F EATURE S
APRIL - MAY 2018 | PAGE 10
Kubling Kanlungan
Sipat sa Bungkalan ng Dasmarineñong Magbubukid by Jomar Villanueva
Photo by Kelsey Telo
Hindi maikakaila ninuman na ang Pilipinas ay isang kanlungang sagana sa likas na yaman. Pero kung susuriing mabuti, nakakubli sa nakahahalinang imahe nito ang bulok na sistemang gumagapos at nagpapahirap sa maraming mga Pilipino—gaya ng mga uring magsasaka sa iba’t-ibang panig ng bansa na sa kabila ng malaking pang-ekonomiyang ambag ay nanatili pa rin sa mababang antas ng hagdang panlipunan. Mula noon hanggang ngayon, hindi na bago para sa mga magbubukid ang nakapanlulumong sistemang hacienda. Unti-unting sinisira ng pesteng kasakiman ng naghaharing uri ang mga lupaing agrikultural na isang tanawin sana ng magandang kinabukasan—hindi lang ng mga maralitang magbubukid kundi pati na rin ng lahat ng mamamayang Pilipino. Kung kasaysayan lang din ng Pilipinas ang magiging batayan, bakas sa mga lupaing agrikultural ang kahambalhambal na pangangamkam ng mga panginoong may lupa, karahasan laban sa mga magbubukid, at kawalan ng katarungan para sa mga magsasakang ipinaglalaban ang sariling mga lupa. Ugat at Bunga Lupaing agrikultural ang bansag sa ekta-ektaryang lupaing pinauunlad ng mga magsasaka at manggagawang bukid bilang sakahan o taniman ng iba’t ibang mga produktong makakain. Sa bansa, ang mga lupaing ito ay itinuturing na biyayang dapat paunlarin at gamitin sa kapakinabangan ng lahat. Isa sa malinaw na halimbawa nito ang 372-ektaryang bukirin sa Baranggay Langkaan I sa lungsod ng Dasmariñas dito sa Cavite na mas kilala bilang Lupang Ramos. Ayon sa House Resolution No. 1370 na inihain ng ANAKPAWIS Partylist sa House of Representatives,
nasa 300 pamilya ang sama-samang naninirahan at nagpapayabong sa malawak na lupaing ito. Dito ipinupunla ng mga magbubukid ang iba’t ibang uri ng makakaing pananim tulad ng palay, mais, balinghoy, tubo, at saging. Karaniwan na ang pag-aakalang tanging mga kalalakihan lang ang kumikilos sa bukirin, subalit hindi ang kolektibong kilusan ng mga magbubukid sa Lupang Ramos. Bukod sa kalalakihang magsasaka, kaisa sa pagpapaunlad ng lupain ang kababaihang magbubukid gaya ni Ka Miriam Villanueva. Isa si Ka Miriam sa mga miyembro ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA-LR) na demokratikong nakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa. Sa mga patotoo niya, magwawalong buwan na mula nang simulan nilang paunlarin ang binansagan nilang “bungkalan para sa tunay na reporma sa lupa.” Pero nito lamang nakaraang Pebrero, naranasan nilang umani ng iba’t ibang mga produktong makakain—isang mabunga at mayabong na pag-aaning sanhi ng kanilang pagsusulong at pagtatanggol para sa Lupang Ramos sa loob lamang ng maikling panahon. Bungkalan at kanlungan Ayon kay Ka Miriam, ang “bungkalan para sa tunay na reporma sa lupa” ay itinakda ng KASAMA-LR bilang adhikaing magbubukid na naglalayong itaguyod ang
