nailabas mo ang isang tekstong maaaring itama ng iba. Ang tamod ang simula. Mas madali at mas mahirap ang kaso ng mga rehiyunal na wika sa Filipinas. Mas madali kasi ito ang tamang gawin. Mas mahirap kasi kailangan mo pang maghanap ng mahusay magsalin sa wikang rehiyunal at kailangan mo s’yang kumbinsihin na gamitin ang kanyang kapangyarihan para sa tamod. Ikawalong utos: Wag lang sa papel maglalabas. Gumawa ng video. Gumawa ng kanta. Kumuha ng larawan. Iwebcam ang sarili na binabasa ang iyong sanaysay. Kantahin sa tono ng “Leron, Leron, Sinta” ang iyong maikling kwento. Iphotoshop ang mga pangungusap ng iyong nobela para gawing meme. Hindi kailangang maging viral. Meron bang viral na tamod? Ikasyam na utos: Tandaan, tungkol ito sa indibidwal. Magtiwala sa sarili, kahit tinatawanan, kahit pinapatronize, kahit na ipinapapatay. Ikwento ang iyong buhay, ang pagbubugbog sa iyo, ang pagsakay mo sa jeep, ang iyong mga tagumpay, ang iyong mga pagkabigo. Wag makikinig sa mga akusasyon ng pagiging narsisistiko sa mga taong tunay na pangalan ang nasa byline.
113
Ikasampung utos: Tandaan, tungkol ito sa lipunan. Ang ibang tao ang kikilala sa iyo. Ang ibang tao ang lilikha mula sa nilikha mo. Ang ibang tao ang kakampi mo laban sa dahas, kahihiyan at takot. Tandaang walang silbi ang sperm kung walang egg cell. Isalabing-isang utos. Tandaan, tungkol ito sa wika. Sa ikasampung utos, finefeminize ang lipunan, at ang indibidwal ang inilagay sa agresibo, aktibo at masculine na posisyon. Marka ng kultural na imperyalismo ang paggamit ko ng “masculine.” “Namatay si Nanay makaron.” “Gaga ooh lala.” “Talinghagang talipapa!” Ang tamod ang kinabukasan, o walang kinabukasan. Katulad ng wika, ang tamod ay malagkit. Kumakapit ito, gumagapang sa balat, sa tela, sa kahoy, sa buhok. Ayaw nitong pakawala. Ang tamod ang tahanan ng pagiral. Inilalabas ng tamod ang tao. Kapag ginamit sa masama, nakakabulag ang wika. Ganito rin ang tamod, pag pinatama sa bukas na mata. Maaari ding hadlang sa lalamunan ang tamod. May mga tamod na nanatili ang lasa sa bibig, kahit na matagal nang nalulunon. Nangmumulto ang tamod, tulad ng mga salita. Ang amoy ng tamod ay maaaring