The Manila Collegian Volume 27 Issue 6

Page 3

NEWS 03

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013

Pagpapatayo sa UP Mindanao Library, Naantala Mga residente, nagbarikada para sa kanilang karapatan sa lupa Adolf Enrique Santos Gonzales

B

inarikadahan ng 300 katao ang lansangang Bagobo-Maguindanao noong Agosto 6 upang pigilan ang pagpasok ng mga materyales na siyang gagamitin sa pagpapatayo ng bagong UP Mindanao Library. Bunga nito. pansamantalang natigil ang unang araw ng konstruksyon sa naturang proyekto. Ipinaglalaban ng mga residente ang kanilang karapatan sa lupa na siyang pagtatayuan ng naturang proyekto.

Sanhi ng Pagbabarikada Nag-ugat ang nasabing pagbabarikada sa hindi pagkakaintindihan ng pamunuan ng UP Mindanao at ng pamilya Delos Santos, isa sa mga residente, hinggil sa pagmamayari ng lupa na pagtatayuan ng bagong silidaklatan. Ayon sa mga tala, taong 1995 nang mapunta sa UP Mindanao ang pagmamay-ari ng lupa. Bago pa man mapunta ang pagaari sa UP Mindanao, napag-alaman na halos limang dekada nang binunbungkal ng pamilya Delos Santos at mga taga-suporta nito ang lupang ipinaglalaban nila. Sa pahayag ni UP Mindanao Chancellor Sylvia Concepcion, mula pa noong Oktubre 2012 ay nakipag-ugnayan na sila sa mga magsasaka upang magamit ang naturang lupa. Sa mga panahong iyon, wala pang gumagamit sa naturang lupa. Disyembre 2012 nang namataan ang mga tanim na puno ng saging sa naturang lupa. Nauna nang pumayag ang mga Delos Santos noong Agosto 4, 2013 ngunit nagbago ito ng desisyon isang araw bago simulan ang pagpapatayo ng silid-aklatan. Una nang inaprubahan noong Abril 11, 2013 ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pagpapagawa sa bagong UP Mindanao Library. Tinatayang nasa P30M ang badyet para sa nasabing proyekto kung saan P20M ay mula sa Commission on Higher Education habang P10M ay mula sa sariling pondo ng UP.

Mababang Bayad-Pinsala Upang masimulan agad ang nasabing proyekto, itinaas ng pamunuan ng UP Mindanao sa P 50,000 mula sa P 6,800 ang bayad-pinsala na ibibigay sa mga residente ng nasabing lupain. Bilang konsiderasyon, iniusog din ng UP Mindanao ang lugar na pagtatayuan ng silid-aklatan upang walang matamaan na ibang imprastraktura. Sa kabila ng alok ng UP Mindanao, tumanggi ang mga Delos Santos at bagkus ay humiling na itaas ang bayad-pinsala sa P 1M. Matapos

ang

mga

negosasyon

sa

kumpensasyon, nagpahayag ang mga kinatawan ng mga Delos Santos sa Himati, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UP Mindanao, na sang-ayon ang mga Delos Santos sa pagpapagawa ng bagong Silid Aklatan. Bilang kapalit, humihiling ang mga Delos Santos ng relokasyon dahil ang lupang pagtatayuan ay pinangagalingan ng kanilang pang araw-araw na kita. Gayonpaman, iginiit ni UP Mindanao Vice Chancellor for Administration Antonio Obsioma na sa kabila ng ibinigay na kabayaran sa mga residente, ang UP Mindanao ang tunay na may-ari ng lupa base sa Tax Mapping Memorandum at titulo mula sa lokal na pamahalaan ng Davao. Samantala, ayon kay Allan Logonio, pinuno ng samahan ng mga magsasaka ng Sitio 117 Bago Oshiro, hindi naging makatao ang pakikitungo ng pamunuan ng UP Mindanao sa mga residente. Dahil sa nasabing proyekto ay naapektuhan diumano ang kabuhayan ng mga tao ng nasabing barangay. Kaugnay nito, iginiit din niya na walang karapatan ang UP Mindanao dahil hindi pa tapos ang negosasyon nito sa pamilya Delos Santos at sa mga residente.

