1 minute read

PANALANGIN SA Banal na Krus

PANGINOONG HESUKRISTO, Ikaw ay nagpakasakit sa Krus dahil sa pagmamahal Mo sa Diyos Ama. Kami ngayon ay nagtipon sa harap Mo upang alalahanin ang iyong pagpapakasakit, gunitain ang iyong kaluwalhatian at upang pasalamatan ka sa dakilang sakripisyong idinulot mo para sa amin Ang Krus Mo ang nagsilbing aming buhay at ang kamatayan Mo, anfg siyang nagdala sa aming kaligtasan Habang pinagninilayan namin ang diwa ng iyong pagpapakasakit, Idinadalangin namin na isugo Mo ang Iyong Banal na Espiritu upang mtanaggap namin ang katotohanan na kung hindi dahil sa iyong banal na sakripisyo, hindi kami magiging ganap Mong tagasunod. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na tanggapin, na ang pagpapakasakit at kamatayan, ang siyang pinakamalaking hamon sa aming buhay. Ang aming paghihirap at kamatayan ay napagtagumpayan Mo, sa pamamagitan ng lyong pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay. Gabayan Mo kami muling sa pananampalataya na dahil sa iyong banal na krus, makakamtam ang kaluwalkhatian.

Amen.

Advertisement

L: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo

R: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong

Banal na Krus ay iniligtas mo ang sanlibutan

L:Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo

R: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan

Amen.

This article is from: