gang will see each other again. Same scenarios, different approach. Am I concerned with the time when the Man of the Year thing becomes the topic of discussion? Maybe. Maybe not. It depends on the set up. Good food. Cold beer. Uncensored inside jokes. Nostalgic moments. Non-sense debates. Unending “What If’s”. Pataasan ng ihi. Etc, etc, and more etc. Do I still stand a chance to be the dark horse for 2006? Or Joe, Ron, Jay, Allan, or Boyeth? Or is it a hands down choice for Ian? Later tonight at the end of the year, we may have a unanimous choice. The good thing about this coming 2007, everybody’s nominated.


SOAP OPERA (Ito ay hango sa tunay na pangyayari) Isang tipikal na Lunes, maagang gumising si daddy at mommy para pumasok sa opisina. Nagjogging pa si daddy sabay hirit pa sa'ming "start the week right!" habang sumusuntok-suntok pa sa hangin ala Manny Pacqiuao. Matapos ang 30 min na magkahalong jogging at walking (mas maraming walking!), kumain sila ni mommy ng breakfast. danggit galing Cebu. "Sarap! Lutong!" Hirit pa ni daddy. Pagkatapos nun, nauna nang naligo si daddy kay mommy. Siguro pagka-bold ni daddy, diretso na siya sa liguan, tapos dun lang niya napansin na wala na palang sabon. Siguro tinatamad ng lumabas ng banyo para kumuha sa cabinet ng bagong sabon, kinuha na lang niya yung isang bilogang sabong inuuwi galing sa mga hotel na nakapatong sa may unidoro. So nagshower si daddy, tinanggal ang plastic ng sabon, sabay sinabon ang buong katawan habang kumakanta ng "Remember Me" ni Renz Verano. After 15 minutes, lumabas siyang fresh na fresh. Sumunod naman si mommy. Pero wala pang isang minuto, lumabas si mommy ng banyo, hawak-hawak 'yung sabong ginamit ni daddy. Inangat ito ni mommy para ipakita. "Ginamit mo 'to?" "Oo. Wala namang pagkakaiba sa Safeguard 'yang sabong galing hotel, eh" Pagmamalaki pa ni daddy habang nagmemedyas. "Ano ka ba, eh Albatross 'tong ginamit mo eh!"


Realizing na pampabango ng banyo ang nagamit niya't hindi pampabango ng katawan, nagpalusot na lang siya't sinabing: "Okay naman eh." Bumalik si mommy ng banyo para maligo na tatawa-tawa. Pagkasarang-pagkasara ni mommy ng banyo. Dinampot ni daddy 'yung twalya sa kama, lumabas ng kwarto, sabay pumasok sa isang banyo. Maya-maya, may narinig kaming bumuhos na tubig.

PARA KAY KITCHIE Sanay akong umuwi ng gabi (o madaling araw) na sinasalubong ni Kitchie. Minsan, kapag nakatali siya sa garahe, papakawalan ko siya, sabay takbo na akala mo'y kasali sa marathon. Iikutin ang buong bahay, sabay babalik sa'kin at tatalunan ako. Naaalala ko pa nuong tuta pa lang siya, lagi't lagi ko siyang pinapasalubungan ng sosyal na buto na bibilhin ko pa sa grocery store. siguro dahil nasanay akong 'yun ang laging nangyayari tuwing uuwi ako ng bahay, naging "one of those regular nights" na lang ang mga eksenang 'yun sa pagitan naming dalawa. Pero nitong Huwebes ng umaga, nakita na lang namin si Kitchie na nakaratay sa bakod namin. Dilat ang mata, matigas na ang katawan, at nilalangaw ang basang ilong. pinagmasdan ko lang siya ng ilang sandali. Parang 'di ako makapaniwalang patay na siya. Hindi ako naiyak. Hindi ko alam kung paano i-e-express na nalungkot ako. Kasama ng kapatid ko, nilibing namin si Kitchie sa tabing bakanteng lote. Hindi naman scripted ang pangyayari, pero umulan bigla. Para talagang eksena sa pelikula tuwing may nililibing. Wala na akong pakialam kung naputikan yung tsinelas ng tatay ko.Ang mahalaga nung mga oras na 'yun, malibing namin si Kitchie ng maayos.


Siguro, kailangan ko nang sanayin ang sarili na umuwi ng gabi nang walang sasalubong.

BEEF BONDING Nilagang baka ang ulam namin kaninang lunch, na tinake out nina mommy sa isang party kagabi. Sa dining table, pinagsasabihan ni daddy ang kapatid kong si Marion (na siyempre, anak ni daddy), na ang payat payat niya't kumain naman siya ng marami para tumaba-taba. Ang tanging sagot ni bunso, eh ayaw niyang maging "Mervin" (ang 250 pounds naming pang-apat na kapatid). Tradisyon na sa pamilya na kasama ang asaran, kantyawan at tawanan sa putahe tuwing kumakain kami. Kaya nung lunch na 'yun, busog na busog kami sa kakatawa. Siyempre, si daddy ang bumabangka. At si Marion ang napagdiskitahan niya nung oras na 'yun. Habang sinusutil ni daddy si Marion, bigla-bigla naman 'tong tumutusok ng mga ulam sa plato ni bunso. Hindi naman pinapansin ng Marion, na abala sa pagnguya, dahil siguro wala naman siyang panahong makipagasaran sa tatay niyang umaasal ng mas bata kaysa sa kanya. Pero ang turning point? Habang nagkwekwento si daddy tungkol sa mga panabong niyang manok, pasimple niyang tinusok ang natitirang baka sa plato ni Marion. Dito na nagreact ang bunsoy. Matitiis pa niya siguro kung 'yung nilagang saba o patatas


o gulay ang mga kinukuha ni daddy sa plato niya, pero nung 'yung natitirang baka na ang pinuntirya ni daddy, eh ibang usapan na siguro 'yun! "Ooooh! Bakit mo kinuha 'yan?!?" sabi ni Marion kay daddy, na nakakunot pa ang noo. Setting a good example in front of his children, nginuya muna ni daddy ang bakang dinukot niya kay Marion, nilunok, uminom ng tubig sabay dighay, at tsaka nagsalita. "Sarap! Ang lambot ng laman!" Nang 'yun lang ang lumabas sa bibig ni daddy, dali-dali siyang sinagot ni Marion. "Bakit mo kinain 'yun? Eh niluwa ko na 'yun eh!" Biglang nagtawanan ang lahat, kasama si Marion, na naka-isa sa masiba naming tatay. Walang nasagot si daddy kundi ang isang malakas at hindi sinasadyang "Burp!" Hindi na kami nagdessert dahil busog na kami sa ekseneng hinain nina daddy at bunso.

ANG PAGHATOL KAY RIPPO MAN Maaga akong nagsimba nitong Linggo kahit na puyat ako kinagabihan. Sa tulong ng advanced na orasan sa cellphone ko, maswerte ako't nakakuha pa ng libreng upuan. Habang naghihintay ng misa, nagmasid-masid muna ako sa paligid kung sino-sinong mga taong kasabay kong nagpapakabait.


Nakita ko si Jayson Aban, na may alagang kabayo sa village, na ang pangalan ay Silvara. Siya ay isang classic na character sa village dahil siya ang may basketball theory na para mas maging mataas ang talon mo sa basketbol, 'wag ka raw hihinga 'pag tatalon. May nagawa pa ngang village east cult classic song tungkol sa teorya niya sa tono ng "Grow Old With You" ni Adam Sandler. Ito 'yung lyrics: Itong si Jayson Aban Maraming alam Lahat naman ay walang katuturan at ang sabi pa nito "Wag hihinga pagtatalon" (Kinanta niyo no?) Hanggang ngayon, pinagmamalaki pa rin ni Jayson na 'yun pa rin ang secret technique niya kung bakit naaabot pa rin niya ang ring kahit na 72 hours na raw siyang hindi natutulog dahil sa online game na Dota. Wala pa ring naniniwala sa kanya. Nandun din si Cesar, ang tricycle driver na champion sa "piso-piso" sa court. Siya rin ang taong natutuwa ang lahat ng tao tuwing nakikita siya sa liga hindi dahil sa shooter siya, kundi sa dahilang nakashorts siya. Tama. Dahil sa nakashorts siya. Lagi kasi siyang nakapantalon kaya tuwing liga, katumbas ng pagkakakita ng total eclipse ang pagkakakita ng legs niya. (Ayon sa mga kalaro naming talagang kumilatis ng legs ni Cesar, maputi't makinis daw ang mga ito) Tapos nakita ko na papasok ng simbahan ang isa pang nakakalaro ko sa basketbol.


Nakakalaro ko siya pero hanggang nung mga oras na 'yun, hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan niya. Minsan, siya si Rippo Man (dating wrestler sa WWF). Minsan naman, si Ray Allen. Narinig ko na rin minsan na tinawag siyang James Yap...at Joshua. Hindi ko ma-explain kung bakit talaga 'yun ang mga tawag sa kanya pero meron kasi sa laro niya na iba eh...nakakatawa siya gumalaw. Hindi siya kagalingan tapos may mga moves siya na akala niya kaya niyang gawin pero lumalabas na katawa-tawa. Hindi katigasan ang tikas niya kaya pagtumatakbo siya, para siyang binatang dinapuan na ng osteoporosis sa murang edad. Tuwing titira siya, humahaba ang nguso niya, kaya walang bantay na makalapit sa kanya dahil baka magkahalikan pa, mahirap na. Nandun siya sa category na mga basketbolistang hindi mo papanoorin sa liga. In short, siya 'yung ayaw mong maging kakampi o makalaban dahil nakakawalang gana maglaro. Alam kong ang sama ko lalo na't sa simbahan ko pa naisip ang mga ganitong klaseng panlalait. Pero hindi naman dun natapos ang eksena. Dahil sa sumunod na nakita ko kay Rippo Man, lalo ko lang narealize may maitim talaga sa budhi ko. Habang pinagmamasdan ang mala-gelatin niyang postura (with matching high waist at tucked in na polo, biglang bumulaga sa paningin ko ang isang batang masayang tumatakbo papunta kay Rippo Man. Kinarga ni Ray Allen ang bata't hinalikan sa buong mukha. Niyakap siya ng bata, na para bang ayaw ng pakawalan sa higpit ng pagkakayakap. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nina James Yap, pero ramdam mo ang mga salitang lumalabas sa bibig nila, eh wikang


maiintindihan lang sa pagitan ng naglalambingang tatay at anak. Nagsimula na ang misa, pero kina Joshua at sa cute niyang anak lang ako nakatingin. Ni hindi nga ako nakinig sa misa eh. Basta, tinitignan ko lang kung paano turuan ni Rippo Man (ulit) ang bata kung paano mag-sign of the cross at kung paano niya sabayang mag-"Amen" ang chikiting. Sa mga oras na 'yun, ako na yata ang pinakaguilty na Kristyano dahil sa paghatol ko kay Rippo Man/Ray Allen/James Yap/Joshua, pakiramdam ko ako ang guilty at karapat-dapat lang na masentensyahan ng habang buhay na pagkakabilanggo sa kulungan ng kayabangan. Nung dumating ang peace offering, nilapitan ko si Rippo Man, na kasalukuyang dinidikit-dikit ang ilong sa ilong ng anak, at nakipag-peace ako sa kanya. Kitang kita naman sa mukha niya ang halong pagkagulat at tuwa. "Uy, Peace Mike! Ano, champion na naman kayo sa liga nyan!" Sinagot ko lang siya ng isang alanganing ngiti, sabay kurot sa pisngi ng kalong kalong niyang bata, na nagpeace sign din sa akin. Kung maiintindihan lang ako ng bata, sasabihin ko sa kanya na maswerte siyang anak. Nalaman ko ang tatlong bagay sa pangyayaring 'yun. Una, na masarap talagang manlait. (at likas na 'yun) Pangalawa, na dapat pa ring ma-realize natin sa huli na pinapaligiran tayo ni Lord ng iba't ibang karakter hindi para husgahan ang mga ito, kundi para makatulong sa paghuhubog ng pagkatao natin. Pangatlo, na ang totoong pangalan ni Rippo Man aka Ray Allen aka James Yap aka Joshua ay Christian.


