EDITORIAL 11
Volume 28 Number 15 Thursday | April 16, 2015
\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\
N
GAYONG HALALAN, HIGIT NA KAILANGANG MAKITA ANG MGA PLATAPORMA AT PANININDIGANG TUNAY NA MAGPAPAUNLAD SA PAMANTASAN, MULA ROON SA MGA MANANATILI LAMANG SA PAPEL.
EDITOR-IN-CHIEF Angelo Dennis Aligaga Agdeppa
Sa pagpataw ng pamantasan ng Academic Calendar Shift, nailipat ngayong buwan ng Abril ang pinakahihintay na eleksiyon para sa mga susunod na mamumuno sa iba’t ibang konseho. Humarap ang mga kandidato at ang mga Iskolar ng Bayan sa tila mas maikling panahon ng pangangampanya, isang importanteng pagkakataon para lubos na makilatis ng mga elektor ang mga kandidato. Ang pagbabago ng iskedyul ng pangangampanya ay may idinulot na pagbabago sa halalan, subalit ang pagbabagong hatid nito sa kabuuang pagpili ng mga susunod na lider estudyanteng mamumuno ng mga konseho sa pamantasan ay wala pang kasiguraduhan. Sa mga nakaraang araw, halos kawangis pa rin ng mga nakaraang taon ang mga pakulo ng mga tumatakbo. Ang bawat panig ay hindi pa rin tumitigil sa pagbutas ng mga layag ng kabilang barko sa pamamagitan ng paglalabas ng kontrobersiya, nakalapat man sa katotohanan o hindi. Subalit hindi lang mga paninira ang patuloy na lumalabas tuwing eleksiyon dahil patuloy na ikinakabit sa kampanya ang iba’t ibang pakulo ng bawat political party o kandidato. Ang mga palamuti at matutunog na salita sana ay hindi masamang taktika, subalit tila napapalitan na ng nakaririnding tunog at nakabubulag na kislap ang tnay na esensiya ng pangangampanya at eleksyon — ang makita ang tunay na magsisilbi at mamumuno nang may linya at sikhay. Kasabay ng matagal nang mga gawain tuwing eleksiyon ay ang pagbabagong hatid naman ng mga tumatakbo ngayong taon. Ang mga bagong kandidato ay sinabayan ng mga bagong pagkakataon, ngunit madalas ay nasa ilalim pa rin ng mga lumang iskema ng pangangampanya. Maraming mga proyekto ang dumaan lamang ulit sa mga bagong pangalan. Umaalingasaw pa rin ang mabahong kasaysayan ng pagpapaasa sa mga proyektong ginagamit lamang para humatak ng boto sa simula ngunit tuluyan namang iiwan kapag nasa puwesto na. Sa pananatili ng ganitong sistema tuwing eleksiyon, mananatili ring biktima ang mga Iskolar ng Bayan at ang sambayanan, lalo kung hindi mahahalal ang tunay na maghahatid ng pagbabagong nakalapat sa realidad ng lipunang ginagalawan nila. Mahalagang mailayo ng mga Iskolar ng Bayan mula sa anomang tyansa ng pagkapanalo ang mga kandidatong inihahalo ang lamang ang proyekto sa malalabong salita at paninindigan. Sa pagbabaliktanaw, maaalalang walang naidulot na kabutihan ang paghalal sa isang reaksyunaryong pinuno na hindi kayang maglagay ng linya sa pagitan niya at ng isang isyung dapat bakahin. Hindi rin kailangan ng pamantasan ang mga pinunong ang kaya lamang ihatid ay
ASSOCIATE EDITOR FOR INTERNAL AFFAIRS Patrick Jacob Laxamana Liwag ASSOCIATE EDITOR FOR EXTERNAL AFFAIRS Elizabeth Danielle Quiñones Fodulla MANAGING EDITOR Carlo Rey Resureccion Martinez ASSISTANT MANAGING EDITOR Jennah Yelle Manato Mallari NEWS EDITOR Ronilo Raymundo Mesa FEATURES EDITOR Angelica Natividad Reyes CULTURE EDITOR Jamilah Paola dela Cruz Laguardia GRAPHICS EDITOR Lizette Joan Campaña Daluz NEWS CORRESPONDENTS Ezra Kristina Ostaya Bayalan Adolf Enrique Santos Gonzales Eunice Biñas Hechanova Gayle Calianga Reyna FEATURES CORRESPONDENTS Liezl Ann Dimabuyu Lansang JOSE PAOLO BERMUDEZ REYES
