02 EDITORIAL
Volume 29 Numbers 07-08 Special Online Issue
ANG MAPANLINLANG NA SISTEMANG pangekonomiya ng mundo, na ginawang kaakit-akit dahil sa paggamit sa mga prinsipyo ng kalayaan at ang pangakong mabilis na pag-unlad, ay patuloy na umuusig sa mga mamamayan na unti unti nang nauupos. Ang mga entidad na nagpapasulong dito ay nabigyan pa lalo ng motibasyon dahil sa di pagpili ng mamamayan sa pagiging kritikal at pagiimik nito sa mga maling desisyon ng kanilang pamahalaan.
E DI T O R - I N - C H I E F Carlo Rey Resureccion Martinez A S S O C I AT E E DI T O R F O R I N T E R N A L A F FA I R S Patrick Jacob Laxamana Liwag A S S O C I AT E E DI T O R F O R E X T E R N A L A F FA I R S Elizabeth Danielle Quiñones Fodulla
Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay isang poro na binubuo ng 21 kasaping ekonomiya sa paligid ng Karagatang Pasipiko. Sa kasalukuyan, halos kalahati ng pandaigdigang kalakalan, Gross Domestic Product (GDP), at populasyon ang sakop ng APEC. Naglalayon ito na isulong ang kooperasyong teknikal at pagkakaroon ng malaya at mabilis na kalakalan sa mga kasapi nito. Prayoridad din ng APEC 2015 ang pagaangat sa pandaigdigang partisipasyon ng mga maliliit na negosyo, pagpapaunlad sa yamang-tao, pagkakaroon ng mga bataskalakalan, at ang pagbubukas ng mga serbisyong pampubliko sa kumpetisyon at pagaari ng mga dayuhang mamumuhunan. Para sa porang ito, naglagak ang pamahalaan ng halos P10 bilyong badyet na sinangayunan naman ng maraming mamamayan dahil sa panandaliang epekto nito sa ekonomiya. Nakalulungkot na bilang lamang ang may kamalayan sa mga unos na dala nito at lalo pa itong nakukubli dahil sa pagkikibit balikat ng iilan at sa mga nakakakiliting layunin mismo ng APEC. Pilit ding ikinubli ng rehimen ang labis na kahirapan sa bansa pati na rin ang mga protestang bayan. Sa mga pang aabuso na kinakaharap ng bayan, hindi lang dapat tayo may alam, dapat din ay matutong makialam. Ang pagsulong ng APEC sa mga repormang liberalisasyon na magpapabilis sa paglabaspasok ng mga produkto tulad ng pagbababa sa taripa ang papatay sa mga maliliit na negosyong Pilipino. Sa sarili nitong lupa, magiging talunan ang produktong Pilipino sa mga malayang pumapasok na dayuhang angkat na galing sa mga multinasyunal na korporasyon. Nagpapadehado pa lalo ang kawalang proteksyon mula sa pamahalaan. Upang pumantay at manatiling bukas, binababaan ng mga negosyong Pilipino ang mga sahod ng mga manggagawa at pinaiigting pa nito ang kontraktwalisasyon. Ang lalong pagbansot ng mga industriya ng bansa, tulad ng agrikultura na nagdudulot ng kakulangan sa suplay ng pagkain, ay bunga ng repormang liberalisasyon. Dagdag pa rito, ang World Trade Organization, isang samahan na ka layunin ng APEC, ay kasama ng APEC sa pagbibigay ng mga di patas na mga kasunduan na naglulubog pa lalo sa mga mahihirap na bansa. Ani ng WTO, kung isaalang-alang ng mga pamahalaan ang kundisyon ng mga manggagagawa nito, mababawasan ang lamang nito sa ibang kakumpetensyang bansa sa pandaigdigang kalakalan. Nakakagalit na sa kabila ng mga ito, inaakit pa lalo ng pamahalaan ang mga mapaminsalang transnasyunal na korporasyon sa pamamagitan ng pangangalandakan sa masaganang likas-yaman at sa mabilis na pagpasok ng mga dayuhan sa mga sektor ng lipunan tulad ng pagmimina, edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Ayon sa mga datos, bagama’t pinakamalaki ang bahagdan ng puhunan na pumapasok sa Asya, ang mga Asyano pa din ang isa sa may pinakamababang sahod. Dahil dito, mahihinuha na ang mataas na kita na dulot ng mababang halaga ng produksyon ang habol ng mga mamumuhunan at hindi ang pagpapa-unlad sa pinuhunanang bansa. Hindi din lahat bumabalik sa bansang
M A N AG I N G E DI T O R Thalia Real Villela A S S I S TA N T M A N AG I N G E DI T O R Jennah Yelle Manato Mallari N E W S E DI T O R Ronilo Raymundo Mesa F E AT U R E S E DI T O R Liezl Ann Dimabuyu Lansang C U LT U R E E DI T O R Jose Lorenzo Querol Lanuza
ABIGAIL BEATRICE MALABRIGO
PANINIIL pinuhunanan ang kita ng dayuhang namuhunan na gumamit sa mga yaman ng bansa. Nagdudulot din ito ng pang-aabuso sa kapaligiran, manggagawa, at pagkukubkob sa mga agrikultural na lupain. Kung susuriin, ang mga minahang may dayuhang presensya ang mga pinakamahihirap na lugar sa bansa. Sa APEC, hinihihikayat ng US ang Pilipinas na tanggalin na sa konstitusyon nito ang pagbabawal sa mga dayuhan na buong mag-ari ng lupa at negosyo sa bansa upang makasali ito sa iniinganyo Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA). Nilalaman din nito ang masahol na patakaran kung saan pinahihintulutan nito ang mga kumpanya na kasuhan ang pamahalaan ng mga mahihirap na bansa kung ito ay gumawa ng mga aksyon na hahadlang sa malayang pagnenegosyo at pagkakamal sa mas malalaking tubo.