Pagbibigay ng Palugit Matapos ang walong oras na pagbabarikada, napagkasunduan ng dalawang panig na pansamantalang ititigil ng UP Mindanao ang pagpapatayo ng silid-aklatan. Nangako naman ang mga Delos Santos na kukuha sila ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatayo at maglalabas sila ng pinal na desisyon bago ang Agosto 16. Matapos ang palugit, walang TRO na naiprisinta ang mga Delos Santos at nagpatuloy ang pagpapatayo sa Silid Aklatan ngunit ipinatigil din ito matapos ang ilang araw. Nakatakdang ituloy muli ang konstruksyon sa Setyembre 14. Sa kabila nito, iginiit ni UP Mindanao Chancellor Concepcion na ipagpapatuloy nila ang pagpapatayo ng silid-aklatan sa madaling panahon. Dagdag pa niya, anim na buwan nang huli ang proyekto at kailangan na itong maitayo bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon sa mga kinatawan ng pamilya Delos Santos, Nananatiling bukas pa din daw para sa negosasyon sa naturang pamilya. “Para sa amin, hindi naman siguro ‘yan relationship ng oppressor at oppressed. Hindi ganun ang UP. Gusto natin ng harmonious relationship with them,” ani UP Mindanao Land Management Officer Joel Sagadal. Inihayag din niya na hindi nang-aapi ang UP Mindanao at sumusunod lamang ito sa nakasaad na bata.

Erratum

In a news article entitled “UPM Stages Black Friday Protest” published in The Manila Collegian’s third issue last July 27, 2013, it was stated that the University Student Council (USC) supported the Black Friday protest. Yet, the USC denied its participation in the said event. We apologize for this oversight. -Eds.

MNLF, Militar, nagsagupaan sa Zamboanga City Christine Joy Frondozo Angat

inalakay ng mahigit 300 S miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang ilang

barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9 matapos na dakpin ng militar ang ilang miyembro ng MNLF at tanggihan ng lokal na pamahalaan ang pagtataas ng bandila ng MNLF sa bulwagang panglungsod. Kabilang sa mga lugar na sinugod ng MNLF ay ang mga barangay ng Kasanyangan, Sta. Catalina, Mariki, Rio Hondo, Sta. Barbara, at Talon-talon. Tinataya namang umabot sa anim ang patay, 24 ang sugatan, 20 ang na-hostage at 200 sibilyan ang nastranded sa nasabing pagsalakay. Kaugnay nito, sinuspinde ang lahat ng mga klase at negosyo sa nasabing lungsod. Idineklara na rin ang Zamboanga City bilang “no fly zone” habang pinaigting ang seguridad sa mga daungan. Inilikas naman ang mga apektadong residente hanggang hindi pa nareresolba ang naturang krisis.

