Responde

Page 1


RESPONDE NORMAN WILWAYCO


Pasintabi Salamat sa lahat ng mambabasa. Tigilan nyo na ang pagbabayad ng buwis kase wala namang kinapupuntahan. Mabuhay kayo! Salamat sa lahat ng ka-tropa sa literatura, musika, bisyo at trabaho. Ang hirap mabuhay sa mundo, buti na lang marami akong kaibigan. Mabuhay kayo! Salamat sa lahat ng kapamilya, kasalo sa buhay, kasama sa biyahe. Mabuhay kayo! Salamat sa lahat ng kababaihan sa mundo. Patuloy kayong nagsisilbing insipirasyon ng inyong abang lingkod. Mabuhay kayo! nw


Drug War ASIN LIVE!

..4 ..24

Larawan ..41

Dangal ..56

kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahabahaba ring paglalakbay ..72

Dugyot ..95

Harem ..107

Imat ..132

Kahon ..142

Mga Bagay Na Wala Kami ..149

Pulutan ..159

Tony/Floren ..166

Trip Kong Lumipad ..189


Drug War Drug addicts deserve a kick in the face.

— Jessica Zafra, Writer

I May pananabik ang bawat hakbang ni Jean, di alintana ang kapal ng mga taong naghambalang sa daanan, nag-uunahan ang mga gatok ng mga takong sa makinis na semento ng Ayala Ave. Tulad ni Jean, ang mga kapanabayan niya sa paglalakad ay dinurog ang mga utak sa walong oras na pagtatrabaho sa nagtatayugang mga gusali sa paligid. Sampung minuto na ang nakalilipas mula nang ihudyat ng mga relo ng distrito pinansyal ang timbre ng pagtatapos ng oras ng trabaho, pag-alis sa malalamig at de-alpombrang mga opisina, para yakapin ang mga daang pauwi na natatakpan ng naggugubat na mga


sasakyan. Madarama sa hangin ang bigat ng sakripisyong inialay sa isa na namang sana’y makabuluhang araw sa opisina. Bakas sa bawat mukha ang pagkahapo, mas ng isip kaysa ng katawan, at mababasa sa lamlam ng mga mata ang unti-unting kumukupas na mga pangarap.


Ngunit hindi kay Jean. May kislap ang mga mata niya at may banayad na ngiting nakapinta sa pisngi niya. Ang pagmamadali niya’y bunga ng pananabik. Kanginang bago siya lumabas ng opisina, natanggap niya ang text ni Tony. Isang salita lang. POSITIVE. Parang tinanggalan siya ng pasaning mabigat nang mabasa niya ang mensahe. POSITIVE. Maiksing salita ngunit kayang buuin o biguin ang araw niya. Suwerte ko naman!, bulalas niya sa sarili. Ngayong gabi’y hindi siya mag-iisa. Ang sasapit na gabi’y itatawid niya kasama ang kasintahan. Doon siya sa apartment ni Tony matutulog. Bumaba siya ng MRT sa istasyon ng Quezon Blvd. Mula dito’y sumakay siya ng jeep papuntang Quezon City Hall, at mula dito nama’y traysikel papunta sa apartment ni Tony. Sa City Hall ay may bigla siyang naalala. MUNCHIES. Pinara niya ang traysikel sa tapat ng isang convenience store at pumasok sa loob. Bumili siya ng ilang supot ng kutkutin at isang six-pack ng malamig na san mig light. Paglabas niya ng tindahan, napansin niya ang isang


beauty parlor sa di kalayuan. Isang ideya ang nabuo sa isip niya. Pumihit siya ng direksyon at pumasok sa loob ng parlor. Napangiti siya sa mga maaaring mangyari ngayong gabi. II Wala siyang dapat ipangamba, tuturuan niya lang ng leksyon ang tarantadong addict na iyon. Tama, isang mapait na leksyon.


Ipinikit ni Romy ang mga mata at isinandal ang ulo, pinilit ipahinga ang isipang batbat ng pananabik at bahagyang pangamba. Lagi’t lagi, naroon ang pangamba. Kahit ilang ulit na niyang binali-baligtad sa isip niya ang plano, ganoon pa rin, kahit sa tingin niya, plantsadong-plantsado ito, nangangamba pa rin siya na baka may mangyaring hindi kasama sa plano. Halimbawa’y magkaroon ng aksidente? Halimbawa, manlaban si Tony. Paano na? Babarilin ba niya? Ayaw niyang maging kriminal. Ang gusto niya lang, turuan ng leksyon ang isang naliligaw na tupa, at magkaroon siya ng makatwirang dahilan para palayasin na ang punyetang addict na nangungupahan sa apartment niya. Nang sa gayon ay makakuha na siya ng bagong kasera. Yung matino. Ang putang ina, naka-long-sleeves sa pagpasok sa opisina araw-araw, yun pala may itinatagong baho. Marijuana! Susmaryosep! Isusumpa ako ng Diyos sa kaduluduluhan ng impiyerno kung palalampasin ko ang ganitong kawalanghiyaan. At ang masama pa, kasama kung minsan ang syota niyang si Jean. Magandang dalaga, kaya lang tanga. Sira-ulo. Sukat ba namang pumatol sa addict. Malamang na addict din yung putatsing na iyon. Kung matino siya,


aba’y bakit niya hinahayaang humitit ng marijuana ang boyfriend niya? Malamang nga, parehong sabog ang dalawa kapag naririnig niya ang mga ungol at hingal ng pagtatalik sa gabi, hanggang madaling-araw. Kaybabata pa nila. Magaganda, malalakas, may magagandang trabaho, si Tony sa Ortigas at si Jean naman, sa pagkakaalam niya ay sa Makati nagtatrabaho. Mga nagoopisina, mga batang propesyunal. Putang ina, kaya lang mga addict. Ano kayang klaseng pagpapalaki ang ginawa ng mga tarantado nilang mga magulang at nagkaganoon ang mga anak nila? Biglang kinabahan si Romy. Paano nga pala kung diyan sa apartment ni Tony matulog ang syota nito? Mas mabuti, two birds in one stone. Tutal pareho silang addict, mabuti ring pareho silang makatikim sa akin.


Tatakutin ko lang naman. Sa pagkakaupo ni Romy sa balkonahe, nagulat siya sa biglang pagbukas ng gate. Kumayod sa sementadong driveway ang bakal na pintuan at bumakat sa semento ang ilang sariwang gasgas. Nakita niyang pumasok sa loob ng bakuran si Tony, ang binatang nangungupahan sa maliit na apartment na karugtong ng bahay niya. Nagsalubong ang kilay niya. Mataman niyang minatyagan ang papalapit na yabag ng Tony. “Magandang gabi ho,” bati ni Tony sa kanya. Nagulat siya sa bati. Isang pilit na ngiti ang kumawala sa pisngi niya, ngiting kagyat na naglaho nang pumasok ang binata sa loob ng apartment. “Tapos na ang maliligayang araw mo, gago, “ bulong niya sa sarili. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone, kagyat na nagpadala ng mensahe sa kapatid niya sa Camp Crame. POSITIVE. Isang salita lang, pero alam na ng kapatid niya ang kahulugan. Naupo siya sa tumba-tumba at ipinikit ang mga mata. Napangiti siya sa mga maaaring mangyari


ngayong gabi.

III

Sa haba ng tinakbo ng naging buhay ni Fred sa hukbong sandatahan ng Piliipinas, may ilang piling-piling pagkakataon na sa dibdib niya’y may kabang kumukurot. Ilang ulit na siyang nasabak sa larangan ng labanan, ilang ulit na rin siyang binulaga at tinambangan ng di mabilang na mga ambush, at ilang ulit na rin siyang namuno sa mga mahahalagang operasyong militar, pero ang kaba, maliban na lang sa ilang piling-piling pagkakataon, ang kaba ay walang puwang sa dibdib niya. Saan man masabak, laging buo ang loob niya, at ni minsa’y hindi nataranta sa haging ng mga bala. Ang titulong heneral ay inani niya sa di mabilang na mga labanan. Ang mga dekorasyon niya’y bunga ng tapang, sipag at mga tagumpay na operasyon.


Ngunit minsan, naroon ang kaba. Hindi niya maipaliwanag ngunit naroon, nakakubli sa likod ng maumbok at matigas niyang kalamnan sa dibdib. Tulad ngayon. Unti-unting gumagapang ang kaba mula sa kanyang dibdib, tungo sa buong katawan. Hanggang maramdaman niyang nanlalata ang kanyang mga braso, at alam niyang kasunod nito’y ang bahagyang pagkahilo Isinandal niya ang ulo sa malambot na sandalan at iginala niya ang paningin sa loob ng opisina. Unti-unting kumikirot ang kanyang noo. Nagpaparamdam na ang mga supling ng kaba. Sa noo niya’y may mga pawis na namumuo. Nadako ang paningin niya sa cellphone sa mesa. Nakakairita ang mahina ngunit paulit-ulit na beep at kumikindat ang maliit nitong ilaw, nagpapahiwatig na kailangan nang kargahan ng kuryente. POSITIVE. Minasdan niya ang katatanggap na mensahe. Dalawang linggo siyang hindi pinatulog kakaisip ng mensaheng ito. At ngayon, masasal ang kaba niya. Kabang sana’y ngayon na magwakas. Nag-aagahan siya noon nang tumawag sa kanya


ang kapatid na si Romy. Nang sabihin ng katulong nilang si Romy ang nasa telepono, noon pa lang, tingin niya, naitanim na ang mga hibo ng kaba. “Bakit, kuya?” nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa telepono. Lagi’t lagi ay ganito, sapul pa noong mga bata sila. Kapag kausap niya ang kuya niya’y lagi na’y nangangamba siyang baka may masabi siyang hindi maganda na ikagalit nito. Ayaw niyang nagagalit ang kuya niya.


“Pahiram naman ng isang pulis,“ prangka at malamig ang pagsasalita ng kuya niya sa kabilang linya, “tuturuan ko lang ng leksyon yung nangangasera sa apartment ko.” Napalunok siya. Hindi ba naiiintindihan ng kuya niya na ang ipinapagawa nito’y isang malaking pagsalungat sa mga nakatakdang direktibo ng opisina? Na ang ipinapagawa nito’y maaaring maging sanhi ng pagkatanggal niya sa serbisyo? Maaari siyang matanggalan ng katungkulan, ang titulong general ay parang magic tape na pupunitin sa katawan niya, “Ano?” takang-taka siya sa kabilang linya. “Bingi ka ba?” “Kuya, ano’ng gagawin mo?” “Tuturuan ko nga ng leksyon yung addict na nakatira sa apartment ko. At para mapalayas ko na yung putanginang iyon at makahanap na ako ng matinong kasera.” “Addict? Leksyon? Kuya, hindi kita maintindihan.” “Makinig kang mabuti, pindeho! Para maintindihan mo!” Ilang sandaling natahimik ang linya. Ilang malalalim na buntong-hininga ang nag-ugnay sa kanila.


“Addict yung nangungupahan sa apartment ko, gusto ko nang palayasin.” Naghintay siya ng karugtong ngunit nanatiling tahimik ang linya. “Sigurado ka ba, kuya?” tanong niya. “Siguradong ano? Sa gagawin ko?” “Hindi. Sigurado ka bang addict talaga?” “Oo. Pinasok ko ang kuwarto niya. Marami akong nakitang parapernalyas.”


“Shabu?” “Hinde. Marijuana. Marami akong nakitang upos.” “Upos? Mari— susmaryosep. Marijuana lang pala eh.”’ “Oo nga, Marijuana! Ipinagbabawal na gamot. Pulis ka, dapat alam mo iyan.” “Ano ang balak mong gawin, kuya?” “Yun na nga, pahiramin mo ako ng isang pulis, backup lang, kung saka-sakaling manlaban yung tarantadong iyon.” “Eh, kuya, ano nga ang balak mong gawin?” “Pindeho! Sinabi ko nasa iyong tatakutin ko iyong nanugngupahan sa apartment ko, eh!” “Eh, kuya, bakit di mo nal lang kausapin, at sabihin nang maayos na… na ayaw mo na sa kanya… na hahanap ka na ng ibang mangungupahan.. O kaya, magdahilan ka, kunyari ibebenta mo na ang apartment, at may buyer na. Bakit di na lang ganoon ang gawin mo, kuya? Para walang gulo?” “Tarantado ka talagang duwag kang pindeho ka, ano? Addict nga yung tao. Dapat doon, turuan ng leksyon. Tanga! Ano? Kung ayaw mong magpahiram ng


pulis, bahala ka. Ayaw mo huwag mo!” Nakabibingi ang pagbagsak ng telepono sa kabilang linya. Kasunod nito’y masasal na kaba. Galit si kuya. Atubili niyang pinindot ang naka-set na numero ng kuya niya sa telepono. Nanginginig ang kamay niya habang naghihintay ng sasagot. Limang ring. Sampung ring. Labing-anim. Busy signal. Redial. Nagulat siya sa sigaw ng kuya niya sa kabilang linya. “Ano, nakapag-isip ka na ba? O talaga lang duwag ka. O talaga lang sinusubukan mo yung galit ko?”


“Sige, kuya, kailan mo kailangan ang pulis na hinihiram mo?” “Ite-text kita. Ipa-plano ko pa iyong operation. Kapag natanggap mo iyong text mula sa akin, ibig sabihin, GO na ang operation. Magpapunta ka kaagad ng pulis dito.” “Eh, kuya…” Putol na ang linya. Isang linggo ang lumipas. Isang linggong punongpuno ng pag-aalinlangan at kaba. Sa gabi’y nagkakalaglagan sa sahig ang kumot at mga unan sa walang puknat niyang pagbiling-biling. Sa araw nama’y kumakapal ang mga papeles na hindi niya naaasikaso, hanggang matakpan ng mga papel ang malapad niyang mesa. Matapos ang isang linggo, unti-unting humupa ang kaba. Naisip niya marahil na nagbago ang isip ng kuya niya. Na malamang, kinausap na lang nito ng maayos ang nangungupahan sa apartment. Na siya namang dapat gawin, sa umpisa pa lang. Lumipas pang muli ang isang linggo at ang usapan nila ng kuya niya’y parang kaylayo nang mangyari. Ngunit ngayon, isang text message ang natanggap niya mula sa kanyang kuya. POSITIVE. Isang salitang


animo mabigat na bakal na bigla na lang dumagan sa dibdib niya. At muling nagsabog ng mga binhi ng kaba. Atubili siya sa gagawin. Sa linya ng trabaho’y marami siyang kilalang pulis na mapagkakatiwalaang gumampan ng ekstrang trabaho. At alam niyang ikalulugod ito ng sinumang pipitsuging pulis na nagkalat sa buong hukbo ng bansa. Sila ang mga taong kaya nagpulis ay dahil ikinalulugod nila ang labis ang karahasan. At lalo pang ikalulugod ng mga pipitsuging pulis na ito kung ang request ay manggagaling sa kanya, isang heneral na may malakas na kapit sa mga diyosdiyosang nagtatakda ng promosyon at dekorasyon. Isang pulis ang kinausap niya hinggil dito. Kilala niya ang pulis na iyon, isang tipikal na pipitsuging pulis na kumakain ng karahasan. Lalo na kung ang karahasan ay magbubunga ng promosyon at dekorasyon.


Kalahating oras ang dumaan ngunit hindi pa rin siya tumitinag sa kinauupuan. Bawat segundo’y hinahati ng pag-aalala sa kanyang posisyon at kaba sa kanyang kuya. Bumuntong-hininga siya ng malalim, isa sa mga bagay na madalang na niyang gawin gawa ng munting kirot sa dibdib niya tuwing gagawin niya ito. Kinapa niya ang buto sa may kanang bahagi ng dibdib niya. Isang malakas na suntok ang dumapo roon noong sampung taong gulang pa lang siya, isang malakas na suntok na pinawalan ng kuya niya noong maliliit pa sila dahil siya umano’y isang pindehong duwag na sira-ulo’t gago’t mayabang na walang binatbat. Kumirot ang dibdib niya. Muli siyang bumuntong hininga at ninamnam ang sakit na tumusok sa dibdib niya. Nagpunas siya ng pawis at dinampot ang cellphone sa mesa.

IV Halos mapalundag si Rudy sa mahinang katok ng kanyang ina sa pinto.


“Rudy, kumain ka na,” mahinang anas sa pinto. “Sige, nay. Susunod na.” Tiningnan niya ang mukha sa salamin. Hinagod ng daliri ang magaspang na balbas na bagong ahit. Ngumiti siya ng maluwang, sinipat-sipat ang mga sulok-sulok ng ngipin. Tumingin siya sa relo, maaga pa, naisip niya. Humakbang siya patungo sa pinto at ini-lock ito. Nang matiyak ang pagkakapinid, umupo siya sa kama, dinukot mula sa ilalim ng kutson ang isang kahong kulay itim. Inilapag niya ang kahon sa barnisadong mesita sa gilid ng higaan. Binuksan niya ang kahon at maingat na inilabas isa-isa ang mga laman. Isang ginupit na hugis parihabang palara, isang lighter na may nakausling tubong tanso, isang binaklas na bolpen, isang latang vicks. Binuksan niya ang lata ng vicks at muli, tulad ng mga nakaraang pagkakataong ginagagawa niya ito, napalatak siya sa ganda ng munting mga puting kristal na kumikislap sa tama ng liwanag, animo bumabati sa kanya.


“Good evening, ladies,” bulong niya. “The night is young, and so are we.” Cyrstal methane, ang ultimong pang-durog ng utak. Ang tunay na nakakapraning, huwag maniwala sa sabisabi, ang langit ay gawa sa shabu. Nagsalin siya ng shabu sa palara, sinindihan ng lighter ang ilalim at ang nilikhang usok ay hinigop niya, gamit ang binaklas na bolpen. Ilang minuto siyang naglagi sa silid, sinusunog at nilalanghap ang usok ng nasusunog na kemikal, at pasalit-salit na iniisip ang lakad niya ngayong gabi. Kaarawan ng isang kasamahan nilang pulis. Malamang ay bumabaha na ngayon ng beer sa sala nila, at malamang naikasa na ang videoke para sa magdamagang kantahan. Napangiti siya sa mga maaaring mangyari ngayong gabi. Maya-maya’y tumayo siya. Iniayos ang mga gamit at ibinalik sa kahon, at muling isinuksok sa ilalim ng kutson ng kama. Kinuha niya ang kanyang holster na nakasabit sa dingding, dinukot ang makintab na 45 automatic na nakasubo rito. Isinuksok niya ang baril sa kanyang


pantalon at ibinalik sa pagkakasabit ang holster. Palabas na siya ng silid nang tumunog ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mensahe. Isang salita lang. POSITIVE.


Magkahalong yamot at kaba ang bumalot sa katawan niya. POSITIVE. Kaylaki ng kahulugan. Umikot siya pabalik ng silid, atubili kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak: Di siya makapupunta sa handaan, sa inuman. Mayroon siyang importanteng lakad. Naghubad siya ng damit at mula sa aprador ay kinuha ang isang luma ngunit malinis na terno ng uniporme. Tinanggal niya ang nameplate na nakadikit sa dibdib nito. Uniporme lang ang kailangan niya, hindi identipikasyon. Inilagay niya ang 45 sa loob ng aparador at mula rito’y kinuha ang isang makintab na 9 mm na walang papeles, walang nakarehistrong may-ari. Isinukbit niya ito sa holster. Pinagpag niya ang damit at humakbang papuntang pinto. Sa buong departamento, walang nakakaalam ng operasyong ito, kahit ang mismong hepe nila. Ang operasyong ito’y hindi para sa kapakanan ng bayan, na siya niyang sinumpaang paglingkuran, kundi isang personal na request mula sa isang nakatatandang opisyal na bagama’t nasa ibang linya ng departamento, malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng career niya kapag nagrekomenda ito sa mga nakatataas.


Badtrip, bakit sa dinami-dami ng araw na libre siya, bakit ngayon pa itataon ang operasyon. Paglabas niya ng silid, tinapunan niya ng sulyap ang nakahaing pagkain sa mesa. Tingin pa lang, parang bumubulwak na ang tiyan niya. Bahagya siyang tumango sa ina nang makalabas siya ng silid, at nagtuloy-tuloy sa garahe. Maya-maya lang, halos paliparin niya ang motoksiklo sa kahabaan ng EDSA. V Nakakailang pahina na si Tony sa pagbabasa ng pocket book ngunit wala pa rin siyang naiintindihan sa binabasa. Ipinasok niya sa plastik na nakasabit sa dingding ang libro at pinagmasdan ang malanding pagsasayaw ng usok ng sigarilyo sa paligid ng dilaw na bombilya.


Naisip niya ang mga nagyari kangina. Maaga siyang lumabas sa opisina. Ang sabi niya sa boss niya, masakit na masakit ang ulo niya. Pero ang totoo, natanggap niya ang text ni Mario. POSITIVE. Ibig sabihi’y dumating na ang supply. Ibig sabihi’y magpipiyesta ang lahat ng enlightened individuals ngayong gabi. At itinuturing niya ang sarili bilang bahagi ng maliit na sirkulong ito. Nang makalabas ng opisina, sa ilang mabibilang na beses sa buhay niya, nakasambit siya ng pasasalamat sa Diyos nang makapara agad siya ng taxi. Matuling binagtas ng sasakyan ang unti-unti nang sumisikip na EDSA, bunga ng papalapit na rush hour. Mula Ortigas ay humaharurot ang taxi hanggang bumaba siya sa PHILCOA. Pumasok siya sa McDonalds, bumili ng softdrink at naupo sa isang bakanteng upuan. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at nag-text kay Mario. di2 na ko Ilang sandali siyang naupo. Maya-maya’y tumunog ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mensaheng natanggap niya mula kay Mario. ok. punta ka matatag Tumayo siya at inubos ang natitirang softdrink. Tinungo niya ang pilahan ng traysikel at sumakay.


Pinara niya ito sa Matatag St., ilang bahay ang layo mula sa isang maliit na tindahan. Nilakad niya ang natitirang distansya hanggang sa tindahan. Dito niya hihintayin si Mario. Sa tapat ng tindahan ay may ilang kotseng nakaparada. Sa may gutter ng kalsada, ilang tumpoktumpok na kabataan ang naninigarilyo habang nagkukuwentuhan. Tumayo siya sa tabi ng poste at nagsindi ng sigarilyo. Maya-maya’y unti-unting umalingawngaw sa hangin ang tunog ng isang motorsiklo. Napagniti si Tony. Napansin niyang tulad niya, nangingiti rin ang ilang nakaistambay sa gilid ng daan, at nakita niya mula sa mga nakabukas na bintana ng mga nakaparadang kotse na may ngiti rin sa mukha ng mga tao sa loob.


Mula sa blind curve ng subdivision, lumabas na parang iniluwal ng kawalan ang isang motorsiklo, lulan ang patpating katawan ni Mario, lumilipad sa hangin ang mahaba niyang buhok. Tumigil ang motorsiklo sa tapat ng tindahan. Tumawid siya ng kalsada at lumapit kay Mario. Napansin niyang naglalapitan ang kangina’y nakaistambay na mga kabataan. At ilang tao rin ang naglabasan mula sa mga nakaparadang kotse. May kabang bumalot sa dibdib ni Tony. Binilisan niya ang paglakad. Hinawakan niya sa braso si Mario na bahagyang nagulat sa higpit ng hawak niya. Inginuso niya kung sinosino ang mga nagdadatingan. Sinagot ito ni Mario ng isang maluwang na ngiti. Nagdukutan ng pera ang mga tao sa paligid nila. Siya man ay nakadukot sa bulsa, nakasapo sa perang inilaan niya para rito. Naglabas ng bollpen at maliit na notebook si Mario mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Inilista niya ang inisyal at kung magkano ang kukuning damo ng mga kliyente niya. Yung mga nakakotseng dumating ay bumili ng tigiisang libo. Mula sa mga kabataan, may bumili ng isandaan, dalawandaan, at siya nama’y bumili ng limang


daan, para sa isang buwang suplay nila ni Jean. Matapos makolekta ang mga pera, umalis si Mario. Naiwan silang nakatayo sa gilid ng kalsada, sa tapat ng tindahan. Sa ilang minutong wala si Mario sa eksena, parang nagkakahiyaan ang mga di magjkakakilalang tao na naririto dahil sa iisang dahilan. Matitipid na ngiti at tango ang nag-ugnay sa kanila. Maya-maya’y bumalik si Mario, hawak ang isang plastik na supot. Mula rito’y dinukot niya ang hiwahiwalay na mga maliliit na balutan. Iniabot niya isa-isa ang mga balutan sa mga nakapaligid at nang maubos ang laman ng tangan niyang supot, nilamukos niya ito at inihagis sa lupa, at dinukot ang isang joint mula sa kanyang bulsa.


“Sindi muna tayo, pipol!” sigaw niya, na sinagot naman ng malakas na “Sige” ng mga nakapaligid. Dumukot si Mario ng lighter at sinidihan ang joint. Humitit ito ng malalim at ipinasa sa katabi ang umuusok na joint. Nang maubos ang hinihitit, isa-isang nag-alisan sa iba’t ibang direksyon, ang mga kung tawagin niya’y enlightened individuals. At ngayon, kasalukuyang nakahimlay sa aparador niya ang supot ng damong binili niya kay Mario. Medyo liyo pa siya sa tadyak ng hinitit nila doon sa Matatag, at naisip niyang parang gusto niyang mag-roll ng isang joint habang hinihintay si Jean. Naalala niya ang syotang si Jean. Ang malambot nitong katawan, ang mabango nitong buhok. Napangiti siya sa maaaring mangyari ngayong gabi. Isang impit na iri ang lumabas mula sa tuyot niyang labi, isang kunot ng noo, at isang maluwang na ngiti ang sunod niyang pinawalan. Ngayong gabi’y darating ang girlfriend niyang si Jean, at dito matutulog sa kanyang apartment. Pagsasaluhan nila ang binili niyang damo, first class, habang nagdidiskurso sa mga nakakatawang nangyayari, partikular sa gobyerno. At iyon ay habang


magkalingkis ang hubad nilang mga katawan, at nagpapalitan sila ng maiinit na haplos at hawak at lamas, at kapwa sila sabog. Praise the Lord! God bless the pusher! Muli, napangiti siya sa mga maaaring mangyari ngayong gabi. Nagpunas si Tony ng tissue at tumayo. Kinambyo niya ng paa ang flush ng inidoro, at sumisipol na lumabas ng banyo.


VI Nanginginig ang mga kamay ni Sol habang sinusulsi ang polo ng asawa. Hindi niya gusto ang ikinikilos ngayon ni Romy. Tatlumpung taon ang binuno niya kasama ang kabiyak, at sa haba ng panahong iyon, may mga pagkakataong tulad nito. Ilang araw nang balisa ang kanyang asawa. Pabiling-biling ito sa pagtulog, walang gana sa pagkain, at mainitin ang ulo. Di nito inaasikaso ang nakagawiang pagkakarpintero ng mga kailangang kumpunihin sa luma nilang bahay. Kung anuman ang problema, di niya ito maitanong sa kabiyak. Ang isipin pa lang na magtatanong siya kay Romy tungkol sa kung ano ang balak nitong gawin, ay sapat na para gumapang ang nerbiyos sa buo niyang katawan. Ayaw ni Romy nang siya’y nagtatanong hinggil sa mga plano nito. Ang kanyang toka bilang asawa ay magluto, maglaba, manahi, maglinis, manalangin, at tumihaya. Di niya alam kung ano ang problema ng kabiyak ngunit malaki ang kutob niyang may kinalaman dito si Tony, ang masuyong binatang nakatira sa apartment na


pinauupahan nila. Napalingon siya sa poon na nakapatong sa side table. Sa tabi ng poon, animo mga guwardyang nakatanod ang apat na kandilang bigay sa kanya ni Tony, pasalubong nang magbakasyon sila ng kanyang nobya sa kung saan. Tumayo siya’t sinindihan ang mga kandila. Pagkuwa’y lumuhod siya at taimtim na nanalangin. VII


Ang kapayapaan ng gabi’y nilaslas ng mga kalabog. Halos masira ang pinto sa lakas ng pagkakabalya ni Romy. Sa likod niya’y nakatayo si Rudy, ang pulis na pinahiram ng kapatid niya sa kanya para siya niyang back-up sa gagawin niya. Napabalikwas si Tony sa pagkakahiga. Bumukas ang ilaw at nasilaw sila ni Jean sa biglang pagbaha ng liwanag sa buong silid. “Mang Romy, bakit ho?” nagtatakang tanong ni Tony. “Bakit may kasama kayong pulis? Ano ho ang problema?” Bilang tugon sa kanyang tanong, dumapo sa mukha ni Tony ang isang matigas na bakal. Naramdaman ng ngala-ngala niya ang pagtalsik ng isang ngipin sa lakas ng pagkakahampas. Umikot ang kanyang paningin. Bago siya tuluyang mawalan ng malay, narinig niya ang tili ni Jean. “Tumahimik ka, PUTA!” Isang mariing sampal ang dumapo sa mukha ni Jean. Pinilit niyang takpan ng kumot ang katawan, ngunit hinablot ni Romy ang kumot. Tumambad sa liwanag ang hubad nilang katawan ni Tony, mga katawang may mantsa pa ng pagtatalik. Hinarap ni Romy ang nanginginig sa takot na si


Jean. Pinaglakbay niya ang mga mata sa kahubdang nakahain sa harapan niya. “Hoy, malanding putang addict, makinig ka sa sasabihin ko. Sabihin mo diyan sa nobyo mong pindeho, huling gabi na niya ito. Bukas, maghanap na siya ng malilipatan. Mga putang ina kayo, mga nag-oopisina, mga akala mo kung sinong mga disenteng tao, ‘yun pala, mga addict!” “Alam, mo, sayang ka. Ang ganda mo pa naman, kaya lang addict ka. Nagtyatyaga ka diyan sa syota mong payatot na, addict pa. Kunsabagay, pareho kayong addict. Dapat sa inyo turuan ng leksyon.” “Maawa na po kayo sa amin…” bulalas ni Jean. Sa isang sulok ng bibig niya’y tumatagas ang dugo, dulot ng mariing sampal na tinamo kangina.


“Ano’ng gagawin natin sa mga ito, Sarge,” tanong ni Romy sa kasamang pulis. Parang nakuryente sa pagkakatayo si Rudy, na mula nang pasukin nila ang magsyotang addict, ay animo tuod nang tumayo sa may gilid ng pinto, ang mga mata’y dilat na dilat na nakatitig sa hubad na katawan ni Jean. “Ha?” tanong niya kay Romy. “Sabi ko, ano kakong gagawin natin sa mga addict na ito. Hindi ba kako, dapat turuan ng leksyon.” “Ha? Eh… oo nga. Dapat turuan ng leksyon.” Nagtinginan si Romy at Rudy. May mga ngiting naglalaro sa mukha ng dalawa. Kumindat si Romy sa direksyon ni Rudy. Mula sa sinturon niya, kinalas ni Rudy ang posas at ikinabit sa mga braso ng walang malay na si Tony. “A—no’ng ga—gawin n’yo… kay Tony?” sa pagitan ng mga hikbi’y naibulalas ni Jean. “Dadalhin na namin sa presinto,” sagot ni Romy. “Para magtanda itong pindeho mong nobyo.” “Ma… may … war—rant po ba kayo…?” “Gaga! Ano’ng warrant?”


Humakbang si Romy patungo sa mesita sa gilid ng kama. Sa tabi ng ash tray, nakakalat ang ilang upos ng marijuana at sa tabi’y nakabulatlat ang supot ng damo na binili ni Tony. Dinaklot ni Romy ang nakabulatlat na supot at ibinato sa mukha ni Jean. Sumabog sa kama ang hinimay-himay na tangkay ng marijuana. “Hayan ang warrant! Baka gusto mong pati ikaw, tangayin na namin sa presinto?” “Akala ko ho… gusto n’yo lang paalisin na si Tony dito…” “Puwes, nagbago ang isip ko. Dapat sa nobyo mo, at sa iyo rin, turuan ng leksyon.” “Ano.. hong… leksyon?”


Nagkatinginan sina Romy at Rudy, sa mga bibig nila’y umusbong ang maluluwang na ngiti. Umupo si Romy sa gilid ng kama at humarap kay Jean. Nilabas niya ang kanyang dila at dinilaan ang paligid ng kanyang labi. Pagkuwa’y malumanay na nagsalita. “Tatapatin kita, puta ka. Wala akong balak na ipakulong yang tarantado mong nobyo. Ang totoo, kukunin namin siya para i-salvage na lang. Nang sa gayon, mabawasan na ang mga addict sa bansa. Para matahimik na ang Pilipinas. At ikaw, pakakawalan kita. Basta mangako kang di ka na magdadamo.” “Ho??? Maawa na po kayo kay… Tony. Huwag n’yo po siyang patayin.” Muling nagtinginan sina Romy at Rudy. “Puwede kitang pagbigyan. Puwede kong hindi patayin si Tony, iyon ay kung mangangako kang bukas na bukas din, aalis na siya dito at di na magpapakita sa akin kailanman. At huwag siyang umasang makukuha niya pa ang dalawang buwang deposito niya dito sa apartment, dahil wala akong balak na ibigay sa kanya iyon.” “Iyon lang … po ba?”


“Hindi pa ako tapos.” Dumukot ng sigarilyo si Romy at nagsindi. Inalok niya ang kaha kay Jean ngunit umiling ang dalaga. “Uyyy! Sorry, nakalimutan kong marijuana nga pala ang sinisigarilyo mo.” Ilang sandaling naglaro ng usok si Romy, bumuga ng malalaking perpektong bilog na mga usok mula sa kanyang bibig, bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Patikman mo sa akin yang puday mo.” “Ha???” “Mamili ka, pakakantutin mo ako at iyong kasama ko, o papatayin ko si Tony. Mamili ka.”


VIII Dinig na dinig ni Sol ang mga ingay sa kabilang bahay. Di niya maikakaila ang mga ungol ni Romy, mga ungol na mahigit tatlumpung taon na niyang pinagtitiisan. Mga ungol na hanggang sa panaginip niya’y sinusundan siya, Narinig niya ang mga impit na hikbi ni Jean. Narinig niya ang mga kalabog, ang ritmo ng gumagalaw na kama, gumagalaw kasabay ng mga ungol, tumatama sa dingding, hinihiwa ang kanyang damdamin, sinusunog ang kanyang pandinig. Narinig niya ang mga halakhak ni Romy at ng kasama nito. Narinig niya ng kung ilang beses ang paulit-ulit at walang puknat na pagmamakaawa ni Jean. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa natitira niyang timbulan sa magulong mundong ito na sa wari niya’y pinanawan na ng katinuan.. At pinilit iwaksi sa isip ang mga nangyayari sa kabilang bahay, sa apartment na pinauupahan nila. Pinilit niyang ipinid ang mga tainga sa mga daing ng pagmamakaawa. Nilakasan niya ng bahagya ang pag-usal ng Aba Ginoong Maria, habang namumuti ang mga buto ng daliri niya sa higpit ng


pagkakahawak sa rosaryo. Ang mga kandilang sinindihan niya kangina ay kasabay niyang lumuluha. IX Isang marahang dampi ng maaligamgam na tuwalya ang pumukaw kay Tony. Umiikot pa rin ang kanyang paningin. Hindi niya halos maaninaw ang luhaang mukha ni Jean.


“Jean?” “Shhh… magpahinga ka lang. May malaki kang bukol sa pisngi. Kailangan nating pumunta sa ospital. Kaya mo bang maglakad?” “Ano’ng ginawa nila sa iyo, Jean. Ang mga putang inang iyon!” “Shhh… tama na, hindi makakatulong ang init ng ulo. Gaganti tayo sa ibang paraan.” Napansin ni Tony ang mga pasa sa mukha ng kasintahan at ang namumugto nitong mga mata at dinurog ang damdamin niya ng awa. “Ano’ng ginawa nila sa iyo, Jean?” “Saka na natin pag-usapan. Ang importante, buhay ka pa. At ako. Magkasama pa rin tayo.” Hinawakan ni Tony ang mga palad ni Jean at sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, muli siyang pinahanga ng tibay ng loob ng katipan. “Ano, subukan mo kung kaya mong tumayo. Dadalhin kita sa ospital.” Iginala niya ang paningin sa paligid. Malinis. Ibig sabihi’y nakapaglinis na si Jean. Nakita niya sa mesita ang supot na binili niya kay Mart.


“Hindi nila dinala yung stash?” tanong ni Tony. “Ano’ng aasahan mo sa mga reaksyonaryong bobo?” Bigla, sabay silang nangiti. “Magroro-roll ako ng joint. Magsindi muna tayo.” “Sige.”


Readme.txt Meron akong sikreto na mamaya ko na sasabihin kase baka malito ka lang kung ngayon.

I. Iodized Salt Bago sila, wala ako. Nasan ako, kasama mo. Kasabay ang buong angkan ko hanggang sa ikatlong tuhod, at kabilang sa milyon-milyong mamamayang nabubuhay sa buong pinagpalang republikang kung ituring ng ibang bansa—masahol pa sa malansang isda. Di ba, kasama mo ako sa maghapong pakikinig sa aral ng mga guro. At kasama mo akong naglalaro sa damuhan pagkatapos ng klase, at uuwi tayo sa kanyakanyang bahay, tutulong sa mga gawaing-bahay, manonood ng tv, makikinig ng radyo, kakain, makikipagkuwentuhan sa mga kasambahay, matutulog, mananaginip.


At kinabukasan, gigising, tatae, maliligo, papasok sa eskuwela. Tulad mo, ginagawa ko ito araw-araw. Ganito lang naman ang buhay di ba? II. Magulang Naglakas-loob akong sabihin kay papa na gusto ko ng gitara. Preno, konting paliwanag: sa pamilya namin, at malamang sa inyo rin, bawal mag-asam ng kung anuano. Kahit walang nagsasabi sa iyo, dapat alam mo na ang pamilya nating nahahanay sa uring peti-burges, ay kalimitang sapat-sapat lang din ang kinikita para mabuhay sa bayang hawak sa bayag ng punyetang imperyalistang kano. Kaya wag kang pabili nang pabili ng kung anu-anong kapritso mo. Dig mo? Pag may trabaho ka na, saka ka bumili ng lahat ng trip mong bilhin. Kaya hindi biro ang pagsasabi ko kay papa na gusto ko ng gitara. Grabe ang preparasyon noon. Timing ng request at nag-uumapaw na lakas ng loob ang pinuhunan ko. At ilang gabing pagpapraktis sa kama bago matulog kung paano at kailan ko sasabihin kay


papa na: Pa, gusto ko ng gitara. III. Graphic Design Tulog ako nang tumawag si Ang, isang kaibigan. Pupungas-pungas kong sinagot ang telepono. Ang sama pa ng signal kaya wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Makalipas ang mahigit dalawang minutong ingay ng static, nawawaan ko rin ang pinapaliwanag niya.


Meron daw siyang ipapasang raket sa akin. Pwede raw ba kong mag-design ng album cover? —Pwede, sagot ko. —Magkano? tanong niya. —Depende, sagot ko. Album ba nino ito? —Asin. Ni sa hinagap, di inabot ng isip ko na darating ang araw, magde-design ako ng album ng Asin. Parang ang hirap arukin sa isip. Parang si Virgin Mary na naka-tback. Malabong mangyari. Pero totoo nga. Dapat kong pasalamatan si Ang sa pagbigay sa akin ng ganito ka-surreal na pagkakataon. Ang matututunan ko rito, di ko matututunan kahit saan. Bihira ang mga taong pinagpapalang dumanas ng kakaibang karanasang tulad nito. Salamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng involved sa proyektong ito. Kung di mo ma-gets, makakatulong na marinig mo ang scope ng project. Ganito iyon: Magrerecord ng live album ang Asin. Ako ang magde-design ng album sleeve. Ako na isang hamak na graphic artist, na ipinanganak na maraming dala-dalang isyu sa buhay,


nahahanay sa uring peti-burges, ay kailangang magnostalgia trip para ma-dig ng todo ang Asin at mailapat ko nang maayos ang esensya ng kanilang music sa gagawin kong album design. Di ko ma-imagine ang laki ng responsibilidad na hinihingi ng proyekto. Heto ang mga pangunahing isyu: a. Mabigyan ko kaya ng hustisya ang sining ng Asin sa album design na gagawin ko? (Ang totoo, kahit 10% lang ng esensya ng Asin ang tumagos sa gagawin kong design, masaya na ako.); at b. Wag mong kalimutan na kailangan kong magnostalgia trip para balikan ang mga butong itinanim ng Asin sa isip ko noong una kong marinig ang mga kanta nila. Ano’ng ibig sabihin nito? Pakikinggan ko uli ang lahat ng kanta ng Asin. Na para sa isang tulad kong ipinanganak sa hanay ng peti-burges at sapat-sapat lang ang kinikita para buhayin ang sariling pamilya, isa itong napakalaking responsibilidad. Bakit? Kase, Dahil dito—


c. Sa pagbalik natin sa memory lane, susukatin at panghihinayangan natin ang mga pangarap na binaril at pagkakataong pinalampas, at tutuklasin natin kung kailan tayo nagsimulang tumanda, kung kailan tayo bumitiw sa mga paniniwalang bakal nating sinusunod dati, at maaalala natin na minsan na tayong namulat, tumuklas, humanap ng ibang daang taliwas sa nakaset na standard ng lipunan, at titingnan natin ang sarili natin sa kasalukuyan, malayong-malayo sa imahe ng dati nating sarili, noong mga panahong rebelde tayong mga manlalakbay, binabagtas ang mga daang lihim, nakahawak sa matibay na pising nakabuhol sa puso ng mga manlalakbay na nauna sa atin, at hahanapin natin kung kailan tayo nakabitiw sa biyahe, saan natin nabitiwan ang tangang pisi, hahalughugin natin ang mga natutulog na saya at bangungot sa isipan; at d. Hassle 2 dre. Nostalgia trip is for rich fuckers. Kalimitan, lalo’t malalaking raket tulad nito, sumasablay ang self-confidence ko. Madalas umiral ang pagka-praning ko at inisip na dapat kong tanggihan ang raket na ito hangga’t maaga dahil: a. Di ko mabibigyan ng hustisya ang sining ng Asin sa gagawin kong album design. Di ko kaya kahit 10%.


b. Di ko yata kayang mag-nostalgia trip. Dahil‌ c. Masyado nang malawak ang memory lane ko, tiyak maliligaw ako, baka di ako makabalik; at, d. Hassle 2 dre. Nostalgia trip is for rich fuckers.


Pero dahil ako nga ang magdedesign ng album, at dahil ito naman talaga ang trabaho ko, wala akong ibang puwedeng gawin kundi, dahan-dahan, habang muling pinakikinggan ang mga kanta ng Asin at unti-unting sumasabay ang pulso sa ritmo ng gitara’t mikropono, at di maiiwasang bulatlatin ang mga pahina ng tiniklop na pangarap na sa kabila ng mga lumipas na taon, namamahay pa rin sa mga sulok-sulok ng isip ko at nagpaparamdam sa bawat bagay na makita, marinig, matikman, at maamoy ko. At napapansin ko, habang tumatanda ako, padalang na nang padalang ang mga pagkakataong naaalala ko sila, ang mga pangarap kong sing-ilap ng mga kuto ko. Kung babalikan ko ngayon, parang nabibigatan akong isiping minsan, hinangad ko ring pumiglas, lumipad, at lumaya. IV. Magulang Sa wakas, nasabi ko rin. Para kong tinanggalan ng tinik sa leeg. Higit pa. Para kong na-tae sa salawal sa harap ng crush ko at naalimpungatan ako’t nagising at natuwa dahil panaginip lang pala ang lahat, sabay hawak sa salawal para makasigurado. Di sumagot si papa. Nakaupo siya noon sa sala at


nagbabasa ng pocketbook nang pasimple akong umupo sa kabilang dulo ng sofa. —Pa, gusto ko ng gitara, ulit ko. —Ha? tanong niya. Tinandaan ng daliri ang binabasa, at tumingin sa akin. Medyo nairita dahil naistorbo ang pagbabasa niya. —Sa bertdey ko gitara na lang. Balik siya sa binabasa niya. Binuksan ko ang radyo at nakiramdam. Marahang gumapang na parang anino sa buong kabahayan ang kanta ng Asin na natiyempuhan kong pinapatugtog sa radyo noong oras na iyon. Buti na lang kasama ko sila, ang Asin. Habang naririnig ang kanta nila, lumalakas ang loob ko. Di pa rin siya sumasagot.


Sinandal ko ang likod kong unti-unti nang nangangawit sa tensyon. Pinikit ko ang mga mata at palihim na nagdasal na sana, pagbigyan ako ng tadhana sa hinihingi ko, tutal, naging mabuti naman akong anak. At mayroon pa bang mas mabigat na dahilan kaysa sa musika ng Asin na sabay namin ngayong naririnig? Di pa rin siya sumasagot. Gusto kong tingalain ang mga iniidolo ko. Gusto kong sundan ang yapak nila. Gusto kong tikman ang kulturang handog nila. Gusto kong tuntunin ang hinahawan nilang landas para sa akin, kase dati, hindi ko ito nakikita, di ko alam na may daan palang iba. Gusto kong isabuhay ang mga mensahe ng bawat kanta nila. Sa isang batang tulad ko, na hahahanay sa uring petiburges, may mas hihigt pa bang dahilan para maghangad ako ng gitara? Di pa rin siya sumasagot. Nilakasan ko nang bahagya ang volume ng radyo. —Hinaan mo nga yan! sigaw niya. Pinatay ko ang radyo. Pumasok ako sa kuwarto, nangarap at natulog.


