12 CULTURE
Volume 27 Numbers 12-13 04 February 2014 | Tuesday
Walang Sikretong Hindi Nabubunyag Ang saysay ng mga secret files sa kultura ng kontemporaryong lipunan JOSE LORENZO QUEROL LANUZA
“Basang-basa tayo sa ulan at sabi mo magpatuyo muna tayo sa inyo. Dumiretso ako sa CR at hinubad ang basang t-shirt at mini-shorts. Bigla ka na lang pumasok, pumwesto sa likod ko at dahan-dahang hinimas ang aking dibdib…pababa. Naginit na ang katawan ko nun, hindi na ako pumalag kasi kating-kati na din ako. Humarap ako sa’yo, bumaba, tinanggap nang buo ang pagkatao mo—true love nga naman. At pagtapos kong gawin ‘yun, ang sabi mo, ‘Pare, ikaw naman paliligayahin ko.’ Hindi pa ako patay pero dinala mo na ako sa langit.” -Dicktator 201X Bitin. Kung hindi man nabitin, baka kinilig ka naman. Ang nabasa mo ay iisa lamang sa napakaraming ”university files” na nagkalat sa mga social networking sites. Nilalaman nito ang mga bulung-bulungan at mga pangyayaring gustong ipagmalaki ng mga manunulat nito sa karamihan. Sa panahon ng Internet at mass media, at sa pagsulpot ng mga secret files, nabigyang-saysay at papel sa lipunan ang mga sikretong ikinikimkim ng bawat indibidwal. Lord, Patawad! “Inaamin ko na sa bawat exam ko, ang inspirasyon ko ay ‘yung katabi ko. Hindi dahil sa maganda ‘yung mukha niya, pero dahil mukhang maganda ‘yung mga sagot niya.” -CheatersNeverFail 201X Sa historikal na pananaw, tinuruan tayo ng mga Kastila na ikumpisal ang ating mga kasalanan at mga nagawang bagay na sa tingin natin ay nakasakit ng iba o bumabagabag sa atin. Tumatak ang pagkukumpisal sa ating kultura, at malinaw na makikita ang manipestasyon nito sa kontemporaryong lipunan. Ang mga secret files ay maaaring ituring na isang moda ng pagkukumpisal. Dito, maaari mong aminin na pinagti-tripan mo tuwing gabi ang dorm mate mong walang kamalay-malay; na ikaw ‘yung tumae nang pagkalaki-laki at hindi nakapag-flush. Ayon kay Carl Jung, isang tanyag na psychiatrist, likas sa tao na ikumpisal ang nagawang kasalanan sa ibang tao. Maliban kasi sa layuning magkamit ng kapatawaran, nilalayon din nung nagkumpisal na muling silang magkasundo nung taong nagawan niya ng kasalanan. Ayon din kay Jung, ang katambal ng kumpisal ay kapatawaran, na siyang magiging papel na gagampanan ng mambabasa. Ang mambabasa ang magsisilbing instrumentong didinig sa kumpisal nung manunulat. I-like mo lang ang file, o kaya’y mag-comment ng, “Ganyan rin ako,” maaaring maibsan ang pagkabahala ng konsensya nung manunulat. Mahihinuha natin na sa ating lipunan, maraming taong naghahanap ng mga nagkamali rin katulad nila, upang masabi na normal sila at hindi social deviants. Ang bawat indibidwal na
may access sa secret files kasi ay may sariling pananaw ng kung ano ang tama at mali. Kaya naman ang isang sin file ay maaaring makita sa kung ano ang pananaw ng nakababasa nito. Samakatuwid, sa pamamagitan ng mga secret files, maaaninag natin ang moral na karakter nung nagsulat at maging nung nagbigay ng reaksyon.
Pantasya ng bayan
Sikretong pagtingin
-MakeSomeNoise 20XX
“Nung una kitang makilala, binigyan mo ako ng pag-asa. ‘Di nagtagal, ikaw din pala ang magtatanggal ng ‘g’ sa ‘pag-asa’. Paasa ka. Pinaasa mo lang ako sa wala.”
