NEWS
Mga manunulat dinakip ng mga tuta ng Amerikano The Manila Hooligan kasama ang mga pula, nagprotesta
“Hindi na namin siya makita,” ani ng isang kamag-anak na nanginginig habang hawak hawak ang platong may ulam at kanin. Butil butil ng kanin at sitaw ang nahuhulog sa sahig dahil dito Ni Ka Dolfie Cherrie
I
lang araw nang nawawala ang di-alam na bilang ng mamamahayag mula sa di-alam na istasyon. Ayon sa mga kamag-anak ng mga manunulat, nagsimula na silang mabahala nang hindi na umuwi ang kanilang kamag-anak. Hindi din batid ng kamag-anak kung pamangkin niya ba o apo ang nawawalang manunulat. “Ewan ko nga ba, parang anak ko ata eh”, dagdag pa niya. Ayon sa kanya, nakatakdang mangalap ng impormasyon ang kanyang kamaganak ukol sa isang balita sa di malaman na lugar. Ang balita na itinalaga daw
sa kanyang kamag-anak ay tungkol sa pagpaslang ng isang Imperyalistang Amerikanong naka-uniporme sa isang Pilipino. Dagdag pa ng isang kamag-anak, napakalakas ng kanyang kutob na mangyayari ang pagkawala dahil makabag-bag puso ang kanyang kamag-anak pagdating sa pagsusulat.
Ayon naman sa isang kaklase noong kinder ng isa pang nawawalang manunulat, pipigilan niya sana ang kamag-aral na pumunta doon dahil alam niya na gagawin ng mga Imperyalista ang lahat ng makakaya nila upang itago ang krimen na isinagawa ng isa nilang balakyot na kasapi. Sa kabilang banda, huling namataan ang mga mamamahayag ng isang tagamasid ng Revolutionary Horde of Beatboxers (RHB) malapit sa isang base militar ng mga Imperyalistang Amerikano. Ayon kay Ka Labasa, ang mga mamahayag ay nakasuot ng damit
at ang isa daw ay matangkad, guwapo at kulot ang buhok. Dagdag pa niya, nakita niyang may mamang sorbetero malapit sa mga tagapamahayag. Matapos ang ilang segundo, nawala na sa paningin ni Ka Cherrie ang mga manunulat.
Samantala, ayon naman kay Ka Kai Beyb, isang miyembro ng RHB, nakita niyang dinukot ng mga nakadilaw na tao ang mga manunulat at pinadapa ang mga ito, nilagyan ng tali at inilagay sa likod ng isang sasakyan. Kasama daw ng mga nakadilaw na kidnapper ang isang lalaking panot at bundat. Hindi niya matandaan kung tanghali ba o gabi nangyari ang insidente. “Basta gumagalaw sila, madilim noon eh, hindi ko makita kasi ewan.” Matapos kumalat ang nasabing balita sa media at pahayagan, kaliwa’t kanan ang pagkilos na ginawa ng mga progresibong grupo laban sa pnanatili ng mga Imperyalista.▼
50,000 Kumonista, lihim na bumaba para salubungin ang Santo Papa Iniutos ng Partido ng Kumong Pula (PKP)—Pedro Gil Branch sa Rebolusyonaryong Hubong Bayan (RHB) ang pitong araw na tigilpaggawa bilang pagbibigay daan sa isang mapayapang pagsalubong sa pagdating ng Santo Papa. Hinimok din ng PKP ang masa at mga rebolusyonaryo na sundin ang mga makamasang pananaw ng Santo Papa Ni Kumander Booba
Dagdag pa rito, kinundena din ng PKP ang mga serye ng pagkukubli ng otoridad sa Santo Papa ukol sa mga pagdadarahop at kapalpakan na ginagawa ng Rehimeng Ab-Noy.
Palihim na bumaba mula sa kanilang kabahayan ang humigit kumulang na 50,000 kasapi ng PKP upang tumulong sa mga preparasyon sa pagdating ng Santo Papa. Nagsilbi silang tagabilang at taga-assist gamit ang kanilang mga natutunan sa Kumong Pula. May 11, 2015
Karamihan sa mga kasapi na boluntaryong bumaba ay napilitang ikubli ang kanilang mga identidad upang hindi mahuli ng kanilang mga guro na nagpapagawa sa kanila ng worksheets sa Algebra at Trigonometry. Dagdag pa rito, tumulong din ang ilang mga hanay ng RHB sa kalunsuran sa pagkukumpuni ng mga paaralan na maaring daanan ng Santo Papa. Nagsuot din ng uniporme ng pulis ang ilan dito upang tumulong sa pagbabantay sa mga ruta na dadaanan ng Santo Papa.
Sa kabilang banda, sinuportahan naman ng PKP ang panawagan ng papa sa paglagot sa mga uri ng pangaapi at inhustisya na nagbubunsod sa di-pagkakapantay-pantay sa lipunan at pagsasawalang bahala sa kundisyon ng mga mahihirap. Ngunit higit pa rito, sinuportahan ng mga Kumonista ang sinabi ng Santo Papa na itulog
ang kanilang mga problema, na siyang pasok naman sa kanilang layon na iwasan ang kanilang mga takdangaralin sa Kumon Matematiktika.
“Nakatutuwa na ang mga aral na isinusulong ng lider ng Katol Romana ay halos magkatulad sa mga prinsipyo na nagpapatakbo sa partido at sa mga rebolusyonaryo,” ani Josie Maria Tiyan, pinuno ng mga Kumonista. Dahil dito, hinimok ng PKP ang mga Katoliko na isabuhay at palaganapin ang mga panawagan ng Santo Papa ukol sa pagsulong ng karapatang pantao, pagbawas sa kurapsyon sa pamahalaan, at tulugan ang kanilang mga problema sa buhay. Inimbitahan din ng PKP ang mga tagasunod ng Papa na sumali sa kanilang libreng session sa kahit saang Kumong Pula branch para masubukan ang libreng turo sa matematika at pagbabasa. ▼
The Manila Hooligan | 4