August Issue 2012

Page 6

6

Agosto 2012

OPINYON

EDITO RYA L Kalidad

Hindi naman dumedepende ang kakayahan ng tao base sa eskwelahang pinasukan niya. Isang napakalaking kawalang-bahala kung susumahin ang talino ng isang tao dahil kailanman, hindi ito nasusukat. May kanya-kanyang aspeto kung saan may potensyal na maging eksperto ang bawat nilalang. May mga aspetong pampanitikan, panglohikal, pampalakasan, pansining, at iba pa. Ang ilan sa mga ito, hindi naituturo sa loob ng apat na pader ng silid-aralan. Ang iba’y nahuhulma lamang ayon sa karanasan at interes, at ang iba nama’y maiituturing na biyaya ng Maykapal sapagkat namamana. Gayunpaman, dahil sa mahigpit na kompetensya sa “tunay na mundo,” hindi maiiwasang magkaroon ng kalkulasyon kung sino ang nararapat matanggap sa trabaho. Ang kalkulasyong ito ay kadalasang sinusuportahan ng marka sa klase, sa mga achievement na natanggap, at kadalasan ay sa kung saang kolehiyo nag-aral. Hindi maiwasang magkaroon ng sukat o antas ang talino ng mga aplikante. Masakit isipin na pinag-aagawan ng mga kompanya ang mga graduates mula sa apat na pinakatanyag na unibersidad sa Pilipinas. Hindi nabibilang sa apat na ito ang Far Eastern University (FEU) ngunit hindi naman ito nagpapahuli. Kamakailan lamang ay nakamit ng Unibersidad ang pinaka-aasam na autonomous status. Ibig sabihin, sapat na ang kakayahan ng Unibersidad para tumayo sa sarili nitong paa ng walang gabay o kontrol na mula sa Commission on Higher Education (CHEd). Ibig sabihin, hindi na kailangan ng Unibersidad ang ayuda ng CHEd kung sakaling magtaas ng matrikula o gumawa ng anumang hakbang na dati’y dumadaan pa sa kamay ng naturang Komisyon. Maaari na ding tumanggi sa pagsunod sa mga patakaran nito. Sa madaling salita, malaya na tayo. Ibig sabihin, na-establish nang mabuti ang apat na larangan ng research, faculty development, community extensions, at facilities. Ibig sabihin, mas kapani-paniwala na pag sinabing maganda, dekalidad, at maihahanay na sa listahan ng tanyag na eskwelahan ang FEU. Napakaganda ng hangarin, ngunit ang pagpapatotoo ng pagiging isang autonomous ay hindi lamang nakasalalay sa administrasyon o sa mga empleyado at guro nito kundi nakaatang rin sa mga balikat ng mga estudyante. Ang mga mag-aaral ang magpapatunay kung naipasa ba ng mabuti sa kanila ang kalidad ng kaalaman mula sa Unibersidad na ito. Sila ang magpapatunay kung sa pagka-gradweyt ba nila ay maisasabuhay nila ang gayong kahusayan. Sa kanila nakasalalay kung karapat-dapat bang tawaging “autonomous” ang FEU. Walang makakaalam ng eksaktong sagot o kung paano makukuha ang sagot dito. Hindi naman kasi lahat ay nagtatrabaho ayon sa linya ng kursong tinapos nila. Iba-iba ang kaso. Kaya naman ang pinakamainam na gawin ay ang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mapaghusgang mundo—ang mundo kung saan asul, berde, maroon, o dilaw lamang ang “mahusay” dahil kung tutuusin, ang kalidad, nasa tao naman ‘yan.

Ang problema kasi, hindi tayo bilib sa ating sarili. Ang pagka-Pilipino ay hindi natatapos sa citizenship na nakamit natin dahil Pilipino ang ating mga magulang. Ang pagka-Pilipino ay nakikita rin sa kilos, salita, at gawa na umaayon sa iisang hangarin— ang paglingkuran ang bansa. Naalala ko na ang isa sa criteria noong elementarya sa aming class card ay ang “Love of country” o ang pagmamahal sa bansa. Iniisip ko noon kung paano nagdedecide ang guro kung A, B, C, o D ba ang marka namin doon. May nakapagsabi sa akin na base daw iyon sa kung nakikita niya kaming umaawit ng Lupang Hinirang o kaya’y sumasabay sa pagbigkas ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas tuwing flag ceremony. Sa tingin ko nama’y nanghuhula lang siya. Ang babaw tignan ng isyu ko sa buhay ngunit kung iisipin ng malalim, gaano nga ba natin kamahal ang bansa? Huwag na nating sisihin ang mga dayuhang sumakop sa ating bansa kaya nagkahalo-halo na ang impluwensya at nawalan tayo na sarili nating orihinalidad at pagkakakilanlan. Wala na tayong magagawa roon. Naitatak na nila sa

