14 EDITORIAL K
Volume 27 Numbers 10-11 16 December 2013 | Monday
ASABAY NG PAGHUPA NG DELUBYO AY ANG PAGLANTAD NG TUNAY NA UNOS.
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas matapos ang paghagupit ng bagyong Yolanda sa bansa. Sa loob ng isang araw na pananalasa nito sa Pilipinas, nag-iwan ang bagyo ng malawakang pinsalang hindi inasahan ng mga Pilipino, partikular na ng mga taga-silangang Visayas na pinakamalubhang naapektuhan ng pagtama ng bagyo. Sa huling opisyal na datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 4011 katao ang kumpirmadong nasawi sa paghagupit ng tinaguriang pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa, habang aabot sa 10,023,075 indibidwal mula sa 44 probinsya sa bansa ang naapektohan ng bagyong Yolanda. Samantala, tinataya namang nasa P12.7 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.
EDITOR-IN- CHIEF
Aries Joseph Armendi Hegina ASSOCIATE EDITOR FOR INTERNAL AFFAIRS
Angelo Dennis Aligaga Agdeppa
ASSOCIATE EDITOR FOR EXTERNAL AFFAIRS
Kathleen Trinidad Guiang MANAGING EDITOR
Ruth Genevieve Austria Lumibao ASSISTANT MANAGING EDITOR
John Vherlin Canlas Magday NEWS EDITOR
Christine Joy Frondozo Angat GR APHIC S EDITOR
Deonah Abigail Lugo Miole
Ngunit gaano man karimarim ang mga estadistikang ito, mas kahindik-hindik ang katotohanang inilantad ng paghagupit ng bagyong Yolanda. Lalo lamang ipinamukha ng trahedyang ito ang kawalan ng kapasidad ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III upang epektibong mangasiwa sa panahon ng mga kalamidad. Isang patunay sa kawalan ng kakayahan na ito ng pamahalaan ay ang mabagal nitong pagresponde sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar. Ang hindi agarang pagtugon na ito ay naging dahilan upang batikusin, hindi lamang ng mga Pilipino kung hindi maging ng mga dayuhan, ang kahandaan ng gobyerno para sa paghagupit ng nasabing bagyo. Gayonpaman, iginiit pa rin ng pangulo na sapat diumano ang naging preparasyon ng pamahalaan para sa naturang kalamidad. Sa kabila ng madalas na pagtama ng kalamidad sa bansa, tila wala pa ring pagbabago sa mekanismo ng pamahalaan kaugnay sa paghahanda at pagtugon sa epekto ng mga sakuna. Ang mabagal na pagtugon sa mga kalamidad tulad ng nangyari sa Leyte at Samar, halimbawa, ay walang dudang bunga ng kawalan ng isang malinaw at komprehensibong planong maisasakatuparan upang lubos na mapaghandaan ang mga kalamidad. Bukod sa kawalan ng konkretong programa hinggil sa mga kalamidad, hindi rin katanggap-tanggap ang pagbunton ng sisi ng administrasyong Aquino sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa lawak ng pinsalang idinulot sa mga lalawigang binayo ng bagyong Yolanda. Bagaman nakaatang sa lokal na pamahalaan ang responsibilidad upang unang tumugon sa ganitong uri ng sitwasyon, hindi rin maikakaila ang malaking responsibilidad ng pamahalaang Aquino bilang tagalikha at tagapagpaganap ng mga polisiyang tutugon sa lalong lumalalang banta ng kalikasan. Ang kakulangan ng maayos na mga programa kaugnay ng mga sakuna ay maaaring maglimita sa kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na tumugon sa oras ng paghagupit ng mga kalamidad. Sa mas malawak na pagtanaw, ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaang Aquino sa pagresponde sa mga natural na kalamidad ay nag-uugat sa kawalan ng sapat na pondo para sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad. Para sa taong kasalukuyan, aabot sa P7.5 bilyon ang inilaan ng administrasyon para sa calamity fund. Malayo ang halagang ito sa tinatayang $500 milyon o humigit-kumulang P22.5 bilyon na kakailanganin para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda, ayon sa Department of Budget and Management. Bilang pagtugon sa kakulangan ng pondo,
NEWS CORRESPONDENTS
