1 minute read

Dahon ng Buhay

ricKy CABALLERO

Luntian ang dahon, berde ang sanga’t tangkay; walang paawat, isinasahog ang buong halaman buto’t kalamnan, kilalang-kilala ng marami, sikat sa panlasa ng pinoy, mabibili sa halagang bente pesos.

Advertisement

Tinatawag na Moringa, mula sa salitang Tamil na Murungai at sa Malayalam na Murinna ang Malunggay Madalas na pinansasahog sa tinola, munggo, ginataang kalabasa, ginagawa rin itong chips at ang patok na patok na Malunggay Pandesal.

Nag-travel almost all of the world ang malunggay dahil matatgpuan din ito sa Thailand bilang Marum, Kachang Kelur sa Malaysia at sa Indonesia,

India, South America at Africa.

Mula buto hanggang dahon ng malunggay, pwedengpwedeng kainin at maaari rin itong ihalo sa mga inumin tulad ng smoothies, shake at iba pa.

Hitik na hitik ang malunggay sa vitamins

A, B, C, D, E at essential minerals tulad ng potassium, selenium, iron, calcium, at magnesium, sa sobrang lusog nito, binansagan na itong

”extremely nutritious”.

Ayon sa Greenjeeva website, humahalili rin ang Moringa sa iba’t-ibang prutas at gulay tulad ng dalandan dahil mas hitik ang malunggay sa Vitamin C, mas mataas ang iron nito kaysa sa spinach, taglay rin nito ang calcium na pamalit sa gatas at mas maraming potassium Nagtataglay din ito ang malunggay ng 9 essential at non-essential amino acids, 46 anti-oxidants, at 92 nutrients na benepisyo sa kalusugan ng bawat isa tulad ng kalinawan ng pag-iisip, anti-oxidants na nagbibigay proteksyon sa UTI, nakapagpapalakas ng pangangatawan, pampalinaw ng paningin, at nakatutulong sa pagpapababa ng mga kinain.

Laging ipinapaalala ng mga eksperto maging ng mga magulang natin na ugaliing kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang humaba ang buhay, kaya, tara na! At kumain ng Dahon ng Buhay

This article is from: