Panitican’t
GABRIELLE MARIE MELAD SIMEON GUHIT NI PRINCESS PAULINE CERVANTES HABLA
Updated na Kabanata ng Kontemporaryong Literaturang Filipino
Bawat sulok ng bookstore na puntahan mo, para bang hindi na nakawala sa "invasion". Nag-uumapaw ang malaanime na cover ng libro, at naglipana naman ang mga nakakaintrigang pamagat: She’s Dating The Gangster, Operation: Break The Casanova’s Heart, His Hired Babymaker, at marami pang iba. Teen Fiction raw ang genre ng mga ito. Wow. Big word. Bago, matunog, at empowering sa modernong sensibilidad. Pero bago ka tumungo sa susunod na kabanata, mabuting huminto ka muna at isarado ‘yan. Sa panahon na kung anoanong aklat na lang ang nagsusulputan sa merkado, mahalagang maging mapanuri at kritikal. Hindi lamang creativity o effort ng awtor sa pagsusulat ang dapat maging pamantayan—kailangan din ng matinding pagninilay-nilay sa kung paano tayo minumulat sa isang bagong realidad. Next chapter.
Kabanata 1 : Instawritter Bukod sa tweets, mga mala-nobela mong posts sa Facebook, o fashion blog mong wala namang nagbabasa’t sumusubaybay, milyon-milyon na ang sukat ng espasyo na naibibigay ng Internet para sa naghihimutok na ideya, lalo na ng mga manunulat. Kung dati, kailangan mo pang maghanap at magmakaawa sa mga publishing house para mai-print ang iyong manuscript, ngayon ay isang effortless click na lang— voila! Isa ka nang ganap na awtor. Sa kasalukuyan, Wattpad ang nangungunang reading/writing platform sa Pilipinas kung ikaw ay isang creative writer. Madaling gamitin, accessible, at flexible sa kahit anong lenggwahe. Romance at science fiction ang madalas na patok na genre, lalo na’t ang pangunahing audience ay mga kabataan. Right in the feels kumbaga, para sa mga kapwa halaman o hopeless romantic. Masayang basahin. Relatable. Ngunit ang pagsusulat ay hindi lamang umiinog sa nakakaaliw o 'relatable' na aspekto ng isang paksa. Noon pa man, maliban sa kapupulutan ng aral, makapangyarihan na itong instrumento ng pagbabago — nakapagpupukaw ng damdamin, nakapagpapaikot ng prinsipyo’t paniniwala ng tao. Kaya nitong mapalitan ang kinagawian, magpatumba sa buwayang nakaupo, at gumising ng tulog at nagbubulag-bulagan. Marami na tayong mga karanasan kung saan ang panitikan mismo ang humulma sa ating lipunan. Subalit wika nga ni Uncle Ben (pero si Voltaire naman talaga ang nagsabi), “With great power comes great responsibility.” Kaakibat ng pagkakaroon ng malawak na impluwensya at readership ang responsibilidad na imulat ang iba sa
mga isyung hinaharap ng bansa. Dahil ang resulta ng panghahamig na ito ang makapagbabago ng isip ng masa, magsisimula ng sama-samang pagkilos at, kalaunan, magdidikta sa takbo ng hinaharap. Nagkakaiba ang panlasa ng mga tao pagdating sa libro. Pero sa panahong ang indibidwalismo ay tuluyan nang nakapasok sa kolektibong kamalayan ng mga tao, nagbabago na ang tingin ng mga kabataan sa love life, identity at pamilya. Wala mang piring, nabubulag naman tayo sa personal na problema at hindi na nakikita ang mas malalaking isyung pumupuksa sa ating bansa. Kailangan, hindi lamang ang pagiging kritikal sa bawat nilalaman ng aklat ang kailangan, pati na rin ang pagbabasa ng mga materyal na tunay na makapagpapamulat ng kabataan tungkol sa lipunang ginagalawan.
malabong sawa na tayo sa pag-intindi sa kawalan ng pagbabago. Dahil na rin dito, mabilis na kumukupas ang mukha nila mareng Lualhati Bautista at pareng Jose Rizal, na nagsimbulat ng katotohanan noon tungkol sa baho at sira-sirang pundasyon ng lipunan gamit ang kanilang panulat. Tuwing tinatalikuran natin ang katotohanan, ang realidad, nakakalimutan ang kontribusyon nila, hindi lamang sa pagtataguyod ng panitikang Filipino, kundi ang paghimok nila ng isipan at kamalayan ng bayan. Bilang kabataan, dapat alam natin kung kailan tayo aalis sa fantasy land upang tumapak muli sa realidad. Nararapat na hindi tayo sumuko, kundi makinig sa hinaing ng taong bayan, at humarap nang taas-noo sa binabatong hamon: itama ang pagkakamali at simulan ang pagbabago.