Ano ang kaya mong gawin para sa “uno”? O kung mas desperado ka pa, para pumasa? Marahil ‘yan ang isa sa mga klasikong katanungang gumugulo sa isipan ng mga estudyante tuwing nalalapit na naman ang katapusan ng isang semestre. Kumpara kasi sa Armageddon, ito na ang last war between passing and failing a subject at nakasalalay lang naman ang lahat sa iisang tagapaghatol—ang iyong propesor. Sa mga panahong ito, nakatutuwang makita kung paano unti-unting nababawasan ang mga tao sa computer shops na s’ya namang ikinapupuno ng library, humahaba ang pila ng mga nagpapa-photocopy kay Ate Agnes at nagkakandarapa ang iba para maihabol ang mga nahuling plates at thesis defense. Kahit nga siguro ang salitang cramming ay nagkacram na rin sa mga araw na ito, kakaiba hindi ba? At syempre, pagkatapos ng Armageddon, kung nagbabasa kayo ng Bibliya, ay ang Last Judgment Day o para mas masarap pakinggan, Ang Huling Paghahatol. Ito na ang araw na nakalaan para paghiwalayin ang balat (o ang mga bumagsak) sa tinalupan (ang mga pumasa). Panahon ito ng pagdiriwang at pagluluksa, parang bipolar lang ‘no? Ngunit sa bandang huli ay ano nga ba ang point ng lahat nang ito? Paulit-ulit lang naman ang mga nangyayari. Paubos lang din naman ng

Tiwala Lang

atin na makapangyarihan sila. Napaniwala na nila tayo na binigyan nila tayo ng “kalayaan” subalit sa totoo lang, hindi tayo malaya. Alipin pa rin tayo ng mga dayuhan dahil nasanay tayo sa konseptong “magaling sila... ang ganda nila... sila ang tama... gayahin natin sila.” Ipagpalagay na natin na naging parte na ng ating kultura ang paghanga sa ibang bansa na siyang dahilan ng ating pang-gagaya. Dahil dito, isipin na lang natin, na tayo ay may makulay na kultura. Makulay ngunit magulo at hindi kongkreto. Dapat na yata nating tanggapin na hindi tayo tulad ng China o Japan na may malinaw na kaibahan sa ibang bansa, pagkakakilanlan, mayamang tradisyon at patriotismo. Ngunit kahit ano pa man ang kinalabasan

ng sabog na kultura natin, dapat nating mahalin ito at pagyamanin. Paborito kong palabas ang “Bayani” noong bata pa ako. Isinasadula nito ang buhay ng mga bayani gaya ni Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, at iba pang kilalang bayani ng Pilipinas. Noong nawala ito sa ere, naisip ko kung naubusan na ba ng bayani ang Pilipinas kaya wala na silang maipalabas. O kaya, masyado nang hindi napag-tutuunan ng pansin ang mga umusbong bayani sa modernong panahon. Malaki ang pagnanais ko noon na makapanood muli ng episode tungkol sa bayaning nabuhay naman sa di nalalayong panahon sa kasalukuyan. Ngunit, naging malabo ang hangaring ito. Naniniwala ako

#FEUEncodingofGrades

paubos ang salaping nakalaan para sa matrikula at ang kakarampot nating gintong oras. Ang huling katanungan na lang siguro ay may natutunan naman ba tayo sa mga leksyong kinuha? O sapat na nga ba talagang makakuha ng mataas na marka? Aminin man natin o hindi, naging normal at lubos na katanggap-tanggap para sa ating mga estudyante na makakuha ng uno kahit na wala naman talagang kauno-uno sa ating mga natutunan at dahil lang naman ito sa mga “mababait” na propesor na sobrang galanteng mamigay nito. Kung susuriing mabuti, ang lahat ng pangangarag o stress na inaabot natin ay repleksyon ng kahinaan at kababawan ng pag-iisip. Hindi kasi natin napapansin na tayo ay nagiging sunud-sunuran lamang sa mababaw na layon ng ating grading system. Tayo rin ang kauna-unahang kumakagat sa maling pagpapahiwatig na ang uno ay katalinuhan at ang singko ang s’ya naman nitong kabaligtaran.

