Hasik at Ani March - December 2018

Page 11

Hasik at Ani

MARSO - DISYEMBRE 2018

ISPORTS

11

HRC Badminton Team muling binuhay

KUHA NI JUSTINE DAQUIZ KAPSYON NI RAINIER BERNABE

Ni Jade Jadormio Arman Joseph Manlalangit, bagong coach ng Holy Rosary College Badminton team, muling binuhay ang badminton team ng HRC pagkatapos itong di masilayang nag eensayo sa loob ng campus sa loob ng ilang buwan. Kamakailan lamang ay muling nakitang nag eensayo ang HRC Badminton team na binubuo ng mga manlalaro na baguhan pa

(Kaliwa papuntang kanan) AJ Manlalangit, Joyce Ann Barroso, Jeanine Paz, Hoshaihna Tibay, Katherine Villanueva, Allyssa Mae Reyes, Andrei Barrenuevo at John Reed Galindon.

lamang at ang mga manalarong dati ng kasapi ng HRC Badminton Team. Hindi lamang coach ng badminton team si Manlalangit, isa rin siyang guro sa HRC sa iba’t ibang baitang. Bago pa man naging isang coach at guro sa ay naging isang manlalaro rin siya ng Badminton noong nasa elementarya at high school sya sa HRC. Ayon sakanya ay dalawang magkasunod na taon siyang naglaro

sa Palarong Pambansa nung sya ay isa pang manlalaro ng HRC. Ngayong hindi na siya isang manlalaro, ayon sakanya ay gusto niya ring maabot ng kanyang mga manlalaro ang kanyang mga naabot noon kagaya ng Palarong Pambansa ngunit gusto niya ring mas higitan pa ng mga ito ang kanyang naabot at gusto niyang makita ang mga ito na maging parte ng National Team at irepresenta ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Kinapanayam ko ang nasabing bagong coach ng badminton team at inalam ang kanyang sagot sa aking tanong na gugustuhin niya bang makita ang kanyang mga manlalaro na maglaro rin sa Palarong Pambansa katulad niya, “Syempre naman. Pero ayoko na yun lang ang i-aim nila. Gusto ko rin na maging part sila ng National Team at makapag laro sa iba’t ibang bansa,” ayon kay Manlalangit. Ang ibang mga manlalaro ng HRC Badminton Team ay madalas na nating marinig ang mga pangalan at umani na ng mga patimpalak bago pa nila maging coach si Manlalangit, ngunit hindi lahat sila ay dati na nating naririnig ang mga ngalan. Sa muling pagka buhay ng HRC Badminton Team ay nagkaroon ito ng mga bagong kasapi na ngayon ay sinasanay ni Manlalangit upang makilala rin sa larangan ng badminton, ngunit kahit na ang mga baguhang manlalaro niya ay hindi pa masyadong nasanay ay pantay pantay pa rin ang pagbibigay niya ng oras at pag bibigay aral sa mga ito. “Ang ineexpect ko sakanila ngayon ay sundin nila lahat ng mga tinuturo ko sa kanila… Binibigyan ko sila ng time parehas kasi hindi naman pwedeng pabayaan ko na agad yung marurunong na,” sambit ni Manlalangit.

Dating HRCGVT libero Martin sa kanyang unang yugto sa UAAP Ni Jade Jadormio Rizalinda Martin, dating libero ng Holy Rosary College Girls Volleyball Team, ay muling patutunayan ang kanyang galing sa panibagong yugto ng kanyang karera bilang isang manlalaro ng UAAP Women’s Volleyball sa koponan ng University of Santo Tomas Lady Tigresses. Hindi lamang UST ang paaralang sumubok na kuhanin siya upang maglaro para sa kanilang koponan kung hindi pati na rin ang Ateneo de Manila University ngunit sa UST nya pa rin piniling sumapi dahil una pa lamang daw ay dito na niya gustong ipagpatuloy ang kanyang karera kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong makapaglaro sa UAAP. Sa unang tatlong taong paglalaro ni Martin para sa HRC

ay isa siyang utility spiker ngunit sakanyang pang apag na taon ay sinanay siya upang maging isang libero dahil sa kakulangan ng koponan ng HRCGVT sa manlalaro. “Utility spiker ako before. We have three liberos noon but something came up at lahat sila ay lumipat ng school. May ginawang libero na mga ka-teammate ko pero hindi sila naging effective...” sambit ni Martin. Sa kanyang anim na taong pagiging manlalaro ng HRC, ay Palarong Pambansa ang kanyang naging huling laro bago nita tuluyang lisanin ang HRC at magpatuloy sa paglalaro sa UST. “Super eager ako na manalo, at the same time nalulungkot kasi yun nga last playing year ko na”, sabi niya. Bigo silang makamit ang inaasam na gintong medalya sa Palarong Pambansa,

gayunpaman ay ginawa niya ang kaniyang makakaya at binigay ang buong lakas upang makatulong sa kaniyang koponan. Sa panibagong yugto na kaniyang kakaharapin ay matinding pag babalanse sa kaniyang oras ang kaniyang kakailanganin dahil hindi lamang pag subok sa pagiging manlalaro ang kaniyang haharapin ngunit pati na rin ang unang taon niya sa kolehiyo. “Mas mahirap ngayon kung ikukumpara noong Junior high school at Senior high school, mas kailangan ko ng time management, sipag at enjoynment sa ginagawa ko”, aniya pa. Hindi pa sigurado kung makapaglalaro na si Martin sa susunod na season ng UAAP ngunit patuloy pa rin siyang mag eensayo sa koponan ng UST.

MGA KUHA NI PATRICIA EPISTOLA KAPSYON NI JUELLIANNE ONG Rizalinda Martin, dating libero ng Holy Rosary College Girls Volleyball Team (HRCGVT.)

Sa panibagong henerasyon ng mga manlalaro ng HRC Badminton team ay hinihingi ng kanilang bagong coach ang kanilang kooperasyon at dedikasyon sa paglalaro para mahigitan ang mga nakuhang gantimpala ng mga nakaraang Badminton Team ng HRC. “Sa tingin ko naman kaya naman higitan kung yung mga player ay mag sisipag din ng training. Kasi may mga students na ginagawa lang nilang past time ang pagiging varsity. Kaya bago pa lang mag start yung training naming sinabihan ko na sila na kailangan ko yung 100% commitment nila…” sambit ni Manlalangit. Noong ika-14 ng Hulyo ay nakakuha agad ng gantimpala ang mga manlalaro sa elementarya ng HRC Badminton Team na sina Jean Barrosso at Kyrie Reyes na nasungkit ang gintong medalya. Noong ika-15 naman ng Hulyo ay ang mga manlalaro naman ng high school na sina Deun De Guzman at Hiroyuki Dy ang nagpamalas ng kanilang galing at sinugkit ang silver medal. Sa muling pagka buhay ng HRC Badminton Team ay kaagad silang nagkamit ng mga gantimpala kahit na kasisimula pa lamang nila sa pag eensayo ilang lingo ang nakararaan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Hasik at Ani March - December 2018 by The Beads - Issuu