Ang Daluyan: Gabi ng Buklod S.Y. '15-'16

Page 1

Ang

Daluyan Gabi ng Buklod Silakbo: Pag-alab ng Diwang Makamasa, Pagbugso ng Damdaming Makabayan



MENSAHE MULA SA

BTT Isang mapagpalayang gabi sa lahat ng Bukbok, Bukid, at Buklet! Tatlumpu’t apat na taon na ang nakalipas nang itaguyod ang ating pinakamamahal na organisasyon. Sa panahong ito, napakarami nang nagbago sa Buklod– bukod sa pagdiwang ng Gabi ng Buklod sa buwan ng Nobyembre - iba na ang kasapian, may mga bago na ring gawain at proyekto. Ngunit hindi nagbabago ang ating sinusulong – ang isang sikolohiyang makabuluhan para sa masa. Napakahalaga na ilubog pa ang Bukluran sa lipunang nais nitong baguhin. Dahil dito, nilalayon ng Buklod na mas iparamdam ang mas masidhing diwang makamasa at damdaming makabayan. Isa itong malaking hamon para sa atin ngunit ang anumang pagsubok na haharapin ng Buklod ay malalagpasan sa tulong at suporta ng bawat Bukid, Buklet, at Bukbok. Kaya naman ngayong taon, ang tema para sa ika-34 na taon ng Buklod ay Silakbo: Pag-alab ng Diwang Makamasa, Pagbugso ng Damdaming Makabayan. Isang matinding manipestasyon ng damdamin ang silakbo, at nais ng UP Buklod-Isip ngayong taon na maging salamin ang mga gawain at proyekto nito tungo sa pagpapalaganap ng diwang makamasa at damdaming makabayan sa loob at labas ng organisasyon. Sana sa gabing ito, makaramdam tayo ng silakbo ng damdamin hindi lamang mula sa ating pagsasalo-salo at sa mga ibabahaging kwento ng ating mga tagapagsalita, pero mula rin sa pagbibigayparangal kay Dr. Tess Ujano-Batangan na isa sa mga tunay na naging ehemplo ng paninindigan ng Bukluran. Sana’y mas lumalim pa ang ating pagkilala sa kanya bilang isang kasapi, tagapayo, at inspirasyon ng Bukluran. Sama-sama nating gunitain ang ika-34 na taon ng pagsulong ng Sikolohiyang, malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip! Pam Carrera Bos Tsip Tsip


MENSAHE MULA SA

MGA BT Malugod na pagbati sa ating lahat!

LUKAS

Ngayong taon, patuloy na sinusubukan ng LuKas na pagbuklurin ang mga kasapi ng ating pinakamamahal na organisasyon. Upang matugunan ito, nagsagawa kami ng isang Buklod Recollection, kung saan naghanda kami ng mga gawaing naglalayong mapaigting ang damdamin ng mga Kids sa isa’t isa at sa Bukluran. Para sa mga Lets naman, nagkaroon ng munting Lets’ bonding noong simula ng app process. Tulad din ng nakasanayan, nagkaroon ng palaro sa pagitan ng Kids at Lets noong Oktubre upang mas mapalapit ang dalawa. Ginagawa namin ang aming makakaya upang maiparamdam sa mga Kids at Lets na ang Buklod ay isang tahanan. Kaugnay nito, nais din naming maiparamdam sa kanila na ang LuKas ay narito upang makinig sa kanilang mga nais sabihin kaya naman muling isinagawa ang Heart-to-Heart. Ito ay kwentuhan sa pagitan ng isang LuKas bebe at ng isang Kid o Let. Patuloy din ang pagpost ng mga Birthday Pubmats para sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Bukod pa rito, ipinagdiriwang din namin ang mga kaarawan nila tuwing pagkatapos ng monthly GA. Nais naming magpasalamat sa lahat ng Kids at Lets para sa kanilang suporta sa mga gawain ng LuKas. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ngunit sa kabila nito, naglalaan pa rin tayo ng oras para sa Buklod. Lubos naming kinagigiliwan ang lahat ng ginagawa niyo para sa Buklod. Tungo sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya!

LUPAP Ngayong taon, sinisikap ng LuPaP na ipagpatuloy ang maayos at mahusay na pamamaraan ng pagpapakilala at pagrerepresenta sa Buklod. Sa pamamagitan ng paglalabas ng mga publicity materials na naaangkop sa mga gawain ngayong taon, pati na rin sa pagkalap ng mga larawan bilang documentation sa mga gawaing ito, mas nagiging visible ang Buklod sa social media, lalo na sa Facebook. Sa Kids, maraming salamat sa pagbibigay sa’kin ng opportunity na maging BT! =)) Salamat sa pagsuporta sa mga nakaraang mga prodwork, pati na rin sa pag-share at pag-like ng mga nilalabas na mga publicity materials =)) Sana ‘di tayo mapagod na pagsilbihan at ipagmalaki ang Buklod. Sa Lets, konti na lang ay matatapos na ang app process! Salamat sa mga naibahagi niyong mga kwento, at sa pagtitiwala sa aming Kids. Patuloy nating mahalin ang isa’t isa, ang Buklod, at ang bayan. <3


LUPUS

Hello Buklod! Alam naman natin lahat na ang LupUs ang namamahala sa “relationships� ng Buklod (i.e. Bukboks, affs & partners). Para sa taong ito, gusto ng LupUs na mas mapatibay yung mga relationships natin, at mas maging active ang partisipasyon ng Buklod sa mga partners natin in life (both short & long term partners) #NotAfraidOfCommitment char. At gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng Kids na bumoboto agad sa partnership proposals, at SUPER SPECIAL THANK YOU + XOXO sa mga BT, Kids, at Lets na nageeffort pumunta sa mga events ng partners natin. I love you all, and good luck sa remaining weeks of the sem! #AralBeforeWalwal then #LetUsPartyUntilSunrise :>

LUPAN

Hello Buklod!

