PANITIKAN
Korina Camille F. Cue Patnugot ng Panitikan
Agosto 2012
11
Ni Gessa Mae E. Abriol
Hindi ka ba dapat na masanay? Sa paulit-ulit na historya Na sanlibong taon man ang lumipas Sa edad ng gumawa ito pa’y lumampas
Nagdaan ang araw Lumipas ang panahon Yaring mga gawain Sanaysay bawat bulong
Hindi ka ba naguguluhan? Alin ang mali at katotohanan Naniniwala ka man sa hindi Hayaan na wala naman daw mawawala Hindi ka ba napapagod? Sa paulit ulit na hagod Ng mga pamahiing namana Sa noon pa nausong libong dekada Hindi ka ba nagsasawa? Pamahiing kailanman walang pruweba Mangyari mang higit sa dalawa Naisip mo bang baka ito’y nagkataon lang? Hindi ka ba marunong manindigan? Sa kung ano ang iyong pinaniniwalaan Baguhin mo mang lubos ang iyong dinatnan Siya pa rin iyong babalik-balikan
Ang angking sinanay Di na muli pang hahanay Sa makailang ulit na kasaysayan Di maiwasang tunay Inibig kita Ng pitong taon Niloko mo ako Ng pitong taon Nagtiis ako Ng pitong taon Pinatay mo ako Ng pitong taon Dahil nabasag ko ang salamin. -Mary Joy R. Agquiz
Iniirog kong Crisostomo,
Totoo sa hindiHaka-haka sa tindi Di na ako naniniwala P-agkat kulang sa halaga Isipin nang tunay bawat salitang nanambitam Nananalaytay sa mga bibig Hindi pawang mga agam-agam Pagkat buhay di dapat iasa Sa pamahiing ginawang sandata -GMEA
Ni Marra Yoshabel B.
Mien
Kamusta na, prinsipe ng kaharian ko? Nawa’y hindi ka abala sa pagbubuo ng palasyo ng ibang tao. Tatlo lamang ang aking pakay kung bakit ako sumulat sa iyo. Ang una sa mga ito ay para sabihing lubos na akong nangungulila sa iyo buhat nang ika’y lumisan upang mag-aral sa Espanya. Araw-araw ay naghihintay ako sa aking asotea sa iyong pagdating. Sa bawat pagdating ni Tiya Sabel ay umaasa ako na mayroon siyang dalang bulaklak mula sa’yo. Sa tuwing dumarating ang karwahe ni Itay ay aking sinisilip kung may nakasilid na liham sa kanyang kamay na mula sa’yo. Sa bawat salu-salo ng Gobernadorsilyo ay inaasahan ko ang pagdating mo. Ultimong sa sermon ni Padre Damaso ay inaabangan ko ang tunog ng iyong palihim na tawa. Siya nga pala, iyong ipagpaumanhin ang mga malalabong bahagi ng aking liham. Ito’y mula sa aking mga luha na pinabuhos ng labis na pangungulila. Ang aking pangalawang pakay ay upang ilabas ang aking saloobin tungkol sa aking bangungot kagabi. Ako raw ay naninirahan sa hinaharap, kung hindi ako nagkakamali ay sa taong dalawang libo’t labingdalawa. Ibang-iba na ang anyo ng Maynila, mahal ko. Puno ito ng gusali na yari sa bato, ang mga daan ay malalawak at magulo, ang hangin ay kulay itim dahil sa usok ng mga de-makinang karwahe na wala nang kabayo. Ang Ilog Pasig na mistulang salamin ngayon ay nagmukhang basurahan doon; ang mga daanan ay napupuno ng mga aliping saguiguilid na kasing dumi ng basura at ang mga taong sinasabing may pinag-aralan ay hindi man lang makitaan ng tamang asal. Naaalala ko pa noong binigay ko ang aking kwintas sa isang leproso. Buong puso ko ‘tong binigay dahil alam ko na walang ibang nagmamalasakit sa kanya. Sa Maynila na napanaginipan ko, ultimong mga pulubi pala ay maaari nang manloko. Wala nang tiwala ang mga nanglilimos ngunit wala ako sa lugar upang sila ay masisi. Ang tiwala ay parang salamin, sa oras na mawasak ay mahirap