ANG HARI NG POMPYANG Nagshoot ako sa Alma Mother ko. Kasama ng mga kaiskwela kong hindi ko naman naging kaklase, inikot namin ang buong campus para maghanap ng mga estudyante, propesor, tibakers, at kahit sekyu na feel na feel humarap sa camera na pwedeng magchant ng "GI-NEB-RA! GI-NEB-RA!" Kahit scripted, pwede na, matapos lang 'tong "walang katapusang" trabaho. Buti na lang game 'yung klase ng kaibigan kong propesor at sa klase na lang niya kami nag interview kaya bawas hassle! Palibhasa'y last day ng sem at kailangang gawin ang lahat para lang magkaroon ng good and lasting impression sa prop, marami namang nagpakapal ng mukha. (Salamat, Vlad!) Natapos kaming magshoot sa klase ni Vlad, pero feeling ko kulang pa, kaya naghanap pa kami. Pero isaw na isaw na kami (na isa sa mga dahilan kung bakit sumama ang iba sa shoot) kaya nagdecide na lang kami na dumiretso na kami sa ilang-ilang. Kaso pagdating sa ilang-ilang, ubos na ang mga isaw. Inubos ng isang malaking lalaki na kapag nakatalikod ay kamukha ng PBA player na si Migs Noble (Na nung humarap sa'min eh putek... si MIGS NOBLE NGA!) Kaya lumipat kami sa kalayaan. Pagdating namin dun, marami ring tao pero hindi pa naman ubos ang isaw. Kaya umorder na kami. (Actually si Rocel ang umorder para sa'min lahat) Naisip kong dito na magshoot ng iba pang MOS, pero dahil ang mindset ko ay kumain na ng isaw ng manok, baboy, tenga, botchi, with matching mountain dew, eh tamad na ako magshoot. Kaso maniwala man sa o hindi ang mga kasama kong


makakabasa nito, nabagabag naman ako ng konsensya ko (na hindi ko kamukha) dahil sumama lang naman sila talaga sa'kin para magpaka-emo ulit sa alma mother namin. pero tamad na talaga ako eh. Kaya may naisip akong paraan. "Pompyang na lang tayo. Maalis siyang magshu-shoot." Wala namang tumanggi. Kaya Inextend ko na ang kamay ko para simulan ang larong matagal ko ng hindi ginagawa. "Maalessssssss----MAGSHU-SHOOT!" Lahat puti. S"Dinaya niyo ako!" reklamo ni Rocel. "Hindi kaya! Tsaka magandang training 'yan para maging magaling na producer ka" Willing naman talaga akong magshoot, gutom lang ako. At tamad. Hehe Pero sorry na rin kay Rocel. O isa pa. "Maalesssssssssssssssssssssssssss----MAGSHU-SHOOT! Tatlo kami nina Racquel at Mark na puti. Itim naman si Rocel. Sabihin na lang natin na may utang ako sa kanya. Pero wala eh. Bumangga siya sa Hari ng Pompyang.


MY WONDERFUL DILEMMA TONIGHT Galing ako sa meeting na walang pagkain. Kaya nung matapos 'to, naghanap agad ako ng makakainang mapagkakasya ko ang natitirang 75 pesos sa bulsa ko. Saktong nakita ko si Oliver the Editor at niyaya ko siyang mag-Mini Stop. Sumama naman siya. Pagpasok namin sa Mini Stop, unang bumungad sa'kin ang tumutugtog sa radyo. Pero binalewala ko na lang 'yun dahil mas importante pa 'yung tumutunog na rak n rol sound ng sikmura ko. Out of stock na 'yung manok na mala-Jollibee kaya pumunta ako sa fridgider (YES NAGAMIT KO RIN ANG SALITANG 'TO!) para bumili na lang ng Toppers. Bistek o Sisig? Nagdesisyon akong Bistek naman kasi parati na lang Sisig ang kinakain ko. So nagbayad ako. Pinainit ang Bistek. Tapos umupo't dalidaling lumamon. Habang pilit na nilalasahan ang tapang 'di ko malaman kung tapa ng pinakamatandang baka sa buong mundo, bigla na lang sinabayan ni Oliver ang chorus ng kantang pinapatugtog sa radyo. "I feel...wonderful...because i see the love light in your eyes..." Bago pa man mapapikit si Oliver para ituloy ang pagkanta, pinutol ko na siya kahit puno pa 'yung bibig ko. "Wag mong kakantahin 'yan." "Bakit?" "Yan 'yung huling kinanta nung taga sa'min nung gabi bago siya mamatay."


Kahit wala pang follow up sa kwento ko, hindi na kumanta si Oliver. Pagka-inom ko, kinwento ko sa kanya ang dilemma ko sa classic song ni Eric Clapton, na ikwekwento ko na rin sa inyo. ****** Nung 10 years old ako, June 26, 1991 nun, Sabado, bale may party sa kapitbahay namin. Marami akong kinain nun. First time ko rin atang nakakain nun ng bayawak (na sinabi lang sa'kin na bayawak pala 'yung kinain ko nung bumabiyahe na 'to pababa sa esophagus ko). Nagkakasayahan 'yung mga tropa ni daddy kasi may videoke.Bale laser disc pa nun. Isa sa mga nangunguna sa pagkanta ay 'yung caretaker ng isang abandonadong bahay ilang lote lang ang layo sa bahay namin. Siya si Pando. Nakaputing t-shirt siya nun. Maong na kupas. Hindi ko na matandaan kung nakasapatos ba siya o naka-tsinelas, basta sigurado akong hindi siya nakapaa. Syete ang gupit at may mala Romy Diaz na bigote. Maaga pa ang gabi nun, pero kailangan na 'atang umuwi ni Pando dahil sumasakit na raw ang tiyan ng asawa niyang nasa kabuwanan na. Bago umuwi, kinantyawan siya ng tropa sa pangunguna ng kapitbahay naming matador na si Mang Pabling. Naaalala kong ayaw kantahin ni Pando ang "My Way" ni Frank Sinatra dahil bata pa raw siya. Kakantahin daw niya 'yung theme song nila ng asawa niya (actually, hindi niya talaga 'yun asawa...live-in partner o kabit lang daw kasi may asawa talaga siya na nasa Samar) Pinili niya ang "Wonderful Tonight" It's late in the evening She's wondering what clothes to wear She puts on her make up And brushes her long blonde hair


And then she asks me Do I look alright And I say yes, you look wonderful tonight. Umuwi na kami ni daddy bago pa matapos ang kanta. Ina-allergy na rin kasi ako dahil sa tinungga kong 1/4 na baso ng beer-gin, na ginawa ko lang para makakurot ng balat ng crispy pata. Hindi kasi ako excempted sa "No Drink, No Tanpuluts" policy ng mga sunog-baga. At dahil sa may reputasyon ako na kahit sa Cali eh nalalasing ako, bagsak agad ako sa kama. ****** Kinabukasan, Linggo. Naging mabilis ang oras. Sabihin na nating nagfast forward na sa hapon. So naglalaro kami ng mga barkada ko ng volleyball sa kalsada. Palibhasa eh anak ako ng dating volleyball player sa Bicol, nagfeeling naman ako na magaling rin ako sa sport na 'to. Ang pinagmamalaking kong minana kay daddy na "Super Spike", eh sumablay kaya nagresulta ng "Super Pulot" sa kalaro kong si Iking. Napunta sa talahiban ang bola, ilang metro ang layo sa pinaglalaruan namin. Sa intensyong 'wag magpulot, sinadya kong sirain ang tsinelas kong Rambbo (yup, ganyan talaga ang spelling!) at pilit na inayos 'to, sabay talikod kay Iking para maiwasan ang eye contact. Kaya no choice siya na kunin ang bola sa talahibang nakalubog sa naipong tubig ulan. Bigo si Iking na wag lumubog ang paa sa tubig. Lumubog pa nga sa putik 'yung paborito niyang alpombra. Nung kinuha niya 'yung bola, biglang bumulaga sa kanya ang isang mukha ng patay na tao. Sa takot ni Iking, nagtatatakbo siya't nagsisisigaw ng "Patay! Patay! Patay!" Lumapit naman kaming lahat sa talahibang nilandingan ng bola. May patay nga. Si Pando. May saksak sa kaliwang dibdib, may taga sa kanang braso na parang


hiniwang baboy. Sabi ni daddy, malamang pinangharang niya 'yung braso niya nung una siyang tatagain. Ang puting damit, naging kulay tsokolate. At ang kaliwang kamay, mahigpit na nakakapit sa mga damo. Parang napakapit siya sa sakit. Habang tinitignan ko ang nanigas nang katawan ni Pando, nanlambot naman ako. Hindi naman 'yun ang unang beses na nakakita ako ng patay dahil nung nakatira pa kami sa Cubao area, nakakita na ako ng bangkay ng salvage victim sa isang kanal habang nanghuhuli ng butete. Pero mas tumatatak sa'kin 'tong si Pando dahil nakita ko pa siyang buhay at masayang kumakanta ng "Wonderful Tonight" bago pa mangyari ang karumal-dumal na krimen. Naging suspek si Mang Pabling dahil siya raw ang huling nakasama ni Pando, pero hindi naman ito napatunayan. Binurol si Pando sa clubhouse ng nagmalasakit na sobrang layong kamag-anak, habang nabalitaan namin na nanganak 'yung live-in partner niya nung araw ring 'yun. ****** Very traumatic sa'kin 'yung pagpatay kay Pando. Ilang buwan din akong natulog sa kwarto nina daddy't mommy dahil sa takot na baka magpakita sa'kin ang kaluluwa ni Pando. Nagkaroon pa nga ng urban legend na tuwing gabi, nagdo-doorbell si Pando sa mga bahay para humingi ng maiinom na tubig nawasa, o kaya'y kapag naglalakad ka raw sa tapat ng kalsada kung saan siya pinatay, eh may maririnig ka raw na mga sigaw ng naghihikahos na lalaking parang kinakatay. Minsan naman, maririnig naman daw ang tinig ng isang lalaking kumakanta ng " Wonderful Tonight" Kahit nung highschool na ako, tuwing mapapadaan ako sa lugar kung saan pinatay si Pando, 'di ko pa rin maiwasang kumaripas ng takbo habang kumakanta ng "Shine, Jesus, Shine" o kaya'y "God is Good".


