The Manila Collegian Volume 29 Number 04

Page 7

CULTURE 07

Volume 21 Number 04 october 12, 2015 | Monday

HUGOT HENERAL

Ang Bersyon ng Kasaysayan Ayon sa Paghabi ng “Heneral Luna” DEINZEL ROBLES UEZONO DIBUHO NI JAZMINE CLAIRE MARTINEZ MABANSAG

“Si Heneral Luna? Kaano-ano siya ni Juan Luna?” Nang lumabas ang trailer ng pelikulang “Heneral Luna”, dalawang tanong ang pumasok sa isip ng mga tao: una, “Sino si Heneral Luna?”, at pangalawa, “Bakit si Heneral Luna?” Sa isang lipunang humahanap ng bayani sa pigura ng Avengers, at umaapuhap ng konsepto ng pagbabago sa Game of Thrones, ang Heneral Luna ay isang matapang na paghananap ng pwesto sa naiibang panlasa ng mga Pilipino. Ngunit sa panahong higit pa sa pagusbong ng isang panibagong bayani ang kinakailangan ng lipunan, ang noo’y maliit na misyong maihiwalay ang Heneral sa pagkatao ng kanyang kapatid, ay napalitan ng isang mas malawak na misyon na yanigin ang paniniwala ng mga Pilipino ukol sa kanilang kasaysayan. Ang likha ng sining ay naging isang malakas na boses sa isip ng mga Pilipino na may dalang katanungan: sino ang tunay na kakampi o kalaban?

Pagbuwag sa Nakaugalian Kung magiging batayan ng pagiging isang bayani ang pagkakaroon ng isang imaheng good boy, malamang ay hindi na pasok si Antonio Luna dahil sa taglay niyang agresibo at dominanteng pag-uugali. Ngunit ito mismo ang kaisipang sinisira ng Artikulo Uno sa pelikulang Heneral Luna – ipinapakilala nito sa mga manonood na hindi iisa ang tipo ng mga indibidwal na maaaring maging “bayani.” Sa ating lipunan, nakasanayan nang nakabase ang bawat yugto ng ating kasaysayan sa mga taong nag-alay ng kanilang buhay.Halimbawa, kapag tinanong mo ang mga Pilipino tungkol kay Rizal, agaran nilang masasambit ang wagas na pagmamahal ng bayani sa Pilipinas dahil sa dramatikong pagkamatay niya sa Bagumbayan. Sa pagkiling sa piling personalidad ng bansa, mismong ang mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan ay lumiligis lamang sa mga maliliit na pagkakaiba sa personalidad o ugali ng mga personalidad. Isinasantabi na rin ang mahahalagang politikal, sosyal, at pangekonomikong mga kondisyon, at motibo sa kasaysayan. Ito ang isa sa mga mahahalagang “mito” ng interpretasyon ng kasaysayan na sinikap ng Artikulo Uno na bakahin sa pelikula. Halimbawa na lamang sa pagtalakay sa esensya ng “Treaty of Paris”, ipinakita ng pekikula na, taliwas sa pinalalabas ng ilang mga libro sa kasaysayan na “pasibo” ang mga Pilipino sa pagbebenta sa