V. Kita-kits Matapos ang mahabang panahon, pinalad akong muling mapadpad sa bayang kinalakhan ko. Mahigit sampung taon kaming di nagkita ng mga tropa kaya nagkatodohan sa inuman. Akalain mo nga naman. Nangyari’t lumipas ang sampung taon nang parang di ko namalayan. Kung tatanungin ako kung ano ang ginawa ko noong lumipas na sampung taon, baka di ko masagot. Wala akong masyadong maalala. O siguro mas tamang sabihing ayaw ko masyadong alalahanin. Sa punto de bista ng isang praning na tulad ko, mas tamang sabihing: masyado akong nawasak sa iba’tibang espiritung ninamnam at kemikal na nilanghap noong nakaraang dekada kaya literal na wala akong maalala.


Sa gitna ng ingay ng baso at debate, naisip kong napakalaki ng binago sa akin ng lumipas na dekada. Nakakapanghinayang ang dumaang panahon. Tanong ng ilang kaibigan, bakit ang hilig kong magkikisay sa mga kabadtripan ng nakaraan. Dapat daw, positive outlook sa future. Ganoon talaga, sagot ko, di maiwasan, ugali ko nang iyakan ang natapong beer sa sahig. Sa mga ganitong pagkakataon, nagsisi-ilaw ang mga warning lights sa utak ko. Senyales ito ng pagdating ng pinakamalakas at pinakamabagsik kong kaaway: INIP. Napag-usapan namin si Raul na dati naming kaklase. Patay na daw. Napatay sa isang encounter. Naging kumander pala ng NPA si Raul. Ang problema, di ko na siya maalala. Pilit ko siyang hinagilap sa imbakan ng 1 x 1 pictures ng lahat ng kakilala sa isang sulok ng utak ko, pero di ko siya makita. O baka madami na kase kong naiinom. Kaya nga noong mapadpad ang usapan sa mga traba-trabaho, at nagkatanungan tungkol sa mga gamit na binibili sa perang kinita, tapos tinagayan ako ng isang basong puno ng tanduay, walang chaser, ininom ko ng straight tapos tinatanong ako kung ano daw ang una kong binili nang matanggap ko ang una kong sahod sa


una kong trabaho matapos ang mahabang panahong ginugol ko sa akademya’t lansangan, basta, parang ganoon yung tanong, parang tipong pang-formal-theme, tapos tawa ko nang tawa sa tanong kase di ko masagot, nakakatawa dahil ang alam ko, may binili ako sa una kong suweldo pero nakakatawa nga kase di ko na maalala kung ano yun, hanggang sa makatulog na ako sa sahig at magpagulong-gulong sa suka kong mapanghe, at narinig ko may nagsalang ng tape ng Asin, at nakatulog akong pilit sinusundan ang lyrics ng masdan, mayroon lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan, gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan‌


VI. Live recording Matagal na ako dito sa Maynila pero ngayon ko lang sila mapapanood ng Live. Papunta ko ng Asin Live Recording sa 70’s Bistro nang pansinin ko ang kabang kanina pa nagpapapansin sa akin. Kumakabog ang dibdib ko, di ko alam kung sa pananabik dahil makikita ko’t maririnig nang malapitan ang mga musikerong lumikha ng mga kantang nagpayanig sa mga pundasyon ng lahat ng paniniwala ko. At siyempre pa, idagdag mo na ang ka-praningan ko dahil sa laki ng responsibilidad, etc. etc, na kaakibat ng proyektong ito, etc… etc…. At siyempre, ang pinakaimportanteng elemento ng gabing ito: Yung malaki kong sikreto. Balik muna tayo sa Asin. Kung dati na akong nawawasak sa mga kanta ng Asin kapag naririnig sila sa radyo, Isipin mo na lang kung ilang ulit ang lakas ng tama nito kung Live. Pagpasok ko ng club, inabutan kong tinutugtog ng Asin ang “Bayan kong Sinilangan/Cotabato”. Unang tinamaan ng mata ko si Pendong. At bigla, parang kidlat, mabilis na hiniwa ng ala-ala ang utak ko.


Naalala ko na si Raul. At naalala ko na rin kung ano ang una kong binili sa una kong suweldo sa una kong trabaho. Pero mamaya ko na sasabihin kung ano. Balik muna tayo kay Raul. Si Raul. Naaalala mo ba yung classmate nating taga-Bogac? Yung payat na maitim, matangkad, malaki ang mga mata, butuhin ang panga, naka-tsinelas arawaraw. Yung magaling mag-gitara. Hanggang grade four lang siya, nang mag-gradefive tayo, wala na siya, di na natin nakita. Kinakain natin ang mga baong pananghalian sa lilim ng mga punongkahoy, madalas natin siyang kasabay, laging tuyo ang ulam niya, pinakamabilis siyang matapos kumain, at kakantahan tayo ng mga Asin hits. Naaalala mo ba, dati di pa natin kilala ang Asin. Akala natin, iniimbento niya lang yung mga kinakanta niya. Pero kahita na, bilib pa rin tayo.


Tapos sumabog sa buong nagkakagulong Mindanao ang pangalan nila. At narinig natin sila sa radyo. At mula noon, lalong nagkaroon ng katuturan ang mga kinakanta ni Raul. Grade four lang tayo noon pare. Ito yung panahong puro laro ang iniintindi ng mga kasabayan natin. Pero tayo, parang mga miyembro ng isang lumalawak na underground movement. Ang saya- natin kase para tayong nakahanap ng kaligtasan. At parepareho tayong nagbunyi at nalasing sa natagpuang kaligtasan. Nasabi ko noong umpisa na “Bago sila, wala ako. Nasan ako, kasama mo.� Kahit na obvious, sasabihin ko na rin kung sino ang tinutukoy ko.

Bago ang Asin, wala ako. Wala ka rin, di ba? Asan tayo? Kasama tayo ng nakararami. Sumusunod lang tayo sa buhay na itinakda para sa atin. Pinanganak tayong balot ng mga batas na magsasabi sa atin kung alin lang ang puweng gawin o sabihin. Di tayo


nagrereklamo’t nagtatanong. Akala natin, talagang ganoon. Akala natin, habambuhay nang ganoon.


Buti na lang nakilala natin ang Asin. Buti na lang nakilala natin si Raul, na siyang nagpakilala sa atin sa Asin. Putangina bakit ko nakalimutan si Raul? Isa itong malaking kaputang-inahan, senyales na kailangang magpa-check-up na ko sa doktor ng utak. Naaalala ko na siya ngayon, si Raul. Kahit na nawala ko na yung litrato niya sa utak ko, binibigyang-anyo siya ni Pendong habang humihiyaw sa mikropono’t kinakaskas ang lumang gitara. Para sa iyo ang gabing ito, Raul. Patawarin mo sana ko’t masyado kong madaling makalimot. Madalas nakakalimutan kong tungkulin ko rin pala bilang tao na maghangad na pumiglas, lumipad at lumaya. Hiling ko lang, sana tag-ulan noon nang mamatay ka sa engkwentro. Kantahan mo kami pag nasa ulap ka na, paulanan mo ko ng saya at pighati, at sana tanggapin nitong manhid kong pagkatao ang lahat ng aral na mapupulot ko sa iyo. VII. The Making


Matagal na proseso bago ko natapos ang unang disenyo. Panay palusot na ko sa project coordinator para ma-extend ang deadline. Noong umpisa, naisip ko na dapat sarcastic ang dating ng album. Tipong nangungutya, nagsasabing “HOY, TANGINA NYO ANDITO PA RIN KAMI! AT ROCK ‘N ROLL PA RIN ANG BUHAY NA TINATAGLAY NAMIN!” Sa tingin ko kasi, matapos ang dalawampu’t siyam na taong paglikha nila ng matinong musika, halos walang maisukli kahit pabuya sa pagod nila ang walang kasingbulok nating lipunan na kung ituring pa ang mga artist na wala sa mainstream, masahol pa sa malansang isda. Paano ka mag-aalay ng sining sa isang lipunang di mo maani ang mataos na respetong dapat sana’y sa iyo, matapos mong pag-alayan ng huling katas ng talino’t pagod? Paano mo pasasalamatan ang isang taksil?


Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano. At ikukuwento ko naman sa iyo ang sikreto ko noong gabing nag-record ng live album ang Asin sa bistro. Ang di ko alam, iba pala ang gusto ng Asin. Gusto nila masaya ang design ng album nila. Napag-isip tuloy ako, bakit di ko agad nasapol ang gusto nila? Nakakahiya ang sagot sa tanong na ito pero sasagutin ko. Hindi ko nasapol ang gusto ng kliyente kase masyado kong nalasing sa posisyon ko bilang “official album designer�. Inilagay ko sa pedestal ang sarili ko, hanggang sa tuluyan na kong malayo sa subject. Di maganda ang naging resulta. Rewind tayo ng ilang araw, noong gabi ng recording, noong isang dipa lang ang layo ko sa kanila habang kinakanta nila ang Damdaming Nakabitin, at kinukuhanan ko sila ng video. Sa kalagitnaan ng kanta, may mga dumating at pumuwesto sa gawing likuran ko. Badtrip yung video ko dahil ang ingay ng mga bagong dating. Tawanan sila nang tawanan, sigawan nang sigawan, walang pakialam sa live recording na kasalukuyang nagaganap sa harap nila. At ang dinig ko pa, mga artist din sila, mula sa iba’t-ibang respetadong


banda. Di na nila nirespeto ang Asin, ginawa nilang background music ng dakdakan nila. Sana sa labas na lang sila nagkuwentuhan at nagtawanan at sigawan. Tinapos ng Asin ang second set, at nagpa-alam sa mga audience. Di ako nagpa-istorbo kahit kanino. Pinanood ko ang eksenang ito: 1. 2.

Ang mainit na pakikipagkamay nina Lolita at Pendong sa mga taong dumalo Picture-taking with fans; hindi ito kayang gawin ni Regine Velasquez 3. Walang pagsidlang saya sa mukha ng isa’tisa


4. Walang bahid ng sarcasm sa mga ngiti ng tao. Lalo na sa panig ng Asin. Ako lang pala ang sarcastic mag-isip. Wala silang pagsisisi. Masaya pa rin sila sa ginagawa nila. Hanggang ngayon. Sa lala ng kasalanan ko, pwede na kong barilin, tadtarin, at ipalamon sa mga pulitiko. Buti na lang binigyan pa ko ng isa pang pagkakataon.

VIII. Play that funky music, white boy! Birthday ng tito ko kaya nasa bahay nila sa Makati ang buong angkan. Ang sentro ng salu-salo: Magic Sing! Bilib na bilib ang lahat sa teknolohiya ng videoke. Lahat, nag-aagawan sa mikropono, nag-uunahang kumanta. Sa kanilang lahat, isa lang ang medyo nasa tono. Dahil umiikot ang mikropono, maya-maya, si papa naman ang kakanta. Nag-request ng Bee Gees. Pero may nag-propose na mas funky ang Jambalaya.


Mabuti na lang di ako umaalis ng bahay nang walang baong sariling music. Nakatodo ang volume ng Velvet Underground sa gasgas pero astig kong mp3 player. Praise the Lord! Di ako nagbiyahe mula Q.C. hanggang Makati para mabingi sa pakikinig sa namamaos na boses ng pinsan kong trip na trip kantahin ang mga hits ng Aegis. Tinanggal ko ang earphones ko nang si papa na ang kakanta. Naisip ko kasi, ngayon ko lang siya makikitang kumanta nang may hawak na mikropono. Kumbaga, todohan na ito, hindi na ito kantang shower. Sinabayan siya ng ilang kamag-anak sa chorus.


Pagkatapos niyang kumanta, pumasok ako sa banyo at inatake ng ikalawang pinakamalupit kong kaaway: LUMBAY. Damang dama ko ang pagdating niya. Gradual, unti-unting gumapang sa balat, pumasok sa katawan, at hinanda ko na ang sarili ko. Maya-maya, mula sa buong katawan kong balot ng LUMBAY, nag-akyatan silang lahat sa utak ko, inatake ang katinuan ko. Di ko mapigil ang iyak. Rewind nang kaunti: 1. Pinapakinggan ko ang sa tingin ko’y pinakawala-satonong-rendition ng Jambalaya sa buong kasaysayan ng musika. 2. Nakiki-chorus ang mga kamag-anak kong wala sa tono’t sablay ang timbre. 3. Pinapanood ko si papa, hirap na hirap sa pagkanta. Tipong napasubo, dinadaan na lang sa tawa at pasayaw-sayaw. 一. Papasok ako ng CR. Inatake ako ng LUMBAY. 一. Di ko mapigil ang iyak. Sasabihin ko na kung ano ang binili ko nang matanggap ko ang una kong sahod sa una kong trabaho. Siguro alam mo na pero sasabihin ko na rin.


What the fuck, di ba?

GITARA Sasabihin ko rin kung bakit ako naiyak. Naiyak ako kase habang kumakanta si papa, nakita ko ang sarili ko sa telebisyon, pero bata pa siya, grade four pa lang, nakatingin siya sa akin, nakahawak sa tiyan, tawa nang tawa. Wala kahit isang kamag-anak ang nag-react kaya iniisip kong ako lang ang nakakita noon. “FUCK MUSIC!�, nakasulat sa notebook na hawak niya. Gumugulong na siya palabas ng screen sa katatawa sa akin. At alam ko kung bakit niya ko pinagtatawanan.


IX. Magulang Nagluto si papa ng biko noong birthday ko. Habang kumakain kami sa mesa, naglakas-loob uli akong banggitin ang gitara. —Pa, asan na yung gitara ko? tanong ko. —Wag ka nang mag-aral mag-gitara, sagot niya. — Walang magtuturo sa iyo. Wala ni isa man sa atin ang marunong gumitara. Kanino ka magpapaturo? —May kaibigan akong marunong gumitara. Tuturuan niya ko. Umiling-iling siya. —Alam mo, hindi basta-basta matuto mag-gitara. Take it from me. Di na ako matututong maggitara. —Para matuto kang maggitara, dapat may kasambahay kang marunong gumitara at wala kayong gagawin maghapon at magdamag kundi magpraktis. Dig this: Maghapon-magdamag, all-day-everyday, 24/7, wala kayong gagawin kundi magpraktis. Dapat dumugo lahat ng daliri mo.


Di na ako magiging musikero. —Kahit may kaibigan ka pang sinasabi na marunong maggitara, walang kapupuntahan iyon. Maliban na lang kung dito natin siya patitirahin. Eh, di naman puwede yon di ba? —Pa, eh di araw-araw kahit isang oras lang pupunta ko sa kanila, magpapaturo akong maggitara. Matututo rin ako. —Hay, naku. Maniwala ka gud sa akin dahil dinanas ko na yan! Noong nag-aaral ako sa Cebu, nakatira ko sa boarding house, maghapon-magdamag akong tinuturuang maggitara araw-araw ng kasambahay ko. Pero di ako natuto. Kasama ko na siya sa bahay noon. Paano na lang kung magkahiwalay kami ng bahay? Kagaya ng sinasabi mong kaibigan mo na malayo dito ang bahay? Paano ka matututo? Magsasayang lang tayo ng perang pambili ng gitara. Magkano rin iyon. Pambili na rin ng fishing rod iyon, mantakin mo. Saka alam mo namang gipit din tayo sa pera. Saka kung ako sa iyo, kalimutan mo na ‘yang gita-gitarang iyan. Walang kapupuntahan iyan. Saka di ka rin sisikat at yayaman diyan dahil wala sa dugo natin ang music.


Bago matulog, sinulat ko ng pentel pen sa likod ng notebook ko:

FUCK MUSIC Tama si papa, naisip ko. Wala akong pag-asa sa music dahil wala sa dugo namin ang pagiging musikero. Markado na sa akin ang gabing iyon habambuhay. Ginawa ko ang sa tingin ko pinaka-mabigat na desisyon sa buong buhay ko. Iyon ang gabing pinatay ko ang pinakamagandang musang naligaw sa nakakahon kong isipan. Pinatay ko siya dahil wala na siyang silbi. Sasakit lang ang loob ko tuwing makikita siya. Di ko pa alam noon na paglipas ng ilang taon, pagtatawanan ng batang ako ang matandang ako, at maiiyak na lang ang matandang ako sa loob ng c.r. habang ginugunita ang ala-ala ng pinatay kong musa. Walang awa ko siyang pinugutan ng ulo, pinagputolputol ang mga parte ng katawan, at tinapon sa kangkungan para kainin ng mga hayop na gala. At tawa nang tawa ang nangungutyang batang ako sa nagsisising


matandang ako kung bakit ibinase ko ang desisyon ko sa payo ni papa. At parang salita ng Diyos na nakamarka sa isip ko na di ako maaaring maging musikero, dahil, sabi ulit ni papa. Lahat ng desisyon ko sa musika, ibinase ko sa payo ng taong walang alam at walang hilig sa musika. Isa sa mahahalagang desisyong gagawin ko sa buhay ko, nakabase sa pananaw ng isang taong di kayang kantahin kahit ang pinakasimpleng mga kanta, tulad halimbawa ng Jambalaya.


Kung babalikan ko ngayon, di ko rin masisisi si papa. Ganoon talaga siya, walang hilig sa sining. Dahil iba ang trip niya sa buhay, hindi niya alam na sinira ng mga simple niyang salita ang isa sa mga pundasyong inaasahan kong magsasalba sa akin sa mga panahong di ko mahanap ang sarili ko. Oks lang, normal na may mga ganitong issues talaga sa pamilya namin. Kasalanan ko kung bakit ako nakinig, naniwala at nanalig. Pero pangako ko sa sarili ko, hinding-hindi ko gagawin ito sa anak ko. X. Ang Malaking Sikreto YAN ANG ALBUM! Sabi raw ni Pendong nang makita ang huli kong ginawang design. Pati kay Chat, aprub! Nakahinga ko nang maluwag. Salamat po sa karanasan. Sasabihin ko na ang malaki kong sikreto. Noong gabi ng live recording, may natagpuan ako. Sa pag-dive ko sa memory lane habang umiindak sa tugtugan ng Asin, nakita ko ang pising dating tangan ko.


Nakita ko kung saan ko siya nabitiwan. At sinasabi ko sa iyo, ngayon din, hahawakan ko ang pisi ito, at itutuloy ang naantala kong biyahe.



Larawan

Hindi ka pa nagsasalita alam ko na’ng sasabihin mo. Taong mundo kase ‘ko. Maraming karanasan. Karanasan ko na rin ang ganito, ang iwanan. Sanay na ‘kong nag-iisa. Hindi rin ako dumadaing kahit kanino. Hindi ko ugaling ihinga ang sama ng loob sa ibang tao. Sanay na ‘kong solohin ang mga problema. Kahapon ng umaga, nawala ko ang litrato mo. Kahapon ng tanghali, tumawag ka sa bahay pero wala ako.


Kagabi, magkasama tayo, sinabi mo sa ‘kin na hindi tayo para sa isa’t isa. Putang ina, sabi ko sa sarili ko. Sinasabi ko na nga bang may mangyayaring hindi maganda. At ‘yun na nga. Naghiwalay na tayo.


I. larawan Naaalala mo ba nung binigyan mo ‘ko ng picture? Litrato mo nung gumradweyt ka ng hayskul. Pinakatatagu-tagu ko’ng picture na ‘yun. Lagi kong tinitingnan. Hanggang sa pagtae, dala-dala ko sa kubeta. Tinitingnan ko ang bawat guhit sa mukha mo. Kinakabisado ko ang mga linya sa noo mo. Ewan ko ba, kapag kasi tinitingnan ko ang litrato mong iyon, para bang nakakalimutan ko na lahat ng kabadtripan ko sa buhay. Mga problema sa bahay, mga away ng mga magulang ko, mga spiritual advice ek-ek ng tiyuhin kong nakikitira sa amin, mga problema ko sa school. Kapag tinitingnan ko ang picture mo, tanggal ang lahat ng problema ko. Nakahiwalay ako sa mundo. Nakahiwalay ako sa mga magulang at kapatid ko. Ako lang mag-isa. Ako at ang litrato mong nakakagigil. Suot mo pa noon ang toga mo. Naka-itim kang kapa. Graduation sa St. Matthew. Neneng-nene nga ang hitsura mo noon. Kakaiba sa hitsura mo ngayon. Ngayon kasi, kumbaga, talagang lady ka na. Doon sa picture, dalagita ka pa lang. Saka, magandang-maganda ka.


At ang litratong iyon, na nawala ko kahapon ng umaga, nagbigay ng maraming-maraming inspirasyon para ipagpatuloy ang buhay. Kahit kung minsan ay talagang wala nang sense ang lahat ng bagay, kahit kung minsan naiisip ko nang magpakamatay, kahit natutulala na ‘ko kung minsan sa dami ng problema ko, nagagawa ko pa ring pag-isipan ang mga bagay-bagay. Salamat sa maganda mong litrato. II. isang pagbabalik sa nakaraan Naaalala ko, binigyan ako ni Alice ng picture. Elementary pa lang kami noon. Totoo, elementary pa lang kami pero nakakaramdam na ‘ko ng kakaiba. ‘Yun bang dapat ay sa matatanda lang.


True love. First love. Corny pero ‘yun ang totoo. Magkaklase kami noon ni Alice mula kinder hanggang grade three. Siya ang bestfriend ko. Ako ang bestfriend niya. Lagi kaming tinutukso sa klase kase lagi kaming magkasama. Kung minsan, nagpapalitan pa kami ng baon. Sawa na kase ‘ko sa baon ko araw-araw. Pandesal na may star margarine. Siya naman, sawa na rin sa baon niyang tasty na may palamang liver spread. Kaya nagpapalit kami kung minsan. Napapansin ‘yun ng mga kaklase namin. Tinutukso kami. Balewala sa amin ang mga tukso. Noong nasa grade three kami ni Alice, nagkabulutong-tubig ako. Nataon pa naman sa birthday niya. Hindi ako nakapunta. Nakakahiya kasi isang buwan niya akong kinulit na magpunta sa birthday party niya. Noong umpisa kase, ayaw kong magpunta. Nakakahiya naman, kako. Puro mayayaman ang bisita niya, puro dekotse. Pero sabi naman niya sa ‘kin, ako daw ang bestfriend niya. Hindi raw magiging masaya ang birthday niya kapag wala ako. Napapayag ako. Biyernes ang party pero itataon nilang Sabado para walang pasok. Mag-iimbita ang mommy niya ng mga kapitbahay nila sa subdivision. Mag-iimbita ng mga clown. Maglalagay ng mga tsubibo


sa garden nila. Maykaya kasi ang pamilya nina Alice. Kaya nila ang mga ganoon ka-garbong party. Noong gabi bago ang party, may sinat ako. Dinalhan ako ng mama ko ng pagkain sa kuwarto. May dala rin siyang mirinda orange. Pero hindi ako nag-enjoy kasi nga may sinat ako. Tapos, sabi ni mama, may bulutong raw ako. Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko. Naiyak ako kasi ang daming mga butlig. Sabi ng mama ko, huwag na raw akong pumunta sa birthday party ni Alice kase baka mahawa lang sa akin ang lahat ng bata roon.


III. mga usapin sa pamantasan Naaalala mo ba n’ung nagpaalam ako sa iyong sumama sa rally sa eskuwelahan? Sabi mo, walang kuwentang sumama sa mga ganoon. Sabi mo, walang kuwentang bumarkada sa mga aktibista. May sinabi ka pa ngang kapag naging aktibista ‘ko, hihiwalayan mo’ko. Natawa lang ako. Alam ko kasing hindi totoo ang sinasabi mo. Na sinasabi mo lang iyon para ilayo ako sa pahamak. Natatakot kang may mangyaring masama sa ‘kin. Pero nagtuloy pa rin ako. Kalaunan, hindi na lang sa school ang sinasamahan kong rally. Nakakarating na ako sa Liwasang Bonifacio, sa Mendiola, sa U.S. Embassy. Nag-attend ako ng mga sit-in, mga discussions, mga picket, rally, at iba pa na sabi mo nga noon, makakasira sa pag-aaral ko. Tama ang sinabi mo. Mula kasi nang maranasan kong mabato ng tear gas sa senado, nawalan na ako ng ganang mag-aral. Para saan pa? Para makapagtapos ako’t maglingkod sa mga malalaking kumpanyang pagaari ng mga dayuhan? Ano’ng klase iyon? Madalas nating pag-awayan ang pagkilos ko. Inaaya


kita sa ilang mga discussions namin sa tambayan para kahit papaano, magkaroon ng linaw sa iyo ang sense ng ginagawa ko. Pero hindi kita mapilit. Inaaya mo naman ako sa mga gimik n’yo ng mga barkada mo, kaya lang, lagi akong abala sa organisasyon. Tinatanong mo na nga ako noon kung sino ang mas mahal ko, kung ang mga “COMRADES” ko o ikaw. Sabi ko, natural, siyempre ikaw. Makakalimutan ko ba ang babaeng nagbigay sa ‘kin ng lakas ng loob na humarap sa mga problema, na huwag sumuko sa harap ng mga daluyong? At higit sa lahat, makakalimutan ko ba ang mga gabing minememorya natin ang bawat kurbada ng mga katawan natin? Mahal na mahal kita. At alam mo iyon. Kahit na sabihing medyo madalang na tayong magkita dahil nagfull-time na ako sa kilusan, ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw at ang kilusan ang katuparan ng existence ko dito sa mundo.


Kahit na sinasabi ng mga kasamahan ko na hiwalayan kita dahil sumasagka ka sa pagkilos ko, hindi ko ma-imagine ang buhay ko kung wala na tayo. Ibang usapin naman ang sa amin ni Che. IV. si Che at ang pagkilos para mapalaya ang sambayanan sa pambubusabos ng mga imperyalistang dayuhan at punyetang estado Halos sabay lang kaming kumilos ni Che. Isang buwan lang siyang naunang narekrut sa KM. Una kaming nagkita sa convention ng isang legal na organisasyon. Mainit ang debate noon. Pinagtatalunan kung dapat bang tanggapin ang akdang Revolutionary Violence na sinulat ni Joma Sison bilang isa sa mga pangunahing aralin ng legal na organisasyon. Maraming umangal. Na kesyo raw ano pa ang saysay ng isang organisasyong nanunulay sa mapanupil na batas ng gobyerno, kung ibubuyangyang nito ang sarili bilang rebolusyonaryo. Pero kalaunan, natanggap na rin na wala naman talagang dapat ikabahala. Na sa isang mala-pyudal at mala-kolonyal na lipunan, anumang gawin mong pag-oorganisa ay talagang susupilin ka ng


estado. Ito ang batas ng kontradiksyon, sabi nga ni Marx. Kesehodang mag-propaganda ka ng tungkol sa pagrereporma ng pambansang eleksyon, o magtaguyod ka ng armadong pakikibaka, susupilin ka ng estado. Ito ang papel ng reaksyunaryong gobyerno, ang manupil. Kaya nga may pag-aaklas, kaya may aktibismo, kase may panunupil. Mahusay magsalita si Che. Hindi katulad kong umuurong ang dila kapag humaharap na sa maraming tao. Iba si Che. At ito siguro ang nagustuhan ko sa kanya.


Noong convention na iyon, tatlong araw umaalingawngaw sa mikropono ang boses niya. Samantalang kung tutuusin, medyo bago pa lang kaming kumikilos noon. Kumbaga, nakakahiya pang bumanat sa mga panel discussion. Para kasing ang mga panel discussion, para lang sa mga matatagal nang kumikilos at malawak na ang nalalaman sa pakikibaka. Pero hindi naging sagka kay Che ang pagiging baguhan. Mahusay din kasi siyang magsalita. Kung minsan nga natatameme ang ibang mga panelist kapag humataw na si Che ng mga teoryang malalalim na hindi mo aakalaing nanggagaling sa bibig ng isang kolehiyala. Noong magtatapos na ang tatlong araw na convention, nagkakuwentuhan kami sa labas ng session hall. Hatinggabi na noon. Maingay na ang mga tao sa loob ng session hall. Nakaugalian na rin kasing mag-inuman at maglunsad ng solidarity night kapag natatapos ang mga malalaking pagpupulong. Nakaupo ako noon sa may hagdan, sa paglabas ng pinto, pinagsisisihan ko kung bakit ako uminom ng gin. Parang binabarena ang ulo ko. Pakiramdam ko, tumatagos sa utak ko ang bawat patak ng alkohol na ininom ko.


—Mukhang seryosong-seryoso ka, ah, sabi niya sa ‘kin. Nagulat ako, bigla ba namang may nagsalita sa likuran ko. Tapos nung tumingin ako, siya pala. Sabi ko, nagpapahangin lang, nagpapaalis ng tama. —Bakit, naparami ba ang inom mo, kas? Tanong niya sa ‘kin. —Hindi naman, sabi ko. —Hindi lang talaga ako sanay uminom. —Kuu, para ka namang hindi estudyante, biro niya sa ‘kin. Umupo siya sa may tabi ko. Inalok niya ‘ko ng sigarilyo at tinanggap ko naman. Hindi talaga ako naninigarilyo, dahil sabi mo nga, masama sa katawan.


Lalo pa’t may lahi kaming hikain. Pero parang ang hirap tumanggi kapag may tibak na nag-aalok sa ‘yo. Karamihan din kasi sa mga kasama sa kilusan, parang pugon kung magpausok. Mabibilang mo sa daliri ang hindi naninigarilyo. —Matagal ka na bang kumikilos? tanong niya sa ‘kin. —Hindi naman, sabi ko, —mga tatlong buwan pa lang. —Halos sabay lang pala tayo. Ako mga apat na buwan pa lang. Nauna lang ako sa ‘yo ng isang buwan. Nagsindi siya ng panibagong sigarilyo. —Napansin ko, ang tahi-tahimik mo sa session, sabi niya. —Tahimik talaga ‘ko, sabi ko. —Dapat sabihin mo kung ano’ng iniisip mo. Huwag kang magkimkim ng sama ng loob. Baka isang araw, bigla na lang pumutok ang dibdib mo, mas malaking problema ‘yon. —Wala naman akong sama ng loob, eh. Bakit sasama ang loob ko, eh naglilingkod ako sa bayan? —Wow! Ang tindi mo, kasama. Daig mo pa ang mga


masang makata ng Gitnang Luson. Natawa ‘ko sa sinabi niya. Naalala ko kasing bigla ang tiyuhin kong nakikitira sa ‘min. taga-Bulakan kasi ang mama ko. Malolos. At iyong kapatid niyang iyon, kung magsermon ng bibliya, dadaigin si Bro. Ely ng Dating Daan. Matagal pa kaming nagkuwentuhan. Kung anuano’ng bagay. Mga perspektiba sa pagkilos, mga kursong pinag-aralan sa loob ng kilusan, mga nakakatawang karanasan sa mga mobilisasyon, mga hinanakit sa mga kasama, mga tsismis tungkol sa mga bostsip sa Netherlands, mga ka-bullshit-an ng gobyerno, mga kaputang-inahan ng mga pulitiko. Kung bakit katarantaduhan ang pag-aaral, kung kailan kaya darating ang araw ng tagumpay, mga hinaharap ng rebolusyon, ang moda ng produksyon, ang aramadong pakikibaka bilang pangunahing sangkap ng pagwawagi…


Hindi namin halos namalayan ang pagsilip ng araw. Naramdaman na lang namin na medyo naaaninag na namin ang aming mga mukha. Tapos medyo matagal kaming natahimik. Tapos sabay kaming naghikab. Pareho kaming natawa. Bigla kasi kaming nagpalakihan ng bunganga. Magkaharap pa naman din kami. Tapos, hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isip ko. Siguro bunga ng nainom ko. Puwede ring dahil hindi na matino ang isip ko’t antok na antok na’ko. Hinalikan ko siya. Sa labi. Gumanti siya. Parang bigla kaming nagkahiyaan pagkatapos. Sabay kaming tumayo. —Pa’no? tanong niya sa ‘kin. —Magkikita pa naman siguro tayo. —Kung hindi tayo magla-laylo, malamang ngang magkita pa uli tayo, sabi ko sa kanya. Nagpapatawa ako pero hindi siya natawa. —Salamat sa mahabang gabi, nag-enjoy ako sa kuwentuhan. —Ako rin. Sana, magkita uli tayo. Sabay kaming pumasok sa session hall. May mga kasamang hindi na nakabangon sa kalasingan at doon


na sa ibabaw ng mga mesa nagsitulog. Pumanhik kami ng hagdan, papunta sa mga kuwartong tulugan. Kumaliwa siya sa second floor, ako nama’y dumiretso sa third floor. V. si Alice at ang larawang kuha noong birthday niya Isang linggo ‘kong napahinga dahil sa bulutong.


Hindi ako pumasok sa eskwela. Nag-aalala na ‘ko kase baka bumagsak ako sa mga subject ko. Pero sabi ng mama ko, okey lang daw. Kinausap niya raw ang homeroom adviser ko at sinabing may bulutong nga raw ako. Nong pumasok na ‘ko, nagtatampo sa ‘kin si Alice. Bakit daw hindi ako pumunta sa birthday party niya. Hindi raw siya nag-enjoy sa party. Pa’no wala ako. — Sorry na, kako. May bulutong kase ‘ko. Hindi niya maintindihan kung bakit daw ni hindi ako tumawag sa telepono. —Eh wala naman kaming telepono, sabi ko. —Eh, di sana nakitawag ka sa mga kapitbahay n’yo. —‘Ala ring telepono ang mga kapitbahay namin. —Ah, basta! Kasalanan mo pa rin. Sinadya mo yatang magkaro’n ng bulutong para hindi ka makapunta sa birthday party ko. —Alice naman… Tumalikod siya’t humakbang papunta sa upuan niya. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Ayokong mawalan ng matalik na kaibigan. Kapag nagalit sa ‘kin si Alice, mawawalan na ‘ko ng kasalo tuwing recess.


Mawawalan na ‘ko ng kakwentuhan. Mawawalan na ‘ko ng kalaro. Hanggang noong hapon ay hindi ako pinapansin ni Alice. Kahit ano’ng bati ko sa kanya, kahit tinabihan ko pa siya noong Math namin, hindi niya ako kinakausap. Kinabukasan, bati na kami. Binigyan niya ako ng litrato niya. Nakaupo siya sa tsubibo. Kuha noong birthday niya. May hawak siyang malaking regalo. Nakangiti siya sa kamera. —Ingatan mo. Remembrance mo sa ‘kin, sabi niya, —para ‘pag tinitingnan mo, para ka na ring nagpunta sa birthday ko. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa litrato. Ang ganda-ganda ni Alice.


Nang muli ko siyang makita, nasa diyaryo siya. VI. si Che at ang pagpapaigting ng pakikibaka Ilang linggo kaming hindi nagkita. Mabuti na lang at talagang sira-ulo ang presidente ng Pilipinas. Akalain mo ba namang payagan na naman ang mga lintang oil companies na magtaas na naman ng presyo ng langis. Kaya tuloy, nagplano ang Partido ng isang malaking rally. Welgang bayan. Daan-daan ang taya ng bawat eskuwelahan. Lalo na sa eskuwelahan natin na kung tagurian ng kilusan ay breeding ground ng mga mandirigma ng hinaharap. Marami na kasing aktibistang galing sa school natin ang hindi na nasapatan sa pakikibaka sa kalye. Kailangan na nilang mamundok at harapin ang tunay na hamon ng rebolusyon: armadong pakikibaka. Sa eskuwelahan natin, nakahatak kami ng mahigit ‘sandaang masang estudyante para palahukin sa welga. Sa ibang sektor naman, lalo na sa hanay ng mga manggagawa, daan-daan din ang kasama. Ala-una ng tanghali nang magsimulang magtalumpati ang mga lider sa Liwasang Bonifacio. Bandang alas-tres medya nang


magmartsa kami papuntang Mendiola. Habang daan ay panay ang sigaw namin. Ako noon, natokahang mamigay ng mga polyeto sa mga taong nanonood sa gilid ng mga kalsada habang nagmamartsa ang mga welgista. Pagdating sa Mendiola, kumalas muna ‘ko sa bulto. Namataan ko kasi ang tinitindang palamig sa ‘di kalayuan. Habang umiinom ako ng palamig, may tumawag sa ‘kin. Si Che. —Kumusta ka? Sabi niya. —Heto, mabuti. Ikaw? —Mabuti rin naman. May ibabalita nga pala ako sa ‘yo, sabi niya habang ang kamay niya’y nakadukot sa pasiking niya’t mukhang may hinahanap.


—Ano ‘yon? Hindi na niya nasabi kung anuman ‘yung gusto niyang sabihin. Kase tinatawag siya ng lider nila. Mukhang nagkakagulo na sa may unahan ng hanay. Bumalik na rin ako sa mga kasamahan ko. Pero bago kami nagkahiwalay, inabot niya sa ‘kin ang isang litrato. Kuha noong nag-welga ang mga estudyante sa eskuwelahan nila. Nagsasalita siya noon, hawak ang megaphone. Sa likod ng litrato, mabilis niyang sinulat ang telepono niya. VII. kahit na ano’ng mangyari Kaya nga kahit na marami akong gawain, pinipilit kong humanap ng pagkakataon para magbawi sa mga pagkukulang ko sa ‘yo. Alam ko, nahihirapan ka na sa relasyon natin. Alam ko, umiiyak ka sa gabi kapag naaalala mo ‘ko. Huwag mong sabihing hindi kita naiiintindihan kase ako man, nalulungkot din. Kung babalikan ko sa isip ko ang pinagdaanan natin, nanghihinayang talaga ‘ko. Biro mo, umabot na tayo sa yugto na nagpaplano na tayo kung saan tayo titira kung kasal na tayo, kung ilan ang magiging anak natin, kung


ano’ng ipapangalan natin sa mga bata. Kaya huwag mong sabihin sa akin na kailan man ay hindi kita maiintindihan, na binulag na ‘ko ng mga prinsipyo ko, na ang tangi na lang mahalaga sa ‘kin ay ang bayan. Huwag mong sasabihin sa ‘kin yan dahil hindi iyan totoo. Umiiyak din ako, madalas, kapag naaalala kita. Naaasar ako sa sarili ko kapag nakakalimutan ko ang mga usapan natin. Naiinis ako dahil hindi ko naman puwedeng gawing dahilan na marami akong ginagawa. Hindi ko puwedeng idahilan na mas importante ang trabaho ko sa kilusan kesa sa mga lakad natin. Mahal na mahal kasi kita.


At kahit na matinding puna na ang inaabot ko sa mga kasama, na kesyo sinasabi nila na naaapektuhan ang pagkilos ko sa pamomroblema sa relasyon natin, hindi ko magagawang iwan ka. Alam mo ‘yon. Pero ikaw pa rin ang mapagpasya sa sarili mo. Kung anuman ang maging desisyon mo, igagalang ko. Wala akong ibang gusto kundi ang sana’y lumigaya ka. Sana, matapos na ang paghihirap mo. Kaya nga noong umuwi ako kahapon, bandang alaskuwatro, at sinabi ng kapatid ko na tumawag ka raw, kinilabutan ako. Alam ko na. Tapos, naalala ko na noong umaga ay hindi ko makita ang litrato mo. Nakaugalian ko na kasing tingnan ang litrato mo tuwing gigising ako sa umaga. Para bang pampakumpleto ng araw. Pangtulak sa masasamang panaginip. Ewan ko kung sino’ng nakialam sa mga gamit ko. Inaway ko na lahat ng kasambahay ko, pati yung bunso namin dahil baka ‘kako pinakialaman ‘yung litrato mo na nakapatong sa mesita sa may ulunan ko. Wala daw sa kanilang pumapasok sa kuwarto ko. Hinalungkat ko ang buong kuwarto ko pero hindi ko makita ang litrato mo.


Tapos, pumasok ako sa banyo at umiyak ng umiyak. Alam ko, may mangyayaring hindi maganda. Umalis ako ng bahay. Paalam ko, pupunta ko sa staff house pero hindi ako doon nagtuloy. Nagpunta ko sa isang kaibigan ko, inaya ko siya ng inuman. Kaya noong tumawag ka sa amin nung tanghali, wala ako. At kagabi, hindi ka pa nagsasalita, alam ko na ang sasabihin mo. Taong mundo kase ‘ko. Maraming karanasan. Sanay na akong iwanan.


VIII. ang batang tinakpan ng diyaryo Okey lang sana kung ang ikinamatay ni Alice, ‘yung tinatawag na natural death. Halimbawa, nagkasakit. Kapag ganoon, maihahanda mo ang sarili mo. Habang naghihingalo siya, lumilikha tayo ng pader sa paligid natin. Nagpapakatatag tayo. Kaya kapag hininga na niya ang huling hininga, nakapaghanda na tayo. Hindi na tayo masyadong malulungkot. Pero bakit gano’n? Si Alice, hindi na umuwi sa kanila noong hapon iyon. Akala kasi ng katulong nila, susunduin siya ng daddy niya. Akala naman ng daddy niya, sinundo siya ng katulong nila. Eh, ang mommy niya, nasa Hongkong noong panahong ‘yon, nagsashopping. Yan kasi ang mahirap sa mga mayayaman, sa mga malalaki ang bahay. Matagal magkaalaman kung may nawawalang anak. Iisipin ng mga magulang na nasa kuwarto lang. Gabi na nang magkaalaman sa kanila. Noong umuwi ang daddy niya, dumaan ito sa kuwarto ni Alice para tingnan kung natutulog na siya. Maayos ang kama, walang gusot. Tumawag na sila ng pulis.


Nakita nila si Alice kinabukasan sa may bakanteng lote sa labas ng subdibisyon. may diyaryong nakatakip sa mukha niya. Wala siyang damit. Ako naman noon, pagkagaling ko sa eskwelahan, dumaan ako sa park. Umupo ako sa damuhan. Kinuha ko ang litrato ni Alice na nakaipit sa notebook ko. Ang ganda-ganda ni Alice. Naisip ko no’n pagdating namin ng high school, liligawan ko siya. Noong gabi, bago ako matulog, tiningnan ko nang matagal ang litrato ni Alice. Tapos nilagay ko sa ilalim ng uan ko. Kinabukasan, hindi ko na makita.


IX. si Che at ang pangunahing porma ng pakikibaka Tinawagan ko ang numerong bigay ni Che pag-uwi ko galing sa welga. Nag-usap kami ng matagal. Gusto ko nga sana, magkita kami kase paalis na pala siya kinabukasan. Sampu silang sasampa, sa Southern Tagalog. Nakahimpil sila sa isang UG house. Gusto ko nang maiyak noon. Siguro naman alam mo na napakasentimental kong tao. Mabilis bumagsak ang luha ko. Noong tinanong ko sa kanya kung ano ‘yung ibabalita niya sa ‘kin, sinabi niya sa ‘kin na gano’n nga. Paalis na siya. —Wala naman tayong dapat ikalungkot, ‘di ba, sabi niya. —Wala nga, sagot ko, —kapwa tayo naghahangad ng tagumpay ng rebolusyon. Patlang. Parang naubusan kami ng sasabihin. Tapos, hindi na ‘ko nakatiis. —Paano na tayo? Tanong ko. Hindi siya sumagot. Napahiya ako sa tanong ko. Paanong ano? Wala naman kaming pormal na usapan. Totoo, wala kaming relasyon. Ang nangyari noon sa


convention, bunga lang ng puyat at kalasingan. —Pagbaba ko, hahapagan kita ng programa, sabi niya. Nabigla ako. Naisip kita. —May ka-relasyon na ‘ko, sabi ko. —Alam ko. Alam ko rin na hindi siya kumikilos. At pinipigilan ka niya sa pagkilos. —Oo pero mahal na mahal ko siya. —Alam ko rin iyon. Pero anim na buwan akong mawawala. Sana, pagbalik ko, nakapag-isip ka na. Sino ba’ng gusto mong makasama habang buhay? Hindi ko na gusto ang takbo ng usapan.


Nasasagasaan ang pride ko. Kase, pakiramdam ko, mahal ko si Che. Kahit sasandali kaming nagkakilala. Patlang. Mahabang patlang. Tapos narinig ko, humihikbi siya. —Putang ina, Brian. Mahal din kita. Kaya kong higitan ang pagmamahal sa ‘yo ng reaksyunaryo mong karelasyon. Hindi ako makapagsalita. Tumulo na ang luha ko. —Mag-iingat ka. Hihintayin ko ang pagbalik mo, kasama. X. sana kaya kong hubugin ang kapalaran Kagabi, noong maghiwalay tayo, dumaan ako sa 70’s Bistro. Tumutugtog noon ang Agaw-Agimat. Iniisip ko ang mga nangyari sa ‘tin. Tinatasa ko ang tatlong taong tinakbo ng relasyon natin. Nagpakalasing ako. Nilunod ko ang sarili ko kahit alam kong kinabukasan ay pagsisisihan ko na naman ang ginawa kong paginom, at isusumpa ko na naman ang araw na naimbento pa ang san miguel. Sa ingay ng music, kahit papano, nakalimot ako.


