1) How do you define the commercialization of UP education? 2) Ano ang ASEAN Integration at paano nito maaapektohan ang mga taga-UP, bukod sa usapin ng academic calendar shift? 3) Dahil parehas kayong under toxic courses, ano ang iyong uunahin? Ang pagiging chair o ang pagiging estudyante?
LORENZO, John Carlo C. College of Arts and Sciences ASAP-Katipunan
MAPPATAO, Nikolai Thaddeus Q. College of Pharmacy BIGKIS-UPM
1) Ang commercialization po ay paglalagay ng presyo sa mga bagay na hindi naman dapat at pagtreat dito bilang isang produkto. Sa pag-aaral po natin sa UP, bilang ito po ay isang state university o public institution ay dapat wala po tayong binabayaran kahit singko. Ngunit pagpasok palang po natin sa enrolment ay may kinaharap n a po tayong mataas na tuition fee, at kahit may STFAP o STS ay hindi parin nito sinasagot kung bakit mataas ang tuition sa ating unibersidad. Isa pa pong manifestation ng commercialization sa ating pamantasan ay ang mga binabayaran nating mga hinihiram na pasilidad sa ating unibersidad at sa mundo po ng mga dapat ay hindi naman ito nangyayari bilang tayo po ang largest stakeholder ng ating unibersidad. Kitang-kita natin na commercialized na ang education sa UP at iba pang state universities and colleges (SUCs) pati po ang ibang batayang serbisyong panlipunan.
1) So commercialization, ano ng aba ang commercialization? Kapag ginigive up na natin ‘yung purpose ng university na maging isang university of learning, university of education at instead ay nagiging kumikita nalang siya. Pero, sa mga UP students, ano ba ‘yung kinokonsidera natin na commercialization? Siguro ‘yung una, ‘yung pinakaobvious ay ‘yung sa isyu ng STFAP na mas marami nang nagbabayad kaysa nababayaran o nabibigyan ng scholarship kaya naman tayo ay proreform STFAP dahil naniniwala tayo na, oo isa itong manipestasyon na kulang ang budget ng UP, pero sa ngayon kailangan natin ng temporary na measures, interim measures. Kasabay nun ay patuloy parin tayong naglolobby at nakikipaglaban para sa higher state subsidy dahil at the end of the day, yun naman ang gusto natin, na malibre ang edukasyon ng lahat ng Iskolar para sa Bayan.
2) Ang ASEAN integration po ay naglalayon na pag-isahin ang lahat ng nangayayari sa mga bansang nakapaloob dito. Siyempre, napatunayan na po ng kasaysayan tulad po sa European Union na ‘yung mga maliit na bansa na kasama sa mga integration na ito ay nakakaranas ng matinding paghihirap at pagkagutom. Ngayon po sa Pilipinas bilang isang maliit na bansa at walang sariling industriya at backwards na agrikultura, para po tayong priniprito sa sarili nating mantika. At tayo po, bilang Iskolar ng Bayan at bilang mga mamamayang Pilipino ay mismong talo kapag nagpaloob po tayo sa ASEAN integration na ito. Kung gusto po natin ng tunay na kaunlaran ay dapat po magtayo natin ng sarili nating industriya at pag-igtingin ‘yung ating agrikultura upang magkaruon ng desenteng pamumuhay ‘yung ating mga mamamayang Pilipino.
2) So mainit na usapin ngayon ang academic calendar shift na ang rason kung bakit nila
3)
Kami po sa ASAP-Katipunan ay naniniwala na hindi po tayo muna estudyante bago tayo maging lider. Tayo po ay mga lider-estudyante kaya nga po tayo mga Iskolar ng Bayan. Ngayon po, kung tayo po ay darating sa panahon na kailangan nating mamili between sa pagiging Chair at pagiging estudyante natin, klarong-klaro po yan sa lahat ng lider ng ASAP-Katipunan na uunahin po namin ‘yung paglilingkod sa kapwa natin Iskolar ng Bayan at sa mga mamamayang Pilipino kaysa po sa aming mga personal na interes.
ito pinatupad ay para makasabay sa ASEAN through the ASEAN harmonization program. Beyond the academic calendar shift, ang gusto nga natin ay makapagpalitan ng ideya sa ibang mga bansa, mga scholarship programs, exchange programs. Pero ang nakikita kong implikasyon nito na sana ay kung talagang matutupad niya na may consistent, na may tuloy-tuloy na exchange of ideas sa ASEAN countries ay sana ‘yung mga nakatanggap ng mga ganitong programa o naka-experience ng ganitong programa ay mag-serve naman sa nation. Ibalik nila kung ano man ‘yung maidadala nila mula sa ibang bansa kasi yun naman ‘yung purpose hindi naman ito para sa sarili lang o personal development in other words. Pero sa huli, ginagawa parin natin ito para sa bayan.
3) Siyempre uunahin ko ang pagiging estudyante kasi baka pag-resignin na ako ng mga
teachers ko sa pagiging USC Chair if ever. Pero hindi, joke lang. Siyempre, pagiging estudyante kasi fundamental requirement naman ng pagiging University Student Council Chairperson ang pagiging isang student.
