Lapis sa kalye issue 4

Page 75

Ang daming tanong ni Ermat tungkol sa mga bilin niya at puro ‘opo’ at ‘oho’ lang ang sagot ko. Balik na naman sa pagig, ing matatakutin at masunurin. Kailan ba ako magkakalakas ng loob na gawin yung mga gusto kong gawin? Mag-MJ talaga at hindi stick-O. Pagtripan yung mga gangster na kami ang pinagti-tripan. Makipagtiti, gan sa mga adik, hindi yung palagi na lang nakayuko sa tuwing makakasalubong sila.

paglalakad niya. Nakangiti siyang humaharap sa akin tapos ay nag-hi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Batikan sa chicks yung katrabaho ko at sa kanya ako nagpaturo ng mga linya na dapat sabihin sa mga ganitong pagkakataon. Binigyan pa nga niya ako ng FIVE GOLDEN RULES na dapat kong sundin. Rule # 1: Smile. Huwag mong pahalata na kinakabahan ka. Ka, pag ngumiti ka magiging normal ang lahat pati ang tibok ng puso mo. Isipin mo na customer lang siya.

Langyang buhay ‘to o-o!

So nginitian ko din si Inna.

‘Noel! Hindi ka pa rin nagsasaing??!!’

Rule # 2: Magbigay ka ng topic. Yung sa tingin mo cool pagusapan. Gawin mong nakakatawa yung mga seryosong bagay.

O hinde! Oo nga pala! Paktay na naman ako!

Ano ba yung cool pag-usapan? Wala akong maisip. Bigla ko na lang nasabi yung nasa isip ko. O hinde! Na-break ko ata yungRule # 3: Huwag mong pakita yung negatibo mong emosyon. Dapat lagi ka lang chill at masaya.

CHAPTER TWO: TURN! Walang kasing sarap ang paggawa ng isang bagay na gusto mo at mahal mo. Kung sa lugar namin, palagi akong niloloko, pinagti-tripan at inaasar, dito sa University, ako ang hari. Well, sa classroom lang namin actually. Scholar ako dito obviously dahil hindi naman namin afford ang tuition. Kapag sa school talaga nag-iiba yung paraan ko ng pagsasalita. Anyway, kung may gusto akong maging reyna siya ang gusto ko. Oo siya. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nagpapatuloy pa rin ako sa pag-aaral. Kung wala siya, tinamad na ako dahil tignan niyo naman kasi, kahit na scholar ako dito marami pa ring gastos kaya working student nga ako e. Pero siwsiw na lang ang school kapag may inspirasyon at iyon ang napatu, nayan ko. “What is love?” tanong ni Sir German. Taas agad ako ng ka, may. Pagdating dyan madami akong alam pero nilagpasan niya lang ako ng tingin. Galit pa rin siya? Kasalanan ko ba kung hindi ko siya type? Tinanong niya si Inna. Dapat talaga hindi ko sinabi sa kanya na si Inna ang gusto ko, nadamay pa tuloy ang mahal ko.

“Love doesn’t exist. It’s just the—” kusang huminto ang mga tainga ko sa pakikinig. Love doesn’t exist? Biglang gumuho yung mundo ko. What the Fudge Inna? Ano yung sinasabi mo? Eto ba yung sagot mo sa sulat na binigay ko? O hinde! Kumiki, rot yung puso ko. Eto ba ang pakiramdam ng pagkabigo? Parang gusto kong pahintuin ang oras pero narinig ko na na, man ulit yung sinabi niya. “Love doesn’t exist. According to Law of—” What? O hinde! Nablanko ang paningin ko. Siguro nga hindi niya ako gusto. Ayoko na! Suko na ‘ko! Teka, paano kung hindi niya nabasa yung sulat ko? Tama! Baka hindi niya lang nabasa. Tatanungin ko siya mamaya. May pag-asa pa! Love does exist Inna! I can feel it! Uwian na! Nalingat lang ako saglit wala na agad siya. Nagmadali akong lumabas. Hinahanap siya sa gitna ng nag-uuwiang mga estudyante. Isinigaw ko yung pangalan niya. Bumagal yung lxxiv

“Love doesn’t exist?” sabi ko. Tumawa ako para hindi niya ma, halata. “Well, gan’own talaga. . .” sabi niya. Mukhang hindi naman niya napansin yung negatibo kong emosyon. Nice! Punta na ako saRule # 4: Eto yung pinakamahirap sa lahat. Tinatawag ko itong TURN. Ibabalik mo sa kanya yung nararamdaman mo sa pa, mamagitan ng mga banat. Ibalik mo lang nang ibalik at kung sino man ang sumuko siya ang talo. “Anong tawag mo sa ‘tin?” tanong ko. Napataas yung kilay niya. Effective! “Noel and Inna.” sabi niya. Tama si Jhong. Ibabalik at ibabalik niya talaga sa akin yung TURN kaya hindi dapat ako mag, patalo. “I mean, sa tingin mo ba hindi tayo nag-e-exist?” ngumiti siya. Nice Noel! Malapit na! Konti na lang! Ang tagal niyang suma, got pero hindi ako nagpahalatang naiinip. Pagliko namin sa pasilyo nagulat na lang ako sa biglang humatak sa akin. Ano ‘to? Bakit magkadikit ang mga labi namin ni Inna? Ang liwanag? Nasa heaven na ba ako? Para bang nag-flashback yung buong lifetime ko sa moment na iyon. Napapikit ako at sa pagdilat ko wala na siya. Tumakbo papalayo sa akin. An, ong gagawin ko? Wala sa RULE na binigay sa akin ni Jhong yung nangyari sa akin ngayon. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Masaya ba o malungkot. Iiyak ba o tatawa.

Shet! Ninakawan niya ako ng halik! RULE # 5: Don’t break the rules. O hinde! Naalala ko na! TURN! Hindi dapat ako nagpatalo! Kailangan kong ibalik kung ano yung ginawa niya sa akin. Hindi ko puwedeng sirain ang FIVE GOLDEN RULES kundi hindi ako magtatagumpay sa aking misyon!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Lapis sa kalye issue 4 by Lapis Sa Kalye - Issuu