Agosto 2013

Page 7

OPINYON Cheesy mang pakinggan pero parati kong naririnig sina papa at mama na sinasabihan ang isa’t isa, “Masama ang pagkain ng sobrang baboy. Nakaka-high cholesterol.” Kahit na ba signs of aging lang, sweet pa rin ‘d ba? Pero hindi ko alam kung bakit ang pagbabawal ng baboy sa gobyerno ay hindi kasingsweet ng pag-uusap nina papa at mama. Hinding hindi talaga. Noong nakaraang buwan ay naging mainit na balita ang mga anomalya tungkol sa Priority Development Assistance Fund o mas kilala bilang pork barrel ninyo. Tinatayang 10 bilyong piso mula sa pork barrel ng hindi bababa sa pitong senador at 23 kongresista ang sinasabing napupunta lang sa “ghost” nongovernment organizations at hindi makatotohanang proyekto. At kung hindi pa ‘to sapat para sabihing hindi ninyo kasing-sweet sina papa at mama, ipaaalala ko na inihain pa ng magaling na Pangulong Benigno Aquino III ang pagbigay sa pork barrel ng 27 bilyong piso mula sa national budget para sa susunod na taon. Kahit na ba matagal nang inuudyok ng taong-bayan ang pagbabasura ng pork barrel ay hindi pa rin talaga natitinag ang gobyerno sa pagsali nito sa pambansang pondo. Napakahusay talaga. Alam ko namang lumang usapin na ang kademonyohang

Nung minsang pumunta sa restoran, hindi ko malaman kung ano nga ba ang hinahanap ng aking dila. At nung tinanong na sa counter, “What’s your order ma’am,” para bang gusto kong sabihing, “Isang tray nga ng kapayapaan, paki-upsize na rin pala ‘yung malasakit sa kapwa. At saka magkano nga pala ‘pag may add-ons na pagtutulungan para sa kaunlaran?” At dahil katatapos pa lang no’n ipalabas sa sinehan, inaadvertise pa ng kainan na aking pinuntahan ang Superman. Habang nakatitig sa baso kong may tatak “S” tulad nung nasa dibdib ni Superman, bilang naturingan siyang tagapagligtas, siya marahil ang naisip kong makasasagot sa problema ng ating lipunan. Sino ba siya? Kailan ba siya darating? Kung totoo man siya, bakit hindi pa rin niya tayo pinagtatanggol sa masasama? Kailangan ka namin. Nand’yan ka ba sa tronong ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa’yo ng sambayanan? Habang ang karamiha’y tagaktak ang pawis sa paghihirap, ikaw ba to’ng nakataas ang parehong paa sa ibabaw ng lamesa at nakangiting nagbibilang ng pera mula sa kaban ng bayan? Nag-aatubili kung ito ba’y ilalaan mo para sa pagpapagawa ng maayos na kalsada o ipambibili ng pandagdag sa mga kotse mong tila palamuti sa garahe ng iyong Kahit gaano pa katanyag ang mga Pilipino, hindi lang tayo ang mga tao sa mundo. Sa mga unibersidad, may mga estudyanteng nagmula pa sa ibang bansa o mga foreign students. Pinili nila sigurong magaral sa Pilipinas upang makakuha ng hustong edukasyon. Ngunit, sa pamamalagi dito sa Pilipinas nang ilang taon ay nakikilala ba nila tayong mga Pilipino? Alam ba nila na kakambit sa Pinoy ang mga iba’t ibang klase ng tradisyon. ‘Yung mga pagkakataon na maliligo ka sa buhos ng tubig na nagmumula sa sasakyan ng bumbero, kumakanta sa iisang tono kapag pasyon at kinukumpleto ang simbang gabi. Isa pa na kaparis din ng kasiyahan natin ay ang pagkalugmok sa mga kasawian. Kahit nga ‘yung pagpanaw ng alagang salagubang, naluluha pa ang ilang mga Pinoy. Pagkatapos n’un, ililibing nang may kasamang krus. Aba’y relihosyo pala ‘yung alaga, Pinoy din kaya siya? ‘Yung mga nakaiintindi ng Tagalog d’yan, naransan mo ba ‘to kahit sa pusa, aso, kuneho o isdang alaga man lang? Sana naman walang may alagang ipis diyan. Pero, naniniwala ako na isa sa mga katangian ng karamihan ng Pilipino ay nagmamatapang kapag may dumadaang ipis,