Una sa lahat, sobrang salamat sa lahat ng suporta sa kung anu-anong ibinebenta ng LuPan. Salamat sa pagbili ng mga wicked oreos, pizza rolls, at kung anu-ano pang mga pagkain kahit na minsan busog na kayo. Hahaha. Salamat sa pagshare at like ng makabayan shirt pubmats at syempre, maraming salamat sa pagtulong sa pagbenta (or pagbili hahahuhu) ng mga raffle tickets! At congratulations ulit sa mga nanalo! Abangan lang natin ang darating na LuPan update para malaman kung magkano pa iyong mga kailangan nating bayaran. Mag-rerelease din ang LuPan ng utang scheme packages para mapadali ang pagbabayad natin ng utang. Yay! Abangan din natin (at basahin!) ang mga nirerelease na financial statements para malaman kung anong nangyayari sa pera ng bukluran. Salamat! <3 Hello Buklod!

LUPAG

Gusto ko lang magpasalamat sa support niyo sa LuPag events this sem sa pamamagitan nang pagpunta sa mga events at kahit sa simpleng pagshare ng pubmats at paginvite ng people. Sana marami kayong natutunan! Pwedeng pwede rin kayong magsuggest ng mga ideas niyo para sa mga susunod na gagawin. Kung may naisip kayo, sabihan niyo lang kami! We will entertain you hehe. Maraming Salamat and good luck sa mga activities natin!


DALUYAN

Hello Buklod! Maraming salamat sa suporta na pinapakita ninyo para sa Daluyan ngayong sem at special thanks rin sa mga Kids na nagpapasa ng mga article/tula/komix sa amin. Ang talented niyong lahat, pramis <3 Simple lang naman ang gustong gawin ng Daluyan ngayong taon. Nais namin pakinggan ang mga boses na karaniwa’y d i nabibigyan ng pansin sa lipunan, lalu’t lalo na yung mga kwento ng masa at ng MOP. Naniniwala kami na parehong may kapanyarihan ang mga naratibong ito at ang proseso ng pagbabahagi ng mga ito sa ibang tao kaya naman ito ang naging pokus namin sa Gabi ng Buklod issue. At dahil may pagka-ambitious ang Daluyan ngayong taon, nais rin namin bumuo ng version ng issue na ito na maaaring irelease sa labas ng organisasyon para hindi tumitigil sa loob ng Buklod ang pagkalat ng mga kwentong ito. Paalala lang pala na kung gusto niyong ibahagi ang sarili ninyong kwento, nandito lang ang Daluyan para sa inyo always. Muli, maraming, maraming salamat Buklod!

LUPAK

Patuloy pa rin naman ang masigasig na pag-miminutes ng LupAK tuwing may mga pangkalahatang pagpupulong at DG pati na rin sa ACLE at SNSSP upang magkaroon ng pagdodokumento sa mga gawain ng Buklod.

Maraming salamat nga pala sa lahat ng BuKids at bukLets na dumadalo s a lahat ng ganap ng Buklod (wew mga event ko? Hahaha) dahil worth it ang pagaasikaso (a.k.a. pagpapabalik sa cssp osa at department ng mga LupAK bebes) sa mga venues. TYSM din nga pala sa nag-dodonate ng limang piso para pandagdag sa pambili. #ProjectProjector #Sulong Buklod

LUGAW

Muli, gaganapin ang Awitin Mo, Itutuloy Ko o AMIK bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Anibersaryo. Pangatlong taon na ito ng AMIK, at muli, hindi palalampasin ng LuGaw ang pagkakataong ito para maipakita ang kagandahan at kahalagahan ng Original Pinoy Music o OPM. Ang AMIK ay gaganapin sa ika-10 ng Nobyembre, 4 n.h. hanggang 7 n.g. sa PH400.

Magkakaroon din ang LuGaw ng mga bagong proyekto para sa Lingap Kamay. Isa na rito ang BukDrive, na isasagawa ng Buklod kasama ang Maria Theresa Ujano Batangan Book Drive bilang pag-alala at pagbigay-pugay sa isa sa ating pinakamamahal na Bukbok na napakaraming naiambag para sa Sikolohiyang Pilipino at para sa bayan. Ila-launch ito sa Gabi ng Buklod, at isasagawa sa ikalawang semestre. Abangan din sa ikalawang semestre ang iba pang mga proyekto ng LuGaw na tunay na sasalamin sa tema ng ika-34 na taon ng Buklod: Silakbo: Pag-alab ng Diwang Makamasa, Pagbugso ng Damdaming Makabayan. Maraming salamat sa Kids at sa mga magiging Kids (GO OMELETS!!), hindi lamang sa pagsuporta sa mga gawain ng LuGaw, kundi pati na rin sa patuloy na pagiging inspirasyon sa akin na maglingkod para sa Buklod. Happy 34th Anniversary sa ating lahat! <3