****** Nauna pa akong matapos kumain kaysa sa kanta ni Eric Clapton. O baka gutom lang talaga ako. Nakiusap ako kay Oliver, hindi para sabihing "Oliv, ayan ha...'wag mo nang kakantahin ang "Wonderful Tonight, ha? Kundi baka ma-Pando ka!" Nakiusap ako sa favorite editor ko na pautang ng 45 pesos. "Hindi ko man lang nalasahan 'tong bistek. Bwuyshet!" Sisig ulit.

PARENTAL GUIDANCE Twenty six na'ko. Tatlong taon na rin akong nagpapaka-yuppie (without the corporate look), malayang nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin (umorder ng pizza sa hatinggabi habang nagddvd marathon o kaya'y magsakit-sakitan kung tinatamad umalis ng bahay), at ako na ang bumibili ng sarili kong deodorant (ty high endurance, kahit nagkakaputi-puti tshirt ko). Pero kanina, may eksenang hindi ako ang may kontrol. Lunch time. Nauna na akong kumain dahil tom jones na tom jones na ako. At dahil linggo, automatic na masarap ang ulam dahil bagong palengke si daddy. Inihaw na bangus ang ulam kaya sobrang good timing talaga na mauna ako, dahil kung makasabay ko pa 'yung kapatid kong si SIBA, The Lamon King, e sureball na mabibitin lang ako.


Pero dahil linggo, hindi rin maiiwasan ang nilutong gulay ng Ilokano kong nanay- ang DININGDING. "Wen, naimbag datoy nga nateng!" sabi ni mommy habang nakatayo sa tabi ko't nag-aabang kung kukuha na ba ako ng niluto niya. "Alam ko, basta kukuha rin ako niyan mamaya." Sabay sawsaw ko ng bangus sa toyomansi. Mabilis natapos ang first round ng pagkain ko. Nadala ata ako sa sarap ng sawsawan kaya ginanahan. Si mommy naman, ang weird na nakatayo pa rin sa tabi ko. Pero nung makita niyang bangus pa rin ang kinukuha ko, bigla na lang niyang kinuha 'yung serving spoon ng diningding at sinandok ang luto niya't nilagapak sa plato ko, sabay hirit ng "Kumain kang gulay!" "Kukuha naman ako eh. Hindi lang ako kumakain ng ulam ng sabay" Palusot ko, pero totoo rin namang hindi ako nagsasabay ng ulam sa plato, unless dinuguan at kare-kare ang ulam (na bihirang mangyari). Sa pag-asang aalis na si mommy sa tabi ko, pinagbigyan ko na siyang tikman ang pinagmamalaki niyang luto. Sumubo. Ngumuya. Lumunok. Sabay hirit ng "Oh, ayan ha! Dapat pati sina Merv at Marion, pakainin mo rin ha?!" Ngumiti si Mommy na para bang naka-score ng 100 sa videoke sa kantang "Chiquitita", at kung makikita ko lang ang thought bubble niya, para bang ang sinabi niya eh "Hangga't nasa pamamahay kita, kakain ka ng gulay ko! BWAHAHAHAHA!" Umalis si mommy sa kinatatayuan niya't nagpaka-barker at tinawag ang lahat na kakain na. Sa kabilang banda, natawa na lang din ako't kung mababasa naman ang thought bubble ko, ang sasabihin ko dito eh "Naglalambing na naman ang mudra". Hindi naman talaga isyu 'yung pagkain ko ng gulay dahil in the first place, kumakain naman talaga ko ng lahat ng


luto niya mapa- pinakbet, labong, chopseuy, o etong diningding. Ang isyu siguro talaga dito eh, kahit twenty six na ako, eh anak pa rin ako ng nanay ko.

ANG PINAKAMABABAW NA AWAY SA BALAT NG LUPA So ganito 'yun. Galing kami ng bespren ko (kahit para sa kanya eh 3rd best friend lang ako) sa Lipa, Batangas para sa isang ribbon-cutting ceremony ng bagong skul. Mahaba ang biyahe, traffic, tapos sobrang aga pa namin nagising. Kaya pagbalik namin ng Manila, nakakapagod na. Eh, after lunch, siyempre nakakaantok sa kabusugan, tapos dadaan pa kami sa sosyal niyang sastre para magpatahi ng coat na gagamitin niya sa kasal. E habang nasa daan, inantok ako siyempre afternoon siesta. so sabi ko na lang sa kanya, "Boy, pikit lang ako pero pwede mo ako kausapin." "Hindi pwede!" "Sige na, promise. hindi ako matutulog." "Basta, hindi pwede. Wag ka madaya!" Hanggang sa paulit-ulit kaming nagtalo tungkol sa abilidad ko na kaya kong makipag usap ng nakapikit. Kaso, sa (hindi) inaasahang pangyayari, nakatulog ako.hehe. E hindi naman talaga ako makakatulog kung hindi siya nagpatugtog ng senti music (FYI:siya ang founding member ng grupong THE SENTINELS--isang grupo sa Colegio de San Agustin na eksperto sa mga tugtuging sentimental), kaya ayun, bagsak talaga ako.


Nung dumating na kami sa patahian, nagising na ako pero ayaw na niya ako pasamahin at sarcastic na niyang sinasabing "Dyan ka na sa kotse, matulog ka na lang. Inaantok ka di ba?" "Eh hindi na ngayon." sabi ko naman. Hanggang sa umikot na naman ang pagtatalo namin sa mga dialogue na 'yun. Hanggang sa magsawa, bigla na lang kaming hindi nagpansinan mula nung sinukatan siya hanggang sa biyahe pabalik ng bahay nila. Tapos dahil hindi na ako makatiis, ako na ang naunang nagsalita.Sabi ko, "Ano bang problema mo?" "Wala. Inaantok ka di ba?" sagot niya. Sa inis ko, nagwalk out ako at umuwi. Bad trip pa dahil habang hihintay ang sundo ko sa tapat ng village nila, inabutan ako ng ulan at napilitang tumambay sa isang pet store para sumilong. Matapos ang insidenteng 'yun, isang linggo kaming hindi nagpansinan. Pero nitong lunes, tinext ko na siya't nakipagbati.Ang sabi ko "Boy, bati na tayo . para tayong bata eh." Nagreply naman siya kaagad at sinabing "Ok.haha. ikaw una." Natawa na lang ako't humirit na siya ang mas ma-pride pero ako ang mas lohikal. Whatever daw. Ako pa rin ang unang tumupi. Oo na, oo na. Eh ano bang na-realize namin sa "major" away na 'yun?


Wala. Na kahit ang may pinakamalalim na samahan, nag-aaway rin dahil sa pinakamabababaw na dahilan. At kahit ang may pinakamalalim na samahan, pinagtitibay rin ng mga pinakamababaw na tunggalian.

MY LENTEN PERSPECTIVE Romans 8:28 We know that everything God works for the good of those who love Him, whom He has called according to His plan. No Senyor, senyora!!! Hindi ako naging Bible freak nitong Holy Week. Pero simula nang ma-restore ang daily prayer time ko, natutunan ko nang maging habit ang magbasa ng scriptures. Ito kasi 'yung isa sa mga paraan para makipag-usap kay God, di ba? Sabi nga eh, prayer is a conversation with God. Pero 'pag nagdadasal tayo, minsan tayo lang ang salita nang salita, na kesyo "Lord, salamat sa lahat ng blessings...", o kesyo "Dear God, sana mapromote ako...", o kaya "Jesus, sorry sa mga kasalanan ko...". Tuwing nagdadasal ba tayo, pinagsasalita ba natin si God? O one-way lang ang usapan? Nitong Holy Week, ang dami kong insights na natutunan. Blessing in disguise na rin pala yung hindi pagkakatuloy ng Bicol trip namin ng family dahil mas nagkaroon ako ng time para mag-focus kay Lord. Feeling ko, mas naging personal ang relationship ko kay God. 'Yung tipong hindi ko lang siya nakakausap pagkagising o bago matulog. Ang sarap din ng feeling na maging mabait. Kailangan lang maging consistent. Sana lang talaga hindi lang ako sa umpisa magaling. God created us in His own image and likeness. Likas naman sa'tin ang maging mabuti. Minsan, o


kadalasan, nakakalimutan lang natin. Buti na lang, may Holy Week to remind us that God is always faithful in loving us. At sana ganun din tayo sa Kanya. Thank you Lord! :-)

WHEN INTEGRITY AND LOYALTY BECOME NONFACTORS IN THIS WORLD

Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kinikilalang pinakaimportanteng Pinoy ngayon sa bansa. Mas mahalaga pa kaysa sa presidente ng Pilipinas. Kaya niyang gawing zero crime rate ang isang araw tuwing may laban siya. Meron siyang humigit-kumulang na 50 alipores sa kanyang entourage. Lahat ng politiko, artista (lalo na 'yung mga laos at hindi man lang sumikat), social climbers, nakadikit sa kanya na parang aso, maambunan lang ng kanyang "swerte". Simula nung nauso 'yung pagpapalabas ng pay-per-view sa mga sinehan, wala akong pinalampas na mga laban niya. Siyempre, siya si Manny Pacquiao eh. Ang People's Champ. Ang Pound-for-Pound King. Ang TV host ng Pinoy Records sa GMA7.