Ang ‘baboy’ ninyo

idinudulot ng pork barrel sa inyo pero ang katotohanang matagal na itong paksa ng mga usapin ay ang mismong nagpapataas ng presyon ng dugo ko; na para bang ako mismo ay nasobrahan na sa pagkain ng baboy. Tinatayang 40 porsyento raw ng pork barrel ninyo ay nawawala lang sanhi ng laganap na korupsiyon at 60 porsyento lang ang napupunta sa mga proyekto mismo. At tumpak! ‘Yun na nga mismo ang dahilan kung bakit nakaaawa ang kalidad ng mga proyekto ninyo; pinagkakasya kasi ang maliit na halaga para maisakatuparan ang mga proyektong inyong minumungkahi. Pero minsan ba sa buhay ninyo ay sinubukan niyo nang alamin ang mga sentimyento ng mga taong pinagsisilbihan ninyo? Minsan ba ay na kasabay ninyo na silang maglakad-lakad sa bayan?

Minsan ba ay nakasabay niyo nang tumambay sa isang sari-sari store ang isa o dalawang grupo ng mga nanay sa bayan ninyo, pinaguusapan ang kakulangan sa libro ng mga anak nila? Minsan ba ay nakasabay ninyo nang maglakad sa mga kalsadang pinapagawa ninyo (pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil kulang pa raw sa pondo) kasabay ang mga tricycle drivers, pinag-uusapan ang mahirap na pagdaan sa mga naturang kalsada tuwing sila ay pumapasada dahil lubaklubak at madali itong bahain? Minsan ba ay nakapasok na kayo sa barangay health centers at nakatabi sa waiting sheds ang mga residente; pinag-uusapan ang kani-kanilang mga sakit na hindi pa magamut-gamot dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga naturang health centers?

Nasaan ka, Superman?

mala-mansyong bahay. Kabilang ka sa mga makapangyarihan na nanggigigil sa pagkakaroon ng higit pang kapangyarihan. Ikaw raw ang lulutas sa problema ng sambayanan. Ikaw ba si Superman? Nand’yan ka ba sa likod ng altar at ipinahahayag ang “mabuting balita”? Ikaw ba ‘tong magkadikit ang parehong kamay at nakapikit habang tinuturuan ang sanlibutan ng tamang pananampalataya ngunit pagkatapos mong ituro ang salita ng Diyos sa misa, dumeretso ka sa pa-piging at nagpapaalila sa salita ng mga trapong mambabatas? Ang iba’y matindi ang pananampalataya sa’yo ngunit sila’y binigo mo. Ikinukubli ng iyong mahahalimuyak na salita ang marurumi mong gawaing hindi rin naman naaayon sa bibliyang sinasabi mong dapat naming sundin.

Ikaw raw ang dakilang tagapamahayag ng tama. Ikaw ba si Superman? Nandyan ka ba sa bansang banyaga, kumikita ng malaking halaga ngunit sinasarili lamang ang benepisyong iyong tinatamasa? Nasilaw sa kakaibang kultura at tuluyan nang inabanduna ang sarili mong bansa. Ang kahabag-habag mong bayang kinagisnan na tinulungan at hinulma ka upang maging matagumpay ay tuluyan mong inulila at hindi man lang tumanaw ng utang na loob. Ikaw raw ang bago naming bayani. Ikaw nga ba si Superman? Totoo ka nga ba? Ikaw ba’y naglalakbay sa alapaap, nagmumuni-muni at lumilipad habang tinatanaw ang iyong bayan? Kung kami’y iyong nakikita, maaari bang kami’y iyong tulungan?

