Hasik at Ani Agosto 2014
5
OPINYON
Para sa atin
Verlin Entena
TAGAPAYO, THE BEADS CAMPUS MEDIA ARTS
BAKIT parang simula’t sapul ay mayroon nang matatagpuang mga reklamador? Sila yung mga pumepengol sa status quo. Mga hipsters, kung baga. Mula sa simpleng mga mag-aaral na nagsasagawa ng hunger strike dahil sa pagtaas ng matrikula, hanggang sa mga militanteng radikal na nagsusunog ng mga imahe ng kung sinu-sino sa kalsada, lahat sila ay kumikilos upang ipaglaban ang mga kagustuhan at karapatan nilang hindi nasusunod o naigagalang ng mga nakatataas tulad ng pamahalaan. Eh paano ba yan? 2014 na, labing-isang taon matapos ang pinakahuling matagumpay na EDSA Revolution, 28 na taon makalipas ang unang inkarnasyon ng nabanggit, subalit tila mga anay sa isang lumang bahay ang mga demonstrasyon. Hindi nauubos. Tila hindi na tayo kailanman naging masaya sa pamamalakad. Kung sa bagay, tama nga lamang naman at ang damdamin ng demokrasya ay dapat patuloy na isinusulong at ineensayo paminsanminsan, subalit nakalulungkot isiping business as usual na lamang ang mga pagwewelga. Naging natural na stimulus na lamang ito tuwing may tataas na presyo o kung anumang dahilang kawelga-welga. Dahil dito ay tila nababalewala na lamang ang mga protestang ito. Dahil dito, dapat tayong magmuni-muni. Ang konsepto ba ng publikong pagprotesta ay laos na at isa na lamang bang kalokohang dapat nang itigil? O ito ba ay isang apoy na dapat panatilihing buhay kahit na ito ay isang maliit na ningas na lamang? For every action, there is an equal and opposite reaction. Batay sa common sense, natural lamang na dumarating ang panahon na kapag wala talagang nakikinig sa iyo, gagawa ka ng ingay para mapansin ka. Wala itong pinagkaiba sa mga protestang nagaganap. Marahil ay walang nararamdaman na suporta ang ilan at dahil dito ay gumawa sila ng sariling paraan para mapansin sila, kahit na kahiya-hiya man para sa lahat ng kasangkot. Para sa mga nagpoprotesta, ayos lang ito dahil nakaangkla naman ang gawain sa isang pagpapatunay na hindi nananatiling bulag ang mga tao at sunud-sunuran lamang sa mga pangyayaring idinudulot sa atin ng mga nakatataas na otoridad. Na tayo ay aktibo at hindi reaksyunaryo. Na hindi tayo basta-bastang madidiktahan nang walang sapat na kadahilanan. Ika nga, fight for what’s right, fight for your right. Mula sa isang medyo sosyolohikal at metaporikal na perspektibo, ang panlipunang kundisyon ay dapat na parang tubig na patuloy na dumadaloy at hindi nakatengga sa isang batya sapagkat pamumugaran ito ng mga lamok na maaaring makapatay sa atin. Ibig sabihin, dapat ang patuloy na ebolusyon ng lipunan sapagkat ang lubusang pananatili sa garapon ng status quo ay maaaring magdulot ng matindi at marahas gulong gagapi sa mismong layunin ng pagtatatag ng lipunan. Dito pumapasok ang ating boses ng pagprotesta, ang ating paglaban sa sistema mula sa loob mismo nito. Naghahatid tayo ng isang bagong ideyang hahamon sa nakasanayan at mula sa mga ito ay makabubuo ng isang bagong ideyang magiging panibagong nakasanayan. Kung titingnan naman natin ang nakaraan ng ating bansa, malaki ang naiambag ng pagprotesta sa ating pagkakakilanlan, mula sa ating karakter bilang bansa hanggang sa uri ng pamamalakad ng pamahalaan. Tulad ng nabanggit kanina, dalawang EDSA Revolution ang nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuno ng bansa. Ang una, nagpalaya sa atin sa diktaturya. Ang boses natin ay dati nang narinig sa isang pambansang rebolusyon. Batay sa mga rebolusyong pinasiklab ng mamamayan mismo, tayo ay naging mga Pilipinong palaban. Sa ganitong paraan tayo maaalala ng mga dayuhan. Kung tutuusin, parang wala naman talagang dapat pag-awayan sapagkat ito ay isang mahalagang manipestasyon ng demokrasyang ilang daang taon nating ipinaglaban upang sa wakas ay makamit. Sabi nga sa Article 3, Section 4 ng ating Konstitusyon, ipinagbabawal ang mga batas na maaaring kumompromiso sa ating kalayaang magpahayag sa isang mapayapang pamamaraan. At tama lamang na patuloy nating ipaglaban ito. Subalit marami ring katumbas na katwiran ang nagsasabing hindi na natin ito kayang gawin. Tila nawala na yata ang power sa People Power. For every action, there is an equal and opposite overreaction. Nagmimistulang isang ideyal na lamang ang nosyon ng isang pamahalaan ng mamamayan, para sa mamamayan, at mula sa mamamayan. Isa na lamang