The Manila Collegian Volume 28 Number 12

Page 8

08 FEATURES

Volume 28 Number 12 March 10, 2015 | Tuesday

///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Pilit na sinasawata ng mga nasa kapangyarihan ang sigaw ng kababaihan. Walong taon na ang nakalilipas simula ng pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Sila ay inakusahan umano bilang mga kasapi ng New People’s Army (NPA). Ayon sa saksi na si Raymond Manalo, sina Karen at Sherlyn ay walang awang pinahirapan at hinalay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamumuno ng kilalang berdugo na si Jovito Palparan. Hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng pagkakadakip ng mga salarin, ay hindi pa rin nahahanap ang mga biktima. Hindi man nawala, ang kaso ni Andrea Rosal ay hindi iba sa kaso nila Karen at Sherlyn. Gaya nila, si Andrea ay dinakip batay sa mga pekeng akusasyon — pagdukot, pagpatay, at pagiging kasapi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Sa kabila ng kaniyang pagdadalang-tao, si Andrea ay pinagkaitan ng Estado ng karampatang atensyong medikal. Kinalaunan, ang paglabag na ito ng Estado sa kaniyang mga karapatan bilang isang babae at ina ay sumingil sa murang buhay ng kaniyang bagong silang na anak. Ngunit hindi rito nagtatapos ang lahat — upang palalain pa ang pinsala, si Andrea ay hindi hinayaan ng pamahalaan na makapiling ang anak sa mga huling sandali nito. Maliwanag na paglabag sa karapatang pangkababaihan ang dinanas nina Karen, Sherlyn, at Andrea sa kamay ng estado. Sila ay walang-awang dinakip at ang kanilang mga kaso ay hindi dumaan sa tamang proseso ng paglilitis. Habang hawak ng pamahalaan, sila ay hindi hinayaang kumonsulta sa kanilang mga abogado o binigyan man lamang ng maayos na matutuluyan. Bagkus, sila ay pare-parehong biktima ng karahasan sa kamay ng pamahalaan. Hindi ligtas ang kababaihan sa mapaniil na kamay ng estado. Ang kanilang pagtindig at pakikipaglaban para sa pagtutuwid ng isang maling sistema ang siyang nagiging batayan ng pamahalaan upang sila ay pagsamantalahan. Babaeng Pinagkaitan Patuloy ring binabaluktot ng mga nasa kapangyarihan ang karapatan ng kababaihan. Tahasang nilalabag ng Estado ang mga batas na kanila mismong itinakda. Sa

Sa mga kaso naman ng enforced disappearances, ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa kababaihan ay ang Republic Act 10353 o Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012 at ang Writ of Amparo. Sa mga batas na ito pinangangalagaan ang karapatang pantao lalo na ng mga miyembro militanteng grupong madalas ay biktima ng enforced disappearances. Ngunit, sa kabila ng pagsasabatas ng mga nabanggit na kautusan, patuloy ang paglobo ng mga kaso ng enforced disappearances sa bansa. Ang lahat ng mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay nalalabag sa oras na dakpin ng pamahalaan ang militanteng kababaihan. Sa kanilang pagkabihag ay hindi lamang sila nagiging biktima ng ilegal na pagkakabilanggo. Sila ay biktima rin ng mga paglabag sa karapatang pangkababaihan. Ang bawat militanteng babaeng napapasakamay ng pamahalaan ay tiyak na dumaranas ng iba’t ibang anyo ng paglalapastangan. Kagimbal-gimbal na tila nagiging normal nang hakbangin ang pagpapahirap sa mga babaeng desaparecidos upang mapagtibay at mapatunayan ang mga akusasyong ibinabato sa kanila ng pamahalaan. Kaakibat na ng kanilang pagkakadakip ang panghahalay, pang-aabuso, at pagmamalupit – ang lahat ng ito ay pinatunayan ng mga saksi at nakaligtas mula sa mga nabanggit na gawain. Babaeng Lumalaban Sa kabila ng mga pang-aabuso, hindi mapipigilan ng mapaniil na kamay ng pamahalaan ang laban ng kababaihan. Ang namumuong takot na hatid ng mga banta ng Estado sa mga sumasalungat dito ay hindi mapipigil ang kababaihan na itaas ang kanilang kamao at labanan ang maling sistemang umiiral sa lipunan. Sila ay patuloy na lababan hanggang sa makamit nila

