MERRITT, Kirsten Alexandra P. College of Arts and Sciences
1). So I think the UPCAT in itself is biased to those coming from private schools, because they get sufficient funding, more facilities, and better quality of education. Those coming from public schools, since the government funding for education is very low, they get really low quality and therefore, yun nga, it is biased. So I think, the revisions should cater more to those who are at the disadvantage due to the lack of quality education brought about by low government funding. 2). I think it is a very individualistic question di ba, because it’s all about me, it’s not about you. The question should be more like, “Paano tayong lahat babangon?” and how can we empower the masses na hirap bumagon, to rise up as well. Kung babangon ako para yun sa mga masa.
MONTIEL, Marianne Frances P. College of Dentistry
1). ‘yung admissions policy ng UP, for me is actually in contrast to…yun nga, pampublikong karakter niya kasi despite the fact that the UPCAT is actually the most highly competitive college entrance exam, not many people still know about this especially in the rural areas. And so I think that one revision they could do about the admissions policy is that they would be able to bring it closer to the people in the rural communities so that they would be given this opportunity to see if they have what it takes to be in the University of the Philippines. And so that they would be able to receive quality education that can help them improve their community. 2.) Bumabangon ako para sa mga bumabangon para pumasok sa mga pabrika at pumunta sa palayan imbes na pumapasok sila sa eskwelahan—’yung mga kabataan na walang oportunidad para mag-aral dahil kailangan n i l a n g magtrabaho para matulungan ‘yung pamilya nila mairaos ‘yung araw-araw na pangangailangan nila.
JAVIER, Leonard D. College of Medicine
1). Education, [like] other basic social services is a human right and is an obligation of the state at naniniwala tayo na ito ay dapat na tinatamasa ng bawat estudyante. Nakakalungkot po isipin na isa sa bawat tatlong UPCAT passers ang hindi po nakakatuloy sa UP dahil po sa mataas na tuition nito. ‘yung admission policy natin, naniniwala po tayo na kulang po ang representasyon ng mga rehiyon sa ating pamantasan lalo na’t nagiging concentrated po sa urban areas ‘yung mga pumapasok sa UP at maaaring magbago po dahil dito ‘yung demograpiya ng ating pamantasan at ganun din ‘yung serbisyo natin ay hindi po nakakaabot sa lahat ng mga rehiyon, ayun po. 2). Sa tingin ko po hindi naman po natin kailangan bumangon, dahil never naman po tayong humilata, tumunganga, natulog at pumikit sa mga is’yung panlipunan lalo na po sa kalusugan. Tayo po ay araw-araw na lumalaban, nakatayo, naninindigan, at saka po pinaglalaban ang ating mga karapatan. At sa tingin ko po, misleading po ‘yung tanong, pero dahil dun hindi naman po natin kailangan bumangon. Ka i l a n g a n natin lumaban.
LIM, Mark Vincent D.
College of Arts and Sciences
NACO, John Paul C.
College of Arts and Sciences
1). So ayun, bilang ako naman ay tumatakbo as USC Councilor for Culture and Arts ay tuturulin ko kung ano ang epekto nito sa kultura. Makikita palang nating ang manipestasyon ng disadbantahe nito sa UPCAT natin, dahil ung mga katanungan sa UPCAT ay masyadong western oriented, tapos English ung mga tanong, so disadvantage ito para sa mga estudyante mula sa mga pook rural, o sa mga students from indigenous people, kasi hindi nila masyadong gamay ung mga ganoong tanong. Ang kailangan, mga tanong ay ung talagang lubog sa pamayanan nila at siyempre hindi lang natatapos sa pagrerevise ng UPCAT ung ganitong problema, tinuturol pa rin natin na ang mas malaking problema ay nasa educational system ng bansa which is colonial. 2.) Actually, hindi nga po ako makabangon dahil sa laki ng katawan ko, dahil sa bigat ko. Pero mas mabigat po ung nararamdaman ko na ginagamit itong tagline na ito, mula sa isang multinational company na nagpapahirap sa milyong-milyong magsasaka at pesante, ginagamit itong tagline na ito ng isang kampanya na sinasabing substitute ang infant formula drink sa isang breast feeding na hindi naman talaga tama.
NAVARRO, Niel Paolo B. College of Arts and Sciences
1). Para makapasok tayo sa UP, kelangan muna natin i-take at ipasa ang UPCAT pero sa katunayan hindi naman talaga UPCAT ang batayan ng pagpasok sa UP kung hindi ang Socialized Tuition Scheme o ang dating STFAP. Sinasabi lamang nito na kung mahirap ka, kung wala kang pera ay wag kang mag-aral sa UP. 2). Kung maaalala po natin, ginamit din po ni Pangulong Noynoy Aquino ang slogan na ‘Bangon Pilipinas’ pagkatapos humagupit ang bagyong Yolanda. Ang sagot ko lang po sa tanong na iyan ay isang tanong din. Paano po tayo ibabangon ng mga taong gumagamit ng tagline na iyan kung sila po mismo ang siyang naglubog sa atin?
04
FOR ASAP-KATIPUNAN COUNCILORS: 1) Paano nakakaapekto ang admissions policy ng UP at ang UP code revision sa pampublikong karakter ng unibersidad? 2) Para kanino ka bumabangon?
1.) So tatandaan po natin na itong admission process ng UP at saka UP code po ay isang malaking parte ng ating pagtingin at pagkilala sa mga papasok sa UP. At tatandaan po natin na siguro nga pantay pantay na…pantay pantay po ‘yung mga mag-tetest ka tapos ‘yung scores niyo. Pero tandaan rin po natin na kapag pinapapasok po tayo ng UP, marami pong considerations yan katulad po ng, sabihin nalang po natin na, ‘yung lifestyle dito sa Manila na kailangan, at saka ‘ y u n g mga dormitoryo, na kailangan maki-adapt naman itong mga incoming na ating UP Manila students. Kaya po yun, hindi po niya nasasagot itong mga problema na ito. 2.) So bumabangon po ako…bumabangon po ako para mag-exercise, i-exercise ‘yung ating karapatan at i-exercise ‘yung ating right na ipaglaban ‘yung isang maayos at saka kumpletong sports center. Yun lamang po.