Kwento ng Mga Manininda sa UP ni Heleyna Yu


Taho Simple at kaunti lamang ang sangkap ng taho, ngunit bawat maliit na baso nito ay puno ng kwento’t alaala. Tuwing natitikman ko ang matamis na arnibal (na dumidikit sa aking mga daliri) at ang sago (na dumudulas sa loob ng aking bibig), bumabalik ako sa panahon ng aking pagkabata; noong marinig ko lang ang pamilyar na hiyaw ng “Tahooo”, nagkukumahog na akong tumakbo papalabas sa kalsada. Subalit kung gaano katamis ang maitim na arnibal na hinahalo sa taho, ganoon naman kapait ang karanasan sa pag-ibig ni Dante Reyes, labimpitong taon nang magtataho sa UP. Nang tanungin kung nais niyang magbahagi ng kanyang kwento, “Sigurado kayo, madrama ang buhay ko ah!” ang kanyang sambit sa amin nang may kasama pang nahihiyang ngiti. Iniwan kasi si Mang Dante ng kanyang asawa ilang taon na ang nakakaraan. Lima ang kanilang naging supling at lahat ay naiwan sa kanya para palakihin nang mag-isa. Kahit minsan ay hindi niya sila itinuring na pabigat, at sa katunayan ay masaya pa nga siyanghindi siya nawalay sa kahit isa man sa kanila. Kung papapiliin si Mang Dante, hindi sana bakal na timba ng taho

Litrato mula sa hhttp://laurelfantauzzo.com/post /38478957595/taho-vendor-buendia-mrt-train-stop-manila

“Sigurado kayo, madrama ang buhay ko ah!” ang ibig niyang pasanin sa balikat araw-araw, kundi ang kaligtasan ng ating bayan sapagkat ang maging sundalo ang pangarap niya para sa sarili. Ngunit dahil pagtataho na ang nakasanayan at bumuhay sa kanyang mga anak, kontento na siya sa kanyang trabaho. Kung para sa atin, karaniwan na lamang makita ang mga nag-eehersisyo at tumatakbo sa Acad Oval tuwing umaga, para kay Mang Dante ay biyaya ang mga ito dahil ano pa ba ang kanilang hahanapin sa agahan kundi ang taho na kanyang inilalako.


Sorbetes Sa tindi ng tirik ng araw, na dulot ay tumatagaktak na pawis, mga tuyong lalamunan, at sunog na balat, iisang malamig na panhimagas ang hanap ng marami. Makita ko pa lang ang kariton ng sorbetes sa ASCAL na may lamang keso, tsokolate at avocado, naka-apa man o nakapalaman sa pandesal, ay natatakam na ako. Tulad ng sorbetes na kanyang tinda, malamig at malumanay rin ang tinig ni Eliseo Guia, labing-apat na taon nang sorbetero sa UP. Malayo pa ang pinanggalingan ni Mang Eliseo; sa Leyte siya lumaki bago lumipat sa Maynila nang makapagtapos ng elementarya. Bago naging sorbetero, bakal, alikabok at semento muna ang kanyang naging mundo bilang isang

Litrato mula sa http://thepretzelproject.blogspot.com/?m=1

construction worker sa loob ng tatlumpung taon. Nang hindi na kinaya ng kanyang katawan ang bigat ng trabaho, napadpad siya sa pagtitinda ng sorbetes. Pinili na rin niyang manatili sa Maynila dahil dito sigurado ang kita at hindi madalas na binabagyo. “Ulan siguro ang karibal ko sa aking kabuhayan� pabiro pa niyang nasabi dahil kapag malamig ang panahon, humihina ang benta ng sorbetes. Sa edad na 65, nakapagpaaral na siya ng limang anak ngunit wala pa rin siyang balak tumigil sa pagtinda. Habang nag-aaral sa kolehiyo, ang panganay na lalaki ni Mang Eliseo ay minana na rin ang trabahong bumuhay sa pamilya nila - nakapwesto siya at kanyang kariton ng sorbetes sa AS parking lot.


Kwek Kwek , Pancit Canton , Sari-saring Tinda Bagong-lutong kwek-kwek na nakapapaso pa sa dila at malasang pancit canton na hindi pinagsasawaan- kapag pinagsama sa isang kainan ay labis na ang ligayang nadarama ng aking sikmura. Combo meal ang sagot sa problema ng mga dormer na ayaw magluto, mga naubusan ng pera sa readings, at mga kinulang ng allowance mula sa magulang. Sina Beth Angot at kanyang asawa ay tila combo rin sa pamamahala sa kiosk (sa may CAL) na sampung taon na nilang kabuhayan. Bago nakilala ni Beth ang kabiyak, nagtrabaho muna siya bilang accountant sa NAWASA dahil nakapagtapos naman ng kolehiyo. Ngunit nang naging pangulo si Ramos, maraming empleyado ang nasesante at sa kasawiang-palad ay napasama si Beth dito. May-ari na ng tindahan si G. Angot noon kaya’t tumayo na siyang katuwang nito sa negosyo ngayong mag-asawa na sila. Hindi man kasinhirap ng paglalako ang pagbabantay sa tindahan,

“Nagpapasalamat kami sa mga estudyante dahil kung wala sila, wala rin kami”

Litrato mula sahttps://upinsider.wordpress. com/2013/07/25/new-kiosks-in-up-diliman-defective/

may mga naransan din silang ilang problema sa pagtitinda sa UP. Napalayas na sila sa pwesto, nakatanggap ng masungit na pagrereklamo ng mga estudyanteng ayaw magbayad dahil namamahalan sa presyo. Isang matinding suliranin pa ang sumubok sa katatagan ng magasawang Angot. Noong panahong gipit sila sa pera, nagkasakit ang kanilang anak at kinailangan ng ilang libong piso para sa opersayon. Isang estudyante sa UP, na suki na ng kanilang tindahan, ang nagkataong napagsabihan niya ng problema sa pakikipagkwentuhan. Hindi naman niya inaasahang makakatanggap pala sila ng tulong mula dito, dahil kusangloob nitong binayaran ang lahat ng gastusin sa ospital. Tuluyan nang gumaling ang kanilang anak kaya’t punong-puno siya ng pasasalamat dito, at sa mga suki niyang mag-aaral at guro. “Nagpapasalamat kami sa mga estudyante dahil kung wala sila, wala rin kami”