Marahil, nagkaroon ka na ng sekswal na karanasan sa publikong o pribadong lugar. O kaya nama’y isa ka sa mga taong minamarkahan ang bawat pader ng campus at pagtapos ay isu-sumite ang sexcapade sa secret files ng naturang unibersidad. O ikaw ‘yung simpleng nakaupo sa harap ng laptop, nagbabasa ng secret files; at maya-maya’y pupunta sa kubeta—at alam na natin kung ano ang susunod.
-Pochi 2012 Mapapansin ang tatlong trends sa nilalaman ng mga secret files na patungkol sa pag-ibig: maaaring ito ay pagtatapat ng pagtingin, galit sa taong minamahal o dating minahal, o simpleng pagbabahagi ng hugot. Ipinapakita lamang ng tatlong sitwasyon na ito na tila maraming kabataang Pilipino ay itinuturing ang pakikipag-relasyon bilang isang pangangailangan sa buhay, kaya naman gumagamit sila ng secret files para magbaka-sakaling maiba ang takbo ng kanilang buhay-pag-ibig. “Para dun sa babaeng nakapulang t-shirt; na nakaupo dun sa RH lobby kaninang umaga; na kumakanta pero pangit ‘yung boses pero binawi naman sa mukha: Crush kita!” Kung nakapagpasa ka na ng file katulad nito, masasabing isa kang risk-taker. Ang kagandahan kasi sa secret files ay meron kang power of anonymity. Ibig sabihin, dahil wala rin namang makakakilala sa’yo, walang mawawala sa’yo kung magtatapat ka, at mas malaki pa ang tiyansa na magkakaroon ng “sparks” kung magrereply ‘yung crush mo. Pero siyempre, hindi lahat ng gusto mo, natutupad. Hindi natin inaamin pero may ilan sa atin ang umaasang makaranas ng pag-ibig lalo na’t talamak ang ganitong kuwento sa secret files. Umaasa tayo na may papansin sa ating presensiya, o kaya naman ay umaasa tayong may handang magtapat sa atin. Tila bumabalik tayo sa realidad na marami sa atin ang naghahanap ng atensyon mula sa iba. Gusto rin nating may magtapat sa atin, dahil sa lipunang Pilipino, ang kadalasang depenisyon ng “sweet” at “tunay na pag-ibig” ay isang pagibig na isinisigaw at ipinapaalam sa buong mundo. Natural lang naman na mag-asam at matuwa sa mga papuri. Nakadaragdag kasi ito sa self-esteem at marahil, pati na rin sa pagasang makahanap ng tunay na pagmamahal. Sigurado namang ikatutuwa at ipagmamalaki mo kung marami ang nagkakagusto sa iyong itsura o sa ugali. Minsan, dahil sobrang toxic na ng buhay-kolehiyo, ang kailangan lang natin ay inspirasyon. Kahit pangit pa ‘yung subject o prof, basta’t makatabi ang crush, eh ok na. Ang mga posts sa secret files ay maaaring pagkunan ng inspirasyon, lakas, at motibasyon ng karamihan para mabawasan ang pagiging toxic ng buhay-kolehiyo.
“Inaantok ako habang nakikipag-sex sa’yo. Sana naman sa susunod na gawin natin ‘yun, lagyan mo naman ng buhay. Umungol ka naman o sumigaw ng, ‘More!’ T*ngina, sa tuwing ginagawa kasi natin, parang nasa silent film ako.”
Sa sikolohiya, merong konseptong tinatawag na exhibitionism. Ito ang pagkakaroon ng sekswal na kasiyahan sa paglalantad ng maselang bahagi sa ibang tao. Kung susuriin, masasabing isang uri ng exhibitionism ang pagkakaroon ng kasiyahan pagkatapos magbahagi ng sekswal na karanasan sa secret files. Tila nagiging mas liberal na ang lipunang ginagalawan ng mga Pilipino ngayon — subalit nananatiling nakatali ang pagiging liberal sa pakikipagtalik. Sa kabilang banda, ang konsepto naman ng voyeurism ay ang pagkakaroon ng sekswal na interes sa lihim na panunuod ng sexual acts ng ibang tao. Kung ilalapat ang konsepto ng voyeurism sa kontemporaryong lipunan, masasabi na ang mga taong nakahahanap ng sekswal na kasiyahan at katuwaan sa pagbabasa ng mga secret files ay maaaring ituring na isang voyeur, o scopophilia, ayon kay Freud. Bilang mga mambabasa, naroon ka habang binabasa mo iyon at ika nga, imagination lang ang limit. Makakabuo ng isang napakagandang relasyon ang exhibitionist at ang voyeur. Ang isa ay nasisiyahan sa pagpapakita, at ang isa nama’y nasisiyahan sa panunuod. Malinaw itong makikita sa kultura ng secret files. Ang mga secret files ay maituturing na isang sangandaan ng mga pantasya at sekswal na pagnanais ng mga tao. Masarap talaga ang kadalasang pinagbabawal sa lipunan.