Sa kasalukuyan, ang mga kaso nila Karen, Sherlyn, Andrea at ng iba pang babaeng naging biktima ng pamahalaan ang siyang mukha ng isang labang dapat ipagpatuloy at pagtagumpayan. Ang bawat pagtaas ng kamao at sigaw ng kababaihan ay sinusuklian ang estado ng mga busal at bala. Ang proteksyong inilalaan ng estado ay hindi magkakaroon ng pangil hanggat sila mismo ang lumalabag dito, at hanggat hindi nagiging tunay na malaya ang kababaihan sa tanikalang iginapos ng kultura at lipunan. Higit pa, tuluyan nang inabandona at niyurakan ng pamahalaan ang masa na siyang dapat niyang pinagsisilbihan. Ngunit hindi mapipigilan ng mga pagpapahirap at pang-aabuso ang laban. Ang babae ay patuloy na lalaban, itataas ang kaniyang kamao, at isisigaw ang kaniyang hinaing hanggang sa makamit ang tunay na kalayaan.

PAGBASAG SA MGA TANIKALA

Babaeng Nilapastangan

Hindi na bago ang pagsapi ng mga kababaihan sa iba’t ibang mga militante at progresibong grupo. Isa ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA) sa mga progresibong grupo na kinabibilangan at pinamumunuan ng kababaihan. Gaya ng ibang militanteng grupo, layon ng GABRIELA na ipaglaban ang pagkakapantay-pantay at karapatang pantao. Ang patuloy na pagpapabaya ng pamahalaan sa mga batayang serbisyo gaya ng murang edukasyon at serbisyong pangkalusugan, maging ang kakulangan sa mga batas na tutugon sa mga pangangailangan at karapatan ng kababaihan ang siyang mga dahilan ng kanilang pakikibaka.

JENNAH YELLE MANATO MALLARI

Sa huli, ang kababaihan ay nananatiling biktima sa mapanupil na sistemang panlipunan.

Kalunos-lunos ang kalagayan ng kababaihang Pilipino sa bansa. Iilang mga batas lamang ang ipinatutupad ng pamahalaan patungkol sa iba’t ibang isyung pangkababaihan. Ilan sa mga ito ay Republic Act 7877 o ang Anti Sexual Harrasment Act of 1995, Republic Act 8353 o Anti Rape Law of 1997, at Republic Act 8505 o Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998. Layunin ng mga batas na ito na pangalagaan ang karapatan ng kababaihan at bigyan sila ng proteksyon laban sa pananamantala at karahasan. Sa mga batas na ito rin ay itinatalaga ang Estado upang pangunahing tagapangalaga ng mga biktima ng pangaabuso at iba pang uri ng karahasan. Subalit ang mga batas na ito ay nanatiling mga salita lamang sa papel. Sa mga batas na ito, marami ang tahasang binabaluktot kapag Estado na ang lumabag.

ang kalayaan at katarungan. Bagkus, ang bawat sakit na idinudulot ng pang-aabuso ng pamahalaan ang siyang magpapaalab sa damdamin ng mga militanteng babae.

ISANG PAGTANAW SA LABAN NG KABABAIHAN

Unti-unting nababawasan ang kanilang hanay – sila’y dinadakip at sapilitang inaalis ang kanilang mga ipinaglalaban. Ang kanilang mga bibig ay binubusalan at kanilang mga karapatan ay ipinagkakait ng mga taong unang nangakong itataguyod ang kanilang mga karapatan.

kabila ng mga pangako, patuloy ang kanilang pagsasawalang-bahala upang paglingkuran ang isang baluktot na sistemang nagpapatuloy ng kawalang katarungan. Madalas, ang patuloy na pagkait nila ay nagiging sanhi ng pagkalimot.

DIBUHO NI JAZMINE CLAIRE MARTINEZ MABANSAG

Tuluyan nang nilapastangan ng estado ang kababaihang Pilipino.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.