Kwento ng Lansangan ni Alena Mariano

ito ang lansangan sa mga musmos, pipi, at bulag tanging tahanan ayan sina Musmos si Toto ‘pag sampa ng dyip ay nanghihingi ng barya kahit ano, kahit kaunti “pambili lang ng bigas, ‘te” para sa pamilyang namumulubi pasahero’y tumutungo humihindi tila naabala na lang lagi si Neneng naglalaro sa kalsada patintero sa mga sasakyan, kumbaga dala ang balumbon ng sampaguita kumakatok, nagtitinda para ang kita’y madala sa eskwela pampuna sa kulang na matrikula ayan sina Pipi at Bulag si Pipi ikaw ay huwag mabigla sa pumupunas sa bintana ng bago mong Mazda hinahangad lang iyong pasensya kaunting oras at pagunawa ngunit dali daling sinenyasan “oy, tama na ‘yan” takot madumihan ang dalang sasakyan

si Bulag ang bangketa ang tirahan ang karton ang higaan sa mga nagdadaan, kinakalansing ang lata para sa limos mula sa iyong bulsa ngunit ikaw ay tila bulag din mga mata’y sa malayo ang tingin sa kabila ng mapait na kapalaran, at ng dilim ng karanasan sa kanilang loob ay may pumupukaw mga pangarap ng bagong araw kay Musmos, ang pangako ng aklat at ang yaman ng kaalaman kay Bulag, ang masilayan ang liwanag ng kinabukasan kay Pipi, ang tinig ay bigyang pansin hinaing ay pakinggan iyan ang lansangan sa mga musmos, pipi, at bulag tanging tahanan nasaan ang awa?


ni Clarysse Alfonso

Buhay MahirUP

Magsisimula ang kwentong ito sa isang cubicle sa Girls’ CR katapat ng Tambex*. Isang kahiyahiyang panimula para sa sinumang manunulat, pero hindi naman ako tunay na manunulat. Gayundin ang mga nagpaskil ng mga tahasang vandal na tumambad sa akin sa aking alanganing sandali. Heto ang isang wastong panimula buhat sa kanila:

“Mahirap maging mahirap sa UP.” (Vandal, 2015) Gaano katotoo? Marami-rami na rin akong nabasang mga inspirasyonal na artikulo sa Kule tungkol sa mga mahihirap na kumakayod upang maitaguyod ang sarili. Isang anggulo para sa imbestigatibong pamamahayag, hindi sa isang hamak na “manunulat” tulad ko na ang maibibigay lang ay mga muni-muni sa loob ng cubicle. Isa akong batang Bracket E2 o Full Discount with Stipend. Kumakain naman ako ng maayos, parang nasosobrahan pa nga. May bubong naman sa ibabaw ng ulo ko, may tulo lang ng bahagya. May kuryente (sumasabog), tubig (madumi minsan), may laptop pa (basag). Sa madaling sabi, hindi ako mahirap, kungdi “mahirap”. Pakiramdam ko, ang isang paa ko’y nakatuntong sa unibersidad, ang isa’y sa iskwater. Noong Let ako at bagong pasok sa Buklod, madalas kong marinig na mukha raw akong fashionista. Konting tikas ng tindig, nasasapawan ang kupas na damit. Sa totoo lang, wala akong problema kung malaman ng iba ang net worth ko (negative). Ang masakit ay kapag napapansin mo ang pagkakakahon (makakapunta sila kasi may kotse). Kapag napapansin ng iba na nasa loob ka ng kahon (mabigat na katahimikan). Kapag biglaan mong nabubundol ang mga pader (hep hep, wala kang pang-sine!). Kapag ang “taong may kakulangan” ay nagiging “taong kulang”, sa loob ng unibersidad na ang malasakit ay minsan lalong nakabababa. Marami na kasing nagbago, sabi nila. Ngayon daw, puno na ang UP ng mga “burgis”—kilala rin sa mga tawag na “rich kid” o “jeproks”. Tapos na rin ang mga araw na kulay dugo ang buong unibersidad,


nagwawasak ng lalamunan, nagngangalit sa bawat senyales ng makamundong kalabisan. Ang bulung-bulungan, latoy na raw tayo, ipinagpalit ang plakard sa iPhone. Kaya naman, naging mahirap nang maging mahirap sa Peyups. Sa kabila ng mga pagbabago, kung tutuusin, wala namang kakulangan ng mga grupong katulad ko pa rin ng estado sa buhay. Pero hindi ako doon tumakbo. Hindi miminsan akong napukulan ng mga tingin ng panghuhusga at komento ng pagdududa dahil sa aking pagtalikod sa mga radikal na ideolohiyang “tunay” na makamasa at pagpiling sumapi sa mga taong mas nakaluluwag. Liberal. Salawahan. Walang paninindigan. Hindi ako magmamagaling at magsasabi na isantabi ang mga pagkakaiba ng identidad at interes, dahil hindi naman lingid sa akin ang pagkakaiba ng pagkakapantaypantay at karampatan. Kapag nagsaliw ang magkakaibang boses, mahirap maiwasang may tinig na mapaimbabawan. Gayundin, ang mga etiketang “mahirap” at “mayaman” o “Bracket A” at “Bracket E” ay hindi matatanggal ng paghahawak-kamay at pagsasabing “pantay-pantay tayong lahat”. Nito ring huling paguusap naming mga Kids and Lets ukol sa malawakang hating kultural, napaigting ang paninindigan ko sa kahalagahan ng mga tatak na ito. Wala akong maipupukol sa mga taong naghahangad ng ganti o kaparusahan sa bawat kamaliang

