
1 minute read
BANTAYAN ANG KATOTOHANAN
Mahirap at malaking hamon sa dyornalismo na makapag-ulat nang malawak na balita sa gitna ng pandemya lalo na sa banta ng COVID-19 at pagtaaas ng kaso nito. Isa itong dagok sa misyon ng mga manunulat na magpatuloy ng kanilang adhikain sa paghahatid ng mga impormasyon sa loob at labas ng paaralan.
Subali't dahil sa pandemya, marami ang tila nawalan ng gana mula sa mga miyembro ng Matanglawin. Dahil hindi makalabas ng bahay, umasa na lang ang ilan sa online o social media upang bumuo ng mga balita at mga ibinabatong impormasyon ng school paper adviser at ng ilang ka-dyorno, hindi na rin ito nabeberipika dahil sa bawal magtungo sa paaralan at sa kawalan ng internet connection
Advertisement

Unang gampanin ng pamamahayag ang magbigay nang mabilis at walang kinikilingang impormasyon para sa publiko, wala itong dagdag-bawas. Karapatan man ng lahat ang malayang pagpapahayag, tungkulin din ng mamamayan at mamamahayag ang pagmamalasakit para sa ikabubuti ng kapwa mag-aaral, guro, mga magulang at ng paaralan.
“Think before you click”, ika nga ng GMA network, dahil sa kagustuhang makapaghatid ng balita ng samu’t-saring impormasyon, ginamit na platform ang iba’tibang social networking sites kung saan aktibo ang mga Pilipino, klik dito, klik doon.
Sa pagputok ng digital age sa bagong henerasyon, dapat alam ng bawat isa kung paano maging isang digital citizen lalo na ng mga batang dyorno, alam kung ano lang ang dapat i-browse, paggalang sa karapatan ng mambabasa, at tamang paggamit ng mga sites sa internet

Alamin at manindigan kung ano ang totoo. Huwag magpaloko sa interes ng iba na libangin at abusuhin ang pamamahayag lalo na sa impormasyong makukuha mula sa social media gamit ang internet. Hindi dapat hinahayaang lumabag sa prinsipyo ng katotohanan at dyornalismo.
Tulay ito sa makabagong mundo ng pagbabago na patuloy mag-ingat lalo na sa banta ng COVID-19 at amba ng virus sa pamamahayag. Nakasalalay kay Juan Dela Cruz at kaniyang bayan ang minimithi at inaasam-asam na kinabukasan na magbabantay rin sa katotohanan at makamit din kahit ‘online katarungan’.
Punto Ko Lang
ricKy CABALLERO