Kadalasan kasi ay natututo lang tayong magkabisa ngunit hindi ang makaintindi, magtuos hindi ang mag-analisa, bumigkas hindi ang magsalita at makarinig hindi ang duminig. Nabanggit ko na dati na hindi lahat ng bagay ay nasusukat ng markang nakukuha natin mula sa ating mga propesor lalong-lalo na siguro ang mga natanggap na bagong kaalaman. Tama, hindi nga lahat ng bagay ngunit mayroon rin namang mga bagay ang sinusukat nito. Hindi naman kasi lingid sa ating kaalaman kung gaano kaimportante ang matataas ng marka sa siyudad na ating ginagawalan. Ito kasi ang ikinaliligaya ng ating mga magulang, ang kinakailangan para sa mga scholarship grants at ipinagmamalaki na rin ng ating mga sarili. Subalit kung dito lang naman natin iba-base ang lahat ng paghihirap na gagawin natin para sa pagaaral ay papasok na siguro ang karuwagan ng pag-iisip. Naniniwala kasi ako na tumitigil ang tunay na

na hindi naman kailangang mamatay muna ng isang tao para sa bansa bago siya maituring na bayani. Naniniwala ako na maraming bayaning umuusbong sa bawat pagkakataon. Marahil, hindi lang nila hangad ang kasikatan o ng award dahil kontento na sila na magbigay ng kontribusyon sa maliliit at tahimik nilang paraan. Naniniwala ako na maraming modernong bayaning Pilipino. Maging bilib sa pagiging Pilipino mo, hindi lang tuwing nananalo si Manny Pacquiao sa bawat laban niya o di kaya dahil sa may franchise na ng Eat Bulaga sa Indonesia. ‘Wag nating gawing basehan ang kasikatan ng isang Pilipino sa ibang bansa upang maituring siyang magaling. ‘Wag din nating ituon ang ating pansin sa mga nakamit ng iba. Bagkus, maging bilib ka mismo sa sarili mo dahil isa ka sa mabubuting mamamayan ng bansang Pilipinas. Ganitong ka-simple ngunit kadalasan, hindi pa natin magawa. Magtiwala na masayang maging Pilipino at ipagmalaki ito sa eleanorreyes@ymail.com.

kaalaman sa oras na ating mas binibigyang halaga ang markang makukuha sa huli. Sabi nga nila, ang pagaaral ay isang proseso ng pagpapaunlad ng sarili at hindi isang paligsahan upang ipamalas ang intekletwal na abilidad ng bawat isa. Ang pag-aaral din ay hindi lamang tungkol sa pagpapayabong ng kaalaman, ngunit higit tungkol sa pagkakaroon ng mahahalaga at kapaki-pakinabang na karanasan, pagpapalawig ng koneksyon ng mga kaibigan, pagiging lubos na dalubhasa sa pakikisalimuha sa ibang tao at ang pagpapalawak ng moralidad at tamang gawain. Ang lahat ng nabanggit ay hindi isinasaalangalang sa pagko-compute ng general weighted average natin. Subalit sa maniwala man kayo o sa hindi, ito ang labis na pinahahalahagan sa labas nitong ating Pamantasan. Kung makakapagsalita nga lang siguro ang ating mga report card ay wala itong masyadong masasabi tungkol sa atin bilang isang tunay na estudyante. Bulag, pipi at bingi kasi ito sa mga tunay na kaganapan sa ating buhay na ating naranasan noon. Sa bandang huli, tanging ang ating mga sarili lamang ang nakaaalam at lubusang makapagpapatunay nito. Grade conscious ka ba? Sige pag-usapan nga natin ‘yan sa jeromes.deguzman@ gmail.com.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.