OPINYON Paano natin masusukat ang katatagan o paninindigan ng isang tao sa mga pinipili niyang desisyon? Malalaman natin dito kung seryoso siya sa mga prinsipyo niya at sa kung ano ang bumubuo sa katauhan niya. Ang pagpili sa isang desisyon ng buong puso ay parang pangako sa sarili mo. Parang sinasabi mo sa sarili mo na “Ito ang nilalaman ng puso ko.” Kung hindi mo tinupad ang pangakong iyon o kung baga lumihis ka sa daan ng desisyon mo, tila parang nagsinungaling ka na rin sa sarili mo. Hindi dapat tayo nagpapadalus-dalos sa mga ginagawa nating bagay dahil hindi natin alam, sa pinili nating desisyon marami na pa lang taong nasasaktan. Malalaman mong tama ang pinili mo kapag wala kang nararandaman na sakit at guilt. Sa paggawa ng desisyon, dapat hindi tayo nagpapauna sa takot. Dahil ang takot ay isang pagsubok lamang at hindi tayo dapat nagpapatalo sa pagsubok na ito. Huwag nating hintaying marinig ang mga salitang “sayang” o kung ano pa mang pagsisisi. Nabago na nga ba ang tingin mo sa ‘photography?’ Noon, karamihan ng may SLR o Single Lens Reflex camera ay propesyonal. Ngayong naimbento na ang mga hi-tech camera na tulad ng DSLR o Digital SLR, hindi lang mga propesyonal ang meron nito. Napansin kong mas nauuso at mas dumadami ang gumagamit nito. Hindi na sila makuntento sa paggamit ng automatic na camera o cellphone camera lang. Kahit isang simpleng lakad, DSLR pa ang ginagamit sa pagkuha ng litrato. Karamihan pa ng mga nakikita ko sa mga social networking sites, ang kanilang job description ay ang pagiging photographer. Napapaisip ako minsan, ilan kaya sa kanila ang talagang maalam sa photography? Para sa ‘kin, ang photography ay hindi madali. Hindi ‘yan basta-bastang pagkuha lang ng litrato na akala ng karamihan. Napakadami mong kailangang aralin para maging isang photographer. Ngayon, kahit simpleng pagkuha lang ng litrato, photoshoot na agad ang tawag ng karamihan. Ang pagkakaroon ng mamahaling kamera ay
Lahat ng tao ay may kapintasan. Lahat ng tao ay may kahinaan. Walang taong perpekto dahil tayo mismo ang gagawa ng paraan upang maging isang mabuti at epektibo tayong tao. Sa kabilang banda, may mga tao na ang nakikita lamang ay ang pagkakamali mo. Kahit anong ganda ng pakikisama mo, lahat ng gawin mo ay pangit sa paningin nila. At sa ganitong sitwasyon, mahirap lumugar at kumilos lalo pa’t kung hindi mo na alam kung ano para sa kanila ang iyong ginagawa. May mga bagay na hindi natin pwedeng ipilit. Mga bagay na taliwas sa mga pananaw, at kagustuhan ng iba. Hindi rin natin pwedeng ipilit ang ating sarili sa mga taong bumabatikos sa atin. Sa komunidad na ating ginagalawan, maraming mata ang nakapaligid sa atin. Maraming mata ang nagmamasid. Marami ang nagbabantay. Maraming nag-aabang sa bawat kilos at desisyon na ating binibitawan dahil kahit anong ganda ang ipakita natin sa
Isang tanong, Isang sagot
Kung nagpatalo ka sa takot, maaaring malagpasan mo ang oportunidad na makamtan ang mga bagay na nararapat na sa iyo. Marami kasing bagay na nagdudulot ng takot upang isipin mong hindi pumusta sa mga pagsubok ng buhay. Mga pagdududa na nakapanghihina ng loob natin. Isang halimbawa para sa mga taong gusto magpapayat at magpaganda ng katawan. Sa una masaya pa sila sa ginagawa nila. Nasa isip nila, “Yun oh, ilang buwan pa gaganda na rin katawan ko.” Pero sa paglipas ng ilang araw, hindi na nila ito naitutuloy. Bakit? Dahil sa katamaran at pansamantalang paninindigan sa sarili. Ang
