The Manila Collegian Volume 29 Number 10

Page 11

OPINION 11

Volume 29 Number 10 February 25, 2016 | Thursday

CLOCK STRUCK TWELVE

TAKAS

Marilou Hanapin Celestino

Gusto kong patigilin ang mundo, at manatili sa kagandahan ng lugar na ‘yon. Gusto kong mapako sa gayong perpektong oras habang ako’y nasa tabi mo. Maraming taon na ang lumipas matapos kitang iwan sa ere. Alam kong kapwa tayo nagsambit ng mga pangako sa isa’t isa, pero patawad kung nauna akong bumitaw habang ika’y buong lakas na kumapit sa kung anumang mayroon tayo noon. ‘Di ko malilimutan ang mga pagkakataong sabay tayong kumakain, magkukwentuhan, at maglalakad tuwing uwian. Sa mga pagkakataong humahaba ang oras ko sa paaralan, inaantay mo ko dahil alam mong wala akong kasabay umuwi. Marunong kang maghintay, kahit gaano katagal. Batid kong natatandaan mo pa, pero maaaring hindi na, binigyan mo ako ng regalo sa Araw ng Pagtatapos. Nabigla pa ako nang lapitan ako ng mga magulang at ng ate mo. Kilala pala nila ko dahil ako nga raw ay bukambibig mo. Mabait ka, maalaga, maalalaanin, maunawain, magalang, at mapagmahal. Ikaw na nga ata ang pinakaperpktong taong kilala ko. Sa mundong magulo’t kinagagalitan ko, ikaw ang huling taong gugustuhin kong saktan. Dumating ang yugto na kailangan nating tumahak ng magkaibang landas. Inaamin kong naging gago ako para sa isang anghel na kagaya mo. Iniwasan kita. Dinedma ko ang mga text mo. Inisnab ko ang mga tawag mo. Alam kong sinubukan mong magpasensya, maghintay sa

muling pagpaparamdam ko, pero kahit ang pinakamatigas na bakal ay natutunaw rin. Alam kong napagod ka. Hindi man malinaw kung ano tayo, alam kong minahal mo ko, at maniwala kang minahal rin kita. Patawad.

katulad ng dati. Lalong tumatak ang paghawak mo sa aking kamay na para bang nagsasabing wala akong dapat ipangamba. Inaamin kong may kung anong tibok ang minalas ng puso ko, pero pamilyar ‘yon

Halos tatlong taon na. Bilib na bilib ako sa’yo. Sa tinagal-tagal ng panahon, kinausap mo ‘kong muli. Kinabahan pa nga ako’t baka isumbat mo ang kasalanang ginawa ko sa’yo, pero mali ako. Kinumusta mo lang ako, isang taong nasasabik sa mga pangyayari sa buhay ng kanyang matalik na kaibigang matagal na niyang hindi nakakausap. Hindi ko alam kung anong ihip ng hangin ang tumama sa’yo at hiniling mo na samahan kita.

Patapos na ang oras natin sa ilusyong pinagdalhan mo sa akin, alam kong matatapos na ang saya at kailangan ko nang harapin na huli na ang lahat. Tinignan ko pang muli ang mga ilaw sa ating paligid, ang tsubibo, at ang mga ngiti mo. Pinakinggan ko ng mabuti ang musika, ang ingay ng paligid, at ang boses mo. Marahil ang mga alaala na lang ng gabing ‘yon ang babaunin ko bilang paalala na minsan sa buhay ko, hindi lang ako ang nasaktan, nakasakit rin ako. Paalala na sana’y matuto akong magpahalaga sa kung anong mayroon ako.

Kasalanan ko, napagod ka sa paghihintay sa taong hindi na ninais pang manatili.

Itinakas ako ng pagkakataong ‘yon mula sa gulo ng buhay. Masaya ako nang gabing ‘yon. Katabi kita, nakikinig sa musikang hatid ng magagaling na manunugtog at mangangawit. Para bang tayo lang ang hinahandugan nila ng mga letrang nagpapahiwatig ng sakit, pagmamahal, at pangalawang pagkakataon. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat mo at isinandal mo rin ang ulo mo sa akin. Nagsusulyapan tayo ng tingin at ngiti. Mangilang beses mong pinisil ang ilong ko at ginulo ang noo’y magulo ko nang buhok,

HIRAYA MANAWARI

Pahayag ito ng isang kaibigan sa isa sa kanyang mga Twitter posts. Noong una ay agad akong sumang-ayon. Ang pinakamahirap nga yatang parte sa paggawa ng kahit anong bagay ay ang pagsisimula. Halimbawa, sa pagbuo ng thesis o kahit ng simpleng paper para sa isang kurso, pinakamahirap ang magsimula. Puno kasi ng kalitohan at pangamba ang pagsisimula. Bagaman marami kang ideya, hindi mo alam kung paano ito isasakatuparan; lito ka sa kung paano ito aanggulohan. Ganoon din sa usapin ng pag-ibig. Mahirap magsimula. Kahit gaano na ito kalalim, mahirap umamin ng damdamin. Wala kasi itong kasigurohan. Sa pag-big, ang simula ay maaaring katapusan na rin. Ngunit nalaman kong may higit pa palang mahirap sa pagsisimula, at ito ay ang pasisimulang muli. Iyon bang tipong nasimulan mo na noon, ngunit dahil sa hinihingi ng pagkakataon ay kailangan mong simulan muli. Iyon bang malayo na ang narating mo, pero dahil sa mga pangyayaring ‘di

Ikaw ang mga paru-parong minsang lumipad sa tiyan ko. Hinayaan kang makawala’t ngayo’y nagbabalik, hindi ang mga paru-paro, ngunit tanging hangin lang na dulot ng mga pakpak mo. Siguro nga hindi tayo itinakdang magibigan sa ngayon, o kahit kailan pa sa hinaharap. Nagpapasalamat na lamang ako at nabigyan pa ako ng pagkakataon na muli kang makasama, kahit na minsan lang, kahit na sandali lang.