natamo dahil sa mababang estado sa buhay. Ito ay katarungan sa sarili. Ngunit ang ibaon ang mga pasakit, upang sa pinagtamnan noon ay umusbong ang pangmatagalang solusyon, iyan ang tunay na katarungang panlipunan. Para rito, kailangang handang palawakin ang isipan at tanggapin bilang kapwa ang sinuman. Sa pagalala ng gampanin nila sa baluktot na kabuuan, alalahanin din ang sariling gampanin. Ang sistema ay babaguhin ng pag-inog ng mga parteng malaki at maliit, at naroon ang kapangyarihan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Ito ang nakita ko sa Buklod noong pinili kong sumapi. Naniniwala pa rin akong ang kailangan natin ay hindi pangingimbabaw ng kahit anong sektor kungdi representasyon—isang espasyo para sa mga katulad ko na may kaalaman mula sa akademya at pang-unawa mula sa karanasan. Buong pagmamalaki ko ring ilalahad na kasama ko sa espasyong ito ang ilan sa ating mga bagong Lets. Kwentong masa? Hindi siguro. Kwento lang ng isang “mahirap” na “manunulat”, isang pahina sa kwentong Buklod. *Ang Tambex—isang tambayan extension na bumabagtas sa silangang pasilyo ng AS


BAGONG UMAGA

ni Justine Azarraga

lumuwas mula sa kinagisnang bayan upang mahanap ang isang mas payapang buhay at ang gulo’y tuluyan nang matakasan. ngunit bakit ang pinapangarap na katahimikan ay mailap pa rin at tila mahirap makamtan? Sabit dito, angkas doon ‘di alintana ang peligrong maaaring matamo mangangalabit kung kani-kanino “ma’am, sir! maawa na po kayo kaunting barya, pang-kain lamang po” Imbis na laruan ang pinagkakaaliwan hawak-hawak nila ay maruming basahan ipangpupunas sa sapatos ng ninuman upang ang baryang maibibigay ay magamit na panglaman sa tiyan. sana’y libro at lapis ang tangan-tangan sa halip, tambol na lata ang nasa leegan sa bawat kumpas ng kamay, bawat padyak ng paa sa bawat lirikong lumalabas sa kanilang bibigan, musikang galing sa puso ang kanilang dala-dala. sa bawat takbo ng mga minuto sa orasan nangangahulugan ng hindi mawaring bukas. kailan kaya darating ang bagong umaga upang ang kanilang pangarap na kapayapaan sa wakas, kanila nang matamasa at maramdaman.


M

in

Gaw ga ng a

B U K LO D - I s i p Unang Semestre

Applicant’s Orientation

VOTE -ivations Acad Talk

Meriendis, Merienda ACLE


Exposure Trip Sitio Bakal

Sa’n na Si SP?

Katanungan,

Kasagutan, at Polio Ni Mabini

ni Gio dela Cruz

Saludo ako sa Heneral Luna. Hindi lamang ito isang napakahusay na pelikulang tumatalakay sa mga pagsubok at paghihirap ng nasabing heneral, o isang paglalarawan ng mga suliraning nadarama pa rin ng karamihan sa atin sa kasalukuyan. Nagtagumpay din ito sa pagbukas sa ating kasaysayan bilang isang larangan na maaring pag-usapan at talakayin ng panibagong henerasyon ng kabataang Pilipino. Pinakamalinaw ito sa pagbabansag kay Heneral Luna bilang


“Heneral Hugot” sa social media, salamat sa kanyang mga pamukawisip na kasabihan. Sa kabila nitong lahat, hindi rin naman mawawala ang paglitaw ng mga isyu sa lipunan, lalo na ang nangingibabaw na kultura ng anti-intellectualism. Isang halimbawa nito ay ang Facebook post ng isang estudyante na nagtatanong kung bakit nakaupo lang si Mabini sa kabuuan ng pelikula.

ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na usapan tungkol sa paksag ito, dahil agarang itinatakwil ang sino mang may mga kakaibang pananaw. Ang pananaw agad sa kanila at sa mga ideya nila ay panggulo sa sambayanan. Sa medaling salita, inaatake ang kanilang katalinuhan at inilalarawan bilang salot sa maayos at payapang lipunan. Bunga nito, wala na silang ibang magagawa kundi magkubli ng kanilang mga pananaw Madali lang naman sabihin at saloobin. na “bobo lang talaga eh,” o di kaya’y “wala kasing maayos na pagtuturo sa Sa kabilang dako naman, kanya.” Ngunit hindi nito sinasagato nakaaambag din ang kabaliktaran ang mas malalim na katanungan nito, o stupid-shaming. Ito ng bakit – Bakit nga ba hindi nila naman ay nagsisimula sa taong alam na paralitiko pala si Mabini? may tanong. Nakakalungkot lang Ang panlalait natin sa mga hindi makita na ang madalas na sagot nakakaalam ay mismong senyas sa mga tanong ay mga panlalait at na ng kaisipang itinuturi ang talino pangungutya sa talino ng bilang isang panganib. Panandalian nagtatanong. Sa halip na sagutin ng muna nating talakayin kung paano maayos ang tanong, maraming mga nagbunga at napalaganap ang “intelektwal” na aatake pa sa katauhan kulturang ito. Matagal nang ginamit at kabuhayan ng nagtatanong. Muli, ang anti-intellectualism bilang hindi na nagkakaroon ng maayos na paraan ng pagkontrol sa mga kuro- usapan dahil ang maari sana maging kuro ng karaniwang Pilipino, mula sa panimula sa diskusyon ay ginamit kolonisasyon ng Espanya hanggang nang paraan para magpamalas ng sa pagpapatupad ng Martial Law. Sa husay sa di-sapat na pagkakataon o kabuuan ng kasaysayan natin, ang konteksto. Dahil sa mapanghating mga matatalino ay madalas bansagan kaugalian sa parehong panig, bilang suwail, o delikado. Ang mga nagkakaroon ng kultura kung saan palagay at ideya nila ay isinasantabi kinakatakutan ang talino at nagiging bilang di-praktikal, o mas malala kampante ang mga tao sa kulang na pa’y sinasabing nakakapahamak sa kaalaman. seguridad ng lipunan. Malinaw naman na ito’y malaking Ngayon, paano napapagpatibay suliranin sa ating bansa. Subukan man ng smart-shaming ang kulturang natin na baguhin ang nakakapanirang ito? Nagsisimula ang lahat sa taong kaisipan na ito, hindi maiiwasan na may ideya. Ideyang kakaiba, o di may mga lumaban sa kahit anong sumusunod sa ideya ng karamihan. anyo ng pagbabago, dahil lang ayaw Sa oras na maibahagi ang ideyang ito, na nilang mag-iba pa sa nakasanayan. madalas ang unang tugon dito ay “ikaw Ngunit kung mabawasan natin, kahit na magaling!” Hindi na nabibigyan kaunti lang, ang mga taong umaayon