ng tubo ng mga malalaking korporasyong dayuhan. Sa kasalukuyang tulin, ayon sa UNICEF, 200 taon ang kailangang hintayin upang lahat ng bata sa mundo ay nakatapos na ng primaryang edukasyon. Sa ilalim din ng pribastisasyon, napagkakait sa mga Pilipino ang mga subsidyo habang tumutubo ng bilyon-bilyon ang mga kapitalistang nakakopo sa mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP). Sa 26 taon ng APEC, makikita na kapakipakinabang lamang ito sa mga mauunlad na bansa at ito ay nagsisilbing entablado sa tunggalian ng mga ito habang inaapakan ang mga atrasadong bansa. Ito din ay mahalagang medya sa pagsusulong ng mga sangkap ng neokolonyalismo – pribatisasyon, denasyonalisasyon, deregulasyon at liberalisasyon.
Sa mga pang aabuso na kinakaharap ng bayan, hindi lang dapat tayo may alam, dapat din ay matutong makialam. Ang malawak na pinsalang dulot ng APEC ay naabot maging ang sektor ng edukasyon. Ang “export-oriented” na K-12 ay isang manipestasyon ng pagsunod ng pamahalaan sa idiniktang kurikulum ng pandaigdigang pamilihan, sa pagmimithi nilang mapanatiling mataas ang dami ng manggagawang ipinapadala natin sa ibang bansa. Kasabay ng K-12 ang pribatisasyon, isa pang neoliberal na prinsipyo na nagreresulta sa pagbabawas subsidiya sa mga pamantasan. Bilang tugon, tinatapyas ng mga ito ang mga programa ukol sa Humanidades at Araling Panlipunan. Dagdag pa rito, magdadagdag din ito ng matrikula at workload ng mga guro. Kung magpapatuloy ang mga nakahahamak na polisiyang ito, hindi na maiiwasan na ang masang Pilipino ay patuloy na magsisilbing murang lakas-paggawa para sa paghuhuthot
Sa panahong magkaanib ang pamahalaan at mga imperyalistang bansa sa paguusig sa lipunang Pilipino, gamit ang mga neoliberal at makaburgesyang polisiya, nararapat na sumulong at lumaban ang mga anak ng bayan. Kailangan nilang itaas ang bandila para sa isang pangsarili at alternatibong ekonomiya na magsisilbi, higit sa lahat, sa mga hanay ng masa at marunong tumumbas sa pawis na dinaranak ng mga ito. Sa pandadaluhong ng kasulukuyang sistemang pangekonomiya, bilyunbilyong tao pa ang uungusan nito ng karapatan at uupusin. Darating ang araw na ang sistemang ito ay matitibag mismo ng mga prinsipyong nagpapatakbo dito. Ang kakulangan ng basikong pangangailangan ang laging panimulang baga ng lahat ng mga rebolusyon sa kasayasayan ng tao.
G R A P H IC S E DI T O R Lizette Joan Campaña Daluz N E W S C O R R E S P O N DE N T S Adolf Enrique Santos Gonzales Eunice Biñas Hechanova Arthur Gerald Bantilan Quirante Sofia Monique Kingking Sibulo F E AT U R E S C O R R E S P O N DE N T S Angelica Natividad Reyes C U LT U R E C O R R E S P O N DE N T S Josef Bernard Soriano De Mesa Pia Kriezl Jurado Hernandez Jamilah Paola dela Cruz Laguardia Gabrielle Marie Melad Simeon R E S I DE N T I L LU S T R AT O R S Maria Catalina Bajar Belgira Jamela Limbauan Bernas
O F F IC E 4th Floor Student Center Building, University of the Philippines Manila, Padre Faura St. corner Ma. Orosa St., Ermita, Manila 1000 EM AIL themanilacollegian@gmail.com W EBSITES issuu.com/manilacollegian www.facebook.com/themanilacollegian www.twitter.com/mkule themanilacollegian.tumblr.com MEMBER
College Editors Guild of the Philippines
Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations
The Cover
Illustration by Danie Rodriguez Layout by Patrick Jacob Laxamana Liwag and Joma Michiko Kaimoto