Lapis sa kalye issue 4

Page 47

Barbero Dodong Balot Kapag biniro ka ng tadhana huwag ka agad matawa dahil hindi mo alam kung ang birong iyon ay nakatalaga para pata, wanin ka o kaya birong tatagos sa puso mo’t magpapa-iyak pala sa iyo.Kaya kapag biniro ka ng tadhana, hangga’t maaari seryosohin mo. Kakaiba ang araw na ito, maraming nangyari. Bago ako umalis ng bahay yakap yakap ko ang aking anak, ngayong patapos na ang araw, narito kami sa ospital , yakap yakap ko uli ang anghel ng buhay ko. Napakasarap niyang yakapin, ito ang nagsisilibing pahinga ko sa buong araw na trabaho. Mabait, masunurin , magalang at napakamapagma, hal ng batang ito. Masaya ako’t lumaki siyang ganyan kahit wala siyang ina. Si Gloria, naalala ko nanaman ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko.Ilang buwan matapos niyang iluwal sa mundo ang anak naming si Nonoy, umalis siya. Sigu, ro’y hindi niya nakayanan ang bigat at hirap ng buhay. Naintin, dihan ko iyon, disi-sais pa lang naman kami noon, ang tang, ing alam ay magpakasaya’t magrebelde. Alam kong pareho kaming nagulat sa nangyari. Maaga kaming binulag ng pag, mamahal. Ganun pala, kapag bata ka at ang ginawa mong sen, tro ng paningin mo ay ang pag-ibig,maaari kang mabulag. At sa pagkabulag na iyon, mamumulat ka na lang na marami ka nang nasira. Siguro’y mabilis na nakakita si Gloria. Nakita niy, ang mali ang pagmamahal namin, mali ang mahalin ako, kaya iniwan niya ako. Nagkamali siya, dahil nanatili siyang bulag sapagkat di niya nakita ang anghel na yakap yakap ko ngayon. Nanatili ba akong bulag? Umaasa pa rin akong babalikan niya kami. Sabi sa sulat na iniwan niya , sana ay maging Masaya ako, kami ng anak niya. Hindi niya ba alam na mas mahirap magkunyaring masaya kaysa magkunyaring malungkot? Na, pakadaling malungkot. Hindi ko lang siya makita ng isang araw, malungkot na ako.“ Tay.. Tatay.. okey na po ba si ro, la?”“Ha.. ‘di pa nak, ginagamot pa siya ng Doktor.”Kakadrama ko sa nanay niya, nagising tuloy si Nonoy.“ ‘Giging okey lang si rola diba tatay?.”“ Oo ‘nak, ang galing galing nung Doktor na gumagamot kay Lola.”Tiningnan niya ako nang nakangiti. Kawawang Gloria,hindi niya naranasang makita ang anghel na ito.“Pag malaki na’ko ,gusto ko maging duktol pala ako na mag alaga kay rola ! Pati sa iyo Tatay, para rible!”, pagmamaya, bang ng anak ko. “Talaga? Salamat anak.” Binigyan ko siya ng halik sa noo at niyakap pa ng mahigpit.“Pelo, tulog muna ko tatay, antok na ko e!”Napatawa ako ng bahagya. “O sige nak, kukuwentuhan ka na lang ulit ni tatay.” Tuwing gabi, bago matulog kinukwento ko sa anak ko ang nangyayari sa maghapon kong trabaho. Madalas hindi ko matapos, madali kasi siyang nakakatulog. Pero ngayon kahit matulog na siya itutuloy ko ang kwento sobrang kakaiba kasi. Maaga kong inumpisahan ang paglalakad dahil hinabol ko ang hamog ng umaga—napakasarap. Kung may oras na pwede mong ipagyabang sa mga taga-Maynila, iyon ay ang umaga sa probinsiya. Sa aliwalas ng mga puno’t mga mukha ng mga tao na bagong gising, iisipin mong pasko lagi. Maswerte ako, sa tulong ng panahong ganito nababawasan ang sakit ng mga paa ko sa paglalakad ng malayo. Isa akong barbero sa bayan, minsan umeekstrang magsasaka. Tumutulong sa pagbibilad ng mga palay at mais, kaya siguro umitim nang ganito ang kutis ko. Napakahirap ng buhay , natutunan ko na agad iyon sa edad na Bente. Lalo na at lumaki akong walang tatay. Na, matay ang aking ama noong bata pa ako, nabangga ng kotse. xlvi

