September-October Issue 2012

Page 9

FILIPINO

Ace Cielo Marie M. Gonzales Patnugot ng Filipino

Gumuhit man sa kasaysayan ang literaturang Pilipino, humihigpit naman ang laban upang manatiling buhay ang sining na ito sa kasalukaauyang panahon. S a d a to s n g Nat i o n a l B o o k D e v e l o p m e n t B o a rd (N B D B) m a l a k i a n g i b i n a b a n g m g a P i l i p i n o n g m a h i l i g s a p a n i t i k a n a t p a g b a b a s a . Ta o n g 2 0 0 3 , n a i t a l a n a 9 0 p o r s y e n to n g s a m g a P i l i p i n o a n g m a h i l i g m a g b a s a . S u b a l i t s a p i n a k a b a g o n i l a n g s a r b e y, l u m a b a s n a b u m a b a i to s a 8 0 p o r s y e n to. Panitikan kahapon Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Ito ang kaugaliang pasaling-dila o mga salitang paulit-ulit na sinasabi. Nakapaloob dito ang mga bugtong , tugmangbayan, epiko, salaw ikain, kwentong-bayan, alamat, mito at aw iting-bayan na nasa anyong patula. Sa naturang panahon, may mga panitikan ding nasulat sa mga piraso ng kawayan. Batay sa kasaysayan, ilan na lamang ang mga natirang arkeologo sapagkat pinasunog at pinasira ito ng mga Kastilang prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo. Nak atala r in sa kasaysayan na dumating ang mga K astila sa Pilipinas na taglay ang tatlong lay unin o G’s – God, Gold at Glor y . Dahil pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga K astila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos may pak sang pananampalataya tulad ng Doctrina Christiana. Sa paglipas ng panahon ang malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino ay hindi naglaho. Sa kasalukuyan, tula ang isa sa pinaka-sikat na anyo ng panitikan. Ito ay isang uri ng masining na pagpapahayag ng damdamin ng isang tao na umiikot sa iba’t ibang aspeto depende sa tema at imahinasyon ng manunulat.

September-October 2012

Ayon sa sarbey na ginawa ng NBDB at Intellectual Property Office of the Philippines, 45 porsyento ng mga Pilipino ang mas gustong magbasa ng dayuhang libro. Sa pananaw ni Shane Baltazar , estudyante ng Far Eastern University (FEU), hindi na raw kasi nakakasabay sa trip ng mga kabataan ang ilang likhang Pinoy kung kaya’t mas pinipili nilang magbasa ng foreign works . “Parang korni kasi minsan ‘yung mga tula ngayon, kaya siguro parang konti na lang ‘yung tumatangkilik .” A m i nad o s i Pau l i n e Nu bla , est u d y ante r i n ng F E U, na ma la k i ng bagay ta laga para sa mga k agay a n i y ang k abataan ang ma k a sabay sa ago s ng pagbabago la l o na sa mu n d o ng pan i t i k an. “Hindi ako masyadong pamilyar sa mga ganu’n [Filipino literature]. Hindi ko interes. Medyo mahilig kasi ako sa pagbabasa ng mga English pocket books at saka mas nakaka- attract ngayon ang Ingles na babasahin.” Pag-arangkada ng mga tula Hindi man tuluyang nabaon sa limot ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, naapektuhan naman ng modernong teknolohiya ang paraan ng pamumuhay ng mga Pinoy. Kung kaya’t naglunsad ang NBDB at Light R ail Transit Authority ng isang proyektong mak atutulong upang mas mapahalagahan pa ng mga Pinoy ang panitikan. Binuo nila ang proyektong ‘Tulaan sa Tren’ na inilunsad noong Agosto 2008. Layunin nitong taasan pa ang antas ng kamalayan ng mga Pilipino patungkol sa panitikan. “Tulaan sa Tren is a means to get people to read poetr y-our poetr y which has a big difference w ith Berso sa Metro,” paliwanag ni Atty. Andrea Pasion-Flores, Executive Director ng NBDB. Maririnig ng mga pasahero sa tren ang tinig ng mga kilalang personalidad tulad nina Edu Manzano, Miriam Quiambao, Nikki Gil, Matt Evans, Lyn Ching-Pascual, Romnick Sarmenta, Rhea Santos, Christine Bersola-Babao, Chin-Chin Gutierrez at Harlene Bautista na bumabasa ng mga tula kasabay ng paghatid ng tren sa iba’t ibang destinasyon ng mga manlalakbay nito. “ If we show celebrities reading Philippineauthored books and reading Philippine poetr y, it would be something more [for] Filipinos. This would emulated just like when celebrities endorse products. It is no different w ith this one--celebrity endorsing Philippine literature, asking people to patronize Philippineauthored works .” Bukod pa rito ay naglagay din ang kanilang ahensya ng mga posters sa mismong tren. Sa paliwanag ni Flores, isinagawa ito upang mas maging epektibo ang kanilang kampanya. Pinili rin daw nila ang LRT sapagkat ito ang isa sa mga pang-masang sasakyan. “ B ec au s e t h e t ra i n s y stem i s t h e l arge st m o d e o f t ran s p o r t at i o n we have, s er v i ng n o l e s s t han 7 0 0 , 0 0 0 co m mu ter s ever y d ay. We w anted to