Para sa nakaiintindi ng Tagalog

pero, kapag natuto itong lumipad na mistulang paruparo, karipas ang takbo. Tapos, alam ba nilang madaling maantig ang mga Pilipino? Pusong mamon kumbaga, ngunit, mahihilig sa mga kantang tulad ng ‘Pusong Bato’. Sa mga palabas lang nga sa telebisyon ay humahagulgol ang ilan. Tapos, kapag may malungkot sa grupo, kaibigan, o pamilya, madaling nadadala ang damdamin. Sa mga sakuna, hindi maantala ang pagiging makabayan at makatao. Nakikita ba nila na ang mga Pilipino ay lubos na masagana sa mga nakatutuwang kilos na masarap balik-balikan? Tulad lang nga ng kaisipan sa kinakaing tinapay, kahit ano ang palaman, ay hindi pa rin sapat na tawagin itong isang meal. O kaya, ‘yung pagtawag natin sa brand imbis na ‘yung bagay. Halimbawa, colgate sa toothpaste o skechers

sa sapatos at iba pa. Ugaling Pinoy lang meron niyan. Sa kabilang banda, tayo ba kinikilala natin sila? O nahihiya tayong lumapit at makipagkaibigan sapagkat pumipilipit ang ating dila at takot tayong pagtawanan ang ating Ingles? Ang mga banyagang estudyante ay kaparis din natin. Kung nahihiya ka, mas malaki ang tyansa na nahihiya rin sila sapagkat nasa loob sila ng bansa at malalayo sa pamilya’t mga kabigan nila. Dahil tahanan natin ang Pilipinas, ang ilan naman sa atin ay gumawa ng paraan upang ibsan ang kanilang hindi pagiging komportable. Hindi naman mahirap na lapitan sila, malay mo, nag-aantay lang sila ng pagkakataon na tayo ang gumawa ng unang hakbang. Hindi ka ba nagkakainteres sa pinagmulan nitong mga foreign students? Sa kani-kanilang mga tradisyon, kinaugalian, at kultura? Ayaw

Malakas ang vibes ko, ramdam na ramdam ng katawang lupa ko na ang karamihan sa inyo ay hindi pa ‘to nagawa. Marahil na ang katotohanang karamihan sa inyo ay nagmula sa mararangyang pamumuhay ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang kababuyang nangyayari sa pork barrel. Ano kaya kung sa mga pampublikong paaralan nag-aaral ang mga anak ninyo? Baka tuwing uuwi sila ay ikukwento nila sa inyo kung gaano kaawa-awa ang kalagayan ng public schools. Ano kaya kung imbis na hatid-sundo kayo ni Manong Driver araw-araw ay sumasakay kayo sa pampublikong sasakyan gaya ng tren at bus? Baka mula pa lang sa pagsakay ninyo sa North Avenue station hanggang sa pagbaba ninyo sa Taft Avenue station ay napagtanto na ninyong totoo nga palang nakaaawa ang kalagayan ng transportasyon sa Pilipinas. Observe-observe rin naman kasi ‘pag may time. At oo, kayo ang kausap ko, mga mambabatas na sangkot sa iba’t ibang uri ng anomalyang hindi maka-tao, aminado man o hindi. Kayo nga ang kinakausap ko. Kayo at ang mga baboy ninyo. ‘Wag niyo namang ipagdamot ‘yang baboy ninyo. Gusto rin naman namin ‘yan eh. Share niyo sa’kin ‘yan sa jujubaluyot@ yahoo.com. Kung hindi lingid sa ating kaalaman na ganito ang estado ng ating bayan, marahil tayo ang dapat kumilos para sa ikauunlad ng bansa. Sa tinagal ng paghihintay natin para sa hinirang nating tagapagligtas, sa bandang huli, tayo rin naman ang may kayang isalba ang ating sarili. Huwag na nating asahan ang ibang tao ang magligtas sa atin, sapagkat sa sarili rin naman natin mag-uumpisa ang pagbabago. Ika nga ni Mahatma Gandhi, “Be the change that you wish to see in the world.” Isang hamon lamang ang nakalakip sa akdang ito: ang gampanan ang tungkuling magbago para sa ikabubuti at maging superhero sa sarili nating paraan. Ang tunay na hero natin ay hindi yung nagsa-stun sa DOTA, sapagkat nandito siya sa loob ng pagkatao natin. Huwag na rin nating hanapin sa pahina ng mga comic books si Superman. Subukin mo’ng lumingon muli sa salamin, hindi mo ba natatanaw ang nakamarkang “S” sa sarili mong dibdib? Umiiyak ang nanay ng batang hinayaan mong masagasaan na lang ng sasakyan. Magpakita ka na, Superman. Ikuwento mo sa ‘kin kung bakit ikaw ang superhero namin sa thenikkyrivera@ymail.com. niyo ba silang interbyuhin at alamin bakit Pilipinas ang pinili nila? Ano ba ang paborito nilang lutong Pinoy? Teka, nakatikim na nga ba sila ng lutong Pinoy? Ano ba tingin natin sa kanila o kaya, kung ano ang tingin nila sa ating mga Pilipino? Sa isang perspektibo, tinatrato ba natin ng tama ang ating mga bisita? Pantay ba ang paghusga natin sa mga banyagang hindi nakasusunod sa pambansang batas na walang labis, walang kulang? Lahat naman madadaan sa maaayos na pakikipag-usap, ‘di ba? At sa tingin ng unibersal na moralidad ay pantay-pantay naman ang mga Pilipino at ang ibang banyaga kahit na paminsan-minsan hindi natin maiwasan na mas kumampi sa ating mga kababayan. Pilipino kasi tayo, at mataas ang ating pagka-nasyonalismo. Sa mga nakaiintindi nito, ipaintindi ninyo sa mga hindi maalam sa Tagalog. Hindi mahalaga ang mga barrikadang tinayo ng mga lenguwahe kundi ang ating pakikisama, lalo na sa ibang mga lahi, upang sa kapayapaan ng daigdig na magsismula sa bawat indibidwal—magsisimula sa’yo. Nakakaintindi ka ba ng Tagalog? Patunayan kung oo man, pwede na rin, o hindi talaga sa maryhicellerenacido1314@ gmail.com

