“PU*ANG-INA!” Kanina pa mura ng mura yung crush mo, parang g*go. ‘Yung pinaka-ayaw mo pa naman eh ‘yung marinig mong nagmumura crush mo, nakaka-turn-off para sa’yo. Sayang, magtatapat ka pa naman sa kanya. Pu*yeta naman. Siguro’y dapat sa UPM Files ka na lang magtapat, baka kasi ‘pag sa personal eh sagutin ka lang ng “Ta*g-ina mo.” Marahil, isa ka sa mga taong ayaw magbitaw, makabasa, o makarinig ng mga mura. Paniwala mo kasi, mas mabait at malinis kang tingnan kung hindi ka nagmumura. Paniwala mo rin na ang mga mahilig magmura ay mas mababang uri kaysa sa’yo. Pero teka, hindi naman yata tama ‘yang mga paniniwala mo. Hayaan mong bigyan kita ng kaliwanagan.
Manifesto ng Pagmumura Naka-subscribe ka yata sa UNLIPU*YETA20 ngayong araw. May mga pagkakataon kung kailan napupuno ka ng emosyon, ngunit hindi mo alam kung paano mo ito lubusang mailalabas sa pamamagitan lamang ng pagsasalita. Maaari kang gumamit ng mura upang mas mahusay mong maipahayag ang kasalukuyang nararamdaman; o mas mabigyan ng diin ang gustong ipahayag sa isang sitwasyon. Kapag sinabi mong “Natatae na ako!” maaaring ituring lang iyon na biro ng ibang tao, at minsan hahayaan ka panilang magdusa. Pero ‘pag sinabi mong “Paksh*t! Natatae na ‘ko!” ewan na lang kung hindi pa maramdaman ang pagdurusa mo. Ayon nga sa ilang lenggwista, mas madali kang makakakuha ng atensyon at mas epektibo mong maiparating sa iba ang iyong nararamdaman kung ikaw ay magmumura. Sigurado, meron kang kinaiinisan at kinamumuhian sa buhay ngayon. Sigurado rin kami na tulad ni Popoy sa pelikulang ‘One More Chance,’ nagmura ka na para lang maglabas ng sama ng loob. “Put*ng-ina bakit mas matagal pa pinagsamahan namin ng Math 11 kaysa sa syota ko!” O kaya “G*gong CRS ‘to! Kung hindi man ako makalog-in, down naman ang server!” Ayon sa ilang pag-aaral sa Sikolohiya, ang pagmumura ay isa sa mga pinakamabisang anger management techiniques sapagkat mayroon itong tinatawag na cathartic effect. Ibig sabihin, maiibsan daw ang iyong stress, galit, at pagka-badtrip kung ikaw ay magmumura. Ayon naman kay Timothy Jay, isang propesor sa larang ng Sikolohiya, ang pagmumura ay maaaring ituring na isang pamalit sa pisikal na pananakit. Kaya kapag binato ka ng bato, sigawan mo na lang ng “G*go!” Dagdag pa ni Jay, ang pagmumura ay matatawag na hate speech. Ito ay dahil napaka-epektibo ng mga mura bilang panginsulto o para magpahiya ng isang tao. May mga pag-aaral din na nagsasabing ang mga taong kadalasang nagmumura ay yung may Type A personality—dominante, agresibo, at kompetetibo. Masasabing isa sa mga dahilan kung bakit natin minumura ang isang tao ay upang maipakita na tayo ay mas dominante, mas malakas, at may mas mataas na posisyon kaysa sa kanya. Ang mga tao kasi na tumatanggap ng mura ay kadalasang lumiliit ang pagtingin sa sarili. Sa madaling salita, ang pagmumura ay maaaring ituring na sandata—hindi man ito makakasakit ng pisikal, makasasakit naman ito pagdating sa aspektong emosyonal. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mura pagdating sa pagpapahayag natin ng ating iniisip at saloobin. Maaaring gamitin ang mura upang magbigay ng kulay sa iyong kwento, o sa iyong joke; o upang mailabas ang
kasalukuyang nararamdaman tulad ng galit, inis, o pagkagulat. Samakatuwid, ang mga mura ay magkakaroon ng negatibo o positibong pakahulugan depende sa kontekstong paggagamitan nito.
