
1 minute read
PANUKALANG PROYEKTO
Pangalan ng Institusyon: National University – Laguna
Address/Kinatatayuan: Km 53, Pan Philippine Highway Brgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna 4029
Advertisement
Pamagat: Bote para sa Bola: Fund Raising Event – Paggamit ng Isports sa Pangangawisa ng Kapaligiran sa Brgy. Palo-alto, Calamba, Laguna
May-Akda: Balbuena, Jamizes
Arboleda, Marc Bradley
Virtucio, Niel Hans
Querubin, Kimberlee
Berso, Joollian Mallory
Adap, Ma.Izabelle Alexis
Kurso: Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
Taon: Mayo 2023
Ang mga basurang katulad ng plastic bottles ang malaking problemang kinakaharap ng ating bansa sa kasulukuyang panahon Upang matugunan ito, ang proyektong “Bote para sa Bola” ay naisulong. Ang layunin ng proyektong ito ay mahikayat at maturuan ang mga mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura gayundin ang matutong makapag-ipon ng mga plastic bottles, kapalit ng pakikipaglaro sa liga na may larong basketball at volleyball. Layunin din nito na magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran lalo na sa lugar ng Palo Alto at magkaroon ang mga mamamayan ng karagdagang kaalaman tungkol sa benepisyo ng pagrerecycle ng mga basura lalo na ang plastic bottles. Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang matutugunan nito ang suliranin sa basura sa Barangay ng Palo Alto at maipakita sa iba pang karatig lugar nito ang kahalagahan ng tama at iba pang kapamaraanan sa pagrerecycle.