Kabanata 3: Literatura For Kabanata 2: The Truth Shall Sale Set You Free Aminin—mahilig tayo sa kwento. Lumaki tayo sa kulturang lahat na yatang klase ay pinapatos natin. Mula sa madramang pagbabalat ng patatas ni Prinsesa Sarah, hanggang sa satirikong pagpapatawa ni Bob Ong. Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan sa likod ng pagkahumaling natin sa kwento? Ayon sa Uses and Gratification Theory, bilang consumers ng media, may kanya kanyang pangangailangan ang mga tao na natutugunan sa iba’t ibang paraan ng paggamit nito. Sinasabing tayo ay hindi pasibong audience lamang at may kapangyarihan din. Selective tayo sa pagpili ng medium o content na ating tatangkilikin. Nakasalalay rin sa atin kung makikisawsaw tayo sa kwento, kanta, o palabas na hindi kailangang mag-text sa 2366. Kapag nagbabasa tayo ng mga Young Adult novels, o anumang fictional na libro, pinipili nating i-fulfill ang pangangailangan na maglibang at mag-detoxify mula sa hassle ng buhay. Escapist ang nature natin, kung tutuusin. Bawat kumpas ng salita, tumatapak tayo sa mundong ginawa ng manunulat, sinusuot ang sapatos ng mga karakter. Krisis nila’y problema rin natin. Nakakaaliw, oo. Emosyonal. Higit sa lahat, may happy ending. Sa huli, unti-unting nalilimutan ang mataas na presyo ng bilihin, ang paper na due tomorrow, o ang matinding kawalan ng hustisya sa lipunan. Eh sa paulit-ulit ba namang balita tungkol sa fare hike sa LRT, patuloy na diskriminasyon at kahirapan, hindi
Magwiwindow-shopping ka na nga lang sa Greenbelt, aninag mo pa rin ang karatulang Teen Pop Fiction ang nakasulat. Saan ka man magpunta, nakahilerang m g a
istante na puno ng teen fiction ang nakikita mo. Tunay ngang “invasion” sa pamilihan ang nangyayari. Mas pinipili kasing pondohan ng mga publishing houses ang paglilimbag ng mga kwentong nasa ilalim ng Filipino teen fiction tulad ng STDG at TBAYD sa isang simpleng dahilan—tumbok nito ang kiliti ng masang Pilipino. Hindi na sinusuri pa ang content, invest lang nang invest, produce lang nang produce. Dahil sa pagiging profit-oriented nila, isinasaalangalang lamang nila kung ano ang madaling magustuhan ng mga mamimili. Isa lamang ito sa maraming manipestasyon ng patuloy na pagpapatakbo ng kapitalista sa ating industriya. Kinokomersyalisa na lahat, mula sa edukasyon hanggang sa panitikan. Sinasamantala ang madaling paigtingin na damdamin at kahiligan ng mga Pilipino sa kwento, sa bayolenteng emosyon, kaaliwan at katatakutan, upang kaagad mabili ang produkto nila. Kailangang malaman ng lahat na ang mga namamayaning ideya na ipinapakalat ng mga kapitalista ay naka-ugat sa kanilang pagnanais na panatilihin ang kaugalian at kasalukuyang estado ng lipunan. Ibig nilang buhayin ang mga akdang maglilihis sa ating atensyon mula sa mga tunay na suliranin na tinatahak at nilalabanan pa rin ng bayan, at patayin ang tunay na panitikan na nagsasalamin ng tunay na kalagayan ng masang Pilipino sa panahon ng matinding krisis at paghihirap. Sa huli, ang mga bulsa natin ang gumagaan Continued on Page 09