November 2017 - Tagalog

Page 1

NOVEMBER 2017 SA MGA BAGONG DATING: BAKIT NATIN IPINAGDIDIWANG ANG THANKSGIVING?

Observed Holidays for the Month of November: United States: November 10th: Veterans Day November 23rd: Thanksgiving Day Philippines: Novemeber 1st: All Saints’ Day

Noong 1863 pa ipinagdidiwang ang Thanksgiving sa Amerika. Opisyal itong nagaganap tuwing ika-apat na Huwebes ng buwan ng Nobyembre. Ngayong taon, magaganap ito sa ika-23 ng Nobyembre. Para sa maraming mga Amerikano, ang pagdiriwang na ito ay sinisimbolo ang pagtatatag ng kanilang bansa. Ang orihinal na kusa ng Thanksgiving ay para pasalamatan ang mga lokal na katutubong Amerikano sa kanilang pagtulong sa mga bagong dating na Pilgrim Settlers sa Amerika. Dahil kararating niyo lamang sa bansang ito, maaaring nagtataka kayo kung papaano kayo makakasali sa pagdiwang kung hindi niyo pa siguradong alam kung tungkol saan talaga ito. Pero ngayon, madalas nang ipinagdidiwang ang Thanksgiving nang naka-sentro sa pagkain katulad ng pabo, patatas, atbp. Dahil dito, nagiging pasasalamat sa pagkakaron ng pagkain ang pagdiriwang. Ngayon, hindi man kabuoang nailalarawan ng Thankgiving ang pagtatatag ng Amerika, iginagawang araw ng pasasalamat na ang pagdiriwang upang mabigyang halaga ang mga nakapaligid na kapamilya, kaibigan, at iba pang mga biyaya.

November 2nd: All Souls’ Day November 30th: Bonifacio Day

A Few Sites for Philippine-US News: https://www.balitangamerica.tv/ http://asianjournal.com/ http://www.philippinenews.com/

U.S. FUN FACT! Isang-kapat ng milyong Pilipino ang nagsilbi para sa hukbo ng Estados Unidos noong IkalawangDigmaang pandaigdig. 250,000 na Pilipino ag nakipaglaban sa ilalim ng bandila ng Amerika noong panahon ng digmaan. www.facebook.com/hopesresearchstudy www.facebook.com/groups/HoPESTambayan

EB-5 GREENCARD PROGRAM Nabibigyan ng programang EB-5 ang mga Pilipino ng ibang pamamaraan makakuha ng green card para maging legal na residente ng Amerika. Ito ay nagsisimula sa pamumuhunan sa negosyo sa Amerika, bago man o hindi, sa U.S. at paggawa nito ng 10 permanenteng, full-time na trabaho. Kung maaprubahan, ang mga asawa at anak (na hindi pa kasal at hindi pa 21) ng investor ay maaaring makakuha ng green card; at maaaring maaprubahan ang 2-taong conditional green card na maging permanente. Maganda ang programang ito dahil hindi kailangang maghintay para sa mga Pilipinong nasyonal. Kapag naapruban na ang petisyon, maaaring simulan kaagad ang proseso sa pagkuha noong conditional green card. Mga 6 na buwan ang prosesong ito. 90 araw bago magtapos ang conditional green card, maaari nang simulan ng investor at ng kanyang pamilya ang pag-file bilang permanenteng residente. Kung kayo ay interesado, siguraduhing kumontak sa EB-5 immigration attorney para masigurado na tama ang inyong pagsasagawa ng proseso at papeles. Source: http://asianjournal.com/immigration/eb-5-green-card-program-a-way-to-bring-your-entire-familyto-the-us-2/

1-888-849-9854 (toll-free) 310-825-5853 (Los Angeles local)

hopesstudy@ph.ucla.edu


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.