Totoy Lipad!: Ang Pambungad

Page 1




Hello! Ako si Bitoy, Grade 4 student ng St. Francis School sa may Caloocan. Pauwi na’ko mula sa klase namin, at hindi ako mapakaling makauwi na! Nakumpuni kasi ni Itay ang luma niyang radyo, at may bungad siya sa’kin na hinding-hindi ko mapapalagpas: Ang unang pag-e-ere ng Totoy Lipad sa DZKK Kabataan Radyo! Tingin po kayo sa kaliwa! Ganito palagi ang eksena ng mga kapwa ko estudyante sa school bus. Hindi maalis-alis sa harapan ng screen ng mga gadgets nila ang mga kasama ko, o di kaya’y naka-glue sa mga tainga nila ang headphones nila.


Hindi ako mapalagay! Wala akong makausap sa kanila sa bagong teleradyo sa DZKK. Palibhasa, jologs daw ako. Hindi daw ako updated sa mga bago at uso. Ngunit, hindi ba uso sa kanila ang gumamit ng imahinasyon?


Mukhang ako lang muna sa amin ang makaririnig ng bagong serye. ‘Di bale! Baka maibahagi ko sa kanila ito sa ibang araw! Pero sa ngayon... kailangan kong tumakbo! Mag-a-alas tres na’t baka mahuli ako sa panibagong kabanata!


Magsisimula na! Saan kaya ako lilipad ngayon?




YEHEY!!! Sa kalawakan kami tutungo’t lilipad ngayon! Marami-rami na akong narating na lugar, pero ito na ‘yata ang isa sa mga pinakamasayang paglalakbay ko!


Iniidolo ko talaga si Totoy Lipad. Nakararating siya sa mga lugar na nais niyang tuklasin! Kahit saan, kahit kailan., nararating nang napakabilis!

Gusto kong ibahagi sa mga kaklase ko ang mga lugar na napuntahan ko. Pero, ang hirap ikwento sa kanila, lalo na’t kung sa mga mamahaling panlaro sila nakatuon.


Gusto kong maging tulad ni Totoy Lipad. Ngunit, sa isang punto, kailangan ding bumaba at lumakad matapos ang paglipad sa alaap. Haaay... ‘Di bale -- paglaki, ko, lilipad pa rin ako! Hindi man sa hawig niyang anyo, ngunit naka-angkla ang mga pangarap ko!


Bukas kaya... saan naman kaya ako tutungo?


Ang Pagsilang kay Bitoy at si Totoy Lipad Inilikha ko si Totoy Lipad noong ako ay nasa ikatlong taon ko sa high school. Sumali ako sa isang t-shirt design contest kung saan ang tema ay “being a kid at heart”. Sa pagbasa ko ng temang ito, dali-dali kong naalala ang paborito kong gawain sa hapon noong ako’y bata pa: manood ng cartoons. Hango si Totoy Lipad mula sa mga karanasan ko bilang isang bata (tulad mo noon!) na namulat sa panonood ng telebisyon. Paborito ko ang mga karakter na may kakayahang lumipad -- ang dami nilang lugar na nararating sa isang kisapmata! Ang mga superhero characters at palabas sa telebisyon din ang naging inspirasyon ko sa pagiging malikhain at pagguhit. Kaya’t ang pagsulat ko ng pambungad sa kwento ni Bitoy at paglipad niya kasama si Totoy Lipad ay inaalay ko sa aking kabataan.

Saan mo gustong lumipad ngayong araw?


I am Joseph Caligner, also known to my peers as “Ligs”. I am a senior Information Design Student of the Ateneo de Manila University. Traditionally, I’ve practiced to be inclined with many fields of art, but I am an illustrator at heart. I illustrate stories for kids, since a large amount of my time during my younger years was spent on drawing characters from children’s series and fantasy films. In drawing characters and stories for kids, I hope to inspire them to use their imaginations freely and creatively as possible. “Totoy Lipad!: Ang Pambungad” is a prologue for a mini series I’d like to write in the future. The story is essentially written for kids whose imagination runs wild across the skies and soars for places they wish they could go to. More importantly, “Totoy Lipad!” is about using one’s imaginations, and learning to dream By kids (at heart), for kids (and kids at heart, too!)

You may visit my portfolio at behance.net/josephcaligner or josephcaligner.tumblr.com Comissionship? Collaborations? You may email me, too, at josephcaligner@gmail.com!



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.