kanya ng Espanya sa Amerika, may kakayahan ang Pilipinas na ipagtanggol ang kanyang kasarinlan noon. Ngunit ito ay nagapi ng pagpursigi sa sariling interes sa pangunguna nila Felipe Buencamino at Pedro Paterno. Dahil itinuturing na pinaka-makapangyarihan sa kanyang panahon ang Amerika, mas ninais nila na maging protektorado nito ang Pilipinas upang makinabang din sa pabor na ibibigay ng bansa. Ipinakita rin ng Artikulo Uno, na kahit na ang pangunahing tema ng pelikula ay umiinog sa buhay ni Antonio Luna, hindi maiaangat sa isang mataas na lebel ang personalidad ng Heneral nang hindi kinikilala ang mobilisasyon, pangarap, at interes ng mga Pilipino, sundalo man o hindi, na tumulong sa kanya upang maipagtanggol ang kasarinlan ng bansa sa bawat araw na pakikidigma. Hindi mabubuo ang pagkatao ni Heneral Luna, kung wala ang kanyang mga kanang kamay na sina Colonel Paco Roman at Kapitan Eduardo Rusca. Maging ang paunang pagtitiwala sa kanya ni Emilio Aguinaldo, at ang antagonistikong pakikitungo sa kanya ni Heneral Tomas Mascardo. Higit sa kanilang lahat, ang pagtitiwala ng mga sundalo sa hukbo sa kakayahang pandigmaan ng Heneral ang higit na nagpakulay sa kanyang pagkatao. Ang pagsasapelikula ng Artikulo Uno sa buhay ni Antonio Luna ay pagpapakita ng kaniyang katauhan bilang isang bayani at mamamayan ng Pilipinas. Binigyan nila ng pagpapahalaga si Luna bilang isang bayaning biktima ng paraan ng pagtanaw natin sa ating kasaysayan.

Natatanging Heneral ng Pilipinas Isa sa mga mahahalagang aspeto upang magtagumpay ang isang pamumuno ay ang pagsigurong ang interes ng lider at ng bayan ay iisa – lalo pa’t ang awtoridad ng lider na mamuno ay magmumula mismo sa mandatong ibibigay sa kanila ng bayan, na nakikita tuwing eleksyon. Ang dahilan mismo sa pagsulpot ng isang lider o gobyerno ay ang tao, at ang tungkulin nilang pagsilbihan at unahin ang kapakanan ng lipunan. Ito ang isang prinsipyong malinaw na ipinakita ng Artikulo Uno sa interpretasyon nila sa identidad ni Antonio Luna bilang isang lider. Ngunit ipinakita rin ni Heneral Luna na hindi sapat na may pagbuwag lamang sa sariling interes sa paglilingkod sa bayan – sa panahon ng pagtatanggol sa kasarinlan ng bansa, kritikal din ang pag-iisa sa sentimyento at isip ng buong bayan. Pinalakas ang konseptong ito sa pelikula noong nagkaroon ng distribusyon ng pare-parehong uniporme sa mga kawal. Ang pagpapagawa ng iisang uniporme ay katumbas ng pagbuo ng identidad na sila ay nagkakaisa at

handang lumaban sa mga Amerikano. Ipinakita rin ng Heneral na hindi sapat na maging isang lider lamang – kailangang mamumuno nang may katwiran at konsensya. Alam niya ang hangganan ng kanyang kapangyarihan, at batid din niyang ang magiging pagkalugmok ng kanyang hukbo at ng bayan ay dahil sa kanyang sariling kapabayaan. Sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility, lagi siyang handang managot para sa kanyang mga tauhan, at para sa masa. Kaya naman hindi hinahayaan ng Heneral ang aniya’y traydor na mga pakiwari ng ilang miyembro ng gabinete, dahil batid niyang nasa kanilang mga kamay ang magiging kapalaran ng kasarinlan ng bayan. Subalit kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagkabura na rin yata ng pagkaintindi ng mga lider ng bansa sa tunay nilang mandato. Eleksyon pa lamang, makukulay na mga salita at pangako ang ibinibigay sa atin ng mga kandidatong lider ng bansa subalit pagkaupo sa posisyon ay nakalilimutan na nila ang tungkulin at responsibilidad nila. Ang pagkabulag sa kapangyarihan ang nagiging dahilan kung bakit biglaang kapakanan na lamang nila ang isinusulong at ang interes ng mga taong nagluklok sa kanila ay nakalilimutan Dagdag pa rito, may mga lider ang ating bansa na hindi rin pinananagutan ang mga aksiyong ginagawa nila. Tulad na lamang ng paggastos sa pera ng bayan, hindi maiiwasang magkaroon ng mga politikong walang humpay ang pagwaldas dito para sa sariling mga interes nila. Kapag tinanong kung ano ang nangyari sa perang dapat sana’y nakalaan para sa mga mamamayan, kanyang-kanyang turuan na ng daliri ang nagiging eksena, at biglaan na lamang nawawalan ng pananagutan sa nasabing gawain.