sa ganitong pag-iisip, maaring ito na ang maging paunang kislap sa apoy ng makabuluhang pagbabago. Pwede nga natin ito simulan sa sarili natin: kung sakaling may magtanong, sana’y sagutin natin ng magalang at maayos. Iwaksi natin sana ang kaisipang sadyang walang alam ang mga nagtatanong. Bilang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, may tungkulin tayong labanan ang anumang pipigil sa pagunlad ng lipunan natin, at taos-puso akong naniniwala na kung matugunan natin ang suliraning idinudulot ng kulturang antiintelektwal, ito’y isa nang napakalaking tulong para sa buong sambayanang Pilipino.

Isang Hakbang (Pasulong) *Bago simulang basahin ang artikulong ito, maari lamang sana na ako ay pahintulutang isalaysay ang aking subhektibong mga kaisipan nitong nakaraang lingo tungkol sa paksang tatalakayain. At maari po sanang ipagpaliban ang mga kritiko hanggang sa matapos basahin ang buong artikulo. Kahanay ng tema ng Buklod, umiikot sa aking kaisipan ang mga tanong na aking nilimi at binuo para sa isang personal na journal entry. Ang paksang nangungulit sa gitna nang katahimikan ng aking kalooban ay ang “masa”. Sa aking isip, pumasok ang tanong: ano ba ng masa? Siyempre, katulad ng mga kabataang laki sa “instant”, tinanong ko si Google kung ano ba ng masa. Pero dahil puro mass na patungkol sa agham ang lumalabas na resulta, pinagpasiyahan kong ipagpaliban muna na sagutin ang katanungang ito. Nadako naman ang aking isip sa isa pang katanungang maaring paglimihan: Para saan ba ng masa? Sa napapanahong isyu ng eleksiyon ito ang mga pumasok na kasagutan sa akin: para lamang ba silang mga kamay na nagaagawan sa mga sinasaboy na libreng T-shirt na may literato ng kandidatong tumatakbo? Para lamang ba silang mga uto-uto sa mga advertisement sa telebisyon na nagbabalatkayong makamasa tulad ng isa na walang nakitang background kundi itim? Higit sa lahat, para lamang ba silang mga listahan ng mga pangalang magpapanigurado sa pagkakasadlak ng isang kandidato sa upuan ng kapangyarihan?

ni Gianne Laisac

Bakit ba sila nagpapakamangmang? Hindi pa nila naiintindihan na ang niluluklok nila sa katungkulan ay iyong nanakawan sila at ibabalingwala ang kanilang mga tawag? Ngunit sa gitna ng aking mga maiinit na akusasyon aking naalala... Ang pagkakadiin ng lapis na aking ipinansusulat sa papel ay gumaan. Ano ba… sino ba ang mukha ng masa? Dumaan sa aking paningin ang mga imahe na hindi ko namalayang itinabi ko pala sa dulo ng aking gunita. Ang mga kabataang sumasampa sa umaandar na dyip at nag-iiwan ng envelope sa aking kandungan. Ang isang musmos na namamalimos panghapunan sa hagdan ng overpass nang ako ay pauwi galing sa Divisoria. Ang inay na akay ang kanyang anak sa bangketa. Ang pamilyang naghahanda sa pagtulog sa ilalim ng footbridge sa may kahabaan ng Quezon Ave. Mga kasambahay sa kabilang ibayo ng karagatan, kumakayod para sa pangmatrikula ng anak sa kolehiyo. Mga estudyanteng nakapila sa opisina ni chancy para humihingi ng tuition loan, marami ang lukot ang mukha at namomroblema. Mga mag-aaral ng lahat ng kulay na tutol sa 2.2B budget cut. Mga magsasakang naglakad ng kalayo-layo mula sa lupang sa kanila ay ipinagkakait. Mga lumad na lumikas sa mga ancestral lands na dapat ay protektado ng estado. Hindi maitatanggi, lahat sila ay mukha ng masa. Sa pagbukas ng aking isipan sa mga imaheng iyon, hinayan akong masilip sila sa kanilang konteksto. Oo nga pala, nasabi ko


ko sa aking isip. Karamihan sa masa ay ang mga walang oportunidad, mga pinagkakaitan at patulo’y na pinagkakaitan. Tumulo ang luha sa pahinang aking sinusulatan.