“Tulaan sa Tren is a means to get people to read poetry-our poetry which has a big difference with Berso sa Metro.” -Atty. Andrea Pasion-Flores

Executive Director ng NBDB

Nawawalang interes Hindi maitatangi ang malaking epekto at impluwensya ng makabagong teknolohiya para sa mga Pilipino par tikular na sa mga kabataan. Ayon kay Dr. Merceditas Baritugo, isang propesor sa Literature Depar tment ay mas maraming kabataan ang mas interesado at ser yoso sa pagbabasa ng panitikan noon dahil hindi pa sila abala sa teknolohiya. “Noon, mas attentive ang mga estudyante at talagang ginagawa nila ang pagbabasa. Ngunit sa panahon ngayon, swerte na ang isang propesor kung kalahati sa klase niya ay ‘yung mga talagang nagbabasa. At marami sa kabataan ngayon ay hindi na kilala ang mga dating manunulat kung kaya humihina ang sense of imagination ng mga kabataan dahil nariyan na ang telebisyon, radyo at iba pa,” sambit ni Baritugo.

Minsan nang kinilala bilang pinakamasayang tao sa buong Asya ang mga Pilipino. Ito ay dahil sa gitna ng mga hamon sa buhay, nananatili pa ring matatag at positibong mag-isip ang mga Pinoy. Sa datos ng National Statistical Coordination Board para sa taong 2012, mayroong 26.5 porsyento ng pamilyang Pilipino ang patuloy pa ring hikahos sa buhay. Magkagayunman, hindi ang takbo ng ekonomiya ang basehan ng mga Pilipino upang maging masaya sa tuwing papasok na ang ‘ber months.’ Pagsapit ng ‘Ber’ Bukod sa pagiging masayahin, kilala rin ang lahing Pilipino sa pagkakaroon ng mahabang Pasko. Nakagawian na ng ilang Pinoy na pagsapit pa lamang ng Setyembre ay naghahanda na sila sa pagde-dekorasyon ng Christmas tree at paglilista ng mga regalong ipamimigay sa mga inaaanak. Batay sa seasite.niu.edu, isang website na tumatalakay sa mga kaugalian at kultura ng iba’t ibang mga bansa, Pilipinas daw ang may pinakamahabang preperasyon at pagdiriwang ng Pasko sa dahilang sinisimulan ng mga Pinoy ang paghahanda pagpasok pa lamang ng ‘ber months’ na nagsisimula tuwing buwan ng Setyembre. Sa ganitong panahon, marami nang Pinoy ang naghahanda nang maaga at nagpa-plano ng kung anuanong mga pagtitipon. Ayon kay Carlo Guttierez, propesor ng Sociology sa Far Eastern University, natural na lamang daw talaga sa mga Pilipino ang maagang pagsalubong sa Pasko dahil sinisimbolo nito ang pagsasama-sama ng mag-anak. “Dahil maraming nagse-celebrate [ng pasko] na Pilipino, ang hindi pag-celebrate nito ay parang hindi pakikisama sa isang komunidad,” ani Guttierez. Dagdag pa niya, malaki ang epekto ng relihiyon kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay niyayakap pa rin ng mga Pinoy ang pagdiriwang ng Pasko. “Yung Pasko sa mga Pilipino ay maraming aspeto. Christmas is the most important because of religion. Ang pagiging Kristiyano ay katumbas na ng pagiging Pilipino. ‘Yun ‘yung number one aspect—identity.”

Paskong Pinoy Sa tuwing nalalapit na ang kapaskuhan, kaliwa’t kanang mga family events at social gathering ang isinasagawa ng bawat Pinoy. Ipinaliwanag ni Guttierez na masasabing tatak na ito ng bawat Pilipino at isang paraan upang mapunan ang mga panahon na iginugol nila sa pagta-trabaho. “ M a h a ba kasi ang bakasyon. Kumbaga, pinapayagan pa tayo ng lahat ng parte ng lipunan na maging masaya at maingay, na kumain ng marami. It is one big economic event, it’s one happy period, family is there, money is there. It is a food for the spirit, soul, blood and stomach. Christmas is one of the best and important seasons for the Filipinos ,” wika ni Guttierez. Ganito rin ang pananaw ni Lenore delos Santos, propesor ng Psychology sa FEU patungkol sa mga pagtitipong ginagawa sa panahon ng Pasko. Nagpapatunay daw ito na hindi pa rin nawawala ang mga lumang kaugaliang nakagisnan na ng mga Pinoy. “Ang Pasko kasi, ‘yan ang panahon kung saan nagkikita yung mga magkaibigan at mag-anak. Nand’yan ‘yung pag-set ng mga dates para sa reunion , paglista ng mga gagawin, mga pangalan ng bibigyan ng regalo, mga lakad o mga lugar na pupuntahan,” paliwanag ni delos Santos.

