Birth “Mark” “Grades” bilang Sukatan ng Buhay at Pagkatao PIA KRIEZL JURADO HERNANDEZ
“Dear schoolmates, teachers, family, friends, guests, ghosts, clergymen, local authorities, hacienderos, donyas, alipins, Mamang taho, Mr. Bobbinsworth the cat, and God. A pleasant morning to you. Today we harvest the fruit of our labor...” ...or something like that. Apat na grading period na pinagpagurang punuin ng mga above 90 na grades ang naging susi ng batang makakapagsambit ng mga salitang ito sa kanyang pagtatapos. Halos isa’t kalahating dekadang pagtitiis sa pagsusunog ng kilay, kapalit ng ilang medalya, ilang minuto ng pagsasalita sa entablado, ilang araw na “bragging rights” – lahat para sa makamit ang isang pinakatatanging “numero’’. Lahat ay naghahabol ng “numero” upang sa dagat ng istatikang bumubuo sa lipunan, ay hindi maging isang “numero” lamang. 90-100: Outstanding Sa pagsundo ko sa kapatid kong kinder kanina ay nahawakan ko na naman ang kamay niyang puno ng stamp ng star at mga happy face. “Ako na naman ang most partica— particispate, kuya!” sambit niya nang pasakay na kami n g j e e p ,
hirap na hirap pang bigkasin ang ‘participative’. Automatic naman akong napasambit ng, “Very Good!” sa pinaka-masayang tono ng boses ko. Sa isip-isip ko, ipagluluto na naman ito ng nanay ko ng favorite niyang ulam dahil nag-uwi na naman siya ng mga “bituing” pasok sa “high standards” ng pamilya. Sa sobrang kinang ng mga “bituin” na nakukuha lagi ng kapatid ko (at ako rin noong bata pa ako), tila ba ang kislap nito ang naging batayan na rin ng halaga ng pagkatao para sa aking mga magulang. Lahat na lang kailangang may katumbas na “grado”. At hindi ‘yong basta-basta ha – kailangan ‘yung pasok sa mataas nilang pamantayan, na sa sobrang taas e tumatagos na sa kalawakan. Sa madaling salita, medyo imposible na, na pati ultimo dulo ng kuko mo e tila ba nabigyan na rin na nila ng katumbas na grado. Tulad kahapon, naikwento na naman ni Inay noong isinilang ako sa pribadong ospital. Kulang sa buwan, diretso sa incubator. Ang sabi raw ng doktor eh walumpu’t limang porsyento lang ang tyansa kong mabuhay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak nang sinabi ng tatay ko na dismayadong-dismayado raw sila ng nanay ko dahil sa 85% na tyansang iyon. Tila ba sinasabi nila na, 85% lang din ang pagiging lehitimo ng pagiging buhay ko sa mundo. Kaya naman sa takbo ng dalawang dekada ng buhay ko, tila ba sinikap ko talagang punan ang kulang na 15% sa aking pagiging kumpleto ng aking katauhan. Kalahati ng buhay ko ay ginugol ko sa paghangad ng marami pang ribbon na may ginto ang isabit sa leeg ko tuwing katapusan ng klase. At bilang i s a n g honor student nga, malimit ko nang marinig si Inay at Itay na banggitin ang “swerte” nila sa akin tuwing magkwentuhan sila ng mga kamag-anak n a m i n , kapitbahay, o bisita. O kaya naman ‘yung tipong ang itatanong ng mga kamaganak kapag n a p a p a b i s i ta dito e “Nasaan na ‘yung straight-A mong anak?” kapag hinahanap ako. O kaya “O andito pala si 1st Honor”. Tito, Juan po ang pangalan ko. Masaya naman ako, pero hindi sobra. Tama
DIBUHO NI GAYLE CALIANGA REYNA
lang. Pero masaya. Iyan na kasi ang kinalakhan ko: isang pamilya…baka nga lipunan na, na binubuhay ng pag-uuri’t pag-grado. 80-85: Needs Improvement ‘Ni hindi ko naman inakala na kahit pala pakikipagkapwa-tao ay naka-batay na rin sa grades. Simula elementarya hanggang pagtuntong ng hayskul, hindi pumapalya ang pagiging top 1 ko sa klase, na kinainisan ng best friend kong sumasabit lang sa top 10. Kaya ayun, naging-friendship over ang siste. Hindi ko naman kasalanang dinikta ng tadhana (grading system) na maging mas matalino sa kanya. Hindi ko naman din kasalanan na nagkakaroon talaga ng di pagkakapantay-pantay sa amin patungkol sa kakayahan at katalinuhan ayon sa mga grado. Ang problema lang, nagiging marumi na rin ang mga kompetisyon sa paaralan at trabaho dahil sa paghahangad na makakuha ng straight 100. May ibang hindi na kinakaya ng simpleng pagsusunog ng kilay ang pag-memaintain ng mataas na grado, kaya nagagawang manloko ng iba para dito. Pati ‘yung tinatawag na cheating, o yung bagay na never daw ginawa ng mga mag-aaral sa tanang buhay nila (alam mo ba na pwedeng magtago ng kodigo sa dila?). Lahat para makakuha ng “rewards.” Sa ganito, mas nabibigyang importansya ang rewards kaysa sa kakayahang nalilinang ng mga tao. Nababawasan ang kahalagahan ng pagtatrabahong dapat ay simbolo ng kanilang determinasyong magkaroon ng ganap na kasiyahan dahil ito mismo’y siya ring rason at kaparaanan upang sila’y