1) Tasahin ang naging pamamahala ni Chancellor Manuel Agulto. 2) Paano mo mailalapit ang halaga ng LCSC sa mga estudyante? 3) Kung aayain ka sa condo, ano ang dadalin mong foods na sasalamin sa ideolohiya ng iyong partido?
ACOSTA, Allia Maria Ysabel I. College of Arts and Sciences ASAP-Katipunan
1) Siyempre po nakakalungkot po at nakakagalit isipin na sa loob po ng tatlong taon ni Chancellor Agulto ay puro anti-estudyante at anti-mamamayan po ‘yung mga polisiyang naipasa sa ating pamantasan. Una na po diyan ang pagtanggal sa ating mga GAB Caf concessionaires na hindi dumaan sa student consultation at pinatanggal nalang sila para po mag-accumulate ng funds para sa ating pamantasan. Pangalawa na po diyan ang kawalan ng hustisya sa pagkamatay ni Kristel Tejada na meron parin tayong No Late Payment Policy kung saan isa itong pagtapak sa ating karapatan sa edukasyon. Pangatlo na po diyan ang pagkakaroon ng laboratory fees sa ating mga Class D patients na kung tutuusin po ay indigent patients po natin. Kung titingnan po natin ay parang wala na pong pagkakaiba ‘yung ating Chancellor Agulto sa ating Presidenteng Aquino na hanggang ngayon po ay may mga polisiya parin na tumatapak sa karapatan ng mga Iskolar ng Bayan at tumatapak sa karapatan ng mga kabataang Pilipino. 2) Sa tingin ko po ay mahalaga na mailapit natin ang LCSC sa ating mga estudyante para po makita natin na united talaga ang ating university sa ating mga issues. Una po, mailalapit po natin ito sa mga estudyante kung makikita po nila na united ang LCSC at ang USC sa pagharap sa mga isyu na ito. At pangalawa ay ‘yung pag-usapan talaga natin kung ano ba ‘yung mga isyu na kinakaharap ng bawat Iskolar ng Bayan. ASAP-Katipunan offers you the All Leaders Meeting kung saan po hindi lang po natin icoconvene ang ating LCSC at ang ating mga organizations, fraternities, and sororities, pero pupunta po tayo sa kanila, grassroots level, para po malaman ang mga isyu ng mga Iskolar ng Bayan. At sa pamamagitan po nito ay magkakaroon ng unified stand ‘yung buong university para tulungan nating labanan ‘yung mga isyu na kinakaharap ng bawat college at ng ating mga Iskolar ng Bayan.
TANCHUCO, John Edward O. College of Medicine BIGKIS-UPM
1) So sa loob ng isang taon, kung titingnan natin ‘yung pamamahala ng ating Chancellor, medyo nagkaroon ng kakulangan sa pagkonsulta ng mga estudyante. Napakaraming isyu ngayong taon ang napalagpas niya tulad ng academic calendar shift. Hindi nakonsulta ang mga kolehiyo sa mga implikasyon nito. Siyempre ‘yung laboratory fees issue, na kung saan ‘yung mga pasyente ay hindi makakuha ng libreng labs. And, personally, sa UP Manila Fair, although naramdaman ko ‘yung suporta niya, napakaliit ng assistance. Parang, sinubukan naming ibenta ‘yung vision sa kanya, however, hindi siya gaanong bukas. So sana, tumupad siya sa kanyang pangako nung simula ng termino naming na bukas ang kanyang opisina para makipag-usap sa mga lider-estudyante ng unibersidad. 2) Ang League of College Student Councils ay ang grupo kung saan bilang dapat ibenta natin ‘yung vision mo para sa UP Manila. Ito ‘yung grupo na dapat talaga ay lumalapit ang inyong USC dahil ito ‘yung grupo na nakakaalam ng mga isyu sa bawat kolehiyo. So, sa approach natin sa Coalition of Cultural Orgs, tayo ay pumunta sa iba’t-ibang kolehiyo para mismo makita kung ano ‘yung kailangan at bumuo tayo ng isang unified statement, o parang unified stance, unified vision. Dahil importante ‘yung LCSC eh. Dahil sa information dissemination nito, and at the same time, ‘yung kakayahan nito na magsabi sa mga estudyante ng mga pinakaimportante na proyekto, kampanya, at serbisyo nito. 3)
‘Yung isang bagay na alam kong hindi dadalhin ni Serge Aclan ay star apple na nagsisimbolo ng Five Star Leader.
3) So kung magdadala siguro ako ng pagkain, dadalhin ko po ‘yung pagkain na binebenta ng ating mga GAB Caf concessionaires, kasi pinapakita po nito na kahit wala na sila sa ating premises, wala na sila sa CAS, ay patuloy parin nating ipaglalaban ‘yung mga karapatan ng ating mga GAB Caf concessionaires. Patuloy po nating ipaglalaban ‘yung karapatan ng mga Iskolar ng Bayan sa healthy and affordable means.
03