hamak na buto’t balat na bersyon ang ideya ng publikong pagprotesta ng dating pagkakakilanlan nito, sapagkat tila buto’t balat na bersyon na rin lamang tayo ng mga dating kumakatawan nito. Tila hinayaan na lamang natin ang ating mga sarilng humantong sa pagkakaroon ng kumpyansa at pagiging passive at reaksyunaryo, ang mismong uri ng pag-uugaling nilalabanan natin. Kalimutan na ang nakasaad sa Konstitusyon sapagkat mukhang tayo na mismo ang hindi kumikilala rito. Kung sosyolohiya naman ang pag-uusapan, upang magkaroon ng pagbabago ng sistema mula sa loob ng sistema, tulad ng negosyo, nangangailangan ng pampuhunan. Kailangan ng tinatawag na symbolic, cultural, at social capital. Isang magandang halimbawa ang paglaban ng mga magsasaka para sa kanilang lupa, ayon sa batas. Maituturing na ang estado nila, sa kanilang paglalakad ng libu-libong kilometro para lamang sila ay dinggin, ang nakapagbigay sa kanila ng symbolic capital sapagkat nagdulot ito ng atensyon at simpatiya para sa kanila. Mula rito, nagkaroon din sila ng social capital, dahil maraming lumapit sa kanila upang gamitin ang kanilang mga koneksyon upang maihain nang mabilisan ang kanilang daing sa pamahalaan, at cultural capital na naidulot ng pagtulong ng mga kinauukulan at may malawak na kaalaman na nanggaling sa mga koneksyong nabanggit. Sa panahon ngayon, marahil ay makakatamasa pa rin tayo ng symbolic at cultural, subalit may lubusan tayong kakulangan sa social capital. Kung paglaban sa karapatan naman ang pag-uusapan, alam pa nga ba natin ang ating mga karapatan? O basta-basta na lamang tayong mga sunud-sunuran sa mga ideyang idinulog sa atin? Ika nga, knowledge is power. Marahil ay hindi na nga gaanong nagtatagumpay ang mga publikong protesta dahil nakakalungkot mang aminin, marami sa mga nagsisisigaw sa mga kalsada ang walang kunpletong ideya tungkol sa ipinaglalaban nila. Tila nagmumukhang nag-aaklas na lamang sila, o tayo, ngayon para lamang masabing nagaaklas pa rin tayo. Tila naging bilanggo na lamang tayo ng mga luma at hindi na umunlad na ideyang idinulog sa atin dahil hindi na natin sinikap pang maging rebolusyonaryo at pabor sa pagbabago. Tila pinili na lamang nating mabaon na nang tuluyan sa sistemang ninais nating baguhin at puro overreaction na lamang tayo. Karamihan sa mga nabanggit ko ngayon ay mga di-katiyakang tayo lamang ang makasasagot, subalit para sa ating lahat, marahil ang mabuting simula ay kaalaman, o social capital, o power, kung anumang gustuhing katawagan. Tayo ay may karapatang mag-aral at dapat ay sinusulit natin ito. Marahil ay bago tayo makialam, siguraduhin nating mayroon talaga tayong alam. Sa pagkahaba-haba ng sulating ito, marahil ay malinaw na malinaw na sa ating lahat na ang publikong protesta ay dapat binubuo natin mismo, para sa atin mismo, at galing sa atin mismo. Ang pag-alab ng apoy ng publikong protesta, ng freedom of speech, at ng ating karakter bilang isang makapagpapaganap na lipunan, ay nakasalalay sa atin. Sa atin lamang.
Sentido Kumon
Hindi ka istatwa AYAW ng taong inaapi, minamaliit, sinasaktan, inaasar, at pinapahiya. Ngunit marami ang may gusting mangapi, magmaliit, manakit, mang-asar, at magpahiya ng iba. Bakit? Ang bullying ay ang paulit -ulit na pananakit sa isang tao sa pamamagitan ng pagbibitaw ng masasamang salita, pananakit na pisikal, pagpapahiya sa maraming tao at marami pang ibang paraan. Maraming mangyari ito sa internet, sa anyo ng cyberbullying, o sa totoong buhay. Madalas itong nangyayari sa mga kabataan ng mababa at mataas na paaralan at kalimitang nagiging mabigat ang epekto ng bullying sa pag-iisip at pamumuhay ng mga biktima nito. Marami ang hindi kinakaya ang pakiramdam ng
SHAMERRY ADATO sfadato@gmail.com
inaapi at nakakaramdam sila ng matinding depresyon at yung iba, dahil sa tindi ng paghihinagpis, ay tuluyang namamaalam sa mundo at nagpapakamatay sapagkat sa kanilang pag-iisip, walang nagtatanggot sa kanila at iyon na lamang ang nakikita nilang lunas. Bakit kailangan pang pumunta sa puntong iyon? Sadya lang ba talagang masayang makitang naghihinagpis sa sakit ang mga batang biktima ng bullying? O dahil wala talagang pakialam ang mga tao? Hindi titigil ang problema kung walang mangunguna sa pagpigil ditto. Hindi rin ito lalala kung walang magpapalala nito. Walang maaapi kung may magtatanggol. Walang mangaapi kung may magpapanagot sa kanila.