Ezra Kristina Ostaya Bayalan, Elizabeth Danielle Quiñones Fodulla, Leonard Dangca Javier, Carlo Rey Resureccion Martinez, Ronilo Raymundo Mesa CULTURE CORRESPONDENT
Jamilah Paola dela Cruz Laguardia FE ATURES CORRESPONDENTS
Christian Reynan Ibañez Durana, Jennah Yelle Manato Mallari, Angelica Natvidad Reyes, Charlotte Porcioncula Velasco RESIDENT ILLUSTR ATORS
DEONAH ABIGAIL LUGO MIOLE
Lizette Joan Campaña Daluz, Mon Gabriel Posadas Distor, Daniel John Galinato Estember, Mark Jason Santos Flores, Gerald Miranda Goco, Princess Pauline Cervantes Habla, Noemi Faith Arnaldo Reyes, Joanne Pauline Ramos Santos, John Zeus Cabantog Taller RESIDENT PHOTOJOURNALISTS
Walang Pagkatuto
Patrick Jacob Laxamana Liwag, Kessel Gandol Villarey RESIDENT L AYOUT ARTIST
Romelyn Taip Monzon
nilalayon ngayon ng administrasyong Aquino na utangin ang naturang halaga mula sa mga pandaigdigang institusyon tulad ng World Bank at Asian Development Bank. Bilang isang bansang naghihirap at nahaharap sa malaking utang panlabas, malinaw na ang balak na ito ng pamahalaan ay isang problemang nagkukubli lamang bilang isang solusyon. Samantala, mas lalo pang pinaiigting ng korapsyon ang problemang idinudulot ng kakulangan sa pondong pantugon sa mga kalamidad. Habang patuloy sa pagkamal sa kaban ng bayan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay ipinagkakait naman sa mga Pilipino ang pondong maaari sanang ilaan sa pagbili ng mga kagamitang magagamit sa oras ng sakuna. Halimbawa na lamang ay ang kakulangan sa mga helicopter, military aircraft, military truck, at iba pang kahalintulad na mga transportasyon na maaari sanang magamit upang mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa
Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel. Isang malaking kabalintunaan ang patuloy na kawalan ng kakayahan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna. Sa kabila ng tauntaong paghagupit ng mga mapaminsalang kalamidad sa bansa, tila walang natutunang leksyon ang mga namumuno sa pamahalaan. Dapat mabatid na hindi natatapos ang tungkulin ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng sakuna. Bukod sa reaksyonaryong hakbang na ito, mas mahalagang makapagbalangkas sa lalong madaling panahon ang administrasyong Aquino ng isang mas epektibo at komprehensibong programang tunay na tutugon sa mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad. Hindi kailanman dapat makuntento ang pamahalaan sa mga panakipbutas na solusyong paulit-ulit na nabibigong malunasan ang mga sugat na nililikha ng mga kalamidad.
OFFICE
4th Floor Student Center Building, University of the Philippines Manila, Padre Faura St. corner Ma. Orosa St., Ermita, Manila 1000 EMAIL
themanilacollegian@gmail.com WEBSITES
issuu.com/manilacollegian www.facebook.com/themanilacollegian www.twitter.com/mkule themanilacollegian.tumblr.com
MEMBER
College Editors Guild of the Philippines
Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations
The Cover
HINDI KAILANMAN DAPAT MAKUNTENTO ANG PAMAHALAAN SA MGA PANAKIP-BUTAS NA SOLUSYONG PAULIT-ULIT NA NABIBIGONG MALUNASAN ANG MGA SUGAT NA NILILIKHA NG MGA KALAMIDAD. mga naaapektuhan ng natural na kalamidad. Ang kawalan ng mga nasabing sasakyan, ayon sa Malacañang, ay isa umano sa mga dahilan kung bakit naging matagal ang pagdadala ng relief goods sa mga naapektohan ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar. Ang kakulangan na ito ay maaari sanang tugonan sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan, kagaya ng kontrobersyal na Priority
Ngunit higit kailanman, hanggang hindi nagiging seryoso ang pamahalaan sa pagtugon sa lumalalang banta ng kalikasan, ito ang tamang panahon upang magkaisa ang sambayanan sa paggiit ng panawagan para sa mga repormang mangangalaga sa interes ng bawat mamamayang Pilipino. Illustration by Romelyn Taip Monzon