
6 minute read
OPINION

SCROLL NOW, CRAM LATER
ni Jonh Paulo Montealegre
Advertisement
Napapailing na lang ako habang nakatingin sa screen ng phone ko sabay tawa. Relate much kumbaga, tama nga naman siya sa post. Heto ako ngayon nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim, de joke lang. Heto nga ko nakahiga, hawak ang phone ko, tamang scroll lang sa FB, kala mong walang tambak na gawain, sa bahay, sa school tapos malapit na deadline. Saka ko na gawin mga yun, 'di pa naman talaga deadline e. Kakapit tayo sa 11:59 rule with matching adrenaline rush. Oh, wag n’yo sabihing di n’yo gawain yan ah. Estudyante rin ako tulad n’yo kaya malamang sa malamang alam ko na yang mga ganyang bagay.
Tapos habang palapit nang palapit ang oras, minuto, hanggang segundo na lang, saka doon maggagahol at magrereklamo. “Hay naku, bakit kasi ang bilis naman ng pasahan”, “Dapat kasi ginawa ko na agad e”. Ilan lamang yan sa mga linyahang kadalasang sambit ko o nating mga estudyante. Yung tipong kaysa unahin gawin ang schoolworks e siyempre tamang nood muna sa tiktok. Pag nagsawa puntang FB o kaya IG. O di naman kaya magtatry gumawa tapos pag hindi naintindihan e manonood kesyo sa YT para matuto tapos ang ending nagbingewatch lang pala ng mga vlogs.
Haaaaay, napabuntong hininga na lamang ako ng malalim. Diba dami ko ng nasabi dahil lang sa isang post na nakita ko sa FB kakascroll. Napapaisip lang ako, pa’no naman yung iba na talagang masisipag gumawa, yung kauupload lang sa teams o gclass e nasagutan na nila agad. Samantalang ako siyempre uunahin muna magphone. Sana ol na lang talaga diba.
Hanggang kailan kaya ako ganito, kailan kaya ako dadapuan ng kasipagan. Sa totoo lang sinusubukan ko naman talaga, kaya lang hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko lagi akong wala sa wisyo gumawa. Hindi ko alam pero siguro nasa'kin na rin talaga yung problema kasi sila nagagawa naman nila e. Alam ko naman din na kaniya-kaniya tayo ng sitwasyon sa buhay, yung iba siguro maraming gampanin sa bahay o kaya naman yung iba ay nagtatrabaho.
Ayy ewan di ko na alam, saka ko na isipin ulit yan. Sa ngayon tuloy ko muna magscroll sa FB. Kaya ikaw na nagbabasa nito, oo ikaw, hindi coincidence na nabasa mo ito. Ano pang hinihintay mo, scroll now cram later ayy este gawa now, scroll later.

CAREER PLANNING: EMBRACING THE PROCESS
by Kristine Mae Cabrera
Approaching college graduation is a moment that fills many of us with both excitement and fear. It marks a paramount accomplishment, solidifies and validates the strenuous exertion we've invested in our undergraduate years, and celebrates our present achievements while anticipating even more great opportunities in the future. Despite this, why are so many college graduates are expeditious to panic rather than appreciate this crucial time in their adolescent lives?
Well, probably because the answer is another question. What now?
As we prepare ourselves to enter the real world, where you can apply all the knowledge you've learned in school and pursue the fields we've dedicated years of education and training to. The pressure to find employment right after graduation and have a well-defined plan for our future can be daunting. While some individuals may have secured a job by the time May arrives, others may find themselves in an indefinite process of constantly researching, applying, and hoping for a match.
The reality is that it's fine to not have your career perfectly planned out and secured before you've even donned your cap and gown. The job-search process is just that: a process, and there's no point in settling for or rushing into a position that doesn't suit your interests or needs just so you can say you've got something waiting for you when you walk out these doors.
According to figures from researchers at the University of Washington, the average job search time for college graduates is 6 months. In an article in Degree Planet, "The industry you’re in can impact how quickly you find employment after college graduation, as can timing, geography, and other factors." "Generally speaking, though, more learning typically leads to better earnings, even if finding the right job sometimes takes time."
While graduation will eventually come and go, the job-search process may persist—and that's fine. Be kind to yourself; keep honing your skills and gaining experience. Understand that with patience and determination, you will find the right position for you.

BASEHAN NG PANALO AT PAGKATUTO: PANALO KA KAPAG?
ni Julie Ann Villanueva
Hindi maikakaila ang samu’t saring partisipasyon at reaksyon ng mga netizen mula sa social media patungkol sa napapanahong posts na “panalo ka kapag..” ngunit sa kabilang banda, sino nga ba ang hindi mapapatanong kung saan ka nanalo?
Kabi-kabila ang mga facebook posts patungkol sa pagkapanalo, ang ilan ay binibigyang diin ang mataas na grado, ang iba ay dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, ang ilan ay ibinibida ang pagkapanalo sa pagkakaroon ng maganda at gwapong kapatid, at mayroon din namang mga nananalo pero hindi na lamang isinasapubliko.
Sa panahon kung saan ang lahat ay parang nagiging mas kumplikado, mula sa edukasyon, trabaho, personal at maging sa pag-ibig, sino ba ang gusto na matalo. Bawat tao ay may angking husay at talino at depende sa pagkatuto. Kung kaya’t ang simpleng pagbabahagi kung saan ka nanalo o sa kung anuman ang mayroon kang ipinagmamalaki mo ay hindi maliit na bagay sapagkat, ito ay tumatalakay rin sa pagkilala at pagpapahalaga sa kung ano ang mayroon ka.
Sa nalalapit na pagtatapos ng taong pang-akademiko, isa sa kapana-panabik ay ang paglabas ng grado at pag-ani para sa dedikasyon ng isang estudyante sa loob ng ikalawang semestre. Ang bawat grado na sumisimbolo sa talino at sipag ng tao ay numero lamang na maaring makita, ngunit ang pangmatagalan na aral at karanasan na magagamit sa mga susunod na panahon ay hindi matatawaran.
Anuman ang numero na makita mo, pula man or berde ang bumalot sa portal mo, maituturing mo pa rin ang sarili mo na panalo. Hindi madali ang tumungtong sa estado kung nasaan ka man ngayon. Bawat kilos at desisyon na ginagawa mo para ituloy ang pangarap mo ay makokonsidera bilang panalo kaakibat ang pagiging positibo sa lahat ng bagay na magagawa mo para maging inhinyero. Mahalagang tandaan, hindi mo kailanma’y ikakapanalo ang pagkatalo ng iba.
Sa dulo nito, napagtanto mo na ba kung saan ka nanalo? Ito ang maimamarka ko sa’yo…