Sumayaw pa nga ako noong kinanta ni QT ang kanta nilang Tuta. Tungkol sa matandang aso na tuta pa rin, tuta ng among Amerikano. Natigil ang pag-iyak ko. Naiyak lang ako uli no’ng lumabas na ‘ko ng Bistro. Nagaabang ako ng jeep papauwi. Dinukot ko ang pitaka ko. Sisilipin ko ang litrato ni Che. Alam ko, inipit ko ‘yon sa wallet ko pero hindi ko na makita. Alam ko, nasa wallet ko ‘yon. Tiningnan ko pa nga iyon noong tanghali habang umiinom kami sa bahay ng kaibigan ko. Pero hindi ko na talaga makita. Inalis ko na isa-isa ang laman ng wallet ko, mga lumang tarheta, resibo, pera. Hindi ko na makita. Noon ako kinabahan. Naisip ko si Che. Sana, saan man siya naroon, nasa mabuti siyang kalagayan. Sana, ligtas siya.


Dangal Mayroon akong alam na paraan kung paano wasakin ang dangal ng isang tao, ang kanyang respeto sa sarili. Siguro’y sasabihin ng iba na madali lang. Gumawa ka lang ng isang mabantot na tsismis, kakalat na iyan. Ang isang nagmamalinis ay mapapalis sa isang iglap. Puwede ring pakitaan ng maraming pera. Lahat naman ng tao’y nasisilaw sa pera. Kapag bumigay sa pera ang isang taong may “reputasyon”, tiyak, sira ang lahat ng ipinundar niyang kagandahan sa pangalan niya. Pero may alam akong isang bagong paraan. Wala pang nakagagawa nito bukod sa kaibigan kong si Chris. Itong si Chris, matalik kong kaibigan. Kaklase ko siya noong first year pa lang kami sa PST. Kinukuha naming kurso noon, Accounting. Nagkahiwalay lang kami ng landas noong nasa fourth year na kami at medyo naaddict siya sa casino. Hindi na ako nagsasasama sa kanya. Ano ba naman ang gagastusin ko sa casino? Itong hitsura kong ito, baka kahit buhay ko ang itaya ko, pagtatawanan lang ako ng mga bangkero.


Kailangang isalaysay ko muna ang pagsasama namin ni Chris para mas malinaw na masundan n’yo ang daloy ng kuwento.


Noong umpisa pa lang, talagang kami na ni Chris ang magkasundo. Dangan kasi’y sa klase namin, kami ang tila mga mukhang kawawa. Pareho kaming walang wala, sabihin pa. Komo first year kami, sa block section kami napasama. Ang mga kaklase ko sa lahat ng subjects ko, iyon at iyon din. At komo nga ang suot ko’y talagang wala sa uso at si Chris nama’y nasa uso nga pero halatang peke at sa bangketa lang nabili, hindi dahil sa ayaw naming makigaya sa mga “in” kundi talagang wala kaming ipambibili, unang tinginan pa lang ay alam ko nang siya ang dapat kong maging kaibigan at gayon din naman ang tingin niya sa akin. Sa klase, kaming dalawa ang numero unong reklamador pagdating sa bentahan ng tiket. Dangan kasi, ang mga propesor namin sa PST, hindi na naubusan ng tiket na ibebenta. Ang bumili ng tiket ay mayroong bonus sa exams. Lintik ang palag namin sa mga propesor. Bumabanat pa kami ni Chris ng kung anu-anong teorya tungkol sa dapat ay libre ang edukasyon dahil ito ang sinasabi sa konstitusyon ng Pilipinas, na kesyo ang ginagawang pagbibigay ng bonus sa exam sa mga bumili ng tiket ay hindi tama dahil paano naman iyong mga nagsisikap talaga para makahataw sa exam pero ayaw bumili ng tiket dahil wala silang panahong manood kung anuman ang


mapapanood sa tiket na iyon, maging konsyerto man o variety show. Marami pa kaming hinuhugot na teorya na lalong nagpapatingkad sa kaisipan ng buong klase na kaming dalawa ay walang pera. Na kaya ayaw naming bumili ng tiket ay dahil wala kaming ipambibili. Na kung mayroong lang kaming pera ay talagang bibili kami ng tiket dahil sino ba naman ang ayaw magkaroon ng bonus point sa mga exams? Talagang said ang mga bulsa namin noon. Ako, nagtatrabaho sa Uniwide bilang dakilang bag boy habang si Chris naman ay crew sa Jollibee na bukod sa napakakunat nang magpasahod ay kayod-kabayo pa ang trabaho. Kailangan naming magtrabaho para makatulong sa mga magulang na hirap nang igapang ang aming mga pag-aaral. Ang tatay ko’y janitor sa MCU habang ang nanay ko nama’y tindera ng mga duster at iba pang damit na pambabae sa palengke. Ang mga magulang naman ni Chris ay hirap din. Ang tatay niya ay tagatawag ng pasahero sa pilahan ng dyip sa Marikina at ang nanay naman niya ay nasa bahay lang at inaalagaan ang apat niyang kapatid.


Sa klase, komo block section, magkakakilala lahat ng magkakaklase. Kalimitan, sabay-sabay kumakain pagdating ng tanghali. Kami lang yata ni Chris ang bumubukod dahil doon kami kumakain sa mga karinderyang ang kalimitang kostumer ay hindi mga estudyante kundi mga tsuper. Doon ay mas mura ng bahagya ang mga pagkain. At dahil kalimitan, ang pera nami’y kuwentado na hanggang pamasahe pauwi, hindi na kami maaari pang umiskor ng luho tulad ng softdrinks o kahit tigta-tatlumpisong palamig. Nangyari nga minsan na ultimong sigarilyo, pinaghatian namin ni Chris. Okey lang sana ang maging mahirap sa gitna ng mga kaklase naming kundi man maykaya ay lagi namang may regular na baon mula sa mga magulang, kung sana’y kami ang nangunguna sa klase. Maganda sana kahit mahirap ka lang kung ikaw naman ang pinakamatalino sa klase. Ikaw ang inaasahan sa mga exams, ikaw ang tagabigay ng sagot, ikaw ang tagasalba sa buong kalse. Ngunit anumang pilit ay halos pasang-awa kami ni Chris sa mga quizzes. Wala kaming pinag-iba sa mga mapoporma ngunit bobo naming mga kaklase. Madalas nga naming mapag-usapan ni Chris ang tungkol sa bagay na iyon habang tumotoma kami (kung bagong


sahod) ng gin sa isang maliit na tindahan sa may likod ng pamantasan. Sa isip namin, kung kami lang ang nasa kalagayan nila, walang ibang bagay na makakaagaw sa aming panahong mag-aral ng leksyon. Siguro kung kami ang mayaman, lintik ang husay ko sa klase. Kaya lang, wala talaga, eh. Kung hindi ko pupudpurin ang mga daliri ko sa pagsisilid sa plastik ng mga pinamili ng mga tao sa Uniwide, hindi ako kikita ng pera, hindi rin makakapagaral.


Umikot ang panahon at kami ni Chris, sa painotinot na pagtatrabaho, palipat-lipat ng raket, ay umabot naman hanggang fourth year. Wala na kami sa block section. Kung minsan kasi, nahihinto ng paisa-isang semestre, depende sa angal ng bulsa. Kapag walang pera, hinto. Kapag nakaipon-ipon ng konti, aral uli. Ganoon lang naman ang buhay. Kung wala, wala. Kung meron, meron. Hindi na gaanong nakakahiya. Ang mga kaklase namin dati, ‘yung iba’y nakatapos na. Kami ni Chris ay napabilang sa makapal na estudyanteng “walang mukha”. Sa kampus, maraming ganoon. Sila iyong mga estudyante na maitatakda sa katamtaman ang academic performance. Average na estudyante (ibig sabihin, kung minsan bumabagsak, pero salamat sa Diyos at madalas ay pasado) ang naging kategorya namin. Hindi kami sa sikat sa kampus. Hindi kami malakas sa mga propesor. Sa mga project, kami iyong ayaw maging kagrupo ng mga kaklase dahil wala kaming panahong tumulong sa pag-gawa ng thesis, feasibility o research paper kaya. Ang trabaho namin ay umuubos ng panahon. Lalo na si Chris dahil palipat-lipat siya ng trabaho dahil sa punyetang kontraktwalisasyon. Sa akin, kahit papaano’y regular na akong bagboy. Kaya tuloy lagi kaming busy at walang panahong tumulong sa paggawa ng mga school


projects. Bukod pa sa katotohanang hindi kami handang magbigay ng perang pampatak sa mga kailangang bilhin ng grupo. Gaya ng sinabi ko, average student lang kami. Mga “walang mukha�. Kung sa mabilisang paliwanagan, para madaling maintindihan, ang ibig sabihin ng average student ay iyong estudyanteng walang pera, hindi kagalingan sa klase at kailangan pang mag-cramming tuwing may paparating na exam, na kadalasan nama’y hindi rin naipapasa, mga estudyanteng nagtitiyagang suyurin ang mga tindahan ng mga segunda- manong libro sa Recto para makatipid, mga estudyanteng pati pampa-xerox ng libro ay kailangan pang paghandaan ng ilang araw lalo na’t medyo makapal ang naturang librong ipapa-xerox, mga estudyanteng hindi kumakain sa kantina ng pamantasan dahil mahal ang mga pagkain dito kung ikukumpara sa mga karinderya sa labas, mga estudyanteng hindi mo mapapakain sa isang class na kainan sa labas ng pamantasan kahit ilang libong beses maglunsad ng promo ang mga ito, na kung minsan sa kawalan ng kostumer ay kinukumpitensya ang presyo ng mga pagkain sa mga mumurahing karinderya sa pagaasam na makahakot ng kostumer, at nasabi ko na nga, kahit ibaba nila ang presyo ng kanilang mga pagkain, hindi pa rin nila mahahatak papalapit ang mga average


student dahil sa tingin nila (ng mga average student) ay pang-mayaman ang naturang restoran at lubhang nakakahiya kung sila, sa kanilang pagiging average ay biglang magkalat ng kahihiyan. Ang mga average student ay mga anak ng mga manggagawa, magsasaka, tindera, labandera, butangera, security guard, kundoktor, inspektor, kolektor, janitor. Ang average students ay hindi nagpapa-cool, hindi nagpapa-groovy, mga hindi pinapansin sa dean’s office, sa students’ affairs office, sa registrar, sa cashier, sa library, sa student council, sa faculty, mga working students, mga putang students, mga bisayang students, mga baduy na students, mga estudyanteng walang kotse, walang pantaksi, walang pangyosi, walang pampanood ng sine, walang pumapansin, walang gaanong kaibigan, walang organisasyon, walang fraternity, walang depinidong tambayan, walang alam sa mundo ng musika, walang alam sa mga usapin sa pulitika, walang alam sa sining, walang alam sa literatura, walang alam na luho, walang alam na istilo. In short, walang wala. Kabilang kami ni Chris sa mga average students, mga walang mukha.


Pero ang suwerte nga ay hindi inaasahan. Bigla na lang dumarating. Si Chris, sa kung ano’ng pangyayari ay biglang nagkaroon ng $63 million. Dolyares! Sasabihin siguro ng iba, panibagong bolahan na naman ito. Pero ito’y totoo at hindi ako nambobola. Mahirap talagang ipaliwanag pero totoong nangyari. Ang tiyahin ni Chris na naninirahan sa U.S. ay mayroon palang mga stocks sa iba’t ibang kumpanya. Maabilidad kasi ang tiyahin niyang iyon, hindi katulad ng kanyang ama na namutok na lang ang tumbong sa dami ng talabang kumakapit ay ayaw pa ring maghanap ng trabaho at nananatiling tagatawag pa rin ng pasahero sa pilahan ng jeep sa Marikina.


Naikuwento sa akin ni Chris noong minsang umiinom kami ng gin sa karinderya sa likod ng kampus. “Pare, alam mo bang may tiyahin ako sa States?,” bungad niya. “Bakit hindi mo hingan ng pera?,” tanong ko. “May samaan kasi ng loob si erpat ang ang tiyahin kong iyon. Hindi sila nagsusulatan. At kami man, pinapagalitan ni erpat kapag nababanggit namin ang pangalan ng tiyahin namin.” Hindi ako kumikibo. Tinungga ko ang tagay ko. Nagpatuloy sa pagsasalita si Chris. “Pero susulatan ko siya. Hahalungkatin ko iyong tokador namin. May mga luma siyang sulat doon, eh. Titingnan ko roon ang address niya. Hihingan ko siya ng pera. Siguro kapag ga-graduate na ako. Para makaiskor naman ako ng bagong sapatos.” “Pare,” pakli ko, “sa unang sulat mo, huwag ka munang manghingi.” “Natural! Aba, eh ang huling kita ko sa tiyahin kong iyon, wala pa akong bulbol. Alangan namang bigla ko na lang siyang sulatan at sabihing: ‘Hello, tiyang! May bulbol na ako. Pahingi ng pera para sa graduation. Pe-


riod.’ Hindi ganoon, pare. Siyempre, kakaibiganin ko muna. Kukumustahin. Aalamin kung ano na ang lagay niya. Kung may asawa na ba siya’t mga anak. Blah-blahblah.” Sumulat nga si Chris. Binola-bola niya ang tiyahin niya. Na kesyo nami-miss na niya ang mahal niyang tiyang, na kailan daw ba uuwi ang kanyang tiyang para maipagluto niya ng fried chicken na mayroong sikretong timpla ng Jollibee, na kesyo siya raw ay nagsisikap makapagtapos para naman makapunta rin siya ng States at makita ang kanyang mahal na tiyang, blahblah-blah. Ang sulat na iyon ang lumikha ng suwerte sa buhay ni Chris. Hindi alam ng pamilya nila na ang tiyahin niya pala ay naging kabit ng isang may-ari ng casino sa Las Vegas. May hitsura kasi ang tiyahin niyang iyon at mababakas mo naman sa mukha ni Chris na ang pamilya nila ay may hitsura at kahit si Chris ay puwede namang ilaban ng tabihan sa mga guwapo (ngunit kadalasa’y bobo) sa kampus.


Noong panahong iyon pala ay may taning na ang buhay ng tiyahin ni Chris. May AIDS ito. Alam ko dahil ikinuwento sa akin ni Chris na sinagot daw ang sulat niya. Na ang tiyahin niya pala ay tinulungan ng kabit nito na mamili ng mga stocks para sa oras na pagsawaan sa kama ay kaya nang makapagsarili. At nagsarili nga ang bruha. Dahil pumutok sa stock market ang investment niya, naging mapera, naging maluho. Nagpakantot sa kung kani-kaninong lalaki. Ginamit ang pera niya para hamigin sa kama ang mga kelots na puti. Hindi naglaon, nagbunga ang kanyang kalandian. Nagkaroon ng AIDS. Sabi ni Chris, napaiyak daw siya habang binabasa ang sulat ng kanyang tiyang. Ang ikinagulat niya, wala itong binanggit sa sulat na ipapamana sa kanya ang pera nito. Nang mamatay ang kanyang tiyang, may dumating na abugado sa kanilang bahay. Pinoy ang abugado at kung iniisip mong kano, ibig sabihin, daig mo pa ang ipis sa sobrang katangahan. May mga representative dito sa Pinas ang mga malalaking law firm sa States. Umaga dumating ang kanyang tagapagligtas. Sinabi sa kanya ang kanyang kapalaran. Nang marinig ni Chris ang sinabi ng abugado, akala niya ay patay na siya at napunta na siya sa langit. Kinailangan pa siyang


bigwasan ng kanyang ama ng isang malakas-lakas na sapak sa ulo para matauhan. Nagkandabuhol-buhol ang dila niya sa sunod-sunod na pagtatanong.


Kahit gigil na gigil na si Chris na gumasta, inabot pa ng mahigit na isang buwan bago naayos ang transaksyon. Gumastos rin siya ng ilang milyong dolyares sa tax. Pero ayos lang dahil kahit nga isang milyong dolyar lang matira sa kanya, puwede na siyang maglakad ng hubo’t hubad sa lansangan at walang huhuli sa kanya. Ang unang ginawa ni Chris, dahil siya ang pinamanahan ng kanyang tiyahin at hindi ang ama niyang batugan, binigyan niya ng pera ang kanyang mga magulang. Sampung milyong piso sa kanyang tatay at sampung milyong piso sa kanyang nanay. Para ‘ika walang away. Pagkatapos noon, umalis siya sa kanilang bahay at umupa ng condominium. Bumili siya ng kotseng Volvo. Namili siya ng mga bagong damit, bagong sapatos, mga gamit na dati’y pinaglalawayan niya. Pati ako’y bibigyan sana ng pera ni Chris. Isang milyong piso. Hindi ako pumayag. Kahit naman siguro sino, magdadalawang isip na tanggapin iyon. Bakit ay hindi naman kami magkamag-anak ni Chris. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kung malalaman nila na ako’y binigyan ni Chris ng isang milyon? Kung ang ibibigay ni Chris sa akin ay sampung libo o kahit bente mil, bigla kong tatanggapin. Kahit bunganga ko pa ang siya kong ipangkuha ng perang iaabot niya sa akin. Pero isang


milyon? No way! Kahit pagsisihan ko pa at ng mga magiging apo ko ang gagawin kong pagtanggi, tatanggihan ko pa rin. Nauunawaan ako ni Chris. Kaya noong hindi niya ako mapilit (nahihiya naman siyang magbalato ng sampung libo lang dahil baka kung ano ang isipin ko, biro mo, nang i-convert sa piso ang pera niya ay mahigit dalawang bilyon tapos magbabalato siya ng sampung libo? kung bakit kasi naimbento pa ang dangal, hindi naman nakakain iyon.) idinaan niya sa mga regalo. Kapag bumibili siya ng damit, isinasama niya ako at pati ako’y binibilhan rin niya. Kapag bumibili siya ng pantalon at sapatos, laging dalawang pares, para sa akin ang isa.


Nag-resign na si Chris sa trabaho. Noong panahong iyon ay sa Jollibee ulit siya nagtatrabaho pero sa ibang branch naman. Kaya siya nag-resign ay hindi na niya kailangang magtrabaho. Nagkataon naman noon na ako’y nawalan din ng trabaho dahil nagsarado na ang Uniwide. Magkasama kami sa lahat ng gimik. Putsa, inom dito, inom doon. Babae rito, babae roon. Kung saan-saan kami nakarating sakay ng kanyang Volvo na sa tama ng araw ay daig pa ang kintab ng ulo ng tatay niyang kalbo na mula nang balatuhan niya ng sampung milyon ay wala nang inatupag kundi uminom nang uminom. Unti-unting kumalat sa kampus ang balita. Nagumpisa ito sa bagong Volvo. Sa eskuwelahan namin ay wala kahit isang mayroong Volvo. Kung mayroon man, hindi pag-aari ng estudyante kundi pag-aari ng kanyang magulang. Matapos ang Volvo, gumimik si Chris ng mga blow-out. Tangna, blow-out lahat ng kaklase. Sikat na sikat si Chris. At dahil ako ang side-kick niya, pati ako’y sumikat na rin. All of a sudden, hindi na lang kami average student. Kabilang na kami sa elite, sa mga mayaman at guwapo ngunit bobong estudyante ng PST. Dumami ang mga kaibigan namin. Panay ang padala ni Chris ng mga regalo sa mga


propesor. Biglang-bigla ay naging paborito siya ng mga dati’y matataray na propesor. Dangan kasi’y mahirap kalabanin ang isang milyonaryo. Kahit sino, magdadalawang isip na kumontra sa isang taong sobrang yaman. Ilang panahon kaming ganoon at saka ko nalaman kung paano sirain ang dangal ng isang tao. Sa kampus ay may isang babaeng sobrang ganda. Siya si Marissa dela Cruz. Singkit ang mga mata, maputi ang balat na manghihinayang kang hawakan dahil sa sobrang puti at baka mahawahan ng kayumanggi mong balat. Nakalugay sa balikat niya ang kanyang itim na buhok na sa tama ng araw ay nagsasabog ng malakapeng kulay. Medyo matangkad siya kung ikukumpara sa ordinaryong taas ng mga babaeng Pinay. Hanep sa korte ang balakang at katamtaman ang laki ng mga suso. Siya yung tipo ng babaeng sigurado akong pinagpapantasyahan ng mga malilibog na lalaki sa kampus.


Kung sa pang-ekonomiyang usapin, si Marissa ay maihahanay sa grupo ng mga average students. Ang kinakainan niya’y hindi sa kantina ng pamantasan kundi sa labas kung saan nagsisiksikan ang mga average students. Ang kanyang suot ay simple lang na bagamat medyo huli sa uso ay bumabagay naman sa kanya. Ang kanyang ama ay kawani ng isang sangay ng pamahalaan na malaon nang naghihintay na mabigyan ng break na makaiskor ng isang juicy position ngunit sa kamalasan, tumagal ng mahigit dalawampung taon sa pagseserbisyo ay hindi man lang na-promote. Marami siyang manliligaw sa kampus. Iba’t ibang tipo ng lalake, may payat, may mataba, may mahirap, may mayaman, may kupal, may mukhang kupal at may manyak at may mukhang manyak. Pero lahat ng ito’y hindi umubra kay Marissa. Nungka, nangunguna siyang Dean’s lister. Napakahusay sa klase at madalas mabansagang genius sa taxation at wizard sa financial accounting at auditing. Sa puntong ito’y hindi siya average student. Napakarami niyang ipinanalong tropeo para sa pamantasan sa mga sinalihan niyang accounting quiz bowls. Bukod sa husay niya sa pagmamaniobra ng mga numero, ng mga debit at credit, ng mga cost accounting


at mga auditing, si Marissa ay kilala sa sobrang kabaitan. Kung kaklase mo siya, at nagkataong malapit nang mag-finals at kahit isang topic ay wala ka pa ring naiintindihan sa mga itinuro ng propesor mong hindi mo maintindihan kung autistic o reppressed homosexual, puwede kang lumapit kay Marissa. Handa siyang magbigay ng crash course para naman may maisulat ka sa test booklet mo sa finals. Sa mga organisasyon sa kampus ay kabi-kabila ang imbitasyon niya ngunit wala siyang sinasalihan maliban na lang sa ilang academic organizations.


Hindi ko na siguro kailangan pang banggitin na itong si Marissa ay paborito ng mga propesor. Si Marissa ay dating niligawan ni Chris. Siguro’y wala nang ibang magawa si Chris sa pera niya. Nagulat nga ako nang sabihin niyang iiskorin niya si Marissa. Isang gabi, sa isang malamig na beerhouse, sinabi sa akin ni Chris ang plano niya. “Pare, kakantutin ko si Marissa.” Natawa ako. Kahit sino’y hindi makakaiskor kay Marissa. Hindi uubra sa babaeng iyon kahit gaano pa kadami ang pera ni Chris. Itinuloy ni Chris ang pagsasalita. “Babayaran ko siya ng one hundred thousand.” Natigilan ako. Medyo nanlamig ako. Ang totoo kasi, crush ko rin si Marissa. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang babaeng bukod sa saksakan ng ganda ay sakasakan pa ng talino at bait. Hindi ko maisip na bibilhin siya ni Chris. “Kahit isang milyon pa, pare, hindi mo mabibili si Marissa,” sabi ko kay Chris.


“Manood ka na lang sa gagawin ko. Putang inang babae ‘yan. Binasted niya ako dati. Ngayon ay tingnan lang natin kung sino ang mananalo.” Nagulat ako sa ginawa ni Chris. Kahit sino’y hindi makakaisip noon. Sa palagay ko, ang makakaisip lang ng ganoon ay ang taong mula sa matagal na pagkakalublob sa kumunoy ng kahirapan ay biglang nagkaroon ng milyong-milyong pera. Ikinalat ni Chris sa buong kampus na bibilhin niya si Marissa ng one hundred thousand. Madali naman niyang maikakalat ang ganito dahil sobrang dami ng kaibigan niya sa kampus. Ang totoo nga niyan, laging bukambibig ang pangalan ni Chris sa buong eskuwelahan.


At sa kampus, napakabilis kumalat ng balita. Likas na yatang katangian ng mga estudyante sa PST (lalo na ang mga lalake) na magpalago ng tsismis. Ang balita ay nakarating sa kung kani-kaninong estudyante, na nagkuwento naman sa mga kaibigan nila, hanggang eventually, nakarating kay Marissa. Siguro’y parang binuhusan ng kumukulong mantika na hinaluan ng dinikdik na sili ang ilong ni Marissa sa tindi ng galit. Biro mo nga naman, kung ikaw ba naman ay makabalita na bibilhin ang puri mo ng ganitong halaga, baka maloko ka sa kunsumisyon. Lalo na si Marissa na kilalang konserbatibo at ni hindi nambabati ng hindi niya kakilala. Isang hapon, kumakain kami ng halo-halo ni Chris sa kantina kasama ang ilang kaibigan. Noong panahong iyon ay sa kantina na kami ng pamantasan kumakain dahil hindi na namin masyadong problema ang pera dahil sagot naman ni Chris ang lahat ng gastos. Biglang dumating si Marissa. Pagpasok niya pa lang sa kantina ay nagtinginan na ang mga tao. Alam na kasi ng buong pamantasan ang kalokohan ni Chris. Noon din ay natahimik ang buong kantina. Ang mga kuwentuhan sa iba’t ibang lamesa ay napawing parang batang umiiyak na biglang pinasakan ng tsupon sa bunganga.


Ang lahat ng mata’y natutok sa mesa namin. Tuloy-tuloy si Marissa sa mesa namin. Ni hindi nagangat ng mukha si Chris. Tuloy ang kain niya ng halohalo. Ilang saglit munang ganoon, nakatayo si Marissa sa tabi ng mesa at tinititigan ng masama si Chris habang si Chris naman ay tila sarap na sarap sa pagkain ng halo-halo. Pagkuwa’y biglang nagsalita si Marissa. Hindi gaanong malakas ang boses niya ngunit sa kadahilanang walang kaingay-ingay sa loob ng kantina, na pakiramdam ko nga ay pati paglaglag ng abo ng sigarilyo sa sahig ay malinaw na maririnig, dumagundong sa buong kantina ang kanyang mga salita.


“Hindi mo kayang bilhin ang lahat ng tao,” sabi ni Marissa sa nanginginig niyang boses. “Akala mo lang iyon,” sagot naman ni Chris. “Baka ang akala mo ay komo’t mayaman ka, lahat ng tao ay saludo sa iyo.” “Totoong saludo sa akin,” sagot ni Chris. “Lahat ng taga-PST, kaya kong bilhin. Pati ikaw!” “Tang ina mo, Chris!” sigaw ni Marissa. “Akala ko pa naman, mabait ka!” Pagkatapos nito ay tumalikod na si Marissa at humakbang patungo sa pinto papalabas ng kantina. Alam ni Chris na nakikinig ang buong kantina, pati na ang mga serbidora sa counter na madalas niyang bigyan ng makapal na tip. Nagpahabol ng sigaw si Chris. “Marissa, kung gusto mo gagawin kong two hundred thousand!” Hindi lumingon si Marissa. Tuloy tuloy ang paglakad nito palabas ng pinto. Nang makaalis si Marissa, ilang saglit na tahimik pa rin sa buong kantina. Wari ba’y ninanamnam pa ng mga tao ang narinig nilang mga salita. Pagkatapos ng kung ilang saglit na katahimikan ay biglang may pumalakpak. Ang palakpak ay


nasundan, at nasundan pa hanggang umugong ang buong kantina sa nakakabinging palakpakan. Si Chris naman ay tumayo sa ibabaw ng mesa at nag-bow sa mga taong pumapalakpak. Gayon nga ang nangyari. Kumalat ang balitang ang dating one hundred thousand ay naging two hundred thousand na. Lalong nasabik mga estudyante sa maaaring mangyari. Araw-araw mula noon ay nag-uutos si Chris ng isang estudyante papunta sa klase ni Marissa para sabihin ang current offer. Araw-araw ay nagbabago ang presyo. Pataas nang pataas. Hanggang umabot ng five hundred thousand. Lahat ay napapalatak. Biro mo, kalahating milyon para sa magdamagang kantutan! Pero ayaw pa rin ni Marissa. Ang toto nga noo’y marami nang nag-aapply kay Chris. Na kung maaari raw ay sila na lang at mas masisiyahan daw si Chris dahil magaling sila sa kama. Na ipapatikim daw kay Chris ang pinakamasarap na magdamag na noon lang niya mararanasan. Mayroon pa ngang ibang babae na direktang lumalapit kay Chris o kaya’y sa akin (dahil kilala na akong dakilang alalay ni Chirs) at sinasabing kahit daw mas mababa sa five hundred thousand ay papayag sila. Huwag na raw pagtiyagaan ni Chris si Marissa dahil hindi raw talaga ito


papayag.


Nagreklamo si Marissa sa school administration laban kay Chris. Ipinatawag si Chris sa Students’Affairs Office para pagalitan. Pero bago pa man siya ipatawag, alam na ng admin ang tungkol sa bidding. Siguro’y naghihintay lang sila na may magreklamo. Walang nagawa ang admin. Paano’y biglang nagdonate ng isang milyng piso si Chris para sa noo’y gustong ipa-renovate na library. Noon din, sa opisina ng Students’ Affairs, hindi pa nga nakakapagsalita ang direktor, pumirma si Chris ng tseke sa halagang one million at iniabot sa direktor. Sinabi niya na iyon ay para sa library. Pagkatapos ay sinabayan na ng talikod ni Chris at lumabas na ng opisina ng Students’ Affairs. Tuloy ang bidding. Ang buong pamantasana ay sumusubaybay. Araw-araw, ang tanungan sa mga klase ay : “Magkano na ba?”. Umabot na sa eight hundred and fifty thousand. Hindi pa rin bumibigay si Marissa. Ang nakakabilib pa, tuloy pa rin si Marissa sa pagpasok. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, hindi na muna ako papasok. Baka mag-drop muna ako ng isang semestre. Sa 1.1 M ay nagkasarahan ng deal. Iyon na siguro ang pinakamahal na kantutan na narinig ko.


May isang estudyante, babae, na minsa’y lumapit sa akin at sinabing payag na raw si Marissa. Sinabi ko iyon kay Chris. Ang presyo noon ay nasa 1.1 M na nga. Inayos namin ang pagkikita. Sa kantina, alas tres ng hapon. Hindi dumating si Marissa. Sa halip, ang dumating ay ang babaeng tagapagsalita ni Marissa. Sinabi na nahihiya raw pumunta ng kantina si Marissa dahil baka raw kung ano ang isipin ng mga tao. Kung maaari raw ay si Chris na ang lumapit. Naroon daw si Marissa sa labas ng pamantasan, sa isang kubling kainan sa may likuran ng PST.


Hindi pumayag si Chris. “Sabihin mo kay Marissa, kung ayaw niya rito sa kantina, huwag na lang. Kalimutan na niya ang isang milyon niya,” sabi ni Chris sa babae. Umalis ang babae. Noo’y punumpuno ang buong kantina. Alam kasi ng lahat ng tao na nagkasarahan na ng deal at ang mga estudyante ay sabik na sabik na sa magaganap na pagtatagpo sa kantina. Naghintay kami ng ilang saglit, pagkuwa’y namataan namin ang babaeng tagapagsalita ni Marissa. Pumasok ito sa kantina at tuloy-tuloy sa mesa namin. Kasunod niya si Marissa, nakatungo sa kanyang paglalakad. Nang makalapit na si Marissa sa mesa namin ay nagsalita si Chris. Noo’y daan-daang pares ng tainga ang nakikinig sa amin. “Kumusta ka na, Marissa?,” bungad ni Chris. Sinenyasan niya ang dalawa naming kaibigan. Tumayo ang mga ito at pinaupo sina Marissa sa nabakanteng upuan. “Handa ka na ba sa gagawin natin?,” tanong ni Chris.


Tumango nang marahan si Marissa. Dinukot ni Chris sa kanyang bag ang libro ng mga tseke. Sinulatan ng one million and one hundred thousand pesos (P 1,100,000.00). Tumutulo ang pawis ko ng oras na iyon. Biro mo, 1.1 Million, TAX FREE! Para lang sa pinakamasarap na luto ng Diyos!


Iniabot ni Chris ang tseke kay Marissa na tinanggap naman ng huli. Pagkatapos nito’y biglang tumayo si Chris. Lahat ng tao ay nagulat sa sinabi niya. Pati ako na noo’y nag-i-imagine ng mga maaaring mabili ko kung ako ang makakatanggap ng 1.1 milyones. Bigla kong naalala ang dati’y plano ni Chris na balatuhan ako ng isang milyon. May panghihinayang na gumuhit sa isip ko. Pagkuwa’y ang isip ko ay biglang nagulantang na parang yelong biglang ibinabad sa kumukulong tubig. “Putang ina mo, Marissa!,” sigaw ni Chris. Natulala ang lahat at maging si Marissa ay hindi makapaniwala. “Tang ina mo! Puta ka! Nakakadiri ka!” Pagkasigaw ni Chris ay bigla niyang inilapit ang ulo niya kay Marissa at ito’y dinuraan sa mukha. Pagkuwa’y tumayo siya at lumabas ng kantina. Makalipas ang ilang saglit, si Marissa ay humahagulgol na nagtatakbo palabas ng kantina. Ang tseke nito ay naiwan sa ibabaw ng mesa. Ilang sandali ay sumunod ang kanyang kaibigan. Hinabol ko ang kaibigan ni Marissa at iniabot ang tseke na bantulot nitong tinanggap. Hindi na muling nakita si Marissa sa loob ng pamantasan. Ang huling balita ko’y nasa probinsya raw nila at nakapagpundar ng isang maliit na grocery store.


At si Chris? Mula noong nangyari iyong eksena sa kantina ay hindi na siya nagpapasok. Wala na siyang interes pang mag-aral. Nakahanap siya ng bagong libangan—casino. Ako naman noon ay talagang subsob na sa pag-aaral dahil magtatapos na ako sa susunod na semestre. Madalang na kaming magkita ni Chris. Pero minsan, dumadalaw siya sa bahay. Minsan ay dinadaanan niya ako at niyaya sa mga beerhouse. Pero naaasar na ako sa kanya dahil kapag lasing na siya, bigla siyang umiiyak at wala na siyang bukambibig kundi si Marissa.


kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay *Nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 2000

Apat na punto lang ang maaari kong ibahagi. Apat na puntong kung titingnan ng pahapyaw ay walang kaugnayan sa mga pangyayari sa miserable kong buhay. Ngunit malakas ang hinala ko na kung tutuhugin ko ang mga pangyayari sa buong proseso ng paglalakbay ko, sa bandang huli ay masasalok kong lahat ang mga dapat salukin. Sa isang iglap, magtatahitahi ang lahat ng bagay. Titimo sa isip ng sino mang makakabasa nito na ako ay isang manlalakbay na tulad ng marami sa atin, nagkataon lang na siguro, mas malubak na daan ang dinaaanan ko, mas masukal na


gubat ang pinasok, mas malalim na ilog ang tinawid habang ang sikmura ko’y nagmumura sa gutom at ang kaluluwa naman ay nakikipagsugal sa tadhana. Pero ang lalim naman ng ating mga karanasan ay sinusukat hindi sa iisang timbangan. May kanya-kanya tayong pamantayan. Ang malalim sa aki’y mababaw sa iba. Ang masalimuot sa aki’y maaliwalas sa iba.


Apat na punto lang ang maaari kong ibahagi. Dito sa institusyon ng mga makata ay hanggang apat na punto lang ang puwedeng sabihin tuwing magkakaroon ng sharing. Sa tuwing magkakaroon ng sharing, pinapahintulutan ako na magsalita hanggang apat na punto. Apat dahil ang bilang na ito ay sumisimbolo ng parisukat, ng katinuan, ng pagkabalanse. Paano sinusukat ang lalim ng isang bagay? Ang balon halimbawa? May malalim na balon pero wala namang tubig. Mayroong mababaw na bumubukal ang tubig hanggang sa mismong bunganga. Paano sinusukat ang haba ng lansangan? Pinagdudugtong-dugtong ang mga sintas ng sapatos, mga sinturon, kurbata, pantalon, kamiseta, karsonsilyo, iba pang mga pisi, saka susukatin ng metrong panukat. Ang apat na punto: 1. 2.

Ang kaibhan ng pagsasamantala sa pang-aapi Ang wastong pagkain ng balut

1.

Si Joe de Venecia, ang lipunang Pilipino at ang usok ng ganja


2.

Quadratic equation at iba pang mga milagro sa pamantasan

You don’t give me no shit, man. My mind is clear as the sky. You give me shit and I’ll bust your fucking head off. You understand that? You little prick? Do know me? I guess not! Let me show you. Let’s count just like the shitty count drac of sesame street. Ready? Here we go. One… Two…Three… Four… Maliit pa lang si Tony ay alam na niya kung paano patahimikin ang sikmurang kumakalam. Mayroon siyang mga ritwal na sinusunod. Una ay ang paggunita kung kailan ba huling nakapiling ang kanin. Kung nagkataong may tutong sa ilalim ng kaldero o kaya nama’y mayroong naglalangib-langib na asukal sa bunganga at gilid-gilid ng garapon na nakapatong sa mamantikang mesa sa kusinang walang atip ay ayos na ang gutom. Kung sa kamalasan ay wala talagang masisimot sa maruming paminggalan, kailangang gunitain ang kulay ng kanin at masasarap na ulam. Kapag ang mainit na kanin at umuusok na adobo o kaya nama’y sinigang na baboy ay plastado na sa isip at naglalaro na sa gunita ang mga ala-ala ng nagdaang pistahang dinaluhan, ang susunod


niyang gagawin ay ang humiga sa papag na amoy ihi at nanggigipalpal sa libag at surot sa loob ng kuwartong ang dingding ay butas-butas na plywood at ang bubungan ay kasalukuyang nakahimlay sa gilid ng bahay ng kanilang kapitbahay na siya nilang binabayaran ng buwanang upa para sa bahay na iyon na kung tutuusin ay mas tamang tawaging basurang hugis parisukat.


Sa pagkakahiga ni Tony sa papag na mas akma sa tawag na bahay-surot ay ipipikit niya ang kanyang mga mata. Iisipin niya ang mga pistahan, kasalan, binyagan at iba pang handaang dinaluhan. Ang mga gunitang ito ay ipaghehele siya sa isang masayang tulog na may kakambal na masasayang panaginip. Hindi niya alintana ang sinag ng katanghaliang tapat na diretsong tumatama sa humpak niyang mga pisngi. Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon. Panaginip malamon.

ang

tugon sa

bungangang

walang

Ilang araw na rin silang natutulog nang ang atip ay ang malawak na kalangitan. Sa gabi ay nanunuot sa buto ang lamig ng hangin. Sa araw nama’y sumusunog ng balat ang init ng araw. Malaking sakripisyo ang hatid sa kanya at sa kanyang mga kasambahay.


Noong bago pa man sila mangupahan sa bahay na iyon na mas akmang tawaging basurang parisukat, wala nang tiwala si Tony sa pagmumukha ng kanilang kasera. Ilang ulit niya itong sinabi sa kanyang ina ngunit hindi siya pinapansin. Ano ba ang nalalaman ng mga anak sa mga usaping pang-magulang? At ang pagtira sa bahay na iyon ay madalas magdulot ng pangitain sa mura niyang isip. Isa sa mga pangitain na madalas magkahugis sa kanyang imahinasyon ay ang pagkasunog umano ng bahay at ng kanilang mga kasangkapan. Ngayon ay tila magkakatotoo ang kanyang pangitain. Iba na ang kulay ng kanilang mga kagamitan dahil sa tama ng araw. Kunsabagay, kaunti lamang ang kanilang gamit. Karamiha’y mga bukbukin. Isang mesang umuuga, isang papag na ginawang palasyo ng mga surot na nakalkal nila sa mahabang panahong paglipat-lipat ng bahay, mga gamit sa kusina, gamit sa pagtulog, isang aparador na bigay ng kanyang tiyahin bilang regalo sa kanyang ina noong ito’y ikinasal, na siya nilang pinaglalagyan ng mga damit, at iba pang mga kagamitang kung tutuusin ay dapat nang itapon ngunit hindi maitapon dahil magmumukhang walang kalaman-laman ang bahay kung wala ang mga ito. Ang tangi nilang gamit na sa kanilang palagay ay may tunay na halaga ay ang isang maliit na telebisyong black and


white na napanalunan ng kanyang ina sa isang bingo sosyal, at ito ay pinipilit nilang iligtas sa mapanunog na silahis sa pamamagitan ng pagtatakip ng karton, kumot at mga sako. Isang araw, matapos ang kanyang pag-iigib, umuwi siya ng bahay at nadatnang maraming taong nagkakagulo sa harapan ng kanilang bahay na inuupahan. Kaipala’y may kaaway ang kanyang ina. Nakiraan siya ng patagilid sa naghambalang na mga tao at matapos niyang tanggapin ang mga mura ng isang matandang manang na di sinasadyang natapakan niya ang dulo ng daliri nito sa paang bagong pedicure, narating niya ang bungad ng kanilang bahay at sumalubong sa kanya ang walang kasing-sariwang pagmumurahan ng kanyang ina at ng may-ari ng basurang kanilang inuupahan.


“Putang ina mo, lumayas na kayo diyan!” “Putang ina mo rin! Kababayad ko lang noong isang buwan, palalayasin mo kami?” “Nay, ano’ng nangyayari dito?” “Huwag kang makialam dito, Tony. Pumasok ka sa loob. Bantayan mo ang kapatid mo.” Labag man sa kalooban ni Tony ay sinunod niya ang utos ng ina. Muli niyang sinulyapan ang makapal na bilang ng mga usyosero-usyosera-mga puto-mga puta na talagang naghihintay ng mga ganitong pagkakataon para naman may mapanood sila at maging kaaliw-aliw na parang sine ang kanilang buhay sa looban. Sa loob ng bahay, nadatnan niyang maganang kumakain sa maruming mesa ang kanyang nakababatang kapatid. Punong-puno ng mismis ang labi at mga pisngi nito. Ang dalawang kamay ay may bahid ng kulay itim na hindi malaman ni Tony kung putik o mantsa ng tutong. Hindi nito pansin ang malalakas na sigawan sa labas ng bahay gayong ito’y umaabot naman sa loob dahil sa nakakaawang kalagayan ng mga dingding na sa dami ng butas ay daig pa ang isang bayong na pinaulanan ng sangkatutak na indian pana. Naglaway ang kanyang labi nang makita ang pritong


bangus at kaning lamig na nilalantakan ng kanyang kapatid. Nakisalo siya sa pagkain at hindi na pinansin ang awayan sa labas ng bahay. Kinabukasan, bago pa man sila magising, at si Tony ay kasalukuyan pa lang kumakain ng panghimagas sa isang pistahang kanyang dinaluhan sa kanyang panaginip, ginulantang sila ng mga mabibigat na hakbang sa kalawanging yerong nagsisilbing kanilang bubong. Maya-maya’y heto na at nakita nila ang dulo ng baretang sumiwang mula sa bubong. Pag-angat nito’y kasamang umangat ang atip na puro kalawang.


Naglaglagan sa kanilang mga tulalang mukha ang mga alikabok, putik, dahong tuyo, at iba pang basura na ilang panahon na ring naipon sa bubungan ng bahay. Kasunod nito’y bumagsak sa kanilang paanan ang kalbong gulong ng sasakyan, mga plastik at sako at iba pang panlaban sa mga tulo ng bubong tuwing umuulan. “Maghahanap ako ng malilipatan,” wika ng kanyang ina. “Tinotoo ng tarantada ang banta niyang aalisan tayo ng bubong kapag hindi tayo umalis dito.” Hindi narinig ni Tony ang sinabi ng ina. Ni hindi niya napansing tumayo ito’t lumabas ng bahay. Ang kanyang titig ay nakapako sa malaking mamang nakahubad na noo’y tinatanggal ng bareta ang nalalabing mga yero. Ang kanyang mapayapang pagbiling-biling sa papag ay unti-unting ginambala ng isang bangaw na kumakandirit sa tungki ng kanyang ilong na wari’y gustong sumama sa paglalakbay niya sa mga baryong nagdiriwang ng kapistahan. Putang ina! Huwag mo ‘kong istorbohin, hayop ka! Hayaan mo ‘ko, putang ina mo! Mariing dumampi ang palad ni Tony sa kanyang ilong na naging sanhi ng pagkamatay ng maitim na


bangaw na gustong sumama sa kanyang panaginip, na naging sanhi rin ng kanyang pagkagising at pag-alis sa pistahan. Putang ina! Ni hindi ako nakapagpaalam dun sa bahay na kinainan ko! ‘Tang ina, hindi pa ako nakakakain ng minatamis! “Tang ‘nang buhay ito! Itinutulog na nga lang ang gutom, iistorbohin ka pa!” Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata sa pagaasam na muling makapaglakbay sa pistahan at makakain ng minatamis para may pantulak sa kanyang kinaing adobo at tinola.. Ngunit bago pa man niya umpisahang ipaghele ang sarili’y alam na niyang hindi na siya muling makababalik. Idinilat niya ang kanyang mga mata at maliksing bumangon. Tinungo niya ang pintuan at doo’y kinuha ang dalawang timba at ang pingga na siya niyang gamit sa pagsalok ng tubig.