Ang kwento ng masa ay hindi purong masalimuot na trahedya. Totoong maraming naisasantabi, naapi at hinuhubran ng karapatan at kapangyarihan. Pero ang masa ay kolektibong mga tono na bumubuo ng Ako ang mangmang. isang kanta. Kung pinatototoo natin na unique ang bawat indibidwal, ganoon Heto’t nakalagay sa aking rin sa mga tono. Sa kanta lumilitaw ang sigsheet na ang greatest achievement mithiin ng masa: payapa at mabuting ko ay makapasok sa UP pero sa mga pamumuhay. oras na ito hindi man lumawak ang aking pangunawa. Nananatili akong Sa exhibit na inihanda ng mga mapanghusga habang wala namang tunay lets, makikita na pagkakaiba sa kasagutang na nalalaman. Mangmang ako sa mga inihandog ng mga nakapanayam naming pangyayari sa kanilang buhay pangaraw- miyembro ng masa: ang ice cream vendor araw. Mangmang ako sa hindi paggunita sa ASCAL, security guard sa LH, nurse, ng kanilang pinagmulan. kasambahay, family driver, OFW, tendera Sa aking pagtuligsa sa sarili kong kahinaan, sa overpass, saleslady at iba pa. Tinanong pumasok ang kaisipang nagparagasa ng naming kung paano sila magiging liwanag panibagong daloy ng kaisipan: “Ako ay sa dilim. Sa mga sagot na aming nakalap, parte ng masa.” Ako ay parte ng masa ang pinakanakakagising ng diwa na sagot kasama ang mga co-lets ko, ang mga kids. para sa akin ay galing sa kapatid nating Kasama ang aking mga kaklase at mga Lumad: propesor ko. Maging mga kasabay ko sa dyip na inaabutan ko ng aking bayad. “Kinakailangan nating kumilos upang makita natin ang tunay talaga na Tumalon ang aking isipan sa gusto natin; hindi natin makukuha ang panibagong ideya. Ako ay parte ng masa at panawagan natin, gaya ng panawagan ako ay may kwento. Malamang may kwento namin... sa pagpapapullout sa military rin ang mga co-lets ko, ang mga kids, mga sa kanayunan, kung uupo lang kami kaklase at mga propesor ko. Maging mga [tayo]. Kung lahat ng Pilipino magkakaisa kasabay ko sa dyip na inaabutan ko ng at gustong baguhin ang isang sistema, aking bayad. Lahat ng mga nakasalamuha magiging liwanag [tayo]... sa madilim na ko, ang mga nakasalamuha mo, bawat isa sistemang ito, na kung saan ang apektado ay may kwento. Kwento na hindi natin ang masang Pilipino… para makamit lubusang alam at naiintindihan dahil iba- natin ang tunay na kalayaan at tunay na iba ang mga indibidwal na pamumuhay demokrasya.” natin. Ngunit ang mga kwento natin ay pinaiikutan ng temang nagbubuklod sa Sa aking isip, Ito ba ang panimula aitn. sa silakbo ng diwang makamasa? Sa pagbisita ko sa kanila, nababad ako sa Marami ang miyembro ng masa, isang kakaibang karanasan. Sa kanilang may iba’t-ibang mukha at kwento. Ang kultura’t kwentong bayan. Sa kwento masa ay kadalasang hindi nagkakaisa. ng kanilang paghihirap sa ilalim ng Dahil nalululon ang bawat isa sa sarili paramilitary groups. Sa karanasang ito ko nyang balon ng problema. Pero sa ugong napagtanto na ito ang reyalidad. Habang ng magkakahalintulad nating mga kwento, tayo ay nagkakaroon ng diskurso tungkol ang pagkakawatak-watak ay naglalaho. sa masa sa loob ng kaligtasan sa ating Ang mga boses ay lumilitaw. Parang silid-aralan, ang mga kabataang lumad ay trapiko ng mga bulong ng mga kwento ng pinapalayas sa kanilang eskuwelahan na pag-alala, hinaing, pighati, biro, reklamo, sya ring isinara. tawanan, indignasyon at pangarap.


Sa loob ng ating mga silid-aralan,kung saan hindi natin lubusang alam ang kanilang kwento at hindi natin naramdaman ang kanilang pighati, kaydaling magbitaw ng mga salitang mapanghusga, magbigay ng mga kuro at hinuha sa paksang masa gayong tayo ay hiwalay sa kanilang konteksto. Parang isang scientist na nakamasid sa mga daga sa kulungan. Hindi tunay na makarealidad. Ang realidad ay naniningil ng lubusang pagkakababad sa kanya. Wala syang awa. Pinipilit nya na kailagan mong lunurin ang iyong sarili sa karagatan para lumawak ang iyong pagintindi. Bubuksan nya ang iyong isip, puso, at, higit sa lahat, kamalayan kung iyo lamang bubuksan ang iyong mata at tatanggalin ang takip sa iyong mga tenga. Sa masa pinakamainam na nasasalamin ang realidad. Indeed, the purest stories come from them. Ang mga kwento nila ay tunay na nakapaloob sa konteksto ng realidad. Tunay na nakababad sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino maging taga-Luzon, taga-Visayaz o taga-Minadanao man. Kung gayon, hindi ba kanais-nais na pagyamanin ang ating pag-intindi sa ating realidad sa pakikinig ng kwento nila? At sa paglawak ng ating realidad, ang pagtugon sa pangangailangan at interes ng masang Pilipino. Ako ay nagsasawa na sa mga kuro-kuro kong nababaon sa likod ng aking gunita; sa pamumuhay sa pamamagitan ng vita contemplativa. Gaya ng sabi ng kapatid nating Lumad, kailangan umaksiyon. Kung ang silakbo ay magsisimula sa isang aksiyon, sa pinakasimpleng aksiyon ng paghakbang, handa akong humakbang pasulong. Nanginginig ang tuhod, namamasa ang mga kamay, nangangatal ang bawat salita. Nais kong mabuhay sa realidad. At sa pagsusulat ko sa artikulong ito, sa pagpapasa ko nito para mabasa ng ibang tao‌ Pinapalaya ko ang aking sarili. Pinapalaya ko sa rehas na gawa ng pwersang wala sa aking kontrol at mga taling sarili kong gawa. Luha sa aking mata, ako ay hahakbang tungo sa pagpapalaya at pagsasakapangyarihan ng masa. Kung maari lang sana, ay hindi ako magisang hahakbang. Simula’t sapul, ang isang hakbang ay may halaga lamang ng isang hakbang. Ang masa ay hindi ako. Ako ay isang butil lamang ng bigas sa milyong-milyong Pilipinong bumubuo sa masa. Sana lahat tayo ay humakbang, humakbang muli’t muli. Magtutulungan sa susunod na mga hakbang, nakakapit-kamay, patungo sa bagong panahon ng pagbabagong-isip. ***** Aking hinuhubad ang asul na headphones na nakatakip sa mga tenga Bubuksan ng panibago ang mata, hahanapin ang kwento Nanginginig, nangangatal Sa silakbo ng mga damdamin, tayo’y hahakbang.