nang ayusin. Kapag iyong pinilit, ika’y masusugatan din. Kapag ikaw nama’y nagtagumpay, ang mga sugat ay mababakas pa rin. Iba rin ang pananaw ng pagmamahal sa hinaharap, mahal ko. Ibang iba sa ating kinagisnan. Sa ating panahon sinusuyo ng lalaki ang mga babae at pinaghihirapang makuha kahit anung hirap pa ang daanan. Sa ating panahon, mahalaga ang pag-uusap sa personal at dapat may patnubay at gabay ng mga magulang. Sa ating panahon, sagrado ang kasal at mauuna muna ito bago ang pag-ungol nang sanggol. Sa ating panahon, oras ang puhunan. Dapat kilalanin nang mabuti ng magsing-irog ang isa’t isa bago bitiwan ang mga katagang “Mahal kita.” Sa hinaharap, sinusuyo pa rin naman ng lalaki ang mga babae ngunit nadadaan na ito sa santong paspasan. May mga oras nga na hindi na makapaghintay ang mga babae, na sila na ang nanliligaw at humihingi ng kamay ng mga lalaki. Sa hinaharap, halos lahat ng kabataan ay may hawak nang de-pindot na makina. Ako nga’y nagtataka dahil sa tuwing sila’y nagbabasa dito ay napapangiti, kinikilig, nayayamot o nagagalit na para bang totoong emosyon ang nakapaloob sa mga katagang nababasa nila. Sa hinaharap, ang akala mong magkapatid ay mag-ina o mag-ama pala. Hindi ko matanto kung bakit napakapupusok nila at hindi sila marunong maghintay. Hindi ko matanto kung bakit ang isang hamak na tao ay mangangahas na labagin ang sagradong utos ng Panginoon na huwag magtalik bago ikasal. Sa hinaharap, ang suyuan na umaabot ng isang buwan ay matagal na. Ang pagsambit ng “mahal kita” ay nasasabi na sa isang taong isang linggo pa lamang na nakikilala. Ako’y nagdududa, ito ba’y pagmamahal talaga o mababaw lamang na paghanga? Sa aking paggising, ako’y naliligo sa aking pawis at ang aking isipan ay gulong-gulo. Ako’y natatakot hindi para sa sarili ko kundi para sa magiging apo ng apo ko. Paano kung maging isa sila sa mga pariwarang tao na nakita ko sa aking panaginip? Paano kung ang payapa nating buhay ngayon ay hindi na nila matamasa? Paano kung ang mga mahahalagang aral na tinuro ng ating mga magulang ay makalimutan at ibaon na lamang sa nakaraan? Gabi-gabi, ako’y humihiling sa mga bituin na ika’y ibalik na sa ‘kin. Sana’y andito ka sa aking piling upang bigyan ng kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Sa pagtatapos ng liham na ito ay ilalahad ko na ang aking huli at pinakamahalagang pakay, ang ipaalala at sabihing mahal kita. Milya-milya man ang ating pagitan ay hindi nito mahahadlangan ang ating pag-iibigan. Nais kong maging matatag hindi lamang para sa ‘tin kundi pati na rin sa mga henerasyon na susunod sa ‘tin. Nais kong magsilbing gabay at inspirasyon ang ating pag-iibigan sa kabataan, sa kasulukuyan man o sa hinaharap. Nais kong patunayan na ang mga kwentong romantiko sa mga nobela ay posible kung matututo lamang tayong maghintay at gawin ang Diyos bilang ating gabay. Marami pa akong nais gawin kaya sana’y bumalik ka na upang masimulan na natin ang ating paglalakbay patungo sa iyong pinangakong magpakailanman.
Labis na umiibig, Maria Clara
Mga dibuho nina Ralph Michael R. Nochete, Ardie M. Aquino, Nicole Erika L. Bernardino, Reira B. Matsushita at Hanna Leah Sambo Latag nina Richelle Mae B. Bautista at Johanna Alexandra Marie G. de Jesus