Sa labasan, sa tabi ng posong igiban, nagkakaingay ang mga agwador. Ang karamihan sa kanila ay mga batang tulad ni Tony, trese anyos pababa. Ang katwiran kasi sa lugar nila, ang pag-iigib ay pambatang trabaho. Ang mga matatanda ay mayroon na dapat ibang pinagkakaabalahan tulad ng pag-inom ng bilog o lapad, pakikipagsuntukan sa mga kainuman, pagtatawag ng mga pasahero sa tabi ng mga dyip na nakapila sa paradahan. Isa itong malaking palaisipan kay Tony. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa ng tagatawag ng pasahero gayong ang mga pasahero naman ay marurunong bumasa at kaya naman nilang basahin ang mga karatula ng dyip. Hindi na nila kailangan pa ng tagasigaw sa kanila kung saang dyip sila kailangang sumakay at kung saan ang ruta ng mga dyip na bibiyahe. Sa araw-araw ba naman nilang pagbibiyahe ay hindi lang ruta ng dyip ang kanilang kabisado kundi pati na rin ang hilatsa ng pagmumukha ng mga tsuper, kung aling dyip ang may nakakabinging stereo, kung sinong tsuper ang kaskasero at kung sino ang kung magmaneho ay mabilis pa ang pusitsit ng ihi ng isang dalagang hindi na virgin, at marami pang iba. Ang mga ito’y kabisado ng mga pasahero sa pilahan ng dyip. Ito’y bahagi na ng kanilang araw-araw na pakikipagbuno sa buhay.


Sa poso ay nagkakaingay ang mga batang agwador. Pinagkukumpulan nila ang dalawang batang naggigirian sa gitna ng naghambalang na mga timba at galon. Ibinaba ni Tony ang tangan niyang mga timba at pagkuwa’y nakiusyoso sa mga nanonood sa dalawang batang naggigirian. O, iiyak na iyan, o! Iiyak na! Sige nga, hawakan mo sa tenga, Boyong!


Hipuin mo bayag! Ha! Ha! Ha! Nagkalampagan ang mga timba na nasagi at nadaganan ng dalawang batang nagpagulong-gulong sa basang semento. Putok ang nguso ni Boyong at sumasargo naman ang dugo sa ilong ni Max. Nakatutulig ang hiyawan ng mga bata. Ang sapakang umaatikabo ay masarap panoorin habang ipinapahinga ang katawang pata sa kaiigib. Masarap ding makisigaw na tila ikaw ay nanonood ng sabong at ang iyong pinustahang manok ay ala-Fernado Poe ang tadyak ng tari habang umeere sa ibabaw o kaya nama’y dumidiskarte ng pailalim. Ang hiyawan ng mga batang agwador ay nakatawag ng pansin sa mga istambay sa ‘di kalayuan at ang mga ito’y pansamantalang huminto sa kanilang pag-iinuman upang makipanood. Tulad ng inaasahan, nadagdagan ang bilang ng mga humihiyaw. Ang mga istambay ay nagsipaglabas ng pusta at animo totoong sabungan ang nangyari sa igiban. Dalawang manok ang naglalaban. Si Boyong at si Max. Parehong walang tinatakbuhang away. Parehong matitinik sa suntukan. Parehong maya’t maya ay


nadadala sa presinto dahil sa mga kasalanan laban sa lipunan at taong bayan tulad ng pagnanakaw, pandurukot at pang-uumit ng ulam sa mga tindahan sa palengke. Hindi na mahalaga ang sanhi ng away. Wala nang sira-ulong umiintindi kung sino sa dalawa ang may kasalanan. Ang importante’y may napapanood habang nagpapahinga. Ang ingay ng hiyawan ay nakatawag ng pansin sa isang naparaang barangay tanod na noo’y susuraysuray sa paglalakad dahil sa kalasingan. Ngunit lasing man at magaling, barangay tanod pa rin. Inawat nito ang away at tinanggap ang mga kantyaw ng mga agwador at istambay na naasar dahil sa pagkaputol ng kanilang panoorin.


Pinulot ni Tony ang kanyang mga timba na kasamang gumulong nang sina Max at Boyong ay magbabag sa gitna ng igiban, at pagkuwa’y iniayos sa pila ng mga nauna sa kanya. Dinukot niya sa bulsa ang isang stick ng Champion at nakisindi sa kanyang katabi. Malumanay niyang hinitit ang sigarilyong mapait habang hinihintay ang kanyang turno. Now, what would you say about that? Isn’t that a real bummer? Let me tell you something. I am a journeyman and by looking at your stupid eyes, and silly baggy jumpers, I know that you’re nothing but a fucking sissy urban boy who can’t even survive a streetfight. Shit, you can’t even kick the shit out of some asshole who puts your mama’s name in vain. You wanna hear some more? Let’s count then… One… Two… Three… Ang kaibigan niyang si Chris ang nagsama sa kanya sa bahay ni Aling Sion. Si Aling Sion ay nakatira ilang bloke ang layo mula sa looban. Ito at ang asawa nitong sabungero at ang kanilang labing-isang anak ay tulongtulong sa kanilang negosyo-pagtitinda ng balut. Noong umpisa ay atubili si Tony. Kahit papaano’y kumikita naman siya sa pag-iigib ng tubig. Pero nang


mapansin niyang si Chris ay laging may pera, at nang mapuna niyang siya na lang ang natitirang “matanda” sa igiban, nag-isip na rin siyang umiba ng raket. Napaghahalata na kasi ng iba na ang trabaho niya ay trabahong pambata kahit siya’y disi-siyete anyos na. May malaki siyang takot sa pagtitinda ng balut. Kalimitan kasi, sa lugar nila ay laging may magbabalut na nagugulpi, nasasaksak at napapatay. Ito ay sa simpleng dahilan na sila’y hindi nagpapautang. Ang mali naman kasi ng mga tindero ng balut, hindi na sila nadala sa pagtitinda ng balut sa mga nag-iinuman. Kumbaga, para silang mga gamu-gamong nararahuyo papalapit sa ilaw ng gasera, sa mga lasenggo. Ang siste, ayaw bayaran ng mga lasing ang kinain nila, na tila ba batayang karapatan nila na bigay pa sa kanila ng Poong Maykapal ang kumain ng libreng balut kapag sila’y lasing na. Kulitang katakut-takot hanggang sa magalit ang mga lasing at gawing puta ang nanay ng kawawang tindero. Si tindero naman, sa halip na kumaripas na ng takbo, ay pipilitin pa ring ipagtanggol ang pangalan ni inay. Ang resulta, kahit lasing ay sanay pala sa babag. At komo mas marami sila, masuwerte kung ospital lang at hindi sementeryo ang hahantungan ng magbabalut sa kabila ng sangkaterbang suntok at saksak na dumapo sa katawan niya.


Sa kabilang banda, may bentahe rin ang pagtitinda ng balut. Tuwing gabi lang ang lako niya. Sa araw, puwede siyang mag-aral. Mahigit apat na taon na rin naman siyang natigil mula nang binasted siya ng kanyang kaklase sa grade six. Malaking bigwas sa kanyang gandang lalake at talino ang ginawang pambabasted sa kanya. Sa tuwing maaalala niya ang kanyang kaklaseng si Klara na noo’y pinakamaganda sa lahat ng grade six sa Roosevelt College, na ngayo’y isa nang butihing maybahay ng isang dakilang tomador na batugan na itinanan siya noong sila’y nasa third year haiskul na, na sa tuwing malalasing ay napagkakamalang punching bag o ‘di kaya nama’y ahente ng Jehova si Klara, hindi niya maiwasang maasar. Bakit mas pinili pa ni Klara si Jun samantalang noong sila’y grade six pa lang, sentro na ng mga kantyaw si kupal dahil bukod sa saksakan na ng bobo ay mahilig pang mangulangot sa klase at pagkuway ngangatngatin ang maasim-asim na mga daliri? Mula noon, napagpasyahan ni Tony na tumigil sa pag-aaral. Ngunit aminado siya na hindi lang si Klara ang dahilan ng kanyang pananamlay sa pag-aaral. Isang malaking dahilan rin ang sunod-sunod na problemang dumating sa kanilang buhay. Ang kanyang ama, matapos mawala nang ilang taon, ay biglang bumalik at


sinabing siya raw ay nagsisisi na. Na iniwan na raw niya ang kanyang kerida. Pagkabanggit ng salitang kerida, pumanaw ang lahat ng katinuan ng kanyang ina at iyong takbong iyon sa kusina at kuha ng itak ay sabay wasiwas sa kanyang ama. Ang habulan ay humantong sa gitna ng kalye, sa pagitan ng mga humaharurot na sasakyan, at mabuti na lang at may isip ang ilang matatabang pulis na noo’y kasalukuyang nag-aabang ng mabibiktimang drayber at naawat din ang habulan na malamang sa hindi ay magiging sanhi ng isang madugong patayan. Mula noon, ang kanyang ina ay ilang buwan ding natulala at ang tanging kinakausap ay ang mga langaw na pasalit-salit ang dapo sa kanyang mukha, ang ilang daang ipis na kasambahay nila, at ang mga butiki sa kisame na malamang noong panahong iyon ay kulilingkulili na dahil sa paulit-ulit na pagsambit ng kanyang ina ng pangalan ng kanyang ama at ng kerida nito. “Putang ina nila! Tamaan sana sila ng kidlat!�


Isa pang malaking salik sa kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral ay ang isang nakakahiyang insidente na nangyari sa kanya noong araw ng kanilang pagtatapos sa grade six. Nataong ang itinatabi ng kanyang ina na pambili ng bagong sapatos ay dinagit ni Almang 5-6, isang beteranong usurero sa looban na laging nakasuot ng hapit na pantalong maong at sa hapit nitong kamiseta ay naaaninag ang dalawang karneng losyang na nakakabit sa kanyang dibdib at sa may ibabang bahagi ng balakang, sa tabi ng kanyang puwit na animo monay na inamag, nakakurbada ang hugis ng isang 38 rebolber, panlaban sa mga manyak at magnanakaw wika niya nang minsang may magtanong kung para saan ang naturang baril. Dalawang araw na lang ay martsa na ng graduation. Problema ni Tony ang pambili ng sapatos. Kung puwede nga lang sanang gamitin ang kanyang luma ay hindi na siya mag-iintindi ngunit itong lumang sapatos ay dumapa na sa dalawang taon nitong pakikipaglaban sa lansangan at sa kanyang paang puno ng eksema’t alipunga. Ang kawawang sapatos ay bigla na lang nawalan ng buhay isang hapon habang papauwi siya nang matapilok siya sa isang nakausling bubog sa lansangan. Natanggal ang suwelas at lubhang nakakahiya kung ipakukumpuni kay Pablong Shoeshine dahil malamang na kapag nakita ni Pablo ang kanyang


Bantex, baka maawa sa kanya at bigyan na lang siya nito ng pambili ng bagong sapatos. Ayaw na ayaw ni Tony na siya’y kaawaan.


Ang kanyang kaunting perang naiipon ay sapat lang para makabili ng mumurahing sapatos na itinitinda sa bangketa, na kadalasa’y hindi pa magkasukat ang parehong paa. Kasubuan na. Kinagat na niya ang sapatos na bargain. Ang graduation ay ginanap sa malawak na palaruan ng Roosevelt College. Nang nasa kalagitnaan ng seremonya’y bumuhos ang malakas na ulan. Sandaling itinigil muna ang pamisa at ang mga tao’y saglit na sumilong sa mga nakakalat na kyosko sa gilid-gilid ng palaruan. Matapos ang halos kalahating oras ay natapos din ang ulan at ang kanginang malalaking patak na may mga hibla pa ng yelo ay nagtapos sa mahinang ambon, hanggang sa tuluyang tumila. Huli na ang lahat nang mapansin ni Tony na ang kanyang bagong sapatos ay gawa sa karton at nang mababad sandali sa tubig ay sumipsip ng sumipsip at bawat hakbang niya’y nalalagas ang tinamaan ng magaling. Naging katawa-tawa sa mga nakakita ang sinapit ni Tony. Nang tumayo siya upang kunin ang papel na tinalian ng luntiang laso, bawat hakbang niya papunta sa entablado, hanggang sa bawat hakbang niya papalapit sa kanilang prinsipal na siyang nag-aabot ng mga diploma, may naiiwang bahagi ng kanyang


sapatos na karton sa kanyang dinaraanan. Nang makarating siya sa mismong entablado at tanggapin ang kanyang diploma, wala nang natira sa kanyang mga paa kundi ang kanyang lumang medyas na tadtad ng butas, at sa isang butas sa kaliwa ay nakausli ang kanyang hinlalaki sa paa. Marami pang mga suliranin na kakambal ng hikahos na pamumuhay at lubhang marami ring mga karanasang nakakahiya ang nagtulak kay Tony na kalimutan na ang kalokohang pag-aaral at magpultaym na lang sa pagiigib ng tubig. Sa panghihimok na rin ng kanyang ina, tuluyan niyang kinalimutan ang mataas na paaralan. Noong mga panahong iyon, walang puwang ang edukasyon sa sikmurang kumakalam.


Ngunit ngayon, sa kanyang paglalako ng balut, muling kumislap ang mga dati’y kinitil na pangarap. Muling umusbong ang mga pormula ng siyensya sa kanyang bumbunan. Muling nagkahugis sa kanyang gunita ang mga sinulat niyang formal theme. At ‘di kaginsa-ginsa’y napagtanto niya ang sarap na idinudulot ng pag-aaral. Ang sarap maging estudyante! Pagkakain ng hapunan ay gumayak na si Tony para maglako ng balut. Nagsuot ng malinis na kamiseta, nagsuklay, at pagkuwa’y bumaba na ng hagdan. “Kuya, pag-uwi mo, uwian mo ‘ko ng basag,” sigaw ng kanyang nakababatang kapatid. “Angahan mo ng uyi,” pahabol ng kanyang ina habang ngumunguya ng kanin, na sa dami ng laman ng bibig ay halos mangongo sa pagsasalita. Sa silong ng hagdan ay tinanggal niya sa pagkakakadena ang kanyang bisikletang ginagamit sa paglalako. Inakay niya ito hanggang sa labasan at pagkuwa’y sinakyan patungo kina Aling Sion upang kumuha ng mga ilalakong balut. Habang daan ay ginugunita niya ang mga araling kailangan niyang pagaralan pag-uwi niya ng hatinggabi bilang paghahanda sa


kanilang pagsusulit sa eskwela kinabukasan. Did you say lazy? Pardon me if I’m wrong, but, did I hear you right? Did you say lazy? You’re shit, you know that? You don’t even know what the word lazy is. What’s your point, dumbshit? You’re talking about things that don’t make any sense. What I mean is that, how can you possibly say lazy when in fact you absolutely have no idea what lazy is. Let me tell you something. You better listen carefully, dumbass, because I have the habit of kicking the shit out of sissy motherfucking baggy wearing urban boys when they’re not listening to what I’m saying.


Kahit papaano’y may silbi rin ang mga trapo. Ako, nakatuntong ng kolehiyo dahil sa tulong ng isang trapong kupal na mala-bilao ang lapad ng malalaking tainga. Hindi na baleng bilyon ang kinurakot ni loko, hindi na baleng maraming naghirap dahil sa mga ninakaw niya, kahit papaano’y pinartehan niya ako. Napasok ako sa scholarship foundation niya. Medyo asiwa ako noong mga unang araw dahil ambabata ng mga kaklase ko. Palibhasa’y block section, ang mga edad nila ay naglalaro sa disisiyete hanggang disinuwebe. Tipikal na freshman. Eh ako, beinte-sais anyos na, malapit nang kapitan ng talaba sa bayag. Nang magtapos kasi ako ng haiskul, sa pasalit-salit na pagtitinda ng balut at pasama-sama sa mga karpinterong namamakyaw ng mga bahay, magbebentedos na ako kaya nga nakakahiya na rin, mabuti na lang at medyo matalino tayo sa klase kaya tuloy madalas mapagkamalang guro. Natigil pa ako ng tatlong taon bago makapag-kolehiyo dahil na rin sa angas ng kahirapan. Kaya hindi ko talaga masakyan ang mga kaklase kong ambabata. Hindi ko maintindihan ang mga trip nila. Sila ang tipo ng mga estudyanteng hiyawan ng hiyawan at tuksuhan ng tuksuhan. Maiingay. At ang ayoko pa, pati ako’y


tinutukso. Na kesyo raw bagay ako at ang isa nilang kaibigan, na kaklase rin namin. Ayos lang, nakikisakay ako dahil kahit papaano’y dumaan din ako sa pagkabata. Pakiramdam ko, para akong isandaang taong gulang na kumpara sa mga kaklase kong malamang ay hindi pa nakakaranas na tumanggap ng matitinding bayo mula sa tadhana. Minsan bigla kong naisip, ganito ba ako noong bata ako? Ang alam ko kasi, trese anyos pa lang ako’y nagiigib na ako ng tubig. Wala na akong panahong makipagtuksuhan. Kung meron mang mga gimik, kalimita’y palaro-laro ng baraha na may maliitang pusta habang tumatagay ng gin. Noong nagbibinata ako, ang kaulayaw ko’y mga timba. Noong ako’y medyo tumanda, ang akay ko’y bisikleta sa paglalako ng balut para maitawid ang pag-aaral sa haiskul at para makatulong kina inay. Ang kapatid ko’y ako rin ang taga-abot ng baon. Hindi ako nakasubok man lang na magkaroon ng permanenteng allowance gaya ng mga kaklase ko.


Suwertehan talaga ang buhay. Biro mo, isang magbabalut, napasok sa UP! Puta, ang alam ko, maraming mga hambog sa haiskul na pa-summa cum laude pa pero hindi naman pumapasa sa entrance exam ng UP. Iba talaga ‘ko. Kunsabagay, talaga namang pinaghandaan ko ng husto ang exam. Ilang gabi akong nagpuyat sa kababasa ng grammar, math, physics, chemistry, law, at iba pang libro. Halos mamemorya ko pa ang isang kumpletong set ng encyclopedia nina Elmer, ang natitirang kabatak ko sa looban. Noong gabi bago mag-exam, doon ako natulog kina Elmer. Wala rin kasing tao sa bahay nila. Ang ermat niya, nasa Singapore. Iyon nga ang nagpadala ng encyclopedia sa pag-aasam na sana’y mahilig sa pagbabasa si Elmer. Pero si Elmer nama’y ‘ala talagang hilig sa pagbabasa. Puro Remate at Abante ang binabasa niya. Ang erpat ni Elmer, may kabit. At dahil ang asawa ay kasalukuyang nasa Singapore at nagpapaalila sa mga singkit, sinasamantala niya ang pagkakataon. Gabi-gabi ay doon natutulog sa kerida niya. Ang mga kapatid naman ni Elmer, may mga asawa na. Siya na nga lang ang hindi pa nag-aasawa kaya nakatira pa rin sa bahay ng magulang niya. Noong gabing bago mag-exam, nakatambay ako


kina Elmer at nagbubuklat ng encyclopedia. “Putang ina, pare, kabisado mo na yata ‘yan, ah,” sabi niya. “Pare, kinakabahan ako,” sagot ko naman. “Huwag kang kabahan. May tiwala ako sa iyo. Kayang kaya mong ipasa ang lintek na eksamin na iyon.


Baka nga pinakamataas na marka pa ang makuha mo. Hindi pa rin maalis ang kaba ko. Pero hindi ako kinakabahan na baka bumagsak ako. Gaya ni Elmer, may tiwala ako sa sarili ko. Ang kinatatakot ko ay ang pamantasan mismo. Masyado na akong darang sa buhay kalye. Baka hindi ko maiugnay ang sarili ko sa buhay akademya. Natatakot ako. Ilang taon na ba akong nasa lansangan? Noong haiskul, puhunan ko lang ay kapal ng mukha at konting balut na panlangis sa mga teacher. Pakapalan talaga ng mukha dahil ako ang pinakamatanda sa klase. Pero itong kolehiyo, mahirap isipin kung ano ang magiging sitwasyon ko roon. Mahirap isipin kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi kaya ako maging katawa-tawa roon? Bahala na, ‘kako sa sarili ko. Nag-inuman kami ni Elmer at ang pangamba sa buhay akademya ay nalusaw sa pait ng hinyebra at ang mga alalahanin ay kasamang pumailanlang ng usok ng marijuana. Sa pangkabuuan ay wala namang problema sa mga kaklase ko. Gaya ng nabanggit ko, kaya ko namang magpasensya. Tutal, mga bata pa iyang mga iyan, sabi ko sa sarili ko.


Maliban sa isa. Siya si Steve Banners. Matangkad, maputi, mayabang. Hindi siya Pilipino. Kaya lang narito sa Pilipinas ay dahil mura ang edukasyon dito kumpara sa edukasyon sa bansa niya. Ang ayoko sa lahat ay ang taong mayabang. Itong si Steve, lahat na lang ng makita niya dito sa Pilipinas, kinokomentaryuhan niya. Na kesyo hindi na raw aasenso ang Pilipinas dahil tamad ang mga tao rito, na sinang-ayunan naman ng mga bugok na kaklase kong Pinoy, na sinang-ayunan naman din ng propesor naming Ilokano, na kesyo raw ang gobyerno natin ay isang malaking trahedya, na muli ay sinang-ayunan na naman ng mga kaklase namin at ng propesor. Sa bawat araw na nilikha ng Diyos ay may nakikita siyang hindi maganda sa Pilipinas at sa mga naninirahan dito. Sa mga pulubi, taong grasa, mga bobondat na pulis, mga empleyadong tamad, mga manggagawang nagpapahinga sa trabaho, at marami pang iba. Okey lang. Kahit papaano’y may katotohanan naman sa sinasabi ng tao.


Mayroon lang akong hindi mapalampas. May sinabi siya tungkol sa mga iskwater. Masama ang timpla ng mga salita. Hindi ko nagustuhan. Ang masama pa, laging present sa mga sinasabi niya ang mga iskwater. Sa paglikdaw ng mga araw ay pasama nang pasama ang timplada ng mga salita. Hindi ko ito mapapalampas. You listen to me, motherfucker. You don’t know how it is to be carrying burdens for several years just so I can someday live like normal people do. I dream, man. Maybe that’s the difference between me and my buddies in the slum. Because I dream. And you can bet your ass that I’ll be just like the professionals in this godforsaken country. I wanna be a professional, you know. But not like you. Shit, I’d rather be in the slum eating my way through life if I’m going to end up like you. I know you would be an engineer. I’m going to be an engineer too. But we’re different. Have you noticed the difference?You’re an ass licker and I’m not! You’re a sissy motherfucking baggy wearing urban boy and I’m not! Masarap lamutakin ang sariwang dugo na tumagas


sa lupa. Lalo na’t dugong banyaga. Ang dugo ni Steve ay malapot at pulang-pula na parang nganga na idinura ng isang matandang relihiyosa matapos ngasabin ng ilang oras. Tumatagas sa lupa ang dugo ni Steve habang nakabaon sa tiyan niya ang kutsilyo kong bagong hasa na noong panahon ng pag-iigib ko ng tubig ay muntik ko nang maipanaksak kay Max nang minsang gulangan niya ako sa pila. Pagtagas sa lupa ng dugo ay binitiwan ko ang kutsilyo at iniwang nakabitin sa tiyan ng walang malay na si Steve. Yumuko ako at nilamukos ang lupa na noo’y nagpuputik sa dugo-dugong banyaga.


This will teach you a lesson, urban boy. Bugal-bugal na mga pawis ang namumuo sa noo ni Steve. May dugong umaagos sa kanyang tiyan mula sa malalim na pagkakabaon ng kutsilyo ni Tony. Ang kanyang buong katawan ay ngawit na sa hindi pagkilos dahil sa bawat kilos niyang hindi sinasadya ay bumabaon ng bahagya ang kutsilyo sa kanyang tiyan. Ang ilang oras na pangangamba kung siya ba’y mamamatay o papalaring mabuhay ay nagdudulot sa kanya ng ibayong ngawit. Basa na ang pundya ng kanyang pantalon. Ang kanyang puting kamiseta na may bahid ng dugo ay basang basa na ng pawis. Ang talukap ng kanyang mga mata ay gusto nang pumikit at ipaubaya na lang sa kapalaran ang sasapitin niya. Ngunit kailangang maging dilat at makinig sa mga sinasabi ni Tony. Importante ang mga sinasabi nito. Ang kapalit ng hindi pakikinig ay ang kanyang buhay. Minsan sa klase ay nagkasagutan kami ni Steve. Ewan ko kung umaarte lang siya na kunwa’y hindi niya alam kung bakit ako galit na galit. Nagtataka siya kung bakit bigla ang pag-usok ng ilong ko. Wala siyang


maalalang may masama siyang sinabi. Pagkatapos ng klase ay naghiwalay kami nang may pahabol akong titig. Nagngangalit sa galit ang mga ngipin ko. Nang siya’y lumabas sa kantina noong kahapunan, mga bandang alas-sais, medyo madilim na ang paligid at nagbabanta ang isang malakas na ulan. Naglakad siya patungo sa hintayan ng sasakyan at pinara ang isang bakanteng taxi na noo’y napadaan sa kalsada. Bago pa man siya makasakay ay tinawag ko siya. Lumingon siya at sabay ngiti. Akala siguro ni Mr. Superior Race ay makikipagkamay ako at kakalimutan na namin ang nangyaring pagtatalo noong umaga. Mali ang akala niya.


Naglakad-lakad kami sa maluwang na parke ng pamantasan. Nang kalat na ang dilim ay bigla kong sinuntok ni Steve at hindi pa man siya nakakaalpas sa malaking gulat na dumapo sa kanya, at hindi pa man malay na maunawaan niya ang pangyayari, nakabaon na ang matalim na kutsilyo sa kanyang tiyan. “Hey, Tony! What are you doing, man?,” sigaw niya. “I’m doing exactly what I’m supposed to do, urban boy.” “But—” Bigla ko siyang binayo sa batok at siya’y nawalan ng malay. Pinunit ko ang manggas ng suot kong kamiseta at ipinasak sa butas ng tiyan ni Steve. Mahirap na, baka mamatay siya nang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Kinaladkad ko siya papunta sa traysikel na nahiram ko sa isang kabarkada at pagkatapos ay dinala ko siya sa dating bahay nina Romy sa may papuntang Fairview. Noong hindi pa namamatay ang nanay ni Romy, doon sila nakatira sa Fairview. Medyo maaayos ang buhay nila noon dahil mayroon silang malaking grocery store sa may Philcoa. Nito na lang namatay ang nanay niya nagkaletse-letse ang


buhay nila hanggang sa mapadpad sila sa looban at maging bahagi ng makapal na bilang ng mga tao roon. Gusto kong dantayan ang buwan sa kanyang pagkakahimlay sa langit. Para siyang malambot na unan na masarap yakapin habang nakikipagniig sa lamlam ng gabi. Naigapos ko na sa isang bangko si Steve nang magkamalay siya. Umiiyak si kupal at nagmamakaawa sa akin na huwag ko raw siyang sasaktan.


Nang magising si Steve ay hindi niya alam kung saan siya naroon. Mahirap aninagin ang liwanag sa lugar na pinaglagyan ni Tony sa kanya. Saglit niyang nalimutan ang kanyang sinapit at ang buong akala niya siguro ay kagigising lang niya mula sa isang masamang panaginip. Pak! Bog! “What the fuck are you doing, man?” “I’m doing what I’m supposed to do, urban boy.” “Well, I’m sorry about those thinsgs I said. I mean, come on, man. I didn’t intend to make you feel bad. It was just intellectual fencing.” “Intellectual fencing, my ass. You called us lazy. You call every slum dweller a lazy son of a bitch. You’re gonna pay for that, motherfucker. You see this knife? This is for slicing your urban guts. You have to learn your manners the hard way, urban boy.” “Please don’t hurt me… Please…” “Putang ina mo, hindot ka! Ngayon nagmamakaawa ka sa akin. Kung tirahin mo kaming mga iskwater, tarantado ka, akala mo, mga basura kami! Kilala mo ba ako? Do you know me?”


“Please don’t hurt me.” “I’m a journeyman. I know people by just looking at their faces. And I know you, urban boy. You’re nothing but a sissy motherfucking baggy wearing urban boy.” “I’m sorry…” “Let’s count. Let’s count just like the shitty count drac of sesame street. Let’s count one to ten because that’s all it will take for me to stick this damn knife into your chest. Are you ready? Here we go. One… Two… Three… Four…

Kinuha ni Tony ang pliers sa toolbox ng traysikel at iyon ang ginamit niya sa pagpiga sa ari ni Steve.


Naghuhumiyaw sa sakit si Steve at sa mabilis na pagiling-iling ng kanyang ulo ay nagtatalsikan ang mga pawis sa kanyang noo. You’re talking about craziness. You think I’m crazy? You must be crazy, man. I am not crazy. My mind is clear as the sky. Let me tell you what crazy is. You better listen very carefully, kupal. Crazy is the term for a guy who wears baggy jeans and who thinks his race is superior and who thinks that slum dwelling people are not people at all but animals. Crazy is the dumb guy who thinks his country is superior just because their government doesn’t allow people to be squatters. Here’s some more, according to websters, crazy is what you call a fucking sissy urban boy who had to go to another country just to study because his superior country is selling education at a very high price that the people cannot afford. Muling nawalan ng malay si Steve nang matanggal ko ng pliers ang lahat ng ngipin niya. Hindi na siya makikilala ng kahit na sino. Bawat ngipin na mabunot ko ay katumbas ng mga atraso niya sa mga iskwater.


Bawat ngipin na mabunot ko ay isa-isang nagtatanggal ng mga tinik na matagal nang nakabaon sa leeg ko. “What are you doing, Tony?” “I guess you’re lucky, afterall. I’m not gonna kill you. I’m gonna bury you just deep enough for you to be able to savor the taste of my native soil before submitting into total abyss. Perhaps you might come to realize that coming into this country, and talking dirty about the people here is indeed a big mistake. Too bad your superior country cannot save you now.” Hindi kalaliman ang hinukay kong lupa sa bakuran nina Romy. Iyon siguro ang pagkakamali ko. Habang naghuhukay kasi ako ay pasulyap-sulyap ako sa buwan na noo’y parang bolang kristal na nagpapahiwatig ng kapayapaan. Pasayaw-sayaw ang mga dahon sa puno ng bayabas sa bakuran, sinasabayan ang bawat kumpas ng hangin. Ang mga kuliglig ay hindi magkamayaw sa kanilang pag-awit. Maitim ang lupa at naglalabasan ang mga bulati sa bawat baon ng asarol. Bawat pala ko ay sumasakit ang kanang braso ko. Ang ilong nga pala ni Steve ang siya kong inulam nang maghapunan ako. Masarap pala ang ilong ng banyaga. Berde ang mga


dahon. Ang buhay dito sa institusyon ng mga makata ay parang buhay sa loob ng aquarium nina Elmer, pinagmamasdan namin ang mga isdang sari-sari ang kulay. Fuck you! Eat dirt, motherfucker! Savor the taste of my native soil! Noong bata ako ay nag-iigib ako ng tubig. Noong lumaki ako ay nagtinda ako ng balut at sumama sa mga karpintero sa paggawa ng mga bahay. Masarap kumain ng balut. Si Steve ay hindi na yata humihinga. Mahirap mag-aral sa UP kung squatter ka at may kaklase kang taga-ibang bansa. Sabi ni nanay, ang kilay ko raw ay hawig ng kilay ng tatay kong babaero. Kumusta na kaya si Klarang niligawan ko noong grade six ako? Ayoko nang maghukay. Inilagay ko na si Steve sa hukay at tinabunan. Nabasa ko sa diyaryo ang sinapit niya mula sa isang kriminal. Naawa ako sa kanya. Pumunta sa bahay namin sa looban ang propesor naming Ilokano kasi hindi na ako nag-aaral. Lagi ako noong nasa bahay. Hindi ako nagsasalita kasi wala akong alam na makabuluhang bagay na dapat sabihin. Nalulungkot ako kasi hindi na ako nag-aaral. Hindi ko na alam ang papunta sa UP. Hindi na ako magiging engineer. Masarap uminom ng gin kung ang gabi ay may buwan. Akala ni nanay ay may sakit ako kasi hindi na ako nagsasalita. Ang sabi niya ay dadalhin daw ako sa doktor. Ayokong magpadala sa doktor kasi para silang


mga bampira, umiinom ng dugo. Tinawag ni nanay ang doktor. Nang dumating sa bahay namin ang doktor ay inihian ko siya. Nakatulog ako ng matagal at napanaginipan ko ang buwan. Ang buwan daw ay isang propesor. Itinuturo niya sa akin kung paano mag-plot ng points sa graph kung ang equation ay quadratic.


Pagkataapos ay dumating si Klara at kasama ang tatlo niyang anak. Ang isa niyang anak ay may kinakain at nang mapansin ko kung ano ang kinakain nito, nagulat ako. Kamay iyon ng tao. Tinanong ko si Klara kung kaninong kamay iyon. Ang sabi niya, kamay daw iyon ni Steve. Natakot ako. Nang magising ako ay nandito na ako sa institusyon ng mga makata. Puwede kaming magsalita hanggang apat na punto.


Dugyot

Santong mangingiyot. Sinawimpalad na buhay sa mundong doble-kara. Wala ka na talagang mapapagkatiwalaan sa panahong ito. Kunsabagay kahit noon, di naman talaga katiwa-tiwala ang mga tulak. Kumbakit ba naman kasi ako lagi ang taga-iskor. Tangina komo ba ako ang pinakabata, ako ang tagabili? Lalu na kapag iligal? Tulad ngayon. Tangina. Na kina Ompong sila, nagpapakasarap, nag-iinuman. Ako, heto mukhang patay-gutom na naghihintay kay Olsen. Ang putang inang tarantado. Iistapahin pa yata yung pera ko. Eh dadalawandaan na nga lang iyon, tang-ina ang dami pa naming maghahati. Eh putang ina kay Patotok pa lang ubos na iyon.


Eh magkano lang itong binigay sa akin. Dalawandaan. Bato at chongki ang pinapabili. Eh puta ano ang mabibili ng dos syentos? 150 bato at dalawang payat na joint ng chongki? Tangina papatayin ako ng buong tropa kung iyon lang ang iuuwi ko. Pagdududahan akong ginugulangan ko sila.


Kaya nga dito ako sa mismong source nagpunta. Di naman sa talagang tulak kundi sa teritoryo ng mga tulak. Tangina dito dikit-dikit ang mga bahay na ang raket, pagtitinda ng droga. Kilala itong bahaging ito ng looban. Dito nagkatumpok-tumpok ang lahat ng tatay na adik. Tangina kapag nadaanan ako ng barangay tanod dito, yari ako. Nakita ko si Olsen. Nakita niya rin ako. Sinalubong ako ni kupal, dilat na dilat ang mga mata, halatang lumilipad ang utak na minanhid sa usok ng kemikal na sinusunog. Ang sarap ng buhay ng tarantado. Kahit di siya tulak, kahit runner lang, kumikita siya. May pangtustos na ng bisyo, may pambili pa ng pagkain. Tangina bihira nang tambay ang nakakabili ngayon ng disenteng pagkain. Panay pambansang pagkain na instant pancit canton ang laging laman ng mga bituka ng mga tambay na naglisaw sa buong looban. Kaya anlalakas magsiutot ng mga putangina at ambabaho pa. —Pare, long time no see. Kumusta na, bati sa akin ni Olsen, sabay apir ng kamay. —Ayos lang. —Bihira ka nang magawi dito sa amin, ah. —Pasensya na pre. Nagtrabaho kase ‘ko sa


konstraksyon. Alam mo na, medyo na-bisi ng konti sa trabaho. Sabay labas ng ngiti kong ngiting adik. —Ah talaga, tatango-tango si Olsen, —suwerte mo naman, pre napasok ka sa trabaho. —Sandali lang din, patapos na yung prajek eh. Tatlong buwan lang. —Kahit na, putsa pare suwerte mo pa rin. Biro mo, tatlong buwan kang may kinakain. Di ko alam ang isasagot. Nararamdaman ko ang hiwa ng mga titig ng mga tao sa palibot, kalahati sa kanila nag-iisip na pakawala ako ng parak, kalahati nagiisip kung dapat ba kong makauwi pa nang buhay sa amin o dapat na ba kong mamatay.


—Tangina, suwertihan talaga ang pagtatrabaho, ano? Ako ang tagal ko nang naghahanap, wala pa rin. Walang mahanap na trabaho kahit saan. Di na talaga ko mapakali sa kinatatayuan namin sa gitna ng daanan. Kahit may mga punit sa magkabilang kili-kili ang suot kong kamisetang maraming mantsa, di pa rin ako kakulay ng paligid. Masyado yatang makinis ang mukha kong nanggigipalpal sa taghiyawat. O di pa kinakapitan ng talaba ang mga talampakan kong may alipunga at nanggigipalpal sa libag. O kulang pa sa tapang ang amoy ng dikit-dikit kong buhok na sunog sa araw at pawis. Masyadong halatang di ako taga-rito, kitang-kita ako kahit saan magtago. Para akong ipis na nasa gitna ng kama. —Eh di siguro, tuwing suweldo niyan, nagkakaayaan kayo ng mga kasamahan mo sa trabaho, ano? Nakatawa nang maluwang si Olsen. Patay-malisya sa dilubyo ko. Pilit ang mga ganting ngiti ko sa kanya. —Siguro, minsan, nagpupunta pa kayo sa mga beerhouse ano, may mga nagsasayaw. Tango-tango. Di ko alam ang isasagot. —Sarap ng buhay mo, pre. Nakakainggit ka. Kanya-kanya lang panahon pre. Di ko alam kung


nasabi ko iyon ng malakas o mahina. Tangina, gusto ko nang umuwi. Pag nadaanan ako ng barangay tanod dito, yari talaga ‘ko. —Siguro ubos din ang suweldo mo sa bisyo, ano, pare? Nakuuuuu, kilala kita, ikaw pa, eh di pa yata pinapanganak ang magbubuwal sa iyo sa inuman, ha diba pre? Tumawa siya, tawang nangangantyaw. Parang tawa ng isang kaibigang matagal na di nakita. Tawa rin ako. Tawanan kami. Laping-trip. Tutal, may tadyak pa yung tama ng chongking sinindihan namin kina Ompong kanina.


—Siguro kaya di ka nakadalaw dito, laging ubos ang pera mo ano? —Parang ganoon na nga, sagot ko. Tawa ulit. Tawanan kami. —Tangina ako na kaibigan mo, di man lang nakatikim ng suweldo mo, pare. Pumupunta ka lang dito kapag may kailangan ka. Pero kapag wala, kapag gusto mo lang mag-enjoy, gusto mong magwaldas ng pera, ni minsan di mo man lang ako dinalaw rito para sabayan ang pag-eenjoy mo, pare. Natigil ang pagtawa ko. —Tangina di ka man lang nag-painom kahit minsan! Patlang. Mahabang patlang. Nararamdaman ko ang mabining pag-agos ng pawis sa magkabilang kili-kili ko. Iiling-iling si Olsen. Naramdaman ko ang isa-isang paglalabasan ng mga kalalakihang nakahubad mula sa pinto ng magkakalapit na mga bahay. Tangina, sa loobloob ko, ito na ba ang oras na dapat ko nang damputin ang mga tsinelas ko at kumaripas ng takbo palayo sa impiyernong ito? Sinubukan kong magpalusot. —Di ba kelan lang, uminom tayo kina kuwan… di ko


alam ang idudugtong. —Hindi, pare, ang alam ko, matagal ka nang di nagagawi rito. Nagtrabaho ka pala. Buti ka pa. Siguro, di ka nagugutom. Kami rito, tag-gutom eh. Wala man lang nakaka-alala sa amin. Kahit mga KAIBIGANG MAY MAGANDANGTRABAHO SA KONSTRAKSYON. Putang inang Olsen ito. Dito pa ko sa daan babadtripin. Kasalukuyan kaming nakatayo sa gilid ng makipot at madilim na daanan. Pari’t-parito ang mga taoong dumadaan sa magkabilang gilid namin. Pero itong putang inang kupal na ito, ayaw tumabi. Kangina, ayaw ko sanang ako ang umiskor. Katwiran ko, bakit laging ako? Eh tangina, kapag napagkaisahan ka ng tropa, wala kang magagawa ako ang naatasang bumili ng gamot sa lumbay at gutom.


Ambilis ng lakad ko pagpasok dito sa purok nila Olsen. Puta may mga bantay na tanod sa bungad, umiinom sa tindahan, nagvi-videoke. Di nila ko napansin. Kung nagkataong di pa masyadong lasing ang mga tarantadong iyon, sisitahin ako, tatanungin kung ano’ng sadya ko sa lugar na ito, sa lugar na ito kung saan ang mga residente kilalang tulak. Suwerte, nakalusot ako pagpasok. Sumabay ako papasok sa aleng mataba na kabababa lang ng traysikel. Sinabayan ko hanggang makalampas sa tindahang iniistambayan ng mga armadong barangay tanod. Mga putang inang tanod na karamihan di marunong bumasa at sumulat pero lisensyadong humawak ng de-kalibreng mga armas, kapangyarihang handog ng gobyernong sira-ulo. Pagliko ko sa may eskinita, sinalubong ako ng dalawang bata. Chongki, chongki, paaskad na bulong ng isa. Bato-bato-panalo, bulong naman ng isa. Hinawakan ko sila sa ulo, magkabilang kamay ko, at madiing pinagumpog ang mga ulo nilang bobo. —Mga putang ina n’yo lubayan n’yo ko. —Tangina mo rin, sigaw ng isa habang umiikang tumatakbo palayo.


Umakmang pumupulot ng bato ang isang bata. Ginulat ko. Takbo si kupal, kahit nahuhubo ang salawal. Naiwan ako sa daan, di makagalaw sa hiwa ng mga titig mula sa mga bintana, mga pinto, at mga madidilim na lilim ng mga posteng pundido. Iginalaw ko ang mga paa, pinilit na hinakbang palakad. Pinilit itago ang kabang unti-unting tumatambol sa dibdib, pinilit itago ang panginginig ng tuhod, at ang humuhugos na malalim na pangambang bukas kaya sisikat pa ang araw. —Dugyot! Napalingon ako sa tawag ng pangalan ko. si Olsen. Ang orihinal na anak ng kemikal, alagad ng lagkitan, bungal ang mga ngipin sa harap, umaalog ang lahat ng natitirang ngipin, sumisikad palabas ng bungo ang nanlalaking mga matang buwan ang binibilang bago maisandal sa unang mapanghe. Kumaway sa hangin ang mga bisig niyang yayat at naglagutukan ang mga nag-uslingbuto sa mga daliri, siko at balikat.


—Pare, long time no see. Kumusta na, bati sa akin ni Olsen, sabay apir ng kamay. —Ayos lang. —Bihira ka nang magawi dito sa amin, ah. Eh tangina department store kayo ng droga rito eh. Maya’t maya ni-ra-raid kayo ng mga parak. Kayo-kayo rito, nagtuturuan. Kaya maya’t maya may nakukulong. Kayo-kayo naggugulangan. Kaya kayo-kayo nagpapatayan. Eh mga putang ina kayo di pa kayo maubos lahat dito. Di na lang kayo magpatayan lahat? Ngayon, tinatanong mo kung bakit di na ako nagagawi rito? Kung di ka bobo, dapat alam mo nang kaya lang ako narito, para umiskor ng droga, di para kaibiganin kayo, mga putangina n’yo. \ Gusto kong sabihin kay Olsen lahat ito. Gusto kong ipamukha sa kanya na putangina, mas mataas akong tao kesa sa kanya, di niya ko puwedeng pagtripan, na siya isa lang hamak na pusher. Di nga pusher eh, runner. Runner, ibig sabihin, taga-takbo, taga-bili. Kung may darating na kostumer na taga-labas, yung di taga-kanila, siya at ibang tulad niyang runner ang sumasalubong sa labasan. Nakikipag-unahan sa ibang runner sa pakikipag-bulungan sa mga naghahanap ng pangkalma


at panandyak ng utak,. Kukunin nila ang pera, ihahatid ang buyer sa bahay niya kasama ang asawa niyang payat, nakalaylay ang maitim na utong na sinususo ng gusgusing sanggol. Putanginang runner, kung umasta, daig pa ang buyer, ang mismong magtatapon ng pera para sa kemikal na pangwasak ng kinabukasan. Kaso, di ko puwedeng gawin yon siyempre. Kupal man si Olsen, kailangang tiisin. Siya lang ang kakilala ko rito, at wala na akong ibang kakilalang mapapatakbo para umiskor ng droga para sa tropa kong barubal na kasalukuyan ngayong nagtatawanan at naghaharutan sa bahay nina Ompong, na siyang may bertdey ngayon, na taun-taon na lang, padami ng padami ang yabang na namamahay sa katawan. Ang mga putangina, sila kaya dito.


Iba ang lumabas sa bibig ko at iba naman ang iniisip ng utak kong kalahati gustong ma-high at ang kalahati nagmumura at seryosong nagtatanong kung ano ba itong ginagawa ko sa putanginang buhay ko sinisira ko sa droga eh kung mahuli ako rito putangina… —Pasensya na pre. Nagtrabaho kase ‘ko sa konstraksyon. Alam mo na, medyo na-bisi ng konti sa trabaho. Sabay labas ng ngiti kong ngiting adik. Matapos ang kulitan, matapos ang nakakabadtrip na paninita ni Olsen sa akin tungkol sa umano’y di ko pagpapainom noong namamayagpag pa ako sa mundo bilang dakilang konstraksyon worker. Matapos ang nakakanerbiyos na katahimikan, biglang tumawa nang malakas ang tarantadong si Olsen. Buti na lang di ako masyadong nagulat. Noong puntong iyon, noong naglalabasan ang mga sertipikadong tambay ng lugar na ito, akala ko katapusan na ng lahat. Buti na lang, ‘di ako naihi sa salawal. Sobrang nakakahiya kung ganoon. —Pre tara sa bahay, aya niya sa akin. Pigil niya ang tiyang nananakit sa kangina pa walang tigil na paghagikgik. Pagpasok ng pinto, inabot ko sa kanya ang dos


syentos na bigay ni Ompong, pinagkubaan sa paghuhugas ng bus sa terminal ng Baliwag Transit. Tangina, maghapong pinagpaguran, ipambibili lang ng droga. Yan ang tunay na Pinoy, walang pakialam sa kinabukasan! Ngayon, putangina nagsawa na ang etits kong naninigas, sa kakikiskis sa salawal kong kupas, wala pa rin ang ungas.