Kaya eto lumaki akong sanay na sa hirap. Yung iba ang pino, problema mga grado nila sa pag-aaral, perang pang-iinom nila ng mga barkada nila, yung bulok nilang selfon na napagiiwanan na dahil naka keypad pa rin, kung papaano liligawan yung babaeng nagpapakilig sa kanila , samantalang ako, pino, problema ang bubuhay sa amin ng anak at nanay ko. Maswerte si Gloria at nakatakas siya sa sumpang ito. Gloria nanaman. Ayoko na muna siyang isipin. Ituloy natin ang kwento. Nakalahati ko na ang distansiya ng bahay at ang bar, berya ng biglang makakita ako ng mga taong nagkumpulan sa daan. May aksidente kasing nangyari. Ayoko na sanang maki-tsismis kaso nagulat ako nang makita ang kaklase ko nung elementarya, si Joseph. Si Joseph ang laging binoboto noon na maging Adonis sa klase namin, guwapo kasi kaso hanggang mukha lang ata ang maganda sa kaniya. Ubod ng yabang, yung tipong mawawala espiritu mo sa katawan sa so, brang lakas ng hangin kapag kausap mo siya. Kotse niya pala yung nabangga ng isang traysikel. Galit na galit siya, napuno kasi ng gasgas yung iniingatan niyang sasakyan. Nangingiti naman yung ibang usisero, isama mo na ako. Siguro’y iniisip nila ngayon, “Buti nga sa’yo! Ang yabang mo kasi”. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, habang iniisip yung nangyari sa mayabang na kaklase. Naawa ako sa kanya, kahit ano kasing singil ang gawin niya doon sa drayber ng traysikel alam kong walang maibibigay ito sa kanya na pampaayos. Ganyan talaga ang buhay, minsan pag wala kang problema, bibigyan ka bi, gla. Pasado ala siyete na ako nakarating sa barberya, naroon nang naghihintay sa loob ang isa sa mga kasama ko, si Eros. “ Maganda ang araw pre, napanaginipan kong maraming mag, papagupit sa atin ngayon.” Yan si Eros, halos lahat ng ikwekwento niyan tungkol sa na, panaginipan niya sa nagdaang gabi. Kakaiba ngang tao to e, napakapositibo niya lagi. Masarap kasama ang ganitong tao, mahahawa ka.“ Talaga pre? Sige, uwi ka nalang ipaubaya mo na lang sila sa akin.”“Ano ka? Sinuswerte? Hindi makakapasok si Ricky, nilagnat raw.” Si Ricky, siya ang may-ari ng barberyang ito. Napakabait na tao. Kung papabinyagan ko ang anak ko, kukunin ko itong ninong. Ayoko kay Eros, baka gayahin lang siya ng anak kong sa panaginip lang lagi ang pangarap. “ Oh, kawawa naman, napapadalas ang pagkakasakit ni Bosing.” “Ganyan talaga, pag puro bisyo ang inaatupag, walang pagmamahal sa kata, wan. Bibilis ang buhay mo.” Bakit ako, puro pagmamahal ang alam ko pero parang napapadali ang buhay ko. Ewan, minsan talaga ang gulo ng buhay. “Pre, si Mayor.” Napalingon ako sa labas. Si Mayor Marcelo nga, mukhang papunta sa barberya namin. May mga kasamang malalaking lalaki na nakabarong. Aakalain mong inililibing si Mayor sa suot nila. Kumakaway kaway pa ang walanghiyang (patawad sa mura) pulitiko. May sumusunod rin sa kanyang tao na may hawak na kamera at isang reporter. Isang sikat na reporter, Dorina Manchez ata ang pangalan. Ang kutis parang labanos. Swerte ng magiging asawa nito. Tuloy-tuloy sa pagpasok si Mayor sa aming barberya. Nagulat naman kami ni Eros. “ Magandang Umaga Mayor Marcelo.” Bi, gay galang ni Eros. “Magandang Umaga, puwede ba akong magpagupit?”, sabi ng matanda. “ Ah.. siyempre po. . di..dito..”, inalalayan ni Eros ang Mayor sa pag upo. Nakangiti lang ako sa kanila habang tinitingnan pa rin si Dorina, na ngayo’y nagrereport na ata sa harap ng kamera. Binawi ko ang tingin ng bigla itong pumasok. “ Manong, pwede po ba kayong main, terbyu?”. Tanong niya sa akin. Oo! Ni Dorina Manchez! “ Ah. Sige po pero wag ni’yo na po akong tawaging manong. Bente pa lang po ako ,” magalang kong sagot. “Ha! Bente ka pa lang?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Lapis sa kalye issue 4 by Lapis Sa Kalye - Issuu