06 CULTURE
Volume 27 Number 7 16 October 2013 | Wednesday
S
A ISANG MOTEL, “HUWAG KANG mag-alala. Dirty little secret natin ito, babe. For private viewing lang itong exhibition natin ngayong gabi.”
environmentalist na si Dr. Gerry Ortega. Makikita rito kung gaano kababa ang kredebilidad ng hudikatura sa bansa. Nakadidismaya na ang korte pa mismo ang pumipigil na malaman ng publiko ang katotohanan sa krimen at papanagutin ang mga tunay na may sala.
Sa isang close-door meeting, “Everything is settled. All we are waiting for is the execution of the plan. Are you ready to embrace your sure win this coming elections?’
Pero minsan, kahit na may pagkakataong takasan ang parusa at pananagutan sa scandal na kinasasangkutan, may mga taong nagpapakulong at nagpapatalo na lamang sa isyung kinakaharap. Tulad na lamang ng isang dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, na nagpatiwakal sa kasagsagan ng kinasasangkutang AFP Pabaon Scandal. Ganito kalakas ang dagok ng scandal sa buhay ng ilang tao. Minsan, sa halip na ang isyung kinasasangkutakan ang kanilang tatakasan, mismong realidad na ang kanilang tinatakbuhan upang matigil ang pagkadurog ng kanilang pagkatao at moral sa talim ng mga kritisismo at kahihiyan, gayon din sa paulit-ulit na usig ng kanilang konsensya.
Ngunit bakit ang ika nga ay isang “dirty little secret”, nakaka-250,000 views na sa Youtube? Nagbabagang tsismis na ni Cristy Fermin at headline na ni Mike Enriquez? “Private meeting” daw, pero bakit ito na ang bagong pinag-uusapan ng sambayanan? Hayaan ang sarili na magpadala sa agos ng kuwento habang naglalakbay papaikot sa mundo kung saan ang mga scandal – tungkol man sa sex o sa politika, ay nagsisilipana na parang mga gamu-gamo tuwing tag-ulan. Kaya, sit back and enjoy the show!
Ekslusibong, Explosibong, Exposé Female actress, huling-huli ng camera na sumisinghot ng shabu! Male singer, todo giling sa sex video kasama si baguhang starlet! Dating child actor, kumakalat ang nude photos! Hindi ka tunay na Pilipino kung sa arawaraw na pagbabasa mo ng diyaryo o panonoood ng telebisyon ay hindi ka nagulantang sa “ispluk” sa mga celebrity ni Boy Abunda o ni Lolit Solis. Sex, paggamit ng droga, pagiging lasenggo, psychological breakdown, pakikipagrambulan – ilan lang ito sa piling “talents”na ipinapakita ng mga artista na nahagip ng lente ng kamera. Magkasingbilis din ang pagtanggi nila sa kumakalat na mga scandal na ito, at sa dami ng views ng mga ito sa Youtube. Ngunit, hindi lamang “talents” ang nalalantad kapag lumalabas ang scandals ng mga artista –nabubunyag rin ang mga itinatagong baho at sangsang ng kanilang buhay at pagkatao. Kumbaga kasi sa isang pekeng diyamante, sa una ay nakasisilaw ang buhay ng mga artista sa dami ng kanilang imported na bags, endorsements, platinum record labels, acting awards at mga mamahaling kotse. Ngunit mapanlinlang ang kanyang kinang, sapagkat itinatago lamang pala nito ang kanyang mga gurlis at basag; ang hindi mapintasang hiyas, ay puno pala ng karupokan at nagasgasan din sa kaloobkalooban. Sa likod pala kasi ng lahat ng kinang at kasikatan ay nagkukubli ang isang katotohanang tao lang din sila – maaari at maaari silang magkamali. Sa kasalukuyan, inaangkin na nga ng publiko ang trono ng mga paparazzi – ang kaibahan nga lang, kung ang habol ng mga paparazzi ay pera sa pag-eexpose, personal na kaligayahan naman sa kahihiyan ng iba ang kadalasang pakay ng taumbayan. Ang mga scandal kasi, bukod sa pambusog ng mata at pang-kumpleto ng mga pantasya, ay isang elevator din na nagtataas ng moral ng mga tao. Mas kakaiba ang “perfomance”, mas tumataas ang tingin ng tao sa kanilang sarili, dahil tingin nila hindi sila kasing-imoral ng mga artistang ito. Minsan, dahil sa inggit, galit at pagkairita nila sa mga artistang sobra ang kasikatan at karangyaan, ikinatutuwa pa nila ang mga nangyayari sa mga ito. Kulang na lang ay sabihan nila ito ng
RATED X Paglalantad sa Iba’t-ibang Anggulo ng Scandal JaMilah Paola dela Cruz laGuardia at thalia real Villela Guhit ni Joanne Pauline raMos santos
harap-harapang “Buti nga sa’yo!” sabay labas ng dila.
nagpunta agad ng Amerika nang lumabas ang kinasangkutang scandal?!
Subalit minsan, hindi na kailangan pa ng scandal para mapatunayang talagang may pagkakataong nabubuo ang araw mo sa kamalasang sinasapit ng ibang tao. Ilang beses mo na bang hiniling na sana ma-hack ‘yung account ng basher mo sa Twitter? O kaya naman madapa sa Padre Faura ‘yung prof mong binagsak ka sa Math 11? Pamilyar ba? Isa ka kasing Pilipinong avid fan din ng karma. Katuwiran mo naman, nararapat naman para maranasan niya ang kamalasan, pati na ang katatawanan at kahihiyang mapapala niya.
Hindi lang sex videos o nude photos ang mukha ng scandal. Hindi lahat ay nagbibigay ng ganoong spice. Ang iba naman ay nagbubunyag ng mga ebidensya laban sa mga abusado’t manloloko sa bawat sulok ng lipunan.