Halalan mga proyektong nakalapat sa Internet. Upang mas makapagsilbi at mapulsohan ang tunay na hinaing ng mga estudyante, at upang masiguradong sasama at kikilos ang madla at manindigan, kailangang makita at maramdaman ang pinuno, may akses man sa Internet o wala ang isang nasasakupan nito. Hindi natatapos ang konkretong aksyon sa paggawa ng infographic at anomang position paper dahil ang pinakamataas na hamon ay ipaintindi at pakilusin ang mas malawak na hanay ng mga kritikal at progresibong mag-aaral. Dapat maging mapagmatyag din ang mga Iskolar ng Bayan sa mga kandidatong
ng Bayan ng mga kandidatong puhunan lamang ang personalidad tuwing halalan. Hindi nakakapagdala ng pagbabago ang mga maaamong mukha, higit lalo kung ito ay walang kaalaman tungkol sa tunay na pagdurusa ng mamamayang Pilipino. Walang personalidad na kailangan ang isang bayang naghihirap kung hindi ang pinunong may prinsipyong mag-aangat sa api mula sa kanilang kinasasadlakang kalagayan. Ang pagboto ng mga Iskolar ng Bayan ay dapat sumalamin sa kritikal na karakter ng mga mag-aaral sa pamantasan — isang pagboto na malayo sa kung sino ang magaling lang sa salita at propaganda.
ANG HAMON PARA SA MGA NAGNANAIS PAMUNUAN ANG PAMANTASAN AY ANG PAKILUSIN ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN TUNGO SA TUNAY NITONG MANDATO — ANG MAGSIMULA NG PANLIPUNANG PAGBABAGO KUNG SAAN MAS LUMULUBOG SA MASA AT MAS NAKAPAGHAHATID ANG KABATAAN NG MGA SOLUSYONG MAGTATAGAL. kaya lamang ipagpatuloy ang proyekto at laban ilang buwan matapos manalo sa eleksyon at babalik na lang tuwing malapit na ang halalan. Ang mga ningas-kugon ay hindi sapat upang paigtingin ang apoy ng pagsisilbi sa mas maraming Pilipino. Ang dapat ihalal ay ang mga kandidatong gagalaw nang may katuturan buong taon. Ang kailangan ng pamantasan at ng bayan ay ang isang konsehong nararamdaman buong taon sa patuloy nitong pakikipaglaban para sa karapatan ng mga estudyante at mga mamamayan — malayo sa mga kandidatong dumadalo lamang sa isang komunidad o pangyayari upang makuhanan ng larawan. Ilang beses na ring binigo ang mga Iskolar
CULTURE CORRESPONDENTS Jose Lorenzo Querol Lanuza Thalia Real Villela RESIDENT ILLUSTRATORS Daniel John Galinato Estember Princess Pauline Cervantes Habla Joanne Pauline Ramos Santos RESIDENT PHOTOJOURNALIST Jenny Mary Camama Dagun OFFICE 4th Floor Student Center Building, University of the Philippines Manila, Padre Faura St. corner Ma. Orosa St., Ermita, Manila 1000 EMAIL themanilacollegian@gmail.com WEBSITES issuu.com/manilacollegian www.facebook.com/themanilacollegian www.twitter.com/mkule themanilacollegian.tumblr.com MEMBER
College Editors Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications Guild of the and Writers’ Organizations Philippines
The Cover
Ang hamon para sa mga nagnanais pamunuan ang pamantasan ay ang pakilusin ang mga Iskolar ng Bayan tungo sa tunay nitong mandato — ang magsimula ng panlipunang pagbabago kung saan mas lumulubog sa masa at mas nakapaghahatid ang kabataan ng mga solusyong magtatagal. Higit kailanman, ang eleksiyon ay panahon kung kailan mas nililinaw sa mga estudyante ang mga isyu ng pamantasan at bansa, kasama ang mga magiging tugon dito hindi lang bilang mga Iskolar ng Bayan, kung hindi bilang mga mamamayang naaapi at nahihirapan sa isang bulok na sistema.
Illustration by Michael Lorenz Dumalaog Raymundo