Bumbilya Jacinth Banite
“May na-rape na naman daw na dalaga diyan sa kabilang barangay.” Ito ang bungad ni Mama habang inihahain ang mga ulam sa lamesa. Bahagyang napahinto ako sa paghahanay ng mga plato at kutsara sa lamesa, isang pares para sa bawat upuang nakapalibot dito. “Tsk tsk! Grabe na talaga ang panahon ngayon!” dagdag ni Papa mula sa dulo ng hapag-kainan. Inilapag niya ang baso ng kape, hindi mabaling ang atensyon mula sa dyaryong kanyang binabasa. Humalo sa ingay ng mga kubyertos ang yabag ng mga paang bumababa sa hagdan. “Anong ulam?!” tanong ng bagong gising na si Brian, ang nakababata kong kapatid, habang hinihila ang upuang katabi ni Papa. Dahil nakatingin na ito sa mga pagkaing nakahain, walang sumagot sa kanyang tanong. Matapos ilapag ni Mama ang baso ng tubig sa tabi ng plato ni Papa, sabay kaming naupo sa aming sari-sariling pwesto. “Naku, ang mga batang babae rin kasi ngayon mga pasaway! Tapos kung manamit eh kulang na lang maghubad na!” sumbat ni Mama. Biglang nag-patay sindi ang bumbilya ng kusina, kasunod ng
139 139