Daloy Kayumanggi newspaper December 2014

Page 20

20

December 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

pagkatapos mangibabaw kay Algieri

Pacquiao vs Mayweather tuloy na ba?

B

itbit ang bandera ng Pilipinas, muling pinatunayan ni Manny Pacquiao na siya ay isang tunay na world champion pagdating sa boxing. Ito'y matapos pabagsakin ni PacMan nang anim na beses ang kanyang kalaban sa ring, ang wala pang talong si Chris

Algieri, sa Cotai Arena sa Macau, China. Unanimous decision Hindi nagduda ang ni isa man sa mga judges sa pagkakapanalo ng eight-division world champ. Ito'y matapos maitala ang pagpapakapanalo ni PacMan sa pamamagitan ng unanimous decision, kung saan, lahat ng mga judges ay pabor sa pagkakapanalo ni Manny. Ito ang kanilang mga scores: 119-103,119-103, 120102. Bumagsak nang anim na beses Sa tala, anim na beses na pinaupo ni Pacman si Algieri, bago umabot sa ika-12 round. Hindi nagawang i-knockout ni Pacquiao ang kalaban, dahil halos naubusan ng oras ang lahat ng knockdown score, base sa ulat ng bomboradyo. com. Naitalang bumagsak si Algieri sa round two, round six (dalawang beses), round nine (dalawang beses), at round ten.

ALL FILIPINO CUP

Reaksyon ni Algieri Bagama't natalo, hindi sumama ang loob ni Algieri kay Pacman. Katunayan, pinuri pa nito ang pambansang kamao sa ilang mga panayam. Ika ni Algieri, "Manny is the best in the world, He has so much experience... He has a distinct and unique style that works for his body." Ayon sa boksingero, plano umano niyang magpakawala ng mga suntok sa mga huling rounds ng laban para mapagsak sana si Pacquiao. Ano ang susunod para kay Pacquiao Sa inisyal na mga panayam sa kampo ni PacMan, habang sinusulat ang balitang ito, umaasa si Manny na matutuloy ang pagtutuos nila ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon. Ayon kay Manny, kailangan umanong matuloy ang kanilang tinaguriang "megafight" ni Mayweather dahil inaabangan ito ng mga boxing fans sa buong mundo. Sabay-sabay na nagdiwang Kagaya ng mga huling panalo ni PacMan,

@karlvelasco: "well done manny! you're still the best. bring on mayweather. #mannypacquiao #algeri #boxing #5yearstoolate" @GilberticoWBA: "#boxing needs @FloydMayweather v @MannyPacquiao to come true. Tonight it was shown challengers list has finished." @EhsanJavahery: "Indeed the Best Boxer in the World. Congrats Manny. #MP #win #boxing" @AntonyChanth: "Manny Pacquio still champion of the world! đ&#x;˜Š#MannyPacquiao #boxing"

SPORTS UPDATES Donaire, walang planong magretiro

M

atapos ma-knockout ni Nicholas Walters sa ika-anim na round, wala sa okabularyo ni Nonito Donaire ang magretiro bilang isang boksingero. Sa halip, ang kanya ngayong susunod na estratehiya ay ang pagbabawas ng timbang. Base sa ulat ng rappler.com, ipinahayag ng kampo ni Donaire sa kanyang official Facebook page na masyadong malaking kalaban si Walters, kung kaya't nawala sa kanya ang WBA featherweight title sa kanilang laban nitong Oktubre 18 sa StubHub Center sa Casron, California. Aniya, “I’m going to take some time off and rebuild myself all over again. I'll come back stronger and probably at a lower weight.� Nanalo na si Donaire ng mga titulong flyweight bantamweight, junior featherweight, at featherweight. Nahawakan niya rin pansamantala (interim) ang WBA junior bantamweight, subalit hindi siya kinilala bilang full champion.

Top billiards players, pag-aagawan ang premyong $150k sa Phl Open 10-Ball

I PBA Season 40 Schedule for December 2014

nagdiwang ang iba't ibang mga Pinoy saanmang sulok ng Pilipinas at ng mundo. Samantala, ito naman ang mga reaksyon ng mga boxing fans hinggil sa laban ng dalawang boksingero:

lang top billiards players ang nagkumpirmang sasali sa Philippine Open 10-Ball Championships sa Disyembre 8-16,2014 sa SM City Mall sa General Santos City. Ilan lamang sa mga kumpirmado nang dadalo sa naturang torneo, base sa ulat ng dyaryong PM (Pang-Masa), ay sina: World No.2 Shane van Boening, No. 3 Chang Yu Lung ng Taipei at No.4 Dennis Orcollo ng Pilipinas. Pag-aagawan ng nasabing mg billiards players ang premyong $150,000. Ayon sa report, si Manny Pacquiao ang gumawa ng paraan para mabuo ang nasabing premyo. Dadalo rin umano ang mga kaibigang billiard players sa kaarawan ni PacMan sa Disyembre 17.

Panibagong Sports Complex, pinagplaplanuhan

I

nilalakad ngayon ng House of Representatives ang pagpapagawa ng panibagong Sports Complex na magagamit ng mga atleta ng Pilipinas. Kasama ang Philippine Olympic Committee, inaasahang ang panibagong Sports Complex ay ipapatayo sa dating Clark air base sa Pampanga. Malaki ang nasasakupang lupa ng Clark International Airport Corporation, at ayon sa mga awtoridad, maaaring maglaan ng halos 50 hectares para sa planong Sports Complex. Dahil sa magandang lokasyon ng Clark International Airport, batid ng mga awtoridad na mas maganda ang lokasyong ito para sa training kung ikukumpara sa Rizal Memorial Sports Complex na nasa gitna ng matrapik at mataong lugar. Medyo malaki-laki rin ang magagastos para sa planadong Sports Complex 'pag nagkataon at mayroong iba’t ibang pagpipilian ang gobyerno kung papaano uumpisahan ang proyekto. Isa sa mga posibilidad ay ang unti-unting pagpapatayo ng Sports Complex gamit ang General Appropriations Act. Nariyan din ang National Sports Development Fund na maaaring maglaan ng pondo para sa proyekto.

2 Pinay athletes nasungkit ang 2 golds sa Ju-Jitsu event sa Asian Beach Games

N

asungkit ng dalawang Pinay athletes ang dalawang gintong medalya sa ju-jitsu sa Asian Beach Games sa Phuket, Thailand. Bagung-bagong event ang ju-jitsu sa Asian Beach games at suwerteng napasakamay nina Maybelline Masuda at Annie Ramirez ang dalawang pinakainaasam na medalya. Tinalo ni Masuda si Le Thu Trang ng Vietnam sa iskor na 150, samantalang ginamitan naman ni Ramirez ng cutting arm ang pambato ng Thailand na si Onanong Saengsirichock. Dating Brazilian ju-jitsu world champion si Masuda, habang si Ramirez naman ay dating naitonal judo player, base sa ulat ng Pilipino Star Ngayon.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.