The Manila Collegian Volume 29 Numbers 05-06

Page 12

12 CULTURE

Volume 29 Numbers 05-06 November 12, 2015 | Thursday

“Kung ano ang itinanim, ay siyang huhugutin.”

iba’t ibang intensyon. Malinaw na nabibigyan ng importansya ang kultura ng hugot sa tulong ng social media at teknolohiya na kahit sino ay maaari nang magpahayag ng damdamin sa porma ng hugot. Mahihinuha natin na ang hugot ay isang epektibong mekanismong kayang manipulahin at gawing pino ang pinakamatitinding simbuyo ng damdamin upang maging isang dalisay na porma ng sining.

Kaya mo bang limutin nang basta-basta ang mga matatamis at mapapait na pangyayari sa iyong buhay? Marahil, para sa iba’y oo ang sagot, ngunit para sa nakararami’y hindi madaling lisanin ang nakaraan, bagkus ay kinakailangang mailabas ang naipong damdamin. Sa imbensyon ng hugot, nagkaron ng isang panibago at malikhaing paraan ang mga tao upang makapaglabas ng emosyon at maikonekta ang sarili sa lipunan.

Step 2: #HUGOTSearchForThePerfectGroup “Kung saan-saan ka naghahanap, narito lang naman pala sa tabi mo.” Ang nirerepresentahan ng iyong hugot ay hindi naman palagiang mga tao sapaligid mo. Pangunahin ang sarili mo—kung nailalarawan nga ba nito ang damdamin mo, at kung ito ba ay nagpapatotoo sa mga pangangailangan at hinaing ng kalagayan mong pang-emosyonal.

Step 1: #HugotPaglitawNgDamdamin Ang forever lang pala sa boyfriend mo ay ang pambababae niya, inaway ka ng iyong kaibigan nilaglag mo raw siya sa prof niyo noong di siya pumasok, o di kaya naman ay nanakawan ka ng bagong biling iPhone 6—iilan lamang ang mga iyan sa milyunmilyong karanasan mo sa pangaraw-araw na buhay na maaring pagkunan ng hugot. Sa pagbugso ng iyong damdamin, minsan ay nakapagbibitiw ka ng mga salitang may malalim na palang pagpapakahulugan, at hindi mo namamalayan, humuhugot ka na pala. Sa kabilang banda naman, kung gusto mong gawing sadya ang paggawa ng hugot, nararapat mong tandaan na hindi mo kinakailangang maranasan ang isang situwasyon upang makagawa nito. Bagkus, kinakailangan mo lamang na maging malikhain at witty upang makapukaw ng atensiyon ang gagawing hugot. Sa paghugot, madalas na paksa ang isang karanasan sa buhay mo na makabuluhan at may malaking epekto sa iyong pagkatao. Ipinapares ito sa isang simbolong madali o eksaktong makakapaglarawan ng nais mong iparating. Ang resulta nito ay kailangang matalas, hindi paligoy-ligoy, at witty. Mula sa mga hakbang na ito, masasabing ang magagawang hugot ay isang manipestasyon ng paraan ng pag-iisip at pagkatao mo. Sa kasalukuyan, popular ang mga hugot na isinasama sa mga sining na hindi pangkaraniwan o may pagka-surreal, tulad ng makikita sa berlin-artparasites, dahil mas nakatuon ito sa paggising sa mga emosyon at damdamin ng makakakita kaysa sa pagpapakita ng realismo. Mas pinasisikat pa ng social media ang kultura ng hugot sa pamamagitan ng madaliang pagpapakalat, hashtag, at mga hugot contests na ginagawa ng mga page gaya ng Utot Catalog. Walang forever, sabi nga nila. Lahat ng bagay ay may hangganan, maski ang mga hugot na iyong ginagawa. Kahit nagkapatong-patong na ang eyebags mo kakaiisip sa tamang hugot na maglalarawan ng iyong emosyon, hindi pa rin nito mahuhuli ang tunay na esensya ng isang damdamin o pangyayari sapagkat makukuha lamang ito kung ikaw mismo ang makararanas nito. Samakatuwid, ang isang obra maestrang hugot ay masasabing anino lamang ng tunay na karanasan sa buhay. Bilang sining, ang hugot ay binubuo ng mga pananaw mo sa buhay na magbubunga sa