9

i nt ro d u ce t h e t ra i n - r i d i ng p u b l i c to Ph i l i p p i n e l i terat u re, to p o e t r y w r i tten by Fi l i p i n o s i n par t i c u l ar. L RT 1 an d 2 p l y t h e u n i v e r s i t y b e l t s . So we t h o u g ht i t w a s q u i te t arge ted ,” s a b i n i F l o re s . Ilan sa mga tulang maririnig ay likha nina Bienvenido Lumbera na ‘Himagsik ni Jojo’; Virgilio Almario na ‘Estranghero’; Amado V. Hernandez na ‘Tulang Sinulat Sa Tayog na 35,000 Talampakan’; Mar jorie Evasco na ‘Paggawa ng ang Tangkay ng Walistula’; Pete Lacaba na ‘Sa Sandaang Pulo’; Kristian Sendon Cordero na ‘Amay Nang Magdiklom (Maaga Nang Dumilim)’ at marami pang iba. Hindi raw basta-basta ang pagpili ng mga tula na ilalabas sa masa. Pinipili raw ang mga ito batay sa maaaring maging koneksyon nito sa mga nakikinig at halaga nito sa kasalukuyang panahon. “ For the audio, I chose poems that I thought would connect with the crowd as well as how it suits the reader (the celebrity). The selections from that naturally were the ones chosen to be in the book . Some of the poems were not read/recorded but included because they depicted the city ,” pagbabahagi ni Flores. Naniniwala raw ang kanilang ahensya na hindi dapat mamatay ang kulturang minsan nang naging bahagi ng kasaysayan kung kaya’t ipagpapatuloy nila ang programang ito. “ We wanted people to feel that the city is a representative of our society---our countr y, our experiences, our hopes and dreams. It should be depicted w ith love or [in] a lov ing manner .” -Carlo P. Gulapa at Charisse L. Vitto

Sa huli, ang mga ganito raw na gawain ng mga Pilipino ay nagpapakita na nasasabik ang mga Pinoy sa tuwing darating ang panahon ng kapaskuhan. “ It’s a countdown. Unlike other countries, they start counting Christmas December na. Sa Pilipinas, September pa lang sinisimulan na. Something unique sa mga Filipinos is that September pa lang, they start decorating houses . It is not really a sense of celebration but anticipation ,” dagdag ni Guttierez. Tawag ng panahon Sa tuwing lalamig na ang simoy ng hangin, tila nagbabadya na rin ang pagpasok ng kapaskuhan. Pero para sa mag-asawang Carina at Raul Robles na nagtitinda ng mga palamuting pampasko, hindi lamang galak sa sarili ang kanilang nararamdaman. sapagkat sa tuwing papasok na ang ber months ay lumalaki na rin ang kanilang kita bunsod ng naglipanang mamimili at kapwa tindera sa Divisoria. “Simula September , may mga namimili na talaga ng mga decoration , mahirap nga naman kasi makipag-siksikan ‘pag malapit na ang Pasko. Nakakatuwa kasi may panahon na kulang ‘yung kinikita namin pero pag magpapasko na, nakakabawi kami,” tugon ni Ginang Robles. Masaya rin si Ellen Paquiz, tindera ng prutas sa Marikina sa tuwing darating ang ber months sapagkat malaking bagay daw ang malakas na kita sa mga panahong katulad nito. Nakakatulong daw ito upang magkaroon din ng masaganang Pasko ang mga katulad niyang hikahos sa buhay. “Mas hinahabaan namin ng konti ‘yung oras na bukas ‘yung tindahan kasi dahil nga ber na, kahit gabi na, marami pa ring namimili. Kailangan din kasi eh para magkarooon kami ng masaganang Pasko kahit paano.” Tunay ngang kilala na ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng masaya at mahabang Pasko. Subalit ang tunay na saya ay nagkukubli sa mga munting kwento na nararanasan ng mga simpleng tao. Sa paraan ng pagdiriwang at pag-a-abang ng mga Pinoy sa panahon ng kapaskuhan naipapakita kung gaano kahalaga para sa lahing kayumanggi ang kultura ng pagsasama-sama ng pamilya kaysa sa halaga ng pera. -Alreen R. Catacutan at Andrezell U. Lee

Dibuho nina Erika Nicole L. Bernardino at Reira B. Matsushita; Kuha ni John Armen T. Bongao Latag nina Randolph Joseph D. Cao at Christine Joy V. Lopez


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.