All the feels “San ba ako nagkulang? Sa tulog, oo, pero wala na nga ‘kong tulog sa kaka-aral tapos ang baba pa ng makukuha ko? Pakiramdam ko tuloy hindi ako nababagay dito.” -PieceOfShit 20XX Sa pamamagitan ng pagbabahagi o pagkukuwento ng problema sa ibang tao, maiibsan ang iyong depresyon at pagkabalisa. Masasabi na ang mga nagbabahagi ng kanilang problema sa mga secret files ay umaasang makakuha ng kahit anong tulong o pag-intindi mula sa mga
mambabasa. Ang iba namang ibinabahagi na meron silang suicidal tendencies ay gustong maramdaman na meron pang mga taong may pakialam at nag-aalala sa kanila. Maaaring i-apply ang contagion theory ng sosyolohiya sa kultura ng secret files. Ayon kay Gustave Le Bon, isang sosyolohista, ang isang grupo ng mga tao ay may mala-hipnotismong kakayahan na pakilusin at maimpluwensiyahan ang mga miyembro nito na gumawa ng aksyon—rasyonal man o irasyonal. Ang mga secret files ang siyang may hawak sa emosyon ng mga nagsusulat at nagbabasa, kasama na rito ang pag-iisip na magkaroon ng pagninilay sa kanilang mga buhay. Ang mga secret files na ito ay may kakayahan na pagbuklurin ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga kuwento at emosyong parehas nilang naranasan. Bilang mambabasa, naghahanap ka rin ng karamay sa iyong mga problema. Naghahanap ng karamay nung may report ka kinabukasan at unable to reach ang mga kagrupo; nung katatapos mo lang tumae at saka mo lang nalaman na wala palang tissue ‘yung cubicle; nung enrollment na pero ‘di pa nagpapasa ng grade yung prof mo. Sa pagbabasa ng mga secret files, mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa sa iyong mga problema. Ang mga ganitong uri ng posts sa secret files ang sumasalamin sa mga madidilim na bahagi ng buhay-kolehiyo. Ang mga kwentong nakalahad dito ay ipinapakita lamang na hindi puro kaligayahan at kalokohan ang buhay-kolehiyo. Kung susuriin, ang pagpo-post natin sa secret files ay maituturing na isang modernong uri ng psychotherapy. Ang pagpo-post ay naging isang alternatibo solusyon para sa mga estudyanteng nais mabawasan ang kanilang pagkalumbay at magkaroon ng kaluwagan sa buhay. Ang mga puwersa at presyur sa kinagagalawan mong lipunan ang nag-udyok sa iyo na lumikha ng isang makabagong mekanismo na siyang tutulong sa atin upang mabawasan ang presyur. Ang makabagong mekanismong ito ay kinakatawan ng mga secret files. Ang mga secret files ang nagbigay sa iyo ng daan upang mailabas ang mga iyong itinatagong kasalanan, hinanakit, pagtingin, at kabiguan. Ang bawat secret file ay kumakatawan sa isang indibidwal, at ang kabuoang koneksyon ng mga secret files ay matatawag na isang bagong lipunang nakapaloob sa Internet. Dito, nakapaloob ang iba’t-ibang kultura, pananaw, at moralidad. Ngunit, naiiba ang lipunang ito sa lipunang nakikita ng ating mga mata. Isang malayang lipunan sa loob ng isang lipunang puno ng posas — ito ang mundong nabuo sa paglabas ng mga secret files. Ang lipunang ito, bagama’t malaya, ay puno ng mga totoong kuwento at damdamin. At dito pumapaloob ang isa pang potensyal na tangan ng mga secret files— ang kakayahan nito na maging lunsaran ng Ipagpatuloy sa Pahina 13