Cymo 2021 | The Encounter | June 2021

Page 41

Hubad Santijmlo

Kinausap ko ang kalangitan, Ba’t tunay na pag-ibig ipinagkakait, Ang lunas na lang ba ng kahapong pighati, Ay dalawang katawang busog sa madaling sandali. Tinanong ko ang kalangitan, Ano ba ang kasalanan? Ayaw ko na ng katawang uhaw sa kaaliwan, Diligan ang pusong nagnanais ng katotohanan. Sumagot ang kalangitan, Yan ba talaga ang iyong ninanais? Pwes pumunta ka sa hardin ng walang damit, May diwatang naghihintay. Parehas kayo ng kinakamit. Tinanong ako ng kalangitan, Bat ‘di mahubad yung kaluluwa, Pag-ibig diba yung hinahanap mo hindi katawang ligaya? Oo, pero takot ako humubad. Kinausap ako ng kalangitan, Hubad na kaluluwa ay higit sa hubad na katawan, Gumuho man ang mundo, kaluluwa’y mananatili. Kaluluwa o katawan ika’y pumili. Sumiklab ang kalangitan, Bumalik ka sa iyong pinanggalingan, Suriin ang sarili kung ano ang kagustuhan, Aliw ng katawan o Pag-ibig na katotohanan, At kung sigurado ka na, Tatanungin ulit kita, ‘Yan ba talaga ang iyong ninanais?

31


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Cymo 2021 | The Encounter | June 2021 by The Carrier - JBLCFB - Issuu