karapatan ng mga magsasaka. Ito rin ay tugon nila sa kampanya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na buwagin ang monopolyo sa lupa at baklasin ang sistemang hacienda na maituturing na salot sa maraming panig ng bansa kabilang ang Dasmariñas. Bahagi rin ang KASAMA-LR sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), isang militanteng kilusang binubuo ng mga uring magsasaka at manggagawang bukid na isinusulong ang kanilang makataong layunin at makabansang interes na mapayabong ang malalawak na lupaing agrikultural sa bansa upang mapakinabangan ng mga magsasaka at ng sambayanang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, tinawag ang lupang agrikultural na “Lupang Kano”, samantalang idineklara itong homestead para sa mga residente ng Dasmariñas noong panahon ng Commonwealth. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mga pamilya ng kaingero ang nanirahan sa lupaing binansagan naman noon bilang kamaligan. Lumipas ang panahon at nakilala ang lugar bilang Barangay Langkaan I, isang lupaing agrikultural na walang maliw na pinauunlad ng mga magsasaka at ng kanilang pamilya hanggang sa kasalukuyan. Kung pagmamatyagan ang kilos at galaw ng mga magbubukid ng Lupang Ramos, hindi maikakailang kakambal na ng kanilang pamumuhay ang lupang kanilang binubungkal—at kung bubunutin sila sa lupang ugat ng kanilang lahi at pagkatao, unti-unti silang matutuyo at mamamatay tulad ng kanilang mga ipinupunlang pananim. “Iyon ang pinanghahawakan namin na habang dinidinig ang kaso sa Department of Agrarian Reform, paunlarin namin ang lupaing agrikultural.” Hindi nagpaligoy-ligoy si Ka Miriam sa kaniyang paliwanag. “Kahit anong haba ng pag-iintay namin sa desisyon nila, umuunlad naman ang lupain—hindi natitiwangwang.” Paghahawan at pag-aani Ayon sa House Resolution No. 1370, taong 1965 nang unang naglagablab ang pakikibaka ng mga magbubukid sa pagdating ng nagpakilalang may-ari na si Emerito Ramos. Noon pa man, kinasanayan na ng mga naghaharing pamilya ang paglalagay ng kanilang mga pangalan sa lupaing pagmamay-ari nila— dito nakuha ang bansag na Lupang Ramos. Ayon sa dokumentong inihain ng ANAKPAWIS, isang katiwalang nagngangalang Paciano Gonzales ang inatasan ng pamilya upang magmatyag sa lupain kahit pa kolektibo na itong pinauunlad ng mga magbubukid na naninirahan sa lugar. Bago pa man maisabatas ang Republic Act No. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) noong 1988, diumano’y kinakamkam na ng mga Ramos ang malaking lupaing agrikultural na nagresulta sa pagpapalayas ng mga magsasaka. Noong 1990, sinubukang patagin ng kampo ng mga Ramos ang lupain gamit ang isang bulldozer. Subalit napigilan ito ng hanay
VOLUME 32 ISSUE 5
ng mga kababaihan sa pangunguna ni Damasa “Nanay Masang” Perez. Nang sumunod na taon, nagpakita ng intimidasyon at pananakot ang kampo ng mga Ramos upang tuluyang palayasin ang mga magsasaka na siyang naghudyat upang magkaroon sila ng sariling kampo. Ayon kay Ka Miriam, nagpadala noon ang mga Ramos ng lokal na pulis na nagresulta sa pandadahas kay Nanay Masang. Sa kalagitnaan ng pakikipagtalastasan ni Nanay Masang, binuhat siya ng isang Major Carranza at inihagis sa araruhan. “Doon nagsimulang manghina ang matanda [Nanay Masang] na nabalian ng tadyang sa likod na naging sanhi ng kaniyang kamatayan,” sambit ni Ka Miriam. Ikinuwento ni Ka Miriam na “ganoon na kahaba ang pakikibaka ng mga magsasaka dito sa Lupang Ramos.” Subalit sa kabila ng lahat ng karanasan