Ngunit sa likod ng mga tawa at pamamahiya ay ang paglitaw ng isang pataas nang pataas na pader na humahati at sumisira sa elemento ng pakikipagkapwa sa lipunan. Dahil nakadepende ang kasiyahan at satisfaction ng publiko sa pagkakamali ng kanilang kapwa, silasila mismo ay naghihilahan pababa – nagkakalkalan ng baho ng bawat isa. Imbes na tuklasin ang kanilang mga kalakasan at mabuting katangian, ang resulta ng batuhan ng putik at hukayan ng baho ay ang pagkawala ng natitirang dignidad sa pagkatao nila. Lumilitaw ang isang marahas na uri ng kompetisyon kung saan walang nakararating sa rurok ng tagumpay, sapagkat ang pagkapanalo ng isa ay nakadepende sa pagkawasak ng pagkatao ng kanyang kapwa. Namamatay ang tunay na esensya ng sosyalisasyon; at ang lipunan ay pinagagalaw ng pagnanasa sa kapangyarihan at kontrol sa buhay ng bawat tao.
Tingnan na lamang ang Sex-for-Flight Scandal. Sa halip na pantakas sa mapaniil na realidad, nagsilbi pa itong pangmulat para sa mga Pilipino. Isiniwalat kasi nito ang mga iregularidad na nangyayari sa embahada ng Pilipinas sa Gitnang Silangan at ang ibang klaseng paghihirap na kinahaharap ng iyong mga kapatid na OFWs.
Kung dati-rati’y “Walang magtutulungan kundi tayo-tayo lang” ang prinsipyo, “Walang maghihilahan pababa o maghihiyaan sa harap ng publiko, kundi tayo-tayo lang” ang sistemang ipinalit at bumago.
General Patronage Da who? Sino itong politikong MIA at
Hindi sa lahat ng oras ay ginagamit mo ang mga iskandalo upang panandaliang makatakas sa realidad ng buhay. Kadalasan, ang mga ito pa nga mismo ang nagkukulong sa iyo sa loob ng mga katotohanang kailanman ay hindi matatakasan.
Marami pang scandal ang kinasangkutan at kinasasangkutan ng gobyerno, kagaya ng “Hello Garci”Scandal, Fertilizer Fund Scam, Pork Barrel Scam at iba pa. Nakapanlulumong isipin na kung sino pa ang mga inihalal upang paglingkuran ang sariling bayan ang siyang nangunguna pa sa panloloko. Ang problema din kasi dito sa bansang Pilipinas ay umiiral ang kultura ng impunity. Ang daling lusutan ng mga personalidad ang kinasasangkutang scandal dahil sa taglay nilang kapangyarihan. Mapapansin sa bansang ito na may sistemang politikal na nakapanig sa mga makapangyarihan. Marami nang kasong kinasasangkutan ng mga politiko ang naibasura ng mga korte kahit may mga sapat na ebidensya ukol dito. Tulad na lamang ng pagbabasura ng reklamong malversation laban kay Rep. Gloria Arroyo at ng kasong kriminal na isinampa kay dating Palawan Gov. Joel Reyes na isa sa mga pangunahing suspek sa pagpaslang sa mamamahayag at
Patikim pa lamang ito sa sandamakmak na mga scandal na dapat suriin, bantayan at subaybayan ng lipunan. Ngunit, imbes na tangkilikin at kasabikan, ito ay dapat ikondena at marapat na pagpanagutin ang mga taong sangkot dito. Isang nakaaalarmang indikasyon ito na may mga mali at hindi katanggap-tanggap na nangyayari sa lipunang Pilipino. Kasabay ng pagtantong maraming bagay ang hindi napapansin agad hangga’t hindi pinapalaki ng madla, ang pagbabago ng pananaw at paraan ng pagtingin ng isang indibidwal sa kanyang lipunan. May isang bagay lang sa lipunan ang dapat gamutin bago mabigyang solusyon ang ibang problemang kinakaharap ng mga Pilipino– ang collective memory ng taumbayan na napakaiksi. Dahil dito, lumalabas na ang mga Pilipino ay isang lahing medaling makalimot— tipong ang bilis makalimot sa mga ginawang kamalian sa sambayanan. Masasalamin ito sa kanilang patuloy na pagboto sa mga politikong nakulong na o kaya’y patong-patong na ang mga kasong kinahaharap. Ang dali para sa kanilang mag-move-on kahit harap-harapan na silang winawalang-hiya o inuutakan ng mga opisyal mula sa gobyerno. Kaya hindi rin talaga nagwawakas ang korapsyon sa Pilipinas ay dahil parang hindi natitigatig ang mga pulitiko sa panloloko dahil kampante silang madaling makakalimutan ng sambayanan ang kanilang mga masasamang gawi. Lahat ng tao, may scandal. Nagkakataon lang na mas madalas walang ibang kumukuha ng larawan o video, kaya sarili lang ang nakakaalam. Hindi na marahil maiwawaglit sa kultura at kasaysayan ang mga scandal ng iba’t-ibang personalidad. Ang tanging aspektong mababago ay ang paraan ng pagtanggap ng tao sa paglabas ng mga scandal na ito. Kung susuriin, ang mga ito ay maaaring gamitin upang higit na mapabuti ang pakikipasalamuha ng mga tao sa kanilang kapwa; at upang linangin ang perspektibo at kuro ng publiko sa mga usapin sumasaklaw sa moral at etika. Dahil hindi lamang pinakatatagong baho ng mga personalidad ang nabubunyag sa mga scandal – inilalantad din nito ang masangsang na mekanismo at sistema ng lipunang pinababayaan lamang na mabulok sa pagkatao ng mga mamamayan.