Walang Gag*han Ng Lahi Oozing with sex – iyan ang perfect feature ng ating mga mura. It comes in all shapes and sizes pa – may medyo mahaba tulad ng “p-----ina” (na may English version na “motherf--er”), at may maikli tulad ng “b--ch” o “w---re”. Kung sawa ka naman na roon sa may halong sexism, bakit hindi subukan ‘yung may touch of racism? Nakadepende naman ito sa kulay ng balat mo: “nigger” kung maitim ka, “cracker” naman kung maputi ka. Hindi ka magsisisi sa paggamit ng mga murang ito, dahil paniguradong magpapanting ang tenga ng taong kausap mo. Pero, may mga uri rin ng murang hindi nagpapapanting sa iyong tenga. Kung nagugulat ang nanay mo, hindi ba’t ang madalas niyang mabanggit ay ang pangalan ng isang maselang parte ng katawan ng babae? Kapag badtrip naman ang prof mo sa klase, ‘di ba’t parang hangin na lang na nagdadaan ang paulitulit niyang litanya sa diyosang “Godd---it!”, o kaya ay “F---!”? Bukod sa paglinang sa mekanismo ng pakikipagtalastasan, sinasalamin din kasi ng pagmumura ang mga problemang kinakaharap ng isang lipunan. Kung ano naman ang paraan ng pagtugon ng tao sa mura, ay maaaring siyang paraan rin kung paano nila tinatanggap ang mga problemang ito sa kanilang buhay. Sa kasalukuyan, ang patuloy na paggamit ng lipunan sa mga murang may kaakibat na isyu tungkol sa sexism at racism ay maaaring gawing palantandaan nng hindi pa rin maburang epekto ng mga uri ng diskriminasyon sa lipunan. Ihalo pa sa formula ang negatibong pagtugon ng balana sa tuwing maririninig ang mga murang ito. Maging ang rate ng pagmumura ng isang tao ay may halo na ring diskriminasyon. Ayon sa ilang eksperto, mas malaki ang porsyento ng mga lalaking nagmumura sa publiko kaysa sa mga babae sapagkat palatandaan daw ng kawalan ng modo ang pagmumura para sa huli. Sa kabilangbanda ay makikita naman ang malawak na paggamit ng mga murang ang tema ay umiikot sa sekswal na kamalayan at relihiyon ng mga tao. Ngunit kakaiba ang mga murang ito sapagkat hindi sila kadalasang binibigyan ng negatibo o masamang pagtugon mula sa mga mamamayan. Ayon kay Thomas James Harran, isang kilalang psychologist, ganito na sa kasalukuyan ang reaksyon sa pagmumurang may halong sekswalidad at relihiyon dahil resulta ito ng iba’t ibang rebolusyong umusbong sa kasaysayan. Ang mga ito raw ay naging daan upang unti-unting mabuksan ang isipan ng lipunan sa mga dati ay taboo na paksa. Kung ganoon, makikita na may angking superpowers pala ang simpleng pagmumura – ‘yun nga lang doble-kara ito, dahil kayangkaya niyang pumapel na hero o villain.
JAMILAH PAOLA DELA CRUZ LAGUARDIA AT JOSE LORENZO QUEROL LANUZA DIBUHO NI ROMELYN TAIP MONZON Sa isang banda kasi, ang pagmumura ay maaaring gamitin upang sumalamin at magpanatili sa patuloy pa ring nakapinid na isipan ng mga mamamayan sa isang pantay at mapagpalayang bayan. Sa kabila naman, may kakayahan din itong ipakita ang pagkabukas ng isipan ng lipunan sa mga dati ay taboo lamang na paksa ng relihiyon at sekswalidad. Ayon kay Timothy Jay, ang isa sa may pinakamalaking impluwensiya sa uri at konteksto ng pagmumurang ginagamit ng isang tao ay ang lipunang kanyang ginagalawan - ang mga pinaiiral na tradisyon, kultura, batas, at prinsipyo. Kung ganoon, may kapangyarihan pala ang lipunan na baguhin kung ano man ang umiiral na konteksto ng pagmumurang ginagamit sa kasalukuyan at kontrolin ang buong sistema ng pakikipagtalastasan na ito. Sa huli, nakasalalay pa rin sa kamay ng sambayanan kung ano ang pipiliin nilang konteksto ng kanilang pagmumura – ang magpapatindi ba ng tunggalian, o ang magpapalaya sa sambayanan?
Kung Mumurahin Man Ni Facundo Si Senyora He who does not curse has clean mouth. Ul*l.
A curse word a day keeps the riches away – sa kasalukuyan, ang pagmumura ay parang isang identification card na nagtatalaga sa isang tao bilang mahirap o mayaman. Makikita na nagsisilbing salamin ng nakaririwasang estado sa buhay at pagsunod sa dikta ng lipunan ang madalang na pagmumura ng isang tao. Ang mga tao namang ang bukambibig arawaraw ay mura, ay itinuturing na “mahirap” at “bobo.” Sa ganitong konteksto, sa halip na pagbuklurin ang mga tao sa pamamagitan ng komunikasyon, higit pa ngang napapatindi at napapalala ang pagtutunggalian ng mga uri sa lipunan. Buhat sa mga nabanggit na pagsasalamin ,makikitang may malinaw na kakayahan ang mga uri ng pakikipagtalastasan tulad ng pagmumura na kumatawan sa personalidad ng mga mamamayan, gayndin sa mga problemang kinakaharap ng sambayanan. Naaalala mo pa ba ‘yung kasabihang“Lahat ng bawal ay masarap”? Oo, tama ito, at masarap nga ang pagmumura kahit bawal daw sa lipunan – kailan ba hindi naging masarap ang dulot nitong “kalayaan”? Continued on page 09