nito. Halimbawa, “ang maihatid o mailapit ang tao sa Diyos” ay tungkulin natin na nakasaad sa ating Disiplina, at ito rin ay isang Dakilang Atas ng Diyos sa Iglesia: Mateo 28:19-20 “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Ikalima, sa ecclesiology ay ating mapag-aaralan na ang pinaekselenteng katangian ng mananampalataya, at ng Iglesias a kabuuan ay ang pag-ibig. Ang likas na katangian ng IEMELIF na mapagmahal sa Diyos at sa kapwa ay mababakas sa mga titik ng kanyang paboritong imno:
“Ang IEMELIF ay diwa ng buhay at ng pag-ibig Ang IEMELIF, sa Ama umaasa hanggang langit Ang IEMELIF, ang kasalana’y pilit nilulupig O, sa IEMELIF, pag-ibig ay naghahari bawat saglit. Pusong dalisay sa pagmamahal Sa IEMELIF mo matatagpuan Ang maligayang pagdaramayan Buklod na matibay ng kapatiran.13
13 Ang Imnario at Ritual ng IEMELIF, Bilang 202, Pahina 198.
PAGsasabuhay Sa konteksto ng IEMELIF, ang ecclesiology ay makakatulong nang malaki upang mapagyaman ang dakilang pamana ng ating mga ninuno. Magkakaroon tayo bilang isang Iglesia ng panibago at sariwang pananaw sa biblikal na layunin, karakter at misyon ng Iglesia. Ang pananaw na ito ang magbubunsod sa atin upang kumilos at tupdin ang ating misyon bilang instrumento ng Diyos sa sanlibutan.
17