TANGIS AT TUGON Pakikibaka ng Iba’t Ibang Sektor ng Lipunan para sa Karapatan SEKSYON NG KULTURA DIBUHO NINA DANIE RODRIGUEZ AT LIZETTE JOAN CAMPAÑA DALUZ
E D U K ASYO N Nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Titigil na ako sa pag-aaral. Pauwi na ‘ko sakay ng jeep. Hanggang ngayon ay tumutulo pa rin ang luha ko. Nagfile na ‘ko ng LOA kani-kanina lang. Noong nakaraang linggo kasi, sinubukan naming umapela sa administrasyon ng unibersidad na baka pwede naman ay mabigyan pa ako ng palugit sa pagbabayad ng tuition. Pero ‘yun nga, sa kasawiang-palad ‘di kami pinayagan. Strikto raw sila sa pagsunod ng mga patakaran ng unibersidad.
KA L USUGA N Kapag salat ka sa buhay tulad namin, ang pagtatrabaho hanggang sa kamatayan na lang ang masasabi mong sandata mo upang mabuhay. Bata pa lang ako ay malabo na ang mata ko, pero habang tumatagal ay lalo akong nahihirapang makakita. Katarata na raw ‘to, sabi nila. Baka raw tuluyan na akong mabulag kung hindi ko pa ito ipapatingin sa doktor, ngunit dala na rin n g
Naaalala ko pa ‘yung pagmamakaawa namin ni mama sa presidente ng unibersidad. Noong nakita ko ang mga patak ng luha ni mama, lumuhod na ako sa harap ng tanging taong makapagsasalba sa’min mula sa desperasyon. Nagmakaawa ako na sana’y mapagbigyan ang tanging kahilingan kong makapag-aral ulit nang walang inaalalang bayarin at nang walang pangambang hindi ako pahihintulutang pumasok sa mga klase dahil hindi pa ako nakakapagbayad ng matrikula. Ngunit kung gaano kalamig at katigas ang sahig na niluhuran ko, ay ganoon na lamang din ang puso ng taong tinitingala ko ngayon. Nasaan kaya ang kanilang puso’t konsensya? Paglabas namin ni mama ng opisina, halong lungkot at galit ang naramdaman ko. Lungkot,dahil pinatunayan ng nangyari na ang tulad kong dukha ay walang lugar at mabubulok lamang sa isang lipunang pinapaikot ng bulag na pagsamba sa doktrina ng kapitalismo, at galit dahil ang mismong mga inaasahan kong magtatanggol sa pagiging karapatan ng edukasyon ay ang siya pang naniniil sa mga nagnanais magkamit nito. Pero naisip ko, hindi lamang ang administrasyon ng aking unibersidad ang dapat na makatanggap ng lahat ng nararamdaman kong poot at pagkamuhi dahil sila rin naman ay biktima ng baluktot na sistemang pinaiiral ng isang inutil na gobyerno. Hindi natin dapat palampasin ang gobyernong manhid sa mga biktimang tulad ko ng lumalalang krisis sa edukasyon. Ang panggigipit ng gobyerno sa badyet para sa edukasyon ay isang matinding pruweba ng pag-abandona nito sa responsibilad na tustusan ang pinansyal na pangangailangan naming mga estudyante at mga pamantasan. Sa oras na talikuran ng gobyerno ang mandato nito sa paggarantiya ng karapatan ng lahat na magkamit ng libreng edukasyon, sa pamamagitan lamang ng isang masikhay at masigasig na kolektibong pagkilos natin makakamtan ang isang tunay na siyentipiko, makamasa, at makabayang edukasyon.
kakarampot kong suweldong galing sa construction, mukhang kahit check-up ay malabong panaginip. Sa estado namin sa lipunan, biyaya nang maituturing ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Milagro na siguro kung may pera pa akong magagamit sa pagpapagamot, lalo na kung halos bumigay na ang katawan ko kakakayod malagyan lang ng laman ang tiyan ng pamilya ko. Nasabi nila sa akin noon na kung gusto ko ng libreng check-up ay dumayo ako sa mga pampublikong ospital. Ngunit sa bagal daw ng pag-usad ng mahabang pila doon, mukhang masasayang lang din ang oras ko sa pagbabakasakali. Mas gugustuhin ko na lang na gamitin ‘yong nasayang na oras sa pagtatrabaho sa construction. Hindi rin lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong magpatingin, puwera na lang daw kung may pera kang pangpa-admit. Karaniwan ding magkaubusan ng gamot. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang may maiuwing pera sa
araw-araw, kaysa atupagin ang sakit na alam ko namang dadating din sa hinaharap. Nakatira na tayo sa isang lipunan kung saan madalas gawing hanapbuhay ng mga nasa itaas ang pagkakaroon ng puwesto sa gobyerno upang ipagpatuloy ang kanilang negosyo. Hindi pa sapat na pagkakitaan ang lahat ng materyal na bagay, naisip din nilang patungan ng presyo ang karapatan natin sa pagkakaroon ng dekalidad at libreng serbisyo publiko. Sa panggigipit na ito ay napipilitan kaming mamili sa pagitan ng dalawang ‘lunas’: ang hindi pagpapagamot o ang pagdulog sa mga pribadong ospital. Ngunit alam din namin na ang pagpili sa alinman sa mga ito ay siya r i n
n a m a n g maglalagay ng taning sa buhay namin paglaon. Ang ganitong klase ng pamamalakad ay lason sa buhay ng masa sapagkat ito rin ang magsisilbing taga-hukay ng ating libingan pagtagal. Ano pa man ang estado natin sa buhay, sa huli, gobyerno pa rin ang dapat sumagot sa ating mga pangangailangan bilang mamamayan, lalo na kung buhay na natin ang nakataya.
KA B A B A IH AN Hindi ata matatapos ang araw ng isang babae nang hindi siya sinusutsutan ng mga lalaki sa daan. Ano pa mang isuot ko, lagi silang may mahahanap na bagay na mapagpapantasyahan. Siguro nga, kahit garbage bag na ang suotin namin, hindi pa rin kami lulubayan ng mga malisyosong mga
ngiti at mga nakakakilabot na bulong ng “Hi, miss.”, “Uy, sexy!”, “Mamansin ka naman!” o ‘di kaya’y “Gusto mo bang paligayahin kita?” Ang pananaig ng patriyarkal na lipunan ang siyang nagturo sa karamihan na mas mababa ang antas naming mga kababaihan kaysa sa kalalakihan. Nasanay ang madla na tignan kaming mga babae hindi bilang mga tao kundi mga bagay na puwedeng ariin at gamitin para sa pansariling interes. Sa media pa lang, talamak na ang ‘pagbebenta’ sa katawan ng kababaihan. Paniguradong tampok sa maraming commercials at maging sa mga magazines ang mga babaeng nagpapakita ng balat kahit na wala itong kinalaman sa produktong kanilang ineendorso. Sa perspektiba ng karamihan, marahil walang mali sa mga ganitong mga marketing strategy. Marahil ay nakatanim na kasi sa isipan nilang mas mababa talaga ang antas namin. Hindi pa kasi siguro nila nararanasan ang takot sa paglalakad sa gabi sa pangambang may nakaabang na rapist o ang hiya na nararamdaman namin sa tuwing tinatrato kaming parang “karne” na puwede kainin, o kaya naman ay “tropeo” na puwedeng ipagmayabang sa lahat. Pinalala ng mga kompanya ang tingin sa amin sa lipunan nang ginamit at pinagtagpi-tagpi nila ang katawan namin upang makabenta ng mga produkto nila. Nakikita kami sa lipunan bilang mga kagamitang makakatulong sa pagpaparaos at pagtanggap ng panandaliang sarap. Marahil ay tunay lang kaming makakalaya mula sa ganitong pagtingin sa amin kung maitatanim sa isipan ng lipunan na, imbis na ikahon kami kasama ng mga materyal na bagay, ay tignan at pahalagahan nila kami bilang tao at mamamayan. Kung bibigyan nila kami ng kaparehong mga karapatan na tinatamasa ng mga kalalakihan – ang pagkakataong makapag-aral at makapagtapos, magkaroon ng pantay na sahod sa aming mga propesyon, at higit sa lahat, mapakinggan ang aming mga saloobin at hinaing – makalalabas kami mula sa seldang tumatapak sa aming dignidad. Hindi lang sa pagtamo ng iilang mga karapatan natatapos ang paglaban namin para sa pantay na pagtingin at pagtrato sa amin ng lipunan. Sa huli, mahalagang malaman ng lahat na kahit kailan, hindi dapat maging basehan ang kasarian sa pagdetermina ng dignidad at kakayahan ng isang mamamayan na makapagdala ng pagbabagong tutulong sa paghulma ng lipunan. IPAGPATULOY SA PAHINA 07