
7 minute read
LITERARY

PAGLAUM
ni Umbriya
May mga panahong kumakalat ang dilim, Makapal ang ulap, walang mga bituin, Minsan ay maulan, minsan makulimlim, Ang buwan ay nakatago, tila walang liwanag sa dilim,
Advertisement
Sa bawat pagtakbo't paglakad, minsan ay madadapa,Sa buhay araw araw, di maiiwasan ang sakuna, Mga problema na ating mararanasan, Hindi kayang iwasan ngunit ating malalagpasan,
Sa bawat pagharap natin sa buhay, may mga pagsubok na magpapatibay, Sa bawat pagsubok na kinakaharap, Laging may solusyon na nakasangkap,
Pagkitil sa sariling buhay at hininga, Hindi tunay na kapayapaan ang dala, May liwanag ang araw na naibibigay, Mga taong handang tumulong at umagapay,
Kaya't lagi nating natatandaan, Ano mang kapighatian ay malalagpasan, Sa mundong tila palaruan, Masarap mabuhay nang lumalaban.

SANDAL SA ARTIPISYAL
ni Guerrero
Magtanong ako sayo ay agad tutugon ka, Mga suliranin bibigyan mong reaksyon at importansya, Sa kaunting pagpipindot ng daliri, Lalatagan mo ako ng kumpletong piyesa.
Nagsikap ba ako kung hihingin ko ang iyong tulong, O’ hindi kaya sa presensya mo ako’y malulong, Sa mga personal o pang-akademikong tungkulin, Dapat ba kitang katuwangin?
Iba’t ibang paksa ay kaya mong talakayin, Mga asignatura ay posibleng himayin, Ngunit ‘di ka dapat maestro ng henerasyong ito, 'Di ginawa para sa lahat ng responsibilidad namin.
Nando’n na tayo sa mahusay mong abilidad, Pagsagot sa tanong na walang kupad, Ngunit may nakapagsabing wala kang kalidad, Detalyado man ay walang autenticidad.
Nawalang saysay, pagsasaliksik at mga libro, Nang bigyang pansin ka sa mundo, Sino ba sa’tin ang tunay na matalino, Sino ba satin ang mas uto-uto?

"NAY, MAY SASABIHIN PO AKO"
ni Bahaghari
Wala sa sariling hinubad ang sapatos, Kahit pa nakadamit, binuksan ang gripo, Dinama ang lagaslas ng tubig, Hinihiling na mahugasan ang sakit,
Ulo’y nakayuko, blanko ang mga mata, Hindi makapaniwala ngunit puso’y umiinda, Na sa kabila ng pagod at sakripisyo, Resulta’y ‘di umaayon sa ating gusto
Malayang bumagsak ang mga luhang kinimkim, Nagsilbing sandigan ang apat na dingding, Sa kabila ng nakabibinging katahimikan, Isip ay gulong-gulo’t puno ng katanungan
Paano mailalabas ang mga salita sa bibig, Paano mapapanatili ang ngiti sa labi, Nangangamba sa reaksyon ng taong binigo, Ngunit katotohana’y hindi maitatago
Pagbukas ng pinto’y sumalubong, Ang mukhang may bakas ng pagtataka at tanong, Kahit walang intensyong sabihin, Mga luha ay hindi nakuhang magsinungaling
Hindi akalaing magpapasalamat sa mga nainom, Kakatwang ito ang nagsilbing lakas ng loob, Nanlalabo ang mga mata sa luha’t humihikbi, Dismayado sa sariling sinabi…
‘Nay, meron po akong singko’ ‘Bumagsak po ako’ Lalong napahagulgol sa iyak, Nang hindi sampal kundi mainit na yakap ang natanggap

THRESHOLD OF OPPORTUNITIES AND TRIUMPH
by Leo
Folks say Industrial Engineering is an underdog, Little did they know, they have more career paths than other, Industrial Engineering is so much more than their biased monologue, They will provide infinite knowledge as you discover
IE's are bound to design systems and each will be trained like a soldier, For them to make the processes more convenient, they will be equipped with skills and experience, Engage into uselful learnings to prosper, And choose which field of industry to commence
Although thee may find it hard usually, Still, countless doorstep has its own openings, And every gateway hiddens a great opportunity, That will shape the young professionals in the making
To inherit absolute proficiency, Acquire good manners and etiquette, Where you can see the future vividly, And make the world of industries more excellent