mai-uri. Pero sa marami, ano naman eh may bonus at extra credit ka na? Pagtungtong mo naman ng pagbibinata o pagdadalaga, nariyan ang mga sumisibol na damdaming natural na nararanasan. ‘Di ko pinalampas ‘yan, humanap talaga ako ng dream girl ko. Yung maputi, matangos ang ilong, makinis, mahinhin, matalino, mabait, masarap kasama, mahilig sa milk tea, sexy— basta ganoon. Inayawan ko yung isa kasi maraming pimples. Bagsak sa standards ko. Ay ayun! Standards na naman. Wala eh, baka sabihin naman nila wala akong taste. Hindi maiiwasang minsan talaga ay kailangang i-grado ang tao. Una, para ma-obserbahan ang pagkatuto o pag-unlad nito sa isang larangan. Pangalawa, para mabigyang kompiyansa ang tao na gawin pa ang makakaya niya at panatilihin ang ganito kinalaunan. At pangatlo, para magkaroon ng basehan ang ilang interaksyon ng tao sa iba’t-ibang aspeto ng buhay niya gaya ng pagtatrabaho. Ito’y isang bagay na higit pa sa normal. Kasi nagiging representasyon na ito ng pagkatao mo. Kalahati ng buhay mo ay isa kang report card, ang kalahati naman ay merit para sa promotion. Hindi nito nabibigyang katarungan ang aktwal na kakayahan ng tao sa ibang kaugnay na aspeto sa kadahilanang nahahatak ng grado ang mga tao sa paghihinalang ganoon rin ang kakayahan ng tao rito. Tipong 81 ka sa Trigonometry kaya hindi ka bibigyan ng trabahong may kinalaman sa pera kasi nga naman Math ang Trigo. Respekt! 75-80: Poor Magna Cum Laude na ako – magna-nine years na ring ibinabase ang pagkatao sa grades.
Sa pagtungtong ng tao sa edad na kailangan na nitong magtrabaho, sinusundan pa rin siya ng pag-uuri. Mula sa posisyong hahawakan hanggang sa sweldong makukuha – mapapromotion, “employee of the month”, o performance-based bonus pa ‘yan. Hindi ka nito iiwan hanggang sa mapasaiyo ang dinidikta nitong nararapat mong makamtan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit kinakailangan ng grado kahit na nakikita ko ito araw-araw. Siguro dahil na rin sa pamamalagi sa mga sistemang nagnanais makontrol ang mga tao. Kung titingnan kasi, isang epektibong paraan ito para mailagay ang tao sa nararapat niyang kalagyanan. Kung sobresaliente ka ba tulad ni Rizal, o needs improvement ka tulad ng gobyerno ng Pilipinas. Doon ka lang kung saan dinikta ng grado mo ang kakayahan mo. Hayaan mo na sa iba ‘yung tungkuling sakto sa grado nila sa English, Math o Science. Ganyan din naman ‘yung pinagbasehan mo ng kurso mo ‘di ba? ‘Yan ‘yung pinili mo kasi akala mo walang Math. Ngunit hanggang paghahanap ng trabaho ay susundan ka ng grades. May mga kakilala akong hanep ang naging takbo ng job interview pero rejected nang makita na may na-singko na subject sa true copy of grades. Nakakalungkot ring isiping hindi mabibigyan ng kaparehong oportunidad ni Rank 1 si Rank 30 dahil mababa ang grades niya noong mga panahong nagtatrabaho siya pagkatapos ng klase dahil nagkasakit ang nanay niya. Tila alipin tayong lahat ng meritocracy – alipin ng pagpapabuyang base sa nakalatag na markang makukuha mo sa mga pagsusulit o ebalwasyon. Magiging isang pulupot ng requirements, tasks, business proposals, mga pasyente, o anumang kailanganin ng iyong trabaho ang papalamuti sa iyong naghihingalong leeg. At kailangan mong laruin ang larong ito dahil nakasalalay rito ang iyong tagumpay, at kung hindi mo gagalingan, paniguradong maghihirap ka. Who controls the grades controls the game. Kanina, nang natanggap ko ang aking unang paycheck, hindi ko maiwasang hindi malungkot (kaunti lang, dahil pera pa rin iyon) – nakakahabag na ang simpleng mga papel ang nagbibigay ng direksyon sa ating buhay. Na ang tinta ng kung anumang printer o ballpen ang makakapagsabi kung saan ka maaring mamalagi sa lipunan. At ito’y isang sistemang malabo nang mabura sa hinaharap at kinakailangan na lamang na matutunang makipagkaibigan rito. Masakit isiping mga letra at simbolo, sa dami ng digits sa banko, at sa taas ng markang natamo na lang ngayon ang nagdidikta sa kwenta ng tao sa lipunan. Ang pag-uuri sa kakayahan, kapasidad, at katalinuhan ng tao ay siyang tinuturing na nagbibigay direksyon sa buhay ng tao. Ito ang nagtatantya sa halaga, at kapakinabangan ng tao na siya ring dahilan ng pagkakaroon ng kapurihan ng bawat isa. Hindi man tahasang negatibo ang implikasyon ng pag-uuri sa tao, ang pagkakaroon nito ng kakayahang humatol sa magiging takbo ng buhay ng marami ay malaking dagok para sa lipunang hindi lamang mga intelektwal ang namamalagi. Isa itong kadenang pumipigil sa pagsibol ng maka-masang sistemang makakapaghimok ng malayang pagkatuto’t pagtatrabaho ng mga mamamayan.