Ang sabi ng putangina, sandali lang daw siya. Tinangay ang dalawandaan ko at lumipad palabas ng bahay, iniwan ako sa piling ng miserable niyang pamilya. Magiisang oras na, di pa rin bumabalik. Akala mo sobrang layo ng binilhan, eh diyan lang sa katabing bahay iyon. Puwede ngang ako na ang pumunta kaso nakakatakot dahil di ako kilala. Baka ma-binggo ako nang wala sa oras. Sa sala, kinakagat ang puwet ng sanlibong surot, nakaupo sa gula-gulanit na sopa kaharap ang payatot na babaeng mukhang bakla, nakalawit ang isang yayat na suso, nakasubo ang maitim na utong sa bunganga ng gusgusing sanggol na walang salawal at tadtad ng sugat at langib na natutuklap ang ulong baku-bako. Biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Olsen. Para kong nabunutan ng tinik. —Pre, panalo ba, tanong ko. Tinulak niya akong paupo sa suruting sopa. Nagulat ako. —Tangina mo, nandoon si Fernandez! Di ko siya maintindihan. Tinutukan niya ko ng baril. —Sinet-ap mo ko hayup ka!


Tinutok niya sa sentido ko ang hawak niyang baril. —Pre bakit? Ano’ng set-ap ang sinasabi mo? Wala akong alam diyan. —Eh tangina ka, pagdating ko doon, nandoon si Fernandez. At Alam niyang papunta ako roon. Muntik na kong madampot walanghiya ka. —Teka, teka! Wala akong alam diyan, Olsen. —Tangina eh bakit nandoon si Fernandez? —Sino yon? Di ko nga kilala iyon eh. —Putangina ka, bata, namumuro ka na sa akin. Gusto mong patayin kita? Ha? —Sandali, Olsen naman. Pare, walang ganyanan.


Di sa akin yung perang iyon, tol. Wag mo naman akong istapahin. Hinampas niya sa ulo ko ang baril. —Tangina mo, Dugyot. Di ko alam kung kanino kang parak nakasuso, pero aalamin ko. Tangina mo papatayin kita kapag tinuro mo ko. —Pre, di ako pakawala ninuman. Tangina ang tagaltagal ko nang umiiskor dito, ngayon mo pa ko pagdududahan. Wala namang ganyanan, pre. Ibinaba niya ang baril. May dugong tumatagas mula sa noo ko, tama ng bakal. —Pasensya ka na, pare. Pati ikaw napagdudahan ko. Muntik na kasi kong madampot eh. Tangina mo. Laos na yang palusot na yan. Tangina siguro nagamit mo yung item ano? Ha? Putangina ka magsabi ka nang totoo. —Ano ba nangyari, Olsen, tanong ko, habang iniisip kung ano’ng paliwanag ang gagawin ko kay Ompong mamaya para di ako magulpi. Parang nakikinikinita ko na ang mukha ni Ompong, unti-unting sumisimangot, unti-unting namumula. Parang kamatis na unti-unting nahihinog. Tapos sumasambulat


ng galit. Pasensya na ang maaabutan ng suntok. Pasensya na ang mahahagip ng mga namumutok na mga brasong sinanay sa pagpapaligo ng pampasaherong bus. Ito ang mga iniisip ko habang naglalakd ako pabalik ng bahay nina Ompong. Pre pagdating ko roon, binigay ko yung pera. Putangina, binigay mo. tapos‌ Sabay pagtingin ko sa pinto, nandoon si Fernandez. Tapos‌ Tumalon ako sa bintana. Pinaputukan ako. sayang, di ko na nakuha yung item, di pa naibalik yung pera.


Eh putangina ka, lumang tugtugin na iyan. Tangina buti sana kung mayayaman ang ine-estapa ninyo. Putangina mga tulad n’yo ring mahihirap. Nagkataon lang na kayo yung nagtitinda ng bisyo. At kami yung bumibili. Santong mangingiyot. Sinawimpalad na buhay sa mundong doble-kara. Wala ka na talagang mapapagkatiwalaan sa panahong ito. Lakad. Isip. Lakad. Isip. Saan ako kukuha ng perang pang-abono sa pera ni Ompong? Tingin sa langit. Minsan, kapag may mabigat na iniisip, nakakatulong ang pagtingin sa langit. Parang anumang minuto, babagsak sa harap mo ang solusyon, ang sagot sa lahat ng problema mo. Pero dito sa looban mahirap silipin ang langit sa kabila ng patong-patong na mga yero’t karton na siyang bumubuo ng mga kabahayan, silungan ng mga taong tulad ko ring maya’tmaya tumitingin sa langit. —Pogi! Lingon agad, pag may bading na dumaan. Lalo na kung matanda at puro tiyan. Atsaka, napakapaldong tingnan… —Hi, pogi. —Hi, tita.


Sa bungad ng looban, sa pagitan ng kabihasnan at karalitaan, sa lugar kung saan kusang naiipon ang mga basura ng magkabilang panig, ngumiti sa akin ang pagasa. Isang matandang bading na masama ang tingin. —Pogi, pasok ka, aya niya sa akin. Pumasok ako sa beauty parlor. Walang kostumer ang bading. May isang binatilyong lasing na nakahiga sa isang bangkong mahaba. May bahid ng suka ang manggas ng kamisetang may nakatatak na Duran Duran. Nakalaylay sa magkabilang tagiliran ang mga kamay, payapang nakahimlay sa sahig. Iisa lang ang laman ng kukote ko kung bakit ako pumasok sa parlor ng bading.


—Papa-chupa ako, tatlong daan, sabi ko sa bading. —Ang mahal naman, bakit, ginto ba iyang talong mo? tanong ng bading. —Hindi pero mahaba at mataba. Ano, gusto mo? —Dos siyentos, tawad niya. —Dos siyentos singkwenta, sambit ko. —Sige. Isinara niya ang mga bintana, isinara ang pinto. Narinig ko ang kantyawan ng mga istambay sa labas, tipong nakahalata sa balak naming gawin ng bading. Pinaupo ako ng bading sa upuang gamit ng mga kostumer na nagpapagupit. Doon, tatlong beses kumawala sa akin ang kaluluwa ko, kapalit ng malulutong na perang papel na nagkakahalaga ng dos siyentos singkwenta. Pagkaabot sa akin ng pera, lumabas ako ng parlor, naglakad papalayo. Pinalampas ko sa kabilang tenga ang mga kantyaw ng mga istambay sa labas ng beauty parlor. Lakad. Habang papalapit ako sa bahay nina Ompong, kinakabahan ako. tangina wala akong dalang droga. Kahit ibalik ko ang pera kay Ompong, kahit kumita ako ng singkwenta pesos, di pa rin sulit iyon para


sa suntok na aabutin ko kay Ompong. Buwelta. Walang ibang dapat gawin kundi maghanap ng ibang mabibilhan. Balik ako sa lugar nina Olsen. Mabuti na lang, wala siya sa bungad, naispatan ako ng isang runner. Kahit labag sa loob ko dahil di ko kilala, kinindatan ko. Lumapit sa akin at iniabot ko ang lahat ng pera sa bulsa ko. —Dos bato, singkwenta chongki, sambit ko. Tumango ang runner. Pinaghintay ako sa tapat ng isang bahay. Maya-maya, narito na ang pinatakbo ko, inaot sa akin ang isang maliit na balutang diyaryo. Binulatlat ko, may lamang chongki, halagang singkwenta pesos.


—Lagkitan, bulong niya. Pagkuwa’y Inabot niya sa akin ang malitt na pakete ng bato, halagang dalawandaan. Ibinulsa ko ang mga nabili ko. Nagtanguan kami ng runner at humakbang na ako palayo. Sa may bungad, nakita ko si Olsen, may kausap na lasing na barangay tanod. Tuloy-tuloy ang lakad ko. Tumingin sila sa direksyon ko. Tinuro ni Olsen ang daliri niya sa direksyon ko. Napalingon sa akin ang tanod. Kinalas nito ang kawit sa holster ng baril at hinugot ang makintab na baril. Ititutok ang baril sa direksyon ko. At nilaslas ng putok ang maralitang gabi.


Harem I. Lumbay Assunta Pinatuloy ko siya. Umupo sa kaisa-isang upuan sa bahay, sa harap ng TV. Isinandal niya ang ulo sa malambot na sandalang kutson. Pumikit. Sa pagkakaupo niya, parang nakikita ko ang Susan dati. Yung dating Susan na sa loob ng mahigit tatlong taon, nakisalo sa lahat ng mga pangarap at bangungot ko, dito sa maliit kong paraiso sa gitna ng naggugubat na lunsod ng Quezon City, tahanan ng mga baliw at drug addict, sanktuaryo ng mga nawawala. Ganoon pa rin siya, sa kilos ng buhok, sa galaw ng mga mata, sa tikwas ng mga kamay, sa paghugot at pagbuga ng hininga, sa pag-iling ng ulo. Hindi ko siya nakikitang si Assunta. Parang di kapanipaniwala. Akala ko dati, di ko na siya makikita pa. Noong umagang iyon na parehong nangangalog ang mga tuhod namin sa dami ng shabu, ganja, orgasmo at laway na pinagsaluhan namin


magdamag, mula sa kusina, papasok ng kuwarto, pahiga sa kama, patuwad, pagulong-gulong sa sahig, sa tabi ng mga maleta niyang nakaempake na.


Pinaupo ko siya noon sa maleta, saka ako lumuhod sa harapan niya, at hinimod ang basang-basang sentro ng ligaya. Dumampi sa mukha ko ang kulot, pino at mabangong buhok, kumayod sa mga pisngi ko ang mapuputing singit. Hinanap ng dila ko ang munting kuntil na siyang pinakamaselang bahagi ng puwerta niya. Sinupsop ko iyon nang sinupsop, habang naglalabasmasok ang tatlo kong daliri sa basang-basa niyang kaselanan. At ang isa kong kamay, nakasapo sa puwitan niyang maumbok, sinasalubong ng lamas ang mga liyad niya’t giling. Hanggang sa sapitin niya ang langitlangitang orgasmo nang mahigit limampung beses. Pagkatapos sa sala, pinahiga ko siya sa dining table, umupo ako sa bangko, nakaharap sa akin nang buongbuo ang pagkababae niya, tumutulo ang katas mula sa basang-basa niyang biyak, namumuo-muo ang kumpolkumpol na buhok. At muli, sinisid ko siya, malalim, naglabas-masok ang dila ko sa kanya. Hanggang sa sumuko siya. At bumaba siya ng mesa, nanginginig ang tuhod. Sinalya ko siyang patalikod, nakatukod sa lababo ang dalawa niyang kamay, nakasampay sa bewang ko ang dsalawang hita, payakap sa balakang ko, at pinasok at pinaputukan ko siya nang maraming beses. Paulitulit ang paki-usap niya, tama na, sige pa, tama na, sige pa. At pagsilip ng araw, ang mapait na pamamaalam.


Siya, palipad sa mga pangarap niya. Ako, dito pa rin sa hapag ng luma kong makinilya, pilit tinitipa ang napakailap na pangarap. Nang sumara ang pinto, may naiwang amoy ng pabango niya, tinangay-tangay ng hanging ikinakalat ng bentilador, isinabog sa buong kabahayan, at itinago sa mga sulok-sulok. Sa kabila ng daan-daang insensong sinunog ko mula nang umalis siya, di pa rin maalis ang amoy niya rito sa bahay.


Nagtuloy ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Inilapag ko ang kape sa harap niya. Nakapikit pa rin siya, di kumikilos, maliban sa mabining paggalaw ng dibdib. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan siya. —Magkape ka, anas ko. Bahagya siyang dumilat. Tumitig sa akin. Tumingin siya sa mesa, naroon ang umuusok na kape, kinuha niya ang tasa at inilapit sa bibig. Maingay at malutong ang higop niya. Tapos, bahagyang napangiti. —Masarap ka pa nakangiting sambit niya.

ring

magtimpla

ng

kape,

Di ko alam ang isasagot ko roon. Tumayo ako’t lumapit sa bintana. Nakatalikod ako sa kanya pero naririnig ko ang mga higop niya ng kape. Nagsindi ako ng sigarilyo at ibinuga ang usok sa labas ng bintana. Lumapit siya sa tabi ko. Kinapa ng palad niya ang kamay ko, hinawakan nang mahigpit. At umiyak siya. Walang hikbi, walang ingay, pero narinig ko ang pagagos ng mga luha niya sa pisngi. Niyakap ko siya. Humiga kami sa sahig. Matapos ang mahigit anim na taon ng pangungulila, nayakap ko ulit siya, at nahalikan. Muling nagsanib ang mga katawan naming basa ng


laway at pawis. Angie Sinubukan kong umiba ng ruta sa pag-uwi. Para hindi ko siya maalala. Para di ko makita ang mga lugar na dati naming pinupuntahan. Nadaan ako sa isang karinderya. Doon ko nakilala si Angie. Katulong siya sa maruming karinderyang iyon. Maraming kumakain sa karinderya nila kapag gabi. Eh kasi naman, sando at short ang laging suot ni Angie. Kahit dalagita pa lang siya noon, maganda na ang mga umbok ng katawan. Pinagtitripan siya ng mga lalaking kostumer. Isa na ako roon. Mula noon, gabi-gabi doon na ako kumakain. Hanggang sa maging magkalapit kami. Biniro-biro ko siya, sinakyan ang mga trip niya sa buhay, pinatawa siya sa mga corny kong jokes. Nakakawili siya, nakakagigil, masarap kausap, masarap tingnan. Kaya nga doon ako kumakain. May pagkain na sa tiyan, may pagkain pa sa mata.


—May girlfriend ka na ba? tanong niya minsan sa akin, sabay umupo sa harap ko. Ayokong sumagot. Itinuloy ko ang pagkain, parang di ko siya narinig. Naghihintay siya ng sagot, nababasa ko sa mga mata niya. Buti na lang may mga kostumer na dumating. Tumayo siya’t pinagsilbihan ang mga bagong dating. Nagmadali akong kumain dahil pakiramdam ko, babalik siya sa mesa ko. Pero mas mabilis siya, tipong alam niya’ng umiiwas akong sumagot. Umupo siyang muli sa harap ko nang umiinom na ako ng tubig. —Birthday ko bukas, sambit niya. —Happy birthday, sagot ko. —I-date mo naman ako. Di ako makasagot. Noon ko naisip na sobrang nakakahiya. Ang laki ng agwat namin. Mahigit sampung taon. Bente-otso ako at siya’y disi-syete. Labing-isang taon ng mapapait at masasayang karanasan ang pumanday sa akin bago pa siya isilang, bago pa siya mag-umpisang umangkat ng ala-ala, mula sa unang uha hanggang ngayon. —Sige na. Di naman ako maselan, eh. Kahit saan mo ako dalhin, kahit sa Jollibee, okey lang.


Nakatingin sa akin si Aling Gelang, ang may-ari ng karinderia. Ano ang isasagot ko kay Angie? —Sige na, kuya. Nasamid ako sa pagtawag niya sa akin ng kuya. Lalong tumingkad ang agwat ng edad namin. —May lakad ako bukas, eh, sabi ko. Sabay tumayo na ako at umalis. Hanggang bahay, habang tumatae, nagbabate, naliligo, nagbibihis, nagdadamo, nagpapaantok, di siya maalis sa isip ko. At ang mahabang gabi, di pinatahimik ng mga himutok, gigil, pangungulila, libog, lungkot, saya at galit. Halo-halong pakiramdam na sinulsi at binigkis ng pagsapit ng mapaklang umaga. Umagang nagsasabing nag-iisa pa rin ako, dito sa lungga kong pinamamahayan ng mga bangungot at halimuyak ng mga dating minahal.


Tiningnan ko nang matagal ang picture ni Susan na nakapatong sa bedside table. Siya ang laman ng isip ko bago ko ipaghele ng masalimuot na tulog. Noong sumunod na gabi, pumunta ako sa karinderya nina Aling Gelang. Ang balak ko, kumain at huwag patulan si Angie. Bihis na bihis siya nang dumating ako. Nakasuot siya ng pantalong hapit na hapit, bakat hanggang biyak sa pagitan ng mga hita, at sleeveless na blusa na manipis at maikli. Sa tuwing titingkayad siya, bahagyang sumusungaw ang pusod niya mula sa laylayan ng maikling blusa. Humawak siya sa braso ko at nagpaalam kay Aling Gelang. Wala akong nagawa. Lumabas kami ng karinderya at naglakad papuntang sakayan. Sa taxi, bahagya niyang ipinatong ang palad niya sa hita ko. At marahang nagsalita. —Di ba magagalit sa akin ang asawa mo, pag nakita tayo? Nagulat ako. Napaka-unpredictable ng mga tanong niya. Di ko alam kung saan huhugot ng sagot. —Kahapon, tinatanong mo kung may syota ako. Ngayon tinatanong mo kung di ba magagalit ang asawa ko. —Di mo naman ako sinagot kahapon, eh, katwiran


niya. —At dahil doon, iniisip mong may asawa na ako? —Oo. —Paano mo naman naisip iyon? —Simple lang. Di ka makasagot, eh. Siguro tali ka na. Tama ba?


Sa buong buhay ko, noon lang ako nakapagkuwento ng mga kabadtripan sa pakikipagrelasyon. Habang walang tigil ang pangungulangot ng driver at nakababad kami sa trapik, kinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Susan, kinuwento ko kung paano kami naghiwalay, kinuwento ko sa kanya kung paano ako umigpaw sa mga kabadtripan, paano ako kumawala sa hawla ng pangungulila, paano ako unti-unting lumikha ng pader sa paligid ko. At kinuwento ko rin kung paano ako naiinggit sa mga kaibigan kong di masyadong komplikado ang mga buhay. Habang nagsasalita, naaawa ako sa sarili ko. Parang sinisigaw ng utak ko na: ”Tang ina mo, Norman! Wala ka nang pag-asa, GAGO!” Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Di ako umiiyak pero tumutulo ang luha ko habang binabaybay namin ang daan. —Ma, biglang sabi niya sa drayber, —dalhin mo na lang kami sa Balintawak. Napatingin ako sa kanya, nagtataka. —Saan tayo? tanong ko. —Sa motel. Mag-che-check-in tayo. Kinabahan ako. Puta, naisip ko, delikado ang lagay ko. Menor de edad siya. Baka lumabas na pinilit ko siya. Parang nabasa niya ang iniisip ko.


—Huwag kang mag-alala. 18 years old na ako. Birthday ko nga ngayon, di ba? —Bakit? litong lito ako. —Kailangan mo ito. Ibibigay ko sa iyo ang kailangan mo. Di ako makasagot. Nagpadala na lang ako. Nagcheck-in kami sa Anito. Pagpasok namin sa kuwarto, naghubad kaagad siya ng damit. Wala siyang itinira. Napako ang mga mata ko sa tayung-tayong dibdib niya, at unti-unting gumapang ang titig ko pababa sa naggugubat niyang kaselanan, pababa pa sa makikinis at mapuputing binti, payuko sa mga paang malinis na tila kaysarap dilaan.


At dinilaan ko nga. Ikinambyo ko sa reverse ang pagmamaneho ko at hinalikan siya mula paa, pataas. Sinubo kong isa-isa ang mga makikinis niyang daliri sa paa, pinaglandas ang dila ko pasunod sa direksyon ng mga naaaninag na ugat. Humahalinghing siya sa sarap. Pinaglakbay ko ang dila ko sa makikinis at bilugan niyang mga hita. At sabay dumausdos ako pasubsob sa sentro ng ligaya niya, basang-basa siya roon. Isinalikop niya payakap sa ulo ko ang mga binti niya, habang nakasabunot nang mahigpit sa buhok ko ang mga kamay, inginungudngod ang mukha ko sa sentro ng kanyang pagkababae. Nang di na ‘ko makapagpigil, pinasok ko na siya, matagal, hanggang tatlong putok. Saka ako sumalampak ng higa padagan sa kanya. Sa mga sandaling iyon, napapagtanto kong masarap ding mabuhay sa mundong ibabaw, kahit paminsan-minsan. Maui Di ko maintindihan ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay ang pagdating ng eroplanong sinasakyan niya. Sa isang kamay ko, hawak ko ang litratong padala niya. Baka daw kasi hindi ko siya makilala. OA, sabi ko. Sino’ng Pinoy ang hindi makakakilala sa kanya?


Kung hindi siya naging artista, baka nga hindi ko siya makilala. Noong magkahiwalay kami, dose anyos lang siya. Ako, kinse. Pero bago pa noon, bago pa siya sumama sa kano, magkasama na kami ng matagal sa lansangan. Palaboy kami noong araw sa Cubao. Syete anyos lang siya, ako sampu. Pahingi-hingi kami sa mga taong naglalakad. Magkasalo kaming kumakain. Magkatabi kaming natutulog. Uso sa kulturang kalye ang ganito, semi-magsyota. Nagising na lang ako isang umaga na may sumisiksik sa tabi ko, isang gusgusing batang babae. Tinanong ko kung sino siya. Siya raw si Telma. Mula noon, di na humiwalay sa akin. Assistant ko sa araw, syota ko sa gabi. Sabi niya, ginagahasa raw siya sa kanila. Tatay niya, kuya niya, at tito niya. Masakit na masakit na raw ang pekpek nya, ayaw na niya. Kaya siya naglayas. At naglakad ng ilang araw, hanggang sa mapadpad sa hinihigan kong karton na nakalatag sa bangketa.


Di rin siya nakaligtas sa akin. Unang gabi namin, tinikman ko siya. Pinag-rugby ko muna siya para mas suwabe. Nang sabog na kami pareho, naghalikan kami at pinahiga ko siya sa semento. Nang mahiga siya, ipinasok ko ang kamay ko sa marumi nyang salawal. Pinaglakbay ko ang mga daliri ko sa pekpek niyang basang-basa. Napapaungol siya sa tuwing kakantikantiin at lalapirut-lairutin ko ng mga daliri ang munting kuntil na siyang pinaka-nakakakiliting bahagi ng pagkababae niya. Inulan ko ng halik ang labi niya, leeg at ang maliliit niyang mga utong. Umungol siya sa sarap. Maya-maya’y ipinasok niya rin ang kamay niya sa shorts ko at kinapa at hinawakan nang mahigpit ang naghuhumindig kong pagkalalake. Di na ako nakapalag nang isubo niya ito nang buong-buo, puno hanggang lalamunan niya. Tumirik ang mga mata ko sa sarap. Matapos ang napakahabang foreplay, pinasok ko siya, pasandal sa pader. Iyon ang simula ng mahaba naming pagsasama. Parang gulong, may mga talo at panalo. Susandaan sa rugby ang gutom, Susandaan sa sex ang lungkot, Susandaan sa suntukan ang mga panghihinayang. Tapos nabuntis siya. Di namin alam ang gagawin. Tapos, makalipas ang dalawang buwan, nakunan siya


nang maligo kami sa breakwater. Tandangtanda ko noon, puro dugo ang salawal niya nang umahon siya sa tubig. Iyak siya nang iyak. Wala na raw ang baby namin. Tapos, nilagnat siya ng ilang araw, mataas na lagnat, minsa’y nagdedeliryo. Kung saan-saan ako dumiskarte ng pera, kung saan-saang pawnshop nagbenta ng mga bracelet, relo at kuwintas na inagaw ko mula sa mga kapus-palad na mamamayan ng kalakhang Maynila. Ilang beses naming pinlanong humingi ng tulong sa gobyerno pero baka paghiwalayin lang kami at ipaampon sa kung kani-kanino. Ayaw naming magkahiwalay.


Isang araw, sumama siya doon sa kano. At di ko na nakita. Pagkatapos, bigla na lang, heto siya’t isang artista. Di na siya ang aking gusgusing si Telma. Siya na ngayon si Maui Taylor. Pinapantasya ng mga Pilipinong malilibog. Taylor pala ang apelyido niya? O screen name niya lang? Noong nagsasama pa kami, di ko man lang nalaman ang buo niyang pangalan. Alam kong siya iyon. Isang gabi noon, dilat na dilat ako, sabog na sabog sa magkakasalubong na tama ng gin, shabu at marijuana, nakatanghod sa computer ang mukha, nakapuwesto’t di gumagalaw ang mga daliri kong magaang na nakadampi sa keyboard, nag-iisip ng magandang kuwentong maaaring sulatin. May iniinterbyung artista sa TV. Narinig ko ang boses. Napalingon ako sa TV. Walang duda, siya si Telma. Wala na ang neneng timpla at timbre ng boses, pero ang pagdinig naman ng boses ng isang matagal ring minahal, wala sa mismong tunog kundi sa sayaw ng hangin kapag nagsasalita siya. Itong galaw na ito ng hangin ang humugot sa akin mula sa pang-apat na dimensyon ng pre-overdose at i-focus ang mata ko sa TV, at titigan ang magandang chick na nagsasalita. Hanggang ngayon, wala akong ideya kung ano ang mga


pinagsasabi niya noon, kasi hindi ang mga tenga ko ang nakinig kundi ang dugo. Lumukso at umikot nang mas mabilis kaysa sa normal ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko, paikot sa buong katawan, papasok sa ulo na noo’y ilang araw nang manhid sa dami ng kemikal na nilalanghap, pakurot sa malambot na parte ng utak na nagdidikta ng mga damdamin. Nang tingnan ko ang mukha ng artistang nagsasalita, tumulo ang malabnaw na uhog mula sa ilong ko papunta sa keyboard. Tuloy-tuloy ang pagluha ko hanggang sa jeep, sa mall, at sa sinehan. Masaya ako para sa kanya, sa mga magagandang nangyari sa buhay niya.


Nasundan nang nasundan ang mga pelikula niya. Click na click siya sa takilya bilang soft-porn actress. Malala na rin kasi ang problema sa kalibugan ng bansang Pilipinas. Umabot na sa puntong ang ginagawang pamantayan para sa magandang pelikula, ang dami ng mga eksenang may hubaran at yarian. Kaya sikat si Maui at ang iba pa niyang kasamahan sa Viva Hot Babes. Sila ngayon ang nangunguna sa paseksihan. Ako, lahat ng pelikula niya, pinanood ko. Di ako nakatiis. Sumulat ako sa kanya, nangumusta lang. Ibinalita ko ang mga nangyari sa akin, paano ako sinuwerteng makatagpo ng matronang nagpaaral sa akin, na patay na ngayon, sumalangit nawa, kung bakit nagsusulat ako ngayon at hindi nagnanakaw o naghuhukay ng kanal. Ikinuwento ko rin sa kanya ang isa kong raket. Sabi ko, na web designer ako, na gumagawa ako ng mga website ng mga banda, artista, kumpanya, kung sino-sino. At ang totoo, mas ito ang bumubuhay sa akin kesa ang pagsusulat kong wala namang pinupuntahan. Kinuwento ko sa kanyang nanalo ako sa Palanca, na may direktor na lumapit sa akin at binili ang rights ng nobela para mai-adapt sa pelikula, etc, kung ano-ano pa. Ipinadala ko sa address ng studio. Pagkatapos ng


isang buwan, sumagot. Pupunta raw siya ng States at pagbalik niya, magkita kami. Gusto niya raw ako na ang sumundo sa kanya sa airport. Marami daw kaming paguusapan. Ibinigay niya ang cellphone number niya. I-text ko daw ang number ko sa kanya. Bumili pa ako ng load sa tindahan sa tapat para lang makapag-text sa kanya. Di naman siya nag-reply. Nag-text ulit ako, di siya sumagot. Nag-text ako sa kanya nang isang linggo, di siya sumagot. Tinatawagan ko rin ang number niya pero di niya sinasagot. Ngayon lang. Ngayong parating na siya galing sa Amerika. Ang walanghiya, pinaghintay ako ng isang buwan. Patagal nang patagal, palakas nang palakas ang nginig ng sigarilyong nakaipit sa mga daliri kong ngawit. Natatakot ako, at kinakabahan, di ko maintindihan. Di ko pansin ang ingay ng mga tao sa paligid. Panay ang tingin ko sa litratong hawak ko, kahit kabisadongkabisado ko na iyon. Ipikit ko man ang mga mata ko, parang nakikita ko siya, naaalala ko ang mukha niya noong umalis siya, noong sabihin niyang sasama siya sandali sa kano, para kami magkapera.


At naaalala ko ang mukha niya, makalipas ang mahigit sampung taon nang makita ko siya sa kaunaunahang pagkakataon sa dambuhalang lona ng sinehan. Nang maghubad siya at makipaglaplapan sa lalaking artista, di ko maiwasang gunitain ang nakaraan namin. Di ko maiwasang magselos. Kaya umiiyak pa rin ako hangang makauwi ng bahay.

II. Real Time from yahoo! chat server http://chat.yahoo.com posted by: vectormutation@hotmail.com october 19, 2003. subject: free porn! xxx! free! free! free! live sex show! xxx! mga repakols, astig to, free porn chek this out : http://www.geocities.com/nwilwayco

Birthday niya kase kaya siya bumili ng webcam. Treat niya sa sarili. Galing siya sa isang kliyente niya. Mahirap maging free-lance web designer. Magtiyaga ka, Norman. Isa ka sa mga sawimpalad na sinagasaan ng dotcom crash. Ang kumpanyang pinapasukan mo, isang sinserong start-up na nagsusumikap, pinataob sa


kakulangan ng pag-unawa ng sangkatauhang Pinoy sa Internet, kusang tumiklop nang maubusan ng pondo, at iniwan kang palaboy-laboy, paraket-raket, hanggang sa maibenta mo ang kotse mo, at maubos na ang napagbilhan nang hindi mo namamalayan.


from guerilla information network (http:// www.gin.ph) posted by: noli_pogi69@edsamail.com.ph october 20, 2003. subject: free streaming live porn

seen on http://www.geocities.com/nwilwayco. four unidentified people are having group sex. three females, one male. a webcam attached to a pc captured the event which started yesterday and is still going on as of 10:00 am today, eastern standard time. ip address of the said orgy broadcast has been pinpointed in the philipines. the four participants are also believed to be filipinos.

at 2:00 pm yesterday (october 19, 2003), a sudden massive shift in internet traffic was detected. this after a still unidentified webmaster posted a link in a prime-time chatroom. the link leads to a website hosted by geocities (http:// www.geocities.com), registered under norman wilwayco, who, upon investigation, turns out to be a manila-based web designer.

the broadcast shows four people having wild, lurid, acrobatic and non-stop sex with each other. also alternating sex with smoking pot and crack (known in manila street jargon as “shabu”). whether they are aware of their webcam filming , their intercourse is nevertheless still being broadcasteded in the cyberspace, through wilwayco’s website. (more to follow…click here to return to home)


Pero kahit ano’ng mangyari, kahit sa tingin mo, napaka-hopeless na ng sitwasyon mo, basta lagi mong isipin na ang Internet ang babago sa buong konsepto ng kapitalismo. At sa pagdating ng panahon na iyon, ituturing na mga diyos ang mga web designer na tulad mo. Ang kapangyarihan hahawakan ng mga taong nakakaalam sa Internet at E-commerce, at sa kung paano nito araw-araw binabago ang pananaw natin sa sarili at sa kapwa, sa buhay at sa mundo. The Internet is the future! from guerilla information network (http:// www.gin.ph) posted by: noli_pogi69@edsamail.com.ph october 21, 2003. subject: wilwayco and harem


exposed! wilwayco and harem exposed. the philippines’ national bureau of investigation (http:// www.nbi.gov.ph) confirmed today that the man in the video that has been circulating widely among internet surfers for the past week is norman wilwayco. wilwayco is a web designer who lives in quezon city, the philippines. the three women with whom he is having sex with are actually popular philipine movie actresses. they are: assunta de rossi, maui taylor and angela velez. wilwayco’s identity was traced through his membership photograph in the database of alumni.net (http:// www.alumni.net). said photo was a police mugshot of his arrest in 1992 . (click here for details of his arrest.)

major studios where the actresses currently work are scandalized over their talents’ “shameless and immoral” behavior on the internet. in a press conference this morning at kalookan, vic del rosario and lily monteverde of viva and regal films (respectively), where maui taylor and assunta de rossi are currently signed as talents doing various bold flicks, issued a joint statement condemning the behavior of maui and assunta. the statement also confirms that any and all contracts between assunta and maui with their studios are now “null and void”. abs-cbn, a major philippine network studio where angela velez is a mainstay, also issued a statement this morning severing all ties with angela velez. the statement also said that velez will be shot “if that slutty motherfucking whore brings her ass here.”

Tarantado! Sabihin mo yan sa mga magsasaka,


manggagawa at kalakhang bilang ng mamamayang hikahos, na sa tanang buhay nila, di pa nakakagamit ng computer. Internet pa kaya? Kelan pa iyong future na iyon? Kailangan ko ng regular na pinagkakakitaan. Kailangan ko ng perang pang-sustain sa katawan, kailangan ko ng pangyosi, pangtoma, pang-droga at panggastos sa iba pang bisyo. Ngayon ko kailangan. Ngayong nagsara na ang Szazam Tech. [http:// www.szazam.com], ang tanging pinagkukunan ko ng panustos para mabuhay. Kailangan kong mag-freelance. Di madali ang buhay para sa isang free-lance web designer sa Ikatlong Daigdig, kung saan, ang kalakhan ng bilang ng mga mamamayang gutom ay di interesado sa kung anuman ang gig mo sa buhay. Pagkain at hindi


bandwith ang isyu sa kanila.. from absurd news chat server http://chat.yahoo.com posted by: jhet006@yahoo.com october 21, 2003 subject: day 3

it is day 3 of wilwayco’s infamous harem orgy. the foursome are still going at it. fhm international (http://www.fhm.com), a popular online resource center for rich and dirty old men, dubbed their video as “the greatest fuck movie of all time”. (more to follow…click here to return to home)

Kung magsulat na lang kaya ako? Seryosohin ko na ang pagsusulat ng mga obrang magpapasikat at magpapayaman sa akin? Malabo. Lalo lang akong magugutom. Hindi yumayaman ang mga writer sa Pilipinas, dahil hindi naman uso ang pagbabasa rito. from yahoo! chat server http://chat.yahoo.com posted by: noshadow@yahoo.com october 21, 2003 subject: c norman ba to?

tangina meyn, si norman nga yung nasa video.


tangina di siguro alam ni kupal na naka-on ang webcam niya. tangina, jackpot si norman, pare. sina assunta, maui at angela. super hot babes! paano nadale ni norman yung mga chicks na iyon?

Eh noong nakaraang taon, nanalo na nga ako ng Palanca, Nobela, Tanging Gantimpala, nagkaroon ng isang pahinang feature article sa Inquirer. Nakakabaliw, ang Inquirer, pinakamatinong pahayagan, naglaan ng ilang minuto para mag-abalang tanung-tanungin ako kung bakit at paano ko isinulat ang nobela. Kuwentokuwento, tanong-sagot. Bakit puro sick ang characters mo? Kase sick ang mundo. Bakit mo nasabing sick ang mundo? The mere fact that you’re here conducting an interview with an unknown writer, that you considered me worthy of national attention—as if anyone gives a


shit —is one bloody sick fuck. from guerilla information network (http:// www.gin.ph) posted by: noli_pogi69@edsamail.com.ph october 22, 2003. subject: harem updates

harem offline. millions of harem site visitors were disappointed today as harem went offline. geocities (http://www.geocities.com), the company that hosts wilwayco’s website cut off wilwayco’s hosting pending further investigation. geocities issued a statement this morning informing millions of disappointed members that http://www.geocities.com/nwilwayco is no more, as they took it off the cyberspace. “we found that the website contains pornographic materials and that kind of immorality is against the policy of geocities for free hosting” said geocities CEO Paul Lambert. geocities was forced to temporarily shut down their system this morning when their bandwidth was eaten by more than 40 million site visitors all in the short span of three days since wilwayco aired his live sex broadcast from their server.

janesguide.com (http://www.janesguide.com) a respected online reviewer of porn sites and other perversities, gave the wilwayco harem an “a” rating for being “free, unique, absurd, hardcore and inventive”. in their site’s news section, jane herself said “for the first time in internet history, we can actually watch a porn movie, happening in real-time, free of charge. and not just a porn movie, an excellent porn movie. all the performers were great, especially that brown turd norman wilwayco who has a nine-inch cock and whose sexual appetite is mindblowingly intense. Boy, he sure is generously endowed. that and his kinky sex performance is enough to make every male


pornstar insecure. the philippines Is the new chicks..” thousands of in to harem during its

three girls are great too. I think the breeding ground for hot, exotic people in janesguide mailing list logged three-day airing.

philippine president gloria macapagal arroyo invites all the major studio heads for luncheon meet. palace sources said that viva films owner vic del rosario got a serious ass-kicking by the president herself over maui taylor’s “scandalous behavior” on the internet. Later on, he said, the president apologized and after a few drinks, agreed to suck his dick in an upstairs bathroom.


assunta de rossi, maui taylor, and angela velez are all unavailable for comment. the three sluts cannot be found anywhere. none of the three have made contact with their managers since saturday, october 18, 2003. assunta’s estranged husband jules cannot be reached for comment. he was last seen in a private resort in the carribean in the company of beautiful women.

norman wilwayco, a sick pervert, is also missing since the scandalous 3-day-sex tournament, now infamously known in the world as harem. (more to follow‌click here to return to home)

Ang putang inang nobela, hanggang ngayon di pa napa-publish. Walang publisher na nagkaka-interes sa kabila ng pagkapanalo nito sa Palanca. Mismong ang Carlos Palanca Foundation, di tumatawag, wala silang interes na ilathala ang nobela ko. Badtrip. Mahigit sampung taon na akong nagsusulat, mula pa noong nangangapa ako sa makinilya, hanggang sa magkaroon ako ng sariling computer nang i-uwi ko ang PC na gamit ko sa Szazam bago ito magsarado. from www.bulatlat.com posted by: bisliganon@edsamail.com october 23, 2003 subject:


harem updates

philippine senator tito sotto, with presidential backing, demanded a senate-wide inquiry on wilwayco’s three day free sex show. sotto blamed wilwayco and his harem for corrupting the minds of children. he said wilwayco and his sluts are all sick perverts. sotto suggested that a public hanging of the four is just what he needs to point out that “this country is pure catholic and won’t fucking tolerate immorality.” Later, senate approved sotto’s proposal.

At mula nang magkaroon ako ng computer, lalong dumami ang mga nasusulat kong kuwento, pasingitsingit kapag may libreng oras, kung hindi ako busy, o kung hindi lasing, o sabog, o nagmumukmok at sinisisi ang sarili sa mga masasamang nangyayari sa mundo.


from www.yehey.com posted by: delvert_the_pervert@cnn.com october 24, 2003 subject: harem updates

the catholic church informed its members today to stay away from the evils of internet and free porn . in his homily this morning, carSusanl sin said “wilwayco is the anti-christ. that person is no use to the society. He is a menace. the government should execute him.� later, sin denied having said those things.

Sarap magsulat sa computer. Kaso, andami ngang nasusulat, bihira namang napa-publish. Di pa ako nakakapaglabas ng sarili kong libro. Yung una kong libro dapat, yung nobelang nanalo sa Palanca, di ko na alam kung ano ang plano ng UP Press sa manuscipt na binigay ko sa kanila. At di ko na rin alam kung ano ang plano ni Khavn [http://www.khavn.com], yung direktor na bumili ng rights ng nobela para i-adapt sa pelikula. Iisa lang ang ibig sabihin, isa akong manunulat na walang binatbat. Walang may interes na magbasa ng mga sinusulat ko. from guerilla information network (http://


www.gin.ph) posted by: noli_pogi69@edsamail.com.ph october 25, 2003. subject: harem updates

several groups formed a coalition condeming geocities’ interruption of the harem broadcast. thousands of geocities members demanded the return of the site .

Mabuti na lang, noong writer pa ako sa Batibot, nadig ko ng todo ang mga PC nila. Natutunan kong magPhotoshop [http://www.adobe.com] at Dreamweaver, Flash, at Fireworks [http://www.macromedia.com], at konting javascript, mga elemento sa paggawa ng cool na website. Konting tiyaga lang, konting sipag lang, isa na akong web designer, alternative job sa mga panahong di ako kayang buhayin ng mga ilusyon ko sa pagiging manunulat.


from www.amateurpages.com posted by: sickboy@perversion.com october 26, 2003 subject: harem awards

the board of judges for the webby porn awards is considering giving the body’s highest honor to norman wilwayco for his unbelievable, absurd, hardcore, non-stop and almost magical performance in harem. one judge exclaimed “wilwayco is the greatest fuck hero of this century.”

At ang latest investment, heto ngayo’t nakabili ako ng Logitech na webcam [http://www.logitech.com] at nakapagpakabit ng DSL connection sa PLDT [http:// www.pldt.com.ph]. Regalo ko ang mga ito sa sarili ko dahil birhday ko ngayon. from www.likhaanonline.com posted by: gina@likhaanonline.com octoer 26, 2003 subject: wilwayco no longer a writing fellow

the university of the philippines creative writing institute is severing all ties with norman wilwayco, a writing fellow for the 34th up national writers’ workshop that was held in baguio in 1999. chairperson cristina pantoja hidalgo said “wilwayco is a bad ass evil motherfucker. we don’t want to associate our organization with him. We are hereby striking all record of his having participated in the national


writers’ workshop. As of today he is no longer a fellow and his rights and privileges are summarily revoked. � from www.warez.com (the ultimate sanity in anarchy) posted by revolting_devil@warez.com october 27, 2003 subject: upheld online freedom!

several groups are lobbying in the washington building for the reinstatement of wilwayco and his harem. more than 15,000 people of all ages, picketed in front of the reactionary building carrying placards that honor the masters of sex


and other perversities where wilwayco’s name was brandished along with those of other known masters including cassanova, jack the ripper, rio alma and superman.

from www.philmusic.com posted by lourd@radioactivesago.com october 27, 2003 subject: mabuhay si norman!

mga tol, visit nyo naman website namin. http:// www.radioactivesago.com. ito ang pinakahuling website na ginawa ni norman bago siya na-missing.

Puwede na kong makipag Video Chat. At dahil online ako 24/7, makakapag-chat na ako sa mga kaibigan, para na ulit kaming magkakasama nina Nathan, Mon, at Lonlon tulad noong dating magkakasama kami sa Szazam [http://www.szazam.com], at iba pang katoto sa maliit ngunit solidong sirkulo ng mga hardcore designers, mga taong uhaw sa mga bagong software upgrades, mga nilalang na nabubuhay sa tradisyon ng Juxt Interactive [http://www.juxtinteractive.com] at 2Advanced Studios [http://www.2advanced.com], mga talamak na users ng mga pirated na software, sumasamba sa bawat pautot ni Hillman Curtis [http://www.hillmancurtis.com], at nangangarap na maka-jackpot ng malalaking projects.


from www.inq7.net posted by: dequiros@vasia.com october 28, 2003 subject: harem prayer vigil

thousands of fans gathered today for a three-day prayer vigil for the safety of norman wilwayco and actresses assunta de rossi, maui taylor, and angela velez. the prayer-vigil is being held in front of wilwayco’s residence.

police squads stationed nearby were scandilized by the presence of hundreds of scantily dressed women carrying placards that said “fuck me, norman!”, “come home to mama”, “give it to me, baby!” and “i’m your fuck slave.”

since the abrupt end of the harem site broadcast, the four harem performers are nowehere to be found . meanwhile, police continue their search.


wilwayco’s flat was searched and turned upsidedown. the joint forces of the nbi and NPD retrieved several issues of liwayway magazine, playboy, high times and transworld skateboarding from his residence. police also seized several whips, chains, leather straps, love dolls, cock rings, vibrators and all manner of sex toys. the nbi is also baffled by the absence of drugs or any illegal substance that would give them justification to shoot wilwayco in the head. his computer is missing. a note in the refrigerator says “happy b-day to me�.

Paano na ang pagsusulat ko? Kalimutan na lang, muna, sa ngayon. Di naman ako kumikita sa pagsusulat eh. Kailangang mag-concentrate sa graphic design. Internet ang future ng lahat. Kailangan ko ring ikabit itong bago kong biling webcam. Trip. Trip. Trip. from www.cnn.com posted by: rudy_a@cnn.com october 29, 2003 subect: harem online!

millions of harem fans rejoiceed as harem goes online once again. at 8:00 am, eastern standard time, norman wilwayco went online and posted the url of the new harem website http://www.harem.tv.

the four harem performers faced the camera, apologized for their misbehavior and told the philippine government to go fuck itself. the four are


now currently staying in amsterdam, partying and having a good time. the dutch government has reportedly given them amnesty in exchange they will continue their activities as on the previous harem site. except that, this time, there will be ad banners and pop-up advertisements and, of course, a membership fee. millions of people have already signed-up for the very fair price of us$100. worldbank and microsoft are reportedly providing the online payment facilities. (more to follow…click here to return to home)

III. HAREM Susan —Ba’t ka me pasa, tanong ko. Di siya sumagot.


—Putang ina, sino’ng gumawa sa iyo niyan? pangungulit ko. —Asawa ko. Oo nga pala, nag-asawa na siya. Nabasa ko iyon sa diyaryo. —Dapat, pupunta ‘ko rito noong weekend, sambit niya. —Kaso, tumatawag ako sa telepono, walang sumasagot. Nasan ka noong Sabado? —Nasa airport. May susunduin sana ko. Tumayo ako’t humakbang palapit sa bookshelf. Kinuha ko ang pencil case na nakapatong sa mga libro. —Batak tayo, aya ko sa kanya. Di ko na hinintay ang sagot niya. Umupo ako sa tabi niya at binulatlat ang mga laman ng pencil case. Habang nilalanghap namin ang nasusunog na kristal, parang pakiramdam ko, heto kami sa kung saan kami naghiwalay ng landas. Deja vu ng eksena noong umalis siya. Hardcore sex at crystal methane. —Ano nangyari sa sinundo mo? tanong niya. Akala ko, nakalimutan na niya. Ayoko sanang pagusapan.