Deklarasyon ng Pagsasarili Ayon sa mga ulat, nagsimula ang kaguluhan ng 4:30 n.u. ng Setyembre 9 nang harangin ng isang navy patrol boat ang isang malaking motorboat at walong maliliit na bangka na naglalaman ng mga armas. Nagpatuloy ang palitan ng putok sa pagitan ng MNLF at mga sundalo nang sikapin ng huli na mapalaya ang mga naging hostage ng MNLF. Samantala, sa pahayag ni Rolando Olamit, pinuno ng MNLF Davao, isang mapayapang demonstrasyon para sa pagsasarili ng Bangsamoro ang tunay na pakay ng grupo. Napilitan lamang umano ang MNLF na depensahan ang kanilang sarili mula sa pag-atake ng mga sundalo. Ayon din kay Atty. Emmanuel Fontanilla, ang nasabing sagupaan ay tugon sa biglaang pag-aresto sa limang miyembro ng MNLF nang walang koordinasyon sa peace-keeping committee. Binanggit din niya ang pagtanggi ng lokal na pamahalaan na itaas ang bandila ng MNLF sa bulwagang panglungsod. Ang pagtataas ng bandila ay tanda umano na ang Zamboanga City ay bahagi ng itinatatag na Bangsamoro Republik ng MNLF. Sa kabilang banda, sa isang hiwalay na pahayag, binanggit ni Nur Misuari, pinuno ng MNLF, na wala umano niyang basbas ang mga naganap sa hostage-taking. Tuluyan na rin niyang ng itiniwalag sa samahan si Ustadz Habier Malik, ang itinuturong utak sa mga naganap na pagsalakay. Gayonpaman, iginiit ni Police Chief Superintendent Juanito Vano Jr., Region IX police director, at ng lokal na pamahalaan, na walang karapatan ang MNLF na pasukin at angkinin ang lugar sapagkat hindi ito kabilang sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Sa kabila nito, nanindigan si Fontanilla na ang kinakatawan ng MNLF ay hindi lamang ang ARMM kung hindi ang buong Mindanao. Hangarin ng kanilang grupo na mapag-isa at mapalakas ang lahat ng mga Moro tungo sa isang panibagong republika.

Nauna nang nagdeklara ng pagsasarili si Nur Misuari, pinuno ng MNLF, para sa mga lalawigan ng Palawan, Zamboanga Peninsula, Sulu, Basilan, at Tawi-Tawi, pati na rin ang Sabah na nasa ilalim ng pamamahala ng bansang Malaysia.

Usaping Pangkapayapaan Samantala, agad namang kinondena ng Malakanyang ang naganap na karahasan sa Zamboanga City. Sa ipinalabas na pahayag ni Sec. Edwin Lacierda sa Official Gazette, sinabi na malaking isyu ang naganap na insidente at agad na itong inaaksyunan ng pamahalaan. “The ongoing attack of armed individuals in Zamboanga City, including initial reports of the possible use of civilians as human shields, is a cause for great concern. The authorities are responding to the situation in a manner that will reduce the risk to innocent civilians and restore peace and order to Zamboanga City at the soonest possible time,” nakasaad sa pahayag. Sa kabila ng nangyaring sagupaan, sinabi ng pamahalaan na hindi maaapektuhan ng nangyari ang nakabinbin na peace talks kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Magpapatuloy pa rin ang nakatakdang negosasyon ngayong buwan. Gayonpaman, pinuna ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kabiguan ng gobyerno na magsagawa ng sabay na negosasyon kasama ang MILF at MNLF. Iminungkahi din ni Bayan Muna representative Atty. Carlos Zarate na balikan ng pamahalaan ang mga naging pagkukulang nito sa pakikipag-ayos sa MNLF upang malaman ang ugat ng kaguluhan. “The peace policy of President Aquino should not be divisive and exclusive. It should not leave out a legitimate group just to appease another group. This is no way of talking peace in Mindanao,” pahayag ni Zarate. Nauna nang idineklara ng MNLF na walang bisa ang kanilang 1996 Final Peace Agreement (FPA) kasama ang pamahalaan nang pirmahan ng huli ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) kasama ang MILF. Sa kasalukuyan, hinahangad ni Misuari na mabuksan muli ang usapin sa FPA sa ilalim ng patnubay ng United Nations.

Pangangailangan ng mga Inilikas Samantala, ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Employment (DSWD), umabot na sa mahigit 17,000 katao ang inilikas mula sa kanilang mga kabahayan dahil sa nagaganap na sagupaan. Nagkaroon na ng kakapusan sa mga suplay ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangangailangan sa mga evacuation centers. Nauna nang nag-abot ng mga donasyon at tulong pinansyal ang United States AID (USAID) at United Nations. Nagkaroon din ng mga panawagan para magkaroon ng mapayapang kasunduan at tuluyan ng wakasan ang karahasan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.