#Hugotserye Pagtanaw sa Gampanin ng Hugot sa Indibiduwal at Lipunan

PIA KRIEZL JURADO HERNANDEZ AT DEINZEL ROBLES UEZONO DIBUHO NI MICHAEL LORENZ DUMALAOG RAYMUNDO

Bilang isang tao, natural sa ‘tin ang maghanap ng referent group kung saan makararamdam tayo ng sense of belonging. Masasabi na ang paghugot ang nagsisilbing tulay ng indibidwal sa kanyang maaaring kinabibilangang grupo. Sa mga grupong ito’y malalaman mong marami pala kayong naghahanap sa kanya-kanyang mga sarili, na ‘yung situwasyong akala mong ikaw lang ang mag-isang nahihirapan ay naiintindihan din pala ng iba. Katulad na lamang sa love life mo, akala mo ikaw lang ang manliligaw niya, ‘yun pala eh talo niya pa ang iPhone sa pagmumulti-task—sampu kasi kayong pinagsasabay-sabay niya. Mahalaga para sa isang indibidwal ang hugot dahil labasan ito ng sama ng loob, ng sobrang katuwaan, ng lungkot dulot ng kabiguan at ng kung ano-ano pang emosyon; isang daluyan ng mga mabibigat mong damdamin. Sa pamamagitan ng paghugot, maiiwasan mong tuluyang malamon o malugmok sa kumunoy ng iyong mga emosyon at damdamin. Sa madaling salita, isa itong mabisang paraan ng pagmo-move on. Ang ideya ng hugot ay isang armas laban sa paniniwala ng lipunan na kahinaan ang kadramahan. Kapag madrama raw kasi, nalulunod na sa emosyon ang dapat na lohikal at rasonableng takbo ng pagiisp. Nilalabanan nito ang ideyang hindi makabuluhan ang paglalabas ng saloobing dulot ng mga laban at paghihirap natin sa buhay. Samakatuwid, pinapahalagahan ng hugot na likas sa mga tao ang maging emosyonal; isa itong magandang paalala na tao lang tayo—hindi manhid, at nasasaktan. “Linawin mo agad, ‘wag puro pambobola lang.” Habang tinatapos ang hugot mo, kailangang masusing pag-isipan at linawin ang magiging sadya ng hugot mo—kung ito ba’y pamukaw-atensiyon, pagpapaalala sa ating nakaraan, testamento ng saloobin, o pambasag lamang sa normal na buhay ng tao. Isaisip na malaking bahagi ng pag-unlad ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng iba’tibang emosyon at damdamin. Ang psyche

ng tao, kahit gaano pa kahirap unawain ay madalas pangunahan ng emosyon. Ang damdamin ng isang tao ang kalaban ng kanyang kaisipan, at sa pamamagitan ng paghugot na ginagamitan ng masusing pagiisip, nababalanse nito ang malakas na hatak ng emosyon sa iyong pagkatao.

Step 3: #HUGOTPag-ugnaySaLipunan “Ako ngayon. Ako pa rin ba bukas?” Hindi kumukupas ang hugot, kaya nama’y nagiging isang bahagi na ito ng pang-arawaraw na buhay. Ipinapakita nito na hindi lamang pagrepresenta sa emosyon ng indibiduwal ang nagiging tungkulin ng hugot kundi ay pati sa kasalukuyang estado ng lipunang kaniyang ginagalawan. What’s mine is yours and what’s yours is mine. Sa konteksto ng pagpapahayag mo ng damdamin, may mga hugot ka kung saan marami ang makaka-relate at makadarama ng mga dinanas mong paghihirap, at may mga hugot naman ang iba kung saan ikaw naman ang makaka-relate. Patunay nito ang pagshare ng mga tao sa mga post ng isa’t isa gaya na lamang ng sa berlin-artparasites, betsin-artparasites, at Utot Catalog. Tulad ng unrequited love mo, ‘di lahat ng hugot mo ay tiyak na makakapukaw ng kaparehong damdamin sa ibang tao. Malaking salik ang emosyon at tonong ibinabahagi sa pangkalahatang dating ng isang hugot. Pwedeng sabihing, “What’s ‘hugot-able’ for you may not be so for others”. Ganyan naman madalas, ginawa mo na ang lahat pero sadyang may mga taong kasing manhid ng kalyo mo at hindi marunong umintindi. Dahil madalas nating hindi pinapansin ang mahahalagang bagay sa paligid natin, magandang tingnan ang hugot na higit sa isang social at cultural trend. Sa kalawakan ng sakop nito, nagiging instrumento rin ito ng pagmulat sa kamalayan ng lipunan sa mga isyung hinarap ng mga Pilipino. Halimbawa, “Ang pagmamahal mo sa’kin ay parang budget cut—kulang na nga, tinitipid mo pa,”. Sa ganitong paraan nagiging mas malinaw sa mga makatatanggap kung ano ang nangyayaring isyu sapagkat naikokonekta ito sa emosyon at karanasan nila sa buhay. Samakatuwid, nagbibigay ng basehan at alternatibong paraan ng pagpapahayag ang hugot sa mga paksang kinakailangang bigyang ng atensyon tulad ng mga isyung kinahaharap ng ating bansa at ng ating lipunan. Sa paglipas ng panahon, ang kultura ng hugot ay hindi malabong umusbong bilang isang makabagong pamamaraan ng mga indibidwal upang maiugnay ang kanilang mga sarili sa ibang tao at sa lipunan.Sa pamamagitan ng paglikha ng serye ng mga sining na nagpapakita ng kanyakanyang nararamdaman, nagkakaron ng isang ugnayan ng mga emosyon kung saan maaaring maging bahagi ang bawat isa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Manila Collegian Volume 29 Numbers 05-06 by The Manila Collegian - Issuu