The Manila Collegian Volume 28 Number 9

Page 5

CULTURE 05

Volume 28 Number 9 Tuesday | January 20, 2015

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

Pope Opera Papel ng Papa sa Pag-ahon ng Mundo JOSE LORENZO QUEROL LANUZA DIBUHO NI JAMELA LIMBAUAN BERNAS

Ok cut! Cut! “Hindi maganda. Lagyan natin ng konting pagbabago,” sabi ng Papa. Sa direksyon ng bagong Santo Papa, ang simbahan ay muling nagkaron ng say at pakialam sa mga isyung panglipunan. Bagama’t ang Papa ang “direktor” ng simbahan at ng mundo, ‘di ito nakuntento sa panonood at pag-uutos lamang. At sa halip, mas naging hands-on ang Papa. Kaya nama’y sa kanyang pagbisita dito sa Pilipinas, nagbigay siya ng bagong siklab ng pag-asa sa mga Pilipino at pati na rin sa buong mundo.

The Pope and I Swabeng-swabe talaga ang timing ng pagbisita ng Papa—nasa tamang oras, sa tamang lugar. Laganap ang katiwalian sa Pilipinas at nakalubog naman sa matinding paghihirap ang mga Pilipino. Ito na ang pinakatamang oras para magkaroon ng isang tagapagligtas. Iba’t-ibang klase ng tao ang sabik na makita o marinig at makasama ang Papa sa pagbisita nito sa Pilipinas. Nariyan ‘yung mga goody pakyutsie—‘yung mga down to earth sa pagiging banal at mabuti. Meron din namang mga feel na feel ang pagiging impokrito. Kung tutuusin, marami ang lenteng maaaring gamitin upang suriin ang pagiging messianic ng pagbisita ng Papa. Sa perspektibong pangrelihiyon, ang pagdating ng Papa ay isang napakalaking “blessing.”Dahil nga predominanteng Katolikong bansa ang Pilipinas, ikinagalak ng marami ang pagbisita ng Papa dahil siya ang “spiritual head” ng simbahang Katolika. Naniniwala sila na may kakayahan ang Papa na linisin ang mga kasalanan ng mundo at itama ang mali ng ilang indibidwal o grupo, maging ng pamahalaan. Biruin mo, mismong pinuno na ng simbahan ang bumisita sa mga Pilipino. Kaya nama’y bilang respeto at pasasalamat, nagsagawa ng thanksgiving mass ang mga Pilipino at nagbigay ng mga regalo sa Papa. Ang pagbisita ng Papa ay maaaring isang pagkakataon ng simbahan upang mapanumbalik ang loob ng mga Pilipino sa simbahang Katolika. Dahil sa sunodsunod na mga isyung kinaharap ng simbahan, maaaring ginamit ng simbahan ang pagbisita ng Papa upang maipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi dogmatiko, awtoritaryan, at egotistical, ngunit mapagmahal, mahabagin, at mabuti. Sa huli, bukod sa pagiging messiah na nagligtas sa mga tao, ang Papa ay naging messiah rin na nagdala ng salvation sa simbahang Katolika dito sa Pilipinas. Sa politikal na aspeto naman, nakita natin ang puspusang paghahanda ng mga opisyal at ng gobyerno sa pagbisita ng Papa. Maraming opisyal ang nagbabalik-loob nanaman upang mabawas-bawasan ang kanilang mga kasalanan sa taumbayan. Marami rin ang nagpabango nang husto upang hindi maamoy ang langsa ng kanilang pagkatao. Ang gobyerno naman, inayos ang mga kalsadang dadaanan ng Papa at tinakpan ang mga posibleng “eyesore”—‘yung lugar ng mga mahihirap. Gusto kasi nilang ibida sa Papa ang huwad na kagandahan ng lipunan, at itago ang naaagnas nitong mukha. Para sa marami, ang ginawang ‘to ng gobyerno ay sinisira ang tunay na layunin ng pagbisita ng Papa. Ang Papa ay bumisita sa Pilipinas hindi upang magbakasyon ngunit upang tulungan ang mga naghihirap at nangangailangan. Nararapat lamang na makita at matulungan ng

Papa ‘yung mga tinamaan ng sakuna, nilimot ng lipunan, at binaon ng sistema. Higit sa lahat ng perspektibong maaaring kilingan, nariyan ‘yung mula sa “ibaba.” Sa perspektibong ito, ang Papa ay itinuturing ding isang messiah na dumating sa Pilipinas upang i-ahon ang mga naghihirap na Pilipino mula sa kanilang kinalulugmukan. Ang Papa ang dumidinig sa mga hinaing ng mga Pilipino. Tulad na lamang ng mga taga-Tacloban at mga pamilya ng mga political prisoners na umasang matutulungan sila ng Papa na wakasan ang mga paghihirap at kawalangkatarungang kanilang nararanasan. Samakatuwid, dala-dala ng Papa ang mga hiling ng napakaraming Pilipinong hindi binabatid ng gobyerno. Kung susumahin, ang lahat ng perspektibong ito na kinikilala ang Papa bilang isang messiah ay marahil nagugat sa kawalan ng kapangyarihan ng karamihan ng mga Pilipino. Dahil sa tindi ng paghihirap at pang-aapi na nararanasan ng marami, nakita nila ang kanilang mga sarili na walang laban sa umiiral na mapaniil na sistema. Kaya nama’y kapag bumisita ang Papa, makikita ng ilan na ang Papa, dahil meron itong mas malaking awtoridad at kapangyarihan, ay kaya silang ipagtanggol mula sa mga naniniil at bunutin ang ugat ng kanilang paghihirap.

When Pope Meets World Hindi siya pang cover ng teen magazines. Hindi rin siya ‘yung pang Bench Body na macho, cutie, gwapito, at may abs. Pero noong 2013 eh itinuring siya bilang Person of the Year ng TIME magazine. Ang kanyang liderato at mga naitatag na pagbabago ang pumukaw ng atensyon ng mga Pilipino at ng buong mundo. Sa panahon ni Pope Benedict XVI, nabaon ang simbahan sa napakaraming isyu ng korapsyon, diskriminasyon, at pangmomolestiya ng mga pari. Tipong isang maling galaw na lang ng simbahan, magpapaconvert na lahat ng Katoliko. Marami ang nawalan ng tiwala sa simbahang Katolika. Kaya nama’y nang maupo si Pope Francis, naging mataas ang ekspektasyon ng buong mundo sa kanya. At nagawa naman niyang ibalik ang tiwala ng marami. Masasabing isang restoration period ang panunungkulan ni Pope Francis. Maganda at wasto kasi ang mga isinagawa nitong desisyon. Pinatunayang mali ng Papa ang paniniwala ng karamihan na ang simbahan ay isang nakakasukang institusyon. Ipinakita ng Papa na ang tunay na ibig-sabihin ng pagiging Kristyano ay ang damayan, pagsilbihan, at ipaglaban ang mga mahihirap. Kaya nama’y para sa buong mundo, ang Papa ay isang “champion of the poor.” Lumaki ang Papa sa isang third-world country. Ang kanyang kamusmusan ay hindi spoiled katulad ng kay Bimby. Na-obserbahan ng Papa kung paano pinapalawak ng kapitalismo ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao pagdating sa yaman at mga karapatan, at kung paano “pinapatay” at ine-alienate ng IPAGPATULOY SA PAHINA 09


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Manila Collegian Volume 28 Number 9 by The Manila Collegian - Issuu