'kelangan' dapat kailangan. Kung hindi bawas yun sa points. Hirap ako sa pagsunod sa mga ganun. Kung bibigyan natin ng tawag yung kung ano mang mayroon tayo baka hindi ko rin kayanin. Baka mapressure lang din ako. Baka hindi ko na rin ituloy yung kung ano mang meron tayo katulad nung pag, sali ko sa contest. Gusto kong sumali pero ayaw ko. Gusto ko na tayo na lang ulit pero ayoko din. Ang gulo ko noh? Parang tong kwentong to.
Butil ng Buhay CK Ramses Dapithapon nang ako ay makauwi galing sa paaralan. Du, madagundong na katahimikan ang siyang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay na halos ikabingi ko na. Walang ibang tunog ng ingay kundi ang bukod tanging pag, patak ng tubig sa may palikuran. Tubig na bumubuhay sa la, hat ng nilalang sa mundo mula sa mga halamanan at mga puno ng buhay hanggang sa lahat ng mga kahayupan at ng iba pang mga hindi nakikita ng mga mata sa loob ng daigdig, saan mang lupalop. Tubig na siya ring pumapatay sa lahat ng likha sa sansinukuban. Wala pa sina inay at itay.. Si inay na mag-isang kumakayod at naghahanap ng buhay sa lansangang walang kasiguraduhan at nakikipagsapalaran sa dagok ng mapaglarong buhay. Si itay na walang ginawa kundi ang magpakasasa at magpakalunod sa pampainit ng kaniy, ang tiyan na para bagang nagdadalang-tao sa katabaan nito, na dapat ay ipinanlalaman at ipinambibili namin ng makakain sa araw-araw, kasama ng kaniyang mga kaibigan. Tumungo ako sa maliit na lamesita at naghanap ng tinapay ng buhay ngunit ako ay nabigo dahil naunahan na pala ako ng mga mababait. Karakarakang tumungo ako sa palikuran namin, agad tumingala at naghintay ng pagpatak ng mas maliit pa sa isang butil ng bigas na butil ng buhay na nangga, galing pa sa tubong butas ng kapitbahay. Matapos kong maghintay ng walang hanggan, natapos na ang magpakailan, man, unti-unti nang nawawala ang pagpatak nito. Hindi bale sapagkat panandaliang napawi na nito ang uhaw ko, sapat na yaon para magpatuloy muli ako sa walang katapusang hamon na sobrang lupit kung humagupit na buhay. Hindi ko na nawaring ako pala ay nawalan ng malay at nagis, ing nalang sa ingay nina inay at itay. Pilit ko mang pigilan ang pagpatak ng luha sa nagtutubig kong mga mata ay hindi ko magawa. Ayan na naman sila. Nakaririnig na naman ako ng mga nakaririnding mga salitang hindi ko naman naiintindi, han at hindi ko alam dahil hindi pa siguro abot ng aking du, nong at karunungan sa kadahilanang masyadong mura pa ang edad ko at ako ay musmos pa lamang. Paulit-ulit kong naririnig, araw-araw sa tuwing ako ay uuwi sa amin. “Putang ina mo! Nanlalalaki ka na naman! Hinayupak kang walanghiya ka! Gago!” Kasabay ng mga ‘yun ang paghagulgol ng aking pinakamama, hal na inay na dahilan sa lalo pang umiigting na pagpatak ng nasasayang kong luha. Luha na kahit singpait ng buhay ko ay nananatiling tubig pantanggal uhaw kahalintulad ng pawis. Hindi na yata siguro titigil ang walang hanggang sigawan at bangayan nina inay at itay. Wala akong kayang gawin at wala akong magawa, ni hindi ko magawang maipagtanggol ang xlix
inay. Walang sapat na lakas ang nanghihina kong katawan na parang buto’t balat ngunit hindi lumilipad bagkus ay inililipad ng ihip ng buhay. Hindi ko magawang pigilan sila sa kanilang lambingang ewan. Hindi kakayanin ng mga mahihina at wa, lang kwenta kong mga buto sa tuhod. Tanging ang kaya ko lang gawin ay ang magtago at magku, long sa lumang tukador na yari sa punong Narra habang wa, lang tigil kong naririnig ang ingay nila. Mula sa pagbubukang-liwayway at pag-aagaw dilim hanggang sa pag, tatakipsilim, sa paglubog ni Haring Araw kasabay ng kawalan ng pag-asa ay nasa loob lang ako ng tukador. Doon habang namumugto at walang tigil ang pagtutubig ng aking mga mata hanggang sa wala ng matira sa gabutil ng buhay. Poong Maykapal.. Poong Maykapal na nasa itaas, Kayo na pong bahala.
Champ DJ W. Dan Bawat isa sa atin ay ipinganak daw na may kaakibat na ang, hel. Isang anghel na siyang parating na sa tabi natin upang tayo’y bantayan. Ngunit hindi katulad ng karaniwang bata, hindi ko yun pinaniwalaan noon. Kung mayroong anghel, bakit hindi ko sila nakikita? Bakit nadadapa pa rin ako at hindi niya yun ginawan ng paraan upang hindi ako masaktan? Sana man lang, ginamit niya ang pakpak niya para ilipad ako sa ligtas na lugar. Pero ngayong matanda na ko; kung kailan hindi na ko bata, tsaka ako naniwala sa anghel. Totoo ang anghel. Dipende ito kung paano natin titignan ang anghel na darating sa buhay natin. Katulad ko, nang makilala ko ang babaeng makakasama ko sa habang buhay, alam kong siya na ang anghel ko. Babantayan at aalagaan ako sa tuwina. Nang biyayaan kami ng anak, na isip ko, isang anghel na naman ang dumating sa buhay ko. Ang aming munting anghel na si Melody, na walang ibang idinulot sa amin kundi ligaya at kapanatagan. Bilang ama ni Melody, gusto kong ako mismo ang magsilbing anghel sa buhay niya. Poprotektahan siya anumang oras. Iin, gatan, babantayan at hindi siya iiwan. Kung posible lang ta, laga na sa kahit anong oras, hindi ako mawala sa tabi niya, ginawa ko na. Ngunit alam kong hindi sa lahat ng pagkaka, taon, na sa kanya ang mga mata ko para siguraduhin ang ka, ligtasan niya. Kaya nga’t laking pagsisisi ko ng minsang nawa, lay ako sa kanya at may nangyaring hindi maganda. Kasalukuyan akong nasa business trip nang mga panahong na sa peligro ang asawa ko at ang anak ko. Nasunog ang ba, hay namin. Sa kabutihang palad, hindi naman napahamak ang mag-ina ko. Ngunit ang pangyayaring iyon ay nagdulot ng matinding takot kay Melody. Takot na siyang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi na siya nakakapagsalita. Hindi ko na naririnig ang mumunti niyang halakhak. Ang ma, sigla niyang pagbati sa amin ng mommy niya sa umaga, at sa pagsalubong niya sakin tuwing uuwi ako galing trabaho, ng mga kwentong nangyari sa kanya sa buong araw. Pinawian ng sigla ang anak ko. Ninakaw ng trahedya ang mga ngiti ng munti kong anghel. Mag-iisang taon na rin simula ng maganap ang sunog. Mabilis naman kaming nakabangon mula sa pangyayari. Naka, lipat kami ng tirahan sa ibang subdivision. Sa lugar na ito, sini,