STARTING OVER AGAIN

Angelica Natividad Reyes

“Madali sa kalagitnaan, kung kailanga’y madali rin naman tapusin. Pero ang pagsisimula’y parang paghihintay sa bagay na ni hindi naman umalis.”

Kasalanan ko, napagod ka sa paghihintay sa taong hindi na ninais pang manatili. Ngayon ay lumilipad ka na sa puso ng iba. Sabihin mang totoo ang pangalawang pagkakataon, hindi ako karapat-dapat doon.

inaasahan ay kailangan mong bumalik sa umpisa. Ang mas mahirap pa, kung hindi ka na maaaring bumalik sa umpisa, bagkus ay kailangan mong magsimula nang panibago. ‘Di kasi tulad sa pagsisimula na ang kalaban mo lamang ay ang pangamba sa hinaharap, sa pagsisimulang muli, naroon na rin ang bagabag na dulot ng nakaraan. May mga oras nang nasayang, may mga damdamin nang nasaktan. May mga relasyon nang nalamatan na hindi mo na matatapalan ng simpleng paumanhin lamang.

Ganoon din sa

usapin ng pag-ibig. Mahirap magsimula. Dagdag pa, mahirap magsimulang muli kung sa katotohanan ay hindi mo pa rin tanggap na nagwakas na ang yugtong nagdaan. Mahirap magsimula muli kung mayroon pang mga tira tirang hinanakit mula sa nakaraan. Gustohin mo mang bumalik sa kalagitnaan upang punan ang parte kung saan ka nagkulang,

ang nakalipas ay nakalipas na. At ang tanging magagawa mo na lamang ay ang matuto sa nakaraan. Mahirap maging positibo kung matinding unos ang pinanggalingan mo. Ngunit nagpapatuloy ang buhay at hindi ka maaaring magpaiwan sa nakaraan. Siguro nga’y wala talagang pagsisimulang muli. Sapagkat ang ginagawa naman talaga natin ay pawang pagpapatuloy. Pagkilos mula sa kung saan tayo natigil. Sa katotohanan ay hindi naman talaga maaaring itapon nang tuluyan ang nakaraan. Ang nakaraan ang tungtongan ng ating kasalukuyan, at ang katotohanang nalagpasan natin ang mga kalungkotang naidulot nito ay ang paghuhugotan natin ng lakas ng loob upang harapin ang kawalang kasigurohan ng bukas. Kung mali man ako at mapatunayang sa konteksto nating dalawa, ang pagpapatuloy at pagsisimulang muli ay hindi na magkasingkahulugan, asahan mong hindi na muli akong agad agad na bibitiw. Wala naman sigurong mawawala kung magsisimula tayong muli.

Famous Last Words Aria Hernandez YESTERDAY* There was a time when I had gathered all my strength and placed all my cards on the table. And still, I lost. A few months ago, I found out that the person I liked has been in love with someone else. It hurt. I felt like everything was falling apart. I felt unsure, insecure, and devastated. I wanted to cry but my sister was near me, and I wanted to avoid her prying so I held it back. I wanted to act strong even when all I wanted to do was to let my tears fall and curse him for my misery. But I didn’t. I couldn’t. It was so unlike me. I had been in a relationship before. I knew what love and loss felt like as I have said in my previous article. But the thing is, my experience did nothing to make this easier. It felt like I handed my heart on a silver platter only to find out that he would stomp on it - breaking it into pieces. I hoped for that so-called forever yet I gained nothing in return. Frankly, I was aware that I hardly stood a chance. I risked everything for him because he was like my best friend. He made me happy and I could always count on him to make intelligent conversations. He was also the type of person who could say a sarcastic quip and still notice when I’m feeling out of sort. He never gave up on me. While I was not expecting anything, I could not help but feel saddened by this surprising turn of events. I mean, there’s always a tiny part of me that keeps on hoping despite the odds. Sadly, the odds were definitely not in my favor. So, from then on, I wished that our paths would never cross again. The succeeding months had been a struggle. While we never really had a relationship, everything just fell apart when he started dating the girl that he was in love with. We no longer spent much time together and we just saw each other in class. I realized it was over and I had to move on. After a while, I started to feel again. My friends told me that I should have confessed my feelings and gave him the chance to decide. If I had done so, we might have gotten together and I wouldn’t have spent Valentine’s Day alone. Maybe, things would have been different. Who knows? But I already made my choice. The thing is, it does not really matter. I was afraid of rejection. However, I no longer want to consider the “what-ifs.” I have gained a lot of experience and valuable information in the last few months. I learned to love writing. I used to think that I was a bad writer. I could not be more happy and grateful for The Manila Collegian for proving me wrong. I now have another purpose. This is something I would not sacrifice or relinquish to gain his love. As they say, some things are better left unsaid. And so, I will just keep living. Maybe someday, I’ll find someone who would take a leap of faith and would be willing to go through hell and back with me. *Apologies to The Beatles


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.