—Wala eh, nasundo na. Tahimik. Batak. Tingin sa sahig. Tingin sa kisame. Salit-salit. Palitan ng hitit. —Sino ba sinundo mo? Ayokong sagutin pero sasagutin ko. Bumatak muna ko ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. —Si Maui Taylor? Friends kayo? parang takang-taka siya. Nakakapagtaka naman talagang magkaroon ako ng ganoong level ng kaibigan, tulad ni Maui. Di naman ako superstar. Kinuwento ko sa kanya ang ilang anekdota sa buhay namin ng aking si Telma. Pero di ko sinabi lahat. Basta sabi ko na lang, magkasama kami noong nagtitinda sa sidewalk.


—Shit! bulalas niya. —Tang ina, si Maui, sidewalk vendor? Eh ang bruha, akala mo kung sino kung umasta. Akala mo kung sino’ng anak-mayaman. Eh batang kalye lang pala. Medyo na-offend ako doon. Di ko pinahalata. —Tang ina abnormal pa yung korte ng suso. Akala mo sasabog na bulkan. Halatang-halatang pinainiksyunan ng silicone para talagang lumaki. Ang sagwa! Tiningnan ko siya nang pamatay kong titig, yung titig na kilala niya. At saka ako nagsalita. —Come on, Susan. Are you sure you don’t want to fuck her? Di siya sumagot. Mahaba ang pinagsaluhan naming katahimikan. Tapos nangiti siya. —What do you have in mind? Ako naman ang ngumiti, di ko siya sinagot. —O, tapos, ano’ng nangyari? tanong nya. —Saan? —Di ba sabi mo, sinundo mo siya sa airport, ano’ng nangyari?


—Daming press, eh. Di ako nakalapit. Nagtuloytuloy din siya palabas, may mga kasama siya, sumakay sila ng Expedition. Tumunog ang doorbell. —Si Maui yan, sambit nya. Tumayo siya’t pinulot ang mga damit niya, at nagtuloy sa banyo. Dagli akong nagbihis. Binuksan ko ang pinto. Angela Kaya ko siya kilala, kase isa ako sa milyon-milyong gagong Pilipino na nababaliw sa noontime shows, na para bang di kumpleto ang miserableng araw kapag di napanood ang mga seksing kendeng nang kendeng sa TV. At wala akong maisip na dahilan kung bakit siya narito.


—Angela Velez? paniniguro ko. —Hi, kuya! Nang magsalita lang siya, saka ko nai-connect na siya si Angie. Nabasa ko agad ang landi ng boses at gaslaw ng katawan. Iba na ang hitsura niya. Araw-araw ko siyang napapanood sa TV, at di miminsang naging subjectmatter na rin ng pagbabate, pero di ko alam na si Angie pala siya. Mas lalong gumanda, pumuti at nagkakurba ang katawan. Tang ina, tatlong taon ko siyang di nakita, heto’t lalo siyang gumanda, at ako naman lalong tumanda. Nakakahiya. Kitang-kita ang layo ng naging agwat namin. Siya na dating katulong sa maruming karinderya, isa na ngayong sikat na sexy star. Ako na dating wala lang, isa na ngayong wala pa rin. —Angie? —Ako nga, kuya. Sus, di mo na ko kilala? Happy birthday nga pala. Akala mo, nakalimutan ko na ‘no? Yumakap siya sa akin at bumundol sa katawan ko ang umbok ng dibdib niya. Mahigpit ang yakap niya, nakadikit sa akin mula dibdib hanggang sa may ibaba ng puson. Naramdaman kong nakadikit ng padaklot ang mahahaba niyang kuko sa likod ko. Tapos, hinalikan niya ako sa lips. Akala ko, sandali lang, pero sinipsip


niya nang madiin ang dila ko, sinipsip na parang uhaw na uhaw ang lahat ng laway sa loob ng bibig ko. Nang bitawan niya ako, pakiramdam ko, wala na akong labi, nakain na niya. —Ba’t napasugod ka? tanong ko. Di niya pinansin. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay, umupo sa sofa, Susanmpot at sinindihan ang kalahating joint na nasa tabi ng ash tray sa mesa. Humitit siya nang malalim, sunod-sunod, pinaglagos sa mga butas ng ilong ang usok ng damo, bago nagsalita.


—Di pa rin nagbabago itong haybols mo. Mula noong huli akong mapunta, ganito na ito. Nandito pa rin itong upuang ito. Dito tayo sumirko-sirko noon di ba? Aba, may nagbago. May computer ka na pala. Nasaan na yung makinilya mong classic? Litong-lito pa rin ako. Ang dami kong tanong. Tulad halimbawa ng: bakit si Angie ay si Angela Velez na ngayon? Ano na ang nangyari sa karinderya ni Aling Gelang? Di ko alam kung paano sisimulan ang pagtatanong. Sabay kaming napalingon sa direksyon ng banyo nang tumunog ang flush ng inidoro. Pumaling ang tingin niya mula banyo, patitig sa mata ko, nakataas ang mga kilay, nagtatanong. Lumabas ng banyo si Susan, hubo’t hubad, at nagkatinginan sila ni Angie. Halos mabasag ang tenga ko sa ingay ng tiliang naganap. Tapos, nagyakapan ang dalawa, tuwang-tuwa, at naghalikan sa lips nang matagal. Di ko maintindihan. Nagsindi ako ng joint at sumali sa halikan nilang dalawa. Telma Di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami. Di ko akalaing pupunta siya rito. Ngayon pa,


ngayong may mainit na eksena sa bahay. Hindi ko nga inaakalang magkikita pa kami. Noong may usapan kaming susunduin ko siya sa airport, at sabay nabulilyaso ang usapang iyon nang magdatingan ang sangkaterbang press, at halos kaladkarin siya ng mga kasamahan niya pasakay sa naghihintay na sasakyan, sinabi ko sa sarili kong imposible pang maging magkaugnay ang mga buhay namin. Di na angkop dahil sa layo ng naging agwat namin. Pero kanina, habang nakasubsob ako sa kandungan ni Angie, samantalang nakasubo nang buong-buo ang ari ko sa maluwang na bibig ni Susan, biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-text siya, malapit na raw siya. Sunduin ko raw siya sa Macdo sa may kanto. Dagli akong nagbihis at lumabas ng bahay, di na ko nagpaalam sa dalawa, na noong iwan ko, abala pa rin sa “kainan�, plastadong-plastadong naka-69 sa sahig.


Sa pagitan ng mga higop ng kape, pinagmasdan ko ang pagdating niya, pagbaba sa taxi, pagpasok sa loob ng Macdo. Tumayo ako’t sinalubong siya. Hawak ko siya sa braso palabas ng restoran, pinara ko ang papaalis na taxi at sumakay kami. Nagtungo kami sa isang dikilalang motel sa Cubao. Nagbaka-sakali lang ako kung naroon pa iyon. At naroon pa nga. Doon muna kami nagpalipas ng oras. —Ok lang ba sa yo ang makipag-threesome? tanong ko sa kanya habang naninigarilyo. —Two girls one boy? tanong niya. —Oo, sagot ko. —Sure. —Eh foursome? Three girls, one boy. —The more, the merrier. —Tara sa bahay. Nag check-out kami sa motel at nagtuloy sa bahay.


Imat

Makalipas ang ilang taon ay muli kong naalala si Imat. Kangina, habang naghahapunan kami, nagpupukulan ng masasayang biro, biglang binanggit ng aking kapatid na umano’y huwag ko raw kalilimutan na may date kami ni Imat noong gabing iyon. Ang birong iyon ni Omar ay sinalubong nila Itay at Inay ng malakas na tawanan. Pati ako’y nakitawa kahit sa totoo’y parang biglang bumukol lalamunan ko ang nginunguya kong pagkain. Masaya kaming naghahapunan kangina. Dangan kasi’y kauuwi ko lang galing sa Maynila. At hindi lang ako basta umuwi. Umuwi akong isa nang tituladong inhinyero. Ang gabing iyo’y unang pagsasalo-salo naming mag-anak na binubuo ng isang amang manggagawa,


isang butihing maybahay, isang bunsong makulit at isang panganay na katatapos lang ng kolehiyo. Natapos ang hapunan nang iisa ang laman ng isip ko. Si Imat. Ang iba pa naming kuwentuhan sa hapag ay hindi ko na magunita. Natapos ang hapunan at nakapagligpit na ng pinagkanan na hindi ko namalayan.


Maliit pa ako’y laman na ng mga lansangan ng Bigal si Imat. Isang sinto-sinto. Makikita itong pakalatkalat sa palengkeng bayan. Dahil ang aming baryo ay maituturing na pinakamaliit na baryo ng San Isidro, halos lahat ng tao’y magkakakilala. At maituturing na si Imat ang pinakapopular na pigura ng baryo. Si Imat ay may taas na limang talampakan at limang dali. Matangkad kung ikukumpara sa karaniwang taas ng isang Pilipina. Kulay kape ang balat niyang sunog sa araw. Ang kanyang buhok ay maikli at sa sobrang alikabok ay dikit-dikit ang hibla. Matangos ang ilong ni Imat na binagayan ng bilugan niyang mukha. At kung bibihisan ng maayos, maaari siyang mapagkamalang mestisa. Kung ikukumpara sa hilatsa ng mukha ng mga babae sa baryo ng Bigal at kahit sa buong bayan ng San Isidro, di hamak na mas maganda si Imat, kahit ito’y ‘di aminin ng mga kababaihan. Noong maliit pa ako’y narinig ko na sa kuwentuhan sa tindahan ni Manang Goring ang tungkol kay Imat. Umano’y anak daw ito ng isang may kiskisan ng palay sa bayan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kung ang isang pamilya ay may kiskisan sa sentrong bayan, sa San Isidro, ang ibig sabihi’y may sinasabi sa buhay. Angat ang kabuhayan kung ikukumpara sa ibang tao sa mga


baryo na karamiha’y magsasaka. “Magandang bata iyang si Imat noong araw,” bungad ni Manang Goring nang minsa’y madako ang kanilang usapan sa tindahan tungkol kay Imat. Nagkataong noo’y naghuhugas ako ng paa sa katabing poso matapos ang maghapon kong pakikipagniig sa bukid. Dahil sa buong baryo ay ako na lang yata ang hindi pa nakakaalam sa kasaysayan ni Imat, nakiupo ako sa mga taong nangakaupo at nagkukuwentuhan sa harap ng tindahan ni Manang Goring.


“Ku, paborito ‘yan ng kanyang ama noong ‘to’y nabubuhay pa,” patuloy ni Manang Goring. “Kung hindi lang nagkasakit ang ina niyan, hindi maiilit ng bangko ang kanilang kiskisan.” Kahit sa bayan ay hirap ang mga gamot. Kalimitang nagiging malala muna ang karamdaman ng isang tao bago gumasta ang isang pamilya para sa pagpapagamot. Ganito ang nangyari sa nanay ni Imat na umano’y mestisang Kastila. Nagkasakit umano ito ngunit hindi ininda sa kadahilanang ang pagpapagamot ay nangangahulugan ng pagluwas pa sa Maynila. Sa aming bayan, isa nang luho ang magpagamot kung hindi pa naman malala ang karamdaman. Ang konting ubo ay nauwi sa tuberculosis na humantong sa maagang pagkamatay ng ina ni Imat. Halos masira daw ang ulo ng ama ni Imat sa pighating dulot ng pagkamatay ng kanyang maybahay. Nalulong ito sa bisyo—alak at sugal. Ang naipundar nitong kaalwanan ay unti-unting naubos. Ang kiskisan ay nailit ng bangko. Hindi alam ng kanilang ama kung saan kukuha ng ipanunustos sa mga anak nito. Si Imat at ang nakatatanda nitong kapatid na noo’y dalagita na. Sa tindi ng unos na inabot ng pamilya nila, hindi ito nakayanan


ng kanilang ama. Natagpuan ito isang umaga na nakabigti sa kisame. Luwa ang mga mata at lawit ang dila. Sa leeg nito’y nakakagat ang bawat hibla ng pinong abaka ng malaking lubid. “Ang ate ni Imat, nagpa-Maynila. Nakitira sa kanyang tiyahin. Di naglao’y namasukang katulong.” Si Imat ay naiwan sa isang kamag-anak ng kanyang yumaong ina na nakatira sa Labay, katabing baryo ng Bigal. Dito ay lumaki siya hanggang sa magdalaga. Humantong siya sa edad na bagama’t bata pang maituturing ay hindi na kayang itago ng mahahabang manggas at saya ang magandang hubog ng kanyang katawan. Bukod pa sa maamo nitong mukha na namana sa kanyang yumaong inang mestisa-Kastila. Bagama’t nawala ang kinagisnan niyang kaalwanan ng pamilyang nawaglit, at natira siya sa mga kamag-anakang magsasaka, nakuha pa rin ni Imat na pangalagaan ang katawan nito. Ni hindi kumupas ang alindog niya noong siya’y nakatira pa sa sentrong bayan.


Noong minsang papauwi si Imat galing sa libis ay hinarang siya ng mga kalalakihan. Ang mga kalalakihan ay nagpiyesta sa murang katawan ni Imat. Pinagparausan nila ito hanggang sa matagpuan na lang ito kinabukasan ng kanyang mga kaanak na gusot ang buhok, gula-gulanit ang suot at palaboy-laboy sa lansangan, nanghihingi ng pera sa bawat masalubong. Duguan ang kanyang saya at kahit walang naganap na imbestigasyon, batid ng buong baryo ang nangyari sa kanya. Noo’y kinse anyos lang si Imat. Sa labinlimang taon niyang pamumuhay ay noon lang niya siguro napagtanto ang kabilang panig ng buhay. Noong ako’y nasa elementarya pa lang, madalas naming pagkatuwaan ng mga kaklase ko si Imat. Kapag uwian na ng mga mag-aaral at sa aming paglalakad pauwi ay masalubong namin si Imat, pinupukol namin ito ng bato. Tatakbo si Imat. Hahabulin namin at hindi lulubayan ng pukol ng maliliit na bato. Kapag nasusukol si Imat, pumupulot ito ng bato o kahoy o kahit ano’ng madapuli ng kamay niya. Kapag nangyari na iyon ay magpupulasan na kami ng takbo at kami naman ang hahabulin ni Imat. Galit na galit si Imat. Kami naman ay tumatakbong kinakabahan ngunit iniihit


naman ng tawa. Minsan ay nasukol ako ni Imat. Noo’y nasa ika-anim na baitang na ako ng elementarya. Kung tuuusin ay nagbibinata na ako, ngunit maharot pa rin at wari’y hindi na lulubayan ang ginagawang pambubuska kay Imat hanggang sa pagtanda. Wala akong matakbuhan dahil sa sobrang takot ko ay naihi ako sa pantalon ko. Noo’y nasa likod kami ng simbahan. Nasa pagitan ako ni Imat at ng mataas na pader na anumang pilit ko’y hindi ko maabot ng lukso. Nagninginig ako sa takot habang nakamasid sa malaking batong tangan ni Imat sa gusgusin niyang kamay.


“Huwag mo akong sasaktan. Isusumbong kita sa tatay ko, papatayin ka noon,” sabi ko sa kanya. Layunin ko’y takutin siya upang lubayan na niya ako. “Parang awa mo na, hindi na kita tutuksuhin at pupukulin ng maliliit na bato. Huwag mo lang akong sasaktan.” Sa magkabilang pisngi ko ay gumuguhit ang mainit na luha. Sa bibig ko’y umaabot ang agos ng malabnaw na uhog na kabuntot ng pag-iyak. Nakamasid lang sa akin si Imat. Magkapantay ang aming titig. Wari ba’y kapwa kami nakikiramdam sa bawat isa. Pinag-aaralan ang magandang atake. Nakasilip ako ng pagkakataon. Sinamantala ko ang pagkabasag ng konsentrasyon ni Imat may dumapong malaking bangaw sa kanyang ilong. Bigla ko siyang sinugod at sabay kaming bumagsak sa lupa. Pinagkakalmot niya ako sa mukha habang nakadagan ako sa kanya. Hinawakan ko ang malagkit niyang buhok at iniumpog ko ito sa lupa ng makailang ulit hanggang sa mapansin kong hindi na nanlalaban si Imat. Para bang hindi na niya alintana ang sakit ng paghampas ng kanyang ulo sa lupa. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa kalangitan.


Ang kanyang mga kamay ay hindi na nangangalmot, bagkus malumanay na nakapatong sa aking balikat. At napansin ko ring ang kanyang mga hita ay nakabuka at nakadagan at humahaplos ang aking unti-unting nagigising na ari sa hindi nito dapat paglagyan. Natigilan ako. Binitiwan ko ang pagkakasabunot ko sa malagkit niyang buhok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At noo’y napansin ko ang mga luhang namumuo sa mga sulok ng kanyang mata, hanggang sa ito’y parang mga batis na dumaloy sa kanyang mga pisngi. Ang tama ng silahis ng papalubog na araw ay nagpakislap sa animo kristal na luha.


Sa ganoong posisyon, habang nakadagan ako kay Imat at ang aking ari ay nakadikit sa pagitan ng kanyang mga hita, narinig ko ang mahina niyang bulong. “Maawa na kayo sa akin… Huwag po…Parang awa n’yo na…” Iyon lang at tumayo ako sa pagkakadagan at kumaripas ng takbo. Bago ako tuluyang makalayo ay tinapunan ko ng sulyap si Imat. Nakahiga pa rin siya sa lupa, lumuluha, at sa galaw ng bibig niya’y alam kong umuusal pa rin siya ng pagmamakaawa. Hindi ko makaligtaan ang tagpong iyon. Ang kislap ng mga luha ni Imat na kumikinang sa tama ng papalubog na araw, ang kanyang litanya ng pagmamakaawa, at ang kanyang pagtitig sa kawalan. Apat na taon bago ko muling nagisnan si Imat sa ganoong ayos.

Magtatapos na ako ng high school. Sa wakas ay makakapag-aral na ako sa Maynila. Napili akong isa sa mga gagawing iskolar sa isang pamantasan sa Maynila, sa tulong ng butihing mayor ng San Isidro.


Apat kaming magbabarkada na mula pa noong hindi pa natututong bumasa ay magkakabatak nang talaga. Dalawa sa amin ang makakapag-aral sa Maynila. Ako at si Manuel, na pag-aaralin ng kuya niyang nasa Taiwan. Ang eskwelahan na pinagdausan ng seremonya ng pagtatapos, na siya ring pinagdausan ng sayawan noong kinagabihan ay nasa sentrong bayan, sa poblacion. Ibig sabihin nito’y mahaba-haba rin ang gagawin naming paglalakad papauwi ng Bigal. At sa dami ng nainom namin, sumusuray ang lakad namin habang binabagtas ang maalikabok na daan pauwi. Madaling araw na kung kaya’t wala nang bibiyaheng jeep paakyat sa aming baryo.


Papatawid kami ng tulay nang marinig namin ang pamilyar na tinig. “Mga pogi! Baka naman may kaunti kayong barya diyan. Pangkape lang.” Mula sa gilid ng daan na nababakuran ng mga punongkahoy ay lumabas si Imat. Naisip ko noon na marahil ay doon siya natutulog. “Pare, si Imat.” “Tara, batuhin natin.” Lumapit sa amin si Imat. Nasilayan ko sa malamlam na ilaw ng buwan ang kanyang gusgusing mukha. Muli ay gumuhit sa isip ko ang huling malapitang sulyap ko sa mukha ni Imat. At naalala ko ang eksena sa likod ng simbahan. Animo libong boltahe ng kuryente na gumuhit sa isip ko ang bawat segundo ng tagpo ng pagbababag namin ni Imat sa likod ng simbahan. Muli ay nakita ko ang kanyang luha, narinig ko ang kanyang mga bulong, naramdaman ko ang unti-unting pagkagising ng aking ari na kumikiskis sa pagitan ng kanyang mga hita. “Sige na, mga pogi. Kahit barya lang.” “Hoy, Imat, lubayan mo nga kami,” ani Emek.


“Heh! Suplado, hindi naman guwapo!” Akmang susuntukin siya ni Emek, mabuti na lang at napigilan ko ito sa braso. “Putang ina kang baliw ka!” sigaw ni Emek. “Putang ina mo rin!” sagot ni Imat. “Tama na iyan!” sigaw ko. Hinawakan ko si Imat sa braso at inihingi ko ng paumanhin ang inasal ni Emek. Nabasa ko sa gulat na mga mukha nina Manuel, Emek at Edwin na sila’y nagtataka sa inasal ko. Kailangan bang magpakumbaba sa harap ng isang baliw? At hindi lang basta baliw kundi baliw na nalawayan na ng maraming lalake.


Ngumiti si Imat sa akin. “Mabuti ka pa, ambait mo,” sabi niya. “Sumama ka sa amin, marami kaming pagkain sa bahay,” marahan kong wika kay Imat. Ilang sandaling natahimik kaming lahat. Palagay ko’y ninanamnam ng mga kaibigan ko ang sinabi ko kay Imat. Lumiwanag ang mukha ni Imat na animo batang pinangakuan ng kendi. “Sige! Sama ako!” Tangan ko ang kamay ni Imat at nanguna na ako sa paglalakad. Ilang sandali munang nakatayo sina Emek at nakatingin sa akin bago sila sumunod. Dinala ko si Imat sa aming kubo sa pitakan. Doo’y walang natutulog. Pahingahan lang namin ang kubong iyon kapag kami’y gumagawa sa bukid. Kinuha ko ang tabo sa may herengilyang kawayan sa batalan. Sa may tabi ng banga ay may sabon. Dinampot ko ito at binalikan si Imat na iniwan ko sa may likuran ng kubo, sa tabi ng balon. “Maligo tayo,” sabi ko kay Imat. “Ayoko, maginaw,” sagot niya.


Bagamat mahina ay narinig ko ang anasan nina Emek. Siguro’y nahulaan na nila ang plano kong gawin. “Sige na, maligo tayo,” pilit ko kay Imat. naman gumanda ka na uli”

“Para

Hinila ko si Imat papalapit sa akin. Tinanggal ko ang marumi niyang kamiseta. Tulad ko’y napalatak rin ang aking mga kaibigan. Bagamat may edad na si Imat ay tayo pa rin ang mga dibdib nito. Baliw man siya’y may hiya pa rin. Tinakip niya ang kanyang mga palad sa magkabila niyang dibdib, tanda na may natitira pang dangal sa isip niyang malaon nang pinamanhid ng kawalang katinuan.


Tinanggal ko ang natitira pa niyang mga suot, at sa tama ng papasikat na araw ng umaga ay nabanaag namin ang alindog ni Imat. Pinaliguan ko siya. Noong umpisa’y parang ayaw niya. Naghubad ako ng pang-itaas para sabayan siya. At sabay kaming naligo, nagsabunan, nagkilitian, parang mga batang wala pang binhi ng malisya sa utak. Nanonood ang mga kaibigan ko ngunit wala na ang kangina’y animo pandidiri nila sa baliw. Ang pumalit ay kakaibang pagnanasa at gigil sa hubad na alindog na nakatambad sa harapan nila, humahalakhak, sumasayaw, kumakanta. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Una’y ako. Sumunod si Emek, na sinundan naman ni Manuel, at panghuli si Edwin. Pagkatapos ay ako ulit, at sabay naman sina Emek at Manuel. Kaunting pahinga at ako ulit, si Edwin, si Emek at Manuel. Habang pumuputok ang araw sa silangan ay pinagpapasasaan namin ang katawan ni Imat. Para kaming mga bulugang walang pagkasawa. May mga pagkakataong umiindayog ang isa sa ibabaw at ang isa naman ay ipinasusubo kay Imat ang naghuhumindig na ari. May pagkakataong ang isa ay pinapasok kay Imat ang ari nito, samantalang ang isa’y sa puwitan


pinapasok si Imat. Ganoon kami ka-init. Ganoon kami ka-baboy. Ako ang huling-huling nagpasasa. Nagmamadali ako dahil mataas na ang araw. Anumang oras ay baka dumating na ang Itay. At habang umiindayog ako sa ibabaw ni Imat, napansin ko ang kanyang mga mata, nakatitig sa kawalan. Basa ng luha ang mga pisngi niya. Malumanay na nakapatong ang kanyang mga kamay sa aking balikat. At sa mga sandaling malapit nang sumabog ang kabaliwan ko, nakadikit ang mukha ko sa leeg ni Imat at sinisiil siya ng halik, narinig kong muli ang litanya.


“Maawa na kayo sa akin… Huwag po… Parang awa n’yo na…” Habambuhay na sigurong mamamahay sa isip ko si Imat. Ang mga pagsisisi ay mabigat na tingga na nakadagan lagi sa dibdib ko. Naaawa ako hindi lang kay Imat kundi pati sa aking sarili. Naaawa ako sa mga kaibigan ko na tulad ko’y nakagawa ng ganoong klaseng kahayupan. Naaawa ako sa lahat ng tao sa aming baryo na pinandidirihan si Imat. Kung mayroon man lang sana akong magagawa para maibsan ang pagsisisi. Kung mayroon lang sana akong maibibigay kay Imat para mapagtakpan ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko hangad na patawarin, makapagbigay man lang sana ako ng kahit na ano ay malaking kabawasan na ng kunsensiya ko. Ngunit wala. At iyon palagay ko ang pinakamahirap. Ang hindi ko mapagbayaran sa anumang paraan ang isang pagkakamali, bukod sa ito’y sariwain, alalahanin at huwag ibaon sa limot habang ako’y nabubuhay.


Kahon *Nagwagi ng unang gantimpala sa Amado Hernandez National Award for Literature, 1999

I. Isinilang kang nakakahon Lumaki si Marie na kapiling ang mga poon. May poon sa altar. May poon sa kusina. May poon sa ibabaw ng tokador sa kuwarto. May poon sa banyo, sa ibabaw ng mga lalagyan ng sabon. Ang mommy ni Marie ay suki ng Baclaran at Quiapo at St. Jude at St. Michael at St. Andrew at Manaoag. Ang daddy ni Marie ay nagoopisina sa Makati. Malaking tao sa kumpanya. Maraming tauhang sinisigawan. Ang mga kuya at ate ni Marie ay masunuring mga anak. Nagsisimba kung Linggo, hindi nagsisinungaling sa magulang, masisipag mag-aral ng leksyon sa eskwela. Ang pamilya ni Marie ay nagdarasal


bago kumain. Nagdarasal bago matulog, nagdarasal sa tuwing mayroong sakit ang isang miyembro ng pamilya. Ang daddy ni Marie ay may kabit na sekretarya na sa dalas lamasin ay lumaylay ang mga suso at nawalan ng puwit. Ang mommy ni Marie ay nagdarasal na sana’y matapos na ang ginagawa ng daddy ni Marie sa kanyang sekretarya. “Lord, patawarin mo ang asawa ko, hindi niya alam ang kanyang ginagawa.” Hindi alam ng mga kapitbahay na sa gabi ay umiiyak ang mommy ni Marie habang paulit-ulit na inuusal ang mga panalangin, pampaalis ng libog ng kanyang asawa. Lumaki si Marie sa mga pangaral ng Ebanghelyo. Sa murang gulang ay nakabisa niya ang ilang linya ng Bibliya. Ito ang turo ng kanyang ina. Ito ang turo ng kanyang mga ate at kuya. “Ito ang gusto ng Diyos para sa mga bata.” Dapat na laging takot sa Panginoon ang mga bata. Ang mga bata, dapat laging nagdarasal. “Lord, sana magkabati na sina daddy at mommy. Lord, sana mamatay na ang kabit ni daddy. Lord, sana masagasaan ng pison ang kabit ni daddy. Lord, sana masunog ang bahay ng kabit ni daddy. Lord, sana tamaan ng kidlat ang kabit ni daddy. We pray to you, Jesus. Amen.” Amen. Amen.


II. Kahon din ang silid aralan Mula sa tahanan, binagtas mo ang landas ng karunungan. Nag-enroll sa elementary at high school. Sinikap malampasan ang dunong ng mga kamag-aral. Isinaulo mo ang mga leksyong hindi mo alam kung ano ang magiging silbi sa iyo kung ika’y tapos nang magaral. “Dapat sa bata ay masunurin. Masama sa bata ang sumagot at mangatwiran sa mga nakatatanda. Dapat sa bata ay huwag sumabad sa usapan ng mga matatanda.” Opo, Ma’am. Yes, Ma’am. Mula elementary hanggang high school hanggang kolehiyo ay tiniis mong hindi magsalita, hindi magpahayag ng mga opinyon, ng mga pananaw, ng mga haka-haka, ng mga pagsusuri. Kinabisado mo ang mga batas ng grammar. Halos mabiyak ang ulo mo sa kamememorya ng mga parasites na nakikita sa lente ng microscope. Gabi-gabi’y napapanaginipan mo ang mga linear at quadratic equations, mga simbolong nagsasayaw sa isip mo, ayaw kang tantanan, dahil ang mga ito’y gagamitin mo sa iyong pamamasukan kung ika’y graduate na. Sinikmura mo ang ginagawang pagyurak ng pamantasan sa iyong mga batayang karapatan. Bawal sumama sa mga organisasyong hindi rehistrado sa Office of the Students’


Affairs. Bawal sumama sa mga welga. Bawal magsalita ng kahit anong labag sa mga batas ng pamantasan. Bawal umutot sa loob ng classroom. Yes, ma’am. Yes, sir. Opo. Opo. Oho. Sa tindi ng krisis sa bahay, sa awayan ng babaerong daddy at relihiyosang mommy, at mga moralistang mga ate at mga kuya, naisipan mong lumihis ng konti sa tinakda nilang landas para sa iyo. Halimbawa: Masamang manigarilyo. ‘Tol, pahingi’ng yosi. Masamang uminom. ‘Tol, toma tayo sa likod ng school. Masamang mag-marijuana. ‘Tol, jutes tayo.


III. Gusto mong lumabas ng kahon Lito na ang isip ni Marie. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga magulang na siya’y hindi na bata. Na siya’y may karapatang magdesisyon para sa kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. May karapatan siyang magdesisyon kung ano’ng klaseng buhay ang gusto niya. Paano niya sasabihin sa mga magulang, sa kanyang relihiyosang mommy at babaerong daddy at mga moralistang mga ate at kuya na ayaw niyang manatili na lang na isang babaeng walang kibo. Na siya’y hindi isinilang na mahina. Na kaya niyang lumaban sa ginagawang pagyurak ng lipunan sa karapatan ng mga kababaihan. Mula sa pamantasan lumabas siya patungo sa lansangan. Ayaw niyang iluha ang mga pasakit. Ayaw niyang magpakatanga sa pangangayupapa sa mga lalake. Tumindig si Marie, kasama ng iba pang babae. May karapatan siya tulad ng mga lalake. Babae siya, matatag siya, marunong siya. Mulat siya sa mga di pagkakapantay-pantay. Alam niya ang mga makinarya ng pagsasamantala sa mga kababaihan. Aral siya sa mga pagdurusa ni mommy. Batid niya ang mga kalibugan ni daddy. Alam niya ang hirap ng katayuan ng


mga nagiging kabit ni daddy. Higit kanino man, alam ito ni Marie. Alam ni Marie dahil babae siya. Babae siyang nabubuhay sa lipunang malala na ang sira. Sana, ganoon na lang. Sana, nakahon na siya sa pakikibaka sa mga usapin ng kasarian. Ang kaso, gusto niyang lumabas ng kahon. Hindi naglaon, sa paglalim pa ng kanyang pag-aaral sa lansangan, napagtanto niyang may kinalaman ang imperyalismo sa hindi pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga lalake at babae. Di naglaon, naisip niya na ang bulok na sistemang panlipunan ang isa sa mga pundasyong nagpapanatili ng pagka-api ng mga babae. Kailangan niyang basagin ang bulok na sistema para palitan ito ng bago. At alam niyang ang pagbabago ng sistema ay hindi iluluwal ng pagmamartsa sa lansangan. Alam niya na ito’y ipapanganak kasabay ng pagsigaw ng mga baril na ipuputok sa mga kaaway ng kababaihan, ng lipunan, ng sambayanan. Malaki ang pangangailangang tuntunin niya ang madadawag na gubat, tawirin ang mga ilog at bagtasin ang mga larangang kinukulambuan ng mapulang silahis ng paghihimagsik.


IV. Nakakahon ka nang umalis May mahinang ambon noon nang magpaalam sa akin si Marie. Nakaupo kami sa catwalk, sa may parking area ng pamantasan. Pinigilan ko ang pag-iyak. Nakakahiya kay Marie. Kalalake kong tao iiyak ako. Anyway, matagal ko nang alam na hahantong sa ganito ang relasyon namin. Noon pa man nag-aalala na ako na baka hindi na siya masapatan sa lansangan. Kailangan niya ang mas mataas na antas ng struggle. Kailangan niyang gumampan ng armadong pakikibaka. “Kailan ba ang alis mo?,� cool ang dating ng pagtatanong ko. Para bang bale-wala sa akin kung anumang pinagsamahan mayroon kami.


“Sa isang linggo,” sagot ni Marie. “Kailangan mo ba talagang gawin iyon?,” tanong ko. “Kailangan.” Ilang sandali kaming tahimik. Nakatingin ako sa lupa. Inaalala ko ang mga pinagsamahan namin. Tatlong taon na kaming mag-on. Sa tatlong taon na iyon, katakottakot na tuwa at lungkot ang pinagsaluhan namin. May mga panahong masayang-masaya kami. May mga panahon namang ayaw naming makita ang isa’t isa. May mga panahong lagi kaming nag-aaway at may mga panahong para kaming bagong kasal sa sobrang sweet. “Sana maintindihan mo ko, Ton.” Hindi ako kumikibo. Tipong wala na akong ikikibo. Nakapagdesisyon na siya. “Ton?” Sa puntong ito hindi ko na napigilang umiyak. Parang dumating na sa akin ang bigat ng realization. Na mawawala na sa buhay ko si Marie. Na malamang hindi ko na siya makita. “Kailangan ako ng bayan,” sabi niya. Tapos napaiyak na rin siya. Siguro napahiya siya sa pag-iyak. Sinyales ito na mahina ang mga babae. Tumayo siya’t


mabilis na humakbang papalayo sa akin. Sinundan ko siya. “Marie!” Humahagulgol siya habang niyuyugyog ko ang balikat niya at pinauulanan siya ng mga tanong. “Gano’n na lang ba? Pagkatapos ng mahigit tatlong taong relasyon natin, basta mo na lang ako tutuwaran at sasabihin sa aking kailangan ka ng bayan?” Tumutulo na ang uhog ko pero wala akong pakialam. Mahalaga sa akin ang relasyon namin ni Marie. Paano na lang ang mga pinagsamahan namin? Mabubura pa ba sa isip ko ang mga sandaling kahit wala kaming kapera-pera ay masaya at sweet pa rin kami?


Matatanggal pa ba sa ala-ala ko ang mga oras na pinagsaluhan namin sa sine, sa park, sa mga konsiyerto, sa motel at sa kung saan-saan pang sulok ng Maynila? “Kung gusto mo, sumama ka sa akin,” sabi ni Marie. Iyon ang hindi ko puwedeng gawin. Hindi sa dahil wala akong bayag para mamundok. Hindi sa wala akong makitang sense sa gagawin niya dahil maski ako naman medyo “mulat” din sa mga injustices na nakikita ko arawaraw. Hindi ako maaaring sumama kay Marie dahil hindi ako handang magsakripisyo. Hindi ako handang iwanan ang mga luhong kinalakhan ko. Paano na ang mga bisyo ko? Kapag ba sumapi ako sa NPA, papayagan nila akong uminom ng beer at humitit ng marijuana? Pinapayagan ba ang mga long-hair sa hanay ng mga gerilya? Paano na ang pagpipinta ko? Paano na ang mga sinusulat kong nobela? Sabi ko nga, noon pa mang nagsisimula na si Marie na magsasama sa mga rally, alam ko nang hahantong kami sa ganito. Matagal kaming nagtitigan. Parang kapwa namin sinasalat kung dapat nga ba kaming manghinayang. Kung dapat pa bang i-work out namin ang relasyon.


May nakikita akong determinasyon sa mga mata niya. Determinasyong nagbibigay ng kapahayagang wala na akong dapat pang asahan. “Paalam.” Pagkasabi nito’y tumalikod na siya. Naiwan akong nakatingin sa kawalan. Pamaya-maya’y nagsindi ako ng isang joint.

V. Iniuwi kang nakakahon Binaboy ka muna bago ka pinatay. Isang basong semilya ng mga demonyong army ang nakuha sa puwerta mo. Ang buong katawan mo’y tadtad ng paso ng sigarilyo. Ang puwit mo’y pinasakan ng batuta. Ang sabi sa report nila’y encounter daw. Pero hindi kami naniniwala. Ang butas sa mata mo’y tanda ng baril na pinaputok nang malapitan. Gayunpaman, namatay kang nagtatagis ang mga bagang. Hindi ka sumuko. Tiniis mo ang lahat ng pahirap. Ngayo’y naiisip kita. Sa mga pagkakataong nakakabasa ako ng mga balita sa diyaryo


o nakakapanood ng balita sa telebisyon, tungkol sa mga encounter ng militar at NPA, naaalala kita. Alam ko ang tunay na nangyari sa kabila ng pagtatakip nila. Alam ko dahil nakita kita bago ka ilibing. Nang buksan ang ataul mo ay nakamarka ang kabulukan ng lipunan sa bawat hibla ng laman mong pinaso ng sigarilyo. Nakatatak sa mga sugat mo ang katotohanan, kung gaano kahalaga ang armadong pakikibaka.At muli’t muli, naiisip kita. Iniuwi ka nila dito sa lungsod, nakasakay ka sa kahon, isang ataul na yari sa mumurahing plywood pero kinarpintero at pinatibay ng mga luha’t pananalig, ng mga hinagpis at galit, ng mga ligalig at pag-aalsa. Nakakahon kang iniuwi ngunit ang kaluluwa mo’y malaya. Naglalakbay sa papawirin, sa mga bundok at gubat at batis at sa iba pang lupalop na ni sa hinagap ay hindi narating ng nakakahon kong isipan.


Mga bagay na wala kami

Tag-ulan noon nang magkasakit ang bunsong kapatid naming si Saling. Ilang araw na kaming hindi makapamante ng isda sa ilog dahil bukod sa malalim at mabilis ang agos, ubod pa ng labo ng tubig. Iyon na rin ang dahilan kung bakit noong nilalagnat si Saling, hindi namin dinala sa senter. Malaki kasi ang ilog at baka magiba ng agos iyong bangka naming luma. Ang totoo, dadalhin namin dapat sa senter si Saling. Naroon pa naman sana ang doktor na galing pa sa Maynila. Ang kaso, noong patawid na kami sa ilog, ako, ang ama, ang ina na siyang may kalong kay Saling at si Kuya Lando, ang panganay sa aming tatlong magkakapatid, biglang kinabahan ang ina. Baka raw lumubog ang bangka at tangayin pa kami pare-pareho.


Talagang delikado noon dahil napakalakas ng agos ng tubig. Kung saka-sakaling bumigay ang bangka namin, tatangayin kami ng agos at hindi malalaman kung saan kami pupulutin. Mabuti kung walang mamatay sa amin. Marami nang karanasan dito sa amin pagdating ng tagulan. Maraming nalulunod sa ilog, kahit mga beterano na sa pangingisda.


Mahigit isang buwan nang umuulan noon nang lagnatin si Saling. Noong umpisa’y hindi pinansin ng ina dahil baka konting sipon lang. Hindi pa gaanong malaki ang ilog noon kaya tuloy ang pamamante namin ng isda. Sa maghapon nakaka-mahigit isandaan ang napagbebentahan namin ng ama. Sa gabi nama’y si Kuya Lando ang tumitirada ng pamamante. Mag-isa lang siyang lumalakad. Kahit medyo malabo na ang tubig, tuloy ang pangingisda dahil ito lang ang maaasahan namin. Nangamatay kasi ang mga tanim naming sitaw dahil sobra’ng pagkakababad sa tubig-ulan. Nang hindi bumaba ang lagnat ni Saling, siguro’y mga tatlong araw na siyang nilalagnat, pinasugod ng ina si Kuya Lando sa senter para humingi ng gamot. Ang kaso, sobrang laki na ng tubig at sobrang lakas ng agos kaya delikado nang mamangka. Noon lang din kami nakaranas ng ganoong paglaki ng tubig. Saka kay lalim na ng tubig noon. Madalas kasing kuhanan ng bato ng mga nagku-kwari, ginagawang panambak sa mga kalsada. Hindi na kakayanin ng bangka namin ang lakas ng agos kaya nilangoy na lang ni Kuya Lando. Galit na galit ang ina noon, at pati na rin ang ama. Pero sige pa rin si Kuya Lando. Nagdala siya ng konteyner ng tubig para


siya niyang timbulan. Lumangoy siya sa ilog at nagpatianod sa malakas na sargo ng tubig. Nakarating naman siya sa kabilang pampang. Nakahingi ng gamot sa senter. Binigyan siya ng isang banig ng aspilets. Sabi ng taga-senter para daw iyon sa lagnat ng bata. Nang umuwi si Kuya Lando pinainom kaagad ng ina si Saling ng gamot. Kinagabihan noon kasabay naming kumain si Saling. Hindi pa siya magaling pero nakakapagkuwento na siya. ‘Ala nga lang may gustong makinig sa mga kuwento niya dahil lahat kami’y nag-iisip ng pagkakakitaan dahil hindi na puwedeng mamante sa ilog noon. Masyado nang malaki ang tubig.


Naisipan ng ama na katayin ang aso naming si Rambo. Tutal ‘eka pampadagdag lang sa palamunin sa bahay. Ayaw pumayag ng ina dahil alaga daw ni Saling. “Kow, eh nauubos na ang mga manok natin,” bulyaw ng ama. “Hamo nang maubos,” sagot naman ng ina “‘Pag naman lumiit na ang ilog, eh tuloy naman kayo sa pangingisda. Sa tag-araw makakapagtanim uli tayo ng gulay.” Hindi na nga nakatay si Rambo. Kahit malapit nang maubos ang mga manok namin. Noon kasing panahong iyon, komo nga’t ang lakas ng ulan at malaki ang ilog, at hindi na kami makatawid ng bayan para bumili ng ulam, ang kinakain namin ang mga alaga naming manok sa silong ng bahay. Mabuti na lang at may natitira pang bigas, tira pa noong nakaraang gapasan, nang huling magpakiskis ang ina. Kinabukasan nabalitaan naming may nalunod sa ilog. Si Efren, ang kalaro ko na nakatira sa may hulo. Dumating sa bahay namin si Tata Ilyong noong umaga. Namaybay siya sa masukal na gubat dahil hindi na kayang mamangka sa ilog. Pagdating niya sa bahay namin, ibinalita niyang nalunod nga raw ang anak ni


Amba Momoy na si Efren. Noong gabi raw lumusong ang mag-ama sa ilog dahil lumubog na ang bangka nilang nakatali sa pampang. Inabot na kasi ng patuloy na paglaki ng ilog. Nakapa ni Amba Momoy ang lubid ng bangka na nakabuhol sa lumubog na ring poste. Hinila raw ni Amba Momoy ang lubid at sumiwang nang kaunti ang nguso ng bangka. Umikot si Efren sa may likuran ng bangka para itulak ito habang ang kanyang ama naman hinihila ito paitaas. Nang mapansin ni Amba Momoy na parang bumibigat ang bangka, lumingon ito at doon niya napagtantong kaipala bumigat kasi’y wala nang nagtutulak sa puwitan ng bangka. Tinangay na ng agos si Efren. Hanggang noong umaga raw hinahanap nila.