Agosto 2013

7

Hindi mo kaya

Sa panahon ngayon, malalaman mo ang iba’t ibang mga bagay tungkol sa isang tao kahit hindi mo siya kausapin o makita nang personal. Tingnan mo lang ang kanyang accounts sa mga social networking sites gaya ng Facebook o Twitter at tiyak na malalaman mo na ang halos lahat tungkol sa taong ‘yon. Iba’t ibang impormasyon ang iyong makukuha, gaya ng tungkol sa kanyang edukasyon, trabaho at mga kaganapan sa kanyang buhay. Halimbawa ay ang mga student leaders na ibinabandera ang kani-kanilang posisyon sa kani-kanilang profile. Maaari mong makita ang hindi mo pa alam na impormasyon sa kanila gayun din ang bagay-bagay sa kanilang buhay. Hindi lamang ‘yan, nagsisilbi rin ang kanilang mga social networking sites account bilang kasangkapan sa pagpapakalat ng impormasyon at anunsyo sa kanya-kanyang nasasakupan. Batid ko rin ang mga student leaders na nagbabahagi ng mga inspirasyonal na kataga na siya ring nagsisilbing motibasyon sa mga kapwa nila estudyante. Pero kung iyong titingnan, may ilang hindi yata ‘tama’ ang paggamit sa mga social networking sites. Una, may mga student leaders na nag-ala Papa Jack dahil puro tungkol sa pag-ibig ang laman. Ang kamakailang heartbreak o di kaya’y mga payo nila hinggil sa pag-ibig, ang ilan sa halimbawa. ‘Di lamang ‘yan, parang Maalala Mo Kaya na rin ang dating ng mga social networking sites para sa ilan. Mayroong nagkukwento pa ng kanilang buhay, mga dagok at problema na kanilang pinagdaanan at hinaharap. Bilang mga mag-aaral na aktibo sa internet ang mga estudyante ng Far Eastern University, hindi maikakaila na nagiging usapan ng mga Tamaraw ang buhay ng mga student leaders na nabanggit–isang senaryo na hindi nalalayo sa diskusyon ng fans sa buhay ng mga artista na kanilang iniidolo. Kung ako ang inyong tatanungin, nagmumukha na yatang stepping stone ng ilang mga student leaders ang kanilang posisyon sa pagiging artista. Mga kapwa ko Tamaraw, kung ating titingnan, hindi kaya maling mga tao ang ating iniluklok dahil sa kanilang hidden agenda? O namali lamang sila ng institusyon na inaniban? Dahil kung pag-aartista pala ang nais nila, e dapat sa artist development centers sila nagtungo. Itutuloy sa...pahina 14

