Cymo 2021 | The Encounter | June 2021

Page 30

Dapithapon Jasele Mae Priolo Nais kong matutong gumuhit upang mailapat ko ang aking mga alaala kasama ka sa mga blankong papel na siyang maghahayag kung gaano kadalas mo akong naging minsan. Nais kong matutong umawit nang marinig mo naman ang mga boses— dumadagondong, nakakabingi, ngunit kailanma’y hindi mo ninais pakinggan. Nais kong matutong sumayaw umindak kung kinakailangan kung sa bawat indayog ng musika ay siyang pagsabay ng iyong nararamdaman. Nais ko at nanaisin ko pa rin na matutunan kung papaano tayo naging tugma, naging payapa, naging sigurado. Sa mga panahong sinandal ko ang aking ulo sa iyong balikat, sabay sa paglubog ng araw sabay ng bawat dapit-hapon.

Illustration by Emmy Nava

20


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Cymo 2021 | The Encounter | June 2021 by The Carrier - JBLCFB - Issuu