Noong umalis si Tata Ilyong hahabulin ko sana siya para itanong kung ano na ang resulta ng paghahanap. Kasi kaibigan ko talaga iyong si Efren, kasamahan sa paninirador ng mga ibon sa buhuan. Akmang susundan ko na siya pa-lawasan pero biglang nagtitili ang ina mula sa itaas ng bahay. Sadsad kami ng akyat at nakita namin si Saling na kalong kalong ng ina at nakatirik ang mga mata. “Huwag kayong tumunganga riyan, hindot!,” sigaw ng ina, “Lando, ihanda mo ang bangka at pupunta kita sa senter!” Sinapo ng ama ang noo ni Saling at pati siya’y napahindot na rin. Ang taas kasi ng lagnat ni Saling. Sinapo ko rin ang noo niya pero pinalis ng ina ang kamay ko. “Tulungan mo ang kuya mo sa pag-aayos ng bangka!” sabi ng ina sa akin. Tumatakbong tinungo ko ang ilog at tinulungan si Kuya Lando. Tinalian namin ng mga kawayan ang magkabilang katig para makadagdag sa pangdepensa sa tuwad. Pinagtulungan naming limasin ang tubig sa loob ng bangka. Maya-maya heto na ang ina at kalong si Saling. Ang ama naman nakasunod sa kanila at pinipilit pag-ubrahin ang punit-punit na payong na nang mahipan


nang hangin bumaligtad ng tiklop. Ayos na ang bangka. Sumakay ang ina na kalong pa rin si Saling, at ako nama’y pumuwesto sa may puwitan ng bangka. Kasama kaming lahat dahil ako ang sasagwan, ang ama at si Kuya Lando naman ang maggigiya sa bangka, lalangoy nang nakakapit sa mga katig. Nang medyo mahiwalay kami sa pampang agad na naramdaman namin ang lakas ng agos. Doon na natakot ang ina. Nagdalawang isip siya at sinabing huwag na raw kaming tumuloy at baka nga kung ano pa ang mangyari sa amin. Baka malunod pa kaming lahat. Nang naitali na uli ang bangka, lumusong si Kuya Lando sa ilog. May hawak uli siyang konteyner.


Sinigawan siya ng ina. “Lando! Saan ka pupunta? Bumalik ka rine!” “Susunduin ko ang doktor sa senter!” “Gago!,” sigaw ng ama, “hindi rin makakapunta rito iyon dahil walang bangkang puwedeng tumawid sa ilog!” “Tatawagin ko ang helikopter ng bantay-sakuna! Sasabihin kong mayroong maysakit dito!” Medyo lumalayo na sa pampang si kuya. “Hoy, Lando! Putang ina ka, bumalik ka rine! Landoooo!” Hindi halos marinig ang tili ng ina sa ingay ng malakas na agos. Tiningnan ko si Saling. Ang titig ko’y lumipat sa bangkang nakatali at nahagip ng mata ko ang isa pang konteyner. Dagli kong kinuha ang konteyner at lumusong sa tubig kasunod ni Kuya Lando.” “Hoy, Mulong!,” narinig kong sigaw sa akin ng ama. “Bumalik ka rito, bata ka! Hoy!” Hindi ko na narinig ang mga sigaw nila. Noon di’y nagpatianod na ako sa agos ng tubig. Pero bahagya akong lumingon at nakita kong pinipigilan ng ina ang ama dahil mukhang gusto kaming sundan ni Kuya Lando. Sa loob-loob ko, kapag minalas, apat kaming


malilintikan. Si Saling dahil sa lagnat, si Kuya Lando, ang ama at ako dahil sa kapangahasan. Mabuti na lang at nang lumingon ako uli nakita kong pabalik na sila sa kubo. Malayo na si Kuya Lando. Hindi niya yata alam na sumunod ako sa kanya. Tinawag ko siya pero hindi siya lumilingon. Tinangay ako ng agos. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa konteyner. Habang tinatangay ako ng agos papuntang lawasan panay naman ang sikad ng mga paa ko patawid. Hanggang sa wakas naramdaman ng mga paa ko ang lupa. Konting sikadsikad pa nakalakad na ako, halos magkandarapa ako sa pagtawid sa nalalabing agwat ko sa pampang. Sa pampang nagtatakbo ako papuntang senter.


Bigla akong kinabahan nang malapit na ako sa senter. Ano ang sasabihin ko kay Kuya Lando? Magagalit iyon kapag nalamang sumunod ako sa kanya. Baka suntukin ako noon. Binagalan ko ang lakad ko at habang daan nag-iisip ako ng magandang dahilan ng aking kapangahasan. Nasa tapat ako ng bintana ng senter nang marinig ko ang malakas na boses ni Kuya Lando. “Parang awa n’yo na, nakatirik na ang mata ng kapatid ko.” “‘Yan kasi ang hirap sa inyong mga taga-ibayo. Kung kailan malaki na ang ilog saka pa lang kayo nagkukumahog na magpasundo.” “Kahit ho kami’y doon na lang. Ang importante ho’y ang kapatid naming bunso. Kailangan hong madala rito dahil mataas ang lagnat!” Maraming alingasngasan sa loob ng senter. Palagay ko noon hindi lang iisa ang kausap ni Kuya Lando. Sumilip ako sa siwang ng dingding na sawali. Nakita ko si Kuya Lando. Kausap niya si Konsehala Mercy. Sa isang sulok may mesa at may mga naglalaro ng baraha. “Nasaan po ba ang doktor?,” tanong ni kuya.


“Nasa bahay ni meyor. Naroon din mga ang bantaysakuna, namimigay ng pagkain.” Umikot ako sa likod ng senter at sumilip sa may siwang ng dingding. Nakita kong may natutulog na mama sa papag. Bumalik ako sa harapan at natiyempuhan kong papalabas si Kuya Lando. “Ano’ng ginagawa mo rito? “Sumunod ako sa iyo, kuya,” marahan kong sagot. Hindi siya nagalit sa akin. Nagmamadali siya sa paglalakad. “Halika, samahan mo ako. Pupunta tayo sa bahay ni meyor. Naroon daw ang helikopter ng bantay-sakuna.” Halos magkandatapilok ako sa bilis ng lakad namin.


Malalaki ang mga hakbang ni Kuya Lando. Pero pinilit kong makahabol. Giniginaw ako sa lakas ng hangin. Nangungulubot sa lamig ang mga dulo ng daliri ko. Nang marating namin ang bahay ni meyor, nakita naming maraming tao sa harapan. Sa may tapat niyon, sa bakantang lote mayroong mga trak na may mga guwardyang armado na nakatuntong sa ibabaw. Sa ‘di kalayuan nakadapo ang helikopter, parang isang higanteng ibon na naligaw sa aming bayan. Nakiraan kami sa mga taong nakaumpok sa harapan ng bahay ni meyor hanggang sa mapalapit kami sa bakal na tarangkahan. “Ser,” tawag ni kuya sa guwardya. Kilala ko ang guwardyang iyon. Siya si Vergel, kapatid ni Balat, nakatira sa may hulo pa ng ilog, malapit sa buhuan na madalas naming paniraduran ni Efren. Nagtaka ako kung bakit tinawag ni kuya ng “ser” si Vergel samantalang madalas naming nakakasabay ito sa pamamante noong hindi pa ito kinukuhang bataan ni meyor. “Ser,” ulit ni kuya. Lumingon si Vergel. Ang tingin niya’y parang hindi niya kami kilala. Nakasuot siya ng unipormeng pangarme. May nakabalatay sa kanyang mga bala at sa


balikat may nakasukbit na armalayt. Madiin ang pagsasalita niya. “Kumakain pa ang mga bantay-sakuna. Maghintay kayo. Para kayong mga patay-gutom.” “Ser, magpapasundo ho sana kami ng helikopter. May sakit ho ang bunso naming si Saling. Mataas ang lagnat.” “Hindi para sa inyo ang helikopter na iyan,” sagot ni Vergel sabay nguso sa helikopter na nakadapo sa hilera ng mga trak. “Para iyan sa mga bisita ni meyor.” “Ser, baka ho puwedeng mapakiusapan. Nakatirik na ho ang mga mata ng kapatid ko!” “Putang ina, huwag kang makulit! ‘Pag sinabi sa iyong hindi puwede, hindi puwede!”


Pagkasabi noo’y tumalikod na si Vergel at lumakad patungo sa mesa sa may hardin. Doon may mga nakaupong mga arme rin ang suot. May mga bote ng serbesa sa mesa at may mga nakahaing pagkain. Naghintay kami kasama ng iba pang mga tao sa labas ng bahay ni meyor. Nakipaglaro ako sa mga bata at nilapitan namin ang helikopter. Hinipo ko ang makinis na bakal. Maya-maya nagkagulo ang mga tao. Nag-uunahan sila. Kaipala’y binuksan na ang bakal na tarangkahan. May mga naglalabasang tao, mga magaganda ang mga suot. Kasama nila si meyor at ang asawa nito. Hinawan kami ng mga sundalo at pinapila sa may tabi ng mga trak. Mamimigay na raw ng mga pagkain para sa mga nasalanta ng bagyo. Nakita kong humawak si Kuya Lando sa manggas ng baro ni meyor. Nakiusap siya na baka puwedeng magpasundo ng helikopter sa ibayo. May sakit ang aming bunso. Nakita ko rin ang bahagyang pagtango ni meyor. Nabuhayan ako ng loob. Sa isang trak nagpunta sila meyor. Pina-ayos ang pila ng mga tao. Umakyat sila sa trak. Kasama ni meyor ang kanyang mga bisita na nakabihis ng maayos. May


isang babaeng may edad na, makapal ang palamuti sa mukha, maputi ang suot nitong kamiseta. May isang mamang nakasuot ng puting-puting kamiseta, may katandaan na, mataba at palangiti. Namigay sila ng mga pagkain. Para silang mga anghel. Si meyor, ang kanyang mga bisita, ang asawa ni meyor. Abot-abot sila ng mga pagkain sa mga tao. Panay din ang kislap ng mga kamera. Maya-maya bumaba sila at nahinto na naman ang pamimigay. Nagpunta sila sa may helikopter at doon sumakay ang mga bisita ni meyor. Nahipan ng malakas na hangin ang mukha ko nang umikot ang elisi ng helikopter. Pumailanlang ito at naiwan kaming nakatingin at humahanga.


Pagkaraang makaalis ng helikopter pumasok na si meyor at ang asawa niya sa kanilang tahanan. Hinabol ni Kuya Lando ngunit pinigil siya ni Vergel. “Meyor! Meyor, ang pangako mo sa akin!” “Pagod na si meyor, huwag mo nang istorbohin!,” singhal ni Vergel. “May pangako sa amin si meyor. Sabi niya’y susunduin ng helikopter ang kapatid kong maysakit.” “Engot ka pala, eh. Nakita mo nang umalis na iyong helikopter. Pabalik na iyon ng Maynila.” Tinanaw namin si meyor habang papasok ng kanyang bahay. Sa may pintuan tinapik niya ang isang malaking aso at pagkuwa’y humikab siya t nagkamot ng tiyan. Ang mga arme ang namigay ng pagkain. Isang balutan lang bawat pamilya. Puwedeng dumoble ng hingi basta’t magbabayad ng sandaang piso. Kapag walang ibibigay na pera, isang balutan lang ang ibibigay. Sa halagang sandaang piso puwedeng humingi pa ulit ng isa. Nakita ko si Balat, ang kapatid ni Vergel. Nakasampa siya sa trak at tumutulong sa pamimigay ng balutan.


Malapit nang dumilim nang makabalik kami sa amin. Nanginginig kami sa ginaw dahil parehong basa ang mga suot namin. Hindi kami nakahingi ng pagkain dahil hindi pa raw iskedyul ng mga taga-ibayo. “Magkape muna kayo,� mahinahong sabi ng ama sa amin. Dinatnan namin siyang nakaupo sa hagdan sa may pintuan at naninigarilyo. Umupo si kuya sa tabi ng ama habang ako nama’y umakyat ng bahay. Mugto ang mga mata ng ina habang nagtitiklop ng mga damit ni Saling. Nilapitan ko ang higaan ni Saling. Hindi na nakatirik ang mga mata niya. Nakapikit siya. Sinapo ko ang kanyang noo at napansin kong wala na rin siyang sinat. Nang haplusin ko ang kanyang noo, para akong humipo ng batong galing sa ilalim ng ilog, malamig. Hinaplos ko ang kulot niyang buhok at pagkuwa’y inilapit ko ang aking mukha at hinagkan siya sa magkabilang pisngi.


Inayos ko ang kanyang kumot at bumaba ng bahay. Kalat na ang dilim sa labas. Walang marinig na huni ng mga kuliglig dahil lahat ng tinig nilulunod ng ingay ng agos ng ilog. Pumunta ako sa silong ng bahay para humuli ng manok na uulamin namin.


Pulutan

Tuta pa lang si Doro, alaga ko na. Bigay lang ng kumpare kong taga-Bulakan. Nanganak kasi ‘yung aso niya. Alam niya, mahilig akong mag-alaga ng aso. Bago pa man dumating si Doro sa amin, tatlo na ang aso ko noon. ‘Yung isa, imported, Doberman, ‘yung dalawa naman, lokal lang. Pero kahit lokal ang mga iyon, magaganda ang lahi. Pare-parehong lalake. Hindi kasi ako nag-aalaga ng babae. Problema lang kapag nanganak. Nung dinala ng kumpare ko sa amin si Doro, naging apat na ang aso ko. Okey lang, malaki naman ang bakuran namin. Tuwang tuwa pa nga ang misis ko noon dahil ang cute daw ng tuta, mataba tapos sobrang likot at harot. Pero ganoon naman lagi, kapag tuta pa lang,


maganda pero kapag lumaki na, akala mo asong palengke. Ganoon nga ang nangyari kay Doro. Noong maliit pa, daig ang teddy bear sa kakyutan. Noong lumaki, nagmukhang asong kalye. Malayo ang hitsura sa mga alaga kong iba. Si Doro kasi, maiigsi ang balahibo, payat ang buntot na akala mo lapis na binaluktot, laylay ang isang tenga na hindi ko malaman kung talagang ganoon na siya ipinanganak. Ang kulay ay itim na may batikbatik na brown, parang Dalmatian na peke.


Noong tuta pa lang iyon, siguro mga apat na taon na rin ang nakakaraan, problema talaga namin ‘yon. Kase nginangatngat ang mga tsinelas namin. Pati ‘yung rubber shoes kong padala ng kapatid kong nasa Saudi, hindi nakaligtas. Ngatngat hanggang suwelas. Naiwan ko lang sa may pinto isang gabing umuwi ako ng umuulan. Kinabukasan, goodbye Reebok na. Laki ng galit ko noon. Talagang ‘yung dampot ko na ‘yon ng kahoy, saka ko pinagpapalo. Abot hanggang kalsada ang iyak ni Doro. Ilang araw din siyang pipilay-pilay noon. Sabi ng misis ko, “Dear, dalhin natin sa beterinaryo kase dumudugo ang ilong”. Sabi ko nama’y hayaan nang mamatay. Kapag nabuhay, palakihin lang ng kaunti saka katayin. Pero matibay talaga si loko. Isang buwan lang, okey na ulit. Pero hindi na kumakain ng tsinelas at sapatos. Nagtanda na mula noong pinalo ko. Iba naman ang pinagtripan. Akalain mo ba namang ‘yung mga sinampay ni misis ang napagdiskitahan. Kalalaba lang ng mga kumot namin at kobre kama, medyo basa pa sa pagkakasampay kaya halos sumayad sa lupa. Noong bandang hapon, kukunin na ni misis ‘yung mga sinampay, bigla siyang nagulat dahil nawawala ‘yung kumot at kobre kama. Nang makita namin, tinangay pala ni Doro sa silong ng bahay at ginawang higaan.


Umuusok sa galit si misis noon. Putang ina ‘ikang aso ‘yan. Katayin mo na nga ‘yan. Hanggang sa medyo lumaki na si Doro, hindi kami nawalan ng problema. Pati mga aso kong iba, hindi siya kasundo. Palibhasa, disiplinado ‘yung iba kong aso kaya ayaw sa kanya. Tuwing lalapit siya, inaangilan. Tuwing kainan, madalas si Doro ang nangunguna, tapos hindi pa siya kuntento sa pagkain niya. Kapag nalilingat ‘yung ibang aso, sumisimple si Doro sa kainan nila. Kapag nahuhuli ko, tinatadyakan ko kaagad ng isang matinding tadyak. Mabuti ‘yon para hindi mamihasa. Pero wala talagang dala. Kapag ‘di ako nakatingin, ganon pa rin ang tirada ni loko.


Isa pang naging problema namin, ito’y noong medyo malaki na si Doro, siguro mahigit isang taon na siya noon, kinagat ‘yung anak ng kapitbahay namin. Sa tingin ko, kasalanan ng bata, malamang binato o kaya nama’y inasar niya si Doro. Siyempre, bakit ka naman kakagatin ng aso kung hindi mo ginago. ‘Yung bata kasing iyon, madalas sa bakuran namin. Palibhasa’y marumi ‘yung bakuran nila, kaya sa loob ng bakuran namin naglalaro. Komo nga’t kapitbahay, hindi na siya pinapansin ng mga aso. Siguro pinagtripan niya ‘yung aso. Puta, laplap ‘yung hita ng bata sa tindi ng kagat ni Doro. Hiyang-hiya ako noon sa kapitbahay namin. Ginastusan ko ‘yung pagpapagamot sa bata. Tinahi ‘yung sugat tapos tinarakan ng anti-rabies. Hindi naman kasi nila ako masisisi kasi sila ang may kasalanan. Pumasok sila sa bakuran ng may bakuran. Si Doro naman, hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Tarantado talagang aso iyon. Wala na ngang konsuwelo, puro problema pa ang ibinibigay sa amin. Minsan, tumawag sa akin sa opisina ‘yung panganay kong anak. Nagkataong wala ako noon dahil may iniutos sa akin ‘yung boss ko. Pagdating ko sa office, sabi ng mga kaopisina ko, tumawag nga raw ‘yung anak ko. Tawag naman ako sa bahay.Ang nakasagot, yung bunso


ko. Wala raw doon ang nanay. Tanong ko nama’y nasaaan. Sabi’y nasa ospital daw. Sadsad ako ng uwi. Kabado ako noon. ‘Yun pala, ‘yung anak uli ng kapitbahay namin, kinagat uli ni Doro. Matindi ang kagat kaysa noong nakaraan. Ganito pala ang nangyari. ‘Yung batang kinagat ni Doro, rumesbak. Tumiyempo ng tanghaling tapat dahil alam niyang nasa eskwela ang mga anak ko, tapos si misis naman, naghatid ng mga tinda niyang tocino sa palengke. Pasok ‘yung bata sa bakuran namin at may dala-dalang tirador. Itong bata ngayon, tinirador si Doro. Akala niya kasi, makakaganti siya ng ganon-ganon lang. Iyong takbo ni Dorong iyon, sinugod ang bata at sinakmal sa leeg. Ang nahagip, ang kanang balikat. Iyak si bata. Tapos hinagip naman sa binti. Laplap din. Kagat naman sa braso, lintik, wakwak ang laman. Siguro nakakalimang kagat na nang mapansin ng mga nagdaraan sa kalsada. Iyon, tiyempo namang papauwi na rin si misis dahil malapit lang naman ‘yung palengkeng pinaghahatiran niya ng mga tocino.


Muntik na akong mapaaway noon. Pinagtanggol ko ‘yung aso ko kasi kasalanan naman talaga nung bata. Pero talagang nakakaawa’yung bata. Siguro, mga sampung taon lang iyon. Isipin mo, pinagkakagat ng aso. At hindi lang basta kagat, ha. Talagang wakwak ang mga laman-laman. Ang solusyon, kadena. Itinali na namin si Doro. Pero nagkaroon uli ng problema. Iyong tatay naman ng bata. Pumunta kasi sa bahay para makipag-ayos. Pastor kasi iyon kaya siguro, naisip niya na hindi maganda para sa image niyang relihiyoso ang mayroong kagalit na kapitbahay. Eh, di pumunta nga ng bahay para makipagayos na. Alam niyang nakatali na si Doro kaya kampanteng- kampante siya. Ang hindi niya alam, sa may pintuan namin itinali si Doro. Akmang kakatok na siya nang biglang gumuhit ang hapdi sa hita niya. Si Doro kasi, hindi na tumatahol. Basta na lang nanununggab. Itong kawawang kapitbahay, si pastor, naghumiyaw sa sakit. Putang ina, sa galit siguro ni loko,’yung dampot ng malaking bato, ibinato kay Doro pero hindi tinamaan. Yung bato, tumama sa may bintana, basag ang salamin. Eh, di labasan kami ng bahay para tingnan kung ano’ng nangyari. “Putang ina, ‘yang aso n’yo, kinagat ako!”


Hiyaw ng hiyaw si pastor. Pero hindi naman malalim ang kagat. Naayos din namin sa barangay captain. Nagbayad ako ng apat na libo. Kung tutuusin, panalo ako sa usapan dahil nakatali naman ‘yung aso ko. Wala akong kasalanan. Siya itong may kasalanan dahil alam na niyang may aso kami, hirit pa rin siya ng pasok. Pero, alam mo, ayoko ng marami pang usapan kaya nung nagbanggit na siya ng pera, tinanong ko kaagad kung magkano. Dalawang libo raw. Binigyan ko ng apat na libo para matahimik na. Sabi ko nga, ayoko ng marami pang usapan.


Minsan, pagkagising ko sa umaga, lumabas ako para kunin sa may pasamano ‘yung rasyon ng diyaryo. Napansin ko agad ang kainan ni Doro. Puno ng pagkain. Naisip ko, bakit hindi kumain ito? Nilapitan ko at tinapik sa ulo para malaman kung may sakit. Paro masigla naman at mukhang wala namang sakit. Bigla kong naalala na ako nga pala ang nagpakain sa mga aso noong nagdaang gabi. Natatandaan ko, pinanood ko si Doro habang kumakain. Nagtaka ako kung bakit may pagkain sa kainan ni Doro. Nagduda na ako. Sinipat ko ‘yung pagkain, inamoy-amoy ko. Puta, amoy betsin. Aba, nilagyan ng sangkatutak na betsin. Nangingislap nga ang ibabaw, eh. Buti na lang, hindi kinain ni Doro. Matalino si loko. Mula noon, nirespeto ko ang talino ni Doro. Naisip ko, ibang klaseng aso ito, ah. Mula noon, tinatapik-tapik ko na si Doro. At para asarin ‘yung kapitbahay namin, dahil siya lang naman talaga ang magtatangkang lasunin si Doro, naglagay ako ng sign sa may gate ng bakuran: MAG-INGAT SA ASO. HUWAG TANGKAING LASUNIN ANG ASO DAHIL MABIBIGO LANG KAYO. Siguro, laki ng asar ni pastor nang mabasa ‘yung notice. Tawa lang ng tawa ‘yung misis ko. Kase alam niya rin na ‘yung kapitbahay namin ang may pakana ng paglason.


Magbebertdey ako noon. Kinakantyawan ako sa trabaho. Kailangan daw na bumaha ng beer sa amin. Ako naman, napatango. Siyempre, mahirap nang tumanggi sa kantyaw. Alam mo naman tayong mga lalake, pagdating sa ganyang mga inuman, kapag nagkantyawan, kahit ipangutang ko na kung wala akong pera. Lunes ang birthday ko pero itinaon na namin ng Linggo para walang pasok sa trabaho.


Ayoko na sanang katayin si Doro kase medyo wala nang problema dahil nakatali na siya noon. Kaya lang, kasubuan na. Maaga pa lang ay nasa amin na sina Pareng Jules at Robert. Pinawalan namin si Doro. Takbo si Doro sa bakuran. Maya-maya ay tinawag ko. Lapit si Doro sa akin, naglulundag. Tinapik-tapik ko sa ulo. Hindi niya alam, nasa likod niya si Pareng Robert, may hawak na kahoy. Pinalo ni Pareng Robert sa ulo. Hindi napuruhan, pero lumawit ang dila ni Doro. Malalim ang ungol at basag ang tahol. Tinangka ni Dorong sakmalin ang braso ni Pareng Robert. Sabi ko na, matalino si Doro at alam niya na ang braso ang kailangang sakmalin dahil ito ang may hawak ng kahoy. Nakaiwas si Pareng Robert. Si Pareng Jules naman, may hawak ding kahoy, hinampas si Doro sa ulo. Hindi na naman napuruhan. Basag ang tenga at sumasargo na ang dugo sa lupa. Magkahalong ungol at tahol ang pinawalan ni Doro. Hindi pa rin siya nanlulupaypay. Alam niya na kailangan niyang manlaban. Kahit halos basa na ng dugo ang buong ulo, umiiwas pa rin siya sa mga hampas. Nanlalaban pa rin. Andami nang tama, sa katawan, sa ulo, sa paa. Abotabot pa rin ang iwas nina pare sa mga sakmal ni Doro. Siguro natantya ni Doro na wala na siyang laban. Tumakbo siya sa likuran ko at doon nag-uungol.


Nakalawit ang dila sa gilid ng bunganga pero malalim ang ungol. Nakita niyang papalapit si Pareng Jules, kaya ang ginawa niya, nagsumiksik sa paanan ko. Gusto niya yata, ipagtanggol ko siya,. Tinadyakan ko si Doro at sabay alis ako sa kinatatayuan ko para makabuwelo si Pareng Jules. Siguro nagulat si Doro. Nagkatinginan kami. Hindi niya inda ang paglapit ni Pareng Jules. Siguro sa tinginang iyon, noon pa lang niya naintindihan ang lahat. Hindi na siya umiwas sa hampas ni Pareng Jules. Isang palo, sa may bandang nguso, patay si Doro. Umuusok ang kaldereta sa bakuran. Inuman, kainan, tawanan. Nakaligtas ako sa kantyawan.


Tinatanong mo kanina kung hindi ba ako kumakain ng aso. Nagtataka ka siguro kung bakit hindi ako namumulutan. Puro mani lang itong nilalantakan ko. Ang totoo, pare, hindi na ako kumakain ng aso. Ano’ng oras na ba? Maaga pa pala. Umorder pa tayo ng isang round bago umuwi.


I. Usapang Bugoy ‌kung saan mapapatunayan na lahat ng tao dumaan sa pagkabata; masakit mabato ng chalk sa ulo; at hindi baliw si Tony. Ano ang pinakamalalang kalokohang ginawa mo nung hayskul? Nagnakaw ng bolpen, notebook, libro, pera? Naglagay ng thumbtacks sa upuan ng titser? Naglagay ng butiki sa loob ng uniporme ng kaklase mong sipsip? Cutting-classes? Bulakbol, nood ng sine, inuman, gimik? Uminom ng Baygon? Oks lang. Lahat naman tayo eh. Lahat tayo maraming kalokohan noong bata, nababawasan lang habang tumatanda, nakakalakhan. At lahat tumatanda. Hindi mapipigilan ang pagdating ng panahong pati bisyo at masasamang ugali, pinagsasawaan. Lahat, pinagsasawaan, nakalalakhan, hanggang sa maiwan kasama ng mga dumaang taon. Batas na ito ng lahat. Walang sinuman ang libre, maliban na lang sa mga baliw at manhid. Hindi ito kabaliwan, ito ang normal.


At ito ang sigurado: hindi baliw si Tony. Sisiga-siga, campus bully, pero hindi baliw. Uulitin ko, lahat ng tao, dumaan sa yugto kalokohan, na kakambal ng paglaki. Ito ang normal nagyayari sa lahat ng tao, sa lahat ng lipunan mula sa pagkapanganak ng lumang mundo, hanggang kasalukuyan.

ng na pa sa

Kung tutuusin, mahirap ang maging teen-ager. Nasa yugto ka ng di mo halos maintindihan kung ano ang dapat mong gawin. Kung saan-saan nanggagaling ang pressure. Magulang, barkada, eskuwelahan, atbp. At madalas, wala kang matakbuhan sa mga panahong nilalamon ka ng problema habang binabaybay ang landas ng tama’t mali. At sa malungkot at mahirap na biyahe ng buhay, nabubura ang pagkakaiba ng mali sa tama. Ang buong krisis na ito ng paglaki, puberty blues ang tawag nila. Sa mga yugtong iyon, ang mga kabataan, kanyakanyang hanap ng solusyon sa inip, lungkot, takot, kalituhan, at sa iba, libog. Bilang tugon sa lumalalang krisis ng paglaki, yung iba, nagrerebelde sa magulang, nagpapatugtog ng maingay, gumagamit ng droga, umiinom ng alak, nanggugulpi, nakikipag-away. Ang lahat ng ito, at marami pang “masasamang� bagay na


ginagawa ng mga kabataan, ang ibig kong sabihin ng KALOKOHAN. Sasabihin ko uli: KALOKOHAN. Mula sa salitang: LOKO, ibig sabihin, gumagawa ng mga bagay na taliwas sa standard na itinakda ng moralista nating lipunan. Muli, lahat tayo naging maloko, sa iba’t-ibang yugto ng buhay natin. Kalokohang iba-iba ang saklaw at lalim. Normal lang ito, hindi kabaliwan.


Kaya hindi mo masasabing baliw si Tony, lalo na noong mga oras na iyong tahimik siyang nakaupo sa upuan niya, na hawak-hawak ang kapirasong chalk, at nagpapanting ang mga tenga sa galit. Okey, sabihin na nating, yung iba, lumalampas, umaabuso, grabe ang saklaw ng kalokohang ginagawa. Tulad halimbawa ni Tony. Sa edad niyang katorse, marami na siyang babaeng pinaiyak. Niligawan, hinalikan, nilamas, kinantot, iniwan. Matinik siya sa chicks, isang certified campus playboy. Isa sa mga kalokohan niya ang babae. Bukod dito, kalokohan niya rin ang maghanap ng away. Marami na siyang ginulping mga ka-edad niya. Yung iba may mga atraso, yung iba mga napatingin lang ng masama sa kanya at nagkataong mainit ang ulo niya. Yung iba, walang dahilan, gusto niya lang manuntok. At marami na rin siyang ninakawan ng libro at bolpen. Isa siyang malokong bata. Maloko, oo, baliw, hinde. Ikumpara mo si Tony sa kaklase/barkada/sidekick niyang si Aljoy. Si Aljoy, maloko din pero walang syota. Madalas niyang kasama si Tony sa panggugulpi ng mga mas maliit sa kanila pero pagdating sa babae, walang


alam si Aljoy. Ang kalokohan ni Aljoy, hanggang away lang, di kasama ang pambababae. Magkaiba ang saklaw ng kalokohang ginawa ng magkaibigan noong mga bata pa sila. Kaya nga masasabi nating iba-iba ang saklaw ng kalokohang pinagdaanan ng lahat. May mga maloko sa babae. May mga mahilig sa away. May mga tomador at adik. Kanya-kanyang trip. Sagot sa puberty blues! Kabaliwan? No way! Hindi baliw si Tony noong mga oras na iyong hawakhawak niya ang chalk at nagmumuni-muni habang tahimik na naka-upo sa puwesto niya. Tumatagaktak ang pawis sa noo niya, init na init ang katawan bagamat malamig na ang klima dahil sa nalalapit na kapaskuhan.


Nakatitig siya kay Floren na nakatayo sa harap ng blackboard, hawak ang ruler sa isang kamay, tinuturo habang binibigkas ang mga simbolo ng kemikal sa periodic table of elements. Tahimik ang buong klase. Inaantok pa ang karamihan sa mga estudyante. Ang mahinang ugong ng mga bentilador, ang pantay at walang-damdaming boses ni Floren habang mahinang bumibigkas, ang mahinang tikatik ng dulo ng ruler kapag tumatama sa blackboard, ang mahihinang ugong na pang-umaga, lahat ng ito nagdaragdag ng antok. Maaga pa. First period. Pwede pang pasimpleng yumuko, pumikit, ituloy ang mga panaginip na kinitil ng alarm-clock kanginang umaga sa malambot na kama. Kaya matagal bago nakapag-react ang lahat. Basta narinig na lang ng lahat ang mahinang mga hikbi ni Floren. At napansin nilang may ilang minuto na ngang tahimik siya sa harap, di sinasabayan ang chorus ng mga mapangheleng bentilador. —kung sinuman ‘yon, umamin ka na, sabi ni Floren sa pagitan ng mga hikbi. Di pa nakapag-react agad ang lahat. Napatingin kay Floren, nagtataka. Bakit siya umiiyak? Ano’ng nangyari?


Noong oras na iyon, pati pala ang teacher, tulog din at naalimpungatan. —What is going on here?, naalimpungatang tanong ng teacher. Ang lahat ng estudyante, nagtataka, nagtitinginan. Maliban kay Tony, na wala pa ring kakilos-kilos sa kinalalagyan niya. Namumula ang buong mukha niya sa galit, nakakuyom ang mga kamay. —What’s wrong, Floren?, tanong ng teacher sa umiiyak na si Floren —May nagbato po sa akin ng chalk, sagot ni Floren. —Sino?, tanong ng teacher. Tumingin muna si Floren sa kinauupuan ni Tony bago sumagot.


—Di ko po nakita. Nakatingin po ako sa blackboard. —Whoever that is, pleeeease come forward!, sigaw ng teacher. Walang kumikibo. Walang alam ang lahat. Lahat nagtataka. Sinong gago’t walang puso ang mangangahas batuhin ng chalk ang kaklase niyang kasalukuyang nagre-recite sa harap ng teacher? Sinong baliw ang gagawa ng ganitong klaseng kabulastugan? —Kung sino ka man, umamin ka na, ulit ni Floren sa nagtatakang klase. Di kumikilos si Tony, nakatitig pa rin kay Floren. Hawak niya sa isang kamay ang kaputol ng chalk. Nagpupuyos sa galak ang isang bahagi ng utak niya. Sumisigaw ng mga presko’t malulutong na mura ng pagkagalak. Parang nalalasing sa tinamong tagumpay. Walang humpay ang pagsigaw ng utak. —Tangina mo, you selfish bitch! Tangina kang mayabang kang hayup kang walng utak tangina kang bilat yawa masarap ka lang pagkakantutin at itapon at duraan at sagasaaan putanginaka! —Kung sino ka man, you are one bad loser not fit to join the decent human race! Sigaw ng teacher.


—YOU BELONG TO THE ANIMAL KINGDOM!!!, dagdag pa niya, di naisip na lahat naman ng tao, magkakasama sa animal kingdom. Lahat napatingin kay Tony. Siya ang campus bully. Di niya kailangan ng dahilan para gawin ang ginawa niya, at lalong di niya kailangan bigyang katwiran kung anuman yon. Malamang naiinip siya at kailangan niyang may apihin para magkakulay ang araw niya. Ilang minutong nakatingin ang lahat kay Tony, tapos marahan siyang tumayo. Nagtama ang mga mata nila ni Floren. Marahan siyang lumakad palabas ng classroom. Sugat ang grado niya pero hindi ang pride. Siya ang hari ng kampus, king of sex and juvenile violence, matinik sa babae’t malupit sa kaaway, walang pasensya sa mga di kumikilala’t rumerespeto, walang kinatatakutan. Lahat takot sa kanya. Sa labas, habang naninigarilyo sa tabi ng tindahan, nagtaka si Tony kase sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng panghihinayang.


II. Girl Power ‌kung saan masasabing ang nakakatawa sa iyo ay masakit sa akin; bagamat masakit mahataw ng walis tambo sa ulo, mas masakit ang mapagtawanan; at likas na matapang ang mga babae. Paglaki niya, marami siyang lalakeng pasasayahin at paluluhain. Darating ang panahon, maraming magigilas na kalalakihan ang mababaliw, luluhod at iiyak sa paanan niya. Darating ang araw, paaandarin ng mahinang bulong niya ang mga makinarya ng kapangyarihan sa bansa. Pero matagal pa iyon. At di niya alam na balang-araw, ganoon ang mangyayari. Di mahalaga ang bukas. Ang ngayon ang mahalaga. Ngayon, may nakasalang na usapin sa harap niya, kailangang harapin, sa abot ng kanyang kakayanan. Kailangan ang kagyat niyang pagdedesisyon, bago lumala ang sitwasyon. Badtrip talaga ang araw na ito para sa kanya. Nag-umpisa ang umaga niyang medyo makulimlim ang araw at tinatamad siyang pumasok. Tinawagan niya ang daddy niya sa intercom, kasalukuyan itong nasa


ground floor sa appliance store na pag-aari ng pamilya nila. Sinubukan niyang daanin sa sakit-sakitan, kunwari may sakit siya. Sinabi niya sa abala niyang ama na bukas na siya papasok. Hindi maaari, sagot ng ama, kailangang pumasok. Pagdating sa pag-aaral, hindi niya nadadaan sa lambing ang ama. Lalong nagdilim ang panahon. Namimigat ang katawan niyang bumangon.


Padabog siyang nagtungo sa dining room, pasalampak na naupo sa hapag, pasigaw na humingi ng orange juice sa yaya niya, pinaglaruan ng tinidor ang pritong itlog sa plato, kumagat ng tinapay, sumipsip ng juice, sinigawan ang katulong dahil naalala niyang nagrequest siya ng longganisa ngayon pero wala siyang nakikitang longganisa sa mga nakahain sa hapag, sumimangot, padabog na nagtungo ng banyo, naligo, lumabas ng banyo’t pumasok sa kuwarto niya, nagbihis ng uniporme, tinawagan ang bestfriend niyang si Helen at tinanong ang mga librong kailangnang dalhin, kinuwento niyang naaasar siya sa kaibigan nilang si Jennifer. Sa baba, naghihintay ang drayber na maghahatid sa kanya sa eskuwelahan. Hinagilap niya ng mata ang daddy niya sa palibot ng tindahan pero di niya nakita. Nakita niyang palapit sa kanya ang secretary ng daddy niya. Sinimangutan niya ito. —Nakaalis na ang daddy mo, nagpunta sa meeting, sabi ng secretary, sabay abot ng pera. —Heto ang baon mo. Lalong nagdilim ang panahon. May ilang madalang na patak ng ambon na tumama sa mukha niya habang binabaybay ang driveway patungo sa nakaparadang


sasakyan. Sinigawan niya ang drayber dahil di siya sinalubong ng payong, paano na lang kung magkasakit siya? Di ba naisip ng drayber yun? Isusumbong niya ang walang utak na drayber sa daddy niya mamayang paguwi niya. Napailing ang drayber. Isa lang itong tipikal na araw sa buhay ng batang laki sa layaw. Pagkatapos ng flag ceremony, nag-speech ang kanilang prinsipal. Nadagdagan lalo ang kabadtripan niya. Kung hindi dahil sa speech, nakabalik na sila sa kani-kanilang klasrum. Gusto na niya sanang umupo, nangangawit na siya sa katatayo. Bakit kailangang sa dinami-dami ng araw, ngayon pa nag-speech itong hampaslupa nilang prinsipal? —Helen, paypayan mo nga ako, paangas na sabi niya sa katabing si Helen.


Pinaypayan siya ni Helen pero naiinitan pa rin siya. Walang epekto ang mabilis at natatarantang pagkampay ng mga yayat nitong bisig. —Lakasan mo! Para ka namang walang makain niyan eh! Lalo pang binilisan at nilakasan ni Helen ang pagpaypay. Kasabay ng pagdidilim ng panahon, dumidilim din ang paningin niya. May nag-abot sa kanya ng notebook, basahin niya raw ang nakasulat sa cover sa likod, sabi ng nag-abot. Babaligtarin na niya ang notebook para tingnan kung ano ang nakasulat sa likod nito nang may biglang umagaw nito sa kanya. Nagpanting ang mga tenga niya. Tiningnan niya kung sino ang umagaw sa hawak niya. nakita niyang isa ito sa mga hampaslupa niyang kaklase. Di niya alam ang pangalan. —Ibalik mo sa akin yan!, sigaw niya. —Akin ito, nanginginig na sagot nito sa kanya. Mahigpit na hawak ang notebook, tumalikod ito’t tahimik na naglakad palayo, sa may dulo ng pila. Tinandaan niya ang hitsura nito. Maliit, marusing, mukhang hampaslupa.


Nang sa wakas natapos ang speech ng prinsipal at naghahanda na ang mga estudyanteng nakapila para organisadong magpasukan na sa kanya-kanyang mga classroom, pasimple siyang lumapit sa kaklase niyang umagaw at umangkin kanina sa hawak niyang notebook. Nakatalikod ang kaklase niya at walang kamalay-malay. Tinulak niya ito at inagaw ang notebook na nabitiwan. Agad niyang binaligtad at binasa ang nakasulat sa likod. Nanlisik ang mga mata niya sa nakita. Paglaki niya, marami siyang lalakeng pasasayahin at paluluhain. Darating ang panahon, maraming magigilas na kalalakihan ang mababaliw, luluhod at iiyak sa paanan niya. Pero matagal pa iyon. At di niya alam


na balang-araw, ganoon ang mangyayari. Di mahalaga ang bukas. Ang ngayon ang mahalaga. Ngayon, may nakasalang na usapin sa harap niya, kailangang harapin, sa abot ng kanyang kakayanan. Kailangan ang kagyat niyang pagdedesisyon, bago lumala ang sitwasyon. Palalampasin ba niya ito o papatulan? Di na siya makapag-isip dahil nag-uumapaw na ang galit niya sa dibdib. Ibinato niya ang notebook sa kaklase nyang tila naihi sa takot. Pinulot ng isang estudyante ang notebook at binasa nang malakas ang nakasulat sa likod. Nagtawanan ang lahat nang nakarinig. Nagtuksuhan. Nagtilian. Nagpalakpakan. Nagkantyawan. Di nagtagal, alam na ng buong kampus ang sanhi ng maliit na kaguluhan sa isang sulok ng school ground. Nakitukso na pati higher years. Nagdilim ang paningin niya. At mula sa ubod ng sikmura, gumapang paakyat sa utak at lumabas sa bibig niya ang tili ng poot. Inagaw niya notebook sa may hawak nito at pinagpupunit niya habang sumisigaw. Natigil ang kantyawan. Tanging tili niya at sagitsit ng papel na pinupunit ang maririnig sa buong nagmamasid


na eskuwelahan. Nang magkagutay-gutay ang notebook na hawak, bumaling ang tingin niya sa hampaslupang may kagagawan ng kahihiyang inabot niya mula sa buong populasyon ng eskuwelahan. Naka-amba ng suntok ang mga kamao, sinugod niya ito. Mariing dumapo sa mukha nito ang mga kaliwa’t kanang suntok niya. gumulong ito sa lupa. Pinagtatadyakan niya ito sa katawan habang gumugulong palayo sa kanya. Nagmakaawa ang Ilang hakbang ang layo mula sa kanya, nakangising nanonood sa pangyayari ang school janitor, hawak sa isang kamay ang walis tambo. Patakbo siyang lumapit sa janitor, Inagaw ang hawak nitong walis at binalikan ang kaaway. Ngnuit nakabangon ito mula sa pagkagulapay sa lupa. Hinabol niya ito.


.Nag-umpisa ang habulan mula sa Grade Four area, umikot sa lower years, sa may Kindergarten, sa may pagi-pagitan ng mga nakapilang mag-aaral, tumuloy sa may itaas ng ground sa may high school area, ilang ulit na umikot ng high school area, inabutan niya ang hinahabol dahil nadapa ito, pinagpapalo niya ng hawakan ng walis tambo sa ulo, dinig na dinig niya ang malulutong na tama ng yantok sa matigas nitong bungo, pero nakabangon uli’t nakatakbo, hinabol niya ulit, pumasok at lumabas sa magkabilang pintuan ng canteen, nadapa’t gumulong kasama ng mga hugasing mga pinggan, bumangon at muling tumakbo, sabay bumalik sa grade school area, sa may hilera ng classroom ng mga grade six, tapos grade five, hanggang makabalik sa tapat ng classroom nila sa grade four. Dito niya ito ginulpi ng husto gamit ang walis tambo. Habang nagaganap ang habulan at bugbugan, humahalakhak ang buong eskuwelahan. Para sa mga nakakasaksi, isang nakakatawang pangyayari ang pagaaway ng dalawang bata. Isang lalake at isang babae. Mas malaki at mabulas itong si babae, maliit at payatot naman itong si lalake. May hawak na walis na panghampas si babae, namumula naman ang mga braso ni lalake sa kakasalag ng palo.


Pagbalik ng naghahabulan sa may grade four area kung saan halos malumpo si lalake, nang sumasargo na ang dugo sa ilong nito, saka pa lang parang natauhan ang buong eskuwelahang kangina lang panay ang cheering sa nagaganap na eksena. May umawat sa pagwawala ng babae. May mga bumitbit sa lupaypay na katawan ng lalake. Nagsermon ang prinsipal tungkol sa naganap. Nagbubulungan ang mga estudyante habang papasok sa kani-kanilang classroom. Hindi ito araw-araw nangyayari sa pribado, mamahalin, at saradong katoliko nilang paaralan. Kahit gumaling na ang mga sugat ng batang binugbog, ilang taon niya ring mapapanaginipan ang pangyayari. Laging laman ng mga bangungot niya ang mariing katok ng yantok sa ulo niya, ang mga suntok sa mukha niya, ang mga sipa at tadyak sa katawan niya, at higit sa lahat, ang maingay at nangungutyang halakhakang nagsilbing soundtrack ng buong pangyayari. Lilipat na siya ng eskuwelahan matapos ang insidente. Magbabago ang pananaw niya sa buhay. Magbabago ang ugali niya. Ang lahat ng pagbabagong ito, nakaugat sa pagkamulat niya sa mga aral na natutunan niya mula sa masaklap niyang karanasan. At kahit dumating pa ang panahong kahit peklat ng mga sugat niya di na maaninag, maririnig niya pa rin ang


malutong na tawanan. Pinakamalala ang epekto sa kanya ng tawanan. Dahil hanggang ngayon, makalipas ang maraming-maraming taon, hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang nakakatawa sa pangyayaring iyon.


III. Lason ‌kung saan patutunayang mga sira-ulong ama lang ang papayag na ipadala ang mga anak nila sa digmaan, lalu na’t digmaang pakana ng U.S. at puppet nating gobyerno; hindi laging mapagpalaya ang katotohanan; at maraming problema sa mundo. Binomba ang tiyan mo para isuka mo ang lasong ininom. Isa ito sa mga tanong na hahanapan ko ng sagot hanggang sa mamatay ako. Bakit mo ginawa yun? Bakit ka uminom ng lason? Ako ba ang dahilan? Ano ba ang atraso ko sa yo? Bakit di mo ko kausapin?