madalas na dumadaloy sa isip kapag humantong ka na sa estadong iyan ay “Sa susunod na lang” o kaya “Wala nang oras eh.” Ang kailangan lang naman dito ay tamang disiplina at katatagan ng pagiisip at puso. Iilan lang ang mga taong meron nito kaya sila nagiging matagumpay sa mga bagay na ginagawa nila. Sa likod ng bawat desisyong ginagawa natin ay may rason at binubuo nito ang ating katauhan. Halimbawa na lang sa isang sitwasyon na ito. Dahilang sa gusto mo ang isang taong ito, gusto mo siyang mapasaya sa lahat ng makakaya mo. Hanggang sa dumating sa puntong nagdesisyon ka na
Job description: Photographer
hindi nangangahulugan na masasabing professional ka na agad. Nagtataka rin ako sa iba na hindi pa nga nila nadidiskubre ang tunay na kakayanan ng camera nila, gusto na agad nilang palitan. Parang wala na ring pinagkaiba sa cellphone na kapag may mas bagong labas na model, ay papalitan na agad. Ang akala ng karamihan, kapag hi-tech ang camera mo, maganda na rin ang kuha mo. Sasangayon sana ako sa akala nila kung wala ang mga hinahangaan sa larangan ng photography na tulad ni Ansel Adams. Ipinanganak siya noong panahon na hindi pa naiimbento ang mga hitech camera at iba pang mga gamit na meron sa panahon natin ngayon. Isa siyang Amerikanong sumikat sa
buong mundo dahil sa kanyang black and white photography. Pabor ako sa sinabi ng aking propesor sa aming photography subject na wala ‘yan sa camera, nasa kumukuha ‘yan. Tinuro niya rin na ‘wag magpaalila sa mga bagong teknolohiya at paganahin ang pagiging malikhain. Lagi ko ring naririnig ang mga nagtatalo kung anong brand ba ang maganda, Nikon o Canon. ‘Yun lang ba ang brand na meron sa mundo? Marami akong kilalang photographer na mapa-Nikon, Canon o kahit ano pa ang gamit nila na camera, maganda pa rin ang kuha nila. Madami ring tao na kapag nakakita ng camera, ang kanilang unang tanong ay kung ilan ang megapixel. Ito ay isa sa madalas na pagkakamali ng mga tao. Dahil ang totoo, hindi nasusukat sa laki ng megapixel ang ganda
Batikos
kanila, kung talagang ayaw nila sa isang tao, hindi nila makikita ang kagandahan ng ating ginagawa. Bagkus, puro negatibong bagay ang hinihintay nila. Sa ganitong pagkakataon, wala na tayong magagawa. Kung minsan, nais na nating bumitaw at manahimik na lamang nang matigil na ang lahat. “Just go with the flow,” ‘ika nga. Pero dapat nating tandaan na patay na isda lamang ang sumusunod sa agos ng dagat. Kailangan nating lumaban. Kailangan nating tumayo at labanan ang alon ng buhay. Kailangan nating sumagwan upang mapatunayan sa mga taong
ito na kaya nating lumaban-na hindi tayo magpapadala at magpapa-apekto sa mga bulung-bulungan na kanilang binibitawan. Matuto tayong makisama. Matuto tayong makinig sa batikos ng iba. Dahil sa mga batikos na ito, dito tayo matututo kung dapat ba nating baguhin ang sarili natin. Sa mga batikos nila, doon tayo magsisimulang bumuo ng isang bagong pundasyon. Pundasyon na magpapatibay sa atin upang maging isang mabuting tao. Mahalin natin ang mga taong bumabatikos sa atin. Sila ang nagbibigay kulay sa ating buhay. Dahil hindi maganda at hindi
ipagpatuloy mo ito kahit alam mong malaki ang tiyansang mabigo ka. Ipinagpatuloy mo ito dahil isang daang porsientong sigurado ka na sa sarili mong ito ang gusto mo. Ngunit mukhang hindi mapalad ang mga sumunod na pangyayari, naganap ang mga hindi inaasahan at lalo na ang mga pinaka-iiwasang bagay. Ang masasabi ko lang ay pagsubok lang yan. Kung talagang seryoso ka sa naging desisyon mo, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago ng isip at lalong lalo na ng puso. Gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan upang maayos ang iyong mga problema. Kahit matagal man ang proseso ay ito parin ang iyong magagawa. Katatagan ng puso at paninindigan lang ang kailangan. Kung ito ang nagpapasaya sa iyo bakit mo ito ititigil? Isang tanong, isang sagot. Ito ba talaga ang gusto mo? “Oo.” Wari’y ibahagi ang inyong mga saloobin o opinyon sa ralphnochete@yahoo.com.
ng kuha.