Pagliliwanag
Tamang paggalang LIKAS sa ating mga Pilipino ang gumalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at “opo”, o sa pamamagitan ng pagmano sa mga matatanda. Ang katangiang ito ang nagpapatangi sa ating sa mga karatig na bansa. Sa panahon ngayon, tila dahan dahan nang nawawala at napapalitan ng kawalan ang paggalang sa kapwa, lalo na sa mga nakakatanda. Marami sa kabataan ngayon ay tila walang pakialam sa kanilang mga magulang. Nagbibingi-bingihan tuwing napapagalitan o kaya ay sinasagot pa na para bang walang respeto sa kausap nila.
Sa lahat-lahat, simple lamang ang solusyon. Sa bullying malaki na ang problema. Huwag ka nang dumagdag sa pagpapalaki nito ngunit dumagdag ka na lang sa pagpapalunas nito. Hindi ka istatwa. Kaya nating tumulong ngunit pinipili nating huwag gumawa, hindi bigyan ito ng importansya, at magmistulang istatwa sa ating kinaroroonan tuwing may nabibiktima ng bullying. Ang ganitong klaseng pag-iisip at pagkilos ang nagapatibay sa kulturang dapat ismo nating baguhin. Maraming solusyon sa problema. Kailangan lang na may magpapatakbo nito. Huwag maging istatwa upang malutas ang problema.
JOHN LOYD DE TROZ johnloyd.detroz.98@gmail.com
Dito sa ating paaralan, masasabi din na unti-unting nawawala ang paggalang sa nakakatanda. Mayroong mga estudyanteng hindi nagpapakita ng respeto sa kanilang mga guro o humihingi ng tawad tuwing sila ay nakakagawa ng kasalanan, na parang walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng taong nakakasalamuha nila. Mayroon ding mga hindi nakikinig sa mga pangaral ng kanilang mga guro. Maaari ang sanhi ng pagkawala ng respeto ay ang impluwensya mula sa ibang tao lalo na ang mga impluwensya mula sa ibang bansa. Makikita natin sa mga
pelikula ng mga banyaga ang kawalan ng paggalang ng kabataan sa mga matatanda at ang ideya ng pagrerebelde. Posible ring manggaling ito sa mga social networking sites. Ang pagrespeto sa mga nakatatanda ay isang katangian na di dapat tanggalin o ikahiya at sa halip ay dapat pagyamanin at pahalagan dahil isa itong kaugalian na kaaya-aya. Ang mga ganitong uri ng gawain ay wag nating hayaan na mabaon na lamang sa limot at matakpan ng paglipas ng panahon dahil isa ito sa mga yaman na napagpapatangi sa ating bansa.
pwesto niya bilang kongresista. Mahalagang tungkulin ito kung saan nakadepende sa kanya ang sensitibong kondisyon ng kanyang mga pinamumunuan. Marami ngayon ang nagtatanong kung ano ngayon ang magiging epekto nito sa kanyang kakayahan na tustusan ang pangangailangan ng mga taga-Saranggani. Napakaraming mga
tanong at spekulasyon ang lumilitaw ngayon matapos ang pagsali ni Pacquiao sa PBA. Marami rin ang kumukwestyon sa kakayahan niyang maging matagumpay sa lahat ng ito, mga bagay na nais patunayan ni Pacquiao sa paglipas ng panahon habang tinatahak ang magkakaibang mga larangan.
Sa tatlong... <<1 | Kaakibat ng paglalaro sa PBA ang halos araw-araw na ensayo bilang paghahanda sa bawat laro. Maging sa pagboboksing, puspusang pagsasana y rin ang kailangan. Nangangahulugan ito ngayon na may panahon kung saan mamimili si Pacquiao sa dalawang larangang pampalakasan. Isa pang makapagpapagulo sa balanse sa oras niya ay ang
Liham sa Patnugot NOONG isang araw, muli kong narinig ang pag-awit ng “Lupang Hinirang” sa pangunguna ng isang koro mula sa ibang paaralan. At sa pag-awit nila, ay saglit kong napagnilayan ang angking ganda ng ating pambansang awit kapag ito ay inaawit nang sabay-sabay ng maraming tao kaysa kung inaawit ito ng isang tao lamang, tulad ng mga nakasanayan natin sa mga laban ni Pacquiao maging sa ating mga morning assembly. Mahirap ipaliwanag. Basta para sa akin, may karagdagang impact ang pag-awit nito kapag in chorus. Sa patuloy na pagninilay ay naihambing ko ang karanasan ng pag-awit ng pambansang awit sa kolektibong gawain ng pagiging makabayan. Ang pagiging makabayan ay mas epektibo kung isasagawa ng marami at hindi lang ng iisang tao. (Isang mag-aaral mula sa Grade 9)