Kagabi, napanood ko si Pacman sa TV Patrol na nag-aannounce na sa ABS-CBN na mapapanood ang kanyang mga laban at kabilang na rito ang laban niya kay Ricky Hatton sa May 2. Sinabi niya ito kahit may live contract pa siya sa Solar Sports hanggang 2012 at identified pa siya bilang isang Kapuso. Pinapawalang bisa raw ni Manny ang kontrata niya sa Solar. Ganun-ganun lang. As in kung gugustuhin niya atang ipawalang bisa ang kasal nila ni Jinky, magagawa niya. Maraming nagtext sa'kin at nagtatanong kung mawawala na ba ang Pinoy Records. Hindi ko alam. Nandyan naman si Chris Tiu, na mas identified pa nga sa show kaysa kay Manny. At kung sakaling mawala naman si Pacman as host, hindi naman ata mararamdaman ng staff ang pagkawala niya. Pero isyu pa rin siguro 'yung eksenang ABS ang magcocover ng mga laban niya at pagkatapos ay mapapanood si Manny sa mga GMA shows gaya ng Pinoy Records at Totoy Bato. Namamangka sa dalawang ilog? Ano kayang pinagmi-mitingan ng mga bossings ngayon? I'm sure bad trip 'yung mga yun kay Manny matapos siyang alagaan at itratong Diyos. Ang sabi-sabi, wala na raw pera ang Solar. Naramdaman daw ito nung makansel at mausog ang laban nina Nonito Donaire at Brian "Baduy" Villoria nitong March 14 sa Araneta Coliseum. At ang krisis ng Solar sa PBA, na kesyo hindi raw naabot ang financial expectations, na umabot pa sa pagkakakaltas ng mga sahod ng production nito. Sabi naman dahil may malaking political machinery ang Dos na makakatulong sa political ambitions ni Manny sa 2010. Sa huli, it all boils down to business.


At kinakailangan ang pulitika sa hanapbuhay dahil may hanapbuhay sa pulitika. Dahil si Manny ang pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas, kaya niyang paikutin kahit ang hindi mga bilog na bagay tulad ng mga de-kantong pera at ang mga nakantong ulo ng mga taong pinapatakbo ng kasakiman. Sinasabi lagi ni Manny na lumalaban siya para sa karangalan ng bayan. Totoo naman siguro. Dahil sa mga kwento ng mga na-interview ko mula sa trainers niya hannggang sa iba't ibang sports analysts, eh kapag training eh talagang focus si Pacman sa kanyang laban. Walang duda dun. Ang kaduda-duda lang eh pagdating sa usapin ng integrity at loyalty, pinapahalagahan pa rin niya kaya ang mga 'to? Sa ginawa ni Manny na paglipat sa Dos, nasa'n na ang integridad niya sa pagtupad ng kanyang commitments? Nasa'n na ang loyalty ni Pacman sa mga tao't institusyon na tumitingala sa kanya? Naalala ko nung cinover ko 'yung binyag ng anak ni Manny na si Queen Elizabeth, nakakalula ang dami ng taong nandun sa party. Tapos natanong ko 'yung camerman ko na kung sakaling mawalan ng pera si Manny, sino lang kaya sa libo-libong tao na nasa loob ng function room na 'yun ang matitira? Idedemanda raw ng Solar si Manny kapag pinalabas sa ABS ang laban niya. Kung ako sa kanila, 'wag na silang mag-aksaya ng oras at


pera. Kung sina Dela Hoya at Bob Arum nga, napaikot ni Pacquiao, ang Solar pa kaya? Mawala man ang Pinoy Records o hindi, hindi ako manghihinayang. Manghihinayang lang siguro ako sa samahan namin sa trabaho.Gusto ko pa ring manalo si Manny sa darating na laban niya kay Ricky Hatton. Dahil alam ko, na maraming Pinoy ang umaasang kahit sa isang araw, masabi nilang "It's an honor na maging Pinoy." Pero hindi ako manlulumo kung sakaling pabagsakin siya ni "Hitman." Baka 'yun lang kasi ang paraan para magising si Manny sa katotohanan... ...na hindi lang pera-pera ang lahat sa mundo.

MICHAEL (VILLAR) LEARNS TO ROCK From Wikipedia, the free encyclopedia: Michael Learns To Rock (also known as MLTR) is a Danish soft rock band that performs songs in English. It was formed in 1988 and has sold over 9 million records, mainly in Asia. It has produced six studio albums as well as live and "greatest hits" albums.

Aww...I missed half of my life kasi hindi ako nakapunta sa Araneta concert ng all-time favorite videoke band ko--ang MLTR. Sa totoo lang, gusto kong manood pero ang mahal ng tickets eh, tsaka hindi ko alam kung sasama sa'kin si Mich. Baka tuluyan na niya akong bansagang "Jologs from Cainta." Share ko na lang ang aking Michael Learns to Rock memories. "THE ACTOR"


Ito siguro ang isa sa mga godfather ng emo songs. "I'm not an actor I'm not a star..and i don't even have my own car." O di ba? Paawa effect. Grade 3 ata ako nung kinakanta ko 'to sa school bus. Talagang pinapalipat ko kay Mr Orduna yung fm station sa 93.9 W-W-W-W-KC at inaabangang patugutugin ng kapitbahay naming si Hill Billy Willy! "25 MINUTES" Nung nagbakasyon kami ng bestfriend ko na si Xavier sa Amarela Resort sa Panglao, Bohol (Yes, shamless plug!), nagbest-of-7 kami sa videoke isang gabi dahil wala kaming magawa. Tapos pareho naming gustong kantahin ang "Boy I miss your kisses..." kaya nagkaroon kami ng playoff kung kanino mapupunta ang rights ng "...25 Minutes too late". Natalo ako kasi pumiyok ako sa part ng coda, samantalang si Xav, kita na ang esophagus at handang malagutan ng hininga umabot lang ng 100 ang grade. Sabi ko sa sarili, di bale...balang araw, mapapasa'kin din 'tong kantang 'to. "PAINT MY LOVE" Bago pa maging trend ulit ang mga tinagalog na mga kanta tulad ng "Payong" (Umbrella), "Lawlaw" (Low), at "Sugat sa Puso" (Bleeding Love), eh ang "Paint my Love" ay may tagalog version na rin. Hindi ko maalala ang tagalog title nito. Hindi naman "Pinturahan Mo Ang Pag-Ibig Ko", pero naaalala ko pa 'yung tagalog lyrics nito sa umpisa ng chorus . Eto, kantahin n'yo sa utak n'yo, (Chorus): "Sa'yo lang, ang pag-ibig ko...it's a picture of thousand sunsets..." (kinanta naman.hehehe) Ito rin 'yung kanta na dinownload daw ni Kuya Arvin, na dati kong mentor sa ABC Sports, na Associate Producer na ngayon sa Solar Sports, na nabuking ni Ate Russel. Hanggang ngayon hindi pa rin umaamin si Kuya Arvin.


"THAT'S WHY YOU GO AWAY" Ito ang all-time favorite MLTR song ko. Hindi pwedeng hindi ko 'to kakantahin sa videoke. Sa katunayan, isa sa mga reasons kung bakit ako bumili ng Magic Sing sa Raon ay dahil sa kantang 'to. Memorize ko na nga 'yung song number nito e. 8973. Kahit saang lugar at kahit anong okasyon na may videoke, tuwing kinakanta ko 'to, hindi bumababa sa 95 ang grade ko. Hindi dahil ginagawa ko ang technique na sigawan ang microphone, pero mukhang talagang para sa'kin 'tong kantang 'to. Dahil sa kantang 'to, ako pa rin ang undisputed Videoke King sa bahay. Habang tinatapos ko 'tong blog na 'to, napanood ko ang report sa TV Patrol na marami raw pinakilig ang Michael Learns to Rock sa kanilang concert. Patunay lang talaga na patok sila sa'ting mga Pinoy, aminin man natin o hindi. Talagang lahat tayo, may pagka-jologs sa kanya-kanyang paraan. Kailan kaya sila babalik para magconcert ulit? Manonood na talaga ako nun. Kahit tawagin pa akong "Jologs from Cainta." :-)

THANKS TO YOU, COPELAND Bukod sa Ramones at Rancid, isa pang bandang nagustuhan ko ay ang Copeland. Swak siya dahil sa mga personal touch ng mga kanta nito na talagang makaka-


relate ka, lalo na pagdating sa buhay pag-ibig (naks!) Kung bibliya ang kanilang mga album, talaga namang pasok na pasok ang mga berso nito sa iba't ibang kwento whether sa panliligaw, pansusuyo, o pag-eexpress ng nararamdaman. Sa official soundtrack ng buhay namin ni Mich, ang musika ng Copeland ang isa sa mga "fuel for growth". Kaya nga siguro after 11 months, LF na LF pa rin. Siguro ang da best na pwede kong ibalik na kabayaran sa alltime favorite band namin ay ang i-"pay it forward" 'yung mga kanta nila't baka sakaling mapakinggan ng iba, eh may bagong loveteam na pwedeng mabuo. Basta sa part ko, mananatili akong happily in LOVE. :-) Heto ang ilan sa favorite Copeland songs namin at ang ilan sa mga lyrics na swak na swak! Enjoy! 1. CHOOSE THE ONE WHO LOVES YOU MORE ('Kapag may karibal ka sa panliligaw, eto ang best song na i-play sa kotse or sa Ipod ng nililigawan mo. :-) "when they come knocking on your heart's door choose the one who loves you more, oh and when you've found something to die for (it can make you face all your fears) choose the one who loves you more." 2.COFFEE (Para sa mga biglaang "coffee dates") "There's plenty of time left tonight I promised I'd have you home before daylight We do the best we can in a small town Act like big city kids when the sun goes down If it's not too late for coffee I'll be at your place in ten We'll hit that all night diner And then we'll see..."