ng mga magbubukid at mamamayan, nagpapasalamat pa rin sila dahil hindi sila nakasasaksi ng madugong karahasan. Mariin ring sinabi ni Ka Miriam na ang pagpapaunlad ng lupaing agrikultural ay alay ng bawat kasapi ng KASAMA-LR sa atin at sa mga henerasyong susunod pa sa atin. “Sa totoo lang, ang mga kabataan ang aming inspirasyon sa pagpapaunlad ng isang lupaing agrikultural,” aniya. “Kaming mga magulang ay papaalis na—kayong mga anak ang papadating. Kaya higit na nauunawaan niyo dapat ang kahalagahan ng isang lupaing agrikultural para sa seguridad ng pagkain sa hinaharap ng sambayanang Pilipino.” Sa lahat ng hamong kalakip ng kanilang demokratikong pagkilos para sa tunay na repormang agraryo at paghiling sa estado ng mabubungkal na lupa, pinakamapait na marahil ang kakulangan ng pang-unawa ng mga taong dapat na kaisa nila sa kanilang pakikibaka— ang mga mamamayan ng Dasmariñas. Karaniwan na para sa mga tunay na magsasaka at manggagawang bukid ng Lupang Ramos ang mabansagang nang-iiskwat o nangaagaw ng lupa. Subalit, ayon kay Ka Miriam, isa lang ang kanilang tugon, “hindi kami nang-aagaw ng lupa dahil binabawi lang namin ang karapatang pinagkait sa amin sa matagal na panahon.” *** “Dito kami nakatira, dito kami lumaki, at malapit sa aming puso at sikmura ang ginagawa naming bungkalan.” Kung ang mga magsasaka, manggagawang bukid, at mamamayang kabataan at kababaihan ng Lupang Ramos ang kakapanayamin, mapupuno ng tunay at sariwang patotoo ang libo-libong pahinang maaaring malimbag— mula sa organisado nilang pamumuhay hanggang sa kolektibo nilang pakikibaka. Kasabay ng pagsulong ng industriyalisasyon— sa kabila ng pagkakalikha ng matatayog na gusali at pagkakalatag ng malalawak na subdibisyon—sumusulong rin ang tumitindi at tumataas na antas ng pakikibaka ng mga manggagawang bukid: sila na ipinaglalaban hindi lamang ang demokratiko nilang kahilingan para sa mabubungkal na lupa kundi pati na rin ang ating kinabukasan bilang agrikultural na bansa.
The good fight Resistance of the youth
by Paolo Lorenzo Salud Photo by Kelsey Telo “What’s with these guys?” You wonder as you stare at a picture of young adults—probably students—holding up placards with angry words written in all-caps. It’s probably about an issue you’ve seen in social media, or about something else you haven’t heard before. Because why should you, right? None of these are things that a privileged, sleep-deprived college student should worry about. As far as you’re concerned, the only injustice is the crippling amount of schoolwork you have to cram, and the only thing that needs saving is your GPA.
Yet here they are—people your age discoursing issues even full-fledged adults have a hard time trying to wrap their heads around. It’s impressive, but at the same time intimidating. Is it really necessary to be this gung-ho about politics at this time of your life? For them, it is.
policemen can be tough and risky, but the part in being a youth activist that takes the most effort is probably in educating yourself. “Kailangan ‘pag isa kang activist, patuloy at patuloy kang nag-aaral,” Balenzuela mentioned. For a young adult with the whole, cruel world ahead of him, knowledge is power.