IV. Second Chance ‌kung saan ilalarawang sa buhay na ito, di laging nagkakaroon ng pangalawang pagkakataon; tanga


lang ang umiibig; at gago lang ang hindi. —Isa lang ang masasabi ko sa iyo, anas ko, matapos ang medyo mahabang espasyo ng katahimikang nag-ugnay sa amin. —Ano?, tanong niya. Humigop muna ako ng kape bago sumagot. —Maganda ka pa rin hanggang ngayon. Napangiti siya. Anumang pilit ko, di ko makuhang nguniti. Litonglito ako, di ko nga maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Nagtatalu-talo ang magkakasalungat na damdamin sa loob ko. Inis at tuwa, pananabik at panghihinayang, panatag at inip. Hanggat maaari, ayoko ng ganitong pakiramdam. —Salamat, sagot niya. Nagsindi ako ng yosi at pinanood ang paghigop niya ng kape. Walang expression sa mukha ko. Kagabi pa ako nag-iisip ng kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Di ako nakatulog, pinuyat ako ng masasamang pangitain. At maya’t maya, kinakalabit ko’t kinokonsulta ang munting listahang notebook ko sa utak,


nanghihingi ng mga bagay/ideas/subject na puwede kong sabihin. Blanko ang listahan ko. Wala akong naisip kahit isa. Kagabi pa. Heto ako ngayon sa harap niya. Mauupos na ang pangalawa kong sigarilyo at mauubos na ang mga kape namin, wala pa rin akong maisip na anumang bagay na puwedeng pagsimulan ng kahit walang lamang kuwentuhan. Anumang bagay na maaaring pag-usapan nang mabasag ang katahimikan. —Siguro hanggang ngayon, galit ka pa rin sa akin, biglang sambit niya. Na ikinagulat ko. —Bakit naman? Wala ka namang atraso sa akin eh.


—Meron. At di ko makakalimutan iyon. —Ano yun?, tanong ko. Naramdaman ko ang untiunting paggapang ng kilabot sa katawan ko. —Alam mo na yun. Yung bata pa tayo. Sorry ha. Di ko alam ang isasagot. Tumahimik na lang ako. Naghintay, nakiramdam. Baka may iba pa siyang gustong sabihin. Mahabang katahimikan ang sumunod. Mabuti na lang naalala kong di ko pa pala siya kinukumusta ngayong gabi. —Kumusta na?, tanong ko. —Mabuti naman, sagot niya. Ikaw? —Ok lang. Mahabang katahimikan ang sumunod. Matapos ang standard na kumustahan, ano ang kasunod? Habang nag-iisip ng sasabihin, walang humpay ang sisi ko sa sarili kung bakit pumayag akong makipagkita sa kanya. Gago talaga ko. Para kong walang pinagkatandaan. Bilang pakonsuwelo sa sarili, iniisip ko na lang na mabilis ang pangyayari, di ko napag-isipan, nakagawa ako ng maling desisyon. Bakit? Isa iyan sa mga tanong na hanggang pagtanda ko, hahanapan ko ng sagot. Sisihin natin ang sitwasyon kahapon.


Kahapon ng umaga, galing ako sa klase. Kakagising ko lang mula sa mahabang lecture ng professor naming matanda. Pasakay na ko ng jeep nang may tumawag sa akin. Nakilala ko siya agad. Parang di siya tumanda. Pinalampas ko ang jeep. Nagkuwentuhan kami sandali sa waiting shed. —Kumusta ka na?, tanong niya. —Ok lang, sagot ko. Nanginginig nang bahagya ang kamay ko nang magsindi ako ng yosi. —Dito ka ba nag-aaral?, tanong niya. Tango lang ang sagot ko. Katahimikan. Makalipas ang ilang minutong walang salitaan, tumingin siya sa relo niya.


—May klase pa ko, sambit niya. —Gusto mo, magkita tayo bukas ng gabi. Magkape tayo, kuwentuhan, catch-up sa mga pangyayari. Tagal nating di nagkita ah. —Ok, sagot ko. Pinara niya ang paparating na jeep. —Sige, kita tayo dito bukas ng gabi, mga alassiyete, kung ok lang sa ‘yo. Tumango ako. —May bagong bukas na kapihan diyan sa labas ng university. Doon masarap magkwentuhan. Tumango ako. Sumakay na siya ng jeep. Kumaway sa akin sa bintana. Malayo na ang sinasakyan niya, nakatingin pa rin ako. Tapos buong hapong sumakit ang ulo, buong gabing napuyat, at nagsuka at nag-LBM kanginang madaling araw, at buong maghapong nilagnat, at hanggang sa sumapit ang gabi at nagkita kami at heto ko ngayon sa harap niya, iniisip kung ano ang sasabihin, habang sa kabilang banda nagsisisi kung bakit pumayag akong makipagkita sa kanya. —Magkuwento ka naman, sambit niya. Na muli,


ikinagulat ko. Unti-unting nagkakaroon paghahanap ng sasabihin.

ng

pressure

ang

Matapos ang isang sobrang habang katahimikan, dinampot niya ang bag niya sa mesa, tahimik na tumayo, tumalikod, humakbang palayo. Tungo ang ulo ko, di ko hinatid ng tingin ang paglayo niya. Maya-maya, narinig ko ang pabalik niyang hakbang, ang pag-upo niya sa bangko. Tapos, ang malumanay na pagsasalita. —Di ko alam kung ano’ng trip mo. Di ko alam kung galit ka sa akin o ano. Kung anuman ang atraso ko sa iyo, humihingi ako ng tawad.


Nagsindi siya ng yosi. Humitit ng malalim at tinuloy ang pagsasalita. —Sorry kung naabala ko ang schedule mo. Akala ko kase… —Akala mo ano?, tanong ko, kunwari naiirita. —Wala. May gusto lang akong sagutin sa sarili ko. —Ano yun?, tanong ko ulit, di nagbabago ang tono. —Gusto kong sagutin yung matagal ko nang tinatanong sa sarili ko. —Ano nga yun? Mahabang katahimikan. Palitan kami ng buga ng yosi. —Kung mahal pa kita, sambit niya. Napalunok ako ng laway. Nagulat ako pero ayokong ipahalata. —At ano naman ang sagot ng sarili mo sa tanong mo? Nang tinanong ko sa kanya ito, at tumingin siya sa akin, sa pagtatama ng mga titig namin, napagdesisyunan ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat, mapasa-akin lang siya uli. Noong saglit ding iyon, naisip kong siya pala ang kulang sa akin na matagal ko


nang hinahanap. Ngumiti siya sa akin. At naisip ko, handa akong magbayad kahit magkano, para sa ngiting iyon. At nagulat ako sa mahina pero bigla niyang pagtawa. Tumingin siya sa akin, umiling, pumihit, tumayo, at tuluyan nang humakbang palabas, palayo. Hanggang ngayon, makalipas ang maraming taon, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon. At naisip ko, gagawin ko ang lahat, magkabalikan lang kami. Siyempre, di ko alam noon na iyon na pala ang huling pagkakataong makikita ko siya. Nang malapitan. Di ko rin alam na darating ang panahon, sa TV ko na lang siya mapapanood, tropeo ng pulitikong ibinoto ko sa puwesto.


Tumingin pa siya sa akin nang nasa labas na siya, medyo pinalabo ng maalikabok na salamin ng cafeteria. Hanggang sa hindi ko na kinaya ang sitwasyon. Mabilis akong tumayo’t lumakad palabas, sinundan siya. Pero nakasakay siya agad ng taxi. Naiwan akong parang timang na nakatitig sa kawalan.

V. Mga Trahedya Sa Makulay na Buhay Ni Floren ‌kung saan patutunayang hindi baliw ang lahat ng Sisa. Paglaki niya, marami siyang kalalakihang pasasayahin at paluluhain. Darating ang panahon, maraming magigilas na kalalakihan ang mababaliw, luluhod at iiyak sa paanan niya. Darating ang araw, paaandarin ng mahinang bulong niya ang mga makinarya ng kapangyarihan sa bansa. Pero matagal pa iyon. At di niya alam na balang-araw, ganoon ang mangyayari. Di mahalaga ang bukas. Ang ngayon ang mahalaga. Sa murang edad, nakita niya kung paanong sa isang


iglap, pwedeng mawala ang anumang mayroon ka. Tulad halimbawa ng nangyari sa kanila ng daddy niya. Parang kailan lang, magdamag na umuugong ang aircon sa kuwarto niya, pinaghehele siya hanggang sa makatulog, mistulang kalmadong tibok ng puso ang walang humpay na pagbulong ng makina nito, habang hinihingahan ng malamig na hangin ang buong gabi. Ngayon, mga ugong ng naglipanang lamok ang kasama niya sa pagtulog sa papag na sa umaga’y nagsisilbing estanteng lagayan nila ng tinitindang segunda-manong mga transistor.


Mabilis ang andar ng panahon. Lagi niyang napapansin ang bilis ng pagpapalit ng litrato ng buwanang kalendaryo, at di na siya nagugulat kung ubos na pala, wala nang pahinang kasunod, lumipas na naman ang panibagong taon. At maaalala niya ulit ang dati. Noong bata pa siya. Ang mga handa nila kapag New Year, at mapapailing siya kapag sumagi sa ala-ala ang spoiled brat na siya noong araw, kung paano siya magtitili at magisisigaw kapag hindi naibigay ang hinihingi, kung paanong natataranta ang lahat kapag may sumpong siya. At di niya maiwasang maikumpara ang batang iyon sa sarili niya ngayon, ilang taon ang lumipas. Kung paanong siya mismo, hindi na mahagilap ang kahit anino ng ala-ala ng kabataan niya. Noong mga panahong bawat salita ng daddy niya batas na sinusunod ng maraming taong naka-asa sa kanila ang mga kabuhayan. Pakiramdam niya dati, prinsesa siya. Di niya inakalang darating ang panahon, mawawala sa kanila ang lahat. Unang nawala ang malaki nilang tindahan. Nagising siya isang gabi sa ingay ng paligid. At biglang pumasok sa kuwarto niya ang daddy niya,


kinarga siya at nagtatakbong pababa ng hagdan (wala siyang makita sa kapal ng usok), palabas ng building. Nang makalabas sila, balot na ng apoy ang buong ground floor kung saan naroon ang malaki nilang tindahan, tupok na ang kalahati ng second floor na nagsisilbing bodega, at nag-uumpisa nang masunog ang third floor kung saan sila nakatira ng daddy niya. At sa labas, nakita niya ang unti-unting pagkatupok ng kanilang tahanan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang umiyak ang daddy niya. At naisip niya, anumang unos itong paparating sa buhay nilang magama, dapat siyang magpakatatag. At natitiyak niya, umpisa lang ang pagkawala ng bahay nila. May mga parating pang mga unos na dapat paghandaan.


At mula nga noon, nag-umpisa siyang magpakatatag, maging handa sa mga kalbaryong isaisang nagsusulputan sa magusot at mahirap na landas na tatahakin nila para maibalik ang nawala. Ang kaso, di sila binayaran ng insurance. Ang dating malaking appliance store, naging maliit na transistor/xerox shop. Ang dating matikas niyang daddy, isa nang matandang hukot na kuntento na sa pagkukumpuni ng mga sirang transistor bilang pangunahing pinagmumulan ng miserable nilang kita sa araw-araw. Siyempre hindi kasya ang kita ng daddy niya. At natural, baon sila sa utang. Kaya napilitan siyang maghanap ng pera sa mga lugar na dati niyang sinisimangutan. Dalawang taon siyang namasukang labandera sa dati niyang yaya na ngayon masarap na ang buhay, buwan-buwang pinapadalhan ng pera ng anak nitong nurse na nasa US. Mabilis siyang natuto. Isa-isang nagkakawalaan ang mga kaibigan niya. Noong una ok pa sila. Lalo na noong katatapos lang ng sunog. Nakatira sila noon ng daddy niya sa isang sikat na hotel, magkahiwalay na kuwarto. Dinalaw siya ng mga kaibigan niya, umiyak kasama niya, niyakap siya, inaliw siya, sinama siya sa mga lakad,


pamamasyal, panonood ng sine, mga normal na kapritsong kinalakhan niya. nang lumaon, dumalang nang dumalang ang mga imbitasyon, hanggang tuluyang huminto. At dumating ang panahong kahit ang matalik na kaibigan niyang si Helen, na binabatuk-batukan niya noong araw, parang di na siya kilala. Ang lahat ng obserbasyong ito, mula sa punto de bista ng isang batang ulila na sa ina, nasanay sa sarap, pinalaki sa luho, binundat sa biyaya, pinagbanat ng buto hanggang madurog ang puso at mawalan ng ambisyon. Yes, sir. Yes, ma’am. Ilan lamang po iyan sa mga eksenang kukurot sa manhid ninyong mga puso. Ang buhay ni Floren, isang mahabang trahedya ng walang katapusang kalbaryo. Isamg padausdos na paglalakbay mula sa mabango, mapayapa, at masaganang langit, tungo sa mabantot, magulo, at totoong lupa.


Makalipas ang isang taon, siya na ang nagsabi sa daddy niya na lilipat siya ng public school. Di na niya kailangang sabihin kung bakit. Hatinggabi, naalimpungatan siya. Narinig niya ang mahinang iyak mula sa sahig. Umiiyak ang daddy niya. Di niya alam ang gagawin. Siya man pagod na. Wala siyang nagawa kundi maiyak na lang din. Titigan natin siya sa ayos niya ngayon. Nakahiga sa matigas na papag, pagod ang katawan, pagod ang isip, umiiyak, balot ng takot at pag-aalinlangan, walang naaaninag na pag-asa sa dulo ng walang katiyakang biyahe ng buhay. Ipikit mo ang mata mo at Isipin mo siya sa ganoong kalagayan ng kahit sampung segundo. Ngayon, hanapin mo sa kanya ang imahe ng batang pinalaki sa luho, nasanay sa sarap, binundat sa biyaya. Kaya mo?

VI. Lason Part 2: Ang Kuwento ng Kawawang Notebook ‌ kung saan ipapakitang sa puno nanggaling ang bunga; sa gubat nanggaling ang kahoy; sa kahoy nanggaling ang papel; at mula sa papel nabuo ang notebook.


Ngayong kaharap kita, di ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang mga bagay-bagay na dapat mong matutunan. Magdamag kong pinag-isipan ang mga sasabihin ko, mga ikukuwento, mga ituturo. Pero ngayong kaharap kita, di ko alam kung paano sisimulan. Ang mabuti pa, umpisahan natin sa notebook. Kagabi nung tulog ka na, tinabi ko ang mga gamit mong naiwan mo sa sahig sa harap ng tv. Di ko maiwasang hindi buklatin ang mga notebook mo.


Alam ko na kung bakit ka uminom ng lason. Bigyan mo lang ako ng ilang sandali, di ko pa alam kung paano . Ngayong magkaharap tayo, nahihirapan ako kung paano ipauunawa sa iyo na malupit ang mundo. Na sa labas ng bahay natin, maraming mga panganib na nagaabang, handang sunggaban ang sinumang di nakahanda. Heto ang katotohanan: Ikaw ang kabaligtaran ng kung anuman ako noong kasing-gulang mo ko. Nalilito ka? Di mo maintindihan? Gusto mo pa? Heto pa: ikaw ang pinaka-hindi ko katulad noong magkasing-edad tayo. Di mo pa rin maintindihan? Heto ang mas nagdudumilat na paliwanag. Ako na ama mo, siyang nang-aapi noong kabataan ko. Na paborito kong apihin at paiyakin ang mga iyaking tulad mo. Paano ko ipapaliwanag sa iyo na noong ka-edad mo ko, marami akong pinaiyak na mga babaeng tulad mo? Na isa akong ma-lokong bata, isa akong bugoy. Di ko naman pwedeng sabihin na dapat, ikaw ang nang-aapi. Hindi ikaw ang inaapi. Kase mali din iyon.


Maling manakit ng kapwa. Dapat, magpakatatag ka. Matutong ipagtanggol ang sarili. Hindi pag-inom ng lason ang solusyon para iwasan ang ilang mga nakakaasar na elemento ng lipunan. Alam ko kase ginawa ko na dati. Akala ko yun ang solusyon. Ang totoo, tulad mo rin ako dati. Tinutukso, inaasar, binabatuk-batukan. Hinahabol ng hambalos ng walis tambo sa ulo, paikot-ikot ng school grounds Tinatadyakan. Sinasapak. Pinagtatawanan. Kaya ako uminom ng lason. Akala ko yun ang solusyon.


Buti na lang di ako namatay. May iba pa palang paraan para Maniwala ka sa akin, di laging solusyon ang lason sa mga problema. Pangako ko sa yo, tutulungan kita sa problema mo.

VII. Graduation Blues …kung saan patutunayang di lang mga insecure na tao ang marunong magselos. Buong magdamag siyang nakatitig sa halos di mabanaag na anino ng dalawa sa isang sulok. Di niya alam kung magkakaroon pa siya ng pagkakataon. Ilang araw bago ang graduation ball, kinausap niya si Floren sa may library. Iyon ang una nilang pag-uusap makalipas ang halos isang taon, mula noong insidente ng chalk, noong isang umagang badtrip si Tony, di napigilan ang sarili, at binato ng chalk sa ulo si Floren na noo’y kasalukuyang nakasalang sa recitation. —Pwede ba tayong mag-usap?, bulong niya kay Floren sa may pinto ng library. —Tungkol saan?, tanong niya. —Graduation ball.


—Bakit? Di agad siya makasagot. —Pupunta ka ba?, tanong ni Tony. Tango lang ang isinagot ni Floren. —Sino kasabay mo? Tumalikod na si Floren. —Sino kasabay mo?, ulit ni Tony. Pero malayo na si Floren, naiwan siyang parang timang na nakatutok sa papalayo niyang mga hakbang. At ngayong graduatin ball, kanina nya pa inaabangan si Floren. Kausap ng dalaga si Oliver, isa sa mga kaklase nilang kinaiinisan ni Tony.


Mula noong dumating si Floren kanginang pasado alas-otso (kasabay niyang dumating si Oliver), hindi na naghiwalay ang dalawa. Dumeretso sa isang sulok, nagkuwentuhan, nagbungisngisan, tanging mga hugis nila sa dilim ang nababanaag niya habang patuloy na nagmumukmok sa isang sulok. Di niya alam kung magkakaroon pa siya ng pagkakataon.

VIII. Lason Part 3 ‌kung saan idedetalye ang pagkakaiba ng pangaapi sa pagsasamantala. Kailangan mong tumindig, ipagtanggol ang sarili. Ang taong api, nag-iimbita ng mang-aapi. Di ko sinasabing tularan mo ko. Di ko sinasabing tama ginawa ko. Kase ako man, naisip ko, di rin tama ang ginawa ko. Basta ganoon. Balang-araw maiintindihan mo rin. Lalo na kapag mismong ikaw ang dumanas.

IX. Kabaliwan ‌kung saan ipapaliwanag na sa lupa bumabagsak


ang lahat ng nasa langit. Matapos mabugbog ng dalawang kaklase niyang babae, lumipat ng eskuwelahan si Tony. Pero nang lumipat siya, di na siya lalampa-lampa. Astig na siya, kasa-kasama ng mga siga sa bago niyang eskuwelahang nilipatan. At dahil napasama sa mga bugoy, natutong gumawa ng kung anu-anong kalokohan. Hanggang sa kinatatakutan na siya ng karamihan. First year siya nang maging sila ni Floren. Nang masunog ang appliance store nila Floren, lumipat siya ng eskuwelahan kase di na nila kaya sa pribado. Naging magkaklase sila ni Tony.


Naging sila. Pero makalipas ang dalawang taon, nakipaghiwalay si Floren kay Jack. Ang paghihiwalay na iyon ang iniisip ni Tony noong umagang iyon nang batuhin niya ng chalk si Floren habang nagre-recite.

X. Ilang sagot sa mga tanong mo ‌kung saan ipapakitang mas malala ang totoo kesa katha. Bakit nag-break si Tony at Floren? Kase kupal si Tony. Nang naging magkaklase sila ni Floren, niligawan niya ang dalaga. Nang mapasagot niya, wala na siyang ginawa kundi abusuhin ang kabaitan nito sa kanya. At di niya pa rin tinitigil ang pambababae. Kaya tama lang ang ginawa ni Floren na makipaghiwalay sa kanya. Gago siya eh. Mula sa pagiging siga/bugoy, bakit bumait si Tony? Nagsisi na siya. Ang pagsisisi niya, nag-umpisa mula nang humiwalay ang chalk sa kamay niya noong umagang iyon na binato niya ng chalk si Floren.


Ano nangyari kay Floren at sa daddy niya noong isang gabing pareho silang umiiyak? Inabutan na sila ng pagsikat ng araw. Sumilip ang mga dila ng init mula sa mga butas ng bubunagng yero. Ano ang nakasulat sa likod ng notebook ni Tony, na ikinagalit ni Floren, kaya’t hinabol niya ito sa buong school ground? Heto:


Trip kong lumipad

Unang kita ko pa lang kay Jack ay alam ko nang nakatagpo ako ng piloto. Nabasa ko ‘yon sa mapungay niyang mga mata, natantya ko sa maigkas niyang kilos, at sa paghimas-himas niya sa kanyang noo. Malamang na sa unang tantya niya sa akin ay pareho kami ng iniisip. Kapwa kami naghahanap ng laya, naghahangad na maglakbay sa himpapawid at tuklasin ang mga misteryo ng ibang dimension. Matinding unos nang una kaming magkita. Pinagtalunan namin ang complexities ng Marxist atheism. Magkasundo sana kami kaya lang ay may pagkaagnostic siya samantalang ako nama’y purong atheist. Wala akong pinaniniwalaang diyos. Katarantaduhan para sa akin ang relihiyon.


Sa malayong sulok ng bansa ay may nakatirik na pamantasan. Sa kampus (kung tawagin namin ang pamantasan ay simpleng kampus, walang arte, walang bahid ng pasosyal), naglisaw ang iba’t ibang uri ng tao, iba’t ibang edad mula bata hanggang matanda. May mga propesor na manyakis, sira-ulo, at ‘yung iba nama’y matitino; samantalang ang mga estudyante nama’y mga fratman, minorya, punk, makata, writer, addict, flower child, nerd, born again, satanista, aktibista at kung anoano pang uri ng tao na nagtataguyod ng iba’t ibang idolohiya. Sa kampus, malaya kang sumamba sa mga puno kung gusto mo. Walang pakialaman ang mga tao.


State-owned ang kampus at dahil dito, karamihan sa mga estudyante ay galing pa sa kung saan-saang probinsya. Marami ring galing pa sa Maynila, isinuka ng iba’t ibang eskuwelahan, ang kinabagsaka’y dito sa Mindanao, sa isang kubling state university sa tuktok ng bundok, malayo sa kabihasnan, hiwalay sa normal na mga pamayanan. Sa kampus, ang mga estudyante’y nakapila sa LBC tuwing katapusan ng buwan upang kunin ang mga perang ipinadala ng kani-kanilang mga magulang, allowance para sa pag-aaral at pagdadamo. Oo nga pala, mas popular ang damo sa kampus kaysa sa shabu. Ang damo kasi, affordable, madaling itanim, convenient gamitin at groovy ang tama. Minsan sa aking ritual ay may umistorbo sa akin. Nakaupo ako sa gitna ng soccer field, napapaligiran ng nangangapal na hamog, nagko-contemplate ako sa current status ng Legalize Marijuana Movement dito sa Pilipinas, nang may biglang lumapit sa akin at nakisindi ng sigarilyo. Hindi man lang siya nagulat nang makitang ang hinihitit ko pala’y walang filter. Siya si Jack, balingkinitan ang katawan, morena ang mukha, mahaba at nakatirintas sa magkabilang tagiliran ang buhok, mga 5’4 ang taas, naka-long sleeves ng bulaklakin na sa


laylayan ay may tassles, malalaking hikaw, peace medallion. Doon kami unang nagkita at nagkakilala. Doon ko nasabing trip niyang lumipad. Kaya sa pagitan ng mga hitit ay pinagtalunan namin ang mga teorya ni Karl Marx, at tamang tama naman na may baon akong isang boteng gin. Inabot kami ng dilim at napagtripan namin na doon na lang matulog sa damuhan. Masarap kasi sa field. Hindi ka naman din tatamaan ng bola dahil wala namang naglalaro ng soccer doon. Kumbaga parang park lang. Tambayan ng mga drifters na nababato sa klase. Bandang hating gabi nang mag-sex kami.


Kinabukasan ay sumama na sa akin si Jack sa inuupahan kong kubo. Doon na siya nakitira (siyempre, tabi kaming matulog). Okey na rin kahit madalas kaming mag-debate. Pareho kasing magulo ang isip namin kaya madalas kaming magtalo. Bagamat maraming bagay kaming pinagkakasunduan, damo, inom, rock ‘n’ roll, Freud, nature, at kung ano-ano pa, madalas din kaming magtalo, mag-away. Malakas manuntok si Jack. Hindi mo iisiping babae siya kapag nadapuan ka ng kanyang kamao. Ang buo niyang pangalan ay Jaqueline Enriquez. Anak ng isang judge na may koneksyon sa drug ring sa Kalookan City sa Maynila. Kung bakit naroon siya sa kampus, iyon ay dahil wala raw siyang makasundo sa Maynila. Sinubukan na niya ang maraming eskuwelahan. Sabi niya, mababaw raw mag-isip ang karamihan sa mga estudyante sa Maynila. Walang lakas ng loob na mag-explore, Kaya nang marinig niya mula sa kung sinong drop-out/junkie ang tungkol sa kampus, nag-enroll kaagad siya rito. Sa kaso ko naman, parang ganoon din. May konti lang na pagkakaiba na hindi ko na siguro kailangan pang banggitin. Nahihirapan akong i-define ang relationship namin ni


Jack. Nagsasama kami, oo, pero pareho kaming ayaw ng komitment. Mas madalas kaming mag-usap kaysa mag-sex. Malalim din kasi ang balon ng teorya ni Jack. ‘Yun nga lang, madalas kaming mag-debate. Gaya halimbawa ng peace talks sa pagitan ng moro rebels at ng gobyerno, para sa akin ay dapat lang na matapos ang gulo. Iba ang tingin ni Jack dito. Sabi niya, hindi raw matatapos ang isang gulo hangga’t walang nagwawagi. Kailangan daw na maubos muna ang isang panig para matapos ang gulo. Kalokohan daw ang peace talks. Hindi raw ito makaka-solve ng problema. Ewan ko ba, kung minsan hindi ko ma-dig si Jack.


Minsan, pag-uwi ko sa bahay mula sa party ng isang kaibigan, napansin kong iba ang pagkakakunot ng noo ni Jack. Nahiga na ako at nagtulug-tulugan. Mahirap na, baka ako pa ang mapagtripan ni Jack at baka asbaran ako ng suntok. Isa pa, ayoko nang makipagtalo pa dahil marami na akong nainom nong gabing iyon. “Tony,” tawag niya sa akin. Hindi ako umimik at kunwa’y naghilik pa ako para maging natural ang pagtutulug-tulugan. “Tang ina mo, Tony! Huwag kang magtulug-tulugan!” Balikwas ako sa kama, nag-apuhap ng maisasagot. “Ano ‘yon?” tanong ko. Hindi ko itinago ang pagka asar. “Makukulong na si judge,” sabi niya. “Sinong Jag?” “Si judge, bingi! Si erpat ko.” “Bakit naman?” “Hindi ka ba nagbabasa ng diyaryo?” “Hindi.” “May nahuling pusher. Ikinanta’yung isang druglord,


isinabit naman si erpat nung druglord. Umentra naman ang ilang pulitikong ambisyoso. Hayun, si erpat, makakasama na rin niya ‘yung mga sinentensyahan niya dati na ngayo’y hinihintay siya sa kalaboso.” Dumukwang ako sa tokador at kumuha ng yosi. “Hindi ka ba nag-aalala?,” tanong ko sa kanya. “Hindi. Bakit ako mag-aalala, eh tarantado naman talaga ‘yung tatay ko. Buti nga sa kanya.” Medyo natigatig ako sa sinabi ni Jack. Sa kaso ko kasi, kahit bad trip din si erpat, hindi ako ganoon katindi kung magsalita tungkol sa kanya.


Sa paglilibot ko sa kampus, kapag nadadaan ako sa umpukan ng mga praise the lord, minsan naiisipan kong makinig sa discussions nila. Trip lang. Pero minsan, hindi ko maipaliwanag, bigla na lang akong inatake ng guilt feelings. Iniisip ko na baka guilty ako kasi hindi ako naniniwala sa diyos. Nang ikuwento ko kay Jack, tawa siya nang tawa. Nasisira na raw ang ulo ko. Ang totoo, palagay ko’y matagal na akong sira. Hindi ko lang inaamin at dinadaan ko lang sa patawa-tawa. Dito kasi sa Pilipinas, sa dami ng problema ng mga tao, ‘pag ‘di ka nasiraan ng ulo, ewan ko na lang. Pero kahit ganito ako at si Jack nama’y tulad ko ring praning na sa lipunan, tawagin man kaming flip, marunong naman kaming mag-isip. Iyon kasi ang kulang sa ibang tao, hindi marunong mag-isip. Kapag may problema, kupal ang labas. Patay na, hindi na alam kung ano ang gagawin. At least, kami ni Jack, may mga problema man kami, nagagawan din ng paraan. Pero ang mga problema naman nami’y simple lang, Hindi na kasi namin pinoproblema ‘yung mabibigat. Halimbawa, ‘yung mga aktibista sa kampus, sinosolo nila ang problema ng buong bansa, ‘yung mga born again, sinosolo nila ang problema ng buong sangkatauhang makasalanan. Samantalang kami ni Jack, problema lang


namin ay pangtoma at pang-iskor ng kung anu-anong pangangailangan namin. Sa mga gawain sa bahay, kanya-kanya kami ni Jack. Walang nag-uutos. Kung trip mong magluto, magluto ka. Kung feel mong maglaba, maglaba ka. Hindi kami naglilinis ng bahay. Katwiran kasi namin, ang pagaacumulate ng alikabok sa mga bagay ay isang form of expression ng nature. Nagpapahiwatig ng sining, ng continuity of existence. Napansin ko noon na parang tumataba si Jack. Hindi naman talaga tumataba kundi ‘yung tiyan niya lang ang lumalaki. Baka ‘kako buntis. Kung buntis naman, sino ang ama? Malabo namang ako dahil kahit nagsasami na kami ni Jack, kung kani-kanino pa rin siya pumapatol. Gaya rin ng pagkana ko sa ibang bebot. Iyon ang isa pang nakakalito sa relasyon namin. Madalas kami sa mga party at kalimitan, hindi mo matandaan kung sinusino ang nakapareho mo kapag nagkalasingan.


Minsan tinanong ko si Jack tungkol sa kondisyon niya. “Buntis ka ba?” “Oo.” ‘Yun lang ang pagkakataon na pinag-usapan namin ‘yon. Hindi ko na muling inungkat pa. Pero palagay ko, ako ang ama. Wala akong pruweba, pakiramdam lang. Hindi man aminin ni Jack, alam kong ang pagbubuntis niyang iyon ang ugat ng kanyang depression. Madalas na kasi siyang magpaka-high mula noon. Totoo, lagi naman kaming high, pero iba ang tirada ni Jack mula noon. Halos ayaw nang lumabas ng bahay. Inom na lang ng inom at panay na panay ang bira ng jutes. Madalas tuloy, mag-isa na lang akong nag-ti-trip sa field. Sa sobra kasing high ni Jack, lagi na lang siyang tulog. Alam kong may emotional breakdown siya. Pero hindi ko inuungkat sa kanya iyon. Marami rin kasi akong problema. Problema ko, sagot ko. Problema niya, sagot niya. Saka sa tingin ko, kaya ni Jack dalhin ang sarili niya. Malakas siyang tao. Kapag nga medyo konti lang ang tama niya at matino siyang kausap, may aura siya na akala mo, siya ang pinakamasayang tao sa mundo.


Mahirap silipin ang depression, kung ‘di mo siya pagaaralan ng masinsin. Madalas, sa mga ritual kong mag-isa sa field, naiisip ko kung ano kaya ang magiging hinaharap namin ni Jack. Natural, hindi kami magpapakasal sa simbahan dahil pareho naming kinukuwestiyon ang existence ng diyos. Hindi rin kami magpapakasal sa huwes dahil pareho kaming walang bilib sa kupal na gobyerno. Pero siguro, kami rin talaga ang magkakatuluyan. Siguro magsasama kami ng matagal.


Bigla akong natawa nang maisip ko iyon. Unanguna, wala akong nararamdamang pag-ibig kay Jack. Ano ba ang pag-ibig? Abstract sa akin ang kahulugan niyon. Ibig bang sabihin ng pag-ibig ay ang pagsasama ng dalawang tao kung saan si lalake ay magtatrabaho ng walong oras habang si babae naman ay naghihintay nang nakabukaka pagdating ni lalake? At ang dalawa ay hindi na puwedeng makipag-sex sa iba? Malabo yata iyon. Maski si Jack, palagay ko’y hindi papayag sa ganoong arrangement. Isa pa, ayokong matrabaho. Ayokong maglaan ng lakas para sa kapakinabangan ng iba. Kung ganoon, paano kami mabubuhay? Kapag sumusundot sa isip ko ang mga katanungan, bigla kong binubura. Para sa akin, hindi ko na muna dapat problemahin ang hinaharap. Magpapasko noon, tinanong ako ni Jack kung uuwi ako ng Maynila. Tandang-tanda ko pa ang eksenang iyon. Gabi noon at sobrang lamig. Nasa bahay kami at pinakikinggan namin ‘yung kalalabas pa lang na bagong tape ng Nirvana, ‘yung unplugged. Nangangalahati na rin ang isang boteng gin na iniinom namin. Sa mesa ay nagkalat ang mga butt ends ng marijuana. Tinanong ako ni Jack.


“Ton, uuwi ka ba sa inyo sa Christmas?” “Oo, bakit?” “Kasi, wala akong makakasama rito.” “Umuwi ka na rin para sabay tayong magbiyahe.” “Ayokong umuwi, mababadtrip lang ako sa bahay.” “Eh, ‘di maiwan ka na lang mag-isa rito.” “Malulungkot ako ‘pag wala ka.” “Ang OA mo. Tagay mo, inumin mo.” Hindi ako natuloy sa pag-uwi noong paskong iyon. Siguro matindi ang galit sa akin ni ermat. Hindi naman sa pinilit ako ni Jack na mag-stay sa kampus. Kumbaga, parang ayaw ko rin na iwan siya. Nag-aalala na rin kasi ako sa mga high niya, Minsan maghapon siyang natutulog. Madalas ay hanggang gabi. Hindi ko na nga malaman kung ipadodoktor ko o ipapa-rehab.


Magkasama kaming nagpasko noon. Iyon ang pinakamasayang pasko namin. Nag-enjoy kami kahit walang food trip. Dalawang long neck na Tanduay ang ininom namin at hindi ko mabilang kung ilang stick ng marijuana ang ibinalot at pinagsalit-salitan naming hititin. Tapos ay ipininta ko si Jack ng hubo. Pumalag siya nang matapos dahil bakit daw nakalaylay na parang losyang ang boobs niya doon sa painting. Basta, tawa kami ng tawa. Ang kasunod ay isang umaatikabong lovemaking na hindi matutumbasan ng kahit na anong x-rated film. Bandang huli, naisip ko rin na hindi pala ako dapat umuwi dahil lang sa pasko. Ano ba sa akin ang birthday ng diyos? Eh, ano ngayon? Kaya lang naman sana ako uuwi noon ay para umungot ng malaki-laking aginaldo mula sa mga ninong at ninang. Minsan binulatlat ko ‘yung karton na pinaglalagyan ni Jack ng mga personal niyang kararaulan. Binasa ko ‘yung ilang sulat mula sa kanila. Karamihan ay galing sa kuya niyang sundalo na kung saan-saan nadedestino. Punong-puno ng mga kuwento tungkol sa happenings ng mga sundalo, mga affairs nila sa kung kani-kaninong puta, mga torture scenes ng political prisoners. Sa loobloob ko, pambihira rin ang utol ni Jack. Masyadong


prangka at tila walang inililihim. May nabasa akong isang sulat mula sa tatay niyang judge na ngayon ay nakakulong na, Ang nakalagay ay puro sermon. Hindi ko na tinapos dahil naaalala ko lang ang mga magulang ko. Nagi-guilty lang ako. Ang totoo, tuwing makakatanggap ako ng sulat mula sa amin, puro sermon ang bumubungad sa akin. Kaya tuloy ang ginagawa ko, kinukuha ko na lang ang nakaipit na pera tapos tinatapon ko iyong sulat nang hindi na binabasa.


Nakakasama kasi ng loob. Kung estudyante ka at nasa malayong lugar ka, at ang grades mo ay panay tagilid, ang pinakaayaw mong maalala ay ang mga magulang mo. Tama ‘yung isa kong propesor. Sa kanya ko unang narinig ‘yung kasabihang: “Good times come and good times go.” Tarantado rin ‘yung propesor ko na iyon. Hayun, sa kagugudtaym ni loko ay STD ang inabot niya, may kabuntot pang kanser sa lalamunan. Narinig ko rin ‘yung kanta ng Social Distortion. May isang line doon na nagsasabing: “Good times come and good times go, I only wish that good times will last a little longer.” Hindi ko malaman sa dalawa, kung iyong propesor kong manyakis o si Mike Ness ng Social Distortion ang may pakana ng dakilang kasabihang iyon. Bigla kasi ang mga pangyayari. Pakiramdam konga noon, tapos na nga talaga ang good times. Bigla kasi ang pagkakasabi ng isa kong propesor na may field trip daw kami sa Davao, mga labinlimang oras ang layo mula sa kampus. Medyo naasar nga ako dahil bukod sa sayang na ang pera, ilang araw at gabi rin akong mapipilitang makipagbolahan sa mga kaklase


kong mahirap intindihin ang mga trip sa buhay. Dati, hindi ko maamin na kaya ayoko ring sumama sa lintik na field trip na iyon ay dahil mami-miss ko si Jack. Later ko na lang nalaman iyon, kahit matagal nang isinisigaw ng subconcious ko. Isang linggo ang field trip. Noong pang-apat na araw ay balisa ako. Hindi ko malaman kung bakit, pero talagang bigla akong nag-alala kay Jack. Sinubukan kong tumawag sa kapitbahay namin. Mabuti naman at sa pang-sampung ring ay may sumagot. “Hello?” “Hello? Ric? Si Tony ito.”


“O, Tony, kumusta’ng field trip?” “Heto, naiinip na ako. Gusto ko nang bumalik diyan. Kumusta na diyan?” “Ayos naman. Groovy pa rin ang buong barkada. Bakit ka tumawag?” “Paki-check mo nga kung nasa bahay si Jack. May itatanong lang ako.” “Sandali lang.” Siguro ay may kung ilang minuto ang sandaling iyon. Nanginginig ang hawak kong yosi. “Hello? Tony?” “Hello, Ric. Nasaan si Jack?” “Walang tao sa bahay n’yo. Wala si Jack.” “Saan kaya nagpunta iyon?” “Gusto mo, tumawag ka na lang ulit ng ganitong oras bukas para maitimbre ko kay Jack.” “Sige, salamat, Ric, ha.” “Wala ‘yon, ‘tol. Anytime.” Tumawag ako kinabukasan. Ganoon din ang nangyari, wala si Jack. Easy ka lang, Ton, sabi ko sa


sarili ko. Baka nasa field lang si Jack. O baka naisipang pumasyal sa mga kaibigan at makipag-inuman. Siyempre, baka nainip ‘yung tao. Kinabukasan ulit ay tumawag ako kina Ric. Medyo dyahi na nga dahil puro collect ang mga tawag ko. Pero ni anino ni Jack ay ‘di raw nila nakikita. Sinubukan kong tumawag sa isang underground na beerhouse sa kampus. Kakilala ko ang bartender doon. Pero ni multo ng anino ni Jack ay hindi raw nila nakikita. Panghuling araw ng field trip ay burat na burat na ako. Hindi na ako sumama sa solidarity night. Sumakay na ako ng bus papauwi. Namasahe na lang ako. Pagdating ko sa bahay, ang una kong napansin ay ang amoy. Kakaiba ang amoy ng bahay. ‘Yung tipong alam mong matagal na walang kaluluwang nagawi. Walang lamat ang alikabok sa sahig, halatang walang naglakad dito mula nang umalis ako.


Isang linggo bago namin nakita si Jack. Inuuod ang katawan niya. Hindi na makilala. Ang palatandaan na lang ay ang bulaklaking long sleeves at ang walang kamatayan niyang peace medallion. Nakahiga siya sa damuhan sa pinakaliblib na bahagi ng naggugubat na sulok ng kampus. Walang nakapansin agad dahil hindi naman kasi madalas puntahan ang lugar na iyon. Sa tabi niya ay nagkalat ang mga basyo ng cough syrup. Walang suicide note. Wala na siyang interes na makipag-ugnayan pa sa daigdig ng mga buhay. Ilang araw akong hindi makakain. Naaalala ko ‘yung mga uod na naglalabas-masok sa mga butas ng naaagnas nang mukha ni Jack. Kasinlalaki ng upos ng sigarilyo. Hindi rin ako mapagkatulog. Naaalala ko si Jack. Naaalala ko’yung mga sandaling kinakapa namin ang lalim ng pang-unawa ng isa’t isa. Naalala ko ang mga debate namin, ang mga umuusok na lovemaking, ang mga ritual sa field. Siyempre, ang naiwan na lang ay ang mga nude paintings na gawa ko. Nakasabit pa rin sa dingding. Iyon na lang at santambak na alaala ang iniwan sa akin ni Jack. Noong mga araw na iyon na mag-isa na lang ako sa kubo ay naunawaan ko na ang pag-ibig na dati’y


abstract para sa akin. Naisip ko, si Jack lang naman talaga ang pinahahalagahan ko. Kung bakit kahit minsan ay hindi ko nasabi sa kanyang mahal ko siya. Palagay ko’y mahal din ako ni Jack, Kung ipinapakita man niya ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng ibang paraan, sa halip ng pagsasabi ng “I love you”, hindi ko alam. Siguro’y manhid lang ako. Ang alaala ni Jack ay parang isang kilong bakal na laging nakadagan sa dibdib ko. May mga pagkakataong tinutunton ko ang gubat na naging death spot ni Jack at iniisip ko na siguro’y kung narito ako noong mga panahong iyon, sana’y hindi namatay si Jack. Kung sinusino ang sinisisi ko. Ang propesor naming may pakana ng field trip at ang buong educational system ay pinagbuntunan ko ng sisi at galit.


Madalas, naiisip ko na sundan ang mga yapak ni Jack. Bibili rin ako ng santambak na cough syrup at lalaklakin kong lahat. Pero natatakot ako. Bilib nga ako kay Jack dahil nagawa niyang humarap sa kamatayan, nagawa niyang tumalon sa never-ending abyss.. At ang masarap pa noon, namatay siyang lumilipad. Nautas siya habang nag-e-explore sa mga misteryo ng ibang dimension. Siguro naisip niya na kamatayan na lang talaga ang nalalabing paraan para lumaya siya sa mga problemang ipinataw sa kanya ng buhay. Iniisip ko na dapat ay mamatay rin ako ng ganoon. Putang ina, tutal pareho naman kami ng trip sa buhay. Siguro, kapag sagad na ang kabadtripan ko, titirada rin ako ng kagaya ni Jack. Sana sa pagdating ng panahong iyon ay makaipon ako ng sapat na lakas ng loob para magawa ko ang ginawa ni Jack. Goodbye, putang inang lipunan! Sa darating na March ay magtatapos na ako. Graduate na rin, sa wakas matapos ang walong taong pagaaral sa kolehiyo. Aalis na ako sa kampus. Siguro’y tatambay muna ko sa amin sa Maynila bago maghanap ng trabaho. Tutulong muna siguro ko sa tindahan ni ermat habang tumatambay. Bago ako umalis ng kampus ay ililibing ko ang alaala


ni Jack. Masakit pero kailangan. Lalo na’t sa tuwing dadalawin ako ni Jack sa mga panaginip ko, ang nakikita ko’y hindi isang drifter kundi makata. Hindi siya isang junkie kundi tagapagdala ng repleksyon ng isang nabubulok na lipunan. Magdadala ako ng isang boteng gin sa field at magtitrip ako magdamag. Sasariwain ko ang mga alaala ng pagsasama namin ni Jack. Kakalkalin ko, sa pagitan ng mga hitit ng damo ang mga happenings namin. Pagkatapos noon, lulusawin ko na ang imahe ni Jack sa isip ko. Kasaba’y nito’y susunugin ko na rin ang mga paintings sa bahay. Aaalis ako ng kampus nang malinis ang isip at walang dalang bangungot.


Ako po si Norman Wilwayco, 35 taong gulang, nakatira sa Quezon City. Ako po ay tubong bangketa, nag-aral sa bahay, nagtapos sa kalye, pinalad na magkaligaw-ligaw ng landas at magkaroon ng maraming karanasan.

Sa nagbasa ng librong ito, maraming salamat sa oras mo.

nw


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.