3. PRICELESS (Para sa mga Feel na Feel conversations) "Cause I need you Like the dragonflies' wings need the wind Like the orphan needs home once again Like heaven needs more to come in I need you here like you've always been." 4. DON'T SLOW DOWN (Para sa mga sobrang in love.) "You can take everything I have Just don't leave my side no, don't leave my side You can take everything I have Just don't leave my side no, don't leave my side Cause your words hit like a train and I can't ignore it This moment could be our last You fall in love and I'm running after You move way too fast." 5. THERE CANNOT BE A CLOSE SECOND (the title speaks for itself) "You've got an extra special heart A perfect light that shines through And it seems the hardest part Is shining back at you Shining back at you So forgive me Cause I don't know what to do When you look at me There can be no hesitation There cannot be a close second to you." 6. MAY I HAVE THIS DANCE? (Kung feeling nyo, very high school kayo) "May I have this dance? saw you sitting lonely


I hope you would say yes may I have this dance? look into my eyes I as I offer you my hand my hand dance forever... When we dance I'll whisper nothing in your ear speak in words you'd never hear this is my love it will not stop or start and you know that in your heart you know that in your heart... You lift your hands to me you lift your hands to me and hold me so close and you dance forever.." 7. ON THE SAFEST LEDGE (Kung "Action Star Material" mode kayo) "Don't look ahead, just run to me Each step will find the next one recklessly We'll find ourselves on the safest ledge Well pardon me, i couldn't help myself Girl, fall into your life here If only for a while, I'm here Could you be happy to fall like a stone If you'd land right here safe in my arms? It's fine, lock all your doors through the night Keep it all right here, safe in my arms It's fine, it's fine" 8. NO ONE REALLY WINS (Kapag LQ, wala talagang panalo.) "Welcome love, I have made a place for you here And I know every word they say I don't really want to make you change


Change if you want, but don't you go and change for me I can love you as you are I didn't mean to make you want to leave It's a fight between my heart and mind No one really wins this time No one really wins this time In the endless fight of grace and pride I don't want to win this time I don't want to win this time..." 9. YOU HAVE MY ATTENTION (Listening is an important factor sa relationship. Kaya eto ang bagay sa inyo) "I'll sing alone the whole day through. Just do your best to hear me. It's all you can do. I'll sing alone the whole night through. While you sleep safely, I'll be thinking about you. You have my attention." 10. SLEEP (Kung mahal mo, willing to wait ka.) "Am I sleeping with my eyes white Am I alone Am I following the lines on The faces that are shown I wanna see your hair line and cheek bones, your red lips, your cell phone Would you let me know Will I wake to find you waiting by my bedside Will I wake to find you waiting by my side


Will I wake to find you waiting by my bedside Will I wake to find you waiting by my side..." 11. THANKS TO YOU (Eto ang mother of all theme songs namin ni Mich. Copyright 'to.hehe) "It's been a long 11 months. It's time to smile we've made it this far just like you said. Just like you said we would. There are no more tears. We've used them all so now we'll rely on our laughter, And the faith that pain gives joy. I hope that you can see the strength that pulled us through Is now passed on to me I need to wear it like you always do. Like you always do." Mas ma-aapreciate nyo kung papakinggan nyo. Go! Download na! :-)

TAGA-PBA PERO HINDI PLAYER Bata pa lang ako, pangarap ko na ang makapag-PBA. Sino bang hindi? Simula nung ma-witness ko sa TV ang buzzer-beater ni Distrito nung Game 7 1991 PBA Finals kontra Shell, naka-auto program na sa utak ko noon na by hook or by crook, kailangan kong makatuntong sa hardcourt ng Araneta Coliseum. Naaalala ko pa kung paano ako natutong mag-dribble. Dahil idol ko 'yung kapit-bahay namin na si Ton-Ton Taba, nagpaturo ako sa kanya kung paano maging magaling na basketbolista. Ang sabi ng mentor ko, "Ang


gawin mo, mag-dribble ka sa lupa." Ginawa ko 'yun arawaraw. Mula sa lupa, tumubo 'yung skills ko sa paglalaro. At kahit tirik na tirik ang araw, ginagawa kong tanghalian ang basketball. (Kaya nga ako umitim eh). Hanggang sa nagbunga ito ng iba't ibang galaw, na siyang magbubuo ng pangarap ko. Naging varsity ako nung high school. Ang monicker ko pa nun, "Man of Steal", hindi dahil kamukha ko si Christopher Reeve, pero dahil magaling akong mang-agaw ng bola. Mas focused ako sa depensa kaysa sa pagiging scorer. Ang daming nagsasabing ako na raw ang susunod sa yapak ni Mac Cuan pagtuntong ng college. Nakapasok ako sa UP Fighting Maroons nung college. Hindi naging ganun kadali 'yung pagpasok ko dahil kailangan ko munang dumaan sa mga paniniko ni Bravo, mga pambabalya ni Jomalesa (na naging unang close friend ko), at ang "mission impossible" na i-shut down si Paolo Mendoza. Sa loob ng limang taon, ako ang naging pinaka-all around na Maroon sa team. Lahat ginawa ko para sa team. Magmop ng court, magbigay ng tubig, magmasahe ng hita ng coach (Kay Coach Nic pa!), magbilang ng points ni Bravo, makinig sa mga reklamo ni Bornancin, at maging karamay ni Xavier pagkatapos matalo sa laro (na obviously maraming beses kaya lagi kami magkasama noon). Lahat ginawa ko para sa team except maglaro. Kaya nung mga oras na 'yun, hindi na ako umasang makakapag-PBA pa ako. Hindi ito paglalabas ng angst. Tapos na ako dun. Tuwing iniisip ko ang college basketball career ko, mas nagpapasalamat pa ako't pinagdaanan ko ang lahat ng mga 'yun dahil kung hindi sa limang taon ng pagiging captainball ng "Bench Squad", eh hindi ko madi-discover ang totoong calling ko---ang magtrabaho sa tv production.


Dahil sa sinulat kong essay tungkol sa basketball career ko ("Basketbol Irony" aka "Baller ID"), doon ko nadiskubre na may talent pala ako sa pagsusulat hanggang sa nadevelop ko ito sa tulong ng mga kaibigan at orgmates sa UP UGAT. Eventually, natuto na rin ako sa production work. Pagka-graduate, ang naging unang trabaho ko ay sa GMA7 para sa horror show na "Wag Kukurap bilang segment producer/researcher. Marami akong natutunan sa show na 'yun. Kung paano magsulat, magproduce, makihalubilo't makibagay sa production pips, at makadiscover ng iba't ibang mga kababalaghan. Pero ang pinakamisteryong nangyari, napadpad ako sa ABC Sports, kung saan kino-cover ang PBA. Ito ang naging raket ko. (na eventually eh naging main job ko over GMA7). Pero dahil wala akong alam sa live broadcasting, back to start na naman ako. Dito ko unang natutunan kung paano magmaterial gamit ang betacam. Dito ako natutong maging floor director. Dito ko nailabas 'yung ideas ko sa paggawa ng segments, teasers, halftime features ng players, vignettes, atbp. Dito ako natutong maging game producer. Dito ako natutong mag-direct. At dito ko na-meet ang pinakamasaya, pinakamabait, pinakatotoo't pinakamagaling na mga kaibigan at katrabaho sa TV production. Kung meron lang SWS Survey ng TOP 10 na TV Production, sigurado akong lalaban kami sa pagka-number one. Hindi ko makakalimutan ang mga kulitan sa office, ang mala-demonoyong hilik ni Alder, ang mga mainit-init na pagda-dubout ng mga airing tapes 30 minutes before ng tip off, ang mga post-game gimik sa Forbest Grill, ang mga Jun Limpot at iba pang B-side features, ang mga attempted rape ni Kuya Arvin kay Mabel,ang blooper interviews sa mga Fil-Ams ("Ah Asi, for the last time..."), ang pagbabakla-baklaan ni Tatay Ed, ang delayed na sweldo, ang mga lamon sa jolijeep, ang paggawa ng MTV, ang paglalaro ng counterstrike, at higit sa lahat, ang apat na taon na samahan.


Dahil sa ABC Sports, nag-grow ako sa lahat ng aspekto ng buhay, mapa-personal o mapa-propesyonal. Nung minsang nagreunion kami ng Maroons teammates ko kasama 'yung team manager namin noon na si Boss Rado Dimalibot (na TV Analyst din namin sa ABC Sports), humirit si boss sa kalagitnaan ng college nostalgia moments namin na hindi ko makakalimutan. Ang sabi niya, "'Langhiya, sa inyong lahat na nandito, si Chu lang ang umabot sa PBA!" Alam ko namang 'yung hinirit ni Boss Rado eh patawa lang. Kaya nga siguro matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, mula sa pagkamulat sa buzzer beater ni Distrito hanggang sa game 7 championship ng Brgy. Ginebra at Air 21, eh nasa'kin din pala ang huling halakhak. Salamat ABC Sports! IT'S AN HONOR! :-)


Hanggang sa Muli, Taga-PBA pero hindi player :-)

COMEBACK GAME Matapos ang dalawang buwan, naglaro ulit ako ng basketball. Nawalan na ako ng drive since nung natalo kami sa championship sa village. Ang nakapagpa-"oo" lang sa'kin na bumalik from semi-retirement, eh 'yung mga brothers ko sa Lingkod ng Panginoon. karamihan sa kanila, sa mukha ko lang kilala kaya siguro magandang opportunity 'yung basketball fellowship para makilala ko sila talaga. Pagdating sa gym, mainit ang pagbati nila sa'kin. Tapik sa balikat. Handshake. Batuhan ng "Good Morning" smile. Pakiramdam ko, ako si Lebron James nung mga oras na 'yun eh. Parang lahat sila, umaasang ako ang mag-aangat ng level ng laro nila. Bago maglaro, nagdasal muna kami. Pinagdasal ko na sana hindi ako ma-injured dahil sobrang wala ako sa kundisyon. Hindi ko alam kung totoo 'yung timbangan dun sa hardcore gym sa village namin, pero ang lumalabas, 210 lbs na ako. (mula 160 lbs nung college). Buti na lang nilalakad ko lang paakyat ang 8th floor sa GMA tuwing may meeting ako, kaya may natitira pa naman akong lakas...sana. Naging mainit ang simula ng laro. Balewala ang lamig ng hangin dulot ng bagyo. Dahil nakikiramdam pa ako sa mga kakampi ko, puro pasa lang ang ginawa ko. May mga nakaka-shoot, meron namang board lang ang tinatamaan. May kumakalawit sa rebound, meron namang kinakalawang sa takbuhan (ako yata 'yun!).Hindi man varsity level ang laro, mararamdaman mo pa ring intense ang bawat player. Feel na Feel, kumbaga. Tuwing may nagagawa akong magandang pasa o kaya'y


nakaka-convert ng lay up, laging may sumasalubong sa'kin ng apir, tapik sa balikat, mga papuri tulad ng "nice shot bro!" o kaya "bro, good pass!". Nakakatuwa sila dahil parang lahat ng galaw mo kahit turnover, eh pupurihin ka nila. "Bro, travelling ka! Apir!" o kaya "Bro, bwinakaw mo 'yung play, gimme five!!!" Kahit nga mga kalaban ko, umaapir sa'kin. Malayong malayo sila sa nakasanayan kong mga laro, kung saan puno ng sikuhan, balyahan, at trash talkan. Pero sa mga oras na 'yun, hindi 'yun ang mga kailangan ko. Hindi ko natapos ang laro dahil sumakit na 'yung tuhod ko. Wala talaga sa kundisyon eh. Pero kahit na ganun, sangkatutak na papuri at apir ang tinanggap ko sa bench nang tumunog ang final buzzer. 'Di ko man naipakita sa kanila ang tunay kong worth bilang player, nagkaroon naman ako ng pagkakataong maipakita ang worth ko bilang "brother".