Dahil mahal kita

Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang bawat salitang aking bibitiwan. Mahalaga man ito sa akin, maaaring kabaligtaran ang iyong nararamdaman. Isa lamang ito sa aking mga naitatagong mensaheng ibig iparating sa mahabang panahon ng ating pagsasama. Mula nang tayo’y nagkakilala ay tinanggap na kita ng buong puso. Sa iyong anyo hanggang sa makailang beses mong pagsambit ng masasakit na salita sa akin. Minahal ko ang lahat ng ito, kabilang na ang mga pasaning pilit mong ipinabuhat sa akin dahil mahal kita. Malugod kitang ipinatuloy sa aking tahanan; madalas alukin ng masasarap na pagkaing ako ang naghanda o ang pagdadala ko sa’yo sa mga lugar na noon mo lang nakita. Hindi naman sa sinusumbatan kita, ngunit batid kong minsa’y hinahanap mo rin ang mga ito sa mga panahong ika’y wala sa aking piling. Hinayaan kitang magpakalayo at pinili kong maghintay na lamang sa iyong pagbabalik dahil mahal kita. Ilang taon na nga ba ang lumipas ngunit hindi ka pa rin bumabalik. Naaalala mo pa kaya ako? Matagal na rin akong naghihintay. Wala naman akong magagawa dahil pagmamay-ari man kita’y mas pinili mong iba ang iyong makasama. Hindi naman kita masisisi, sapagkat tunay na maganda ang mga dayuhang tulad niya. Hindi maikakailang ibinigay ko ang aking sarili nang buong-buo upang patunayang talagang mahal kita. Bagaman minsa’y sumagi sa aking isipang na iyon lamang ang habol mo sa akin. Ngunit kahit pa ako’y iyong ilang ulit na paglaruan at gamitin, hindi ko kayang magtanim ng poot sapagkat mula nang makilala ka’y kinalimutan ko na ang aking sarili upang makapaglingkod nang buong puso at paglingkuran kang parang isang alipin dahil mahal kita. Oo, hindi ko naman nalilimutan ang mga bagay na naibigay mo sa akin. Sa katunayan, kasabay ng mga galos na iyong iniwan ay lubos kong pinasasalamatan ang mga alaalang itinatanim mo sa damdamin ko. Sa pagmamahal na sa una’y busilak at puro at sa mga materyal na bagay na iyong ibinahagi sa akin. Walang halong pagsisisi ang ilang taong minahal kita at mamahalin pa. Siguro nga tama ang sabi nila, isa akong dakilang tanga sa pag-aakalang mayroong habambuhay sa ating dalawa. Umasa ako na sa paglilingkod ko at pagbibigay ng lahat ay magiging iba ka sa mga dating nang-iwan sa akin at isinantabi ang aking pagmamahal. Ngunit habang mahal kita ay patatawarin kita sa makailang ulit na kasalanang iyong magagawa. Malakas ang aking paniniwalang hindi pa huli ang lahat para sa atin. Isang malaking tinik ang natanggal sa aking dibdib sa pagsusulat nito, ngunit sana ang tinik na ito ang tumusok sa iyong manhid na puso. Sana’y naaalala mo pa ako, ang tatanggap at magmamahal sa’yo ng taos puso’t buong buo nang siyang sasalubong sa pagbabalik mo. Pilipinas ang pangalan ko. Gaano mo kamahal ang Pilipinas? Sukatin natin sa azellelee@ gmail.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Agosto 2013 by FEU Advocate - Issuu