Bukod dito, may mga naririnig din ako sa iba na merong mga taong nagpapalike ng kuha nila sa Facebook. Wala sanang problema kung katumbas nito ang pagboto sa sinalihang photo contest. Kaso ang iba, nagpapa-like para lang masabi na madaming nagkagusto sa kuha nila. ‘Wag sana natin silang gayahin. Wala namang masama sa paggamit ng hitech na camera kahit hilig lang natin ang pagkuha ng litrato at hindi para gamitin sa negosyo. Para sa ‘kin, ang isang hi tech camera ay mas marami lang karagdagang features para padaliin ang pagkuha ng litrato. Sa panahon natin ngayon, napakadaling matutunan ang mga technique sa photography kahit wala kang pormal na pagsasanay o talento. Sana lang ay maunawaan natin ang tunay na ibig sabihin nito at gamitin natin ito sa tama. Sana rin ay maisip natin na ito ay isang uri ng sining na kailangan pagisipan at gamitan ng pagiging malikhain. Isa ka ba sa mga nahihilig sa pagkuha ng litrato? Magtanong at magbahagi sa jamespatrickmanaloto@ gmail.com.
balanse ang buhay kung puro magagandang salita ang maririnig natin sa iba. Hindi talaga maiiwasan sa isang komunidad ang matapakan ka ng isang tao at naniniwala ako na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa ilalim ka. Darating ang panahon na matutunan din nilang ilapat sa lupa ang kanilang mga paa at matututo rin silang tumanggap ng batikos ng mula iba. Huwag nating hayaang sirain tayo ng kanilang mga batikos na tila katapusan na ng mundo. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na maging “patay na isda na lumulutang at sumusunod sa agos ng dagat”. Matuto tayong makisama.Subalit tanggapin rin natin ang kanilang mga salita at tignan ito sa positibong paraan dahil sa oras na magpa-apekto ka, ikaw mismo ang talo. May babatikusin ka ba? Maging matatag at matututong sumagwan sa alon ng buhay. Ipadala ang iyong komento sa randolphjosephcao@yahoo. com.
Agosto 2012
13
Ganap mo?
Alam mo ba kung bakit may icon ng battery sa cellphone mo? O kung bakit mayroong icon sa kotse mo na nagpapakita kung gaano pa kadami ang gasolina mo? Bakit nga ba mayroong mga bagay na tulad nito? Ini-indika ng icon sa cellphone mo na malo-“lowbatt” ka na, samantalang pinapakita naman ng icon sa kotse mo na mukhang hindi ka na aabot sa susunod mong destinasyon dahil paubos na ang gasolina. Indicators--mga bagay na nagpapakita kung hanggang saan o kailan ang kalimitang itatagal ng isang partikular na bagay. Oo, mahalaga ang mga ito. Bawat isa sa mga tinatawag nating indicators ay may importanteng dahilan kung bakit sila ginawa. Ngunit, ‘di ba natin napapansin? Isa itong bagay na nagpapahiwatig na lahat ng bagay dito sa mundo ay “short-lived”, “limited” at hindi bottomless. Pinapakita nito na sa mabilis na panahon, nawawala ang isang bagay. Kalimitang taon, buwan, o araw lang ang tinatagal ng isang bagay. Minsan pa nga’y nabibilang lang natin ito sa kamay. Paano kung bawat isa sa atin ay may nakapatong sa mga ulo na isang virtual timer o virtual life indicator? ‘Yung parang mga nasa laro sa video games na kinagigiliwan ng karamihan sa atin. Siguro, lahat ay kikilos na sa tama. Wala ng magsasa-walang bahala ng mga bagay na dapat gawin. Wala ng mag-ho-“hold back” ng kahit anong bagay. Going back to reality, kung ang lahat ng tao ay alisto sa bagay na ito, malamang, hindi na mauuso sa mga estudyanteng tulad ko ang salitang “procrastination.” Wala na rin ang tinatawag nating “Filipino time,” ‘yun bang laging late. Wala na rin yung mga salitang “saka na lang yan” na karaniwan na sinasabi natin sa tuwing may dapat gawin kahit mahaba pa ang palugit upang matapos ang isang bagay. Mapapalitan na rin ang “saka na lang yan” ng mga katagang “gawin na natin ngayon.” Lagi nating isa-isip na sa bawat segundong tumatakbo at nasasayang sa hindi paggawa ng mga bagay na dapat gawin ay kalakip nito ang oras na hinding-hindi mo na maibabalik. Hindi mo masasabi. Baka sa susunod, hindi mo na magawa ang iba’t-ibang bagay na ngayon ay kaya mo pang gawin. Lagi sana nating isa-isip na “The clock is always ticking.” Wag mag-aksaya ng oras, tayo na’t mag-usap sa mll.orata@yahoo. com.