pamilyang Pilipino. Makikita ito sa pelikula sa eksena kung saan inimbitahan ng mga opisyal ang kanilang mga pamilya upang sumakay ng tren kahit na nakalaan ito para sa mga sundalo ni Heneral Luna. Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kapakanan ng kanilang pamilya – isa sa pinakamatibay na manipestasyo nito ay sa larangan ng politika kung saan laganap pa rin ang political dynasties at nepotism. Kung minsan, may masamang epekto ang kagustuhang maitaguyod ang mga personal na interes. Halimbawa nito ang pagkamatay ni Heneral Luna na maaaring nag-ugat sa mga opisyal na naramdamang banta ang heneral sa mga posisyong hinahawakan nila. Lalong pinagtitibay nito ang kagustuhan ng mga Pilipinong maisulong ang kani-kanilang interes. Hangga’t hindi nababago ang ganitong kaugalian, mananatiling kaaway nating mga Pilipino ang ating mga sarili. Totoong ang pagkalugmok ng isang bayan sa kahirapan o kawalang kaunlaran ay maaaring bunga ng isang pamahalaan na kaiba ang isinusulong sa pangarap ng kanyang mga mamamayan. Subalit hindi dapat ipagwalangbahala na tayo man bilang mga Pilipino ay may obligasyon na umako ng responsibilidad para sa pag-unlad ng ating bayan. Nakakabahala ang takbo ng pag-iisip ng isang lipunang nawalan na ng tiwala sa esensya ng pamahalaan – wala na silang konsepto ng bayan, kung kaya’t inilalagay na nila sa kanilang mga kamay ang batas, at umaakto para sa kanilang sariling interes. Kailangang tulungan natin ang isa’t-isa na maging kritikal at mapanuri; na magtiwala sa kakayahan ng taumbayan mismo na itayo ang kanyang sariling dignidad, at makipaglaban para sa kanyang karapatan.

Kung buhay siguro ngayon ang Heneral, isang malutong na “P*nyeta!” ang matitikman ng mga lider ng bansang kanyang pinag-alayan ng mga pangarap at paghihirap.

Dahil sabi nga ni Heneral, higit pa sa mga banyaga at imperyalistang kolonisador, at sa pamahalaan, ang higit na kalaban ng bawat Pilipino ay ang kanyang sarili.

Para sa Ikabubuti ko Lamang

Ibinubunyag ng pelikulang Heneral Luna ang sakit nating mga Pilipino. Sinasalamin nito ang kasalukuyang estado ng ating bansa at minumulat tayo sa nangyayari sa ating lipunan. Anumang sakit na mayroon tayo ay dapat nang iwanan sa nakaraan. Tunay nga na dapat lahat ay magkaisa tungo sa interes na makabubuti para sa ating bayan.

Hindi naman maipagkakailang patuloy ang pagdausdos ng nasyonalismo sa Pilipinas. Kadalasan ay nalilimutan natin ang mas malaking larawang kinabibilangan natin at iyon ay ang bansang Pilipinas.Kung ang pagsulong sa interes ng Inang Bayan ay mangangahulugan ng hindi pagkatugon sa mga agarangpangangailangan, agad na itong binabalewala. Kadalasang kabilang sa mga personal na interes na ito ay ang pag-uuna sa kapakanan ng

Dahil hanggang sa matapos ang kwento ng kasaysayan, patuloy nating tatanongin kung sino ang tunay kalaban o kakampi, hangga’t hindi natin kayang pagkatiwalaan ang ating mga sarili.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Manila Collegian Volume 29 Number 04 by The Manila Collegian - Issuu