THE BIR (HASSLE) EXPERIENCE Tatlong Linggo na akong pabalik-balik sa BIR sa Quezon Ave dahil sa pesteng pag-transfer ng TIN ko sa BIR sa Cainta Branch. Kilala ko na nga 'yung mga tao dun eh, mula sa nagse-xerox na kamukha ni Mang Temi hanggang dun sa isang gov't employee na kamukha naman ni Ms. Tapia. Kulang na lang ang Escalera brothers, Iskul Bukul reunion na. (Sayang, wala ring Tonet Macho). Nagtayo kasi ako ng ismall business. (By the way, TOOTH FAIRY PRODUCTIONS nga pala 'yun- production company ko na gumagawa ng iba't ibang klase ng AVP at nagcocover ng LIVE EVENTS! text n'yo lang ako or PM dito sa multiply. Wait n'yo lang 'yung multiply account ng Tooth Fairy, in progress na! Sumegue pa eh!)


Ayun nga. Tapos sa bawat pit stop, laging may pang-asar moments. Unang-una, 'yung "Never heard" na Percentage Tax. As Registered Professional kasi, required pala kami na magbayad ng percentage tax bukod pa sa mga tax na binabawas na sa sweldo namin. 3% ng kinikita mo ata 'yun. Kaya since July 2005, di pa ako nagbabayad ng percentage tax (kasi hindi ko alam). Eh sa bawat buwan na hindi ka nagfile, may penalty na 200 pesos. So in 34 months na hindi ako nagfile at nagbayad, 200x34=6,800 pesos na agad ang babayaran ko. Hindi ako magtataka kung hindi mo tatapusin ang blog na 'to. Boring talaga basta tax ang pinag-uusapan! BUT WAIT...THERE'S MORE! Matapos ang walang katapusang akyat baba sa ground floor at 3rd floor (na techincally ay 4th floor naman talaga), eh lalo lang lumalala at tumatagal ang pinagmamalaki ng BIR na napaka-SIMPLENG (RAW) proseso. Kung kani-kanino ako pinagpapasa-pasahan ng mga empleyado dun, na kesyo kay ganito ka lumapit o si ganyan ang nakakaalam niyang bagay na 'yan! Nakakainis! Tapos makikita mo sila na kumakain kahit 11 am pa lang o kaya'y naglalaro ng Luxor sa PC. Lalo na 'yung mga matatandang babae na nakakainis talaga't wala ng ginawa kundi magchismisan tungkol kina KC at Richard, Gretchen at Tony Boy at Dodie Puno at kung gaano ka-bongga ang engagement ring ni Juday. Parang gusto mong isumbat na "Hoy! Tax ko ang nagpapasweldo sa inyo! Magtrabaho kayo ng maayos!" Pero tinext ko na lang nanay ko na goverment employee rin na "Sana hindi ka katulad ng mga taga-BIR magtrabaho." Sa tatlong beses na bumalik ako sa BIR, tatlong beses din akong pinatayan ng ilaw, sinaraduhan ng pinto dahil lunch break. Hindi ko naman sila gustong gutumin eh. Pero kung mas mabilis lang silang magtrabaho at mas


may maayos na sistema, hindi na siguro ako aabutin ng lunch time lalo na kung mga 9am pa lang nandun na ako, di ba? Pero tyinaga ko 'yun dahil gusto kong dumaan sa tamang proseso, lalo na't may ismall business na nga ako, gusto kong maging maayos at legal ang lahat, Hindi pa kumikita ang Tooth Fairy pero ang dami ko na agad na binayaran. So kung tutuusin, negative pa ang income ng kumpanya ko. Pero dahil may konting paniniwalang, makakaraos din eh sige lang. Pero tulad sa PBA Game, na may GATORADE TURNING POINT OF THE GAME, meron din sa BIR. Matapos kong pagdaanan ang sangkaterbang RED TAPE, dumating din ako sa second to the last pit stop, kung saan pipirmahan na lang nung Asst. Revenue District Officer, na kilala ko lang sa apelyidong Carreon. Nung pinasa ko na 'yung gabundok na papeles ko, bigla na lang hinold ng secretary niyang kamukha ng dating weather reporter ng ABS na si Aida Gonzales (Baka siya 'yun?) dahil ipapare-assess daw sa examiner. Tatawagan daw ako kinabukasan kung magkano ang babayaran ko. So 6,800 pesos plus plus pa pala ang kailangan para ibaon ako ng BIR. Sa puntong 'yun, naubos na ang pasensya ko. Hindi naman ako gumawa ng iskandalo. Siguro dahil wala na akong mental capacity para magreact pa. Nakakainis lang isipin na sa bagal at tagal ng pinagdaanan kong proseso para ma-transfer 'yung tin ko, mauuwi lang pala ako sa pagkakahold ng mga papales ko (including 'yung latest itr form ko). Nakakatawang isipin na pagdating sa pagrere-assess ng mga dapat kong bayaran, mas mabilis pa sila sa alas kwatro. Sa pagkakatulala ko sa kinatatauyan, isa-isa akong


dinaanan at nilampasan ng mga empleyadong pinapasweldo ng taong bayan para mag-log out. Kahit 1:30 pa lang ng hapon. Bulok na sistema? Hindi rin. Dahil in the first place, wala naman na 'yung bagay na dapat mabulok.

KUNG PAANO AKO BUMAWI SA PAGKUKULANG NA KINULANG Natalo ako sa pustahan ng SAMPUNG LIBONG PISO. Yup! 10k. Gulat ka noh? (Parang Tide) Sa mundo ng basketball, nakakabit na dito ang sugal. Ending ang pinakasikat noon. At katulad ng bolang bilog, maraming pwedeng mangyari. At isa sa mga nangyari sa'kin ang gusto kong ikwento. Nahumaling ako sa Odds. Madali lang sumali. Itetext lang sa'yo ang odds ng laro sa araw na 'yun. Example, Brgy Ginebra vs Magnolia + 3.0. Ibig sabihin kung tataya ka sa Ginebra kunwari ng 500, kailangang manalo ng Gin Kings ng 4 points pataas para manalo ka. =450 ang makukuha mo. Ang P50, sa "bookie." So kahit manalo ang Ginebra sa game pero 3 points or less lang ang lamang nila, talo ka pa rin. Ayun. Nagsimula ako sa papusta-pusta ng 500. Sa mga unang Linggo ko, sunud-sunod ang mga panalo ko. Kaya ang lakas ng paniniwala kong swerte talaga ako sa mga "contest". Sa pag-aakalang ito na ang mga kasunod ng


winning streak mula sa Cake Raffle noong grade school, hanggang sa panalong 200 pesos sa Poker debut ko, nakipusta ako araw-araw sa lahat ng laro sa PBA at NBA courtesy of "Atong Ang". Text lang ang katapat. Isang text lang kay Atong kung kaninong team ako pupusta, pasok na agad! Ang +500, naging +1k. Ang +1k, naging +1,5k.Palibhasa malakas ang loob ko dahil sa winning streak, pusta lang ako ng pusta. Hanggang sa dumating ang napakaiksing oras, na nawala na pala 'yung napalanunan ko nung una akong sumali. At ang malala, negative na pala ako. Dahil sa gigil na gustong makabawi agad, dinodoble ko agad 'yung pusta ko para mabawi ko agad 'yung "down" ko. Pero sa kamalasan, na-losing streak ako. Imbis na mabawi ang mga talo ko, dumoble pa...hanggang sa ayun nga, umabot na sa 5-digits. Sa totoo lang, nung umabot siya ng 10k, hindi ko pa rin siya pinoproblema kasi iniisip ko na kayang-kaya kong bawiin dahil based sa experience ng mga beteranong sugarol, eh nakakabawi naman sila kaagad. Pero isang eksena ang nag-umpog ng ulo ko sa pader ng katotohanan. Isang gabi, lumapit sa'kin si Marion, ang bunsong kapatid ko para ipaalala sa'kin 'yung pangako ko sa kanyang cellphone bilang regalo dahil sa grade niyang 99 sa Math at 97 sa Science, at sa pagiging Top 3 sa batch nila. At ang unang lumabas sa bibig ko eh, "Wala akong pera." Maya-maya, biglang may bumukol sa ulo ko, na tumagos pa hanggang utak. Bumukol 'yung realization na wala akong pakialam na magpabaon sa utang sa pustahang walang


kasiguraduhan, samantalang kayang-kaya kong baliin ang pangakong resulta ng isang bagay na pwede kong ipagmalaki. Napaisip ako. Hindi ako naniniwala sa power ng credit card, pero naisip ko na anong pagkakaiba ko ngayon? Eh may credit card man ako o wala, baon na rin ako sa utang nang wala man lang nabili o nakuhang kapalit. Dumating ang oras na kailangan ko ng magbayad. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na ginawa ko na walang ka-pabor pabor sa'kin ay ang magwithraw ng pera para lang iabot sa taong makikinabang ng perang pinagpuyatan ko. Ang perang sana eh inipon ko na lang, o kaya'y pambayad ng bills sa bahay,o kaya pandagdag sa operasyon ni Ton, eh napunta na sa account ng taong 'di ko man lang nakita't nakilala. 'Yun yung mga oras na hindi ka matutuwa sa'kin. Dahil dun, naramdaman ko na naman kung paano magsisi. Ang unang tanong ko sa sarili eh kung paano ba makakabawi. Kung manggagaling ang sagot sa mga beteranong sugarol, isa lang naman ang sasabihin nila. "Hinay hinay lang sa pusta. Mababawi mo rin 'yung down mo unti-unti." Pero iba ang gusto kong bawiin. Matapos ang pakikipagdebate ng konsensya't kontrakonsensya, kasama ng mga mataimtimang pagdadasal, nagdesisyon akong itigil nang pumusta. Alam kong maraming nanghinayang sa nawala kong pera, lalo na't simula nung araw na tumigil na ako, eh unti-unti pa namang nababawi na ng mga kasabayan kong natalo 'yung mga down nila.


Pinakamahirap talagang lunukin ang pride. Pero ang mas mahalaga, hindi ako nabulunan. Hindi na ako nanghihinayang sa 10k na nawala sa'kin. Sa katunayan, nabawasan na naman ako ng another 10k. Pero nung araw na 'yun, umuwi ako nang walang dinadalang mabigat na sama ng loob.. Ang tanging bitbit ko lang, eh isang kahon na naglalaman ng bagong cellphone.

