Lapis sa Kalye Online Magazine issue no 9

Page 14

Panulat || Eveask Evangelista Disenyo || Binibining_K

Kabataan, ako’y nagalak ng tayo’y nagtagpo Kahit na sa kalagitnaan na ito ng Agosto. Sa unang araw pa lamang ng rehistro, Ang suporta n’yo ay todo-todo. Maging sa ikalawang araw, kayo ay aktibo. Tumulong sa bawat nangangailangang miyembro. Tumugon sa bawat tanong na ibinato sa inyo. Sadyang maasikaso ang inyong grupo. Sa ikatlong araw, mas lalo ko kayong hinangaaan. Pagsasalita sa wikang filipino ,inyong pinatupad sa paaralan. Hindi inalintana ang maaring mangyari, Maisabuhay lamang ang wikang itinatangi. Sa pagsapit ng ika-apat at ika-limang araw, Masidhing pagmamahal ang aking natanaw. Sa tula, nobela at paskil na inyong ginawa, Naipakita ninyo ang inyong pagdakila sa sariling wika. Sa ika-anim na araw, inanunsiyo n’yo ang mga nagwagi. Ang iba ay tumangis, ang iba ay ngumiti. Napakasakit nito sa mga taong nabigo Ngunit wala ng sasakit pa sa ginawa ninyong pagbabalik-anyo. Sa ika-pitong araw, bumalik na kayo sa dati Tila ba walang man lang nangyari. Paksang pangungusap o paggamit ng tamang bantas man, O maging ang simpleng pagsalita ng sariling wika ay inyong kinalimutan. Kabataan, bakit tuwing Linggo ng wika lamang kayo nagiging Filipino? Napakasakit dahil napakagaling n’yong magbalat -kayo. Kung gaano n’yo kabilis ang wika ay itinangi, Ganoon n’yo rin kabilis iniwaksi.

14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Lapis sa Kalye Online Magazine issue no 9 by Lapis Sa Kalye - Issuu