JEEPNEY
ni Crescenda
Sa maingay at mausok na lungsod, Samu’t saring tao ang sumasalubong, May mayaman, mahirap, estudyante, empleyado, Iba’t ibang katauhan na may kanya kanyang pangarap.
Bayad po! Para sa kinabukasan ng pamilya, Sa pag-arangkada mula umaga hanggang gabi, Tinitiis ang gutom at pagod, Para sa katiting na salapi.
Sa isang masikip at siksikan na sasakyan, May isang tao na umuuwi para sa pamilya, At para sa pangarap.
Para po! Para sa panibagong araw na tatahakin, Sa pag-alis ng madilim hanggang sa pag-uwi, Dala parin ang pagod ng kahapon.
Peee Peeep! Busina ng hari ng kalsada, Katuwang ng Tao sa kinabukasan. Sumasalimin sa kulturang Pilipino, Umaarangkada para sa sariling Mithiin.
Sa pamamasada, may kita, Paano nalang kung wala ang jeepney?Maraming mapipinsala, Hanapbuhay, pamumuhay, pamilya
Sa panahon ng modernisasyon, May isang tao na uuwi sa tahanan, Na sasalubungin ng isang bata at sasabihing, “Tay, may pangkain at pang-baon na po ako?”

FAKE NEWS
ni Alapaap
Marami sayo'y naniniwala, Kala ng iba'y sila ay may magandang mapapala, Mga impormasyong walang basehan, Kalat sa internet at kahit saan man
Mga tayo'y nabibiktima, Kanilang nalalaman ay mali na pala, Hindi ba't magdudulot ito ng kaguluhan? At kalituhan sa makababasa o makapakikinig man
Malaki ang nagiging epekto, Ng pagpapakalat ng walang patotoo, Lalo na't kung usapang pag-aaral, Na pundasiyon ng pagkatutong mag-aral
Bilang isang kabataan, Tayo'y makiisa at unahan Pagpuksa sa pagpapakalat ng maling impormasyon, Atin sanang gawing layon at bigyan ng aksiyon
Bawat siping inaanalisa, Bawat piyesang binabasa, Hanapan ng pruweba at basehan, Bago gamitin ang mga nalalaman
Kaya't habang maaga pa, Matuto tayong umusisa pa, Atin sanang isipin, Kung totoo o hindi ang mga nalalaman natin

PAGWAWAKAS
ni Cameron
Sa bawat pagsikat ng araw, may bagong pag-asa, Sa bawat pahina ng ating buhay, may lungkot at saya, Sa bawat oras na lumilipas, may mga bagong memorya, At sa bawat pagtatapos, may panibagong simula
Sa bawat dulo ng landas, naroon ang pagwawakas, Pagtitiyaga at pagsusumikap, susi para sa pangarap, Mga hamon at pagsubok, kakayanin at lalampasan, Upang maabot ang inaasam na kinabukasan
Sa wakas, ang lahat ng ito ay nagbunga na, Mga sakripisyo at hirap ay aking kinaya, Ang pagod at puyat ay napalitan ng saya, Lahat ng ito ay handog ko para sa aking pamilya
Mahabang panahon ang iginugol sa pag-aaral, Ngunit hindi napagod ang mga nagpapa-aral, Dugo at pawis ay kanilang ibinuwis, Upang ang landas ng aking buhay ay hindi lumihisA
ko'y naging matatag at nanatiling kalmado, Sa kabila ng mga salita na kanilang ibinabato, Hindi nagpatinag sa mga pang-iinsulto, At pinatunayan na may mararating ang isang tulad ko
Ngayon, handa na kong lumipad, Upang lakbayin ang panibagong landas, Sa mundong puno ng mga pagsubok, Pangarap kong abutin at marating ang tuktok.

FINDING SOLACE IN SOLITUDE
by Spade
Exhausted from the day's long journey and strife, The traveler drifted off into a peaceful life, Dreaming of sunshine, flowers, and a winding path, Feeling warm and content with a friend by his side, at last.
He walked with joy and gratitude in his heart, For the company of this friend set him apart, But as he reached the end of the trail, He woke to a painful truth that made his heart fail.
For the friend he thought he had found, Was merely a reflection of himself, all around, The shock was palpable, the pain immense, As everything turned gray and the dream faded hence.
It took him time to gather his wits, To stand up and continue his journey, bit by bit, But he emerged stronger and wiser, you see, For he learned that himself was his only true company.
Now, his path is different from before, For he walks with confidence and purpose, evermore, For he knows that his inner strength will guide him through, In this journey of life, that's his to pursue