06-14-22-26-27-40 'Yan yung number na tinaya ko kahapon para sa P160 Million Mega Lotto Jackpot. Hindi naman ako suki ng Lotto. Kahit na sanay akong pumila sa mga mala-ahas ng linya noong college tuwing enrollment (Com2 ang da worst!), parang hindi ko kinakarir ang pagpila sa mga lottohan. Kahit pa may reputasyon ako na swerte sa kahit anong contest na salihan ko mula sa Goldilocks Cake Raffle nung grade school, Ogie Alcasid sing-along contest nung Claret Foundation Day '91 ("Pagkakataon" ang kinanta ko nun!), hanggang sa Trip to Bora Grand Prize nung 2005 ABC Xmas Party, eh 'di ko kino-consider na under ng aking "Swerti Powers" ang lotto. Pero 'yun nga, dahil P160 Milyon ang jackpot prize, naisip-isip ko lang na baka pag tumaya ako, baka dapuan ako ng swerte lalo na't birthday ko. 27 years old. Hmm... Major Flashback.


Noong 2nd year high school ako, may sinulat akong Autobiography Project para sa English II. Sinabi ko doon na pag 27 years old na ako, isa na akong successful na "Rebel Millionaire." Successful na daw ako dahil isa na akong in demand na Civil Engineer, may malaking bahay sa isang exclusive village, magandang kotse na may bumabayong punk rock music, at may sariling "Club Dredd", na tinutugtugan ng pinakasikat na mga banda ngayon. Well, 27 na ako ngayon. Hindi ako Civil Engineer. Nasa Media ako. 27 na ako, pero nakatira pa rin ako sa bahay ng magulang ko. 27 na ako pero commuter pa rin ako. 27 na ako't nagbukas na ang bagong Dredd, pero wala pa rin akong sariling business. Siguro kaya ako biglang tumaya sa lotto dahil baka pagnanalo ako, bukas makalawa, higitan ko pa 'yung mga naging standard ko ng Success. Hindi ito angst....o kaya bahid ng depression. Hindi rin ito emo mode. Ang point ko, alam kong may ibang plano si God para sa'kin. Nilagay Niya ako sa Media Production dahil alam niyang doon ko ma-maximize ang talent na binigay Niya sa'kin. Alam kong hindi Niya muna ako nilayo sa pamilya ko dahil kailangan nila ako't kailangan ko rin sila. Alam ko rin na kaya niya ako pinag-cocommute dahil marami pa akong dapat matutunan sa lahat ng nakikita't makikita ko sa daan. At kahit hindi ko pa natitikman ang katas ng mga raket ko, alam kong kaya Niya ako binibigyan ng kaliwa't kanang trabaho dahil ginagamit Niya akong instrumento para makatulong sa kapwa. Dahil dun, natanggap kong magkaroon ng simpleng buhay. At natutunan kong i-appreciate ang mga totoong blessings na binibigay ni Lord.


Sabi nga ni Bo Sanchez, FOCUS ON WHAT YOU HAVE, NOT ON WHAT YOU DON'T. Ngayong 27 na ako, ito lang mga maituturing kong yaman ko: Una, 'Yung lumalakas na FAITH ko kay God; Pangalawa, 'Yung pamilya kong okay sa alright (Cool Parents, Mokong na mga kapatid)!; Pangatlo, Mga kaibigan kong nasa tabi-tabi tabi lang lagi (Sa lahat ng nagtext at nakaalala ng araw ko, SALAMAT!; Pang--apat, masayang trabaho (STANDBY!); at ang pinakahuli, si Mich, na LIVING REMINDER of the SIMPLICITY OF LIFE. :-) : Lima lang 'yan pero pakiramdam ko, tiba-tiba tiba na ako. Nag-uumapaw pa. Hindi ako nanalo sa Lotto. Pero maya-maya, i-eenjoy eenjoy ko ang birthday ko kasama ng pinaka-jackpot jackpot na binigay ni Lord buong buhay.

"Simplicity is having the time and space to embrace what is most important to you. "


THE WATCHMAN CHRONICLE Isang linggo na ang lumipas nung huli kitang nakita. 'Saktong habang naghahalungkat ng mga alaala mo, nakita ko 'to: Ang kwento ni Watchman--in English! Over Time I forgot to wear my watch... at di ako mapakali :( When I first read her text message, I had thought of composing my reply without being a “trying hard-basta makarelate-mr.know-it-all” txtm8 because first of all, I’m not used to wearing watches, and I really don’t have any watch-related stories to tell. I had a Pop Swatch when I was in grade three, which I lost in the football field two days after my ninang gave it to me; and a Tag Heur, which my dad took from me from the very first day I received it, but she already knew these things kaya not counted. Anyways, I guess the best reply she got from me without even thinking too hard was telling her that I could be her temporary watch for the whole day. Of course those weren’t the exact words I said to her, but that was basically the idea—to be her Watch Man (Hmm..sounds like a mutant hero! ☺). It was a normal working day for me— shoot for the PBA TV Special, edit video supports, write AV scripts, emergency meetings—the usual production routine, but having the job of reminding her about the time? I would like to think that it made that day extra special. Kumbaga sa inorder mong tapsilog, meron pang kasamang atsara. (So shall I call it Tapsilogat? Or Tapsilogra?) I know she’s not the mushy type, who doesn’t want to detail all the things that must happen on a day, but I felt on that instance that I had a justified reason to tell her that it’s time for lunch, it’s time to relax a little bit from


her stressful corporate job, and it’s time to remind her that someone remembers her—and it’s not the Watch Man, but his alter ego. It may sound corny but that moment also reminded me how lucky I am to feel closer to the girl I want to be with. Three months ago, I’m sure she would rather tell her ate or high school friend that she feels uneasy and incomplete that she forgot to wear her watch. I’ll never know what lies in the future. But whatever experiences I’ve shared with her from the third time we met, up to the second time we watched a movie and all the way to the first time I confessed my true feelings for her, I hope these can help her come up with a decision that will give her the happiness she truly deserves. I suddenly appreciate the simple things we have like being her time reminder, which I learned from a simpler moment of just being there for her, whether in person or in text. And I realized that giving value to what is really essential is the simplest thing to do for someone, whom I believe is worth the wait. 5:25am Oct 1, 2007

THE LOVE BLOG Paano ko ba sisimulan ang isang bagay na ayokong matapos? Ganito. PRESS PLAY


Track 1 THE CLOSEST THING The Juliana Theory “You're the words that come out easy, And I am speechless at best...” Nagsimula ang lahat nung i-txt ko siya nung birthday niya nung May 8. Tandang-tanda ko pa na kinakabahan pa ako habang tina-type ko ang “Happy birthday, Mitch! Enjoy your day!-Chu” na txt ko sa kanya. Tumagal pa akong i-send ito kaka-review ng spelling at grammar ko. Kung may f7 lang ‘yung cellphone ko, ginamit ko na. Sa dami ng bumati sa kanya, hindi na ako umasang makakatanggap pa ako ng reply. Pero hindi ko pa naibabalik sa bulsa ko ‘yung cellphone, eh may natanggap na akong txt mula sa kanya. “Thanks! :)” Mabibilang lang sa daliri ang mga letra ng reply niya (kasama na ang smiling face), pero sobrang ma“SAVE-SAVE” agad sa inbox ng phone ko. “You're the dream that hasn't ended, And I'm still anxious for rest.” Crush ko na siya nung college pa. Classmates kami sa photography class. At sa klaseng ‘yun, ang una kong na-develop, eh ‘yung paghanga ko sa kanya. Bale 3rd year ako nun, tapos graduating siya. At dahil isang block ng freshies ang mga kaklase namin, siya ‘yung “Ate Mich” at ako naman ang “Kuya Chu” nila. (Kahit na ako lang ang nagbigay ng kahulugan nun.


Hehe!) Lagi ko nga siyang napapansin nun sa klase kasi lagi siyang umuupo sa pinakaharapan, samantalang ako, sa may pinakalikod. At kahit puro likod lang niya ang nakikita ko, sapat na ‘yung dahilan para ma-excite akong pumasok sa nakakantok na lecture ng prof. Nagkita ulit kami sa GMA7 three years after. News Reporter siya, segment producer naman ako ng isang horror show. Nagkasabay kami sa pila sa pagkuha ng payslip. Naglakas loob akong kausapin siya nang sabihin kong “Ah, Mich? Hi! Classmate tayo noon sa Film 110...kay Jamon.” Ngumiti lang siya noon na parang may thought bubble na “Talaga? Hindi kita maalala eh.” Ayun. Hindi nga niya ako naalala. “I'd love to be, The shoulder that you cry on. I'd love to be, The friend you call when things are great.” Kaya nitong taon lang, nung mabigyan ako ng pagkakataong maka-date siya, hindi ko na pinalampas, kahit na winarningan na ako ng kaibigan ko, na kaibigan ang kaibigan niya, na kesyo highmaintenance siya, na kesyo mataas ang standards, na kesyo Agustinian, at humanda raw ako sa barkada niyang kikilatis sa’kin mula ulo hanggang kaluluwa ng kaluluwa ko. Tandang-tanda ko pa ang sabi ng kaibigan ko, “Hoy! ‘Wag mong ilabas ang pagka-


Claretian mo!”, sabay bwelta ng “Di bale, may pagka-jologs rin ‘yun. UP ‘yun eh.” So kumain kami sa CYMA sa Greenbelt, na never ko pang kinainan. Tulad ng sinasabi sa mga unang date, hindi ako nakalamon, sa takot na baka major turn off ang umorder ng extra rice or kumain ng tira ng iba (na malinis ha!). Kung meron man akong na-achieve na objective sa unang date namin, ‘yun eh ang mapatawa siya. Hindi lang tawa, kundi bungisngis-tawa! At nagawa ko ata ‘yun nung ikwento ko ‘yung six footer kong kaklase na nung grade 5, eh natanggalan ng bahag sa harap ng maraming tao habang nag-i-Igorot dance kami para sa field demo namin. Kaya nung niyaya ko siya ulit na mag-dinner, sumagot siya ng “Sige, text text na lang.” Sa mga oras na ‘yun, natuwa ako hindi lang dahil napangiti ko siya, pero dahil alam kong naalala na niya ako. Track 2 STOLEN DC Madali kaming nagkasundo. Kahit na nagmumukha akong madungis kapag kasama ko siya dahil sa pagiging classy at sophisticated niyang pumorma, eh hindi naman pala siya totally conyo, yah know? Mas jologs pa pala siya sa inaakala ko. Natatawa ako sa


kanya kapag nauuna ang bungisngis-tawa niya bago ang mismong kwento. O kaya kung paano niya balikan ang mga nakakatawang reports niya noon sa TV, mula sa pakwan na hugis square, sa matandang nagre-request ng “siyampu”, hanggang sa doctor na hindi alam kung saan nakatingin habang ini-interbyu. Isama pa ang quotable quote ni Eli Pamatong na: “I will commit

all my forces, kung meron man akong forces!” Pero ang nagnakaw talaga ng atensyon ko ay ang surprise discovery na pareho pala kaming mahilig sa music. Buti na lang at hindi ko sinunod ang payo ng kaibigan ko, na wrong move daw ang makipagexchange ipods sa kanya dahil “very high school” daw ito. Buti na lang, “very high school” din pala siya. At dahil sa pagpapaka-music critic namin sa mga kantang nagustuhan namin, hindi na kami nawalan ng mapag-uusapan. Kahit na may pagka-80’s ako, at 90’s naman siya, eh never naman kaming nadisconnect sa present. Dahil dun, nagsimulang mag-level up ‘yung nararamdaman ko para sa kanya. At tama si Chris Carrabba nang isulat niyang:


“You have stolen my heart...” ...at wala akong balak bawiin ito. Track 3 THE FEAR YOU WON’T FALL Joshua Radin “It hasn’t felt like this before, It hasn’t felt like HOME before you.” Matapos ang mga Monday breakfasts sa Mcdo Paseo, mga ‘di planadong dinner, at walang katapusang coffee dates (kahit hindi ako nagkakape), na nagbunga ng mga F na F (feel na feel) na conversations, tuluyan na ngang nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi naman kasi mahirap ma-in love sa kanya eh. Sige, automatic na ‘yung maganda siya, tapos ubod pa ng bait. Tapos napapatawa niya ako (na mahirap gawin sa’kin pwera na lang kung katulad ka ng tatay ko na minsan nang pinangsabon sa katawan ang Albatross), ini-inspire niya akong galingan sa maraming bagay, tulad sa work, dahil naniniwala siyang may natatago naman daw akong galing (“Very ambitious ako!”), at mahalaga para sa’kin kung paano siya naging tulay para mapalapit ulit ako kay GOD, na minsan ko na ring pinagdudahan dahil naging mahina ako sa mga dumating na pagsubok Niya.

Mahal ko na siya.


At kung isang produkto ‘tong nararamdaman ko para sa kanya, na nag-grow over time, ito SANA ang produktong walang expiration date. “I know you're scared that I'll soon be over it That's part of it all. Part of the beauty of falling in love with you Is the fear you won't fall.” Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko nung inamin kong in love ako sa kanya. Tuwa dahil matapos ang mahabang panahon, binigyan ako ng pagkakataong makilala siya, na pwede naman sanang

six years ago pa nung magkaklase pa lang kami, o kaya’y three years ago nung magkatrabaho pa kami. Pero ganun siguro talaga ang tadhg-hana, dahil ang true love, pinaghihintay... pinapahinog.

Kaba dahil alam kong kahit may mga moments na kami tulad ng mga Top 5 things, sound trip sa sasakyan, ang pagtakbo sa ulan papuntang parking, at ang pagsigaw kasama ng mga kids ng “F-O-B, F-OB!” sa concert ng Fall Out Boy, eh hindi lang ito ang basehan para ma- in love din siya sa’kin. “Happy ako pero cautious pa rin ako.” Kung meron lang “Quotable Quote Of The Year Award”, sigurado akong nominated ‘yang linya niya. Hindi ko naman siya masisisi kung may takot pa siyang pumasok sa isang relationship. Sa pinagdaanan niya, naintindihan kong kailangan niya


ng sapat na oras para mag-isip at mag-decide tungkol sa’min. Minus ang blackboard, chalk, at lesson plan, sa mga oras na ‘yun, tinuruan niya akong pahabain ang pasensya’t pinalawak ang pang-

unawa ko. At dahil dun, willing to wait ang bida. Kaya kahit ang three months, naging four, five, hanggang six, ayos lang. Ready na nga akong maganniversary ‘yung panliligaw ko eh. At kung naging consistent siya sa kanyang quote, naging consistent din akong i-remind sa kanya na— 'Wag siyang matakot sa taong gustong mag-alaga sa kanya. Track 4 CHOOSE THE ONE WHO LOVES YOU MORE Copeland “And when you’ve found something to die for (It can make you face all your fears) Choose the one who loves you more.” Expected naman nang ang Mich na may SINGLE status sa friendster profile eh hahabulin ng mga katulad kong walang katulad. Kaya nga kahit masasabing nasa right track ako, hindi ko pa ring maiwasang harapin ‘yung takot na pwede pa rin siyang mawala sa’kin, lalo na’t ang mga “kalaban”, eh mga big-time na de-necktie, kumpara sa isang

pobreng writer na ang mga paboritong damit na suotin ay ang stripes na t-shirt at ang yellow t-shirt na may butas sa balikat.


Pero kakampi ang mga nakikisamang bagyo, baterya ng sasakyan, at dala-dala ang pinagsamahang ‘di

mage-gets ng iba tulad ng— Gudmawhning. Al-Beh-Deh. 4-Becky Alivio. 7-Val Ku. Badz Influence. Velcro. The Green Pedestrian Lane. MAGIC HOURS. Normal Mode. Dehins Goli. Copeland (na pagkanta). Awooo! Brrr. Oww. Aww. Zzz. Aug 25. The Notebook.

ANOTHER FIRST. Muray Muray. Ayun. Stage 1&2. Mutant Gang. Donut guards. Rada Stop Over. “60’s yun!”. XoXo. Espadrilles. “Never had those!”. <hug>. Hippie Chick. Batang Quiapo a.k.a. Boy Quiapo. Boy from Mars. HNS. WATCHMAN. Select Moment. Shell Umbrella. Menudo. Bakit? Atay. Reyes Barbeque. David’s Tea House. Cheese Floss! F na F. Blades of Glory. Miron. Meeeh and You. Yahoo Headlines. Remedy. Tingin mo? Gudnah! —anong laban nila? :-) Kung ako lang ang masusunod sa takbo ng buhay ko, hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang lahat ng mga

‘di mage-gets ng iba, kahit pa ma-gets na niya kung gaano ko siya ka-love (ang baduy kasi ng “mahal”, pero sige na nga... ...hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang lahat ng mga


‘di mage-gets ng iba, kahit pa ma-gets na niya kung gaano ko siya ka-mahal. (Naks!) As in. Track 5 ISLAND Starting Line “Under the stars I’ll be your lover With no distractions I’m gonna treat you right.” Sa kanya ko na-experience ang mga

pinakamalalalim na usapan tungkol sa lalim ng buhay. Sa kanya ko rin na-experience ang mga

pinakamabababaw na tawanan tungkol sa kababawan nito. Kaya siguro kami nagkasundo kasi hindi namin pinipili kung ano lang ang gustong marinig ng isa. Natuto kaming makinig kahit hindi kakinig-kinig ang kine-kwento ng isa. May respeto. Laging may give-and-take. Kaya siguro kahit

dead air moments, nagagawan pa namin ng kwentong mauuwi sa tawanan. Kaya nga sigurado akong ano man ang mangyari sa’ming dalawa, basta sa tulong ng pag-sasanib pwersa ng lahat ng mga bagay na nasa palgid namin, eh alam kong magiging okay rin kami.


Kaya siguro nung Dec 8, seven months after ng “Hapi B-day txt msg”, nakuha ko rin sa wakas ang matamis niyang “Oo.” At sa unang pagkakataon, naging inconsistent siya. Siguro dahil ready na siyang magtiwala sa love ko’t ready na rin siyang ipagkatiwala ang love niya. Alam kong hindi mawawala ang takot sa kung anong naghihintay sa magiging future ng relationship namin. Pero hangga’t hindi sa’min nawawala ang paniniwalang kakayanin namin, eh gaya nga ng sabi ni Bob Marley, “Everything’s gonna be alright!” Kasama ng mga dumadgdag pang ‘di mage-gets

ng iba tulad ng— CPT. Slow motion look. HHWW while DL. 2:16. Cash Advance. CYMA mode. Ang Bato o ang Lubak? Fishing Friday. Hairline. Cheekbones. Red Lips. Cellphone. Long Goodbyes. Watchman’s Watch. Videoke= Kiko + Miguel=Quando3x. Hilik.

Incoherent talk. Strepsils. Today. —alam naming katulad ng pinadapang number 8, hindi na matatapos ang mga bagay na patuloy na magpapasaya sa’min, na magiging fuel for

growth ng relationship namin.


Kung ako kasi ang tatanungin, wala ng katapusan ang L-O-V-E ko para sa kanya. At desedido na ako dyan.

THE LOVE BLOG 2


Isang taon na ang nagdaan, pero hindi pa rin kami nagsasawang mag-fishing expedition sa isa't isa. Hindi naman dahil kulang kami sa affirmation, pero dahil sobrang in love lang kami sa isa't isa. Hindi ako sigurado kung anong nag-aabang sa future, pero certain na akong may karamay sa uncertainty nito.

Kahit alam naman niyang

"11" ang isasagot ko,

tinatatong pa rin niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ganun din naman ako sa kanya. Ang sarap kaya ng


feeling! Considering na may pagka-"Rocky"

siya dahil sa pagiging NR, eh all the more na mas masarap ma-feel ang kanyang mga paglalambing. Kung ibang level ka, malamang sabihin mong " Gosh, this is sooooh baduy...as in over ha?", o kaya "OMG! This is so very '80s...as in Lionel Richie '80s!"

Kung gagawa ang Rockwell Diva na si Victor Platon ng Jologs dictionary, baka nandun na ang meaning ng


Uber baduy as "Mike and Mich". Well, may tama siya. Wala na nga sigurong babaduy pa sa'min. Although iba't ibang level naman ang pag-ibig, sigurado akong sa puso

ko, wala nang iba pang couple na mas in love pa kaysa kung paano nahulog at patuloy na nahuhulog ang loob namin sa isa't isa. Kumbaga sa boxing, pound-for-pound.


Pero tulad ni Pacquiao, hindi rin naman niya naabot ang status niya nang ganun-ganun lang. Same-same din, but different. Dumaan din naman kami sa normal na pinagdadaanan ng mga jowawers. May moments kami na sweet,

sweeter at sweetest . May

tampururot

moments din naman kami. Sabi nga nila, wala namang perpektong relasyon. At many points, lalabas din ang mga pagkakaiba ng isa't isa. Pero sa mga sitwasyong ito tayo natututo hindi para maging close to perfect ang relasyon, kundi natututo tayo para ma-appreciate na ang lahat ng pinagdadaanan natin ay para maging mas matatag at mas masaya ang samahan. Ganito kami ngayon ni Mich.


Hindi perpekto, pero masaya...simple pero bonggangbongga kung paano namin patuloy na pinapatatag ang tandem namin. At sa pagdagdag ng mga araw, buwan, at sana nga eh taon, dahan-dahan naming natututunan na magmahal ng sapat at tapat. Hindi ko minamadali ang isang bagay na walang katapusan kong papahalagahan. Ayokong magsalita ng tapos. Pero aaminin kong napi-picture picture ko na ang sarili na makasama si Mich habang buhay. :-)




Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.