Communi-K 2nd Quarter 2013

Page 14

15 Tips

Tunaw taba sa minutos

Ni John David Ulangca

Ilang beses mo na bang pinlanong mag-gym? Isa, dalawa, o hindi mo na matandaan dahil busy ka sa iyong trabaho, at iba pa. Kaya naman pag-uwi mo sa bahay ay mas gusto mo na lang ang mag-relax kesa pagurin ang katawan sa gym. Pero teka, hindi natin dapat isa walang bahala ang ating kalusugan. Maging payat man tayo o may kalusugan importante pa rin ang pag-eehersisyo. Hayaan niyong tulungan ko kayong makagawa ng workout plan na swak na swak sa busy schedule niyo. Magugulat ka na matapos ang trabaho at ehersisyo ay may oras ka pa para kay mister o misis at makakapagpahinga ka pa habang pinapanood ang paborito mong teleserye. Game ka na ba?

15 minutong guide ng pag-eehersiyo Ikundisyon ang sarili at i-set mo sa isip mo na may goal ka na dapat mong makuha. Sa pagkabasa mo pa lang ng tip na ito sigurado akong sasabihin mo “15 minuto lang naman kada araw eh sisiw yan!” pero ang tanong hanggang kailan mo ba ‘to kayang panindigan at gawin? Mag set ka ng goal! Yung parang gusto mong patunayan na magagawa mo ito ng walang mintis dahil ang unang kalaban mo dito ay katamaran.

5

MINUTO 14 |

Communi-K • vol. 10 no.2

Jogging. Mag-jogging sa labas ng bahay o mas nirerekomenda ay sa mga parke sa loob ng limang minuto. Magsuot ng komportableng damit upang maayos na maigalaw ang katawan at maiwasan ang pagkadapa o anumang aksidente. Kung malayo ang parke sa inyo at inaalala mo ang polusyon sa labas ay maaari mo itong gawin kahit sa loob lamang ng bahay. Ito ang tinatawag na jog in place o ang pagtakbo ng di umaalis sa kinatatayuan mo. Parang nagte-threadmill ka lang, ang kaibahan nito ay wala kang makina.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Communi-K 2nd Quarter 2013 by Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI) - Issuu