Maling-mali
Walang kahit anong mali ang tatama sa isa pang mali. Hindi na bago sa ating kaalaman na halos lahat ng mga tao ngayon ay marunong nang gumamit ng internet, partikular na ang mga social networking site na kung saan marami ang nahuhumaling. Maraming itinuturing na dahilan kung bakit patuloy pang dumarami ang nae-engganyo upang ito ay subukan at tangkilikin. Alam naman siguro natin kung anu-ano ang mga kadahilanang ito na nagdudulot sa kanila ng naiibang saya at galak. Ngunit isang bagay ang nakaka-alarma patungkol sa kasiyahang nararamdaman ng ibang mga tao dahil sa paggamit nito. Kasiyahang hindi naman talaga nila dapat na nararamdaman. Kasiyahang hindi naman talaga nakakatuwa kung iisipin nang mabuti. Kasiyahan na kahit pagbali-baliktarin ang mundo ay wala namang positibong maidudulot. Kasiyahang dulot ng tinatawag nating cyberbullying o pang-aaping isinasagawa sa pamamagitan ng internet at social networking sites. Ang problema kasi sa paggamit ng mga tao sa mga social networking site ay ang walang preno nilang pagsasabi ng kanilang mga opinyon. Mga opinyong kung tutuusin ay wala namang halaga. Mga opinyong kadalasan ay umaabot pa sa panlalait at panghuhusga. Mga opinyong negatibo at insensitibo ‘pagkat makasasakit lamang ng damdamin ng iba. Marami na ring mga insidente na ginamit ng mga tao ang internet upang mamahiya ng ibang taong nakagawa ng pagkakamali, maliit man o malaki. Sa katunuyan nga ay “trending” ito kung maituturing. Sa mga pagkakataong ito, tunay kong naiintindihan ang poot at galit ng mga taong ito sa mga nakagawa ng pagkakamali. Ngunit hindi ko lubos na maintindihan kung bakit kailangang ipangalandakan sa publiko itong galit at poot na kanilang nararamdaman na minsan ay umaabot pa sa punto kung saan labis-labis na ang panghuhusga na kanilang ginagawa. Isang halimbawa ang nagawang pagkakamali ni Robert Blair Carabuena. Oo, mali nga sa kahit anong aspeto ang ginawa niyang pananakit kay Metro Manila Development Authority traffic enforcer Saturnino Fabros nang siya ay sitahin dahil sa nagawa niyang paglabag sa batas-trapiko. Maling-mali talaga. Ngunit tanong ko lamang, tama nga ba ang ginawang ganti ng mga tao ukol dito? Tama bang buhusan siya ng maaanghang na salita at mura? Tama bang idamay pati ang kanyang pamilya? Tama bang maging ang unibersidad na kanyang pinanggalingan, pati na rin ang mga nagdaan at kasalukuyan nitong mga mag-aaral ay husgahan? Naniniwala ako na ang paggamit ng mga social networking site upang gumanti sa mga nakagawa ng masama ay walang mabuting maidudulot. Kailanman, gaya nga ng sabi nila, hinding-hindi maitatama ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng paggawa ng isa pang mali. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng isang tao, hindi pa rin tamang apihin ito ng kahit sinuman. Bagkus, dapat ay hayaan na lamang ang mga kinauukulang umayos at itama ito. Sana ay hangga’t maaga pa ay maisip ng mga tao na maituturing na pang-aabuso ang maling paggamit ng social networking sites. Sana ay maisip ng mga tao na dapat pag-isipan muna nang mabuti ang isang aksyon bago ito gawin. At sana ay maisip ng mga tao na malaki pa ang pag-asang mapuksa ang cyberbullying. Panahon na upang gamitin natin ang smga kaunlarang pang-teknolohiya na ating kasalukuyang tinatamasa sa wastong paraan. Sa paraang umiiwas sa kahit anong kaguluhan. Sa paraang walang ibang taong tinatapakan at sinasaktan. Sa paraang ang layunin lamang ay makatulong sa kapwa. Sa paraaang malayo sa pang-aapi at pangyuyurak ng pagkatao ng iba – bagay na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap, bagay na maling-mali. Halika’t simulang itama ang mga kamalian sa doncarlo.santos@ gmail.com