Taking a stand You’ve seen them marching on the streets, rallying with the masses, and clamoring for change. Whenever there’s a political debate, they’re the ones with the most resounding arguments inside the room. Young as they may be, they have made their stances clear, and they’re willing to go an extra mile to advocate it. You might even wonder why people your age would subject themselves to the never-ending, tiresome protest. In times of political crises, activists have resisted to uphold the rights and well-being of the Filipino people. With each passing day, the abuse of state power only gets worse and more glaring as those in positions of power continue to use their authority for personal gain. Any young adult with a rational mind can clearly see these injustices against the people, and those with the will to step up have long made their appearance. Part-time activists Jhon Dilag of Anakbayan Indang and Sharo Balenzuela Jr. of The National Union of Students of the Philippines (NUSP) are one of the many youths who persist to fight the tyranny of the state. In an interview with The Heraldo Filipino, they shared insights on how important youth activism is, and how it leads them to taking action, beyond their comfort and privilege. There’s more to youth activism than joining the masses in organized rallies. Sure, marching under the scorching heat with little to no shade while being surrounded by armed
Forged in the hottest fire Activism burns brighter when there’s a struggle, and for some youth activists, struggling is how they began. Dilag became an activist after alleged case of electoral fraud took place in his university’s student council elections. As for Balenzuela, he joined his organization to investigate the questionable charging of fees to students in state universities and colleges (SUCs), and the privatization of these public institutions, particularly of his own. Initially spurred to take actions by their own concerns, these individuals eventually rose to fight for the causes of others—of their own people. And their battles are nothing to scoff at. With the current administration vehemently suppressing political dissent, youth activists are red-tagged and branded as rebels and communists. Dilag and Balenzuela both attested to have experienced harassment from armed forces, placing their safety at risk. “Kahit inosente kang tao nga pinapatay ka na ngayon, paano pa kaya ‘yung activists na critic mismo,” said Balenzuela. As for Dilag, “Mahirap siya sa seguridad namin bilang kabataan, kasi anytime puwede kaming ma-desa [desaparecidos].” Unfortunately, these security threats are not exaggerations. The imminent dangers it possesses are real indicators of a fascist regime. Besides red-tagging, youth activists also endure illfounded criticism from those attempting to silence them. Branded as “bayaran”, naysayers discredit them by accusing
them of receiving payment from malicious anti-government factions—a propaganda deemed to invalidate their efforts and struggles. There’s also the undermining of their political stance, a card often played by those older than them, shamelessly telling them to focus on their academics and not get involved in “adult” matters. Naturally, these attacks have never been more unfounded, and in no way does it define the actual, compelling potential of the youth to think for themselves, and take their own stand. The youth of today are the leaders of tomorrow, and the duty of criticizing and keeping those who govern us in line falls into our hands. Democracy deems it to be such. The call for resistance Contrary to popular belief, the efforts of youth activists are in no way fruitless. Many of the basic rights we take for granted have been a direct result of the ongoing struggle. Especially for students, who reap the benefits of youth activists lobbied for regulating tuition fee increases, junking of developmental fees for SUCs (courtesy of NUSP), removing mandatory ROTC and the No Permit, No Exam policy, as well as simple rights such as dress codes and haircut policies. Ultimately, the end goal is to attain an efficient education system that births critical thinkers for the progress of the country. But it doesn’t stop there. Youth activists have also shaped the country’s history on a national scale. NUSP, for example, had played a major role in the ousting of former dictator Ferdinand Marcos and plunderer Joseph Estrada. Basically, if you think the history of the Philippines is bad,
we could say that they’re the main reason that it wasn’t the worst. Now, the responsibility lies upon us in keeping the fight against oppression and making sure that history doesn’t repeat itself. In a country crippled by corruption, there are still things that are worthy to be preserved but are hanging by a thread. There are foreign endeavors that are against the best interests of the people. There are atrocities committed in broad daylight—the killings of the people, repression against the press, imperialism in culture and economy, intimidation and assaults in indigenous ancestral lands, and other forms of exploitation of the Filipino people. Our futures are ultimately at stake, and in one way or another, our resistance is our only form of survival. This might sound a little too heavy to take in all at once. But the point is, the struggle is real, and it is out there. And in times of great need, youth activists will raise their banners and embrace the struggle—all in the name of justice and equality. *** This country is headed straight to the dumps, and things just get exceedingly worse with each passing moment. On that happy note, here’s a hard-to-swallow pill: everything’s burning around you, and just because you can’t feel the heat, doesn’t mean the fire isn’t there. You don’t have to join rallies or burn effigies to show where you stand but the least you can do is open your eyes and pick a side. It’s no longer acceptable to keep mum about all things irrational in a national climate where every voice of reason matters.