Papalitan ko pa sana ang kurtina, sapin, at punda ngunit hindi na makakilos, ubos na ang lakas said na ang loob, tumakas na ang hininga— heto na lamang ang aking ginawa: Binalutan ng nalulusaw na lotion Tinakpan gamit ang pantapal na foundation; Ikinubli sa ilalim ng patong-patong na filter. Di bale, maglilinis na lang akong muli kinabukasan.

General Cleaning

Linampaso ko naman gamit ang basahan, gamit ang bunot masalimuot na umindayog umatras-umabante, hanggang sa mangalay, hanggang sa mahapo, hanggang makamit ang asam na kinis— na hindi luminis, sa halip ay lumabo.

ni Keanne Samar

Kinula ko muna hanggang sa lumitaw ang mantsa saka ko kinuskos nang maigi, nang buong muhi Hinampas ko ng palo-palo nang buong gigil, buong galit Binuhusan ng tubig, binanlawan at saka pinigaan nang buong higpit, buong hinagpis— ngunit hindi isinampay, dahil nanatili ang kutim.


Kanlungan sa Ilalim ng Sa pagbukas ng bagong akademikong taon mga Tala Nasiyahan ako’t nabigyan ng pagkakataong ni Vera Ayo

Hinintay nang matagal ng panahon Ang matanggap sa inaasam na dorm

Pangalawang taon na sa unibersidad At naging maganda ang umpisa Dahil sa hinintay at naibigay na pag-asa Na matanggap sa Centennial Ngunit, sa paglalapit ng unang araw Nakita’t narinig ang mga hinaing at sigaw Ng mga kapwa isko’t iskang ‘Di tulad ko’y, hindi ipinalad Ginawang silungan ang malawak na damuhan Sa ilalim ng mga tala’y naghanap ng kanlungan Anong nangyari’t wala silang matir’han Anong nagyari’t ganyan ang kinahantungan Bumalik ang sa’kin ang nangyari sa nakaraang taon Nang ako’y ganoon din ang naging sitwasyon Mapalad na nga ako’t nakahanap kaagad ng solusyon At nakahanap ng ibang masisilungang bubong Freshie ako, galing Bikol - ikalimang rehiyon Umasa akong mabibigyan ng pagkakataong Maranasan ang kasiyahang sa’ki’y kinuwento Ng mga kaibigang nanirahan sa Kalayaan noon Nagulat ako’t pamilya ko sa balitang ‘Di na raw nila ako matatanggap Bilis bilis tuloy kaming naghanap Ng marerentahan, kahit mahal, basta’t may tirahan Ngayon akala ko ang lahat ay maayos na Mahinahon na akong makapag-uumpisa Ngunit sa mga nangyari’t ako’y nag-alala Para sa mga Isko’t Iskang walang wala talaga


‘Di ko alam kung bakit, ano bang kanilang dahilan At nagtanggap sila ng napakaraming maninirahan Bakit ako’y may nakikitang may mga kotse sumusundo sa harapan Samantalang ang mula sa malalayong bayan walang matirahan Buti na lang at umaksyon ang mga kapwa mag-aaral Tumulong, bumuhos at sumigaw nang mapakinggan Ng nasa taas at magbigay sana ng paraan Para mabigyan ang mga Isko’t Iska ng nararapat na tirahan Sulong sa pagsasakapangyarihan, sulong! Huwag makinig sa ibang tao’t kanilang mga binubulong Ang ating hinaing, tayo’y walang karapatang ibuhos Dahil sapat raw ang kanilang ibinibigay na gastos Sulong lang sa pagsasakapangyarihan Bigyan ng lakas ang bawat kapwang matatanaw Bilang mga pag-asa ng bayan Ang isa’t isa’y huwang nating pabayaan Isang maayos na tirahan ay pangunahing kailangan Upang maging maayos ang daloy ng buhay Upang maging maayos ang buhay mag-aaral Upang makatapos at sa gayo’y makapagbalik sa bayan Solusyo’y maibigay na sana kaagad Para ‘di na maulit ang ganitong kalagayan Maaliwalas man ang langi’t maliwanag ang buwan Ang mga tala’y hindi sapat na kanlungan



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.